Ang bilis ng pagtibok ng puso ko dahil sa kaba habang nakatingin kay Lianna. Alam ko na mabait siya at malawak ang pang-unawa niya pero hindi pa rin maalis sa akin na mag-isip sa magiging reaksyon niya. "What is it between you and Arzen? at bakit involve rin si Seya?" mahinahon na tanong niya. Umayos siya ng upo paharap sa akin at ako naman ay napayuko sandali. "Wala akong trabaho kay Thauce na... n-na kahit ano katulad ng alam mo. Hindi rin niya ako tinulungan dahil naawa siya sa amin tulad ninyo ni Errol..." parang bawat salita na sinasabi ko ay nahihirapan akong bitawan dahil sa pangamba. "Zehra, I don't understand..." ngumiti siya sa akin ng tipid at napailing, hinawakan rin niya ang mga kamay ko at alam ko na ramdam niya ang panlalamig ng mga 'yon. "Na-nagkaroon kami ng kasunduan ni Thauce. Tatlong buwan ang... a-ang pinirmahan ko sa kaniya kapalit ang lima h-hanggang sampung million." Nakita ko na natigilan si Lianna, napalunok siya at bahagya lumuwag ang hawak niya sa mga k
Sa mga sinabi ni Lianna sa akin ay wala na akong ibang maisip kung ano pa ang maaaring gawin ni Thauce na makakapagpahiwalay sa amin o makakasira ng tiwala ko. Nakita ko na nung una yung sama ng ugali niya, kinamuhian ko na siya at para sa akin noon siya na ang pinakamasamang tao na nakilala ko. At sa mga ipinapakita ni Thauce ngayon, sa pag-aalaga at halos ayaw na niyang malayo sa akin, panatag ako na kung magkaroon man kami ng hindi pagkakaintindihan ay hindi malaki na kaya naman namin mapag-usapan ng maayos. Pero kahit hindi naman niya rin sa akin sabihin, hindi ko basta-basta iiwan si Thauce... katulad ng sinabi niya sa akin non, sa kaniya lang ako maniniwala. Higit sa lahat, siya lang ang paniniwalaan ko. "Do you want to eat outside na lang, Zehra? I think mas maganda ata na kumain na lang tayo sa labas, doon sa may Pavilion na lang? para mahangin-hangin." "Ikaw? okay lang ako kung saan mo gusto." Pero hinawakan na niya ang kamay ko at hinila na ako palabas ng silid. "Sa Pavi
Ramdam ni Thauce na ayokong makipag-usap sa kaniya. Hindi naman na siya nagpumilit pa pero kanina habang pauwi kami at hihinto ang sasakyan dahil sa red light at sinusulyapan niya ako ng tingin sa salamin. Nakikita ko 'yon sa gilid ng mga mata ko. Wala akong ibang nasa isip kung hindi ang mga sinabi ni Lianna kanina. Kahit nang makauwi na kami ngayon sa bahay niya ay iyon pa rin ang laman ng isipan ko. Diretso at walang salita na lumabas ako ng kotse niya at pumasok sa loob ng bahay. Habang naglalakad ay tumingin ako sa sandali sa cellphone ko at nakitang alas-dos na ng hapon. Ang bilis ng oras. Halos hindi ko namalayan."Zehra..."Napalunok ako nang marinig na tinawag ni Thauce. Sa relasyon namin, hindi ako madalas nagtatanong ng mga pinagkakaabalahan niya. Napanatag rin ako sa pag-iisip dahil sinasabi naman niya sa akin ang mga ganap niya bawat araw. Tumatawag rin siya sa akin pero sa mga oras na hindi... 'yon ba ay naroon siya sa opisina ni Lianna?"Baby, what happened? baki
Hinila ko agad ang kamay ni Thauce at tumungo kami sa silid namin na dalawa. Hindi ko alam na hihintayin niya ako sa harap ng silid ng ganoon! tatlong oras mahigit siyang nakatayo at nakatingin lang sa harapan ng pinto? pero pansin ko ang gulo-gulo niyang buhok, at ang mga mata niya ay puno ng sakit at pag-aalala. Nang makarating kami sa kwarto ay ipinaupo ko siya agad sa gilid ng kama, tahimik lang siya at nakatingin sa akin. Nang bitawan ko ang kamay niya para sana kumuha ng tubig ay hindi niya 'yon hinayaan. "Tell me everything that Lianna told you, Zehra." Ngayon ay nagu-guilty ako dahil wala naman mga maling sinabi si Lianna. Naupo ako sa tabi ni Thauce at tumingin sa kaniya. Mahigpit niyang hawak ang kamay ko ngayon habang hinihintay ako sa pagsasalita. "A-Ang napag-usapan namin na dalawa ay tungkol sa inyo, nagkwento si Lianna ng mga naganap nong mga bata pa kayo. Ikaw siya at si Errol. Nasabi rin niya sa akin ang... t-tungkol sa 'yo nang mga panahon na minamahal mo siya. Ay
Alam kong sa tingin ay ramdam ni Thauce ang takot sa akin. Mahigpit niya na hinawakan ang mga kamay ko. Nararamdaman ko ang pagbaon ng bawat daliri niya sa aking tagiliran kung saan siya nakayakap."Do you believe in me, Zehra?"At dapat mabilis akong tumango, mabilis akong sumagot na oo, naniniwala ako sa kaniya pero hindi. Napapikit ng mariin si Thauce at umangat ang isa niyang kamay at inilapat sa aking pisngi. Doon ko na lang rin napagtanto na lumuluha na pala ako sa kaniyang harapan."They cannot force me to do something I don't want to do, Zehra Clarabelle. Ako ang masusunod sa buhay ko. And do you think that company is the only thing I have? they can get it, I am not afraid to lose the company--""S-Sa ama mo 'yon, Thauce."Pagkasabi ko non sa kaniya ay nakita ko ang pagtatagis ng kaniyang bagang. Sumeryoso rin ang tingin niya sa akin na parang hindi niya nagustuhan ang mga sinabi ko."I don't like what I am thinking right now and tell me na hindi ako tama, Zehra. Are you going
"Ate, kumusta ka na? kayo ni Kuya Thauce?"Ngayon ay nasa kusina ako at nagpe-prepare ng dinner. Kausap ko si Seya. Napangiti ako nang mapansin na talagang nanunumbalik na siya sa dati. Mukhang maayos siyang naaalagaan ni Doc. Ariq."Ayos naman kami, abala siya sa kumpanya niya ngayon.""Ohh, nabanggit nga sa akin iyan ni Wax-- I mean ni Doc. Ariq. Malaki daw ang posibilidad na mawala kay Kuya Thauce ang kumpanya."At kahit pala si Seya ay alam, sinabi ni Doc? mukhang ganon na talaga sila ka-close."Oo, pero ginagawa nama niya lahat. Sana nga maayos na, alam ko na sobrang halaga non sa kaniya dahil galing 'yon sa ama niya.""Yun rin ang sinabi ni Doc. Ariq, eh hayaan mo, ate. Magaling naman si Kuya Thauce, wala naman hindi nagagawaan ng paraan 'yon. Iba rin siya kung mag-isip eh, tingnan mo nga yung nangyari sa inyo."Nang marinig ko ang sinabi ni Seya ay napahinto naman ako sa paghahalo ng niluluto ko."Seya! paanong napunta naman doon?"Natawa naman siya sa tanong ko."Bakit? totoo
Napalunok ako, binuksan ko rin ang mga mensahe."Arzen, are you home already? ang sabi ni Shirley ay mag-o-overtime ka."Dalawang oras na ang nakalipas nang isend nito ang mensahe."I-I am sorry. Hindi ko na rin alam ang gagawin kay Dad. His mind is closed and he still wants the marriage to continue."Natutop ko ang aking bibig. Naramdaman ko agad ang kirot nang mabasa ang mensahe ni Lianna. Lalo na ang pinakahuli."Arzen, I need you..."H-Hindi pa rin tapos ang pag-uusap sa kasal?Nanlalamig ang mga kamay ko nang ibaba muli ang cellphone. Napatingin ako kay Thauce na natutulog. Napapikit ako ng mariin, tumalikod ako at mabilis na bumaba patungo sa kusina. Pagkarating ko ay binuksan ko ang ref at uminom kaagad ng tubig."Z-Zehra, sinabi mo na maniniwala ka kay Thauce, hindi ba? hindi matutuloy ang kasal nila. H-Hindi siya papayag..."Naghilamos ako, itinuon ko ang aking atensyon sa pag-iinit ng mga pagkain. At nang makatapos ako ay inayos ko ang aking sarili bago umakyat dala-dala ang
Pakiramdam ko ay namanhid ang aking buong katawan habang nakaupo pa rin sa sahig. Nakaalis na ang stepmother ni Thauce pero ako ay nanatili pa rin na hindi kumikilos. Nakatingin sa mga larawan habang walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko.Wala nang mas sasakit pa na malaman ko na buntis si Lianna at ang ama ay si Thauce. H-Hindi ko 'yon naisip sa kabila ng p-pagseselos ko...Natutop ko ang aking bibig nang mapahikbi. Ang mga larawan na ito, sobrang lapit nilang dalawa. N-Nakangiti si Lianna at nakatingin sa kaniya h-habang nakaalalay ang kamay niya at naglalakad silang dalawa."Believe in me, Zehra.""I can lose my company but I cannot lose you."Mas naramdaman ko ang kirot nang marinig ko sa aking isipan ang mga salitang sinabi niya sa akin isang linggo na ang nakalipas pagkatapos ko na malaman ang tungkol sa kasal.At kahit na hindi ko gusto, ang mga alaala sa isla kung saan napakaprotektado at maingat niya kay Lianna ay kusang pumasok sa isipan ko.A-at pati ang mga senyales na b
The Cervellis. "Merry Christmas!" Pagpatak ng alas dose ay sabay-sabay kaming bumati sa isa't-isa. Yumakap ako kay Thauce at humalik naman siya sa aking ulo. "Merry Christmas, wife..." "Merry Christmas, husband..." sagot ko naman na ikinangisi niya. Gustong-gusto niya rin eh kapag tinatawag ko siyang husband. Hindi kami agad natulog nang matapos kumain. Nanood pa kami ng movie, ilang beses pa nga akong inaya ni Thauce pero hindi pa talaga ako non inaantok. Pero nang mapansin ko na parehong naghikab si Lianna at Seya ay nagpasya na rin ako na magpahinga na kaming lahat lalo at si Lianna at Eleaz ay siguradong may jetlag pa. "Isa rin ba sa surpresa mo yung pagdating nila Lianna?" tanong ko. Nakahiga na kami ngayon sa aming kama, katulad ng dati ay nakayakap ako sa kaniya at nakahilig sa kaniyang dibdib. "Hmm. I know you'll be happy to celebrate christmas and new year with her. But, it's also Lianna's decision. Pero ako ang nag-bukas ng usapan tungkol doon." "Akala ko ay trabaho a
Hindi nawala ang ngiti ni Thauce sa buong byahe. Napatingin naman ako sa oras, madilim-dilim pa. Mag-aalas-kwarto na ng umaga. Sa Toorak ang punta namin, iyon ang lugar na sinabi ni Thauce at mga trenta minutos ang layo mula sa airport. Pero habang papunta roon ay grabe, naaagaw talaga ang atensyon ko sa mga nadaraanan namin.Ang ganda!Parang hindi totoo, eh. Parang ito lang yung mga nakikita ko sa palengke na mga poster. Oh yung mga isinasabit sa dingding ng bahay na nakaframe para dekorasyon. Nahihirapan ako ipaliwanag."You like what you are seeing?"Dahan-dahan akong tumango. Ang mga mata ko ay nakatuon pa rin sa labas ng bintana. Tinatanaw ang mga nadaraanan namin. Grabe. Ibig sabihin sa ganitong kagandang bansa may bahay si Thauce?Sigurado akong hindi basta-basta ang pagbili ng lupain at magpatayo ng bahay sa ganito!"We didn't eat on the plane, are you hungry?"Napabaling ako kay Thauce sa tanong niya. Tuon na tuon lang ang pansin niya sa dinaraanan namin."Hindi naman ako na
Zehra Clarabelle CervelliTahimik kong niyakap ang sarili ko habang nakatingin sa labas ng bintana at tinatanaw ang maliliit na mga ilaw mula sa ibaba. Kaaalis lang ng private plane ni Thauce at wala siya sa tabi ko dahil may mga kinakausap siyang staff.Nang tumungo kami noon sa Palawan ay hindi ko na-enjoy ng ganito ang view, lalo na at umaga 'yon at dahil gabi nga 'yon ang sarap sa mga mata ng maliliit at iba-ibang kulay na mga ilaw."Iba pala kapag narito ka sa itaas, ang naglalakihan na mga building at iba pang mga matataas na lugar na may ilaw ay parang mga langgam lang sa paningin," bulong ko sa aking sarili.Sa totoo lang, isa ito sa surpresa na kahit kailan ay hindi ko inaasahan na gagawin ni Thauce. Kahit pa sobrang miss ko si Seya. Alam ko na kaya niya naman dahil marami siyang pera pero sa mga naibigay na niya para sa akin, sa pagpaparamdam na gagawin niya ang lahat ay napakalayo nito sa isipan ko.Lalo na ang pagdadala ng labi ng mga magulang namin ni Seya at pagpapagawa
Mukhang mas magiging abala pala siya sa mga susunod na araw at buwan. Parang mas nalungkot ako doon. Iba pa rin kasi yung palagi ko siyang nakikita at nakakasama. Pag kasi nasa opisina siya ay gabi at umaga lang. Ang buong maghapon ay sa trabaho. Tipid akong ngumiti at tumango kay Thauce. At habang nasa daan kami papunta sa orphanage ay naalala ko naman na bumili ng cake. "Ayun, Thauce, diyan na lang. Cake shop iyan." Iginilid niya ang sasakyan pero walang parking lot akong makita. "Bababa na ako dito, ayan lang naman sa malapit. Sumunod ka na lang sa loob pag nakahanap ka na ng parking lot. Saka, isang cake lang naman sandali lang ito." "Can you go alone?" "Oo naman, Thauce! saka baka wala ka rin agad mahanap na parking, pag nakabili na ako ay makikita mo naman ako agad. Hindi tayo pwede magtagal dahil baka magsimula na ang celebration." "Okay, baby, be careful." Lumabas na ako ng sasakyan at pumasok sa loob ng cake shop. Namili kaagad ako pagkapasok. Natakam pa ako sa blueber
Halu-halong emosyon. Iyon ang naramdaman ko sa nakaraang linggo pagkatapos kong malaman kay Thauce na buntis ako. Ako mismo na may katawan ay hindi 'yon naramdaman. Pero doon ko rin napagtanto na ang lahat ng nangyayari sa akin, lahat ng kilos at galaw ko ay inoobserbahan niya. At ngayon nga na kumpirmado na namin na dalawang linggo na akong buntis ay mas naging doble pa ang ipinapakita at pinaparamdam niyang pag-iingat sa akin. Ngayon ko lang rin naunawaan ang dahilan ng pagbabago ng mga desisyon niya sa aming dalawa. Ang pag-aaral ko na magsisimula sa susunod na taon at home schooling na. Alam na niya pala non na maaaring buntis ako. Ang hindi niya pagpayag na lumabas ako basta-basta, ang pagsa-suggest niya na kumuha na kami ng kasambahay na tinanggihan ko. Hinintay niya rin talaga na ako ang makaalam na buntis na ako at sa pakiramdam ko, hindi na rin siya non nakatiis kaya niya nasabi. Nang makaramdam ako ng pag-ikot ng sikmura ay bumangon ako ng dahan-dahan at bumaba sa kama. Tu
"Hey, baby. Kanina ka pa?" pagkalapit ay mabilis na hinalikan ni Thauce ang aking mga labi at hinubad ang coat niya na suot."Kadarating-dating lang...""The room is cold," at nilalamig nga talaga ako kahit na makapal-kapal ang bodycon dress na suot ko."What a lovely woman. Is she your wife, Mr. Cervelli?" nang magsimula kaming maglakad ni Thauce sa harapan ay sinusundan pa rin kami ng tingin nga mga tao sa loob. Hindi na maalis ang kaba ko kahit nasa tabi ko siya. Pinagsalikop pa ni Thauce ang mga kamay namin at tiyak ramdam niya ang panlalamig ng kamay ko!"Yes. She's my beautiful wife, everyone. She's Zehra Clarabelle Cervelli," nakangiti naman na pakilala niya sa akin at bago kami naupo ay yumuko ako sa lahat ng naroon bilang respeto."M-Magandang tanghali po sa inyong lahat."D-Dapat kasi ay naghintay na lang ako doon sa table ni Shirley!"Oh, she's blushing!" sabi ng isang babae na may edad na. Nakangiti ito sa akin.May tatlong babae sa loob ng conference room at halos lahat a
Nagising ako sa naramdaman kong kiliti sa aking leeg at aking mukha. Nang unti-unti kong idilat ang mga mata ko ay sinalubong ako ng nakangiting mukha ni Thauce. Nakaupo siya sa gilid ng kama, habang hawak ang isang kamay ko."Good morning, wife."Napapikit ako at nag-inat, nakangiti ng malawak. "Good morning..." paos kong sabi. Nang bumangon ako ay napatitig ako kay Thauce, nang iangat niya ang kamay ko na hawak niya at patakan ng halik 'yon. Napansin ko rin na nakaligo na siya, at naka office suit na."Hindi mo ako ginising? hindi kita tuloy naipaghanda ng almusal.""I made our breakfast already, I know you're tired."Eh paanong hindi ako mapapagod? sobrang ganado niya kagabi! ang aga pa non pero anong oras kaming natapos dahil sa mga gusto niyang gawin! pero ang swerte ko talaga sa kaniya... bukod sa ramdam ko ang pagmamahal niya ay napakamaalaga rin."Kasalanan mo..." nakasimangot ko sabi. Tumawa naman siya at binuhat ako. "Thauce, magugusot ang suot mo! maglalakad na lang ako!
"Thauce, ha!" sita ko na ikinatawa naman niya. Sabay na kaming dalawa na umakyat pero dahil ime-message ko si Lianna. "Maaga na lang tayong magdinner." "Alright, baby." At pagkarating naman sa silid namin ay kinuha ko agad ang cellphone ko at nagtipa ng mensahe kay Lianna. Nakita ko pa ang limang missed calls ni Thauce at ilang mensahe. "So, Errol confessed everything to you?" Napaangat ang tingin ko sa kaniya, wala na siyang damit pang-itaas at may hawak na siyang itim na sando. "Hmm... ako ang nagsabi na mag-usap kami, Thauce. Ibang-iba nga si Errol kaysa dati. Yung yung napansin ko." Pagkasend ko ng mensahe kay Lianna na nakauwi na ako at kanina pa ay ibinaba ko ang cellphone ko sa bedside table. Lumapit ako sa kaniya pagkakita. Nakapagbihis na siya. Naka itim na sando at itim na sweatpants. "Maybe because he is having a hard time now and he regrets a lot of things..." sagot niya at hinawakan ako sa aking siko para mas ilapit. Tumaas naman ang mga kilay ko sa kaniya. "Bak
Pagkatapos ng naging pag-uusap namin ni Errol ay umuwi na rin ako kaagad. Hindi na ako bumalik sa mall. At ngayon habang papasok nga ako sa bahay ay nakailang buntong hininga na ako."Ma'am Zehra, hindi po kayo tumawag para magpasundo."Sinalubong ako ng tanong ni Adriano. Ngumiti naman ako ng tipid sa kaniya. 'Yon rin kasi ang bilin ni Thauce, na kung uuwi ako ay tawagan ko si Ariano pero nag-taxi na lang rin ako."Ako na lang ang bahala kay Thauce, huwag kang mag-alala."Yumuko naman siya"Sige po, Ma'am Zehra."Nagpatuloy naman na ako sa paglalakad papasok."Alam na pala niya non..." bulong ko, hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang naging usapan namin ni Errol.Naging maayos naman iyon. Nagpaalam ako kay Errol na nasabi ko ang lahat ng nais ko at naipagtapat naman niya sa akin ang totoong naramdaman niya. Pati nga ang kay Lianna, dahil sinabi ko na nagalit ako sa kaniya sa ginawa niya nang maospital ito at 'yon daw ay hindi niya sinasadya... hindi niya alam na buntis ito.At napan