Hindi rin natuloy ang sabay na pagkain namin ni Thauce dahil mayroon biglaan emergency meeting na kailangan siya. Napapadalas 'yon pero kung tutuusin ay maaga pa naman, wala pang oras talaga ng mismong lunch nila. Napatingin ako sa oras at 10:45 am pa lang. Sinabi ni Thauce na huwag ko na siyang hintayin at kumain na ako dahil tiyak daw na aabutin ng higit sa dalawang oras na wala siya. Sumang-ayon naman ako. Kumakalam na rin ang sikmura ko dahil pancake na iniluto niya lang kanina ang kinain ko. Breakfast from bed. Grabe rin naman ang pagka-sweet ni Thauce. At habang narito nga ako sa kusina ay patingin-tingin ako sa cellphone ko, nag-reply na pala si Seya sa akin at tatawag na raw siya kaya ito at inaabangan ko. Marami akong gustong itanong, na-miss ko siya talaga. Hindi rin naman kasi kami madalas na magkausap nung nasa isla ako dahil nga hinahayaan ko na siya mismo ang tumawag sa akin at magmensahe. Paminsan-minsan kapag nami-miss ko ay ako na ang tumatawag pero narealize ko
Kinakabahan ako habang hinihintay ko si Thauce. Ilang araw na kasi ang nakalipas, pagkatapos ng pag-uusap namin ni Seya ay nagpadala siya ng mensahe sa akin. Ngayon-ngayon lang. Biglaan 'yon, walang anu-ano ay tinanong niya ako. "Ate, wala ka naman itinatago sa akin, 'di ba?"Ang kabog ng dibdib ko. Hindi kaya nalaman niya sa iba na may relasyon kami ni Thauce? kasi imposibleng ang tungkol sa kasunduan ang malalaman niya dahil kami lang ni Thauce ang nakakaalam ng tungkol doon, kahit si Lianna ay hindi alam 'yon.Napaupo ako sa gilid ng kama at napatingin sa oras. Alas-kwatro y medya na ng hapon. Alas-singko ay ang tapos ng trabaho ni Thauce. Nagtanong na ako kung anong oras siya uuwi, gusto ko nang sabihin ngayon mismong gabi ang tungkol sa amin na dalawa. Ewan ko ba, pagkatapos kasi nung huling usap namin kasama si Hermi ay naduwag ako at hindi ko namalayan na lumipas na ang ilang araw."Nakaramdam ba si Seya? baka sa mga sagot ko sa kaniya?"Magaling rin kasi ang kapatid ko na 'yo
Nakuha na naman ako ni Thauce sa mga matatamis niyang salita na mas matamis pa sa kaniyang ice cream. Ang usapan namin ay kakausapin si Seya ngnayong gabi, magluluto pa nga dapat pero paanong narito na kami ulit sa silid namin na dalawa? siya at ako, hubad at nasa ibabaw ng kama, patuloy sa paghahalikan."Thauce... si S-Seya kakausapin pa natin, bilisan na lang natin dito..."Nakikiliti ako sa pahalik-halik niya sa aking leeg. Ang bilis nga, pagkatapos lang ng unang halik niya dahil sa pagtikim ng ice cream sa bibig ko ay nasundan na 'yon ng paghaplos niya sa katawan ko. Pero bago naman kami maaakyat ulit dito sa kwarto, tinanong niya ako."Can we do it again?Nakagat ko ang pang-ibabang labi, ang layo na niya sa Thauce noon na nakilala ko."We will talk to Seya later, baby. After all, I think ice cream helps you feel good."Umangat ang tingin niya sa akin, nang magpantay ang aming mukha ay kinurot ko ang pisngi niya. Napanguso ako at siya naman ay hinuli ang aking kamay."Mukhang ikaw
Nagsimula lang kami sa pag-iisip ko tungkol kay Seya. Nais kong sabihin namin kaagad ni Thauce dito ang totoo ngayong gabi rin pero sa tingin ko ay hindi ko na mababago kung ano ang gusto niyang gawin. Lalo at ang init ng kaniyang tingin sa akin ay hindi nagbabago. Ang bawat paghaplos ng mga palad niya sa katawan ko ay nagdadala ng pakiramdam sa akin na tototohanin niya ang nais na hindi lang isang beses ang may mangyayari katulad ng hinihingi ko. "A-Ahh..." da'ing ko habang nasa kaniyang kandungan. Nakasandal siya sa headboard ng kama habang tinuturuan ako sa pagkilos. Nang sabihin niya sa akin kanina na gawin ito ay nahiya talaga ako! lalo nang ako ang pakilusin niya! "Oohhh... Hmm..." Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi habang sa bawat pagbaba ko ay sumasagad ang kaniyang pagkalalake sa akin. "Fck, yes." Wala akong tigil, mahigpit na hawak ni Thauce ang gilid ng baywang ko habang patuloy ako sa pagkilos sa kaniyang kandungan. Nilukob na ng init ang buong pagkatao ko, hindi
Ang sama ng tingin ko kay Thauce habang siya ay ngingiti-ngiti habang naghahanda ng tanghalian namin na dalawa. Pumayag na ako na ngayon namin kakausapin si Seya, pero hindi ako kaagad nagising! alas dos na nang tumingin ako sa oras! At ang dahilan? sino pa ba? "It's not like I am the only one who enjoyed it," sagot pa niya. Ubos na ubos ang lakas sa kaniya. Parang hanggang ngayon ay nanghihina pa ako sa naganap sa amin. "Naisahan mo ako," iritadong sabi ko naman at nagsalumbaba. Ito daw ang bayad niya sa akin dahil nga nasobrahan daw ang ginawa niya at napagod ako. Siya ang magluluto ng pagkain namin na dalawa. Buti naman dahil wala rin talaga ako sa mood. Pero nang may maalala ako kagabi ay tumingin ako sa kaniya. Ang tanda ko ay may inabot siyang papel sa akin at pinirmahan ko yon sabi niya na para raw sa medikasyon ni Seya. “Ginising mo pa ba ako kagabi?” Pagod na pagod ako para maalala. “Hmm? No,” sagot naman niya. Ahh baka panaginip lang. Nang makayari si Thauce ay ako n
Mabuti na lang at tinotoo naman ni Thauce yung sinabi niya na ‘mabilis’ lang. Akala ko pa nga ay balak pa niya na ituloy pagkalabas namin sa bathroom pero hindi naman pala. Naku, talagang kailangan kong masindak minsan itong si Thauce. Pansin ko na ilang beses na rin siyang tanghali na pumapasok at maaga naman kung umuwi.Kahit na siya ang CEO o may pinakamalaking share sa kumpanya ay dapat na maging maayos pa rin siya sa trabaho dahil siya ang tinitingnan ng mga empleyado niya.“Are you nervous?” tumabi si Thauce sa akin sa sofa, nasa harap na namin ang laptop niya at iyon ang gagamitin namin upang makausap si Seya, kay Doc Ariq na rin siya tatawag dahil ‘yon ang gusto ng kapatid niya.Baka tulungan rin kami magpaliwanag? Kasi may alam rin si Doc. Ariq sa mga nangyari.At ngayon nga ay hinihintay na lang namin na maging available si Seya. Nasabihan ko na ang kapatid ko na mag-uusap kami ngayon, pero iyong normal na kamustahan lang. Hindi ko ipinahalata ang nais kong pag-usapan,
Hindi ba sila okay? kung hindi ay ano ang dahilan para magkaganito ang kapatid ko? isa pa, napakalinaw ng pagkakarinig ko sa sinabi ni Seya na hindi ako makapaniwala na siya yung nagsalita.At tinawag niya lang sa pangalan nito si Dr. Ariq! Ano ba ang nangyari sa kanilang dalawa? ngayon mas nagiging malinaw sa akin na nagkaroon nga sila ng problema, at mukhang hindi lang ito sa dahilan na umuwi si Dok para sa kumpanya ni Thauce.Mayroon pa at iyon ay sa pagitan nila ng kapatid ko."Seya," seryoso ko naman na tawag. Hindi pa rin siya nagsasalita at wala ang tingin sa akin. Ngayon ko lang siya ulit nakita na ganito."Tumingin ka sa akin, Seya."Nakita ko ang pagkibot ng mga labi niya, hindi naman na nagtagal ay tumuon na ang mga mata niya sa akin. Naroon pa rin ang inis sa kaniyang mukha at hindi 'yon maipinta. Nang balingan ko si Dr. Ariq ay ngumiti ulit ako ng tipid sa kaniya."Pasensiya na Dok sa inaasal ng kapatid ko--""Ate! why are you saying sorry? kasalan niya 'yon!"Bigla akong
"Ano ang ipinagawa mo sa ate ako?" Ngayon ay may kalakip nang galit ang tono ng boses niya. Ako na sana ang sasagot non, ipagpapatuloy ko na ang pagsasabi sa kaniya ng mga nangyari pero nagsalita si Thauce. "I told her to make Errol fall in love with her so that I could take Lianna's love and attention." Diretso, at hindi pautal-utal. Wala ring bahid ng kaba sa boses niya. Seryoso si Thauce na nakatingin lang sa kapatid ko. "Alam mo na may gusto na non si Kuya Errol kay ate..." Hindi makapaniwalang sabi ni Seya. Iba na ang tingin niya ngayon kay Thauce kaysa kanina, ang galit sa mga mata niya ay naroon at hindi ko iyon nagugustuhan. Dahil kahit pa mali ang mga ginawa ni Thauce, naramdaman ko na pinagsisihan niyang lahat 'yon. "That's why I offered Zehra Clarabelle a three-month contract. I want Lianna to see na wala na siyang aasahan kay Errol. Zehra needs to stay with Errol--" "M-Masama ka pa lang tao... gumagamit ka ng inosente para sa mga gusto mo." Napasinghap ako sa mga bi