Home / YA/TEEN / 'Till I Found You / Chapter 2: Wildest Dream

Share

Chapter 2: Wildest Dream

Author: Lauren H.
last update Huling Na-update: 2022-12-13 00:44:12

I am home for a month now. Masasabi kong sulit na sulit na ang bakasyon ko bago ako magsunog ng kilay sa eskwela. This year’s summer vacation is by far the best summer vacation I have had.

Nagpunta kami ni Hannah sa isang private island resort para mag-relax bago ang pasukan and we really enjoyed ourselves, lalong lalo na ang best friend kong si Hannah Banana dahil feeling niya na-meet na niya noong summer ang ‘The One’ ng buhay niya.

I was scanning photos taken at the Villa Sandejas, iyong private island resort na pinuntahan namin. I could not help but smile when I was able to scroll at a photo of the beautiful blue water of the sea. That photo reminded me of a one heck of an experience.

**************

Summer

Nakahiga ako sa duyan na nilililiman ng mga puno ng niyog. Relax na relax ako habang in-e-enjoy ang sariwang simoy ng hangin at pinapanood ang napakaganda at payapang dagat sa harapan ko.

Malinaw ang tubig ng kulay asul na dagat at nakakaaliw ang pinong-pino at kulay puting buhangin. Matatayog rin ang mga palm and coconut trees sa paligid na umiindayog sa tuwing umiihip ang sariwa at malamig ngunit banayad na simoy ng hangin.

Maaliwalas ang kalangitan at masarap pakinggan ang naggagandahang huni ng ibon sa paligid. I had my shades on para hindi ako masilaw sa liwanag na dala ng haring araw. As a ‘Welcome Home Gift,’ Kuya Red gave me a vacation trip here in Villa Sandejas.

Villa Sandejas is a private island in Luzon, which is a three hour boat ride from the main island of Ilocos Norte. May sariling ferry ang Villa na siyang magdadala ng mga guests dito sa isla mula sa pier. But if you’re feeling a bit more fancy, a good ol’ helicopter ride will get you here in only a couple of minutes.

Ayon sa information na nakuha ko sa Internet, maraming local and international celebrities ang nagpupunta rito. Malayo kasi sa maingay at magulong mundo ng totoong buhay. Villa Sandejas is the perfect place to go if you want to enjoy peace, nature and luxury.

Kontrolado ang dami ng tao na nakakarating sa isla dahil ang operation nila ay on reservation basis lamang. Hindi rin basta-basta ang makakuha ng reservation dahil kailangan mong makipag-unahan. Iyong iba nga kinailangang magpa-reserve one or two years before the vacation. Swerte lang ako kasi may kapatid akong galanteng magregalo kahit na medyo babaero.

“Lorryce!”

Napabalikwas ako noong marinig ko ang napakalakas na pagsigaw ng pangalan ko. Ginambala ng napakatinis niyang boses ang aking pagmumuni-muni.

“Easy Hannah, naririnig kita. Ano bang problema mo?” salubong ko sa kanya. Sa lakas ng boses niya, siguro kahit nasa kabilang isla ako ay maririnig ko ‘yong sigaw niya.

“Eh, kasi naman! I saw him na! Yeeeeiiipppp!” she giggled.

Ang singkitin niyang mga mata ay halos bumilog na. Kitang-kita sa mga ito ang excitement. Kapansin-pansin din ang pamumula ng mala-porcelana niyang kutis. Hindi lang pisngi ang namumula, as in buong katawan. Kapag gano’n na ang hitsura niya, ibig sabihin mataas ang lebel ng kanyang emosyon.

“Who?” I curiously asked

“The One!”

‘Di ko napigilang kumunot ang noo sa sinabi ni Hannah. “The who?” muli kong tanong sa kanya.

“The One!”

Umikot na lang ang mga mata ko kay Hannah. Akala ko naman kung ano. “Ewan ko sayo,” sabi ko saka bumalik sa pagkakahiga ko sa duyan.

“Grabe ka naman Lorryce! Akala ko ba BFFs tayo, eh, bakit parang hindi ka naman masaya para sa akin. Dapat sinasamahan mo na akong magbunyi dahil nakita ko na ‘yong ‘The One’ for me!”

Heto nanaman po kami. Ilang beses ko na bang na-witness si Hannah na hindi magkamayaw dahil nakakita ng gwapo? Hindi rin naman tumatagal ang pagkabighani niya, eh. Kumbaga sa pagkain, takaw-tingin lang si Hannah sa mga boys. Pero sige na nga, malay mo naman, ito na talaga si ‘The One.’

Itinaas ko ang aking ulo para balingan ng tingin si Hannah. “Okay. ‘The One?’ Sige nga, saan mo naman nakilala ‘yang ‘The One’ mo?” tanong ko.

“Ganito kasi ‘yan, kanina naglalakad ako palabas ng shower room. Tapos… Tapos… Tapos biglang niyang… tinabig ‘yong puso ko, nahulog tuloy sa kanya. Grabe BFF, ito na ‘yon! Ito na talaga ‘yon. Nagkatitigan kami tapos ayun na! Love happened. Aaaahhh! Nakakakilig, ‘di ba!”

Nakatingin lang ako sa loka-lokang best friend ko na halos ma-ihi na sa sobrang kilig. Hindi ko mapigilang matawa sa kanya.

“Hannah, mukhang malala na ‘yang tama mo, ah. Patignan na natin ‘yan BFF. Ipa-rehab kaya kita,” panunukso ko.

This time, siya naman ‘yong umikot ang mata sa akin.

“Hay naku Lorryce, ewan ko sa’yo. Pero tama ka, malakas nga ang tama ko sa kanya. Hahaha. Papayag akong magparehab, basta ma-confine ako sa piling niya, aaaayyeee chihcihci.”

Napa-iling na lang ako sa babaeng lutang sa harapan ko. Ano kayang tinira nito? Pahingi ako.

“Woohhhooo. ‘ma-confine sa piling niya’ ka diyan. Baka kapag nalaman mong marami pala kayo sa piling niya, masaktan ka lang,” hamon ko.

“Ai, tignan mo siya, oh. Ang bitter. Maniwala ka naman sa pag-ibig,” sabi niya.

“Pag-ibig agad? Hindi mo pa nga nakikilala, pag-ibig agad? Ai, oo nga, InstaLove na nga pala ngayon. Hwag kang mag-alala, lilipas din ‘yan, Hannah.”

“Ah! Whatever,” she said while waving her hand to brush off my retort.

“Oh my god!” narinig naming ang pabulong ngunit namamanghang bulalas na iyon.

“Is it me or summer just got hotter?”

Napalingon kami ni Hannah sa mga babeng nag-uusap sa ‘di kalayuan. Parehong halos malaglag ang panga ng dalawang babae. Ang isa sa kanila ay nakahawak pa sa kanyang dibdib na tila ba naghahanda siya para saluhin ang kanyang puso sakaling lumabas iyon mula sa kanyang katawan. Nakaturo naman sa dagat ‘yong kasama niya.

Nagkatinginan muna kami ni Hannah bago namin sabay na tinignan kung saan nakaturo ang babaeng iyon. Tulad nila, halos malalaglag rin ang mga panga namin ni Hannah Banana noong nakita namin ang isang lalaki na umaahon mula sa dagat.

Jusmiyo Marimar!

Ito ba ‘yong feeling ni Taylor Swift noong sinulat niya ‘yong, “he’s so tall, handsome as well. He’s so bad but he does it so well?”

Parang siyang naka-slow motion habang naglalakad papalapit sa pampang. Tumuwid ako ng upo at napatanggal ng shades para mas maayos kong masilayan ang lalaking iyon. Alam kong summer ngayon pero masyado naman na yatang mainit.

Kapansin-pansin ang matikas and magandang hubog ng katawan ng lalaking iyon. Hindi siya iyong tipong tatad ng muscles na parang body builder pero hindi rin naman siya sobrang payat. He’s got an athletic built with all his muscles in the right places. He was as if showing off his toned biceps while running his hands through his jet black hair, at the same time giving the ladies more leeway to take in the sight of his six pack abs. Nakadagdag pa sa sight of manliness ang kanyang sun-kissed skin.

Partida, malayo pa lang ‘yan, maglalaway ka na. Papaano pa kung lumapit.

“BFF! Nasa langit na ba ako?” namamangha kong tanong.

“Aray!” halos mapatalon ako sa sakit ng pagkakakurot ni Hannah Banana sa tagiliran ko.

“Did that answer your question?” she simply asked without taking her eyes off of the guy on the beach.

“Yeah,” I answered. Muli kong binalingan ng tingin ang lalaking iyon.

Grabe, para siyang magnet. Lapitin ng chix.

Mula sa kina-uupoan ko, kitang-kita ko ang pagpapapansin sa kanya ng mga babaeng nadaraanan niya.

Candidate number one!

Napatanggal ng balabal ng wala sa oras ang isang babae. She is wearing a red, backless, halter one piece swim suit. Sexy siya, in fairness. Ang liit ng waist line, tapos lumalaban rin ang boobs and booty. Halatang pinaghirapan ang katawan. Kahit saang angulo ko tignan walang bahid ng silicon.

Ngiting wagi ang lola mo noong napatingin sa kanya ang lalaki. She smiled at him. She even gave him a small wave, but I was surprised to see him walk past her without responding to her flirty guestures.

Hindi effective kay kyah ‘yong pang-FHM na katawan ni Little Miss Red Swimsuit. Mukhang masyadong mataas ang standards niya.

Candidate number two!

Baka ito pumasa. Matangkad si candidate number two. She is wearing a flowy maxi skirt na may mataas na slit. Pinaresan iyon ng puting lace string cropped top at beach hat na nakadagag sa class. Hinahangin-hangin pa ang skirt niya habang naglakad siya para salubungin ang lalaki.

Her long firm, tanned and flawless legs are peeping from the slit of her skirt. Sinadya niyang banggain ang lalaki, umakto pa itong natumba sa buhangin. The guy immediately helps her up. She is able to get the guy to talk to her. I can’t really make out what they talked about pero ilang segundo lang ang itinagal ng pagu-usap nila before he walked past her and never looked back.

Hindi rin effective ‘yong pang-Miss Universe na long legs ni ate girl.

Candidate number three!

She stands in the way of the guy, sinigurado niyang pumwesto siya sa isang lugar kung saan kitang-kita siya ng lalaki. She is wearing a black two piece crisscross, highwaisted swimsuit. The guy stopped when he saw candidate number three blocking his way.

She took that as a cue to let down her hair which was previously tied in a messy bun. She delicately shook her head to let her hair do the trick of seduction. Her beautiful face was complemented by the beach waves of her long brown hair, which was enhanced by caramel highlights.

I watched in anticipation if she will be able to succeed in seducing him. In the end, nothing happened. Just like what happened with the first two girls, waley rin ang pretty face at mala-shampoo commercial model na moves ni candidate number three.

“BFF! Yummy! Kaso Lorryce, suplado,” commento ni Hannah.

“I know right.”

Marami pang mga girls ang nangahas kunin ang atensyon ng lalaking iyon, pero walang nagtagumpay. Kasi naman, ang lalaking iyon pa yata ang Hari ng Dedma. Napa-isip tuloy ako. Artista kaya siya? Ang gwapo, eh. Sabi nga ni Hannah ‘yummy.’

Speaking of Hannah.

Napatingin ako kay Hannah na titig na titig pa rin sa lalaki kaya napangisi ako.

Siniko ko siya pero nakapako pa rin ang tingin niya sa lalaking iyon, “huy, anong nangyari kay ‘The One?’ Kinalimutan mo na agad? Naglalaway ka na yata diyan kay Mr. Yummy, ah,” pangbubuska ko pa.

“Grabe ka. I’m just admiring his yumminess. Ang puso ko ay para pa rin kay ‘My The One and Only,’” she simply said while still admiring Mr. Yummy.

Whatever.

Humiga na lamang akong muli sa duyan at nilanghap ang sariwang hangin.

Kaugnay na kabanata

  • 'Till I Found You   Chapter 3: First Day High

    I’m an incoming freshman at the Saint Peter’s University, home of the Victorious Kings. Actually, second year na dapat ako kaso na-late ako sa pagpasok kasi nag-punta pa ako sa Boston para lang magmove-on sa heartbreak. Kainis, ano? Medyo mababaw ako sa part na iyon pero I was young and naïve, at saka masakit, eh! Interior Design ang course na kinuha ko kasi I love Chemistry. … … Joke! Bata pa lang ako, mahilig na akong maglipat-lipat ng mga furniture sa dati naming bahay. Na-inspire rin ako sa mga napapanood kong home makeover shows sa paborito kong lifestyle channel. Pagdating ko sa dining area, naabutan ko si Mommy na inihahanda ang hapag kainan. Daddy already took his place at the head of the table. Kuya Red sat at Daddy’s left side while Mommy sat at Daddy’s righ. I was about to take my seat next to Kuya Red when I noticed the plate opposite mine. “Nini, coffee please,” tugon ng isang boses sa aming kasambahay. I was surprised to hear that calm but authoritative voice

    Huling Na-update : 2022-12-18
  • 'Till I Found You   Chapter 4 : Fashionista  

    Tumigil ang sasakyan ni Kuya Red ilang metro ang layo mula sa isang mala-palasyong building. The building is not too wide but it is tall. The exterior is made of bricks. The dominant color is beige but the edges of the bay windows and accents of the building are painted in red.The center of the building has a clock tower, while two narrower towers stand tall in the building’s left and right wings. Elaborate rin ang pagkakagawa ng mga decorative sculptures ng mga anghel na mas nagbibigay buhay sa istraktura.Bukod doon, parang nakaka-excite maglakad sa cobblestone pathway sa paligid.“That is the main building. Nandyan lahat ng offices ng school, pati ang main library. The left wing is occupied by the Humanities Department. Teacher Education naman ang nasa right,” pag-tuloy ni Kuya Red sa campus tour namin.All I can say is ‘Wow! Ang ganda.’Pagkatapos ng sight seeing sa main building, dumiretso na kami sa parking lot—sa napakalawak na open space parking lot. Hindi ko alam kung parkin

    Huling Na-update : 2022-12-20
  • 'Till I Found You   Chapter 5: Para-Paraan

    Pagkatapos kong magbihis, agad na naming hinanap ni Hannah ang aming classroom. Habang naglalakad kami, hindi ko mapigilang pa simpleng luminga-linga sa daan. Hanggang ngayon, nabibilib pa rin ako sa laki ng eskwelahang ito. Kaya naman pala dubbed as one of the most beautiful campuses in the world kasi malinis at maayos. Ni wala akong maipintas. Natanaw ko sa hindi kalayuan ang tarpaulin ng SPU Kings swim team. Naka-print doon ang kanilang ad para sa varsity try-out. Napangiti ako nang makita ko ang larawan ng isang Olympic swimming pool dahil isang alon ng alaala ang nagbalik sa aking isipan. ********************************* Summer Na-isipan namin ni Hannah na maglakad-lakad muna pagkatapos naming kumain. Napadpad kami sa pool area ng Villa Sandejas. Pinakamaingay sa may bandang kiddie pool kung saan nag-e-enjoy ang mga bata. Habang samay iilang mga guests naman ang nagswi-swimming sa katabing adult pool. Ang ilang guests a

    Huling Na-update : 2022-12-23
  • 'Till I Found You   Chapter 6: Somewhere Down the Road

    SPU has not yet failed to impress me. Unang tapak ko pa lang sa classroom namin, I was in awe.Maaliwalas ang aming silid-aralan. Kulay puti ang pintura ng dingding na ibinagay sa makintab na puting ceramic flooring. Ang ibabang bahagi ng mga dingding ay pininturahan ng kulay pula at lila bilang accent. May pintuan sa harapan at may pintuan sa likuran. Matatanaw pa ang open ground mula sa mga malalaking bintana sa kanang bahagi ng silid.Lecture Theater ang interior ng classroom. Sa tantsya ko, kasya ang hanggang isang daang estudyante rito. Three columns ang tiered seating arrangement. Sa pinakaharap ng classroom ay ang lecturer’s podium. Ang dingding sa harapan ay inokupa ng isang mahabang white board at sa itaas ng white board ay ang adjustable projector screen na ibaba lamang kapag may electronic presentation ang lecturer.Kalahati na ng silid ang napuno. Karamihan ay nasa harapan o kaya’y nasa gitna. Mangilan-ngilan lamang ang mga estudyanteng piniling umupo sa likuran. Hannah a

    Huling Na-update : 2022-12-25
  • 'Till I Found You   Chapter 7 : Bae

    Mabilis na inalis ng mga gwardya ang “Reserved” signage sa magkakatabing parking slots sa tapat ng tinatawag nilang Runway ng Agatha Griffiths building.“Hn, Lorryce, BFF, judging by the ‘who the heck are these guys’ expression written all over your face right now, you need a little bit of introduction.”Napalingon ako kay Hannah. She read my mind. I was actually asking myself who the heck are those guys and why do I feel like they run the school.“Unlike you, I did my homework, BFF. I looked into SPU’s Who’s Who List. Although karamihan ng mga estudyante rito ay high profile, meron pa ring mga faces to remember. Okay, let’s start with that guy.”She pointed at the guy who emerged from the convertible Audi.He is tall and ruggedly handsome. His spiky mohawk hairstyle put the ‘bad’ in ‘badboy!’ Bagay na bagay iyon sa kanyang hugis diamanteng mukha. Maganda ang kanyang kayumanging balat. Matikas rin ang tindig niya, full of confidence. Iyon bang tipong, alam na alam niyang gwapo siya.I

    Huling Na-update : 2022-12-27
  • 'Till I Found You   Chapter 8 : Close

    All of a sudden, all eyes were fixed on the fourth car which parked, a black and gold Lamborghini sports car. Ito ‘yong tipo ng sasakyan na lilingonin mo talaga kapag nakita mo; ‘yong magpapapicture ka pa sa tabi para mukhang ikaw ang may-ari. Pero malakas ang kutob ko na hindi ang sasakyan ang inaabangan ng mga tao. Kasi kahit ako, I was anticipating to have a glimpse of the one inside it.Pakiramdam ko bumagal ang ikot ng mundo noong bumukas paitaas ang pintuan ng sasakyan at bumaba roon ang nagmamaneho nito. Natulala pa ako sa kanya. I will not deny, he is indeed such a good-looking creature.Matangkad siya. Katamtaman ang laki ng katawan pero nakikita ko ang magandang hubog nito sa suot niyang itim na t-shirt at medyo hapit na itim na pantalon. Mukhang malakas ang kanyang mga braso dahil sa kanyang firm biceps. His broad shoulders are also easily noticeable.His wavy and curly medium-length hair looks so good on him. Kahit medyo magulo iyon, nagmumukha lang style. Napaka-effortles

    Huling Na-update : 2022-12-31
  • 'Till I Found You   Chapter 9 : Mambobola

    Summer “Come on!” Enrico stood and led me out of the hotel to finally start the day. Sinamahan niya akong mag-wake boarding at mag-SCUBA diving. First time kong gawin ang mga iyon at talaga namang nag-enjoy ako, nakaka-boost ng adrenaline! Saglit lang kaming nag-jet ski bago siya nag-aya na mag-zipline. Honestly, I am not a fan of heights. But like what they say, we must try everything at least once, ‘di ba? Noong una, okey lang naman sa akin na mag-zipline. Pero noong nakarating na kami dito sa site, biglang nag-sink in sa akin kung gaano kadelikado ang buhay ko sa activity na ito. Isasabit ako sa kable na ilang daang metro ang taas mula sa lupa, tapos gubat ang landing site incase worse comes to worst. Unti-unti kong naramdaman ang pagtagaktak ng pawis mula sa aking sintido, pati na rin ang panghihina ng mga tuhod ko. “Are you scared,” tanong ni Enrico. Napansin niya yatang kanina pa ako wala sa sarili ko. Hindi ako nakasagot pero sa loob-loob ko gusto ko nang umatras kasi,

    Huling Na-update : 2023-01-01
  • 'Till I Found You   Chapter 10 : Look What You Made Me Do

    I am all smiles while walking along the corridor going to my classroom while holding a cup of milk tea. Maaga pa naman, pero sabi nga nila, the early bird catches the worm. “Hi Lorryce,” bati sa akin ng isa sa mga classmates ko sa Math 1. “Hi,” I waved back. Another classmate smiled at me and I responded with a smile, too. I stopped as soon as I reached my destination. I opened the double door of my classroom while sipping from my cup, then lo and behold… Isang malutong na sampal sa mukha ni Marcus Aiden Enrique Rickson Sandejas ang eksenang bumati sa akin. Ilang metro lang ang layo nila sa akin. Of course, my eyes grew wide at that scene. I was not prepared for that! Palipat-lipat kina Marcus Aiden Enrique Rickson Sandejas at sa babaeng sumampal sa kanya ang paningin ko. Iyong fierce na expression sa mukha no’ng babae ay unti-unting lumambot. Her eyes are now pleading, looking straight into his eyes. “I wish I could say ‘I hate you’ to you right now,” she choked on her own word

    Huling Na-update : 2023-01-04

Pinakabagong kabanata

  • 'Till I Found You   Half Crazy

    Inilahad ni Enrico sa harapan ni Enrique ang dalawang bags ng Nike. Nang suriin ni Enrique, isang Air Jordan 1 at isang Lebron 10 and laman ng mga bag.“Kararating lang ni Dad galing business trip sa US. Pasalubong daw niya sa atin ‘yan. Ma-una ka nang pumili,” anunsyo ng nakatatandang si Enrico.Hindi napigilan ni Enrique ang mapangisi. “Hinintay mo talaga akong maka-uwi para papiliin ng sapatos?”Umiling si Enrico. “Huwag kang feeling. May tinapos lang ako, hindi kita hinintay.”Ang totoo, parehong gusto nina Enrico at Enrique iyong Air Jordan. Iyon nga lang, alam rin nilang pareho nilang gusto iyon kaya nag-aalangan sila sa pag-pili.“Air Jordan 1, Kuya. Ang tagal mo nang naghahap nito, and look, it’s our size… Pero papaano ba ‘yan, gusto ko rin.” Isang makahulogang tingin ang ipinukol ni Enrique sa kapatid pero hindi iyon pinatulan ni Enrico..“Eh, ‘di sa’yo na. Wala namang problema sa akin ‘yon. 'Yong Lebron na lang ang sa akin. Pero pahiram naman ako paminsan-minsan,” nakangitin

  • 'Till I Found You   Epilogue

    Pag-ibigLumapag na ang isang private charter plane sa runway ng NAIA.“Ah! It’s so good to be back home,” maligayang bulalas ng isang magandang babae habang inaalis ang aviator sunglasses mula sa kanyang mata. Liningon ng babae ang lalaking bumababa sa hagdanan ng sinakyan nilang private plane.“Hey Enrico! Lunch muna tayo sa Polo Club.”Ngumiti at tumango na lamang si Enrico bilang pagsang-ayon. Sinalubong ang dalawa ng kailang mga assistants nila na kumuha ng kanilang mga gamit. Hindi nagtagal, isang asul na Rolls Royce ang sumundo kina Enrico sa mismong runway ng paliparan.“Welcome home, Sir Enrico. Miss Margaux,” nakangiting bati ng chauffer.“Thank you, Billy. I’ll take it from here.”Tumango lamang ang chauffer na si Billy at ibinigay kay Enrico ang susi ng sasakyan. Inilagay na rin ng assistants sa trunk ng sasakyan ang maleta ng dalawa. Pumasok na sa driver side ng Rolls Royce si Enrico at binuksan naman ni Billy ang pintuan ng passenger side para kay Margaux.“Kailan ka sus

  • 'Till I Found You   Chapter 52: Ginebra Ako

    “Lorryce, I’m breaking up with you.”Muntik ko nang maibuga ang beer na iniinom ko sa sinabi ni Enrique. Hindi ko ma-iwasa ang bumaling sa kanya. He was staring at me dead serious.“Let’s break up,” ulit niya.Pinilit kong itulak ang beer na nasa bibig ko papasok sa aking katawan.“Huh?” was all that I can say. Bakit feeling ko disappointed ako na matatapos na itong pagpapanggap namin?Well, guess what, reality check is real, Lorryce Cologne Manansala Rivera.“Mildred knows. All this time, she knows.”Kung gano’n, wala palang kwenta iyong mga pagpapakasweet namin ni Enrique sa isa’t isa sa harapan ni Mildred. Alam naman na pala niya.“I-I’m sorry, E. Mukhang nagsayang tayo ng effort. Kung alam pala ni Mildred baka—”“No. Nag-usap kami. Sabi niya, naiintindihan na niya at tanggap na niya. We succeeded on my part of the deal. Gusto kong marinig mula sa’yo kung ako ba, nagtagumpay na tulungan kang makalimot sa ex mo?”Saglit akong natigilan sa tanong ni Enrique. Talaga bang seryoso siya

  • 'Till I Found You   Chapter 51: Let Me Be The One

    Mabilis na lumipas ang mga araw. Hindi ko namalayan na natapos na ang unang semester ko sa SPU. I can’t deny that my first semester in SPU was really fun and I am looking forward to my second.Two weeks ago, I took my final exams. Kahit na burntout kami sa dami ng mga last minute requirements, masaya pa rin ang experience. Sobrang thankful rin ako kay Enrique dahil tinulungan talaga niya ako sa ilan sa mga projects ko, lalong-lalo na sa Math. I don’t know how he did it but he made me a master of functions and derivatives in like two hours!I got a text from our class representative this morning. Ngayong araw ilalabas ang official grades namin. We can check it online but I opt to go to school and get my grade card. Ewan ko ba, basta gusto kong ma-experience iyong feeling ng pumila sa window ng Record’s Section para kumuha ng grade. Hindi naman hassel iyon kasi wala masyadong pila sa SPU at wala rin naman akong gagawin. I can’t hang-out with Hannah Banana kasi nasa Tagaytay sila ng fami

  • 'Till I Found You   Chapter 50 : Maybe This Time

    LorryceNandito kami ngayon sa bahay nina Ate Pia. Nag-invite kasi siya para sa isang dinner date bago kami sumabak sa final exams next week. We are here with her closest friends. Narito rin sina Enrique at ang mga kaibigan niya.Busy sa kitchen si Ate Jewel. Siya kasi ang incharged sa menu. Kahit may mga cook dito sa bahay nina Ate Pia, nagprisinta pa rin si Ate Jewel para magluto. Sinamahan namin siya sa kusina para tumulong. Nag-bo-bonding kaming mga girls dito sa kusina habang naghahanda ng dinner. Nasa pool side naman ang mga boys at nagchichismisan.Kanina lang rin namin nalaman ni Hannah na dito sa mansion nina Enrique nakatira si Ate Pia. Kaya naman hot topic para sa amin ni Hannah kung papaano nangyari iyon.“Sandali. Ate Pia, ikwento mo naman kung bakit dito ka nakatira sa bahay nina Enrique. Magkamaganak ba kayo?” tanong ni Hannah.“Hindi. Magkakaibigan ang parents namin. But my parents died when I was thirteen years old. Nag-crash ang eroplanong sinasakyan namin. Hindi na

  • 'Till I Found You   Chapter 49: We are Never Ever Ever Ever Getting Back Together

    LorryceNandito kami ngayon sa Blackhole. Nag-pa-party ang mga Peterfolks dahil sa pagkakapanalo ng Kings kanina. Nag-e-enjoy ang mga tao sa loob, sobrang hype nila. Sabagay, kahit naman ako naki-sali rin sa hype. Lumabas muna ako para magpahangin.“Hey beautiful.”I heared someone talk behind me. Pagkalingon ko, nakita ko si Zane na may hawak na drinks while smiling at me.You see, Zane is somewhat a two faced creature. Ang unang mukha niya ay isang alpha male na feeling God’s gift to women. Ang ikalawang mukha ay isang simpleng lalaki na sweet and caring, such a knight in shining armor. The second one is the Zane that I fell in love with; the one that only comes out when it’s just the two of us; the one that not a lot of people know; and also the one in front of me.“Iced Tea?” he offered. Kinuha ko naman iyon saka kami parehong naglakad ng kaunti papunta sa sasakyan niya at sumandal sa hood nito.“Anong ginagawa mo rito? No girls?” tanong ko.“Natalo kami kanina. I need a drink. Ma

  • 'Till I Found You   Chapter 48 : Nang Mag Champion ang Ginebra

    Lorryce Ang ganda ng laro nila! Nakakadala kasi hindi nanatili sa court ang laban. Kanya-kanyang patusada rin ang fans sa bleachers.Hawak ni Enrique ang bola, double teamed nina Zane at no’ng pinakamalaki sa mga players ng Aragon. Noong mag-shooshoot na si Enrique, hinarangan siya ng kanyang dalawang bantay tapos nagkasikuhan. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari pero binundol ako ng matinding kaba noong nakita ko ang pagbagsak ni Enrique.Unti-unting natahimik ang buong gym. Pakiramdam ko, nasa lalamunan ko na ang aking puso noong naglabas ng stretcher ang medic para kay Enrique. Gusto ko siyang daluhan doon at alamin kung kumusta siya. Pero hindi ko naman kailangang lumapit doon para malaman na nasasaktan si Enrique. I heard him grunt in pain a couple of times. I think he is just trying to look tough even though his feet really hurts bad.Nanatili siyang nakahiga sa sahig at tinitiis ang sakit, kitang-kita sa pagkusot ng mukha niya, habang dahan-dahan siyang inaayos ng medic sa

  • 'Till I Found You   Chapter 47: Get ‘Cha Head ‘n the Game

    “So—Sorry,” nauutal kong paumanhin.Suddenly, his expression softened. Napayuko siya saglit at kinalma ang sarili.“Sorry din, napagtaasan kita ng boses.”He tried to be cool about this but I can still feel his nerves. Naguilty naman ako bigla. I tried to explain.“No, Enrique. Kaya ko lang naman siya naalala kasi—”“Lorryce,” he called my name exhaustedly to cut me off.“Sandali kasi patapusin mo muna ako,” agad-agad kong sabi.Wala na siyang nagawa kun’di makinig.“Masakit iyong naging ending namin ni Zane. Sinaktan niya ako ng maraming beses sa loob ng matagal na panahon. Pero kung papipiliin ako ngayon, ayaw kong burahin ang mga alaala namin kasi ‘yong ending lang naman ang masakit, eh. ‘Yong simula at saka ‘yong in between punong-puno ng mga magagandang alaala and those memories are worth keeping. Kaya ayaw ko siyang kalimutan. ‘Di bale nang may malungkot na alaala, basta manatili iyong mga masasaya.”Tinignan ko si Enrique. Nakatingin siya sa malayo. Kahit madilim nakikita ko an

  • 'Till I Found You   Chapter 46 : Kalawakan

    Lorryce“Lorryce!”Nang lumingon ako pinanggalingan ng isang pamilyar na boses nakita ko si Enrique na tumatakbo palapit sa akin. Ginabi na ako dito sa SPU dahil may hinanap akong libro sa library. Hindi pa nga ako tapos sa ginagawa ko pero kailangan ko nang umuwi kasi inabutan na ako ng closing sa library.Hinihingal pa si Enrique nang makarating sa aking harapan. Naka demin pants siya at puting t-shit. Suot niya rin ang kanyang SPU Kings jacket at nakasabit sa balikat niya ang kanyang duffle bag. Halatang galing siya sa basketball practice.“Uwi ka na?” hinihingal niyang tanong.“Oo. Okay ka lang ba?” balik na tanong ko.“Oo naman.”Ilang segundo muna siyang nagpahinga tapos noong nakapaghabol na ng hininga, agad siyang tumingin at saka ngumiti sa akin.“Coding ka? Hatid na kita!” masigla niyang sabi.“Ha? Hindi na ‘no, ang layo ng bahay namin sa inyo. Okay lang ako, magta-taxi na lang ako.”Tumanggi ko pero parang hindi yata niya narinig ang mga sinabi ko. Pumunta siya sa likod ko

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status