Share

Chapter 4

Author: Pennieee
last update Huling Na-update: 2023-09-29 03:35:14

Desperado na ako. Tama si Thauce, hindi ko kikitain ang dalawang milyon na iyon sa isang buwan. Kailangan na ni Seya maoperahan sa lalong madaling panahon. Napakahirap, ngunit wala akong magagawa.

Mawawala sa akin ang kapatid ko at hindi ko kayang mangyari iyon. 'Di bale nang malagay ako sa kahihiyan, masaktan ako ng ilang beses, mawala ang dignidad ko. Pero hinding-hindi ko kayang mawala si Seya.

Ikamamatay ko.

"Let me know when do you need the money. Kaagad kong ipapadala sa 'yo. What do you want? cash, bank transfer or cheque?"

Hindi ko tiningnan si Thauce. Wala akong pagdadalawang-isip ngayon. Para kay Seya ito... para sa kaligtasan ng kapatid ko.

"S-Sa tingin ko ay bangko na lang. Ipambabayad ko sa ospital para matuloy na ang operasyon ni Seya--

Nagulat ako nang hapitin ako sa baywang ni Thauce. Sa sobrang lapit ng mukha niya ay halos hindi na ako makahinga.

"I don't like it when someone was not looking at me when I'm talking, Zehra Clarabelle."

Malakas ko siyang itinulak.

"Ang sabi mo ay kailangan ko lang na mapaibig si Errol, hindi ba? wala nang iba?" tanong ko.

"But that doesn't give you the right to do anything that you want. You are under me right now, Zehra Clarable. Bukas na bukas ay ipapasundo kita sa tauhan ko. Pupunta ka sa opisina ko para pirmahan ang kontrata."

Kontrata?

"P-Para saan iyon?"

Umismid siya, lumapit at hinawakan ang baba ko at iniangat.

"I am not an idiot man. I need a contract and your sign. Ayokong takbuhan na lang basta-basta kapag nakuha na ang nais sa akin."

Masama ko siyang tiningnan. Hindi naman ako ganoong klase ng tao! marunong akong tumupad sa usapan! siya nga itong mukhang babalik sa nais niya dahil sa mga hindi mabubuting gawa niya.

"Hindi ako ganoon, Thauce. Kahit na mahirap kami, hindi ko ugali na tumakbo ng pera. Nasa iyo ang mga salita ko," matigas kong sabi sa kaniya.

"Then come tomorrow. I need you to sign the contract."

Tumango lang ako sa kaniya at hindi na sumagot. Nang sa tingin ko ay wala na siyang iba pang sasabihin ay tumalikod na ako. Pero napatigil rin nang hawakan niya ako sa kamay. Nilingon ko siya.

"Ano pa ang kailangan mo sa akin?"

"I don't like you talking like that to me, Zehra Clarabelle. Watch your mouth."

Napalunok ako sa sinabi niya. Binitawan niya ang aking kamay at nakita kong kumuha siya ng pera sa wallet niya. Makapal na pera ang kinuha niya doon. Kinuha niyang muli ang kamay ko at inilagay ang pera.

"A-Anong... h-hindi ko ito kailangan. Bukas... bukas kapag nakapirma ako ng kontrata saka pa lang--"

"This is not for you. This is for your sister. Take it and buy her medicines."

Pagkasabi non ni Thauce ay tumalikod na siya. Ako ay napatingin sa pera na nasa palad ko. Umahon ang sakit sa dibdib ko. Ganito pala ang pakiramdam na para kang nanlilimos. Kaso wala akong ibang magagawa, walang ibang tutulong. Kailangan kong tiisin ito.

Ang masasakit na salita ni Thauce ay kailangan kong tanggapin. Pati na ang mga susunod na mangyayari sa tatlong buwan na nais niyang gawin ko.

Nang makabili ako ng gamot ay bumalik na ako sa silid ni Seya. Napatingin ako kay Errol, nakatulog na siya. Nilapitan ko siya at hinimas ang kaniyang pisngi. Sino ang hindi magkakagusto sa katulad ni Errol?

Mabait... napakabait nito. Kahit noong limang taon na ang nakalipas, ang paraan ng pagsasalita, ang kilos, hindi nagpapakita ng kasamaan.

Naiintindihan ko si Lianna kung bakit ilang taon na ang nakalipas ay hindi pa rin niya makalimutan ang taong ito.

Ngunit nasasaktan ako ngayon.

Pinalis ko ang mga luha na nalaglag sa aking magkabilang pisngi.

Kapalit ng limang milyon kailangan kong lumapit kay Errol at mapa-ibig ito dahil iyon ang nais ni Thauce. Para mapunta sa kaniya ang atensyon ni Lianna, kailangan akong mahalin ni Errol.

Nang makita ko na gumalaw ang mga mata ni Errol ay nailayo ko ang aking kamay. Ilang segundo lang ay idinilat niya ang mga mata.

"Nakatulog pala ako, pasensiya na, Zehra."

Siya pa ang humingi ng pasensiya gayong ako ang humingi ng pabor na bantayan niya ang kapatid ko.

"Hindi, ayos lang... bumili rin ako ng kape, ito," sabi ko at ipinakita sa kaniya.

"Maaari ka nang umuwi pagkatapos mong magkape, kaya ko na rito," dagdag kong sabi nang abutin niya ang kape na binili ko sa labas.

Ngunit nang umiling si Errol ay tumaas ang mga kilay ko.

"I will stay with you here until Seya woke up. Tiyak na iiyak ka mag-isa dito."

Nabigla ako sa sinabi niya. Totoo naman.

Naupo ako sa tabi niya sa sofa at hinila ko ang maliit na lamesa. Ibinaba ko doon ang aking kape at ganoon na rin siya. Napakabait. Wala akong masabi.

"Nakikita ko na may gusto na sa 'yo si Errol. Isa pa, he's not that hard to love."

Oo at hindi nga, pero ano ang iisipin ni Errol kapag nalaman niya na nakipagkasundo ako kay Thauce para mapaibig siya?

Na pumayag ako na paibigin siya kapalit ng limang milyon?

Nakatingin ako kay Errol habang nasa isip ko iyon. Hindi nararapat, ngunit wala na akong ibang pamimilian kung hindi ang tanggapin ang offer ni Thauce sa akin. Desperado na ako, para sa kaligtasan ni Seya.

"Ang bait mo sa amin ni Seya, Errol... maraming-maraming salamat, ha? wala, eh... ang hirap kasi. Bigla na lang nagkaroon ng ganitong sakit si Seya. Hindi ko rin inaasahan, naging malihim ang kapatid ko sa nararamdaman niya dahil iniintindi niya na dagdag siya sa magiging gastusin."

Uminom ako ng kape, ganoon rin si Errol.

"Mabait na bata si Seya, katulad mo..." tumingin sa akin si Errol, nang ibaba ko ang aking kape ay nagulat ako nang hawakan niya ang aking kanang kamay.

"Masaya akong matulungan kayong dalawa, Zehra. Kung may kailangan ka pa ay sabihin mo lang sa akin, habang ginagamot si Seya ay nandito lang ako sa tabi mo, hindi ko kayo iiwan ng kapatid mo."

Tama si Thauce. Hindi mahirap mahalin si Errol. Natural na mahuhulog ang loob mo sa kaniya sa kabutihan niya. Napakamaalalahanin, mabuti sa kapwa, hindi pinipili ang taong tinutulungan. Napakapalad ng babaeng mamahalin niya.

"Maraming salamat, Errol."

Nagulat ako nang yakapin niya ako.

"Everything will be alright, Zehra, gagaling si Seya, gagaling siya."

Hindi pumayag ang doctor ni Seya na iuwi namin siya ngayong araw. Bago umalis si Errol ay kinausap niya ang doktor pero sinabi sa amin na delikado. Anumang oras ay maaaring atakihin ulit ang kapatid ko. Dahil ang prayoridad ko ang kalusugan ni Seya at kaligtasan niya ay pumayag ako.

Ang bill namin ay tumataas sa bawat oras na nananatili siya sa ospital. Bigla ay naalala ko ang tagpo namin ni Thauce at ang nais niyang gawin ko.

"Ma'am."

Nakatingin ako sa driver niya. Narito ako ngayon sa highway, sa isang convenient store. Ngayon ako pupunta sa kumpanya niya para pirmahan ang kontrata na sinasabi niya sa akin. Wala akong ibang choice, hindi ko rin naisip na humingi ng tulong tungkol sa pera kay Errol.

Kahit na nag-offer siya na kahit anong tulong ay ibibigay niya hindi ko pa rin gusto. Ayokong isipin ni Thauce na talagang pera lang ang habol ko sa pinsan niya sakaling humingi ako ng tulong kay Errol.

Tama na ang mga masasamang salita na ibinato niya sa akin.

Sumakay na ako sa sasakyan at kaagad itong pinaandar ng driver.

Ang isip ko ay nasa ospital pa rin. Ang laki ng ipinayat ni Seya, malalim rin ang mga mata niya. Ang mga labi ay namumutla. Hindi ko mapigilang hindi maiyak, pinalis ko ang mga luha na nalaglag sa aking mga mata nang maalala ang sitwasyon namin na magkapatid.

Kahit magkabaon-baon ako sa utang, kahit dignidad ko ang kapalit ilalaban ko ang kapatid ko.

Nang tumunog ang cellphone ko ay nakita ko ang pangalan ni Lea sa screen. May mensahe siya. Kaagad ko iyong binuksan. Nakita ko ang larawan niya at ni Seya habang kumakain ang kapatid ko. Napangiti ako, mabuti naman ay may gana na siyang kumain. Bago kasi ako umalis kanina ay ilang beses ko siyang pinilit ngunit ayaw niya talaga.

Nagtipa ako ng mensahe kay Lea nang mapansin na iba ang pagkain na kinakain ni Seya sa binili ko. Lugaw kasi ang binili ko kaninang umaga.

"Saan galing ang mga pritong manok? kaya pala magana nang kumain ay gusto ang ulam."

Biro ko lamang iyon. Sinend ko ang sagot ko sa mensahe ni Lea. Wala pang isang minuto ay nagreply na siya sa akin.

"Si Errol ang nagdala, Zehra! nagbigay rin siya ng mga prutas dito, nagmamadali nga, papasok ata sa opisina."

Bumilis ang tibok ng puso ko nang mabasa ang pangalan ni Errol. Napahawak ako sa dibdib ko. Kahit na sabihin ko sa kaniya na sapat na ang tulong na naibigay niya ay hindi pa rin siya tumitigil. Mukhang tototohanin niya ang sinabi niya kagabi na hanggang sa gumaling si Seya ay makakasama namin siya.

Napakabait.

"Nandito na po tayo."

Hindi na ako nakapagtipa ng sagot kay Lea nang marinig ko ang boses ng driver. Narito kami sa parking lot ng sa tingin ko ay kumpanya ni Thauce. Nang lumabas ang driver ng sasakyan ay lumabas na rin ako. Sinundan ko ito. Maganda ang kumpanya, may mga empleyado sa labas na sa tingin ko ay break-time nila.

Pumasok kami sa elevator nong driver at nakita kong pinindot niya ang 30th floor. Napakataas naman pala ng opisina ni Thauce.

"Nandito na po tayo, ma'am. Inaasahan na po ni sir ang pagdating ninyo."

Nang yumuko sa akin ang driver ay napayuko rin ako.

"S-Salamat po."

Tiningnan ko muna ang pinto bago ako pumasok. Kinatok ko ng tatlong beses at binuksan.

Nakita ko si Thauce na nakasalamin at nakatutok sa kaniyang computer. Ibang-iba ang itsura niya ngayon kumpara sa mga nakaraang araw ko siyang nakita. Seryoso pa rin ang mukha ngunit ang aura niya ay kakaiba. Ganito pala siya sa trabaho.

Sandali siyang tumigil sa pagtitipa at tinitigan ako.

"Close the door, Zehra Clarabelle."

Agad akong tumalima nang marinig ang sinabi niya. Nang maisara ko ang pinto ay nanatili ako kanina sa dating puwesto. Medyo malayo sa kaniya. Nakita kong tinanggal ni Thauce ang kaniyang salamin at tiningnan akong muli.

"What are you doing there? mag-uusap ba tayo ng nandiyan ka? sit on the sofa."

Dahan-dahan akong naglakad sa sofa sa gilid. Naupo ako katulad ng sinabi niya. Napakasungit niya talaga, maaari namang sabihin iyon ng maayos pero kailangan pang sabihin ng may inis sa boses.

Malayong-malayo ang ugali niya kay Errol.

"I heard that Errol went to the hospital earlier. Nagdala siya ng pagkain at mga prutas, nagkita ba kayo?" he asked. May ibinaba siyang brown envelope sa lamesa at pagkatapos ay naupo siya sa tapat ko.

"Hindi. Si Lea ang naabutan niya. Sumandali ako sa bar kaya't hindi kami doon nagkita."

Nagpaalam ako kay Sir Jio na hindi ako papasok ngayong araw para mabantayan si Seya. Mukhang kailangan ko na rin maghanap ng ibang trabaho, hindi maaaring si Lea ang palaging magbabantay sa kapatid ko, nakakahiya sa kanila.

Hindi rin naman maaaring walang bantay si Seya, kawawa naman ang kapatid ko.

"We will have group of friends vacation next week. That's your chance to get Errol's attention. Isasama kita."

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ako maaaring umalis. Paano si Seya? sino ang magbabantay sa kapatid ko?

"Pero, si Seya... walang makakasama si Seya, Thauce..."

Kinuha niya ang envelope at inilabas ang laman non.

"This is the contract. If you need, I will read it for you."

Umiling ako, kahit papaano ay nakakabasa ako ng ingles. Kahit hindi ako nakapag-aral ng high school ay sinubukan kong magbasa-basa ng mga libro para magkaroon ako ng kaalaman kahit walang pera para makapag-enrioll sa paaralan.

"Ako na, kaya kong maintindihan," sabi ko. Ibinaba niya ang papel at kinuha ko iyon. Itinuon ko ang aking buong atensyon sa pagbabasa.

Tama ang sinabi niya sa ospital. Ang nakalagay sa agreement ay kailangan kong mapaibig si Errol sa loob ng tatlong buwan at kung hindi man mangyari iyon ay wala akong ibabalik na pera sa kaniya. Iyon ang isa sa nasa isip ko. Kung mabigo ba ako ay kakailanganin kong ibalik ang pera. Mabuti naman at hindi.

Pero sa nasa pinakadulo ako tiyak na mahihirapan. Nakasaad na ang lahat ng sasabihin niya ay kailangan kong sundin.

"I will transfer your sister to a private hospital, Zehra Clarabelle. Wala kang dapat na intindihin sa gastos at sa magbabantay sa kaniya. May kinuha na rin akong mag-aalaga sa kapatid mo. To make sure that she's safe you can video call her while you are with me."

Ibig sabihin ay nakapagplano na talaga siya.

"Gaano katagal tayong mawawala?" tanong ko.

"One month," mabilis niyang sagot.

Isang buwan... hindi naman siya mahigpit dahil katulad ng sinabi niya ay maaari akong tumawag kay Seya.

"If you are still worried, I can pay your friend to look for your sister. Dalawa sila ng private nurse na kukuhanin ko para tingnan ang kalagayan ng kapatid mo."

Sa tingin ko ay si Lea ang tinutukoy niya.

Napansin ko ang pagiging agresibo niya sa nais niyang gawin ko. Desperado na si Thauce. Iyon ang nakikita ko sa kaniya ngayon.

"Mahal na mahal mo si Lianna, Thauce... dahil lahat ng ito ay ginagawa mo para sa kaniya." Nakagat ko ang aking ibabang labi nang masabi iyon.

Naging blangko ang ekspresyon ng mukha niya. Kanina ay seryoso siyang nakatingin sa akin. Pumaling ang ulo niya ng kaunti at umismid.

"I will do anything to get Liannna's attention. Sa akin nararapat ang pag-ibig niya at hindi kay Errol na binabalewala lang siya," sabi niya at tumingin sa kontrata.

"If you don't have questions, sign the contract now, Zehra Clarabelle."

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ang tindi magmahal ni thauce kahit ano gagawin nya mapasa kanya lang ang babaeng iniibig nya
goodnovel comment avatar
Myles Berces Canillo
Ano ba yan thauce, full name talaga lagi ang pg tawag mo kay zhera ang ganda ng story mo miss Author, sna lng wag masyado mapanakit sa bida hahaha
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Three Month Agreement   Chapter 5

    Nakatingin ako ngayon sa mataas na gusali ng kumpanya ni Thauce. Napirmahan ko na ang kontrata. Tinignan ko ang envelope na hawak ko. Binigyan niya ako ng kopya. Sinabi niya sa akin na sa isang araw ililipat ng private hospital si Seya, lahat ng gastos ay siya ang magbabayad.Sinabi ko na ang mahalaga lang sa akin ay ang kaligtasan ng kapatid ko. Hindi na niya ako kailangan bayaran kung siya naman ang sasagot ng lahat ng gastusin ni Seya sa ospital."I don't like you questioning my decisions, Zehra Clarabelle. Kung ano ang sinabi ko ay iyon ang susundin mo.""I will prepare what your sister need. Kilala ko rin ang doktor na titingin sa kaniya. Sa ospital ng kapatid ko ia-admit si Seya. Wala kang dapat na intindihin na iba maliban sa iniuutos ko sa 'yo.""Make Errol fall for you hard. Siguraduhin mo na mababaliw siya sa 'yo at hindi ka niya kayang iwan."Napabuntong hininga na lamang ako. Naglakad ako at pumara ng taxi. Balak kong umuwi muna sa bahay at magpalit ng damit bago muling pum

    Huling Na-update : 2023-09-29
  • Three Month Agreement   Chapter 6

    Katulad ng sinabi ni Thauce ay inilipat kaagad si Seya sa hospital ng kapatid niya dito sa Martini's Hospital. Namangha ako sa laki at ganda ng ospital. Hindi talaga basta mayaman ang pamilya nila Thauce.Napakayaman ng mga ito."Are you the relative of Seya?" tanong sa akin ng doktor."O-Opo, ate niya po ako, doc."Nakiusap ako kay Thauce na baka maaaring patapusin muna ang operasyon ni Seya at masiguro ko na ligtas ang kapatid ko bago ang bakasyon. Sa Palawan nila napagdesisyunang magkakaibigan na pumunta at magsaya. Nalaman ko naman kay Errol na ang pamilya ni Lianna ang may-ari ng resthouse na tutuluyan namin.Nalulula ako sa kanila. Ang taas-taas nila.Sinabi sa akin ng doktor kung kailan ang schedule ng opera ni Seya. Matinding kaba ang naramdaman ko pagkabanggit pa lang niya sa salitang 'operation' napakabata pa ng kapatid ko para pagdaanan ang ganitong pagsubok sa buhay.Nakatingin lang ako sa doktor habang sinasabi sa akin ang mga dapat kong malaman bago ang operasyon."Marami

    Huling Na-update : 2023-09-29
  • Three Month Agreement   Chapter 7

    Ibinaba ni Errol ang mga pagkain sa lamesa. Mas nagiging mahirap para sa akin ang nais na ipagawa ni Thauce dahil sa ipinapakitang kabutihan ni Errol. Pero wala na akong magagawa pa dahil nakapirma na ako sa kontrata, narito na sa ospital si Seya at ilang araw na lang ay ooperahan na."Hindi ka na sana nag-abala pa, Errol," sabi ko at naupo ako sa tapat niya. Nakangiti lamang siya habang isa-isang iniaalis ang mga pagkain sa loob ng paper bag."You know that this is the only thing that I can do for you and for Seya. Hindi mo kasi tinanggap ang tulong na nais kong ibigay sa 'yo... sa ganitong paraan manlang ay maiparamdam ko sa inyong magkapatid na nandito ako at maaari ninyong masandalan."Napalunok ako sa kaniyang sinabi. Mahirap na desisyon ang ginawa kong pagtanggap sa alok ni Thauce sa akin. Katulad ng sinabi niya kanina bago siya mag-iwan ng isang daang libo ay hindi niya iyon ibinigay sa akin para tulong lamang.Para iyon sa ipinapagawa niya.Iyon ang pagkakaiba nilang dalawa."E

    Huling Na-update : 2023-09-29
  • Three Month Agreement   Chapter 8

    Ang pakiramdam ko ay parang masusuka. Ilang beses ko na rin ikinuyom ang aking nanlalamig na mga kamay. Ang aking paghinga rin ay hindi normal at alam ko na dahil iyon sa kaba. Tinawagan ko si Thauce para muli siyang kausapin pero hindi naman siya sumasagot, ilang mensahe na rin ang ipinadala ko at kahit isang reply ay wala. Ngayon ay narito pa rin ako sa ospital at binabantayan si Seya. Napakain ko na siya, nakatulog na rin. Pasado alas diyes na ng gabi at hinihintay ko pa rin ang sagot mula kay Thauce.Nais ko siyang makausap at hindi na ako makakapaghintay pa ng bukas. Alam ko na hindi magiging madali pero kailangan ko pa rin na subukan na mapapayag siya sa nais ko. Hinanda ko na ang sarili ko sa maaaring galit na matanggap ko sa kaniya.Nakukunsensya ako sa usapan namin. Hindi ko pala kaya. Hindi ko kayang lokohin si Errol. Napakabuti niya sa akin--sa aming dalawa ni Seya. Nagpadalos-dalos ako sa desisyon ko dahil ang nasa isip ko ay ang kapakanan ng kapatid ko. Hindi ko na inisip

    Huling Na-update : 2023-09-29
  • Three Month Agreement   Chapter 9

    Pakiramdam ko ay para akong idinuduyan ng malakas sa isang mataas na lugar at sobrang nalulula. Kahit na nakarating na ako sa ospital ay hindi ko malimutan ang nangyaring tagpo sa amin ni Thauce kanina. Hindi ko na nga rin maalala kung paano ba ako nakapag-abang ng taxi at nakasakay. Ang isip ko ay okupado ng naganap na halik sa pagitan namin.Bakit? alam ba niya? o dahil sa kalasingan?Ang bilis ng tibok ng puso ko at kanina pa ako napapahawak sa mga labi ko. Tinugon ko ang mga halik niya na hindi naman dapat! lasing siya at nadala ako ng init ng mga labi niya. Hindi naman iyon ang nais kong mangyari, ang ipinunta ko ay dahil nais ko siyang kausapin sa kasunduan namin.Huminga ako ng malalim at napaupo sa madilim na parte ng ospital. Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi. Iniwan ko siya doon sa bahay niya dahil sa kaba, pagkabigla sa halik at pati na rin sa kakaibang nararamdaman ko at hanggang ngayon ay hindi pa rin normal ang tibok ng puso ko."Zehra... bakit mo kasi sinagot? paano

    Huling Na-update : 2023-09-29
  • Three Month Agreement   Chapter 10

    Hindi ko na alam kung anong oras ako nakatulog. Nagising na lang ako dahil sa mga yabag sa loob ng silid ni Seya. Nang idilat ko ang mga mata ko ay nagulat ako nang makita ko si Thauce na narito sa loob.May kausap itong dalawang doctor at tatlong nurse!"How is Seya's condition, Alvaro?"Hindi ko alam kung bakit pero napapikit akong muli habang nakahiga sa sofa. Nagpanggap na natutulog pa rin habang nakikinig sa usapan nila."Her nose bleed last night. It's not a good sign. We are going to run some tests for today, Arzen. Are you related to this patient? nagulat ako nang sabihin ni Gabrielle na narito ka at may binabantayan na pasyente. Akala ko ay isa sa pamilya mo."Arzen... second name iyon ni Thauce. Iyong iba ay Arzen talaga ang tawag sa kaniya. Mga close friend kaya? pero sila Errol at ang ibang mga kaibigan niya ay Thauce naman ang tawag sa kaniya."She's important to me. Anong oras ite-test?"Napatigil ako nang marinig ang sinabi ni Thauce. Sinabi niya na importante si Seya...

    Huling Na-update : 2023-09-29
  • Three Month Agreement   Chapter 11

    Nang marating ko ang kumpanya ni Thauce ay napansin ko ang ilang mga empleyado na napapatingin sa akin. Mahigpit ang kapit ko sa strap ng aking bag at sa puting folder na hawak ko. Mukha ba akong mag-a-apply ng trabaho dahil sa tingin nila?Nang sumakay ako ng elevator ay ilang beses akong huminga ng malalim. Kabado ako, nanlalamig ang aking mga kamay at papikit-pikit ang aking mga mata.Muling bumukas ang elevator at may pumasok na mga empleyado. Nasa pinakataas ang opisina ni Thauce ilang floor pa ang iaakyat. Tahimik ako na nasa likod sa may sulok habang nag-uusap ang mga empleyado sa harapan ko.Maaayos ang damit, plantsadong-plantsado. Sa tingin ko rin ay mga kaedaran ko lang sila. Siguro kung nakapag-aral ako at nakapagtapos ng kolehiyo ay baka nasa isang kumpanya na rin ako at may maayos na trabaho.Pero ang lupit ng buhay talaga. Kung kailan umaayos na kami ni Seya ay saka kami bibigyan ng ganito katindi na problema. Napapikit ang aking mga mata at sumandal ako sa dingding ng

    Huling Na-update : 2023-10-17
  • Three Month Agreement   Chapter 12

    Mataas ang pangarap ko noon para sa aking pamilya. Ako iyong bata na kahit maliit pa lang, ang nasa isip ay kaginhawahan na ng buhay. Nakita ko kasi ang hirap at sakripisyo ng aking mga magulang. Wala sa akin noon ang saya ng paglalaro kasama ang mga kaedaran ko, ang kaligayahan ko ay makapag-uwi ng pagkain para sa aking pamilya at matulungan si nanay at tatay. Galing naman ang pera sa pagtitinda ko ng puto sa bayan. Madalas kasi noon na paglakuin ako ng mga tindera sa palengke sa mga lugar para makaubos sila ng mga tindang pagkain.Iyon ang pinagkakaabalahan ko noon pagkatapos sa skwela. Kilalang-kilala rin ako ng mga guro ko dahil bukod sa palagi akong nangunguna sa klase ay buong paaralan namin ang iniikot ko at binebentahan ng mga ni-repack na mani, butong pakwan, at beans na inaalok sa kanila.Madalas kong marinig noon na yayaman daw ako. Maswerte ang aking mga magulang dahil giginhawa ang buhay namin kasi masipag daw ako, matiyaga at pagkatapos ay matalino pa. Nakapagtapos nga a

    Huling Na-update : 2023-10-17

Pinakabagong kabanata

  • Three Month Agreement   LAST CHAPTER

    The Cervellis. "Merry Christmas!" Pagpatak ng alas dose ay sabay-sabay kaming bumati sa isa't-isa. Yumakap ako kay Thauce at humalik naman siya sa aking ulo. "Merry Christmas, wife..." "Merry Christmas, husband..." sagot ko naman na ikinangisi niya. Gustong-gusto niya rin eh kapag tinatawag ko siyang husband. Hindi kami agad natulog nang matapos kumain. Nanood pa kami ng movie, ilang beses pa nga akong inaya ni Thauce pero hindi pa talaga ako non inaantok. Pero nang mapansin ko na parehong naghikab si Lianna at Seya ay nagpasya na rin ako na magpahinga na kaming lahat lalo at si Lianna at Eleaz ay siguradong may jetlag pa. "Isa rin ba sa surpresa mo yung pagdating nila Lianna?" tanong ko. Nakahiga na kami ngayon sa aming kama, katulad ng dati ay nakayakap ako sa kaniya at nakahilig sa kaniyang dibdib. "Hmm. I know you'll be happy to celebrate christmas and new year with her. But, it's also Lianna's decision. Pero ako ang nag-bukas ng usapan tungkol doon." "Akala ko ay trabaho a

  • Three Month Agreement   Chapter 131

    Hindi nawala ang ngiti ni Thauce sa buong byahe. Napatingin naman ako sa oras, madilim-dilim pa. Mag-aalas-kwarto na ng umaga. Sa Toorak ang punta namin, iyon ang lugar na sinabi ni Thauce at mga trenta minutos ang layo mula sa airport. Pero habang papunta roon ay grabe, naaagaw talaga ang atensyon ko sa mga nadaraanan namin.Ang ganda!Parang hindi totoo, eh. Parang ito lang yung mga nakikita ko sa palengke na mga poster. Oh yung mga isinasabit sa dingding ng bahay na nakaframe para dekorasyon. Nahihirapan ako ipaliwanag."You like what you are seeing?"Dahan-dahan akong tumango. Ang mga mata ko ay nakatuon pa rin sa labas ng bintana. Tinatanaw ang mga nadaraanan namin. Grabe. Ibig sabihin sa ganitong kagandang bansa may bahay si Thauce?Sigurado akong hindi basta-basta ang pagbili ng lupain at magpatayo ng bahay sa ganito!"We didn't eat on the plane, are you hungry?"Napabaling ako kay Thauce sa tanong niya. Tuon na tuon lang ang pansin niya sa dinaraanan namin."Hindi naman ako na

  • Three Month Agreement   Chapter 130

    Zehra Clarabelle CervelliTahimik kong niyakap ang sarili ko habang nakatingin sa labas ng bintana at tinatanaw ang maliliit na mga ilaw mula sa ibaba. Kaaalis lang ng private plane ni Thauce at wala siya sa tabi ko dahil may mga kinakausap siyang staff.Nang tumungo kami noon sa Palawan ay hindi ko na-enjoy ng ganito ang view, lalo na at umaga 'yon at dahil gabi nga 'yon ang sarap sa mga mata ng maliliit at iba-ibang kulay na mga ilaw."Iba pala kapag narito ka sa itaas, ang naglalakihan na mga building at iba pang mga matataas na lugar na may ilaw ay parang mga langgam lang sa paningin," bulong ko sa aking sarili.Sa totoo lang, isa ito sa surpresa na kahit kailan ay hindi ko inaasahan na gagawin ni Thauce. Kahit pa sobrang miss ko si Seya. Alam ko na kaya niya naman dahil marami siyang pera pero sa mga naibigay na niya para sa akin, sa pagpaparamdam na gagawin niya ang lahat ay napakalayo nito sa isipan ko.Lalo na ang pagdadala ng labi ng mga magulang namin ni Seya at pagpapagawa

  • Three Month Agreement   Chapter 129

    Mukhang mas magiging abala pala siya sa mga susunod na araw at buwan. Parang mas nalungkot ako doon. Iba pa rin kasi yung palagi ko siyang nakikita at nakakasama. Pag kasi nasa opisina siya ay gabi at umaga lang. Ang buong maghapon ay sa trabaho. Tipid akong ngumiti at tumango kay Thauce. At habang nasa daan kami papunta sa orphanage ay naalala ko naman na bumili ng cake. "Ayun, Thauce, diyan na lang. Cake shop iyan." Iginilid niya ang sasakyan pero walang parking lot akong makita. "Bababa na ako dito, ayan lang naman sa malapit. Sumunod ka na lang sa loob pag nakahanap ka na ng parking lot. Saka, isang cake lang naman sandali lang ito." "Can you go alone?" "Oo naman, Thauce! saka baka wala ka rin agad mahanap na parking, pag nakabili na ako ay makikita mo naman ako agad. Hindi tayo pwede magtagal dahil baka magsimula na ang celebration." "Okay, baby, be careful." Lumabas na ako ng sasakyan at pumasok sa loob ng cake shop. Namili kaagad ako pagkapasok. Natakam pa ako sa blueber

  • Three Month Agreement   Chapter 128

    Halu-halong emosyon. Iyon ang naramdaman ko sa nakaraang linggo pagkatapos kong malaman kay Thauce na buntis ako. Ako mismo na may katawan ay hindi 'yon naramdaman. Pero doon ko rin napagtanto na ang lahat ng nangyayari sa akin, lahat ng kilos at galaw ko ay inoobserbahan niya. At ngayon nga na kumpirmado na namin na dalawang linggo na akong buntis ay mas naging doble pa ang ipinapakita at pinaparamdam niyang pag-iingat sa akin. Ngayon ko lang rin naunawaan ang dahilan ng pagbabago ng mga desisyon niya sa aming dalawa. Ang pag-aaral ko na magsisimula sa susunod na taon at home schooling na. Alam na niya pala non na maaaring buntis ako. Ang hindi niya pagpayag na lumabas ako basta-basta, ang pagsa-suggest niya na kumuha na kami ng kasambahay na tinanggihan ko. Hinintay niya rin talaga na ako ang makaalam na buntis na ako at sa pakiramdam ko, hindi na rin siya non nakatiis kaya niya nasabi. Nang makaramdam ako ng pag-ikot ng sikmura ay bumangon ako ng dahan-dahan at bumaba sa kama. Tu

  • Three Month Agreement   Chapter 127

    "Hey, baby. Kanina ka pa?" pagkalapit ay mabilis na hinalikan ni Thauce ang aking mga labi at hinubad ang coat niya na suot."Kadarating-dating lang...""The room is cold," at nilalamig nga talaga ako kahit na makapal-kapal ang bodycon dress na suot ko."What a lovely woman. Is she your wife, Mr. Cervelli?" nang magsimula kaming maglakad ni Thauce sa harapan ay sinusundan pa rin kami ng tingin nga mga tao sa loob. Hindi na maalis ang kaba ko kahit nasa tabi ko siya. Pinagsalikop pa ni Thauce ang mga kamay namin at tiyak ramdam niya ang panlalamig ng kamay ko!"Yes. She's my beautiful wife, everyone. She's Zehra Clarabelle Cervelli," nakangiti naman na pakilala niya sa akin at bago kami naupo ay yumuko ako sa lahat ng naroon bilang respeto."M-Magandang tanghali po sa inyong lahat."D-Dapat kasi ay naghintay na lang ako doon sa table ni Shirley!"Oh, she's blushing!" sabi ng isang babae na may edad na. Nakangiti ito sa akin.May tatlong babae sa loob ng conference room at halos lahat a

  • Three Month Agreement   Chapter 126

    Nagising ako sa naramdaman kong kiliti sa aking leeg at aking mukha. Nang unti-unti kong idilat ang mga mata ko ay sinalubong ako ng nakangiting mukha ni Thauce. Nakaupo siya sa gilid ng kama, habang hawak ang isang kamay ko."Good morning, wife."Napapikit ako at nag-inat, nakangiti ng malawak. "Good morning..." paos kong sabi. Nang bumangon ako ay napatitig ako kay Thauce, nang iangat niya ang kamay ko na hawak niya at patakan ng halik 'yon. Napansin ko rin na nakaligo na siya, at naka office suit na."Hindi mo ako ginising? hindi kita tuloy naipaghanda ng almusal.""I made our breakfast already, I know you're tired."Eh paanong hindi ako mapapagod? sobrang ganado niya kagabi! ang aga pa non pero anong oras kaming natapos dahil sa mga gusto niyang gawin! pero ang swerte ko talaga sa kaniya... bukod sa ramdam ko ang pagmamahal niya ay napakamaalaga rin."Kasalanan mo..." nakasimangot ko sabi. Tumawa naman siya at binuhat ako. "Thauce, magugusot ang suot mo! maglalakad na lang ako!

  • Three Month Agreement   Chapter 125

    "Thauce, ha!" sita ko na ikinatawa naman niya. Sabay na kaming dalawa na umakyat pero dahil ime-message ko si Lianna. "Maaga na lang tayong magdinner." "Alright, baby." At pagkarating naman sa silid namin ay kinuha ko agad ang cellphone ko at nagtipa ng mensahe kay Lianna. Nakita ko pa ang limang missed calls ni Thauce at ilang mensahe. "So, Errol confessed everything to you?" Napaangat ang tingin ko sa kaniya, wala na siyang damit pang-itaas at may hawak na siyang itim na sando. "Hmm... ako ang nagsabi na mag-usap kami, Thauce. Ibang-iba nga si Errol kaysa dati. Yung yung napansin ko." Pagkasend ko ng mensahe kay Lianna na nakauwi na ako at kanina pa ay ibinaba ko ang cellphone ko sa bedside table. Lumapit ako sa kaniya pagkakita. Nakapagbihis na siya. Naka itim na sando at itim na sweatpants. "Maybe because he is having a hard time now and he regrets a lot of things..." sagot niya at hinawakan ako sa aking siko para mas ilapit. Tumaas naman ang mga kilay ko sa kaniya. "Bak

  • Three Month Agreement   Chapter 124

    Pagkatapos ng naging pag-uusap namin ni Errol ay umuwi na rin ako kaagad. Hindi na ako bumalik sa mall. At ngayon habang papasok nga ako sa bahay ay nakailang buntong hininga na ako."Ma'am Zehra, hindi po kayo tumawag para magpasundo."Sinalubong ako ng tanong ni Adriano. Ngumiti naman ako ng tipid sa kaniya. 'Yon rin kasi ang bilin ni Thauce, na kung uuwi ako ay tawagan ko si Ariano pero nag-taxi na lang rin ako."Ako na lang ang bahala kay Thauce, huwag kang mag-alala."Yumuko naman siya"Sige po, Ma'am Zehra."Nagpatuloy naman na ako sa paglalakad papasok."Alam na pala niya non..." bulong ko, hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang naging usapan namin ni Errol.Naging maayos naman iyon. Nagpaalam ako kay Errol na nasabi ko ang lahat ng nais ko at naipagtapat naman niya sa akin ang totoong naramdaman niya. Pati nga ang kay Lianna, dahil sinabi ko na nagalit ako sa kaniya sa ginawa niya nang maospital ito at 'yon daw ay hindi niya sinasadya... hindi niya alam na buntis ito.At napan

DMCA.com Protection Status