"Waaah!" Kahit nagtakip na ako ng tenga ko, rinig ko pa rin ang sigaw ng tatlo. Not to mention nasa Dining Hall pa kami ah. "Oh my god seryoso?"
Napangiwi ako sa ingay ng mga babaeng 'to. "Hinaan niyo naman mga boses niyo. Hindi naman ako bingi para sigawan niyo."
Lia nodded and sat down. "May point si Ahrina." Then she looked at me again enthusiastically. "Seryoso nga Ahrina? Friends na kayo?"
"Ulit-ulit? Bingi lang?" I rolled my eyes to them.
Marina giggled. "Gagawin ko nga din yung ginawa ni Ahrina. Baka kausapin ako ni Blakey!"
Freesia immediately countered, "Ha! Asa kang papansinin ka nun. Like hello, sa kanilang tatlo, si Thor baby lang ang mabait. 'Yang Crimson at Blake niyo, malalandi gaya niyo." Then she looked to me. "Kaibigan lang ha."
I laughed to her tone. "Yes naman, boss." Daig pa asawa eh.
After naming kumain ay nagpunta na kaming lahat sa Training Chamber. The time I stepped inside, nag-iba ang pakiramdam ko. "Hey, calm down Ahrina," Marina said and I smiled. "Halatang kabado ka, rinig ko heartbeat mo."
"Wala naman kasi akong magic." Which is true.
"Hello, anong sabi ni Thoreau baby sa iyo, my dear Ahrina?" Freesia asked. "This is your chance to show us what you've got. Be proud kung anong meron ka, at least meron ka."
Oo nga naman. Kaysa wala, mas okay na 'yong ganito.
"Kinakabahan ako!" sigaw ko at tumawa sila. Napahawak ako sa dibdib ko at nakapa ko ang necklace na ibinigay sa akin ni Mommy.
Teka. Yung nakita ko kanina, dito yung lugar na iyon. Sigurado ako. Ito yun. Ibig sabihin, ngayon mangyayari yung nakita ko kanina? Pero paano?
"Anong nakita mo kanina?" Napatingin agad ako kay Marina. "Sorry hindi ko mapigilang magtanong."
"Okay lang."
"Nakapunta ka na dito Ahrina?"
I shook my head to Lia's question. "Hindi pa ako nakakapunta dito. Pero alam ko ang mangyayari sa akin." They all looked to each other. "Tama siya. Posibleng ability mimicry ang meron ako at hindi enhanced voice."
"Dito sa Training Chamber, walang restrictions." I looked to Freesia. "Hindi gaya sa buong Academy, dito nakababa ang ward. Hindi napipigilan ang mga estudyante na magpakawala ng kapangyarihan o ability nila. Dapat kang kabahan, Ahrina, pero as long as nandito kaming tatlo, hindi ka mapapahamak."
I smiled to them. "Thank you girls. Love ko na kayo."
Lia grinned. "Group hug!" Which we four did. "Freesia, wag mo akong gawing yelo."
Freesia laughed, "Ay sorry." We all did the same afterwards.
A male teacher went inside the Training Chamber and all of the attention of the students are now onto him. "Good afternoon students. As for the new student, I'm Collin Shallows, Applied Magic trainor." I nodded. "So since everyone is here now, I will start random calling for the two students who will compete."
"Siya si Collin Shallows and isa siyang water mage at enhanced vision ang ability niya. Kaya niyang makakita up to 20 miles radius, kasing laki man ng kastilyo o kasing liit ng isang piraso ng buhangin. Anak siya ni Headmistress Calla sa namatay nitong asawa na si Late Headmaster Ernest Shallows," Marina explained. "Isa rin siya sa crush ng bayan maliban sa Torren cousins." Sh*t, pati teacher ah.
Si Marina at Freesia ang unang naglaban. Pareho silang magaling. Since si Marina ay may telepathy, mahihirapan si Freesia. Pero mas malakas ang magic ni Freesia kaya mahihirapan din si Marina. In the end, si Marina ang nanalo dahil sa telepathy niya.
"Galing niyo dalawa. Mas lalo tuloy akong kinakabahan." They laughed at me.
"Kaya mo yan Ahrina. Ikaw pa ba?" Freesia motivated and I smiled. "Kaya mo yan. Gamitin mo lang ang isip mo."
"Ahrina Tantiana Regalia." Parang akong nabuhusan ng malamig na tubig na imported pa from Iceland ng marinig ko ang pangalan ko. The three laughed to me and keep on motivating. "Step here please."
Kaya mo ito Ahrina! You can do this!
"Julianna Sutton." I looked to the three and they are all surprised.
"Let's go Julie!"
"No need to support you, girl. Kaya mo na 'yan."
"Beat that transferee, Julie!"
Siya 'yon. Siya 'yong babaeng may fire magic. Siya 'yong kakalabanin ko. Siya 'yong matatalo ko.
I looked to the three again and they all forced a smile to cheer me up. I glanced to Thoreau and he nodded. I inhaled deeply and went to the right side of the Chamber. Sir Collin remained to his spot and spoke. "Begin."
Just remember this Ahrina, what you perceived earlier, do it. Whatever happens, do it.
I was shocked when I suddenly formed two wind tornadoes beside me yet I confidently moved both of my hands and the two tornadoes attacked this Sutton girl. Everyone is silent when I overcame her fire magic.
Pero sh*t, ang hirap nito. Para akong pinupukpok ng rubber mallet sa buong katawan kada gagalaw ako.
I let my imagination do what it wants kahit physically difficult for me. I even got a burn to my left leg pero hindi ko na pinansin iyon dahil kailangan kong manalo. Kailangan kong maipakita na ako si Ahrina Tantiana Regalia, ang anak ng governess ng Aurora. Wapakels na ako kung sasabihan nila akong ma-pride. Hindi naman ako panlaba.
All of a sudden, she made a huge fireball with a smirk to her twin lips. This time, alam kong wala na akong laban. Puro sugat na ako at dumudugo na rin ang braso ko.
For the last time, I looked to Thoreau and he mouthed, "Do what you see". I took a deep inhale and closed my eyes for a while.
D*mn it! I need Lia's illusionary magic!
Everything happened so fast. Nakita ko na lang na namimilipit na siya sa sakit ngayon and merong mga sanga ng puno na nakapaligid sa binti at braso niya. She burned all of this and created another fireball again. I thought it'll hit me pero naging tubig ito.
Am I now doing Lia's illusionary magic?
Julianna moved her hands and lots of small fireballs were created. I remained still and just felt my hands moving on its own. The fireballs all fell down as snowballs and her face is just . . . unexplainable.
"How the h*ll..." My left hand moved from the side to my front and I just realized that I'm absorbing the oxygen from her body.
She managed to create a fire and it crawled to me. Sh*t, stop aiming for my legs! Alam ko namang maganda ang legs ko pero wag dyan! My right hand moved to its own and it blew away the fire to her direction. My left hand stopped from absorbing and a little move caused her to smash to the wall. She fell to the floor unconciously.
Mahilo-hilo akong bumalik sa reyalidad at wala akong marinig kahit ano. Lahat sila tahimik sa nangyari. Mas naramdaman ko rin ang sakit ng mga sugat ko at ang mga paso. Sh*t kang babae ka, malalagot ako nito kay Mommy. Ayaw pa naman niya na nagkakasugat ako. Kahit kagat ng lamok o langgam.
Nalasahan ko ang dugo sa bibig ko pero hindi ako nag-panic. Masarap kaya ang dugo. Naramdaman ko na rin na may tumutulo nang dugo mula sa bibig ko, pero hindi ako makagalaw ng maayos. Ilang hinga pa ang nagawa ko, bago ako mawalan ng malay.
꧁——————————꧂
Nagising ako nang makaramdam ng gutom. Oo gutom na ako. Si Lia ang una kong nakita nang nagising ako. "Ahrina!" Niyakap niya agad ako ng mahigpit at napa-aray ako sa sakit. "Ay sorry."
"Sh*t gising na siya?" Freesia blurted out. "Ahrina oh my god!"
Inalalayan akong makaupo ni Lia and kaagad naman akong niyakap ng dalawang ito. "Teka, masakit."
"Oh my god. Gising ka na!"
"Bakit?" Napatingin ako sa paligid. "Nasaan ako?"
"Nasa hospital ka ng Academy," Marina answered. "Nawalan ka kaya ng malay after mong matalo yung Julianna na iyon."
Freesia nodded excitedly. "Oo! Alam mo ba sobrang galing mo kahapon!"
"Teka, kahapon?"
Lia laughed. "30 hours kang tulog." She took out her phone and pinakita sa akin ang oras at date. 30 hours nga. Kunwari, nagbilang ako. "Grabe, ang galing mo Ahrina. Hindi ko ineexpect na illusionary magic ang magagamit mo."
Freesia spoke again, "Kinausap kami ni Headmistress, kasama namin si Thoreau baby. Ni-confirm ni Headmistress ang claim ni Thoreau baby na ability mimicry ang meron ka. And congrats! Isa ka nang wind mage! Mas malakas ka na kesa sa aming tatlo!"
"Bakit naman?" Porket wind mage, malakas na agad? Tsamba lang yung kahapon. Thanks to that scene.
Marina frowned. "Kung hindi ka lang tadtad ng sugat, binatukan na kita. Duh, elemental magic ang wind control. Sub type ang kay Freesia, decorative ang akin, technical kay Lia. Isa ka na sa mga high-ranking mages dito sa Academy!"
"Yup!" Lia agreed. "Not to mention, nadagdagan ang mga mages na may ability mimicry!"
Hinayaan nila akong makaligo dito sa dorm namin at nagpunta na kami ng Dining Hall. Abot pa naman kami sa dinner. Pagkapasok namin ng Dining Hall, ang lahat ng mga mata ay nakatingin sa akin.
"Yan na siya."
"Isa sa mga high-ranking mages."
"Anak nga talaga siya ni Governess Regalia."
"Ang galing niya kahapon ano?"
"Balita ko, ability mimicry ang meron siya."
"Weh?! Dumagdag na siya sa 0.01%?"
"Galing naman!"
"Lahat hinahangaan ka. Maliban sa grupo nila Julianna," Freesia stated. "Mag-expect ka na, Ahrina. Ikaw lang ang nakatalo kay Julianna."
"Ha?" The three nodded. "Bakit? I mean, pano? Ah no, bakit nga?"
"Si Julianna Sutton ang pinakamagaling na mage sa buong Academy. Siya ang top-ranking sa female mages dahil sa fire magic at ability niya na geo-thermokinesis. Means, kaya niyang kontrolin ang bulkan, lava at magmas. Lahat ng nakakalaban niya, nagiging abo. Ikaw lang ang hindi," Lia explained.
"Kasi ginaya mo ang ability ni Lia," Freesia added. "Isinailalim mo sa illusionary magic si Julianna kaya nakontrol mo siya."
Marina laughed. "Lahat kami tahimik na nanood. Kasi witches lang ang merong illusionary magic. Wala nang iba." She sipped her orange juice. "Nung natapos ang laban niyo, doon nag-usap si Thoreau at Sir Collin. Doon din ini-announce ni Sir na possible na ability mimicry ang meron ka."
"Halos hindi ka nga namin makilala kanina," Freesia stated, laughing. "Grabe. Nakita namin sa iyo si Lia, minus the wings and floating effect. Yung kumpas ng kamay mo, gayang-gaya mo kay Lia. Astig ka talaga, Ahrina. Idol na kita."
All of a sudden, isang pasta ang tatapon na sana sa table pero nakalutang lang ito. Nanlaki ulit ang mga mata namin sa nangyari. Tumingin ako sa kung sino ang magtatapon sana noon at si Julianna iyon. "Hindi porket natalo mo ako, Regalia, magaling ka na. Tandaan mo, bago ka palang dito."
I looked to the floating upside down spaghetti. It suddenly followed Julianna and poured onto her head na inikagulat naming lahat.
Marina looked at me. "Wala akong ginagawa." Wala naman talaga eh!
Isang butler ang lumapit sa akin at sinabing pinatatawag ako sa opisina ni Sir Collin. Nagpaalam naman na ako sa tatlo at sumama sa butler. Kumatok ang butler at binuksan ang pinto. Sir Collin glanced to the butler and nodded. The butler bowed his head and step to the side to give way to me. "Thanks," I said to the butler and he nodded. I stepped inside and the butler closed the door.
I stood a meter away from Sir Collin's desk and bowed. "Magsisimula ka ng sarili mong training, Ahrina. At si Crimson ang partner mo."
"Ha?" He smiled a little. "Ay, sorry po, Sir. Pero, bakit naman siya? Hindi pwede si Freesia, Sir Collin?"
"Ms. Davis has a subtype magic while Mr. Torren has elemental magic kagaya ng iyo. Isa pa, si Crimson ang pinakamalakas na male mage sa buong Academy. Kung natalo mo ang pinakamalakas na female mage, sigurado akong makakayanan mo ang training mo kasama si Crimson."
"Isa pa, sa makalawa, inimbitahan ng mga taga-Thalia ang lahat ng mga estudyante ng Academy para bumisita doon. Ihanda mo ang sarili mo, Ms. Regalia. Panibagong labanan ang haharapin niyo."
"Thalia? Pupunta tayong lahat sa Thalia!" excited na tanong ni Lia at nagpatalon-talon siya ng tumango ako. "Yes! Makakauwi din ako kahit saglit!"
"Saan ba ang Thalia?" tanong ko sa kanila.
Lia answered my question, "Ang Thalia ay isang probinsya dito sa Demetria at doon nakatira ang mga witches at warlocks. Taon-taon, nagpupunta ang lahat ng mga estudyante ng Schiz Academy doon at sumasabak silang lahat sa isang pagsubok na kaming mga witches at warlocks ang bumubuo."
Freesia lazily frowned. "Wag masyadong harsh, Lia, pakiusap. Tanda niyo pa naman siguro ang nangyari sa akin last year." Marina and Lia laughed all of a sudden. Freesia turned to me. "Dahil sa takot ko, lahat ng witches at warlocks ginawa kong yelo." Natawa na rin ako sa sinabi niya at napasimangot na lang siya. "Ewan ko sa inyo. Bahala kayo dyan."
I have a feeling that this trip to Thalia will be a h*ll. Peksman. Mamatay man yung Julianna Sutton na yun.
Nagising ako dahil sa isang tawag sa cellphone ko. Nagmissed call pala si Mommy sa akin ng tatlong beses tapos tatlong text din ang natanggap ko, still galing sa kanya. From Mom: Kamusta ka na anak? Congratulations sa iyo anak. Proud na proud ako sa iyo. Btw, late na pala. Sige, tulog ka lang ng mahimbing anak. Good night. Nagreply ako agad. To Mom: Okay lang po ako Mommy. Thank you po. Promise po gagalingan ko pa po. Isa akong Regalia kaya dapat hindi ako matatalo. Tulog na rin po kayo ng mahimbing Mommy. I miss you po. Wala akong maayos na tulog dalawang gabi na, kaya lutang ako sa klase buong araw. Naging tampuhan ako ng bully ng mga alipores nung Julianna Sutton na iyon. Bunsong anak pala siya ng governor ng Antheia kaya naman ganon na lang ang pakikitungo sa kanya ng mga estudyante at pakikitungo
Nagising ako nang bumagsak ako sa lupa. Like wow, how did they do that? Ako lang ang mag-isa sa gubat na ito kaya naman minabuti kong gumalaw na kesa maghintay. "Freesia! Marina!" Sh*t, kaya ko bang gawin yung ginawa ko nung isang araw? Napahinto ako ng isang puting wolf ang sumalubong sa akin. Akala ko susunggaban niya ako, pero dadaan lang pala sa gilid ko! Palakad-lakad lang ako sa kung saan-saan. Ewan ko ba kung saan ako papunta basta bahala na. Isa na namang puting wolf ang nakasalubong ko pero hindi katulad nung kanina, nakatitig sa akin ang wolf at naglalaway. Gosh, wag mong sabihin na gusto akong kainin ng asong 'to. Biglang tumakbo sa akin yung wolf kaya napatakbo ako sa gilid. Huminto siya nung huminto ako. And wag ka, nakipag-staring contest pa siya sa akin. Dapat kung sino manalo, kakainin yung natalo. 'Di joke lang, 'di ako can
LIA EDWARDS'S POV "Mukhang sobra na yata ang ginagawa ko kina Freesia." Tumawa si Ina sa sinabi ko at nakialam sa ginagawa ko. "Ina naman!" Sinipa ako ni Ina sa pwetan. Jusmiyo. "Para namang bago ka sa ganito, Lia. Win-win situation ang nangyayari ngayon." Tumingin na lang ako sa orb kung saan nakikita ko ang nangyayari kina Ahrina. Nagkasama-sama na silang anim pagkatapos magkita-kita sila Ahrina, Freesia at Marina. Hindi ko alam kung tatawa ako, malulungkot, o mamamangha sa nagiging sagutan ni Crimson at Ahrina. Sa labingdalawang taon kong pag-aaral sa Schiz Academy, si Ahrina lang ang naglakas-loob na makipagsagutan kay Crimson. Pareho silang bastos magsalita at parang hindi nila iniisip ang sasabihin nila. Tulad nalang nito. "Ano nang gagawin natin?" biglaang tanong ni Ahrina. "Baka tititiga
Matapos ang hapunan sa kastilyo ay dumerecho na kami rito sa bahay nila Lia. Pero hindi ako mapakali. Gusto ko maggala. Ewan ko lang ah, kung totoo ba ito o hindi. Pero ang sabi daw, kapag daw nangangati ang paa mo, ibig sabihin may alipunga ka. Chos. Ibig sabihin daw, gusto mong gumala. Narinig ko lang yun sa dati kong school. Again, ewan ko lang kung totoo yun or hindi. Wala naman kasing scientific explanation doon, maliban sa part na may alipunga ka kapag nangangati paa mo. Kaya ito ako, naglalakad lakad. Meron daw lawa dito na naghihiwalay sa Thalia at sa bansang Townland so doon ako ngayon pupunta. Baka may portal dun pabalik ng Earth. Joke lang, ayokong iwanan dito si Mommy nang mag-isa. Nakarating din ako sa lawa. At promise, ang ganda. Full moon pala ngayon. Buti na lang yung lawa dito hindi polluted. Crystal clear eh! May tilapia kaya dito? Or kaya bangus? Sa
Everyone woke up early dahil sa kastilyo muli mangyayari ang almusal. Lilac gave me another dress. Kung kagabi ay kulay purple, ngayon naman ay kulay pula na may mga lace na kulay gold. Yung totoo, may-ari ba sila ng fashion boutique? Anyways, I should look good today. Dapat ipamumukha ko dun sa p*steng bruhang Julianna Sutton na iyon na mali siya ng kinakalaban. Ha! Come on b*tch, I'm the daughter of Amberleigh Regalia. And I am more powerful than you. Ikaw, sobrang lagkit at mumurahin. Ako, pang-commercial ang quality ko. Handa na akong mag-alay ng mga bulaklak, pagkain, at mga animal para sa diyosa ng kagandahan na si Aphrodite nang may nag-emergency landing na suklay sa ulo ko. Ta*ng yan, di pa tapos ang morning ritual ko dito. Nilingon ko ang bumato at si Marina iyon. Jusko po, wala ba siyang magawa sa buhay niya kaya personal life ko ang pinapakialaman niya? Is s
And now, we are leaving Thalia. We are all going back to Schiz Academy and continue our lives there as student magicians. After namin magpasalamat sa lahat, one by one, sumakay na kami ng bus ng school. Katabi ko si Freesia na mukhang nagmamaktol. Hindi ko na lang siya inasar pa dahil baka gawin akong dry ice. Of course, obvious naman na nagseselos siya. Pero, duda ako kay Thoreau. Ah basta, hayaan na. As we arrived here at Academy, dumerecho na kami sa dormitory namin para makapagbihis. Meron kaming afternoon classes kaya kailangan naming magprepare para doon. Oo nga pala. Ngayon ang start ng training ko with Crimson Ul*lens. Pagkatapos kong magbihis ng school uniform, I left our room with our laundry. Tambak na kasi ang labahin namin ni Freesia so magkukusa na akong labhan ang mga ito. Not literally na ako ang maglalaba, dadalhin ko lang sa laundry are
Seryoso sila sa sinabi nila? Wala nang bawian yun? "Ayos ka lang?" Nilingon ko si Freesia. "Para kang binagsakan ng langit at lupa sa itsura mo." "Para akong dinaganan ng sangkatutak na black hole, Freesia." Napangiwi sila sa sinabi ko. Medyo . . . OA. "Seryoso ako." Wews. "Joke lang." Agad akong tumakbo papasok ng kwarto namin ni Freesia bago pa lumanding sa akin ang lahat ng mga bagay na pwede nilang ibato. Pero seryoso talaga ako sa sinasabi ko. Pero ayokong ipakita or ipahalata sa kanila. Mag-iisang buwan palang ako dito tapos ganito na ang mga mangyayari? Paano na lang kapag tumagal pa? Mas malala? Nahilata na ako sa malambot kong kama pagkaligo ko. Habang nakatitig ako sa kisame, bumukas ang pinto at pumasok ang tatlong br*ha. "Hoy babae! Magkwento ka naman!" sigaw ni Lia. Lumipad naman ang kamay ni Freesia sa
Nung lunch na, sabay-sabay kaming apat na kumain. Pinag-usapan pa nga nila ang nangyaring scene kanina sa hallway. "Close ba kami nung family ni Crimson?" "Bakit kami ang tinatanong mo niyan?" sabat ni Lia. "Bakit hindi si Tita Amber or si Headmistress Mildred ang tanungin mo?" May point. "May amnesia ba ako? Wala naman akong natatandaan na nakarating na ako dito noon pero bakit kilala nila ako?" Tumawa si Freesia. "Sa sitwasyon mo, hindi na kami magugulat kung pati si King Malachi at Queen Rosewell kilala ka." "Siguro nga." Napaubo ng malakas si Marina kaya naman agad siyang binigyan ng tubig ni Lia. "Anyare? Ayos ka lang?" Tumango siya pagkatapos niyang uminom. "Anong klaseng response yun, Ahrina? 'Siguro nga'? It means may possibility na totoo ang hula ni Freesia!" "Hindi ko alam, okay? Wala akong natatandaan
Dalawampung taon na simula nang mamuno sila Crimson at Ahrina bilang Hari at Reyna ng kaharian ng Demetria. Dalawampung taon na ring payapa ang buong Magic World, malayo sa mga pangyayari noong nakahiwalay ang Dreich mula sa Demetria. Sa balkonahe ng kanilang kwarto nakatayo si Ahrina, tinatanaw ang makulay at payapang Demetria. Ilang segundo ang makalipas, yumakap mula sa kanyang likod si Crimson. "Penny for you thoughts?" tanong nito sa asawa at saka nagtanggal ng kanyang reading glasses. "Wala naman." Nanatili ang titig ni Crimson kay Ahrina. Sa huli, sumuko na ang kanyang asawa. "Oo na, namimilit ka na naman eh. I was just thinking if everything will stay like this. Yes, it's been twenty years but—"
A loud thud echoed in the whole Royal Palace, followed by a series of laughter. Eminence yelled, "Napakadaya ninyong lahat! Mga cheater!" Midnight, the Crown Prince of Demetria, just shook his head and smirked. "Lampa ka pa rin hanggang ngayon, Emy. Wala ka pa ring pinagbago. What happened to your Schiz-Torren blood?" "How dare you—" The fight was cut off as Ahrina threw the pink furry slipper to the four kids quarelling. "Hindi talaga kayo marunong makinig, ano? Eh kung kayong apat kaya ang sakalin ko isa-isa?" Twilight and Amethyst looked at each other and exclaimed, "Run!" "Oh anong nangyari rito?" agad na tanong ni Marina pagkarating sa Royal Garden kasama si Freesia at Thoreau. "In fairness, ang gulo ah. Royal Palace ba talaga ito?" "Tita Marina!" sigaw ni Amethyst at mabilis na isinumbong ang kanyang ina rito. "Inaaway kami ni
Things went very swift. I have gone so aggressive and that urge to kill this man I'm fighting against, I think, already controls my mind. I know this is bad because of the evil darkness gem but I don't have time for some self-control session. Gumawa ako ng isang wind tornado para sana itulak siya palayo. Kaso, nagulat ako nang biglang nasa unahan ko na siya kaya hindi ako nakagalaw agad. I felt a sharp blade cutted my skin on my neck. Biglang nanlabo ang paningin ko at nanlambot ang mga pakpak ko. Halos sumuka ako ng dugo pagkabagsak ko sa lupa. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nanghina. Nanlalabo na ang mga paningin ko at pakiramdam ko ay isang sagi na lang ay patay na ako. "Baby, baby," I heard Crimson panicked. "Baby, can you hear me? Please respond." I felt his warm hands on my skin. "Damn!" "She and the Mystic Stone must not be separated," Lia stated, touching
Less than an hour before the Midnight Sun appears everyone remains silent and the only thing we can hear is our heavy breathings. I'm still watching the surroundings from above here, especially the Dreich. There was a bit of fight happening at the border of Hesperia and Dreich. I have launched one thousand student magicians there to help the citizens escape and only fight when desperately needed. And yeah, hanggang ngayon, may mga lumilikas pa rin. Few minutes later, a light slowly enlightes the dark environment. It is the Midnight Sun. "Everyone, prepare," I announced to all of them. The rescue is still ongoing. Kailangang madala sila sa shelters bago tuluyang magpakita ang Midnight Sun. "Tita Ruby, what's the status there po?" "Malapit nang madala sa shelters ang lahat ng mga lumikas." "Sige po." Sa dami ng mga gustong makaalis na sa Dreich, tila ba maliit pa ang but
Madilim pa, pero mulat na mulat na ang mga mata ko. Yep, today will be a day where the most excruciating event that magicians never wished for will happen for in this special day: the infamous Enchanted War. I wore my black warrior outfit, almost the same as to what I wore during the finals of the Wielders of Charms. However, it has more purple designs and leather gloves. After tying my black leather knee-high combat boots, nagteleport na ako papunta sa rooftop ng Academy building to have my early warm up. Ayoko sa Training Chamber magpunta dahil madali lang ang access doon. Not like here na walang daan papunta rito unless you can walk up to the top of one of the Academy towers tapos saka ka tumalon. I summoned my magic staff and stanced to start training all by myself. I have mastered all the stuffs so a trainor for me isn't recommended by now. Kaya ko nang mag-ensayo mag-isa. This is as simple a
"Baby girl, wake up..." Though I feel like I'm sleep-deprived, kalmado akong bumangon at ngumiti kay Crimson na mukhang ewan. Oh man, he should be thankful dahil kung hindi lang talaga siya si Crimson, kanina pa bubog-sarado ang isang 'to sa akin. "Good morning, baby. Paano ka nakapunta rito?" "I sneaked in. Headmistress Mildred called them all except for me." "You asked her to do you a favor?" "Of course, no. Why would I do that? Everyone's busy for the second Enchanted War." Oo nga naman. Lahat kami ngayon ay pinoproblema ang mangyayari sa Enchanted War. Well, mas lalo naman ako kasi ako yung leader ng Academy para rito. "Okay. I'll go prepare now." "Sure. I'll wait for you." "Like how you waited for me to give you my yes." He frowned and shook his head. "Can't deny it, Torren. Tot
So people really thought that I betrayed them. Demetrians thought I betrayed Demetria. They really thought that I will join Dreich and not my own land. And those thoughts of them about me made them file a case against me. Dimwits. "And what happened to my cases?" "Upon hearing Dametreil Schiz's and Sorceress Halina's statements, Royal Family of Demetria announced those cases null and void. You were not guilty and fortunately as well, you weren't sentenced to three counts of death penalty." Mabuti na lang talaga. Three counts of death penalty ba naman ang kaparusahan sa tatlong batas na 'yun. I smiled at him. "I am really fortunate." Pagkatapos niya akong subuan, tumitig siya sa akin at ngumisi. "Ano?" "You're really fortunate?" "Hmm," I responded, nodding. "Hindi ba ako maswerte? I have all the useful connections in this world an
I slowly opened my eyes, seeing the familiar white ceiling and a warm thing cupping my left hand. I moved a bit and pushed myself to sit up without waking him. And I succeeded. Confirmed, nasa ospital nga ako ng Academy. What happened to me is still vivid in my mind and it still scares me until now, fearing that the same might happen not to me but to the others . . . especially Damaris and her family. However, nothing will happen if I let that nightmare control my mind and gone crazy. I have to develop new effective plans and execute actions for the better and to avoid what has to avoid. But then, as I gazed at Crimson who still sleeps soundly, I forgot about all the fears I have even just for a short span. I miss him. Sobrang na-miss ko siya. Alam kong mahirap paniwalaan pero siya ang pinakana-miss ko. I miss my Crimson. Hindi ko na napigilan ang sarili ko and faced him to caress his soft, black
Inabot ako nang dilim sa pagpapagaling kay Ahrina. Nawala na rin ang kanyang mga sugat at tanging mga marka ang naiwan. Mawawala rin ang mga iyon paglipas ng oras. Nagtagal ako sa pagpapagaling sa kanya dahil kailangan kong dahan-dahanin ang proseso. Maliban sa nag-iisa lamang ako, napakadami niyang sugat at mas lalong dadami at lalala ang kanyang sitwasyon kung ipipilit kong pabilisin ang paggaling niya. Nagpunta ako sa tabi niya at hinawakan ang kanyang kaliwang kamay. "Ahrina, malapit nang matapos ang lahat nang mga paghihirap na ito. Wag kang mag-alala, gagabayan kita. Kaya pakiusap, gumising ka na sa lalong madaling panahon." Pagkalabas ko ng silid, naroroon parin silang lahat at tahimik na lumingon sa akin. "Maayos na ang lagay ni Ahrina. Marka ng kanyang mga sugat ang naiwan pero mawawala din ang mga iyon. Natutulog parin siya nang mahimbing." "Magsabi ka nga ng totoo, Lia." Tumayo mula sa