Home / All / Those Purple Eyes / CHAPTER 1.1: SCHIZ ACADEMY

Share

Those Purple Eyes
Those Purple Eyes
Author: NerovnyyeVeki

CHAPTER 1.1: SCHIZ ACADEMY

Author: NerovnyyeVeki
last update Last Updated: 2021-07-25 14:39:56

"Mom, are you really serious about this? Walang halong bawang?" 

After the accident happened to me last week, Mom decided to leave our house. And yes, biglaan ang gagawin namin. 

"Anak, babalik tayo doon sa tinitirhan natin dati at doon ka mag-aaral sa school malapit do'n." She patted my head and closed the compartment. "Let's go." 

Sumakay ako sa passenger seat at siya naman sa driver's seat. Pagkasuot namin ng seatbelt, kaagad niyang pinatakbo ang sasakyan. Napatingin na lang ako sa side mirror para makita ang bahay. 

Goodbye. 

What happened to me last week was very scary and traumatic. Paano ba naman, may apat na lalaki na nakasuot ng black long cloaks na kikidnap-in dapat ako. Buti na lang nakasigaw ako agad and Mom hurried to see what's going on to me. The real scary part is, that four men vanished suddenly. Parang bula! 

"Huh?" Bigla kasing niliko ni Mom ang sasakyan papunta sa gubat. Tumango lang siya at tumingin na lang ulit ako sa labas ng bintana. Wag mong sabihing sa gitna kami ng gubat nakatira? 

Kat*ngahan naman yata yun. 

"Mom, malayo pa ba?" 

"Malapit na tayo anak." 

"That's the fourth time you told me the same answer." 

"Because you only asks the same question." May point. 

Kasi naman, feeling ko nasa ibang bansa na kami. Jusko tanghali na oh! Nasa gitna parin kami ng gubat! I honestly trust Mom because she has strong sense of direction kaya imposibleng nawawala kami. Kung ako mag-isa, pwede pa. 

"Here we are." 

Right after she told three words, I felt something strange. Hindi ko alam pero may naramdaman akong kakaiba. Parang bumigat bigla yung pakiramdam ko at rinig na rinig ko yung pintig ng puso ko. Sh*t nasaan kami? 

Few seconds and a field of dandelions welcomed us. Wow. Para akong nasa isang paradise. There are also glowing insects on every flowers and I felt like I wanted to open the window. "Mom, can I open the window?" 

"Sure." 

I pressed the button and the window rolled down. Wow, ang presko ng hangin dito. Hindi gaya sa lugar namin. Inilabas ko ang kamay ko at may mga dumapong insekto rito na parang kinikiliti ako. 

Pero p*tek nasaan ba kasi kami? 

Iniliko ni Mom ang sasakyan pakaliwa at isang malaking pader ang natanaw ko sa windshield ng sasakyan. Stone brick walls are d*mn high at may malaking metal gate sa gitna. Magkaiba ang logo sa dalawang side na ipinagtaka ko. 

Malapit na kami at akala ko ay bababa pa si Mom para magtawag ng guard o ano pero kusang nagbukas ang gate. At doon ko nakita ang isang malaking kastilyo. Stone bricks din ang pader nito at sobrang laki nito! May garden din sa paligid at may malaking fountain sa gitna. Sobrang linaw ng tubig ah. Sana all. 

Inihinto ni Mom ang sasakyan sa may tapat ng isang mataas na staircase at nung lumabas ako ay nakita kong nakasara na ang malaking gates. Ang presko ng hangin dito! 

Nagpunta ako sa may fountain at nakitang may maliliit na nilalang doon. Para silang mga duwendeng sirena. Tumingin silang lahat sa akin at nagform ng isang bilog kaya inilublob ko ang kamay ko at dumikit sila rito. 

"Nakikiliti ako..." 

"Anak! Halika rito!" 

"Opo!" Tumingin muli ako sa mga maliit na sirena. "Bye bye muna mga cute na sirena. Next time ulit ah." Mukhang naintindihan nila ang sinabi ko kaya lumayo sila rito at doon ko na iniahon ang kamay ko. Habang palayo ako ng fountain ay inamoy ko ang tubig at sobrang bango lang sh*t! Parang pabango ng Chanel ah! 

Lumapit ako kina Mommy at doon ko napansin ang isang magandang babae at sampung butler sa paligid na bitbit ang . . . mga gamit ko! 

"Ang ganda niya Amber!" Kilala niya si Mom? "She looks like your twin. Bilib na ako sa iyo." Tumawa silang dalawa at tumingin sa akin ang babae. "Oh by the way, I'm Calla Mildred, headmistress of the Schiz Academy." Schiz? Nice yet strange name. 

"Ahrina Tantiana Regalia po," I introduced. "Nice to meet you po, Headmistress Mildred." 

"Address me as Tita Calla in informal situations but call me that in formal ones." 

"Sige po, Tita Calla." 

Mom patted my shoulder so I turned to her and she combed my hair. "So anak, dito ka na mag-aaral ngayon. Your Tita Calla will take care of you while I'm at work okay?" Ha? Seryoso si Mommy? "Tita Calla will protect you and tatawag ako every week to check on you." 

"Why every week?" 

"That's part of the security protocol of the school, Ahrina." 

Before the drama could enter the scene, Tita Calla spoke. "Amber, baka hinahanap ka na sa Chamber." Chamber? 

"Oo nga pala. May meeting kami ngayon." Mom kissed my forehead and smiled. "Good luck on your studies, anak. Call your Tita Calla if you need anything. I have to go now." 

"Take care, Mom. I love you po." 

"I love you too anak. Ingat ka rin." Before she could leave, she gave me a necklace. "Wear it always. Bye anak." 

I watched her went inside her car and drove out of the high walls of the school. Isinuot ko na ang necklace na may purple gemstone na pendant. Teardrop shape ito at may maliliit na gems sa paligid na kulay yellow, green, blue, white, black at red. Hindi ako jewelry analyst or whatever pero sigurado akong diamonds ang kulay yellow, green, blue, white, black at red na gems na ito. 

"Tara na?" I smiled to Tita Calla and we went inside the school. "So, welcome to the Schiz Academy, Ahrina." 

School ba talaga ito? This building is more like a royal castle than school eh. With its strange exterior and interior screaming elegance, royalty and power, I can't believe that this is a freaking school. The golden chandeliers are illuminating the magnificent hallway filled with corinthian columns and marble tiles and there are portraits at the walls too. 

We stopped at the middle of the field, causing my beautiful eyes see how grand and wide the school is. This godd*mn academy has its own not-so-big mall, two dormitories, stadium and of course, a very wide setback. 

"Let's go to your dormmates. Don't worry, I entrusted you to the most sane crackhead girls of the academy." Sane crackheads? Ano yun, mga baliw sa mental instistution na nakainom ng gamot nila? 

The dormitory is actually like a small cream-colored castle. May napakaaliwalas na lounge, malaking chandelier sa gitna at enggrandeng staircase. Umakyat na kami at nagpunta sa third floor. 

I feel like I'm a princess here! Dream come true 'to bes! 

A butler knocked at the wooden door with a signage 'Room 3025' and a young girl opened the door. Kaedad ko lang siya. She immediately smiled and bowed her head. "Good morning Headmistress Mildred!" She transfered her sight to me and smiled. "Oh hi! Siya na po ang bago naming dormmate, Headmistress?" 

"Yes, Ms. Davis." Tita Calla looked at me and smiled. "So, maiwan na kita dito Ahrina. They will take care of you and call me using the room telephone if you need anything." 

"Si mommy po?" Sorry po, nasanay kasi ako na palagi kong kasama ang aking mameh. 

"She'll call to me before she can call you. It's part of the security protocols of Schiz Academy to further protect the young magicians like you." Wait. Young magicians? Nakashabu ba ako? "You'll learn by the time you started taking classes. Your schedule is as the same as to Ms. Davis to accompany you everytime." 

"Thanks po, Headmistress." 

"Go inside now." Tumango na lang ako at yumuko bilang pagpapakita ng respeto. The butlers went out of the room kaya pumasok ako at isinara na ng babae ang pinto. 

The dormitory room looks very fancy and malawak rin. May tatlong pinto, small kitchen, and small living room. Oh, I like that flat screen TV. Ang tanong, may wifi ba rito? Baka naman mamaya, hindi ako makapag-YouTube, Viu, at Webtoon nito. 

"Marina! Lia!" She bombarded one door and went inside to it. "Nandito na yung bago nating dormmate!" 

"Huh?" 

"Nandito na yung bago nating dormmate jusko po!" Now, I understand why 'sane crackheads'. "Hinaan mo nga yang volume ng music mo!" 

Three girls went out of that room and looked to me. "Wow! Freesia, anghel ba ang nasa harapan natin ngayon?" 'Wag ka pong ganyan. Aware naman ako na maganda ako. Marami kayang nagkaka-crush saken. Pati fetus. 

"Teka, familiar siya." Huh? 

"Have a seat!" The girl who opened the door offered so I sat at the single seat sofa while them at the long one. "What's your name? And anong magic mo? Tsaka anong ability mo na rin?" 

"I'm Ahrina Tantiana Regalia. And magic? I don't know what you are saying." Magic and ability? Those are mentioned in fantasies—wait. Teka. Kakalma muna ako. 

Pusanggala mameh ko, saang paraiso mo ako dinala? 

"She has no idea where she is now." Mind reader! "By the way, I'm Lia Edwards. I'm a winged witch specializing in illusionary magic." Winged witch? Illusionary magic? Jusko Mameh ko, saang lupalop ng mundo mo ako dinala?! 

"I'm Freesia Davis, an ice mage and I can hear up to ten miles radius." Ice mage? Kaya niya kaya gumawa ng ice cream? 

"Last but not the least, Marina Copeland and I'm a floral mage so not that important." Binatukan siya nung dalawa pero tumawa lang siya. So . . . ano yon? "Floral mage ako and isa ako sa mga in-charge sa pagpapaganda ng mga bulaklak sa buong Magic World." 

Nasa Magic World kami ni Mom?! Naka-drugs ba ako? O nakahithit ng utot ng mga kapitbahay namin? 

"Pero syempre, my ability is telepathy kaya medyo high rank ako katulad nila. And yes, nasa Magic World kayo." Scary. "I know." 

"Regalia!" Lia exclaimed. "Kaya pala familiar siya. Anak ka ni Governess Amberleigh Regalia?" 

Tumango ako. "Governess?" 

Marina shrugged. "She doesn't know about Magic World. Kayo na magpaliwanag sa kanya, ayoko siyang pangunahan." 

"Perks." Binatukan niya si Lia at nagtawanan sila. Humarap si Lia sa akin at nagsimulang magpaliwanag. 

So, pot*ena. 

Magic World consists of eight countries which are Avenditia, Townland, Malifent, Svien, Enchantrie, Launa, Bourgland, and Demetria. The country where we are is Demetria and it has six large cities and one dark city removed from the country map. The six cities are Pireia, Hesperia, Cidae, Nyneve, Aurora, and the capital Antheia. Antheia is the largest city and it is announced as the capital for two reasons—first, the first great divine mage Geminid Schiz was born and died here and second, it is the center of the country which makes the transport to the neighbor cities easier. 

The Demetria has monarchial method of goverment, absolute monarchy to be exact. The whole country's leader is King Malachi and Queen Rosewell while the city's leader is Governor Sutton. Clap, clap! 

There is an unitarian conference made after the Enchanted War happened a millenium before and those members of the Committee of Peace and Power are the leaders of each city and the leaders of Schiz Academy. Freesia mentioned names which are Headmistress Calla Mildred, Headmaster Carob Mildred, Sir Collin Shallows—the Academy's applied magic trainor, Governess Amberleigh Regalia-which is my Mom, and Governor Sutton of Antheia. 

Now the one city removed from the country's map is the dark city of necromancers, Dreich. And it's because they are removed from the country now, monarchial goverment has no power over them that's why they have their own monarchy. The Dreich's leader is Headmaster Hades, a mage who uses dark magic—particularly soul extracting magic. 

Now, the Schiz Academy was built right after the Committee was formed and the Academy's main objective is to teach the young mages, witches or warlocks, and sorcerers and sorceresses to prevent an accident which will cause public panicking and destruction of infrastructures. Another clap clap. 

"So tara! Ililibot ka namin sa buong Academy!" Dear paa, good luck. 

Lumabas na kami ng dorm at mas lalo kong naappreciate ang fanciness ng dorm. Pagkalabas namin ay nagsimula na kaming maglibot. Mula sa mall at stadium hanggang sa napakalawak na hardin ng Academy. 

Pero may isang parte ng Academy na hindi na namin subukang pasukin, ang South Woods. Ayon daw kasi sa mga kwento, ang lahat ng mga pumapasok dyan ay hindi na nakakalabas pa at siguro'y dinadakip na ng mga necromancers. 

"Halatang galing ka sa mundo ng mga tao," salita ni Freesia sa akin at tinuro ang damit ko. 

Isang white ruffled blouse at black ripped skinnies ang suot ko ngayon at tinernohan ko ito ng isang pares ng white sneaks. Casual lang naman ang suot ko ah, and pare-parehas naman kaming apat na naka-jeans. 

Tumambay kami rito sa may garden at pinanonood ko naman ang parang mga koi sa malaking fishpond. May iba't ibang uri at kulay ng isda rito. And may sarili silang falls. Sana all. Sa banyo namin, yung bidet namin yun na rin ang shower. 

Matapos libutin ang buong Academy ay dumerecho na kami sa Dining Hall ng Academy. Pagpasok namin ay marami-rami na ring mga estudyante ang nandito. In fairness sa fancy interior ng Dining Hall ah. 10 star Michelin 'to saken. 

Buffet-style ang Dining Hall kaya pumila kami upang kumuha ng pagkain. Mabuti na lang at katulad din ng pagkain sa amin ang mga pagkain rito. Naupo kami sa isang four-seater table at nagsimulang kumain. 

"Si mom—I mean si Governess Regalia, anong magic niya?" Naisip ko lang bigla, kung may kapangyarihan si Mommy kagaya nila, bakit ako wala? 

Si Marina ang sumagot. "Si Governess Regalia ay isang light mage at ang ability niya ay summonation, isa sa pinakamalakas na ability. Kaya niyang gumagawa ng isang bagay, hayop, o mage, witch, warlock, sorcerer, o sorceress." Edi wow. "And hindi ako naniniwalang wala kang magic." Kaka-touch. 

"Dahil hindi ka makakaapak dito kung normal na tao ka lang," Freesia added. "Mula pa lang sa Secret Portal, haharangin ka na at tanging si Governess Regalia lang ang makakapasok." Weh?

Tumingin sa akin si Lia. "At kapag hindi ka nakapasok pero pinilit mo, dalawa lang yun. Malalaman ng mga tao ang tungkol sa Secret Portal or makukuha ka ng mga nagkalat na necromancers." 

Ayoko na, joke lang po. 

Ibig sabihin, may kapangyarihan ako? Pero bakit hindi ko alam? Bakit hindi ko maramdaman? Baka naman nagmamalfunction na ang senses ko? Or baka utak ko na. 

"That's for you to find out, Ahrina." Marina smiled to me, so as I. 

Related chapters

  • Those Purple Eyes   CHAPTER 1.2: CRIMSON TORREN

    Freesia drank her water and spoke. "There are six elemental gems created by Geminid. The water, air, nature, fire, light, and holy darkness. The six cities of Demetria symbolizes the six elemental gems and the capital city of Antheia is blessed with the nature gem. Aurora with the light gem, Hesperia with holy darkness, Piriea with fire gem, Cidae with water gem, and Nyneve with wind or air gem. Dreich being the cursed darkness city are announced as the Magic World enemy and the city is placed in the southmost part of the country." Lia nodded. "Sila ang nagpasimuno ng Enchanted War a millenium ago at lahat ng mga kaluluwa ng bawat mage, witch at sorcerer na namatay sa labanan na iyon ay nasa kanila kaya masasabi mo ring malakas sila." "Meron ding rankings ang bawat mage, witch at sorcerers pero uunahin ko ang mage," dagdag ni Freesia. "Merong apat na rankings sa Demetria. Ang decorative, technical, elemental sub-types at elem

    Last Updated : 2021-07-25
  • Those Purple Eyes   CHAPTER 2.1: PRECOGNITION

    Buong gabi akong hindi nakatulog. Sinabi sa akin ni Freesia na wag kong isipin ang mga sinabi nung Crimson Ul*l na yun. But look, paulit-ulit na nag-e-echo sa utak ko ang lahat ng nangyari. Kainis. I told Tita Calla about what happened when I shouted yesterday. She said that my magic is slowly coming out and I need to prepare for it. Enhanced voice daw ang tawag sa nangyari sa akin. And mostly, witches ang merong ganitong ability. 7% lang daw ng mga mage ang may ganitong ability while witches have 83%. Hindi naman ako cross-breed diba? Ay, ba't cross-breed ang term ko? Half-blood pala. Kasabay kong pumasok silang tatlo and inikwento pala sa kanila ni Freesia ang nangyari sa akin. Marina and Lia are worried dahil daw napagtrip-an ako ni Crimson Ul*l. Yet they are happy kasi lumabas na ang ability ko. Mamayang hapon, meron kaming control training and sasama na kaming lah

    Last Updated : 2021-07-25
  • Those Purple Eyes   CHAPTER 2.2: ABILITY MIMICRY

    "Waaah!" Kahit nagtakip na ako ng tenga ko, rinig ko pa rin ang sigaw ng tatlo. Not to mention nasa Dining Hall pa kami ah. "Oh my god seryoso?" Napangiwi ako sa ingay ng mga babaeng 'to. "Hinaan niyo naman mga boses niyo. Hindi naman ako bingi para sigawan niyo." Lia nodded and sat down. "May point si Ahrina." Then she looked at me again enthusiastically. "Seryoso nga Ahrina? Friends na kayo?" "Ulit-ulit? Bingi lang?" I rolled my eyes to them. Marina giggled. "Gagawin ko nga din yung ginawa ni Ahrina. Baka kausapin ako ni Blakey!" Freesia immediately countered, "Ha! Asa kang papansinin ka nun. Like hello, sa kanilang tatlo, si Thor baby lang ang mabait. 'Yang Crimson at Blake niyo, malalandi gaya niyo." Then she looked to me. "Kaibigan lang ha." I laughed to her tone. "Yes naman, boss." Daig pa asawa eh.

    Last Updated : 2021-07-25
  • Those Purple Eyes   CHAPTER 3.1: THALIA, THE LAND OF THE WITCHES AND WARLOCKS

    Nagising ako dahil sa isang tawag sa cellphone ko. Nagmissed call pala si Mommy sa akin ng tatlong beses tapos tatlong text din ang natanggap ko, still galing sa kanya. From Mom: Kamusta ka na anak? Congratulations sa iyo anak. Proud na proud ako sa iyo. Btw, late na pala. Sige, tulog ka lang ng mahimbing anak. Good night. Nagreply ako agad. To Mom: Okay lang po ako Mommy. Thank you po. Promise po gagalingan ko pa po. Isa akong Regalia kaya dapat hindi ako matatalo. Tulog na rin po kayo ng mahimbing Mommy. I miss you po. Wala akong maayos na tulog dalawang gabi na, kaya lutang ako sa klase buong araw. Naging tampuhan ako ng bully ng mga alipores nung Julianna Sutton na iyon. Bunsong anak pala siya ng governor ng Antheia kaya naman ganon na lang ang pakikitungo sa kanya ng mga estudyante at pakikitungo

    Last Updated : 2021-07-25
  • Those Purple Eyes   CHAPTER 3.2: THE PROPHECY

    Nagising ako nang bumagsak ako sa lupa. Like wow, how did they do that? Ako lang ang mag-isa sa gubat na ito kaya naman minabuti kong gumalaw na kesa maghintay. "Freesia! Marina!" Sh*t, kaya ko bang gawin yung ginawa ko nung isang araw? Napahinto ako ng isang puting wolf ang sumalubong sa akin. Akala ko susunggaban niya ako, pero dadaan lang pala sa gilid ko! Palakad-lakad lang ako sa kung saan-saan. Ewan ko ba kung saan ako papunta basta bahala na. Isa na namang puting wolf ang nakasalubong ko pero hindi katulad nung kanina, nakatitig sa akin ang wolf at naglalaway. Gosh, wag mong sabihin na gusto akong kainin ng asong 'to. Biglang tumakbo sa akin yung wolf kaya napatakbo ako sa gilid. Huminto siya nung huminto ako. And wag ka, nakipag-staring contest pa siya sa akin. Dapat kung sino manalo, kakainin yung natalo. 'Di joke lang, 'di ako can

    Last Updated : 2021-07-25
  • Those Purple Eyes   CHAPTER 4.1: A WELCOME DINNER 

    LIA EDWARDS'S POV "Mukhang sobra na yata ang ginagawa ko kina Freesia." Tumawa si Ina sa sinabi ko at nakialam sa ginagawa ko. "Ina naman!" Sinipa ako ni Ina sa pwetan. Jusmiyo. "Para namang bago ka sa ganito, Lia. Win-win situation ang nangyayari ngayon." Tumingin na lang ako sa orb kung saan nakikita ko ang nangyayari kina Ahrina. Nagkasama-sama na silang anim pagkatapos magkita-kita sila Ahrina, Freesia at Marina. Hindi ko alam kung tatawa ako, malulungkot, o mamamangha sa nagiging sagutan ni Crimson at Ahrina. Sa labingdalawang taon kong pag-aaral sa Schiz Academy, si Ahrina lang ang naglakas-loob na makipagsagutan kay Crimson. Pareho silang bastos magsalita at parang hindi nila iniisip ang sasabihin nila. Tulad nalang nito. "Ano nang gagawin natin?" biglaang tanong ni Ahrina. "Baka tititiga

    Last Updated : 2021-07-30
  • Those Purple Eyes   CHAPTER 4.2: HEADMISTRESS'S NIECE

    Matapos ang hapunan sa kastilyo ay dumerecho na kami rito sa bahay nila Lia. Pero hindi ako mapakali. Gusto ko maggala. Ewan ko lang ah, kung totoo ba ito o hindi. Pero ang sabi daw, kapag daw nangangati ang paa mo, ibig sabihin may alipunga ka. Chos. Ibig sabihin daw, gusto mong gumala. Narinig ko lang yun sa dati kong school. Again, ewan ko lang kung totoo yun or hindi. Wala naman kasing scientific explanation doon, maliban sa part na may alipunga ka kapag nangangati paa mo. Kaya ito ako, naglalakad lakad. Meron daw lawa dito na naghihiwalay sa Thalia at sa bansang Townland so doon ako ngayon pupunta. Baka may portal dun pabalik ng Earth. Joke lang, ayokong iwanan dito si Mommy nang mag-isa. Nakarating din ako sa lawa. At promise, ang ganda. Full moon pala ngayon. Buti na lang yung lawa dito hindi polluted. Crystal clear eh! May tilapia kaya dito? Or kaya bangus? Sa

    Last Updated : 2021-08-02
  • Those Purple Eyes   CHAPTER 5.1: SUITOR

    Everyone woke up early dahil sa kastilyo muli mangyayari ang almusal. Lilac gave me another dress. Kung kagabi ay kulay purple, ngayon naman ay kulay pula na may mga lace na kulay gold. Yung totoo, may-ari ba sila ng fashion boutique? Anyways, I should look good today. Dapat ipamumukha ko dun sa p*steng bruhang Julianna Sutton na iyon na mali siya ng kinakalaban. Ha! Come on b*tch, I'm the daughter of Amberleigh Regalia. And I am more powerful than you. Ikaw, sobrang lagkit at mumurahin. Ako, pang-commercial ang quality ko. Handa na akong mag-alay ng mga bulaklak, pagkain, at mga animal para sa diyosa ng kagandahan na si Aphrodite nang may nag-emergency landing na suklay sa ulo ko. Ta*ng yan, di pa tapos ang morning ritual ko dito. Nilingon ko ang bumato at si Marina iyon. Jusko po, wala ba siyang magawa sa buhay niya kaya personal life ko ang pinapakialaman niya? Is s

    Last Updated : 2021-08-04

Latest chapter

  • Those Purple Eyes   SPECIAL CHAPTER 2: DYSTOPIA

    Dalawampung taon na simula nang mamuno sila Crimson at Ahrina bilang Hari at Reyna ng kaharian ng Demetria. Dalawampung taon na ring payapa ang buong Magic World, malayo sa mga pangyayari noong nakahiwalay ang Dreich mula sa Demetria. Sa balkonahe ng kanilang kwarto nakatayo si Ahrina, tinatanaw ang makulay at payapang Demetria. Ilang segundo ang makalipas, yumakap mula sa kanyang likod si Crimson. "Penny for you thoughts?" tanong nito sa asawa at saka nagtanggal ng kanyang reading glasses. "Wala naman." Nanatili ang titig ni Crimson kay Ahrina. Sa huli, sumuko na ang kanyang asawa. "Oo na, namimilit ka na naman eh. I was just thinking if everything will stay like this. Yes, it's been twenty years but—"

  • Those Purple Eyes   SPECIAL CHAPTER 1: UTOPIA

    A loud thud echoed in the whole Royal Palace, followed by a series of laughter. Eminence yelled, "Napakadaya ninyong lahat! Mga cheater!" Midnight, the Crown Prince of Demetria, just shook his head and smirked. "Lampa ka pa rin hanggang ngayon, Emy. Wala ka pa ring pinagbago. What happened to your Schiz-Torren blood?" "How dare you—" The fight was cut off as Ahrina threw the pink furry slipper to the four kids quarelling. "Hindi talaga kayo marunong makinig, ano? Eh kung kayong apat kaya ang sakalin ko isa-isa?" Twilight and Amethyst looked at each other and exclaimed, "Run!" "Oh anong nangyari rito?" agad na tanong ni Marina pagkarating sa Royal Garden kasama si Freesia at Thoreau. "In fairness, ang gulo ah. Royal Palace ba talaga ito?" "Tita Marina!" sigaw ni Amethyst at mabilis na isinumbong ang kanyang ina rito. "Inaaway kami ni

  • Those Purple Eyes   CHAPTER 30.2: ENCHANTED WAR II (Part 5: The Aftermath)

    Things went very swift. I have gone so aggressive and that urge to kill this man I'm fighting against, I think, already controls my mind. I know this is bad because of the evil darkness gem but I don't have time for some self-control session. Gumawa ako ng isang wind tornado para sana itulak siya palayo. Kaso, nagulat ako nang biglang nasa unahan ko na siya kaya hindi ako nakagalaw agad. I felt a sharp blade cutted my skin on my neck. Biglang nanlabo ang paningin ko at nanlambot ang mga pakpak ko. Halos sumuka ako ng dugo pagkabagsak ko sa lupa. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nanghina. Nanlalabo na ang mga paningin ko at pakiramdam ko ay isang sagi na lang ay patay na ako. "Baby, baby," I heard Crimson panicked. "Baby, can you hear me? Please respond." I felt his warm hands on my skin. "Damn!" "She and the Mystic Stone must not be separated," Lia stated, touching

  • Those Purple Eyes   CHAPTER 30.1: ENCHANTED WAR II (Part 4: Heiress vs. Headmaster) 

    Less than an hour before the Midnight Sun appears everyone remains silent and the only thing we can hear is our heavy breathings. I'm still watching the surroundings from above here, especially the Dreich. There was a bit of fight happening at the border of Hesperia and Dreich. I have launched one thousand student magicians there to help the citizens escape and only fight when desperately needed. And yeah, hanggang ngayon, may mga lumilikas pa rin. Few minutes later, a light slowly enlightes the dark environment. It is the Midnight Sun. "Everyone, prepare," I announced to all of them. The rescue is still ongoing. Kailangang madala sila sa shelters bago tuluyang magpakita ang Midnight Sun. "Tita Ruby, what's the status there po?" "Malapit nang madala sa shelters ang lahat ng mga lumikas." "Sige po." Sa dami ng mga gustong makaalis na sa Dreich, tila ba maliit pa ang but

  • Those Purple Eyes   CHAPTER 29.2: ENCHANTED WAR II (Part 3: White Moon)

    Madilim pa, pero mulat na mulat na ang mga mata ko. Yep, today will be a day where the most excruciating event that magicians never wished for will happen for in this special day: the infamous Enchanted War. I wore my black warrior outfit, almost the same as to what I wore during the finals of the Wielders of Charms. However, it has more purple designs and leather gloves. After tying my black leather knee-high combat boots, nagteleport na ako papunta sa rooftop ng Academy building to have my early warm up. Ayoko sa Training Chamber magpunta dahil madali lang ang access doon. Not like here na walang daan papunta rito unless you can walk up to the top of one of the Academy towers tapos saka ka tumalon. I summoned my magic staff and stanced to start training all by myself. I have mastered all the stuffs so a trainor for me isn't recommended by now. Kaya ko nang mag-ensayo mag-isa. This is as simple a

  • Those Purple Eyes   CHAPTER 29.1: ENCHANTED WAR II (Part 2: Midnight Sun)

    "Baby girl, wake up..." Though I feel like I'm sleep-deprived, kalmado akong bumangon at ngumiti kay Crimson na mukhang ewan. Oh man, he should be thankful dahil kung hindi lang talaga siya si Crimson, kanina pa bubog-sarado ang isang 'to sa akin. "Good morning, baby. Paano ka nakapunta rito?" "I sneaked in. Headmistress Mildred called them all except for me." "You asked her to do you a favor?" "Of course, no. Why would I do that? Everyone's busy for the second Enchanted War." Oo nga naman. Lahat kami ngayon ay pinoproblema ang mangyayari sa Enchanted War. Well, mas lalo naman ako kasi ako yung leader ng Academy para rito. "Okay. I'll go prepare now." "Sure. I'll wait for you." "Like how you waited for me to give you my yes." He frowned and shook his head. "Can't deny it, Torren. Tot

  • Those Purple Eyes   CHAPTER 28.2: ENCHANTED WAR II (Part 1: Schiz's Blessing)

    So people really thought that I betrayed them. Demetrians thought I betrayed Demetria. They really thought that I will join Dreich and not my own land. And those thoughts of them about me made them file a case against me. Dimwits. "And what happened to my cases?" "Upon hearing Dametreil Schiz's and Sorceress Halina's statements, Royal Family of Demetria announced those cases null and void. You were not guilty and fortunately as well, you weren't sentenced to three counts of death penalty." Mabuti na lang talaga. Three counts of death penalty ba naman ang kaparusahan sa tatlong batas na 'yun. I smiled at him. "I am really fortunate." Pagkatapos niya akong subuan, tumitig siya sa akin at ngumisi. "Ano?" "You're really fortunate?" "Hmm," I responded, nodding. "Hindi ba ako maswerte? I have all the useful connections in this world an

  • Those Purple Eyes   CHAPTER 28.1: IN CRIMSON'S CRADLE

    I slowly opened my eyes, seeing the familiar white ceiling and a warm thing cupping my left hand. I moved a bit and pushed myself to sit up without waking him. And I succeeded. Confirmed, nasa ospital nga ako ng Academy. What happened to me is still vivid in my mind and it still scares me until now, fearing that the same might happen not to me but to the others . . . especially Damaris and her family. However, nothing will happen if I let that nightmare control my mind and gone crazy. I have to develop new effective plans and execute actions for the better and to avoid what has to avoid. But then, as I gazed at Crimson who still sleeps soundly, I forgot about all the fears I have even just for a short span. I miss him. Sobrang na-miss ko siya. Alam kong mahirap paniwalaan pero siya ang pinakana-miss ko. I miss my Crimson. Hindi ko na napigilan ang sarili ko and faced him to caress his soft, black

  • Those Purple Eyes   CHAPTER 27.2: DAMETREIL SCHIZ

    Inabot ako nang dilim sa pagpapagaling kay Ahrina. Nawala na rin ang kanyang mga sugat at tanging mga marka ang naiwan. Mawawala rin ang mga iyon paglipas ng oras. Nagtagal ako sa pagpapagaling sa kanya dahil kailangan kong dahan-dahanin ang proseso. Maliban sa nag-iisa lamang ako, napakadami niyang sugat at mas lalong dadami at lalala ang kanyang sitwasyon kung ipipilit kong pabilisin ang paggaling niya. Nagpunta ako sa tabi niya at hinawakan ang kanyang kaliwang kamay. "Ahrina, malapit nang matapos ang lahat nang mga paghihirap na ito. Wag kang mag-alala, gagabayan kita. Kaya pakiusap, gumising ka na sa lalong madaling panahon." Pagkalabas ko ng silid, naroroon parin silang lahat at tahimik na lumingon sa akin. "Maayos na ang lagay ni Ahrina. Marka ng kanyang mga sugat ang naiwan pero mawawala din ang mga iyon. Natutulog parin siya nang mahimbing." "Magsabi ka nga ng totoo, Lia." Tumayo mula sa

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status