Hindi ba sila okay? kung hindi ay ano ang dahilan para magkaganito ang kapatid ko? isa pa, napakalinaw ng pagkakarinig ko sa sinabi ni Seya na hindi ako makapaniwala na siya yung nagsalita.At tinawag niya lang sa pangalan nito si Dr. Ariq! Ano ba ang nangyari sa kanilang dalawa? ngayon mas nagiging malinaw sa akin na nagkaroon nga sila ng problema, at mukhang hindi lang ito sa dahilan na umuwi si Dok para sa kumpanya ni Thauce.Mayroon pa at iyon ay sa pagitan nila ng kapatid ko."Seya," seryoso ko naman na tawag. Hindi pa rin siya nagsasalita at wala ang tingin sa akin. Ngayon ko lang siya ulit nakita na ganito."Tumingin ka sa akin, Seya."Nakita ko ang pagkibot ng mga labi niya, hindi naman na nagtagal ay tumuon na ang mga mata niya sa akin. Naroon pa rin ang inis sa kaniyang mukha at hindi 'yon maipinta. Nang balingan ko si Dr. Ariq ay ngumiti ulit ako ng tipid sa kaniya."Pasensiya na Dok sa inaasal ng kapatid ko--""Ate! why are you saying sorry? kasalan niya 'yon!"Bigla akong
"Ano ang ipinagawa mo sa ate ako?" Ngayon ay may kalakip nang galit ang tono ng boses niya. Ako na sana ang sasagot non, ipagpapatuloy ko na ang pagsasabi sa kaniya ng mga nangyari pero nagsalita si Thauce. "I told her to make Errol fall in love with her so that I could take Lianna's love and attention." Diretso, at hindi pautal-utal. Wala ring bahid ng kaba sa boses niya. Seryoso si Thauce na nakatingin lang sa kapatid ko. "Alam mo na may gusto na non si Kuya Errol kay ate..." Hindi makapaniwalang sabi ni Seya. Iba na ang tingin niya ngayon kay Thauce kaysa kanina, ang galit sa mga mata niya ay naroon at hindi ko iyon nagugustuhan. Dahil kahit pa mali ang mga ginawa ni Thauce, naramdaman ko na pinagsisihan niyang lahat 'yon. "That's why I offered Zehra Clarabelle a three-month contract. I want Lianna to see na wala na siyang aasahan kay Errol. Zehra needs to stay with Errol--" "M-Masama ka pa lang tao... gumagamit ka ng inosente para sa mga gusto mo." Napasinghap ako sa mga bi
Ang gaan ng pakiramdam ko pagkatapos namin na masabi kay Seya ang totoo. Wala na akong pangamba pa na baka magalit siya o hindi tanggapin si Thauce, iyon nga lang... mukhang hindi na ganoon 'kabait' ang tingin niya sa Kuya Thauce niya lalo pa at nang mag-usap sila kahapon ay inis ang nakita ko sa mukha ni Seya. Pero nang kausapin ko siya nang kami na lang ay sinabi naman niya sa akin na masaya siya pero sa ngayon daw naiinis pa siya sa inasal ni Thauce. Nauunawaan ko naman dahil nga hindi normal na trabaho pala ang ibinigay nito sa akin. Akala ni Seya ay sa opisina lang nito. Tapos na at nalaman na ni Seya... Si Lianna at si Errol, alam ko na kailangan ko rin sabihin sa kanila ang totoo. Hindi ko pa 'to nababanggit kay Thauce, lalo na ang pagkausap kay Errol dahil alam ko na talagang hindi siya papayag pero kailangan. Ang lahat ng taong apektado at damay sa kasunduan namin, kailangan ng mga ito malaman. "Do you have plans for today?" Nang marinig ko ang boses ni Thauce ay napaling
Hindi ko nagamit ang black card na ito dati. Pero akala ko ay spare card niya lang ito. Nang lumapit sa akin si Thauce ay iginilid niya ang hawak na paperbag at hinapit ako sa baywang. Ang lapit ng kaniyang mukha sa akin na naduduling na ako sa pagtingin sa kaniya. "Uh, sigurado ka na okay lang gamitin ko?" paniniguro ko, medyo nailang pa ako sa lapit namin dahil nga kagigising ko lang at tiyak amoy pa sa hininga ko ang kinain namin kanina. Pero imbis na sagutin naman ako ni Thauce ay sa mismong harapan ni Adriano ay bigla naman niyang siniil ng halik ang mga labi ko. Hindi 'yon mabilis. Napakapit ang isang kamay ko sa kaniyang batok, umakyat sa buhok at di kalaunan ay sa braso niya. At nang maramdaman kong mas palalim ng palalim ang halik ay ako na mismo ang lumayo dahil mahuhuli na siya sa trabaho. "T-Thauce," tawag ko sa pangalan niya. Hinabol naman niya ang mga labi ko at hinalikan muli pero siya na rin ang unang humiwalay. Ngumiti siya sa akin ng malawak, pagkatapos ay tumungo
"Iniisip kaya ni Thauce na kung makikipagkita ako kay Lianna ay baka kasama nito si Errol?" Posible rin kasi 'yon. Ang ayaw naman niya ay makausap ko pa si Errol. Pero hindi naman pwede, kailangan ko pa rin maamin dito at kay Lianna ang tungkol sa kasunduan. Nang sinabi ko kay Lianna na ako na ang bahala kay Thauce ay nagreply lang siya ng sige. Hindi na ako nag message pa non at naggayak na ako ng damit ko. Simpleng straight cut navy blue jeans and white top ang kinuha ko. Sa tuwing mapapatingin ako dito sa mga damit ko ay napapangiti na lang rin ako. Katabi nito ay yung kay Thauce na. Ang totoo, pagkarating namin dito sa bahay niya nang mangyari nga yung aksidente ay lahat ng gamit ko sa guest room ay narito na. Pati mga sapatos, skincare na binili niya, toothbrush, lahat-lahat ng mga gamit ko. May mga alahas pa nga, may sarili rin akong laptop. At yung mga damit ko mula sa pang-alis, pambahay, pang formal pa nga ay nakaayos na rin sa cabinet. "Para na kaming mag-asawa nito talag
Bumili ako ng mga regalo katulad ng sinabi ni Thauce bago ako makarating sa Dapdap West. Nakapag-withdraw na rin ako ng pera nang huminto kami ni Adriano kanina sa isang convenience store. Ngayon ay kararating lang nga namin, hawak ko ang mga paperbag ng mga damit na mabilis ko lang pinili kanina at si Adriano naman ay mga bilao ng pagkain. Mga kakanin at ilang putahe ng ulam na nakita ko kanina sa palengke. Habang naglalakad kami papasok ay na-miss kong bigla itong lugar. Parang isang taon na yung nakalipas at parang ang tagal na ng huling punta ko dito. Tanda ko ay yung pags-shopping namin ni Lianna kasama si Errol. Pagkatapos non ay wala na akong balita pa sa Dapdap. Hindi ko na rin nakausap si Lea. At nang makarating na nga kami sa harapan ng bahay nila Lea ay tumanaw ako sa loob. Aba! mayroon nang gate itong harapan nila at maayos na maayos na. Lumago na rin itong tindahan nila sa looban. Kamusta kaya yung sa palengke? "Pabili po," kunwari ay sabi ko. At hindi nga nagtagal ay n
Kung iisipin nga, iba ang paraan ng pakikipag-usap ni Thauce kahit sa mga kaibigan niya, kahit nga kay Lianna. Nakita ko rin ang kaibahan sa tuwing kakausapin niya ako simula nang magkarelasyon na kami. At nauunawaan ko na iba talaga siya sa akin sa reaksyon ni Tristan non at sa gulat rin sa mukha ni Doc. Ariq nang makita kung gaano ka-clingy sa akin ang kapatid niya."Don't tell me hindi ka natakot noong una kay Mr. Cervelli? oo, gwapo siya talaga, makalaglag panty pero, Zehra, iba talaga yung aura niya! yung parang mga mafia-mafia sa mga binabasa ko na novel. ‘One word and I’ll kill you’ ganon ang sinasabi ng mga mata niya.""Ay, hindi naman, Lea. Pero oo, inaamin ko noong una may takot rin ako kay Thauce. Totoo naman 'yon, masungit kasi siya at suplado."Pero hindi 'yon naging naging hadlang para hindi mahulog ang loob ko sa kaniya.“Naku, siguro sa ‘yo!”Napainom akong bigla tuloy sa juice. Naisip ko, kung tutuusin sa mga ginawa ni Thauce sa pang-iipit sa sitwasyon namin ni Seya,
Ipinikit ko ang mga mata ko habang namamahinga. Alas sais na ako magpapasundo kay Adriano. Sinabi ko naman na kay Thauce kanina na baka nga gabihin na ako ng uwi. Siya ay binilinan ko nang wag mag-isip at uuwi naman ako."Takot rin na hindi ko siya uwian, eh," nakangiti ako habang nakapikit ang aking mga mata nang sabihin ko 'yon. Pero nang makarinig ako ng mga yabag ay akala ko si Lea na kaya napadilat ako. Pero hindi pala."Ayan. May nakapagsabi sa akin na nakauwi ka na nga raw. Akala ko ay talagang tinakbuhan mo na ang responsibilidad mo dito sa apartment."Salubong ang mga kilay ng babae na nasa harapan ko. Tumayo ako ng tuwid. Si Ma'am Jineth. Kahit na nakaramdam ako ng inis sa mga nalaman ko kay Lea kanina ay ngumiti pa rin ako dito at sumagot ng maayos."Magandang hapon po. Pasensiya na po kung hindi ako kaagad nakapagsabi na mawawala--""Pasalamat ka mabait ako at hindi ko ipinatapon sa labas ang mga gamit mo noon at pasalamat ka mabait ang kaibigan mo na si Lea kung hindi ay t