"Iniisip kaya ni Thauce na kung makikipagkita ako kay Lianna ay baka kasama nito si Errol?" Posible rin kasi 'yon. Ang ayaw naman niya ay makausap ko pa si Errol. Pero hindi naman pwede, kailangan ko pa rin maamin dito at kay Lianna ang tungkol sa kasunduan. Nang sinabi ko kay Lianna na ako na ang bahala kay Thauce ay nagreply lang siya ng sige. Hindi na ako nag message pa non at naggayak na ako ng damit ko. Simpleng straight cut navy blue jeans and white top ang kinuha ko. Sa tuwing mapapatingin ako dito sa mga damit ko ay napapangiti na lang rin ako. Katabi nito ay yung kay Thauce na. Ang totoo, pagkarating namin dito sa bahay niya nang mangyari nga yung aksidente ay lahat ng gamit ko sa guest room ay narito na. Pati mga sapatos, skincare na binili niya, toothbrush, lahat-lahat ng mga gamit ko. May mga alahas pa nga, may sarili rin akong laptop. At yung mga damit ko mula sa pang-alis, pambahay, pang formal pa nga ay nakaayos na rin sa cabinet. "Para na kaming mag-asawa nito talag
Bumili ako ng mga regalo katulad ng sinabi ni Thauce bago ako makarating sa Dapdap West. Nakapag-withdraw na rin ako ng pera nang huminto kami ni Adriano kanina sa isang convenience store. Ngayon ay kararating lang nga namin, hawak ko ang mga paperbag ng mga damit na mabilis ko lang pinili kanina at si Adriano naman ay mga bilao ng pagkain. Mga kakanin at ilang putahe ng ulam na nakita ko kanina sa palengke. Habang naglalakad kami papasok ay na-miss kong bigla itong lugar. Parang isang taon na yung nakalipas at parang ang tagal na ng huling punta ko dito. Tanda ko ay yung pags-shopping namin ni Lianna kasama si Errol. Pagkatapos non ay wala na akong balita pa sa Dapdap. Hindi ko na rin nakausap si Lea. At nang makarating na nga kami sa harapan ng bahay nila Lea ay tumanaw ako sa loob. Aba! mayroon nang gate itong harapan nila at maayos na maayos na. Lumago na rin itong tindahan nila sa looban. Kamusta kaya yung sa palengke? "Pabili po," kunwari ay sabi ko. At hindi nga nagtagal ay n
Kung iisipin nga, iba ang paraan ng pakikipag-usap ni Thauce kahit sa mga kaibigan niya, kahit nga kay Lianna. Nakita ko rin ang kaibahan sa tuwing kakausapin niya ako simula nang magkarelasyon na kami. At nauunawaan ko na iba talaga siya sa akin sa reaksyon ni Tristan non at sa gulat rin sa mukha ni Doc. Ariq nang makita kung gaano ka-clingy sa akin ang kapatid niya."Don't tell me hindi ka natakot noong una kay Mr. Cervelli? oo, gwapo siya talaga, makalaglag panty pero, Zehra, iba talaga yung aura niya! yung parang mga mafia-mafia sa mga binabasa ko na novel. ‘One word and I’ll kill you’ ganon ang sinasabi ng mga mata niya.""Ay, hindi naman, Lea. Pero oo, inaamin ko noong una may takot rin ako kay Thauce. Totoo naman 'yon, masungit kasi siya at suplado."Pero hindi 'yon naging naging hadlang para hindi mahulog ang loob ko sa kaniya.“Naku, siguro sa ‘yo!”Napainom akong bigla tuloy sa juice. Naisip ko, kung tutuusin sa mga ginawa ni Thauce sa pang-iipit sa sitwasyon namin ni Seya,
Ipinikit ko ang mga mata ko habang namamahinga. Alas sais na ako magpapasundo kay Adriano. Sinabi ko naman na kay Thauce kanina na baka nga gabihin na ako ng uwi. Siya ay binilinan ko nang wag mag-isip at uuwi naman ako."Takot rin na hindi ko siya uwian, eh," nakangiti ako habang nakapikit ang aking mga mata nang sabihin ko 'yon. Pero nang makarinig ako ng mga yabag ay akala ko si Lea na kaya napadilat ako. Pero hindi pala."Ayan. May nakapagsabi sa akin na nakauwi ka na nga raw. Akala ko ay talagang tinakbuhan mo na ang responsibilidad mo dito sa apartment."Salubong ang mga kilay ng babae na nasa harapan ko. Tumayo ako ng tuwid. Si Ma'am Jineth. Kahit na nakaramdam ako ng inis sa mga nalaman ko kay Lea kanina ay ngumiti pa rin ako dito at sumagot ng maayos."Magandang hapon po. Pasensiya na po kung hindi ako kaagad nakapagsabi na mawawala--""Pasalamat ka mabait ako at hindi ko ipinatapon sa labas ang mga gamit mo noon at pasalamat ka mabait ang kaibigan mo na si Lea kung hindi ay t
"Thauce, bayad na ang renta. Hindi mo naman kailangan bilhin 'tong apartment. A-Ano naman ang gagawin mo dito?" Hindi ko ba alam kung dahil sa galit lang niya kay Ma'am Jineth kaya niya 'yon sinabi pero kasi... Sinulyapan ko ang pera na nasa gilid namin. A-Ang dami non, punong-puno ang brief case. Napabuntong hininga ako at tumalikod kay Thauce, pagkatapos ay hinarap ko si Ma'am Jineth na wala nang kulay ang mukha. "I-Ipapapulis ba ninyo ako?" tanong nito, mababa na ang tono ng boses kaysa kanina. "Hay naku ka kasi, Ma'am. Bakit kasi binalikan mo pa si Zehra ay may resibo ako ng mga binayaran ko sa 'yo? huhuthutan mo pa itong kaibigan ko ayan ang napala mo," si Lea ang sumagot. Lumapit ako sa landlady at tumingin naman ito sa akin. Hindi ko nagustuhan yung mga sinabi niya kanina na sobrang ikinainis ko pero ngayon naaawa na ako sa itsura niya lalo pa at alam kong hindi nagbibiro si Thauce. "Pa-pasensiya ka na, Zehra! oo! bayad na ni Lea ang lahat! huwag ninyo akong ipakukulong!"
"Thauce, hindi soundproof dito... b-baka may makarinig sa atin," sabi ko naman. Hiyang-hiya ako dahil nakapasok na kami sa silid ko, naisarado na rin niya ang pinto. Naupo siya sa kama habang buhat ako kaya't ngayon ay nasa kandungan na niya ako."Then, can you not moan loudly? moan between our kisses, Zehra. I'll help you with that."A-Ano daw? pero hindi na rin ako nakapag protesta dahil pumaloob na ang mga kamay niya sa damit ko. Mabilis niyang nahubad ang white top ko pati na ang bra ko na suot. Walang inaksaya na oras si Thauce dahil nang wala na akong kahit anong saplot pang-itaas ay agad bumaba ang mukha niya sa dibdib ko at sinakop ng bibig niya ang tuktok non. Naramdaman ko agad ang pag-ikot ng dila niya sa palibot, naglalaro at sumisip’sip."Aaahh..." mahina kong da'ing. Naikilos ko ang aking pang-upo nang maramdaman ko ang sarap ng ginagawa niya. Kumilos na rin ang isa niyang kamay, minamasahe at pinipisil ang tuktok ng kabila ko naman na dibdib."A-Ahhh... Thauce..."Hindi
"Akala ko talaga ay aabutin pa ng matagal bago tayo magkita ulit!"Maaga pumunta si Lianna dito sa bahay ni Thauce para sunduin ako. May dala siyang sasakyan at may driver rin. Ito nga at matutuloy na ang lakad namin na dalawa. Alas nuwebe pa lang! at ang oras na ito ay ayaw talaga ni Thauce dahil bukod sa masyado daw na maaga ay bukas na ako uuwi dahil iyon ang gusto ni Lianna. Doon muna ako sa bahay nila matutulog."Hindi naman, Lianna," sagot ko sa kaniya at ngumiti.Pero hindi kami sa Antipolo tuloy, kung hindi doon lang sa bahay nila. Kabilin-bilinan naman ni Thauce kay Lianna habang kausap ko ito sa video call kagabi ay kaming dalawa lang dapat at wala nang iba itong iimbitahin. "Can't wait to spend more time with you! pero maganda sana kung makakagala talaga tayo kaso, hmm, ang killjoy ni Arzen, eh.""Kung sa malapit siguro sa inyo, Lianna. Pero huwag kang mag-alala, ako ang bahala kay Thauce," paninigurado ko.Nagkwentuhan kami sa buong hanggang sa makarating na nga kami sa
Ang bilis ng pagtibok ng puso ko dahil sa kaba habang nakatingin kay Lianna. Alam ko na mabait siya at malawak ang pang-unawa niya pero hindi pa rin maalis sa akin na mag-isip sa magiging reaksyon niya. "What is it between you and Arzen? at bakit involve rin si Seya?" mahinahon na tanong niya. Umayos siya ng upo paharap sa akin at ako naman ay napayuko sandali. "Wala akong trabaho kay Thauce na... n-na kahit ano katulad ng alam mo. Hindi rin niya ako tinulungan dahil naawa siya sa amin tulad ninyo ni Errol..." parang bawat salita na sinasabi ko ay nahihirapan akong bitawan dahil sa pangamba. "Zehra, I don't understand..." ngumiti siya sa akin ng tipid at napailing, hinawakan rin niya ang mga kamay ko at alam ko na ramdam niya ang panlalamig ng mga 'yon. "Na-nagkaroon kami ng kasunduan ni Thauce. Tatlong buwan ang... a-ang pinirmahan ko sa kaniya kapalit ang lima h-hanggang sampung million." Nakita ko na natigilan si Lianna, napalunok siya at bahagya lumuwag ang hawak niya sa mga k
The Cervellis. "Merry Christmas!" Pagpatak ng alas dose ay sabay-sabay kaming bumati sa isa't-isa. Yumakap ako kay Thauce at humalik naman siya sa aking ulo. "Merry Christmas, wife..." "Merry Christmas, husband..." sagot ko naman na ikinangisi niya. Gustong-gusto niya rin eh kapag tinatawag ko siyang husband. Hindi kami agad natulog nang matapos kumain. Nanood pa kami ng movie, ilang beses pa nga akong inaya ni Thauce pero hindi pa talaga ako non inaantok. Pero nang mapansin ko na parehong naghikab si Lianna at Seya ay nagpasya na rin ako na magpahinga na kaming lahat lalo at si Lianna at Eleaz ay siguradong may jetlag pa. "Isa rin ba sa surpresa mo yung pagdating nila Lianna?" tanong ko. Nakahiga na kami ngayon sa aming kama, katulad ng dati ay nakayakap ako sa kaniya at nakahilig sa kaniyang dibdib. "Hmm. I know you'll be happy to celebrate christmas and new year with her. But, it's also Lianna's decision. Pero ako ang nag-bukas ng usapan tungkol doon." "Akala ko ay trabaho a
Hindi nawala ang ngiti ni Thauce sa buong byahe. Napatingin naman ako sa oras, madilim-dilim pa. Mag-aalas-kwarto na ng umaga. Sa Toorak ang punta namin, iyon ang lugar na sinabi ni Thauce at mga trenta minutos ang layo mula sa airport. Pero habang papunta roon ay grabe, naaagaw talaga ang atensyon ko sa mga nadaraanan namin.Ang ganda!Parang hindi totoo, eh. Parang ito lang yung mga nakikita ko sa palengke na mga poster. Oh yung mga isinasabit sa dingding ng bahay na nakaframe para dekorasyon. Nahihirapan ako ipaliwanag."You like what you are seeing?"Dahan-dahan akong tumango. Ang mga mata ko ay nakatuon pa rin sa labas ng bintana. Tinatanaw ang mga nadaraanan namin. Grabe. Ibig sabihin sa ganitong kagandang bansa may bahay si Thauce?Sigurado akong hindi basta-basta ang pagbili ng lupain at magpatayo ng bahay sa ganito!"We didn't eat on the plane, are you hungry?"Napabaling ako kay Thauce sa tanong niya. Tuon na tuon lang ang pansin niya sa dinaraanan namin."Hindi naman ako na
Zehra Clarabelle CervelliTahimik kong niyakap ang sarili ko habang nakatingin sa labas ng bintana at tinatanaw ang maliliit na mga ilaw mula sa ibaba. Kaaalis lang ng private plane ni Thauce at wala siya sa tabi ko dahil may mga kinakausap siyang staff.Nang tumungo kami noon sa Palawan ay hindi ko na-enjoy ng ganito ang view, lalo na at umaga 'yon at dahil gabi nga 'yon ang sarap sa mga mata ng maliliit at iba-ibang kulay na mga ilaw."Iba pala kapag narito ka sa itaas, ang naglalakihan na mga building at iba pang mga matataas na lugar na may ilaw ay parang mga langgam lang sa paningin," bulong ko sa aking sarili.Sa totoo lang, isa ito sa surpresa na kahit kailan ay hindi ko inaasahan na gagawin ni Thauce. Kahit pa sobrang miss ko si Seya. Alam ko na kaya niya naman dahil marami siyang pera pero sa mga naibigay na niya para sa akin, sa pagpaparamdam na gagawin niya ang lahat ay napakalayo nito sa isipan ko.Lalo na ang pagdadala ng labi ng mga magulang namin ni Seya at pagpapagawa
Mukhang mas magiging abala pala siya sa mga susunod na araw at buwan. Parang mas nalungkot ako doon. Iba pa rin kasi yung palagi ko siyang nakikita at nakakasama. Pag kasi nasa opisina siya ay gabi at umaga lang. Ang buong maghapon ay sa trabaho. Tipid akong ngumiti at tumango kay Thauce. At habang nasa daan kami papunta sa orphanage ay naalala ko naman na bumili ng cake. "Ayun, Thauce, diyan na lang. Cake shop iyan." Iginilid niya ang sasakyan pero walang parking lot akong makita. "Bababa na ako dito, ayan lang naman sa malapit. Sumunod ka na lang sa loob pag nakahanap ka na ng parking lot. Saka, isang cake lang naman sandali lang ito." "Can you go alone?" "Oo naman, Thauce! saka baka wala ka rin agad mahanap na parking, pag nakabili na ako ay makikita mo naman ako agad. Hindi tayo pwede magtagal dahil baka magsimula na ang celebration." "Okay, baby, be careful." Lumabas na ako ng sasakyan at pumasok sa loob ng cake shop. Namili kaagad ako pagkapasok. Natakam pa ako sa blueber
Halu-halong emosyon. Iyon ang naramdaman ko sa nakaraang linggo pagkatapos kong malaman kay Thauce na buntis ako. Ako mismo na may katawan ay hindi 'yon naramdaman. Pero doon ko rin napagtanto na ang lahat ng nangyayari sa akin, lahat ng kilos at galaw ko ay inoobserbahan niya. At ngayon nga na kumpirmado na namin na dalawang linggo na akong buntis ay mas naging doble pa ang ipinapakita at pinaparamdam niyang pag-iingat sa akin. Ngayon ko lang rin naunawaan ang dahilan ng pagbabago ng mga desisyon niya sa aming dalawa. Ang pag-aaral ko na magsisimula sa susunod na taon at home schooling na. Alam na niya pala non na maaaring buntis ako. Ang hindi niya pagpayag na lumabas ako basta-basta, ang pagsa-suggest niya na kumuha na kami ng kasambahay na tinanggihan ko. Hinintay niya rin talaga na ako ang makaalam na buntis na ako at sa pakiramdam ko, hindi na rin siya non nakatiis kaya niya nasabi. Nang makaramdam ako ng pag-ikot ng sikmura ay bumangon ako ng dahan-dahan at bumaba sa kama. Tu
"Hey, baby. Kanina ka pa?" pagkalapit ay mabilis na hinalikan ni Thauce ang aking mga labi at hinubad ang coat niya na suot."Kadarating-dating lang...""The room is cold," at nilalamig nga talaga ako kahit na makapal-kapal ang bodycon dress na suot ko."What a lovely woman. Is she your wife, Mr. Cervelli?" nang magsimula kaming maglakad ni Thauce sa harapan ay sinusundan pa rin kami ng tingin nga mga tao sa loob. Hindi na maalis ang kaba ko kahit nasa tabi ko siya. Pinagsalikop pa ni Thauce ang mga kamay namin at tiyak ramdam niya ang panlalamig ng kamay ko!"Yes. She's my beautiful wife, everyone. She's Zehra Clarabelle Cervelli," nakangiti naman na pakilala niya sa akin at bago kami naupo ay yumuko ako sa lahat ng naroon bilang respeto."M-Magandang tanghali po sa inyong lahat."D-Dapat kasi ay naghintay na lang ako doon sa table ni Shirley!"Oh, she's blushing!" sabi ng isang babae na may edad na. Nakangiti ito sa akin.May tatlong babae sa loob ng conference room at halos lahat a
Nagising ako sa naramdaman kong kiliti sa aking leeg at aking mukha. Nang unti-unti kong idilat ang mga mata ko ay sinalubong ako ng nakangiting mukha ni Thauce. Nakaupo siya sa gilid ng kama, habang hawak ang isang kamay ko."Good morning, wife."Napapikit ako at nag-inat, nakangiti ng malawak. "Good morning..." paos kong sabi. Nang bumangon ako ay napatitig ako kay Thauce, nang iangat niya ang kamay ko na hawak niya at patakan ng halik 'yon. Napansin ko rin na nakaligo na siya, at naka office suit na."Hindi mo ako ginising? hindi kita tuloy naipaghanda ng almusal.""I made our breakfast already, I know you're tired."Eh paanong hindi ako mapapagod? sobrang ganado niya kagabi! ang aga pa non pero anong oras kaming natapos dahil sa mga gusto niyang gawin! pero ang swerte ko talaga sa kaniya... bukod sa ramdam ko ang pagmamahal niya ay napakamaalaga rin."Kasalanan mo..." nakasimangot ko sabi. Tumawa naman siya at binuhat ako. "Thauce, magugusot ang suot mo! maglalakad na lang ako!
"Thauce, ha!" sita ko na ikinatawa naman niya. Sabay na kaming dalawa na umakyat pero dahil ime-message ko si Lianna. "Maaga na lang tayong magdinner." "Alright, baby." At pagkarating naman sa silid namin ay kinuha ko agad ang cellphone ko at nagtipa ng mensahe kay Lianna. Nakita ko pa ang limang missed calls ni Thauce at ilang mensahe. "So, Errol confessed everything to you?" Napaangat ang tingin ko sa kaniya, wala na siyang damit pang-itaas at may hawak na siyang itim na sando. "Hmm... ako ang nagsabi na mag-usap kami, Thauce. Ibang-iba nga si Errol kaysa dati. Yung yung napansin ko." Pagkasend ko ng mensahe kay Lianna na nakauwi na ako at kanina pa ay ibinaba ko ang cellphone ko sa bedside table. Lumapit ako sa kaniya pagkakita. Nakapagbihis na siya. Naka itim na sando at itim na sweatpants. "Maybe because he is having a hard time now and he regrets a lot of things..." sagot niya at hinawakan ako sa aking siko para mas ilapit. Tumaas naman ang mga kilay ko sa kaniya. "Bak
Pagkatapos ng naging pag-uusap namin ni Errol ay umuwi na rin ako kaagad. Hindi na ako bumalik sa mall. At ngayon habang papasok nga ako sa bahay ay nakailang buntong hininga na ako."Ma'am Zehra, hindi po kayo tumawag para magpasundo."Sinalubong ako ng tanong ni Adriano. Ngumiti naman ako ng tipid sa kaniya. 'Yon rin kasi ang bilin ni Thauce, na kung uuwi ako ay tawagan ko si Ariano pero nag-taxi na lang rin ako."Ako na lang ang bahala kay Thauce, huwag kang mag-alala."Yumuko naman siya"Sige po, Ma'am Zehra."Nagpatuloy naman na ako sa paglalakad papasok."Alam na pala niya non..." bulong ko, hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang naging usapan namin ni Errol.Naging maayos naman iyon. Nagpaalam ako kay Errol na nasabi ko ang lahat ng nais ko at naipagtapat naman niya sa akin ang totoong naramdaman niya. Pati nga ang kay Lianna, dahil sinabi ko na nagalit ako sa kaniya sa ginawa niya nang maospital ito at 'yon daw ay hindi niya sinasadya... hindi niya alam na buntis ito.At napan