LIA EDWARDS'S POV
"Mukhang sobra na yata ang ginagawa ko kina Freesia." Tumawa si Ina sa sinabi ko at nakialam sa ginagawa ko. "Ina naman!"
Sinipa ako ni Ina sa pwetan. Jusmiyo. "Para namang bago ka sa ganito, Lia. Win-win situation ang nangyayari ngayon."
Tumingin na lang ako sa orb kung saan nakikita ko ang nangyayari kina Ahrina. Nagkasama-sama na silang anim pagkatapos magkita-kita sila Ahrina, Freesia at Marina.
Hindi ko alam kung tatawa ako, malulungkot, o mamamangha sa nagiging sagutan ni Crimson at Ahrina. Sa labingdalawang taon kong pag-aaral sa Schiz Academy, si Ahrina lang ang naglakas-loob na makipagsagutan kay Crimson. Pareho silang bastos magsalita at parang hindi nila iniisip ang sasabihin nila. Tulad nalang nito.
"Ano nang gagawin natin?" biglaang tanong ni Ahrina.
"Baka tititigan sila." See?
"Sige gawin natin. Baka bigla silang maging tao tulad ni Casper."
I don't even know who is that Casper she's talking about. Sabagay, galing sa Earth si Ahrina.
Kung pwede ko lang i-record ang nakikita ko, ginawa ko na. Maliban kasi sa nakakatawa, ang galing ng teamwork nila. Though Ahrina's just watching. Reasonable naman kasi ikaw ba naman ang bigla na lang dalhin sa isang mundong puno ng mga makapagyarihang nilalang.
Napatigil na lang ako sa paghinga ng makitang biglang nabasag ang ice dome na ginawa ni Freesia. Mas lalo na sa ginawa ni Ahrina.
"C-Celeste!" agad kong sigaw ko.
Agad namang tumakbo papunta sa akin si Celeste. Nang tumingin siya sa orb ko ay hindi rin siya makapaniwala.
Si Ahrina. Apoy ang lumabas sa kanyang kaliwang palad habang ilaw naman sa kanan. Na lubhang nakapagtataka. Hindi ba't wind ang kapangyarihan niya? Isa pa, hindi sakop ng ability mimicry ang mismong magic.
"May problema tayo!" sigaw ng kapatid kong si Lilac. Napatingin kaming lahat sa kanya. "Ang katawan ni Ahrina, nagsisimula nang gumalaw!"
Gumalaw?
Ako ang unang tumakbo papunta sa grounds. Agad akong napahinto ng makitang gumagalaw nga ang katawan ni Ahrina. Nanginginig ang buo niyang katawan at nagsisimula nang magpakita ang sugat niya sa hita na dahil sa scythe. Sumilip ako sa orb.
Bigla na lamang bumagsak sa lupa ang katawan ni Ahrina kaya agad na nagpunta sila Ina para agad siyang madala sa healing area. Pati sa illusionary ward, nawalan na rin ng malay si Ahrina. Ilang segundo lang ay naglaho na siya doon.
"Anong nangyari?" 'Yan din ang tanong ko, Marina.
Ngayon lang nangyari ang bagay na ito. Ngayon lang.
"Lia!" Nilingon ko si Celeste. "Ipaubaya mo kay Lilac ang trabaho mo. Kailangan nating mag-usap."
"Opo." Hinarap ko si Lilac at pinasa sa kanya ang orb. "Tapusin mo na, Lilac." Tumango siya. Lumipad ako patungo kay Celeste. Bumaba ako sa harapan ng pinto ng kastilyo at naglakad papasok. "Celeste..." saad ko pagpapasok ko sa kanyang opisina.
Si Celeste ang head witch ng buong Thalia at pinsan siya ni Lilly, ang ina ko. Si Celeste rin ang pinakamatandang witch. Maniwala kayo sa hindi, labing-anim na taon siya nang mangyari ang Enchanted War. Oo, 116 years old na siya ngunit ang itsura niya nanatiling katulad noong siya'y labingwalong taong gulang.
Naglabas ng libro si Celeste at iniabot ito sa akin. "Ito ang..."
"Si Ahrina ang tinutukoy sa librong yan."
Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi ni Celeste. "I-Ibig sabihin, siya ang apo ni Geminid." Tumango siya. "Si Governess Regalia. Siya ang anak ni Geminid, ang Queen of Fertility?"
"Kapag nalaman ito ng mga necromancers, maaaring magsimula ulit ang Enchanted War. Ngunit sa panahong ito, mas madugo." Tinapik niya ako sa balikat. "Buksan mo ang inyong bahay. Doon mananatili ang Mystic Princess at ang inyong mga kaibigan."
Agad akong tumango. "Masusunod po, Celeste."
AHRINA TANTIANA REGALIA'S POV
Ang unang gabi namin dito sa Thalia. Hindi dapat kami mag-ii-stay dito hanggang ngayong gabi pero si Tita Calla mismo ang nag-utos na bukas na lang kami babalik ng school. Lahat kami nagulat sa naging desisyon ni Tita, wala kasi kaming dalang extrang damit.
Kaming anim ay dito tumuloy sa bahay nila Lia. Naghanda din sila ng mga magagamit namin ngayong gabi gaya na lang ng damit at ang kwartong tutulugan namin.
Naaalala ko lahat ng nangyari sa akin kanina sa illusion. Pero hindi parin ako makapaniwala. Sino ba ako? Bakit ganon yung nangyari?
"Ate Ahrina..." Humarap ako kay Lilac at tumayo. Nag-abot siya sa akin ng kung anong nakatiklop na kulay purple. Tinanggap ko naman iyon. "Mag-ayos na po kayo dahil malapit na po ang oras ng hapunan."
Ngumiti ako at tumango. "Sige. Salamat, Lilac."
Pumasok ako sa kwarto naming anim at nakitang nakasuot ng mahabang dress si Freesia. Bagay ang kulay ng green sa kanya. "Ikaw naman magbihis."
Anong nakakailang sa akin?
Hays, bahala na nga. Naligo ako dahil wala akong tiwala sa nangyari sa katawan ko kanina habang nasa illusion kami. Matapos nun ay sinuot ko ang damit na ibinigay sa akin ni Lilac.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. A purple velvet floor-length dress was given to me. Hindi katulad ng kay Freesia na long-sleeve, meron namang sleeve yung akin pero flutter sleeve lang and gawa sa chiffon. Buti na lang illusion ang style ng neckline nito, kasi kung spaghetti strap lang ito, baka gumamit ako ng kumot bilang balabal.
Ipinatong ko sa higaan ko ang damit na suot ko kanina saka lumabas ng kwarto. Pagkadating ko sa sala ng bahay nila Lia ay nakita ko silang nagkekwentuhan. Unang napatingin sa akin si Lilac at napapalakpak pa.
"Ate Ahrina, ang ganda nyo po!"
Napangiwi ako. Hindi ako sanay ng pinupuri ang aking natural na kagandahan. "Nambola pa nga." Tumawa lang siya at tinapik ang tabi niya. Doon ako naupo. "Ano nang gagawin?"
"Hinihintay ka lang naman namin." Marina smiled. "Ang ganda mo."
"Wala akong bente." Nagtaka naman silang lahat. "Nevermind. So ano na nga?"
Si Lia ang nagsalita, "Hintayin lang natin si Ina saka tayo pupunta sa kastilyo." Wooh.
Low battery ang cellphone ko. Kainis! Wala ba silang charger dito? Heh, bahala na nga.
"Tayo na." Nagsitayuan na sila kaya tumayo na rin ako. Yun siguro ang mommy ni Lia. Tumingin siya sa akin habang naglalakad. "Maayos na ba ang sugat mo?"
"Paano niyo po nalaman?"
Ngumiti siya. "Ako si Lilly, ina ni Lia. Yung gumamot sa iyo ay si Celeste, pinsan ko." That explains.
Tumango ako. "Maayos na po ang sugat ko."
Tahimik ang pagpunta namin sa kastilyo. Meron namang dining area kina Lia pero bakit kailangan pa sa kastilyo kakain? To welcome us, ganoon? Ano naman ang ka-welcome-welcome dito eh ilang beses na silang nagpupunta dito? Maliban sa nangyari sa akin kanina, meron pa bang dumagdag?
Teka nga, dapat pala wag akong masyadong mag-isip ng kung ano-ano. Baka ma-depress si Marina dahil sa akin.
Bigla na lang may humampas sa braso ko. Si Marina. Agad naman akong humirit, "Nyaaay, wala kang magawa ano?"
"Dapat lang na tumigil ka na kaka-dada sa isipan mo kasi baka ikaw ang maging cause of death ko." Nagpigil ako ng tawa. Ang OA niya. "Hindi ako OA!" Oo na lang.
Wow. Nasa Hogwarts talaga kami promise.
Just kidding. Baka nagtime travel lang pabalik ng Medieval era. Kasi promise, ang ganda ng interior ng kastilyo nila. Makaluma talaga. Tapos may mga paintings. Baka yung mga namuno dito sa Thalia.
"Hindi lang yan." Heto na naman po si Marina. "Dito sa kanan, ang mga namuno sa Thalia at dito naman sa kaliwa ang iba pang mga pinuno kasama na ang mga hari at reyna." Okay, hindi na rin masama. "Magrereklamo ka pa ha."
"Bakit ba kasi isip ko na lang ang palagi mong binabasa?" tanong ko sa kanya.
"Kasi ikaw lang ang bago rito." Oh. Gano'n ba 'yon? "Oo." Hatdog.
Umamba siyang susuntukin ako kaya to the rescue naman si Lia. "Subukan niyong magsuntukan, ako mismo ang sasaksak sa inyo." Err . . . To the rescue ba yun? Parang mas pinalala niya yung sitwasyon.
Nang pumasok na kami sa isang malaking room na may limang mesang mas mahaba pa sa mesa sa may advertisement ng Joy dishwashing liquid ay nagtinginan ang lahat. Si Tita Lilly and Lilac ay humiwalay sa amin, siguro dahil magkahiwalay ang mesa ng mga taga rito sa mga estudyanteng tulad namin.
Sinundan ko lang sila Freesia dahil baka magmukha na naman akong t*nga dito. Sa may bandang unahan pa talaga kami ah. Ano 'to, may reservation?
Pagkaupo ni Lia ay tinapik niya ang upuang nasa kaliwa niya. "Upo na," bulong niya.
Tumango na lang ako at hihilain na sana ang upuan nang naunang ginawa iyon ni Thoreau. Napangisi naman sila Blake, Marina, Lia, at Freesia. Si Crimson Ul*l? As usual, wapakelz.
Maingat na itinulak ni Thoreau ang upuan at naupo sa kaliwa ko. "Thank you."
"Always." Kaya pala crush ka ni Freesia. Pa-fall ka rin eh.
Freesia cleared her throat. Selos to. "Selos yan." Pinigilan kong tumawa sa sinabi ni Lia. Tumpak ako. "Never pa kasi siyang nakakalapit kay Thoreau."
"Weak." Napaubo na lang si Lia kaysa tumawa.
Nakarinig ulit kami ng pagbukas ng pinto. Si Celeste ang pumasok at may kasama pa siyang dalawang babae at tatlong lalaki. Yung isa sa mga babae ay mukhang ka-edad lang ni Lia. Baka yun ang anak ni Celeste.
Nagpunta sila sa may harapan kung saan may maliit na mesa at limang upuan. Yun pala ang purpose nun. Sa gitna pumwesto si Celeste. Sa kaliwa niya ang isang lalaki at sa kanan naman ang anak niya siguro. Sa bawat dulo naman ay siguro secretary.
May secretary ba ang bawat witch at warlock?
"Magandang gabi sa lahat ng naririto. Napagdesisyunan kong imbitahan ang lahat upang makisalo sa hapunan kasama ng mga mag-aaral ng Schiz Academy. Ito ang unang pagkakataon na nangyari ang ganitong pagsasalo sa buong kasaysayan ng Thalia kaya naman, aking hinihiling na inyong magustuhan ang aking naging desisyon." Pumalakpak ang lahat kaya nakipalakpak na rin ako. "Ang lahat ay maaari nang kumain."
Buti na lang, sanay akong um-attend ng nga formal occassions kaya alam ko ang kalakaran. Yun nga lang, hindi ako sigurado kung parehas lang ang formal table manners sa Earth at dito sa Thalia.
"Okay ka lang?"
Nilingon ko si Lia at tumango. "First time eh."
Natawa siya. "Kumain ka na. Isipin mo na lang na nasa isang formal event ka."
Parehas lang pala. Edi kakain na ako.
Matapos ang hapunan sa kastilyo ay dumerecho na kami rito sa bahay nila Lia. Pero hindi ako mapakali. Gusto ko maggala. Ewan ko lang ah, kung totoo ba ito o hindi. Pero ang sabi daw, kapag daw nangangati ang paa mo, ibig sabihin may alipunga ka. Chos. Ibig sabihin daw, gusto mong gumala. Narinig ko lang yun sa dati kong school. Again, ewan ko lang kung totoo yun or hindi. Wala naman kasing scientific explanation doon, maliban sa part na may alipunga ka kapag nangangati paa mo. Kaya ito ako, naglalakad lakad. Meron daw lawa dito na naghihiwalay sa Thalia at sa bansang Townland so doon ako ngayon pupunta. Baka may portal dun pabalik ng Earth. Joke lang, ayokong iwanan dito si Mommy nang mag-isa. Nakarating din ako sa lawa. At promise, ang ganda. Full moon pala ngayon. Buti na lang yung lawa dito hindi polluted. Crystal clear eh! May tilapia kaya dito? Or kaya bangus? Sa
Everyone woke up early dahil sa kastilyo muli mangyayari ang almusal. Lilac gave me another dress. Kung kagabi ay kulay purple, ngayon naman ay kulay pula na may mga lace na kulay gold. Yung totoo, may-ari ba sila ng fashion boutique? Anyways, I should look good today. Dapat ipamumukha ko dun sa p*steng bruhang Julianna Sutton na iyon na mali siya ng kinakalaban. Ha! Come on b*tch, I'm the daughter of Amberleigh Regalia. And I am more powerful than you. Ikaw, sobrang lagkit at mumurahin. Ako, pang-commercial ang quality ko. Handa na akong mag-alay ng mga bulaklak, pagkain, at mga animal para sa diyosa ng kagandahan na si Aphrodite nang may nag-emergency landing na suklay sa ulo ko. Ta*ng yan, di pa tapos ang morning ritual ko dito. Nilingon ko ang bumato at si Marina iyon. Jusko po, wala ba siyang magawa sa buhay niya kaya personal life ko ang pinapakialaman niya? Is s
And now, we are leaving Thalia. We are all going back to Schiz Academy and continue our lives there as student magicians. After namin magpasalamat sa lahat, one by one, sumakay na kami ng bus ng school. Katabi ko si Freesia na mukhang nagmamaktol. Hindi ko na lang siya inasar pa dahil baka gawin akong dry ice. Of course, obvious naman na nagseselos siya. Pero, duda ako kay Thoreau. Ah basta, hayaan na. As we arrived here at Academy, dumerecho na kami sa dormitory namin para makapagbihis. Meron kaming afternoon classes kaya kailangan naming magprepare para doon. Oo nga pala. Ngayon ang start ng training ko with Crimson Ul*lens. Pagkatapos kong magbihis ng school uniform, I left our room with our laundry. Tambak na kasi ang labahin namin ni Freesia so magkukusa na akong labhan ang mga ito. Not literally na ako ang maglalaba, dadalhin ko lang sa laundry are
Seryoso sila sa sinabi nila? Wala nang bawian yun? "Ayos ka lang?" Nilingon ko si Freesia. "Para kang binagsakan ng langit at lupa sa itsura mo." "Para akong dinaganan ng sangkatutak na black hole, Freesia." Napangiwi sila sa sinabi ko. Medyo . . . OA. "Seryoso ako." Wews. "Joke lang." Agad akong tumakbo papasok ng kwarto namin ni Freesia bago pa lumanding sa akin ang lahat ng mga bagay na pwede nilang ibato. Pero seryoso talaga ako sa sinasabi ko. Pero ayokong ipakita or ipahalata sa kanila. Mag-iisang buwan palang ako dito tapos ganito na ang mga mangyayari? Paano na lang kapag tumagal pa? Mas malala? Nahilata na ako sa malambot kong kama pagkaligo ko. Habang nakatitig ako sa kisame, bumukas ang pinto at pumasok ang tatlong br*ha. "Hoy babae! Magkwento ka naman!" sigaw ni Lia. Lumipad naman ang kamay ni Freesia sa
Nung lunch na, sabay-sabay kaming apat na kumain. Pinag-usapan pa nga nila ang nangyaring scene kanina sa hallway. "Close ba kami nung family ni Crimson?" "Bakit kami ang tinatanong mo niyan?" sabat ni Lia. "Bakit hindi si Tita Amber or si Headmistress Mildred ang tanungin mo?" May point. "May amnesia ba ako? Wala naman akong natatandaan na nakarating na ako dito noon pero bakit kilala nila ako?" Tumawa si Freesia. "Sa sitwasyon mo, hindi na kami magugulat kung pati si King Malachi at Queen Rosewell kilala ka." "Siguro nga." Napaubo ng malakas si Marina kaya naman agad siyang binigyan ng tubig ni Lia. "Anyare? Ayos ka lang?" Tumango siya pagkatapos niyang uminom. "Anong klaseng response yun, Ahrina? 'Siguro nga'? It means may possibility na totoo ang hula ni Freesia!" "Hindi ko alam, okay? Wala akong natatandaan
FREESIA DAVIS' POV Seryoso ba talaga si Ahrina sa mga pinagsasabi niya? Dalawang oras? Sa lawak ng South Woods, araw ang itatagal at hindi oras o minuto lang. "Dalawang oras, Julianna. At pagkalabas ko ng South Woods, iba't ibang klase at kulay ng mga gemstones ang bitbit ko, kasama na ang red diamond na sinasabi mo." "Tignan na lang natin, Regalia." Humarap si Ahrina sa South Woods at huminga ng malalim. Nakakapagtaka, wala man lang akong naramdaman na takot o kaba mula sa kanya. Ang mas nakakagulat, bago niya pasukin ang South Woods, ngumisi siya. Yung ngising magpapataas ng balahibo mo. Yung ngising mas nakakatakot pa kaysa sa expulsion. Tumingin ako sa relo niya. 9:30 nang pumasok siya kaya naman dapat may makalabas na siya bago mag-12. "Wala ngang ganong puno sa South Woods," panimula ni Ju
"You lost your mind, Regalia!" Kung inaakala niyong sigaw yun ng ibang tao, nagkakamali kayo. Sigaw ko iyon. Oo, t*ena nagagalit ako sa sarili ko. Masyado akong naging overconfident kanina. Paano na lang kapag nalaman nila Tita Calla? Or ni Mommy? Shems pa'no na 'to? "At least you made it." Hinarap ko si Lia. She ran to me and hugged me tightly. "Nag-alala kami sa iyo." I smiled. "Thank you, Lia." Marina spoke. "Buti wala kang na-encounter na necromancer." "Meron." Their eyes slightly dilated. "Every time I'm asking them to come out, they will just vanish. There are many ravens too. Anong ibig sabihin nun pala?" "It means officials of Dreich are having a surveillance," Freesia answered. "Kapag may nakita kang uwak, ibig sabihin nagmamanman sa paligid ang mga taga-Dreich." "Ginagawa b
Chamber of Light is the city government hall of Aurora. It is built exactly in the middle of the city. On the topmost floor, the Office of the City Governess or Mom's office is located. According to this maid, Mom's office offers a 180° view of the city. She also has a royal bedroom beside her office where she stays. They have an elevator here, which is a good thing, because Mom's office is on the 30th floor. Using the staircase wastes too much time and nakakapagod rin. The 30th floor is very quiet. There are lots of doors, maybe the offices of other higher city government officials and there are paintings too. We stopped as we reached the champagne double door located at the very end of the hallway. The maid knocked on the left door thrice and opened the right one. She stepped inside. "Governess Regalia, you have a visitor po." "I don't have an appointment for today.
Dalawampung taon na simula nang mamuno sila Crimson at Ahrina bilang Hari at Reyna ng kaharian ng Demetria. Dalawampung taon na ring payapa ang buong Magic World, malayo sa mga pangyayari noong nakahiwalay ang Dreich mula sa Demetria. Sa balkonahe ng kanilang kwarto nakatayo si Ahrina, tinatanaw ang makulay at payapang Demetria. Ilang segundo ang makalipas, yumakap mula sa kanyang likod si Crimson. "Penny for you thoughts?" tanong nito sa asawa at saka nagtanggal ng kanyang reading glasses. "Wala naman." Nanatili ang titig ni Crimson kay Ahrina. Sa huli, sumuko na ang kanyang asawa. "Oo na, namimilit ka na naman eh. I was just thinking if everything will stay like this. Yes, it's been twenty years but—"
A loud thud echoed in the whole Royal Palace, followed by a series of laughter. Eminence yelled, "Napakadaya ninyong lahat! Mga cheater!" Midnight, the Crown Prince of Demetria, just shook his head and smirked. "Lampa ka pa rin hanggang ngayon, Emy. Wala ka pa ring pinagbago. What happened to your Schiz-Torren blood?" "How dare you—" The fight was cut off as Ahrina threw the pink furry slipper to the four kids quarelling. "Hindi talaga kayo marunong makinig, ano? Eh kung kayong apat kaya ang sakalin ko isa-isa?" Twilight and Amethyst looked at each other and exclaimed, "Run!" "Oh anong nangyari rito?" agad na tanong ni Marina pagkarating sa Royal Garden kasama si Freesia at Thoreau. "In fairness, ang gulo ah. Royal Palace ba talaga ito?" "Tita Marina!" sigaw ni Amethyst at mabilis na isinumbong ang kanyang ina rito. "Inaaway kami ni
Things went very swift. I have gone so aggressive and that urge to kill this man I'm fighting against, I think, already controls my mind. I know this is bad because of the evil darkness gem but I don't have time for some self-control session. Gumawa ako ng isang wind tornado para sana itulak siya palayo. Kaso, nagulat ako nang biglang nasa unahan ko na siya kaya hindi ako nakagalaw agad. I felt a sharp blade cutted my skin on my neck. Biglang nanlabo ang paningin ko at nanlambot ang mga pakpak ko. Halos sumuka ako ng dugo pagkabagsak ko sa lupa. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nanghina. Nanlalabo na ang mga paningin ko at pakiramdam ko ay isang sagi na lang ay patay na ako. "Baby, baby," I heard Crimson panicked. "Baby, can you hear me? Please respond." I felt his warm hands on my skin. "Damn!" "She and the Mystic Stone must not be separated," Lia stated, touching
Less than an hour before the Midnight Sun appears everyone remains silent and the only thing we can hear is our heavy breathings. I'm still watching the surroundings from above here, especially the Dreich. There was a bit of fight happening at the border of Hesperia and Dreich. I have launched one thousand student magicians there to help the citizens escape and only fight when desperately needed. And yeah, hanggang ngayon, may mga lumilikas pa rin. Few minutes later, a light slowly enlightes the dark environment. It is the Midnight Sun. "Everyone, prepare," I announced to all of them. The rescue is still ongoing. Kailangang madala sila sa shelters bago tuluyang magpakita ang Midnight Sun. "Tita Ruby, what's the status there po?" "Malapit nang madala sa shelters ang lahat ng mga lumikas." "Sige po." Sa dami ng mga gustong makaalis na sa Dreich, tila ba maliit pa ang but
Madilim pa, pero mulat na mulat na ang mga mata ko. Yep, today will be a day where the most excruciating event that magicians never wished for will happen for in this special day: the infamous Enchanted War. I wore my black warrior outfit, almost the same as to what I wore during the finals of the Wielders of Charms. However, it has more purple designs and leather gloves. After tying my black leather knee-high combat boots, nagteleport na ako papunta sa rooftop ng Academy building to have my early warm up. Ayoko sa Training Chamber magpunta dahil madali lang ang access doon. Not like here na walang daan papunta rito unless you can walk up to the top of one of the Academy towers tapos saka ka tumalon. I summoned my magic staff and stanced to start training all by myself. I have mastered all the stuffs so a trainor for me isn't recommended by now. Kaya ko nang mag-ensayo mag-isa. This is as simple a
"Baby girl, wake up..." Though I feel like I'm sleep-deprived, kalmado akong bumangon at ngumiti kay Crimson na mukhang ewan. Oh man, he should be thankful dahil kung hindi lang talaga siya si Crimson, kanina pa bubog-sarado ang isang 'to sa akin. "Good morning, baby. Paano ka nakapunta rito?" "I sneaked in. Headmistress Mildred called them all except for me." "You asked her to do you a favor?" "Of course, no. Why would I do that? Everyone's busy for the second Enchanted War." Oo nga naman. Lahat kami ngayon ay pinoproblema ang mangyayari sa Enchanted War. Well, mas lalo naman ako kasi ako yung leader ng Academy para rito. "Okay. I'll go prepare now." "Sure. I'll wait for you." "Like how you waited for me to give you my yes." He frowned and shook his head. "Can't deny it, Torren. Tot
So people really thought that I betrayed them. Demetrians thought I betrayed Demetria. They really thought that I will join Dreich and not my own land. And those thoughts of them about me made them file a case against me. Dimwits. "And what happened to my cases?" "Upon hearing Dametreil Schiz's and Sorceress Halina's statements, Royal Family of Demetria announced those cases null and void. You were not guilty and fortunately as well, you weren't sentenced to three counts of death penalty." Mabuti na lang talaga. Three counts of death penalty ba naman ang kaparusahan sa tatlong batas na 'yun. I smiled at him. "I am really fortunate." Pagkatapos niya akong subuan, tumitig siya sa akin at ngumisi. "Ano?" "You're really fortunate?" "Hmm," I responded, nodding. "Hindi ba ako maswerte? I have all the useful connections in this world an
I slowly opened my eyes, seeing the familiar white ceiling and a warm thing cupping my left hand. I moved a bit and pushed myself to sit up without waking him. And I succeeded. Confirmed, nasa ospital nga ako ng Academy. What happened to me is still vivid in my mind and it still scares me until now, fearing that the same might happen not to me but to the others . . . especially Damaris and her family. However, nothing will happen if I let that nightmare control my mind and gone crazy. I have to develop new effective plans and execute actions for the better and to avoid what has to avoid. But then, as I gazed at Crimson who still sleeps soundly, I forgot about all the fears I have even just for a short span. I miss him. Sobrang na-miss ko siya. Alam kong mahirap paniwalaan pero siya ang pinakana-miss ko. I miss my Crimson. Hindi ko na napigilan ang sarili ko and faced him to caress his soft, black
Inabot ako nang dilim sa pagpapagaling kay Ahrina. Nawala na rin ang kanyang mga sugat at tanging mga marka ang naiwan. Mawawala rin ang mga iyon paglipas ng oras. Nagtagal ako sa pagpapagaling sa kanya dahil kailangan kong dahan-dahanin ang proseso. Maliban sa nag-iisa lamang ako, napakadami niyang sugat at mas lalong dadami at lalala ang kanyang sitwasyon kung ipipilit kong pabilisin ang paggaling niya. Nagpunta ako sa tabi niya at hinawakan ang kanyang kaliwang kamay. "Ahrina, malapit nang matapos ang lahat nang mga paghihirap na ito. Wag kang mag-alala, gagabayan kita. Kaya pakiusap, gumising ka na sa lalong madaling panahon." Pagkalabas ko ng silid, naroroon parin silang lahat at tahimik na lumingon sa akin. "Maayos na ang lagay ni Ahrina. Marka ng kanyang mga sugat ang naiwan pero mawawala din ang mga iyon. Natutulog parin siya nang mahimbing." "Magsabi ka nga ng totoo, Lia." Tumayo mula sa