Alam kong sa tingin ay ramdam ni Thauce ang takot sa akin. Mahigpit niya na hinawakan ang mga kamay ko. Nararamdaman ko ang pagbaon ng bawat daliri niya sa aking tagiliran kung saan siya nakayakap."Do you believe in me, Zehra?"At dapat mabilis akong tumango, mabilis akong sumagot na oo, naniniwala ako sa kaniya pero hindi. Napapikit ng mariin si Thauce at umangat ang isa niyang kamay at inilapat sa aking pisngi. Doon ko na lang rin napagtanto na lumuluha na pala ako sa kaniyang harapan."They cannot force me to do something I don't want to do, Zehra Clarabelle. Ako ang masusunod sa buhay ko. And do you think that company is the only thing I have? they can get it, I am not afraid to lose the company--""S-Sa ama mo 'yon, Thauce."Pagkasabi ko non sa kaniya ay nakita ko ang pagtatagis ng kaniyang bagang. Sumeryoso rin ang tingin niya sa akin na parang hindi niya nagustuhan ang mga sinabi ko."I don't like what I am thinking right now and tell me na hindi ako tama, Zehra. Are you going
"Ate, kumusta ka na? kayo ni Kuya Thauce?"Ngayon ay nasa kusina ako at nagpe-prepare ng dinner. Kausap ko si Seya. Napangiti ako nang mapansin na talagang nanunumbalik na siya sa dati. Mukhang maayos siyang naaalagaan ni Doc. Ariq."Ayos naman kami, abala siya sa kumpanya niya ngayon.""Ohh, nabanggit nga sa akin iyan ni Wax-- I mean ni Doc. Ariq. Malaki daw ang posibilidad na mawala kay Kuya Thauce ang kumpanya."At kahit pala si Seya ay alam, sinabi ni Doc? mukhang ganon na talaga sila ka-close."Oo, pero ginagawa nama niya lahat. Sana nga maayos na, alam ko na sobrang halaga non sa kaniya dahil galing 'yon sa ama niya.""Yun rin ang sinabi ni Doc. Ariq, eh hayaan mo, ate. Magaling naman si Kuya Thauce, wala naman hindi nagagawaan ng paraan 'yon. Iba rin siya kung mag-isip eh, tingnan mo nga yung nangyari sa inyo."Nang marinig ko ang sinabi ni Seya ay napahinto naman ako sa paghahalo ng niluluto ko."Seya! paanong napunta naman doon?"Natawa naman siya sa tanong ko."Bakit? totoo
Napalunok ako, binuksan ko rin ang mga mensahe."Arzen, are you home already? ang sabi ni Shirley ay mag-o-overtime ka."Dalawang oras na ang nakalipas nang isend nito ang mensahe."I-I am sorry. Hindi ko na rin alam ang gagawin kay Dad. His mind is closed and he still wants the marriage to continue."Natutop ko ang aking bibig. Naramdaman ko agad ang kirot nang mabasa ang mensahe ni Lianna. Lalo na ang pinakahuli."Arzen, I need you..."H-Hindi pa rin tapos ang pag-uusap sa kasal?Nanlalamig ang mga kamay ko nang ibaba muli ang cellphone. Napatingin ako kay Thauce na natutulog. Napapikit ako ng mariin, tumalikod ako at mabilis na bumaba patungo sa kusina. Pagkarating ko ay binuksan ko ang ref at uminom kaagad ng tubig."Z-Zehra, sinabi mo na maniniwala ka kay Thauce, hindi ba? hindi matutuloy ang kasal nila. H-Hindi siya papayag..."Naghilamos ako, itinuon ko ang aking atensyon sa pag-iinit ng mga pagkain. At nang makatapos ako ay inayos ko ang aking sarili bago umakyat dala-dala ang
Pakiramdam ko ay namanhid ang aking buong katawan habang nakaupo pa rin sa sahig. Nakaalis na ang stepmother ni Thauce pero ako ay nanatili pa rin na hindi kumikilos. Nakatingin sa mga larawan habang walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko.Wala nang mas sasakit pa na malaman ko na buntis si Lianna at ang ama ay si Thauce. H-Hindi ko 'yon naisip sa kabila ng p-pagseselos ko...Natutop ko ang aking bibig nang mapahikbi. Ang mga larawan na ito, sobrang lapit nilang dalawa. N-Nakangiti si Lianna at nakatingin sa kaniya h-habang nakaalalay ang kamay niya at naglalakad silang dalawa."Believe in me, Zehra.""I can lose my company but I cannot lose you."Mas naramdaman ko ang kirot nang marinig ko sa aking isipan ang mga salitang sinabi niya sa akin isang linggo na ang nakalipas pagkatapos ko na malaman ang tungkol sa kasal.At kahit na hindi ko gusto, ang mga alaala sa isla kung saan napakaprotektado at maingat niya kay Lianna ay kusang pumasok sa isipan ko.A-at pati ang mga senyales na b
A-Ano? pero... a-ang sabi ni...Kumilos si Thauce nang hindi ako binibitawan, inabot niya ang mga larawan na nasa kama at isa-isang tiningnan 'yon. Taas baba ang dibdib niya."And these pictures were fckng taken before we even went on vacation. Diana really crossed the line this time."Mas ikinagulat ko ang mga sinabi niya. Galit na galit na pinagpupunit ni Thauce ang mga larawan. Lumayo siya sa akin ng bahagya at kitang-kita ko ang pagpipigil niya. Kuyom na kuyom ang kaniyang mga kamay.Si-si Errol? maaaring si Errol ang ama."I already talked to Lianna about her pregnancy that I cannot continue to go with her after we came back from the island because we are already in a relationship. Ang pagsama ko kay Lianna noon ay ilang beses lang at dahil sa pakiusap niya. I was the only one who knew about her being pregnant. She was afraid to tell it to anyone kahit sa kaniyang ama. And when I asked her if Errol was the father she said no. I was expecting that it was Errol, pero nakuha ko rin
Unti-unting umangat ang tingin ni Thauce sa akin. Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Tumalim ang mga mata ko pero hindi nawala ang ngiti kay Thauce.Halu-halo na ang emosyon sa akin pero humupa na ang kirot, wala na ang sakit na siya ang ama ng ipinagbubuntis ni Lianna."I did that because I was scared that you would leave me also because of my company."Naramdaman ko naman 'yon pero ang gusto ko lang naman ay manatili sa mga kamay niya ang kumpanya dahil siya rin ang naghirap don."Our marriage certificate was still on process that time. Kakukuha ko nito lang, that was my last card para mapasaakin ng buo ang kumpanya nang wala nang gagawin pang iba. And Diana knows about it, maybe that is also the reason why he offered you money to leave me. She would get nothing. But it's too late for her. She didn't know that I am already married."Kumunot ang noo ko dahil proud na proud pa ang rinig ko sa mga huling sinabi niya. Kaya pala maganda na rin yung mood niya nang mga nakaraang araw!"E-
Thauce Arzen Alessandro Cervelli "A-Arzen, it wasn't my intention! ang gusto ko lang makasama si Zehra, I... I was just talking about our childhood memories, that's all! Oo, inaamin ko na medyo naging insensitive ako, not thinking that she might get jealous, pero hindi ganoo... h-hindi ko naman gusto na magselos si Zehra..." I was trying to calm myself while Lianna was telling me her side. Yesterday, when I saw Zehra with her at the Pavilion, I knew right then that something was wrong with my woman. The emotion in her eyes never lies. She was always honest with her feelings, and I could sometimes read her emotions just by looking into her eyes. At ngayon nang malaman ni Lianna ang tungkol sa pag-uusap namin kagabi ni Zehra Clarabelle ay tumungo siya kaagad rito sa opisina ko. She was explaining herself kahit na hindi ko pa sinasabi kung ano ang dapat niyang ipaliwanag. "I am sorry, Arzen..." I breathed deeply. Hindi lang naman ang tungkol sa pagseselos ang malaking problema para
Zehra Clarabelle Cervelli"You're not afraid of cockroaches?"Nagtataka akong napatingin kay Thauce, para bang tuwang-tuwa pa siya sa sinagot ko sa kaniya. Umiling ako at inilapat ang kamay ko sa kaniyang dibdib. Naramdaman ko naman ang isang kamay niya na humigpit ang pagsuporta sa baywang ko.Medyo nalilis na ang dress na suot ko dahil sa pwesto ko sa kaniyang kandungan."Hindi, ah. Nung nakatira kami ni Seya sa ilalim ng tulay non, maraming iba't-ibang klase ng mga insekto. Hindi lang ipis."Kumportable naman ako na sabihin ang nakaraan ko kay Thauce, wala naman na rin akong maitatago sa kaniya saka tingin ko ay alam naman niya kung ano ang nakaraan namin ni Seya. Wala na kaming mga magulang, mag-isa kong kasama si Seya. Hindi man detalye pero may ideya naman siguro si Thauce na hindi naging madali ang pinagdaanan namin sa buhay."Hmm... you really had a hard life before..."Tumango ako. Ang mga daliri ko ay natagpuan ang colar ng polo niya at pinaglaruan 'yon. Nakatingin lang sa a
The Cervellis. "Merry Christmas!" Pagpatak ng alas dose ay sabay-sabay kaming bumati sa isa't-isa. Yumakap ako kay Thauce at humalik naman siya sa aking ulo. "Merry Christmas, wife..." "Merry Christmas, husband..." sagot ko naman na ikinangisi niya. Gustong-gusto niya rin eh kapag tinatawag ko siyang husband. Hindi kami agad natulog nang matapos kumain. Nanood pa kami ng movie, ilang beses pa nga akong inaya ni Thauce pero hindi pa talaga ako non inaantok. Pero nang mapansin ko na parehong naghikab si Lianna at Seya ay nagpasya na rin ako na magpahinga na kaming lahat lalo at si Lianna at Eleaz ay siguradong may jetlag pa. "Isa rin ba sa surpresa mo yung pagdating nila Lianna?" tanong ko. Nakahiga na kami ngayon sa aming kama, katulad ng dati ay nakayakap ako sa kaniya at nakahilig sa kaniyang dibdib. "Hmm. I know you'll be happy to celebrate christmas and new year with her. But, it's also Lianna's decision. Pero ako ang nag-bukas ng usapan tungkol doon." "Akala ko ay trabaho a
Hindi nawala ang ngiti ni Thauce sa buong byahe. Napatingin naman ako sa oras, madilim-dilim pa. Mag-aalas-kwarto na ng umaga. Sa Toorak ang punta namin, iyon ang lugar na sinabi ni Thauce at mga trenta minutos ang layo mula sa airport. Pero habang papunta roon ay grabe, naaagaw talaga ang atensyon ko sa mga nadaraanan namin.Ang ganda!Parang hindi totoo, eh. Parang ito lang yung mga nakikita ko sa palengke na mga poster. Oh yung mga isinasabit sa dingding ng bahay na nakaframe para dekorasyon. Nahihirapan ako ipaliwanag."You like what you are seeing?"Dahan-dahan akong tumango. Ang mga mata ko ay nakatuon pa rin sa labas ng bintana. Tinatanaw ang mga nadaraanan namin. Grabe. Ibig sabihin sa ganitong kagandang bansa may bahay si Thauce?Sigurado akong hindi basta-basta ang pagbili ng lupain at magpatayo ng bahay sa ganito!"We didn't eat on the plane, are you hungry?"Napabaling ako kay Thauce sa tanong niya. Tuon na tuon lang ang pansin niya sa dinaraanan namin."Hindi naman ako na
Zehra Clarabelle CervelliTahimik kong niyakap ang sarili ko habang nakatingin sa labas ng bintana at tinatanaw ang maliliit na mga ilaw mula sa ibaba. Kaaalis lang ng private plane ni Thauce at wala siya sa tabi ko dahil may mga kinakausap siyang staff.Nang tumungo kami noon sa Palawan ay hindi ko na-enjoy ng ganito ang view, lalo na at umaga 'yon at dahil gabi nga 'yon ang sarap sa mga mata ng maliliit at iba-ibang kulay na mga ilaw."Iba pala kapag narito ka sa itaas, ang naglalakihan na mga building at iba pang mga matataas na lugar na may ilaw ay parang mga langgam lang sa paningin," bulong ko sa aking sarili.Sa totoo lang, isa ito sa surpresa na kahit kailan ay hindi ko inaasahan na gagawin ni Thauce. Kahit pa sobrang miss ko si Seya. Alam ko na kaya niya naman dahil marami siyang pera pero sa mga naibigay na niya para sa akin, sa pagpaparamdam na gagawin niya ang lahat ay napakalayo nito sa isipan ko.Lalo na ang pagdadala ng labi ng mga magulang namin ni Seya at pagpapagawa
Mukhang mas magiging abala pala siya sa mga susunod na araw at buwan. Parang mas nalungkot ako doon. Iba pa rin kasi yung palagi ko siyang nakikita at nakakasama. Pag kasi nasa opisina siya ay gabi at umaga lang. Ang buong maghapon ay sa trabaho. Tipid akong ngumiti at tumango kay Thauce. At habang nasa daan kami papunta sa orphanage ay naalala ko naman na bumili ng cake. "Ayun, Thauce, diyan na lang. Cake shop iyan." Iginilid niya ang sasakyan pero walang parking lot akong makita. "Bababa na ako dito, ayan lang naman sa malapit. Sumunod ka na lang sa loob pag nakahanap ka na ng parking lot. Saka, isang cake lang naman sandali lang ito." "Can you go alone?" "Oo naman, Thauce! saka baka wala ka rin agad mahanap na parking, pag nakabili na ako ay makikita mo naman ako agad. Hindi tayo pwede magtagal dahil baka magsimula na ang celebration." "Okay, baby, be careful." Lumabas na ako ng sasakyan at pumasok sa loob ng cake shop. Namili kaagad ako pagkapasok. Natakam pa ako sa blueber
Halu-halong emosyon. Iyon ang naramdaman ko sa nakaraang linggo pagkatapos kong malaman kay Thauce na buntis ako. Ako mismo na may katawan ay hindi 'yon naramdaman. Pero doon ko rin napagtanto na ang lahat ng nangyayari sa akin, lahat ng kilos at galaw ko ay inoobserbahan niya. At ngayon nga na kumpirmado na namin na dalawang linggo na akong buntis ay mas naging doble pa ang ipinapakita at pinaparamdam niyang pag-iingat sa akin. Ngayon ko lang rin naunawaan ang dahilan ng pagbabago ng mga desisyon niya sa aming dalawa. Ang pag-aaral ko na magsisimula sa susunod na taon at home schooling na. Alam na niya pala non na maaaring buntis ako. Ang hindi niya pagpayag na lumabas ako basta-basta, ang pagsa-suggest niya na kumuha na kami ng kasambahay na tinanggihan ko. Hinintay niya rin talaga na ako ang makaalam na buntis na ako at sa pakiramdam ko, hindi na rin siya non nakatiis kaya niya nasabi. Nang makaramdam ako ng pag-ikot ng sikmura ay bumangon ako ng dahan-dahan at bumaba sa kama. Tu
"Hey, baby. Kanina ka pa?" pagkalapit ay mabilis na hinalikan ni Thauce ang aking mga labi at hinubad ang coat niya na suot."Kadarating-dating lang...""The room is cold," at nilalamig nga talaga ako kahit na makapal-kapal ang bodycon dress na suot ko."What a lovely woman. Is she your wife, Mr. Cervelli?" nang magsimula kaming maglakad ni Thauce sa harapan ay sinusundan pa rin kami ng tingin nga mga tao sa loob. Hindi na maalis ang kaba ko kahit nasa tabi ko siya. Pinagsalikop pa ni Thauce ang mga kamay namin at tiyak ramdam niya ang panlalamig ng kamay ko!"Yes. She's my beautiful wife, everyone. She's Zehra Clarabelle Cervelli," nakangiti naman na pakilala niya sa akin at bago kami naupo ay yumuko ako sa lahat ng naroon bilang respeto."M-Magandang tanghali po sa inyong lahat."D-Dapat kasi ay naghintay na lang ako doon sa table ni Shirley!"Oh, she's blushing!" sabi ng isang babae na may edad na. Nakangiti ito sa akin.May tatlong babae sa loob ng conference room at halos lahat a
Nagising ako sa naramdaman kong kiliti sa aking leeg at aking mukha. Nang unti-unti kong idilat ang mga mata ko ay sinalubong ako ng nakangiting mukha ni Thauce. Nakaupo siya sa gilid ng kama, habang hawak ang isang kamay ko."Good morning, wife."Napapikit ako at nag-inat, nakangiti ng malawak. "Good morning..." paos kong sabi. Nang bumangon ako ay napatitig ako kay Thauce, nang iangat niya ang kamay ko na hawak niya at patakan ng halik 'yon. Napansin ko rin na nakaligo na siya, at naka office suit na."Hindi mo ako ginising? hindi kita tuloy naipaghanda ng almusal.""I made our breakfast already, I know you're tired."Eh paanong hindi ako mapapagod? sobrang ganado niya kagabi! ang aga pa non pero anong oras kaming natapos dahil sa mga gusto niyang gawin! pero ang swerte ko talaga sa kaniya... bukod sa ramdam ko ang pagmamahal niya ay napakamaalaga rin."Kasalanan mo..." nakasimangot ko sabi. Tumawa naman siya at binuhat ako. "Thauce, magugusot ang suot mo! maglalakad na lang ako!
"Thauce, ha!" sita ko na ikinatawa naman niya. Sabay na kaming dalawa na umakyat pero dahil ime-message ko si Lianna. "Maaga na lang tayong magdinner." "Alright, baby." At pagkarating naman sa silid namin ay kinuha ko agad ang cellphone ko at nagtipa ng mensahe kay Lianna. Nakita ko pa ang limang missed calls ni Thauce at ilang mensahe. "So, Errol confessed everything to you?" Napaangat ang tingin ko sa kaniya, wala na siyang damit pang-itaas at may hawak na siyang itim na sando. "Hmm... ako ang nagsabi na mag-usap kami, Thauce. Ibang-iba nga si Errol kaysa dati. Yung yung napansin ko." Pagkasend ko ng mensahe kay Lianna na nakauwi na ako at kanina pa ay ibinaba ko ang cellphone ko sa bedside table. Lumapit ako sa kaniya pagkakita. Nakapagbihis na siya. Naka itim na sando at itim na sweatpants. "Maybe because he is having a hard time now and he regrets a lot of things..." sagot niya at hinawakan ako sa aking siko para mas ilapit. Tumaas naman ang mga kilay ko sa kaniya. "Bak
Pagkatapos ng naging pag-uusap namin ni Errol ay umuwi na rin ako kaagad. Hindi na ako bumalik sa mall. At ngayon habang papasok nga ako sa bahay ay nakailang buntong hininga na ako."Ma'am Zehra, hindi po kayo tumawag para magpasundo."Sinalubong ako ng tanong ni Adriano. Ngumiti naman ako ng tipid sa kaniya. 'Yon rin kasi ang bilin ni Thauce, na kung uuwi ako ay tawagan ko si Ariano pero nag-taxi na lang rin ako."Ako na lang ang bahala kay Thauce, huwag kang mag-alala."Yumuko naman siya"Sige po, Ma'am Zehra."Nagpatuloy naman na ako sa paglalakad papasok."Alam na pala niya non..." bulong ko, hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang naging usapan namin ni Errol.Naging maayos naman iyon. Nagpaalam ako kay Errol na nasabi ko ang lahat ng nais ko at naipagtapat naman niya sa akin ang totoong naramdaman niya. Pati nga ang kay Lianna, dahil sinabi ko na nagalit ako sa kaniya sa ginawa niya nang maospital ito at 'yon daw ay hindi niya sinasadya... hindi niya alam na buntis ito.At napan