Madalas nang pumunta si Thauce sa Bar. Palagi ko itong nakikita na nakatingin sa àkin. Hindi pa rin ako nito tinitigilan tungkol kay Errol.
"Ate, nandito naman si Ate Lea, pasok ka na sa trabaho mo, baka mahuli ka," sabi ni Seya sa akin.Tumingin ako sa orasan. Tumayo ako at hinalikan siya sa noo. Malaki ang ibinagsak ng katawan ni Seya.
Gabi-gabi ay tahimik akong umiiyak at nananalangin dahil sa malaking pagbabago sa katawan niya. Nasasaktan ako ng sobra, kung maaari ko lang akuin ang sakit niya ay ginawa ko na.
"Oo nga, Zehra, mahalaga ang trabaho mo, 'di ba? saka mabait ang amo mo," sabi ni Lea sa akin. Tumango ako at ngumiti sa kaniya.
"Salamat, Lea, ha? salamat sa pagbabantay kay Seya, makakabawi rin kami sa kabutihan mo at ng pamilya inyo nila Letty," sabi ko.
Ngumiti siya sa akin, "Huwag mo nang isipin ang bawi-bawi na 'yan. Pamilya na tayo dito, Zehra, hindi ka man namin matulungan financially, sa ganitong paraan manlang ay maipakita namin ang pagmamahal sa inyo ni Seya."
Niyakap ko sya at muling nagpasalamat. Nagpaalam akong muli sa kapatid ko at tinungo na ang bar. Maaga pa naman, hindi ako mahuhuli. Matapos ng dalawampung minuto na byahe ay narating ko na rin ang Jio's Bar. Dalawang buwan ko na ngayon. Mababait ang mga ka-trabaho lalo na ang boss namin.
"Zehra! naka-book ang bar ngayon hanggang bukas, may party ang mga kaibigan ni Sir Jio. May dumating silang kaibigan galing ng Canada," sabi ni Alice sa akin.
Nasa locker room kami at nagsusuot ako ng uniform.
"Oo, kaya hindi tayo masyadong mapapagod ngayon saka baka maaga rin silang umuwi agad," sagot ni Alice.
Kung ganoon ay mabuti pala. Maaga rin akong makakauwi kay Seya. May magbabantay sa kaniya. Nahihiya na rin kasi ako kina Lea, talagang hinihintay nila na makauwi ako ng trabaho bago iwan si Seya. Napakabait nila sa amin.
Nakatayo na kami sa gilid ng counter. Patingin-tingin ako sa pinto. Ang sabi ay alas otso ang dating ng mga kaibigan ni Sir Jio.
"Puro lalake kaya? alam mo, Zehra, guwapo lahat ang kaibigan ni Sir Jio! type ko nga iyong isa, eh," sabi ni Alice.
Ngumiti lang ako bilang sagot. Bigla ay naalala ko si Errol. Gwapo na mabait pa.
"Ay, ayan na sila!"
Bumalik ang tingin ko sa pinto. Una kong nakita ay si Errol. Napangiti ako nang magtama ang mga mata namin. Kumaway siya at naglakad palapit sa akin. Nang batiin niya ako ay nahagip ng mga mata ko ang nasa likuran niya. Isang magandang babae... at nasa gilid nito si Thauce.
"Zehra! how are you? long time no see!" sabi sa akin ni Errol. Nagulat ako nang humalik siya sa aking pisngi.
"A-Ayos lang, Errol-- Sir Errol. Kayo po?" tanong ko.
Dito sa trabaho, sir dapat ang itawag ko sa kaniya.
"Drop the sir, Zehra. You don't need to call me sir. Anyway, kumain ka na ba?"
Bakit... bakit niya ako tinatanong kung kumain na ako?
Napatingin ako sa dalawang tao sa likod niya na pinakikinggan ang sinasabi niya sa akin. Napansin ko ang tingin sa akin ng babae. Nakangiti ito. Napakaganda niya. Mahaba ang buhok at kulot ang dulo. Matangkad rin siya pero mas mataas ako ng kaunti.
"Oo, k-kumain na ako," sagot ko.
Sumunod na pumasok ay tatlong kalalakehan. Mga kaibigan ni Sir Jio. Nakita ko rin ang boss namin na si Sir Jio.
"Sige, Zehra, see you later. After our party, let's drink coffee sa dreamland. My treat," sabi ni Errol.
Nakita ko na naman ang mapanghusgang mga mata ni Thauce na nakatingin sa akin.
"Let's go, Lianna. Susunod na lang si Errol sa atin," sabi ni Thauce sa babaeng nasa tabi niya.
"Wait, I wanted to meet this beautiful woman first, Arzen."
Arzen... parang sa kaniya ko pa lang narinig ang ikalawang pangalan ni Thauce. Ibig sabihin ay magkalapit silang dalawa.
"Hello, I am Lianna Eliz, kaibigan ako nila Errol at Thauce saka ng boss mo. Ano ang pangalan mo?" tanong niya sa akin ng nakangiti.
Ang ganda niya talaga...
Inilahad pa nito ang kamay sa akin. Ipinunas ko ang aking kanang palad sa likod ng suot kong uniform bago iyon tinanggap.
"A-Ako po si Zehra Clarabelle..." sagot ko.
"Let's take coffee later, Zehra? paunlakan mo sana ang pag-anyaya ni Errol. Bibihira siya makipag-usap sa mga babae at mag-aya ng kape," sabi ni Lianna.
Sa mga salita niya... may napansin ako.
"Hindi naman, Lianna, it's just that, I don't have much of girlf friends. Ikaw lang at si Zehra," sabi ni Errol ng nakangiti.
Nang dumako ang tingin ko kay Thauce ay masama na naman ang mukha niya. Ano na naman ang problema ng lalakeng ito?
"Sige, Zehra, akyat na kami. See you later!" sabi ni Errol ng nakangiti. Nauna na itong maglakad at sumunod naman si Lianna na ngumiti sa akin bago ito naglakad paalis. Nang lalagpasan na ako ni Thauce ay huminto siya at mahinang nagsalita.
"You really got Errol's attention, Zehra Clarabelle."
Hindi ako nagsalita. Minabuti ko na lang na ngitian si Thauce hanggang sa umalis ito.
Sa loob ng ilang oras nilang pagsasaya ay nakabantay lamang kami kung may kailangan sila. Inabot na ng ala una ang inuman. Lasing na ang ibang mga kaibigan ni Sir Jio. Nalaman ko na si Lianna pala iyong kaibigan nila na galing sa Canada.
Mga bata pa lang pala ay magkakaibigan na ang mga ito.
"Zehra, magtatapon na ako ng basura sa gilid, ha?" sabi ni Alice.
Lumapit ako sa kaniya, "Ay, ako na."
"Ha? ayos lang?" tanong niya.
Tumango ako at ngumiti, "Oo, ako naman ang madalas na gumagawa nito."
"Salamat, Zehra!"
Dumaan ako sa likod ng Bar. Liliko na sana ako para itapon sa basurahan ang mga basura nang makarinig ako ng usapan.
"Lianna, si Errol pa rin ba? hanggang ngayon? si Errol pa rin?"
Napaawang ang mga labi ko.
Thauce?
"Arzen, you are drunk. Ito ba ang gusto mong pag-usapan?"
Si Lianna!
"Why? ayaw mo? you know that this is the reason why I called you here, Lianna. I've been waiting for you to comeback and to notice me. Pero hanggang ngayon si Errol pa rin! What did you see in him? ano ba ang meron siya na wala sa akin?"
Napasandal ako sa pader. Bakit ko ba pinapakinggan ang usapan nila?
Aalis na sana ako nang marinig ko ang sagot ni Lianna.
"Ten years and it's still Errol. I am sorry, Arzen..."
"I still love him so much. He's the reason why I came back."
Mabilis akong pumasok ulit sa loob ng Bar nang marinig ang sagot ni Lianna. Mahigpit ang hawak ko sa garbage bag.
May gusto si Thauce kay Lianna? at may gusto si Lianna kay Errol?
"Oh, Zehra? bakit nasa 'yo pa rin iyang basura?" tanong ni Alice sa akin.
Sasagot pa lang sana ako nang lumapit sa akin si Austen. Iyong isa sa bouncer namin.
"Zehra, kanina pa tumutunog itong cellphone mo. Kinuha ko na sa case ng mga gadgets natin, baka kasi importante," sabi nito.
Ibinagsak ko ang garbage bag at kaagad na kinuha ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag at nakita kong si Lea iyon. Bigla akong kinabahan. Idinial ko ang numero ni Lea at ilang ring lang ay sumagot na ito.
"Z-Zehra! S-Si Seya!" umiiyak na sabi ni Lea sa akin.
Nanginig ang mga kamay ko. Hinubad ko ang apron gamit ang aking isang kamay at naglakad palabas.
"B-Bakit? anong nangyari?"
Malabo ang paningin ko dahil sa mga luha. Bago ako makalabas ay napatigil ako nang may humawak sa kamay ko. Paglingon ko ay nakita ko si Errol. May pag-aalala sa mukha niya.
"Inatake na naman siya, Zehra! n-nahirapan huminga. Dinala kaagad namin nila tatay sa ospital. Nasa ICU siya ngayon, Z-Zehra."
Nahulog ang mga luha ko nang mapapikit ako ng mariin.
"P-Pupunta na ako, p-pakiusap, hintayin mo ako diyan, Lea," sabi ko at ibinaba ang tawag.
Sunod-sunod ang paghinga ko pati ang pagtulo ng mga luha ko. Nilukob ng takot ang buong pagkatao ko. Iniharap ako ni Errol sa kaniya. Hindi ko mapigilan ang pag-iyak.
"K-Kailangan kong umalis, s-si Seya..."
"Shh... Zehra, calm down, calm down, okay?" sabi ni Errol sa akin.
Napansin ko na nakababa na ang mga kaibigan nila. Nakatingin ang mga ito sa amin. Pati na si Lianna at si Thauce. Lumapit naman si Sir Jio at tinaong kung ano ang nangyayari.
"What happened, Zehra?"
"S-Sir, k-kailangan ko nang umalis. P-Pakibawasan na lang ang sahod ko ngayong gabi. I-Iyong kapatid ko kasi, isinugod ulit sa ospital. I-Inatake at nasa ICU."
"Don't think about your salary, Zehra. Go to your sister now," sabi nito sa akin.
Tumango ako at tatalikod na sana ulit nang mapatigil dahil hawak pa rin ni Errol ang kamay ko.
"I'll go with you," sabi nito at nilingon ang mga kaibigan, "guys, let's continue this party next time. Emergency lang."
Pagkasabi non ni Errol ay siya na ang naunang naglakad. Ngunit bago pa kami makalabas ng bar ay tinawag siya ni Lianna.
"Errol."
Lumingon si Errol at nginitian nito si Lianna. Ako naman ay napatingin kay Thauce na nakatingin sa kamay ko na hawak ni Errol.
"Thauce, bring her home," sabi ni Errol sa pinsan niya. "Let's see each other tomorrow, Lianna."
Hindi na rin ako nakapagsalita. Hinila na ako ni Errol at tinungo namin ang sasakyan niya. Wala akong kibo na sumakay at nagmaneho siya papunta sa ospital kung saan dinala si Seya.
Nang marating namin ang ospital ay tinakbo ko ang ICU. Nakita ko si Lea. Kaagad ko siyang tinawag at niyakap.
"Zehra!" umiyak siya.
"A-Akala ko kung mapapaaano na si Seya! n-natakot ako." sabi nito.
Hindi ko na rin napigilan na hindi maiyak. Takot na takot sa kaligtasan ng kapatid ko.
"Kalahating oras na siya sa ICU."
Pagkasabi non ni Lea ay siyang paglabas ng doctor. Kinausap ako nito. Halos manlumo ako sa sinabi niyang kalagayan ng kapatid ko. Stage 3 cancer. Napakabilis. Tinapat rin niya ako sa operasyon na kailangan isagawa sa lalong madaling panahon.
Nang malaman ko kung magkano ang kakailanganin ay nais kong mapaluhod. Saan ako kukuha ng dalawang milyon? s-saan ko huhugutin ang ganoon kalaking pera?
Hindi kaagad namin nailabas ng gabing iyon si Seya. Kailangan pa siyang i-examine ng mga doctor. Umuwi na si Lea at ang tatay nito. Nagpasalamat ako sa kanila dahil hindi nila iniwan si Seya habang wala ako.
"Zehra..." napatingin ako kay Errol. Nawala na sa isip ko na nandito pa rin pala siya.
"A-Ah, Errol, p-puwede ba na pakibantayan muna si Seya? b-bibili lang ako ng gamot--
Hindi ko naituloy ang pagsasalita nang lumapit siya sa akin at niyakap ako.
"You can cry, you can be weak right now, Zehra."
Napahikbi ako nang marinig ang sinabi niya. Sobra na kasi.
Sobra na ang mga pinagdaanan ko... tapos ngayon ang kapatid ko naman?
"H-Hindi ko na alam ang gagawin ko, Errol, h-hindi ko alam kung kakayanin ko pa sa mga susunod na araw..."
"P-Pagod na pagod na ako... p-pagod na pagod na iyong isip ko... i-iyong katawan ko."
"B-Bakit? bakit naman nagyayari ito sa amin na magkapatid?"
Hinayaan lang ako ni Errol na umiyak, nang kumalma ako ay nagpasalamat ako sa kaniya. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko nang maiiyak ko ang sakit. Tinungo ko ang labas ng ospital. Pinabantayan ko muna si ang aking kapatid kay Errol dahil bibili ako ng mga kailangang gamot niya.
Ngunit, sa madilim na bahagi ng ospital papunta sa botika napahinto ako nang may humarang sa akin.
Seryoso ang mga mata niya na nakatingin sa akin.
Tiningnan ko si Thauce.
"Ano ang ginagawa mo dito?" tanong ko sa kaniya.
"You need money, right?"
Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at lalagpasan sana siya nang marahas niyang kuhanin ang braso ko.
"I. am. talking. to. you, Zehra Clarabelle. Don't just turn your back on me."
"At ano ang sasabihin mo? iinsultuhin mo na naman ako? sasabihan na ginagamit si Errol para sa pera--
"I have a proposal."
Napahinto ako sa sinabi niya.
"You need two million for your sister's surgery, right?"
P-Paano niya nalaman? saan niya nalaman?
Nagsalubong ang mga kilay ko sa sinabi niya.
"I know you need money. You are desperate now. But you can't earn that 2 million in just a month, Zehra Clarabelle."
Seya... p-para kay Seya...
"A-Ano ang kailangan kong gawin?"
Nakita kong ngumiti si Thauce.
"In three months just stay with Errol. Make him fall in love with you... hard."
Bigla ay naalala ko ang pag-uusap nila ni Lianna kanina. Ginagawa ba niya ito para mapunta sa kaniya si Lianna?
"S-Sa tatlong buwan na iyon?" tanong ko.
"Yes. I can see that Errol is already interested to you. Make him fall hard, who knows, it will benefit you also. Errol is not that hard to love..."
"Make him fall for you so that Lianna will move on her feelings for Errol. Sa oras na makita ni Lianna na may ibang mahal na si Errol ay tiyak na magsisimula na siyang kalimutan ito."
Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig sa tao.
"I can give you five to ten million for this three month agreement."
Tiningnan ko siya ng seryoso sa mga mata.
"I-Iyon lang ang gagawin ko?"
Nang tumango siya ay doon na kami nagkasundo sa gusto niya.
Desperado na ako. Tama si Thauce, hindi ko kikitain ang dalawang milyon na iyon sa isang buwan. Kailangan na ni Seya maoperahan sa lalong madaling panahon. Napakahirap, ngunit wala akong magagawa.Mawawala sa akin ang kapatid ko at hindi ko kayang mangyari iyon. 'Di bale nang malagay ako sa kahihiyan, masaktan ako ng ilang beses, mawala ang dignidad ko. Pero hinding-hindi ko kayang mawala si Seya.Ikamamatay ko."Let me know when do you need the money. Kaagad kong ipapadala sa 'yo. What do you want? cash, bank transfer or cheque?"Hindi ko tiningnan si Thauce. Wala akong pagdadalawang-isip ngayon. Para kay Seya ito... para sa kaligtasan ng kapatid ko."S-Sa tingin ko ay bangko na lang. Ipambabayad ko sa ospital para matuloy na ang operasyon ni Seya--Nagulat ako nang hapitin ako sa baywang ni Thauce. Sa sobrang lapit ng mukha niya ay halos hindi na ako makahinga."I don't like it when someone was not looking at me when I'm talking, Zehra Clarabelle."Malakas ko siyang itinulak."Ang sa
Nakatingin ako ngayon sa mataas na gusali ng kumpanya ni Thauce. Napirmahan ko na ang kontrata. Tinignan ko ang envelope na hawak ko. Binigyan niya ako ng kopya. Sinabi niya sa akin na sa isang araw ililipat ng private hospital si Seya, lahat ng gastos ay siya ang magbabayad.Sinabi ko na ang mahalaga lang sa akin ay ang kaligtasan ng kapatid ko. Hindi na niya ako kailangan bayaran kung siya naman ang sasagot ng lahat ng gastusin ni Seya sa ospital."I don't like you questioning my decisions, Zehra Clarabelle. Kung ano ang sinabi ko ay iyon ang susundin mo.""I will prepare what your sister need. Kilala ko rin ang doktor na titingin sa kaniya. Sa ospital ng kapatid ko ia-admit si Seya. Wala kang dapat na intindihin na iba maliban sa iniuutos ko sa 'yo.""Make Errol fall for you hard. Siguraduhin mo na mababaliw siya sa 'yo at hindi ka niya kayang iwan."Napabuntong hininga na lamang ako. Naglakad ako at pumara ng taxi. Balak kong umuwi muna sa bahay at magpalit ng damit bago muling pum
Katulad ng sinabi ni Thauce ay inilipat kaagad si Seya sa hospital ng kapatid niya dito sa Martini's Hospital. Namangha ako sa laki at ganda ng ospital. Hindi talaga basta mayaman ang pamilya nila Thauce.Napakayaman ng mga ito."Are you the relative of Seya?" tanong sa akin ng doktor."O-Opo, ate niya po ako, doc."Nakiusap ako kay Thauce na baka maaaring patapusin muna ang operasyon ni Seya at masiguro ko na ligtas ang kapatid ko bago ang bakasyon. Sa Palawan nila napagdesisyunang magkakaibigan na pumunta at magsaya. Nalaman ko naman kay Errol na ang pamilya ni Lianna ang may-ari ng resthouse na tutuluyan namin.Nalulula ako sa kanila. Ang taas-taas nila.Sinabi sa akin ng doktor kung kailan ang schedule ng opera ni Seya. Matinding kaba ang naramdaman ko pagkabanggit pa lang niya sa salitang 'operation' napakabata pa ng kapatid ko para pagdaanan ang ganitong pagsubok sa buhay.Nakatingin lang ako sa doktor habang sinasabi sa akin ang mga dapat kong malaman bago ang operasyon."Marami
Ibinaba ni Errol ang mga pagkain sa lamesa. Mas nagiging mahirap para sa akin ang nais na ipagawa ni Thauce dahil sa ipinapakitang kabutihan ni Errol. Pero wala na akong magagawa pa dahil nakapirma na ako sa kontrata, narito na sa ospital si Seya at ilang araw na lang ay ooperahan na."Hindi ka na sana nag-abala pa, Errol," sabi ko at naupo ako sa tapat niya. Nakangiti lamang siya habang isa-isang iniaalis ang mga pagkain sa loob ng paper bag."You know that this is the only thing that I can do for you and for Seya. Hindi mo kasi tinanggap ang tulong na nais kong ibigay sa 'yo... sa ganitong paraan manlang ay maiparamdam ko sa inyong magkapatid na nandito ako at maaari ninyong masandalan."Napalunok ako sa kaniyang sinabi. Mahirap na desisyon ang ginawa kong pagtanggap sa alok ni Thauce sa akin. Katulad ng sinabi niya kanina bago siya mag-iwan ng isang daang libo ay hindi niya iyon ibinigay sa akin para tulong lamang.Para iyon sa ipinapagawa niya.Iyon ang pagkakaiba nilang dalawa."E
Ang pakiramdam ko ay parang masusuka. Ilang beses ko na rin ikinuyom ang aking nanlalamig na mga kamay. Ang aking paghinga rin ay hindi normal at alam ko na dahil iyon sa kaba. Tinawagan ko si Thauce para muli siyang kausapin pero hindi naman siya sumasagot, ilang mensahe na rin ang ipinadala ko at kahit isang reply ay wala. Ngayon ay narito pa rin ako sa ospital at binabantayan si Seya. Napakain ko na siya, nakatulog na rin. Pasado alas diyes na ng gabi at hinihintay ko pa rin ang sagot mula kay Thauce.Nais ko siyang makausap at hindi na ako makakapaghintay pa ng bukas. Alam ko na hindi magiging madali pero kailangan ko pa rin na subukan na mapapayag siya sa nais ko. Hinanda ko na ang sarili ko sa maaaring galit na matanggap ko sa kaniya.Nakukunsensya ako sa usapan namin. Hindi ko pala kaya. Hindi ko kayang lokohin si Errol. Napakabuti niya sa akin--sa aming dalawa ni Seya. Nagpadalos-dalos ako sa desisyon ko dahil ang nasa isip ko ay ang kapakanan ng kapatid ko. Hindi ko na inisip
Pakiramdam ko ay para akong idinuduyan ng malakas sa isang mataas na lugar at sobrang nalulula. Kahit na nakarating na ako sa ospital ay hindi ko malimutan ang nangyaring tagpo sa amin ni Thauce kanina. Hindi ko na nga rin maalala kung paano ba ako nakapag-abang ng taxi at nakasakay. Ang isip ko ay okupado ng naganap na halik sa pagitan namin.Bakit? alam ba niya? o dahil sa kalasingan?Ang bilis ng tibok ng puso ko at kanina pa ako napapahawak sa mga labi ko. Tinugon ko ang mga halik niya na hindi naman dapat! lasing siya at nadala ako ng init ng mga labi niya. Hindi naman iyon ang nais kong mangyari, ang ipinunta ko ay dahil nais ko siyang kausapin sa kasunduan namin.Huminga ako ng malalim at napaupo sa madilim na parte ng ospital. Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi. Iniwan ko siya doon sa bahay niya dahil sa kaba, pagkabigla sa halik at pati na rin sa kakaibang nararamdaman ko at hanggang ngayon ay hindi pa rin normal ang tibok ng puso ko."Zehra... bakit mo kasi sinagot? paano
Hindi ko na alam kung anong oras ako nakatulog. Nagising na lang ako dahil sa mga yabag sa loob ng silid ni Seya. Nang idilat ko ang mga mata ko ay nagulat ako nang makita ko si Thauce na narito sa loob.May kausap itong dalawang doctor at tatlong nurse!"How is Seya's condition, Alvaro?"Hindi ko alam kung bakit pero napapikit akong muli habang nakahiga sa sofa. Nagpanggap na natutulog pa rin habang nakikinig sa usapan nila."Her nose bleed last night. It's not a good sign. We are going to run some tests for today, Arzen. Are you related to this patient? nagulat ako nang sabihin ni Gabrielle na narito ka at may binabantayan na pasyente. Akala ko ay isa sa pamilya mo."Arzen... second name iyon ni Thauce. Iyong iba ay Arzen talaga ang tawag sa kaniya. Mga close friend kaya? pero sila Errol at ang ibang mga kaibigan niya ay Thauce naman ang tawag sa kaniya."She's important to me. Anong oras ite-test?"Napatigil ako nang marinig ang sinabi ni Thauce. Sinabi niya na importante si Seya...
Nang marating ko ang kumpanya ni Thauce ay napansin ko ang ilang mga empleyado na napapatingin sa akin. Mahigpit ang kapit ko sa strap ng aking bag at sa puting folder na hawak ko. Mukha ba akong mag-a-apply ng trabaho dahil sa tingin nila?Nang sumakay ako ng elevator ay ilang beses akong huminga ng malalim. Kabado ako, nanlalamig ang aking mga kamay at papikit-pikit ang aking mga mata.Muling bumukas ang elevator at may pumasok na mga empleyado. Nasa pinakataas ang opisina ni Thauce ilang floor pa ang iaakyat. Tahimik ako na nasa likod sa may sulok habang nag-uusap ang mga empleyado sa harapan ko.Maaayos ang damit, plantsadong-plantsado. Sa tingin ko rin ay mga kaedaran ko lang sila. Siguro kung nakapag-aral ako at nakapagtapos ng kolehiyo ay baka nasa isang kumpanya na rin ako at may maayos na trabaho.Pero ang lupit ng buhay talaga. Kung kailan umaayos na kami ni Seya ay saka kami bibigyan ng ganito katindi na problema. Napapikit ang aking mga mata at sumandal ako sa dingding ng
The Cervellis. "Merry Christmas!" Pagpatak ng alas dose ay sabay-sabay kaming bumati sa isa't-isa. Yumakap ako kay Thauce at humalik naman siya sa aking ulo. "Merry Christmas, wife..." "Merry Christmas, husband..." sagot ko naman na ikinangisi niya. Gustong-gusto niya rin eh kapag tinatawag ko siyang husband. Hindi kami agad natulog nang matapos kumain. Nanood pa kami ng movie, ilang beses pa nga akong inaya ni Thauce pero hindi pa talaga ako non inaantok. Pero nang mapansin ko na parehong naghikab si Lianna at Seya ay nagpasya na rin ako na magpahinga na kaming lahat lalo at si Lianna at Eleaz ay siguradong may jetlag pa. "Isa rin ba sa surpresa mo yung pagdating nila Lianna?" tanong ko. Nakahiga na kami ngayon sa aming kama, katulad ng dati ay nakayakap ako sa kaniya at nakahilig sa kaniyang dibdib. "Hmm. I know you'll be happy to celebrate christmas and new year with her. But, it's also Lianna's decision. Pero ako ang nag-bukas ng usapan tungkol doon." "Akala ko ay trabaho a
Hindi nawala ang ngiti ni Thauce sa buong byahe. Napatingin naman ako sa oras, madilim-dilim pa. Mag-aalas-kwarto na ng umaga. Sa Toorak ang punta namin, iyon ang lugar na sinabi ni Thauce at mga trenta minutos ang layo mula sa airport. Pero habang papunta roon ay grabe, naaagaw talaga ang atensyon ko sa mga nadaraanan namin.Ang ganda!Parang hindi totoo, eh. Parang ito lang yung mga nakikita ko sa palengke na mga poster. Oh yung mga isinasabit sa dingding ng bahay na nakaframe para dekorasyon. Nahihirapan ako ipaliwanag."You like what you are seeing?"Dahan-dahan akong tumango. Ang mga mata ko ay nakatuon pa rin sa labas ng bintana. Tinatanaw ang mga nadaraanan namin. Grabe. Ibig sabihin sa ganitong kagandang bansa may bahay si Thauce?Sigurado akong hindi basta-basta ang pagbili ng lupain at magpatayo ng bahay sa ganito!"We didn't eat on the plane, are you hungry?"Napabaling ako kay Thauce sa tanong niya. Tuon na tuon lang ang pansin niya sa dinaraanan namin."Hindi naman ako na
Zehra Clarabelle CervelliTahimik kong niyakap ang sarili ko habang nakatingin sa labas ng bintana at tinatanaw ang maliliit na mga ilaw mula sa ibaba. Kaaalis lang ng private plane ni Thauce at wala siya sa tabi ko dahil may mga kinakausap siyang staff.Nang tumungo kami noon sa Palawan ay hindi ko na-enjoy ng ganito ang view, lalo na at umaga 'yon at dahil gabi nga 'yon ang sarap sa mga mata ng maliliit at iba-ibang kulay na mga ilaw."Iba pala kapag narito ka sa itaas, ang naglalakihan na mga building at iba pang mga matataas na lugar na may ilaw ay parang mga langgam lang sa paningin," bulong ko sa aking sarili.Sa totoo lang, isa ito sa surpresa na kahit kailan ay hindi ko inaasahan na gagawin ni Thauce. Kahit pa sobrang miss ko si Seya. Alam ko na kaya niya naman dahil marami siyang pera pero sa mga naibigay na niya para sa akin, sa pagpaparamdam na gagawin niya ang lahat ay napakalayo nito sa isipan ko.Lalo na ang pagdadala ng labi ng mga magulang namin ni Seya at pagpapagawa
Mukhang mas magiging abala pala siya sa mga susunod na araw at buwan. Parang mas nalungkot ako doon. Iba pa rin kasi yung palagi ko siyang nakikita at nakakasama. Pag kasi nasa opisina siya ay gabi at umaga lang. Ang buong maghapon ay sa trabaho. Tipid akong ngumiti at tumango kay Thauce. At habang nasa daan kami papunta sa orphanage ay naalala ko naman na bumili ng cake. "Ayun, Thauce, diyan na lang. Cake shop iyan." Iginilid niya ang sasakyan pero walang parking lot akong makita. "Bababa na ako dito, ayan lang naman sa malapit. Sumunod ka na lang sa loob pag nakahanap ka na ng parking lot. Saka, isang cake lang naman sandali lang ito." "Can you go alone?" "Oo naman, Thauce! saka baka wala ka rin agad mahanap na parking, pag nakabili na ako ay makikita mo naman ako agad. Hindi tayo pwede magtagal dahil baka magsimula na ang celebration." "Okay, baby, be careful." Lumabas na ako ng sasakyan at pumasok sa loob ng cake shop. Namili kaagad ako pagkapasok. Natakam pa ako sa blueber
Halu-halong emosyon. Iyon ang naramdaman ko sa nakaraang linggo pagkatapos kong malaman kay Thauce na buntis ako. Ako mismo na may katawan ay hindi 'yon naramdaman. Pero doon ko rin napagtanto na ang lahat ng nangyayari sa akin, lahat ng kilos at galaw ko ay inoobserbahan niya. At ngayon nga na kumpirmado na namin na dalawang linggo na akong buntis ay mas naging doble pa ang ipinapakita at pinaparamdam niyang pag-iingat sa akin. Ngayon ko lang rin naunawaan ang dahilan ng pagbabago ng mga desisyon niya sa aming dalawa. Ang pag-aaral ko na magsisimula sa susunod na taon at home schooling na. Alam na niya pala non na maaaring buntis ako. Ang hindi niya pagpayag na lumabas ako basta-basta, ang pagsa-suggest niya na kumuha na kami ng kasambahay na tinanggihan ko. Hinintay niya rin talaga na ako ang makaalam na buntis na ako at sa pakiramdam ko, hindi na rin siya non nakatiis kaya niya nasabi. Nang makaramdam ako ng pag-ikot ng sikmura ay bumangon ako ng dahan-dahan at bumaba sa kama. Tu
"Hey, baby. Kanina ka pa?" pagkalapit ay mabilis na hinalikan ni Thauce ang aking mga labi at hinubad ang coat niya na suot."Kadarating-dating lang...""The room is cold," at nilalamig nga talaga ako kahit na makapal-kapal ang bodycon dress na suot ko."What a lovely woman. Is she your wife, Mr. Cervelli?" nang magsimula kaming maglakad ni Thauce sa harapan ay sinusundan pa rin kami ng tingin nga mga tao sa loob. Hindi na maalis ang kaba ko kahit nasa tabi ko siya. Pinagsalikop pa ni Thauce ang mga kamay namin at tiyak ramdam niya ang panlalamig ng kamay ko!"Yes. She's my beautiful wife, everyone. She's Zehra Clarabelle Cervelli," nakangiti naman na pakilala niya sa akin at bago kami naupo ay yumuko ako sa lahat ng naroon bilang respeto."M-Magandang tanghali po sa inyong lahat."D-Dapat kasi ay naghintay na lang ako doon sa table ni Shirley!"Oh, she's blushing!" sabi ng isang babae na may edad na. Nakangiti ito sa akin.May tatlong babae sa loob ng conference room at halos lahat a
Nagising ako sa naramdaman kong kiliti sa aking leeg at aking mukha. Nang unti-unti kong idilat ang mga mata ko ay sinalubong ako ng nakangiting mukha ni Thauce. Nakaupo siya sa gilid ng kama, habang hawak ang isang kamay ko."Good morning, wife."Napapikit ako at nag-inat, nakangiti ng malawak. "Good morning..." paos kong sabi. Nang bumangon ako ay napatitig ako kay Thauce, nang iangat niya ang kamay ko na hawak niya at patakan ng halik 'yon. Napansin ko rin na nakaligo na siya, at naka office suit na."Hindi mo ako ginising? hindi kita tuloy naipaghanda ng almusal.""I made our breakfast already, I know you're tired."Eh paanong hindi ako mapapagod? sobrang ganado niya kagabi! ang aga pa non pero anong oras kaming natapos dahil sa mga gusto niyang gawin! pero ang swerte ko talaga sa kaniya... bukod sa ramdam ko ang pagmamahal niya ay napakamaalaga rin."Kasalanan mo..." nakasimangot ko sabi. Tumawa naman siya at binuhat ako. "Thauce, magugusot ang suot mo! maglalakad na lang ako!
"Thauce, ha!" sita ko na ikinatawa naman niya. Sabay na kaming dalawa na umakyat pero dahil ime-message ko si Lianna. "Maaga na lang tayong magdinner." "Alright, baby." At pagkarating naman sa silid namin ay kinuha ko agad ang cellphone ko at nagtipa ng mensahe kay Lianna. Nakita ko pa ang limang missed calls ni Thauce at ilang mensahe. "So, Errol confessed everything to you?" Napaangat ang tingin ko sa kaniya, wala na siyang damit pang-itaas at may hawak na siyang itim na sando. "Hmm... ako ang nagsabi na mag-usap kami, Thauce. Ibang-iba nga si Errol kaysa dati. Yung yung napansin ko." Pagkasend ko ng mensahe kay Lianna na nakauwi na ako at kanina pa ay ibinaba ko ang cellphone ko sa bedside table. Lumapit ako sa kaniya pagkakita. Nakapagbihis na siya. Naka itim na sando at itim na sweatpants. "Maybe because he is having a hard time now and he regrets a lot of things..." sagot niya at hinawakan ako sa aking siko para mas ilapit. Tumaas naman ang mga kilay ko sa kaniya. "Bak
Pagkatapos ng naging pag-uusap namin ni Errol ay umuwi na rin ako kaagad. Hindi na ako bumalik sa mall. At ngayon habang papasok nga ako sa bahay ay nakailang buntong hininga na ako."Ma'am Zehra, hindi po kayo tumawag para magpasundo."Sinalubong ako ng tanong ni Adriano. Ngumiti naman ako ng tipid sa kaniya. 'Yon rin kasi ang bilin ni Thauce, na kung uuwi ako ay tawagan ko si Ariano pero nag-taxi na lang rin ako."Ako na lang ang bahala kay Thauce, huwag kang mag-alala."Yumuko naman siya"Sige po, Ma'am Zehra."Nagpatuloy naman na ako sa paglalakad papasok."Alam na pala niya non..." bulong ko, hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang naging usapan namin ni Errol.Naging maayos naman iyon. Nagpaalam ako kay Errol na nasabi ko ang lahat ng nais ko at naipagtapat naman niya sa akin ang totoong naramdaman niya. Pati nga ang kay Lianna, dahil sinabi ko na nagalit ako sa kaniya sa ginawa niya nang maospital ito at 'yon daw ay hindi niya sinasadya... hindi niya alam na buntis ito.At napan