Hindi ko na alam kung anong oras ako nakatulog. Nagising na lang ako dahil sa mga yabag sa loob ng silid ni Seya. Nang idilat ko ang mga mata ko ay nagulat ako nang makita ko si Thauce na narito sa loob.May kausap itong dalawang doctor at tatlong nurse!"How is Seya's condition, Alvaro?"Hindi ko alam kung bakit pero napapikit akong muli habang nakahiga sa sofa. Nagpanggap na natutulog pa rin habang nakikinig sa usapan nila."Her nose bleed last night. It's not a good sign. We are going to run some tests for today, Arzen. Are you related to this patient? nagulat ako nang sabihin ni Gabrielle na narito ka at may binabantayan na pasyente. Akala ko ay isa sa pamilya mo."Arzen... second name iyon ni Thauce. Iyong iba ay Arzen talaga ang tawag sa kaniya. Mga close friend kaya? pero sila Errol at ang ibang mga kaibigan niya ay Thauce naman ang tawag sa kaniya."She's important to me. Anong oras ite-test?"Napatigil ako nang marinig ang sinabi ni Thauce. Sinabi niya na importante si Seya...
Nang marating ko ang kumpanya ni Thauce ay napansin ko ang ilang mga empleyado na napapatingin sa akin. Mahigpit ang kapit ko sa strap ng aking bag at sa puting folder na hawak ko. Mukha ba akong mag-a-apply ng trabaho dahil sa tingin nila?Nang sumakay ako ng elevator ay ilang beses akong huminga ng malalim. Kabado ako, nanlalamig ang aking mga kamay at papikit-pikit ang aking mga mata.Muling bumukas ang elevator at may pumasok na mga empleyado. Nasa pinakataas ang opisina ni Thauce ilang floor pa ang iaakyat. Tahimik ako na nasa likod sa may sulok habang nag-uusap ang mga empleyado sa harapan ko.Maaayos ang damit, plantsadong-plantsado. Sa tingin ko rin ay mga kaedaran ko lang sila. Siguro kung nakapag-aral ako at nakapagtapos ng kolehiyo ay baka nasa isang kumpanya na rin ako at may maayos na trabaho.Pero ang lupit ng buhay talaga. Kung kailan umaayos na kami ni Seya ay saka kami bibigyan ng ganito katindi na problema. Napapikit ang aking mga mata at sumandal ako sa dingding ng
Mataas ang pangarap ko noon para sa aking pamilya. Ako iyong bata na kahit maliit pa lang, ang nasa isip ay kaginhawahan na ng buhay. Nakita ko kasi ang hirap at sakripisyo ng aking mga magulang. Wala sa akin noon ang saya ng paglalaro kasama ang mga kaedaran ko, ang kaligayahan ko ay makapag-uwi ng pagkain para sa aking pamilya at matulungan si nanay at tatay. Galing naman ang pera sa pagtitinda ko ng puto sa bayan. Madalas kasi noon na paglakuin ako ng mga tindera sa palengke sa mga lugar para makaubos sila ng mga tindang pagkain.Iyon ang pinagkakaabalahan ko noon pagkatapos sa skwela. Kilalang-kilala rin ako ng mga guro ko dahil bukod sa palagi akong nangunguna sa klase ay buong paaralan namin ang iniikot ko at binebentahan ng mga ni-repack na mani, butong pakwan, at beans na inaalok sa kanila.Madalas kong marinig noon na yayaman daw ako. Maswerte ang aking mga magulang dahil giginhawa ang buhay namin kasi masipag daw ako, matiyaga at pagkatapos ay matalino pa. Nakapagtapos nga a
Ang masiglang kapatid ko na palagi akong sinasalubong ng ngiti... nasaan na? "A-Ate..." ngumiti siya ngunit hindi iyon umabot sa kaniyang mga mata. Ang payat na niya, nalalagas ang kaniyang maganda at mahabang buhok tapos ang putla na ng mukha niya na halos mawalan na ng kulay ang mga labi. "A-Ate... ko," naitaas ko ang aking mga kamay nang bigla niya akong yakapin. "Ate... sobra-sobra a-akong nagpapasalamat sa Diyos dahil i-ikaw ang ibinigay niya sa akin. Tumayo k-ka na magulang ko nang mamatay ang nanay at tatay. Hindi mo ako p-pinabayaan at l-lagi ang kapakanan ko ang iniisip mo." "S-Seya..." Ramdam ko ang hirap niya sa pagsasalita. Nahigit niya ang hininga at humihinto sandali. "Sa... b-buong buhay ko na nakasama kita kahit isang beses hindi mo ako pinagtaasan ng boses. H-hindi ka nagalit. Napakamaintindihin mo. Napaka m-maalaga, mapagmahal at ako palagi ang nasa isip mo. S-Sabi ko nga, paano naman ang Ate Zehra k-kung puro n
Hindi ko sukat akalain at kahit kailan ay hindi pumasok sa isipan ko na si Thauce pa ang unang makikita ko sa oras na kailangan ko ng taong makakapitan dahil sa nangyayari kay Seya. Hirap na hirap ako na tanggapin ang kalagayan namin ng kapatid ko at matinding takot ang lumulukob sa akin dahil sa nasaksihan ko kanina na panghihina niya.Kahit sino... k-kahit sino na makakakita sa kalagayan ng aking kapatid ay maaari nang panghinaan ng loob. Natatakot ako, sobrang natatakot a-ako pero kakapit pa ako sa Diyos s-sa mga taong gagamitin niya para mailigtas ang kapatid ko.Alam ko na mabubuhay si Seya. Sinabi ni Lianna na magagaling ang mga doktor dito sa Martini's Hospital. Hindi ko makakalimutan nang sabihin niya na ang mga ito ay miracle doctors. Nakakapagsalba ng mga buhay kahit pa nasa bingit na ng... k-kamatayan.Kailangan ko lang kumapit, magdasal at magtiwala sa Diyos. Hindi niya kami pababayaan ni Seya. Makakasama ko pa ang kapatid ko hanggang sa maging maayos ang buhay namin. H-Ha
"Ate Zehra...""Seya!"Napabangon ako nang marinig ang boses ni Seya. Luminga ako sa paligid. Nakita ko si Lea na natutulog sa sofa sa kabila. Sa aking gilid naman ay nakita ko si Lianna. Napabangon ako at napatingin sa orasan sa gilid.3:00 am.G-Ganoon katagal akong tulog?Nanlaki ang aking mga mata. Hapon nang atakihin si Seya at dinala sa emergency room. Higit sampung oras na ang nakalipas. Ang natatandaan ko ay lumabas ako ng silid niya at tinungo ang ER.Seya Clara Mineses Time of death 6:24 pm.H-Hindi..."S-Seya... Seya..."Nag-init ang aking mga mata at ilang sandali pa ay namalisbis ang mga luha. Ang sakit na nararamdaman ko sa aking dibdib ay walang kapantay. Napahikbi ako at natutop ko ang aking bibig. Ang matinding sakit ay hindi ko alam kung saan nanggagaling. Pakiramdam ko ay muling bibigay ang katawan ko. Nangapa ang aking mga kamay upang maghanap ng kakapitan. Sobrang sakit. Ang sakit-sakit n-naman po.P-Parang awa ninyo na... h-huwag naman po ang kapatid k-ko."N-Nak
"Ang sabi ng nanay ay kapag nailipat na dito si Seya sa silid niya ay bibisita sila!"Nilingon ko si Lea. Nakabihis na ako at ngayon ay kumakain naman. Pare-parehas mugto ang aming mga mata. Lumabas lang sandali si Lianna at may kinausap. Naiwan kaming dalawa ni Lea sa loob."Napakalaking abala ko na sa inyo, Lea, lalo na sa mga magulang mo, maraming-maraming salamat talaga sa mga tulong ninyo sa amin ni Seya," sabi ko sa kaniya.Pagkasabi ko non ay bumaba ang kaniyang tingin at ang ngiti sa mga labi ay nawala. Nakita ko na ginalaw niya ang kutsara na may laman nang pagkain pero hindi niya naman iyon isinubo. Tumikhim siya at binitawan ang kubyertos. Kinuha niya ang isang baso ng tubig sa gilid at inubos ang laman non."S-Sa totoo lang, Zehra, nakukusensiya nga ako..."Tumaas ang aking mga kilay ng sabay dahil sa sinabi niya. Bakit? sa tuwing kailangan ko siya ay ang bilis niyang nakakarating talagang handa na puntahan kami at tumulong. Walang pag-aalinlangan. Ano naman ang ikinakukus
Pagkatapos ng pagtatapat sa akin ni Lea ng ginawa ni Thauce ay sinabihan ko siya na maaari naman na siyang umuwi muna. Ayaw pa nga niya noong una na iwan ko pero nang maisip na kuhanan ako ng gamit ay tumuloy na rin.Sa tingin ko ay nakukunsensiya pa rin si Lea kahit nasabi naman na niya sa akin ang totoo. Hindi ko lang inaasahan na tototohanin ni Thauce ang pagkuha sa kaniya bilang makakasama ni Seya. Masyadong maaga para sa akin. Nabanggit na niya iyon noong una, sinabi ko na walang maiiwan kay Seya."If you are still worried, I can pay your friend to look for your sister. Dalawa sila ng private nurse na kukuhanin ko para tingnan ang kalagayan ng kapatid mo."Pero, bakit hindi niya sinabi? bakit kailangan pang ilihim at hindi ko dapat malaman?Napahinga ako ng malalim nang bumilis na naman ang pagtibok ng puso ko. Simula kanina nang ipagtapat sa akin ni Lea ang lahat ay hindi na nawala sa isipan ko si Thauce at ang pakiramdam na ito na hindi ko mapangalanan."Zehra, are you ready? m
The Cervellis. "Merry Christmas!" Pagpatak ng alas dose ay sabay-sabay kaming bumati sa isa't-isa. Yumakap ako kay Thauce at humalik naman siya sa aking ulo. "Merry Christmas, wife..." "Merry Christmas, husband..." sagot ko naman na ikinangisi niya. Gustong-gusto niya rin eh kapag tinatawag ko siyang husband. Hindi kami agad natulog nang matapos kumain. Nanood pa kami ng movie, ilang beses pa nga akong inaya ni Thauce pero hindi pa talaga ako non inaantok. Pero nang mapansin ko na parehong naghikab si Lianna at Seya ay nagpasya na rin ako na magpahinga na kaming lahat lalo at si Lianna at Eleaz ay siguradong may jetlag pa. "Isa rin ba sa surpresa mo yung pagdating nila Lianna?" tanong ko. Nakahiga na kami ngayon sa aming kama, katulad ng dati ay nakayakap ako sa kaniya at nakahilig sa kaniyang dibdib. "Hmm. I know you'll be happy to celebrate christmas and new year with her. But, it's also Lianna's decision. Pero ako ang nag-bukas ng usapan tungkol doon." "Akala ko ay trabaho a
Hindi nawala ang ngiti ni Thauce sa buong byahe. Napatingin naman ako sa oras, madilim-dilim pa. Mag-aalas-kwarto na ng umaga. Sa Toorak ang punta namin, iyon ang lugar na sinabi ni Thauce at mga trenta minutos ang layo mula sa airport. Pero habang papunta roon ay grabe, naaagaw talaga ang atensyon ko sa mga nadaraanan namin.Ang ganda!Parang hindi totoo, eh. Parang ito lang yung mga nakikita ko sa palengke na mga poster. Oh yung mga isinasabit sa dingding ng bahay na nakaframe para dekorasyon. Nahihirapan ako ipaliwanag."You like what you are seeing?"Dahan-dahan akong tumango. Ang mga mata ko ay nakatuon pa rin sa labas ng bintana. Tinatanaw ang mga nadaraanan namin. Grabe. Ibig sabihin sa ganitong kagandang bansa may bahay si Thauce?Sigurado akong hindi basta-basta ang pagbili ng lupain at magpatayo ng bahay sa ganito!"We didn't eat on the plane, are you hungry?"Napabaling ako kay Thauce sa tanong niya. Tuon na tuon lang ang pansin niya sa dinaraanan namin."Hindi naman ako na
Zehra Clarabelle CervelliTahimik kong niyakap ang sarili ko habang nakatingin sa labas ng bintana at tinatanaw ang maliliit na mga ilaw mula sa ibaba. Kaaalis lang ng private plane ni Thauce at wala siya sa tabi ko dahil may mga kinakausap siyang staff.Nang tumungo kami noon sa Palawan ay hindi ko na-enjoy ng ganito ang view, lalo na at umaga 'yon at dahil gabi nga 'yon ang sarap sa mga mata ng maliliit at iba-ibang kulay na mga ilaw."Iba pala kapag narito ka sa itaas, ang naglalakihan na mga building at iba pang mga matataas na lugar na may ilaw ay parang mga langgam lang sa paningin," bulong ko sa aking sarili.Sa totoo lang, isa ito sa surpresa na kahit kailan ay hindi ko inaasahan na gagawin ni Thauce. Kahit pa sobrang miss ko si Seya. Alam ko na kaya niya naman dahil marami siyang pera pero sa mga naibigay na niya para sa akin, sa pagpaparamdam na gagawin niya ang lahat ay napakalayo nito sa isipan ko.Lalo na ang pagdadala ng labi ng mga magulang namin ni Seya at pagpapagawa
Mukhang mas magiging abala pala siya sa mga susunod na araw at buwan. Parang mas nalungkot ako doon. Iba pa rin kasi yung palagi ko siyang nakikita at nakakasama. Pag kasi nasa opisina siya ay gabi at umaga lang. Ang buong maghapon ay sa trabaho. Tipid akong ngumiti at tumango kay Thauce. At habang nasa daan kami papunta sa orphanage ay naalala ko naman na bumili ng cake. "Ayun, Thauce, diyan na lang. Cake shop iyan." Iginilid niya ang sasakyan pero walang parking lot akong makita. "Bababa na ako dito, ayan lang naman sa malapit. Sumunod ka na lang sa loob pag nakahanap ka na ng parking lot. Saka, isang cake lang naman sandali lang ito." "Can you go alone?" "Oo naman, Thauce! saka baka wala ka rin agad mahanap na parking, pag nakabili na ako ay makikita mo naman ako agad. Hindi tayo pwede magtagal dahil baka magsimula na ang celebration." "Okay, baby, be careful." Lumabas na ako ng sasakyan at pumasok sa loob ng cake shop. Namili kaagad ako pagkapasok. Natakam pa ako sa blueber
Halu-halong emosyon. Iyon ang naramdaman ko sa nakaraang linggo pagkatapos kong malaman kay Thauce na buntis ako. Ako mismo na may katawan ay hindi 'yon naramdaman. Pero doon ko rin napagtanto na ang lahat ng nangyayari sa akin, lahat ng kilos at galaw ko ay inoobserbahan niya. At ngayon nga na kumpirmado na namin na dalawang linggo na akong buntis ay mas naging doble pa ang ipinapakita at pinaparamdam niyang pag-iingat sa akin. Ngayon ko lang rin naunawaan ang dahilan ng pagbabago ng mga desisyon niya sa aming dalawa. Ang pag-aaral ko na magsisimula sa susunod na taon at home schooling na. Alam na niya pala non na maaaring buntis ako. Ang hindi niya pagpayag na lumabas ako basta-basta, ang pagsa-suggest niya na kumuha na kami ng kasambahay na tinanggihan ko. Hinintay niya rin talaga na ako ang makaalam na buntis na ako at sa pakiramdam ko, hindi na rin siya non nakatiis kaya niya nasabi. Nang makaramdam ako ng pag-ikot ng sikmura ay bumangon ako ng dahan-dahan at bumaba sa kama. Tu
"Hey, baby. Kanina ka pa?" pagkalapit ay mabilis na hinalikan ni Thauce ang aking mga labi at hinubad ang coat niya na suot."Kadarating-dating lang...""The room is cold," at nilalamig nga talaga ako kahit na makapal-kapal ang bodycon dress na suot ko."What a lovely woman. Is she your wife, Mr. Cervelli?" nang magsimula kaming maglakad ni Thauce sa harapan ay sinusundan pa rin kami ng tingin nga mga tao sa loob. Hindi na maalis ang kaba ko kahit nasa tabi ko siya. Pinagsalikop pa ni Thauce ang mga kamay namin at tiyak ramdam niya ang panlalamig ng kamay ko!"Yes. She's my beautiful wife, everyone. She's Zehra Clarabelle Cervelli," nakangiti naman na pakilala niya sa akin at bago kami naupo ay yumuko ako sa lahat ng naroon bilang respeto."M-Magandang tanghali po sa inyong lahat."D-Dapat kasi ay naghintay na lang ako doon sa table ni Shirley!"Oh, she's blushing!" sabi ng isang babae na may edad na. Nakangiti ito sa akin.May tatlong babae sa loob ng conference room at halos lahat a
Nagising ako sa naramdaman kong kiliti sa aking leeg at aking mukha. Nang unti-unti kong idilat ang mga mata ko ay sinalubong ako ng nakangiting mukha ni Thauce. Nakaupo siya sa gilid ng kama, habang hawak ang isang kamay ko."Good morning, wife."Napapikit ako at nag-inat, nakangiti ng malawak. "Good morning..." paos kong sabi. Nang bumangon ako ay napatitig ako kay Thauce, nang iangat niya ang kamay ko na hawak niya at patakan ng halik 'yon. Napansin ko rin na nakaligo na siya, at naka office suit na."Hindi mo ako ginising? hindi kita tuloy naipaghanda ng almusal.""I made our breakfast already, I know you're tired."Eh paanong hindi ako mapapagod? sobrang ganado niya kagabi! ang aga pa non pero anong oras kaming natapos dahil sa mga gusto niyang gawin! pero ang swerte ko talaga sa kaniya... bukod sa ramdam ko ang pagmamahal niya ay napakamaalaga rin."Kasalanan mo..." nakasimangot ko sabi. Tumawa naman siya at binuhat ako. "Thauce, magugusot ang suot mo! maglalakad na lang ako!
"Thauce, ha!" sita ko na ikinatawa naman niya. Sabay na kaming dalawa na umakyat pero dahil ime-message ko si Lianna. "Maaga na lang tayong magdinner." "Alright, baby." At pagkarating naman sa silid namin ay kinuha ko agad ang cellphone ko at nagtipa ng mensahe kay Lianna. Nakita ko pa ang limang missed calls ni Thauce at ilang mensahe. "So, Errol confessed everything to you?" Napaangat ang tingin ko sa kaniya, wala na siyang damit pang-itaas at may hawak na siyang itim na sando. "Hmm... ako ang nagsabi na mag-usap kami, Thauce. Ibang-iba nga si Errol kaysa dati. Yung yung napansin ko." Pagkasend ko ng mensahe kay Lianna na nakauwi na ako at kanina pa ay ibinaba ko ang cellphone ko sa bedside table. Lumapit ako sa kaniya pagkakita. Nakapagbihis na siya. Naka itim na sando at itim na sweatpants. "Maybe because he is having a hard time now and he regrets a lot of things..." sagot niya at hinawakan ako sa aking siko para mas ilapit. Tumaas naman ang mga kilay ko sa kaniya. "Bak
Pagkatapos ng naging pag-uusap namin ni Errol ay umuwi na rin ako kaagad. Hindi na ako bumalik sa mall. At ngayon habang papasok nga ako sa bahay ay nakailang buntong hininga na ako."Ma'am Zehra, hindi po kayo tumawag para magpasundo."Sinalubong ako ng tanong ni Adriano. Ngumiti naman ako ng tipid sa kaniya. 'Yon rin kasi ang bilin ni Thauce, na kung uuwi ako ay tawagan ko si Ariano pero nag-taxi na lang rin ako."Ako na lang ang bahala kay Thauce, huwag kang mag-alala."Yumuko naman siya"Sige po, Ma'am Zehra."Nagpatuloy naman na ako sa paglalakad papasok."Alam na pala niya non..." bulong ko, hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang naging usapan namin ni Errol.Naging maayos naman iyon. Nagpaalam ako kay Errol na nasabi ko ang lahat ng nais ko at naipagtapat naman niya sa akin ang totoong naramdaman niya. Pati nga ang kay Lianna, dahil sinabi ko na nagalit ako sa kaniya sa ginawa niya nang maospital ito at 'yon daw ay hindi niya sinasadya... hindi niya alam na buntis ito.At napan