Napalagok ako ng sariling laway.
Nakaawang ang mga labi nina Lia at Yve habang natingin sa akin. Si Jia naman ay naniningkit na ang mga mata habang tila inuusisa ako ng mga titig.
Hot seat!
"Ano ba kaseng nangyari sa iyo, Amorah?" nag-aalalang tanong ni Lia nang makabawi sa pagkagulat.
"Sabi mo, sasabihin mo sa amin lahat pag nagkita ulit tayo. Spill it, girl! Sino ang kasama mo noong gabing iyon? May tinatago ka ba sa amin ha, Amorah?" sunod-sunod na tanong ni Jia.
Mukhang hindi talaga ako tatantanan ng mga ito hangga't hindi ako umaamin!
"W-Well, uhm... G-Ganito kasi 'yan..." nauutal kong simula. I looked away and bit my trembling lips. Aatakihin yata ako sa puso sa kaba!
Gosh, pa'no ko ba sasabihin sa kanila ang lahat? Tsaka, nasa classroom pa kami ngayon, baka may makarinig pa sa amin at mapahiya ako!
Tapos na kasi ang klase ng mga ito. They decided na hintayin na lang ako since dalawang oras na lang at uwian na rin namin. Nag-alala din kasi sila sa akin nang husto noong Friday.
"Kailangan ba talaga dito tayo mag-usap? Pwede bang... sa medyo private naman na lugar?" pabulong kong usal sa huli, pero hindi pa rin sila tumigil sa kakatitig sa'kin na para bang guilty ako sa kung anumang kasalanan.
"Mamaya. Club ulit tayo pero change club. Sama ka," kapagkuwa'y suhestiyon ni Lia.
Hay, salamat! Nakahinga ako do'n ng maluwag.
"Sige, sige. Yung tayo lang ha, as in... no boys and no drinks na!" paalala ko.
Yve rolled her eyes. "Oo na! Kung hindi ka lang siguro pinagkasundo ng parents mo para ikasal, hindi ka na siguro mag-aasawa," anito saka humalukipkip.
"Tumpak!" pagsang-ayon naman ni Jia.
Napailing na lang ako. Well, those were true. My original plan.
Sa nangyari ba sa akin 3 years ago, sisige pa ako?
Nagsibalikan na sa kani-kanilang upuan ang mga kaklase ko. I checked the time on my white signature wrist watch. Sampung minuto na lang pala at magsisimula na ang klase namin. Nasa hulihang upuan ako nakaupo, malapit sa bintana, kaya dito rin sa tabi ko nagsiupuan ang mga kaibigan ko hangga't wala pa raw ang bagong professor namin sa Business major.
I was busy looking through the window near me, kahit ang isip ko'y wala sa nakikita sa labas. I am thingking of someone. That stranger.
Ilang araw na ring bumabagabag sa isipan ko ang malungkot niyang mukha bago ko siya iniwan.
I sighed. I know I told him to forget about us pero mukhang ako itong hindi makalimot! Hindi ko alam... pero magmula noong gabing iyon ay lagi ko na siyang nakikita sa mga panaginip ko. Parang may kung ano rin sa kanya at 'di siya mawaglit-waglit sa isipan ko?
This is crazy!
I am crazy... for wanting more of him... and missing him like I'm under his spell.
I kept recalling kung saan ko siya nakita dati. Business partner kaya siya ni Daddy? Artista kaya siya, o modelo? Maybe I should ask my friends by describing him later para kahit papaano'y mabawas-bawasan din ang kakulitan nitong utak ko sa kakaisip kung ano'ng pangalan niya? At kung... kailan ko siya muling makikita?
Kaagad na nag-init ang pisngi ko sa naisip. Ano naman kaya ang sasabihin ko pag nagkita kaming muli?
A gasp almost escaped from my mouth when flashes of memories from that night flooded my head.
Oh my, para akong kinakabahan sa bilis ng tibok ng puso ko. Nakaramdam din ako ng namumuong kakaibang init sa katawan.
May lagnat ba ako? Pero wala naman to kanina?
Gosh. I can still feel his burning touches and how my body ached in desperation... from wanting all of him in me.
Agad kong kinastigo ang sarili bago malunod sa makamundong damdamin. Nakakahiya! Ano ba 'tong pumapasok sa isipan ko? Hapong tapat pa, at nasa klase pa ako! Sh*t!
Maya-maya lang ay nakarinig ako ng mga pagsinghap. Medyo maingay din sa labas ng classroom namin pero wala sa mga iyon ang aking atensyon.
Naramdaman ko ang mabilis na pagkalabit sa aking kanang balikat. Mukhang galing iyon kay Yve. Siya kasi ang katabi ko, pero 'di ko muna nilingon.
Nakakahiya kayang humarap nang pulang-pula ang mukha!
Agad na tumigil ang pagkalabit pero nasundan din agad iyon nang may kalakasan.
"Bakit ba?" naiinis kong tanong nang lingunin ko.
Ang manghang reaksyon ng mga kaibigan ko ang bumungad sa akin. Nakatingin sila sa harap. Sa may pisara. Sa pagtataka ay nilibot ko ng tingin ang mga kaklase ko, ngunit ganoon din ang reaksyon nila. Para silang nag-freeze, nakanganga pa!
So, napatingin na rin ako sa direkyon ng kanilang tinatanaw.
At ganoon na lamang ang aking pagtataka at pagkagulat sa aking nakita...
Bakit siya nandito?
Is he stalking me?
'Tsaka, anong ginagawa niya rito sa room namin?
I scanned his face in awe. Infairness, mas gumwapo siya ngayong clean-shaven na siya. Mas bumagay din sa kanya ang undercut hairstyle kaysa sa manbun niya noong nakaraan.
My heart skipped a beat when our eyes met. I swear, I saw him smirk that made my heart beat wild before he said something to us.
"Good afternoon, I am Mr. Conrad Monte de Ramos, your new Business Class professor and class adviser," napanganga kaming lahat sa gulat.
What? Professor namin siya?
No freaking way!!!
Nahilamos ko sa mukha ang mga palad sa inis at hiya.
Gosh, ang awkward nito. Sa lahat pa ng pwedeng maging professor namin, siya pa! At sa lahat pa ng lugar na pwede kaming magtagpo ulit, dito pa talaga sa school?!
He then explained na siya daw ang kapalit ni Mr. Sandoval dahil nga nag-retiro na ang may katandaang propesor namin. He is a new teacher in our university. Sabi pa niya, part-time teacher lang siya kaya kung may mga times man na wala siya sa office ay maaari namin siyang e-e-mail na lang at nangakong sasagutin agad ang concerns the next meeting.
Nagulat kami nang malamang sa magarang faculty, separate from other teachers, ang faculty niya- just like those with positions sa university namin.
"Uhmm... sir Conrad, pa'no po kung sobrang personal ng concerns namin? Like... alam n'yo na," tila nang-aakit na tanong ng kaklase kong si Agnes Santos.
Napailing ako sa tinuran nito. Hindi na nahiya, pati ba naman propesor namin?
Nakita kong napangiwi sa tanong nito halos lahat ng mga kaklase ko. Ewan ano'ng trip nito sa buhay pero ganoon talaga ang mga linyahan nito pag may bagong salta. I don't want to judge her, pero minsan, kahit ako ay naiilang din sa mga banat niya.
Conrad smiled politely then looked at me. Iyong ngiting banayad at masarap sa puso. My breath hitched.
"I'm sorry. I'm already taken," aniya nang hindi binibitawan ang pagtitig sa akin saka itinaas ang kaliwang kamay niyang may kulay gintong singsing sa ring finger.
Hindi ko alam kung bakit parang nadismaya ako. Hindi naman sa gusto ko na siya pero... basta, ewan kung bakit nalungkot ako bigla?
But seeing him smiling while proudly raising his hand seemed to me that he's really happy and in love with whoever he's with now.
Which got me thinking, para saan pala iyong pagluha at pakiusap niyang wag akong umalis last time kung happily in relationship naman pala siya?
Hay... ang sakit sa dibdib. Sabi ko na e, pag ganyan kaguwapo, malabo talagang hindi manloloko.
I know kasalanan ko rin kung bakit kahit papaano ay umasa ako at nadala sa mga salita niya.
Well, this may be a lesson to me na huwag talagang umasa sa mga salita lang.
Na-realize ko tuloy na tama pala ang naging desisyon kong manatiling single hangga't kaya ko o pag bumalik na ang mga ala-ala ko.
Narinig ko ang dismayadong komento ng mga classmates kong babae at binabae habang parang nagsasaya ang mga lalaki.
Maging sina Jia, Yve at Lia ay halatang nadismaya din sa nalaman.
Teka, bakit nga pala nandito pa sila?
"Hoy, alis na kayo. Sa parking lot n'yo na ako hintayin," pabulong kong pagtataboy sa kanila.
Nakita kong kumibot ang kilay ng tatlo, "Saka na girl, minsan na nga lang tayo makakita ng ganyan ka-hot e, paaalisin mo pa kami!" ganting bulong Jia.
"Oo nga! Dito muna kami. Ang gwapo day, makalaglag panty!" patiling bulong ni Lia. Napailing na lang ako.
"Parang pamilyar siya, girls. Isa kaya siya sa mga kaibigan ni Andrei?" Si Yve habang titig na titig kay sir Conrad, mukhang seryoso talaga siya sa sinabi at tila nag-iisip pa.
Nagkatinginan kaming tatlo sa turan nito.
Tinampal ko siya sa braso para maagaw ang atensyon. "Hoy, may Andrei ka na kaya alis na! Gwapo din naman iyong kaibigan natin, ah. Ganyang-ganyan din ang datingan! Baka magselos na naman iyon," pabulong na pagtataboy ko sa kanya.
Tumango naman sina Jia at Lia bilang pagsang-ayon.
Yes, our boy friends o barkadang mga lalaki are that competent when it comes to looks and hotness. Minsan din silang naging hearthrob noong highschool and college days nila dito sa school.
Andrei looked like the badboy type version of a hearthrob pero sobrang gentleman niya at matalino. While Zeke, Lia's older brother, looked like the playboy and the happy go lucky type, pero noong highschool and senior highschool days niya lang daw s'ya ganoon. He has changed na daw kasi. He's in France right now.
"Hayaan n'yo 'yon. Walang kami 'no, so free akong tumingin-tingin sa kahit na sino lalo na pag ganyan ka-hot!" kinikilig na tugon ni Yve.
Parang nag-iba ang pakiramdam ko sa sinabi niya. Para akong nainis, na nasaktan kahit wala namang masama do'n- wait... nagseselos ba ako?
Imposible!
Wala naman sigurong na-i-in love sa isang gabi lang, 'di ba?
Napasinghap ako nang may mapagtanto. Maagap kong tinakpan ng kamay ang bibig sa hiya nang makitang napansin iyon ng ilan sa mga kaklase kong nakaupo malapit sa akin, lalo na ng mga kaibigan ko.
Nagtanong pa ang mga ito kung ano'ng nangyari pero umiling lamang ako bilang sagot.
Napaisip ako...
So, kung taken na siya, ibig sabihin... may asawa na siya? May singsing siya, right? So he's married nga?
Oh my, what have I done? Ayo'kong maging home wrecker! Patay ako sa asawa niya pag nagkataon!
I pressed both sides of my face using my palm. Napabuga ako ng hangin sa napagtanto.
This is so not good!
Sana talaga hindi magbunga ang ginawa namin sa gabing iyon. Kung magkakaanak man ako, gusto ko, ako lang ang babae sa buhay ng magiging ama ng mga anak ko- walang kahati o kung anumang sagabal.
He went directly on discussing the topics he prepared for today.
Nakita kong nagsi-alisan na ang mga estudyanteng kanina pa nagsitaasan ang mga leeg sa kakasilip sa room namin, nakiki-marites kung sino ang bago at gwapo naming propesor. Dumating na rin siguro ang professors nila o 'di kaya'y nagsiuwian na.
Ang mga kaibigan ko naman, hindi nagpatinag. Nanatili lang sila sa loob ng classroom at nakinig pa sa lecture ni sir.
Infairness, magaling siyang magturo at hindi nakakaantok dahil sa mga relatable examples niya. May sense of humour din kaya napapatawa niya kami paminsan-minsan. Halatang experienced businessman na kahit ang sabi niya ay bago pa lang daw s'ya sa field.
Nakaka-amaze kung gaano niya ka-master ang topic at kung gaano ka-witty ang mga sagot niya sa tuwing may mga tanong ang mga kaklase ko. Feeling ko tuloy, para akong highschooler na nagkaka-crush sa teacher ko. Nakaka-inspire talaga matuto pag ganito kasarap kausap at ka-relatable ang teacher.
Halos lahat yata ng nahahagip ng mga mata niya ay parang matutunaw na sa kilig.
Ahem, oo, pati ako 'no, pero ayo'kong magpantasya sa taken na dahil alam kong masasaktan lang ako.
Tulad ngayon.
"May I know who's the class representative?" tanong niya pagkatapos ng lecture. Nasa isang papel ang mata niya, masterlist yata namin.
Nagtinginan kaming lahat, inaalala kung sino sa amin ang representative ng subject niya. Iba-iba kasi ang class rep every subject kaya medyo nakakalito minsan.
"Si Miss Amorah po, sir Conrad!" sagot ng kaklase kong si June.
Namilog ang mga mata ko sa narinig.
Teka, ako ba 'yon? Malamang! Walang ibang Amorah dito e, ako lang! Kastigo ko rin sa sarili.
Napasinghap ako sa naalala.
Nagpresenta nga pala ako noong maging class rep for sir Sandoval kasi matanda na si sir at naawa ako sa kanya. Napakamot na lamang ako sa anit kahit walang makati. D*mn!
Tumikhim si sir Conrad at nangingiting nag-angat ng tingin sa akin. "Come with me to my office. Now. Miss Amorah Andrea Mateo."
Napalunok ako ng sariling laway. Parang nanlambot ang mga tuhod ko sa sinabi niya. Ewan kung utos o lambing ba iyon, pero... ang sarap sa tenga ng pagkabigkas niya ng pangalan ko.
Wait lang, di ba separate raw ang faculty n'ya from other teachers? Does that mean... pag sumama ako sa kanya do'n, kami lang dalawa sa iisang kwarto?
"No!" sigaw ko sabay tayo sa naisip.
Napatingin sa akin lahat pati mga kaibigan ko sa gulat.
Narinig kong nagtanong si Jia kung okay lang ba ako, pero pinili kong wag nang sumagot sa hiya at ilang. Napakagat na lamang ako ng ibabang labi saka yumuko.
"Y-yes, s-sir Conrad. I'm sorry for that."
Our class ended.
Bago ko nilisan ang classroom ay sinabi ko sa mga kaibigan na hintayin na lamang ako sa parking lot. Pumayag naman sila at C-in-ongratulate pa nga ako dahil ang swerte ko raw.
I just rolled my eyes at them na ikinatawa lang nila.
Nakayuko lang ako habang nakabuntot kay sir. Grabe, ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam... kanina kasi panay ang hiling kong makita siya, pero ngayon... Ughh!
This may not be the first time I'll be alone with him... pero ang intimate kasi no'ng una naming pagtatagpo.
"Aray!" impit ko nang may mabangga akong tila pader sa tigas at lapad.
"Sorry, are you okay?" may himig pag-aalalang tanong niya.
Nag-angat ako ng tingin, sapo ang noo'ng natamaan. Agad na sumalubong sa akin ang mapupungay niyang mga mata.
Una na akong nagbaba ng tingin nang mapansing tila hinahatak ako palapit sa may-ari niyon. Mahirap na.
Sa dibdib niya pala ako bumangga. Hindi ko kasi namalayan ang paghinto niya sa paglalakad dahil nakayuko lang ako, dahil na rin siguro sa lalim ng iniisip ko.
Ang tangkad niya talaga. 5'7 ang height ko pero hanggang baba lang niya ako.
Tinanguan ko s'ya bilang sagot. Pinihit niya ang doorknob ng faculty at binuksan ang pintuan nang bahagya. Tinuro niya ang loob kaya ako na ang naunang pumasok.
Ngunit ganoon na lamang ang aking pagkagulat nang bigla niya akong niyakap at binuhat nang paharap sa kanya. Napayakap na lamang din ang mga binti ko sa baywang niya, maging ang mga kamay ko'y awtomatiko ding napayakap sa kanyang leeg sa bilis ng mga pangyayari.
Manlalaban na sana ako nang bigla niya akong idiin sa pintuan, matapos iyong isara, at siniil ng maaalab na mga halik.
Sa gulat ay hindi agad nag-sink in sa utak ko ang nangyayari. At ewan, kung paano, pero kusa na lamang tumugon ang mga labi ko sa gusto niya. Hanggang sa... nakapikit ko nang dinadama ang sarap na dulot niya.
Nakakabaliw.
Nakakataka.
Pero gustong-gusto ko!
Kung hindi lang kailangan huminga ay baka hindi pa naghiwalay ang mga labi namin.
Pareho kaming hingal na hingal.
Nang magmulat ay nakangiti siyang nakatingin sa akin- tila naluluha sa saya, habang ako ay naguhuluhan pa.
Wait, he's taken, Amorah!
What are you doing?
"Babe-"
"W-What are you... t-trying to do?" nauutal kong tanong sabay tulak sa matigas niyang dibdib.
Hindi siya sumagot, ngunit agad na rumehistro ang lungkot sa mga mata niya. Mabagal na gumalaw ang buto sa kanyang lalamunan. At ewan kung bakit pero... naiiyak siya?
Iniwas ko ang tingin. "A-Ano'ng kailangan mo at p-pinapunta mo ako dito, s-sir Conrad?" nauutal kong tanong.
Sh*t! Bakit ang sakit sa dibdib?
"Just Conrad, babe. Pwede mo rin akong tawaging babe tulad ng dati."
Nagtataka ko siyang tiningnan.
"W-What? Ano'ng tulad nang dati?"
Nababaliw na yata, sayang!
"I know you're still mad at me, babe. But I won't buy it if you say you don't remember. Unless... sinasadya mong hindi maalala."
Kumibot ang kilay ko sa narinig at tiningnan siya nang diretso sa mga mata. "Excuse me? Wait lang sir ha," panimula ko pero biglang naalala ang awkward naming porma. "P-Pwede ba'ng ibaba mo muna ako?"
Sumunod naman siya. Para siyang natauhan sa sinabi ko. Umatras siya nang kaunti pero ang lapit pa rin namin sa isa't-isa.
Tiningala ko siya. "With all due respect, sir Conrad. Bakit ba babe ka nang babe sa'kin? Hindi ba't taken ka na? 'Tsaka, ano'ng pinagsasabi mong sinasadya kitang hindi maalala, e iyong gabing iyon naman talaga tayo unang nagkita?"
Kumunot ang noo niya, na para bang may narinig na hindi kapani-paniwala. Kasabay no'n ang pagguhit ng sakit at pait sa kanyang mga mata.
He then heaved out a sigh. "Yes, I am taken," kapagkuwa'y tugon niya habang seryosong nakatitig sa aking mga mata.
Inilayo ko ang tingin sa kanya. Sana pala hindi ko na lang tinanong! Ang sakit pala sa dibdib marinig mismo sa kanya ang katotohanan. Pero ano pa ba'ng magagawa ko?
"S-See?" Sh*t, bakit ako naiiyak? "Taken ka naman pala, so bakit mo pa ako ginugulo?" tumikhim ako.
Ang sakit pala sa lalamunan magpigil ng nararamdaman.
Inabot niya ang pisngi ko. Napapikit na lamang ako nang haplusin niya iyon. It was so warm and gentle... like it was consoling my feelings, yet, I could feel something more- pero ayaw kong magpatangay.
Tama na 'to. Ayaw ko nang masaktan pa nang husto.
Hanggang dito na lang to, self. He's taken. He's already taken! Paalala kong muli sa sarili.
Kinuha niya ang mga kamay ko kaya napatitig ako sa malalalim at mapupungay niyang mga mata.
"I'm taken... only if you marry me, Amorah."
3 John 1:2 Beloved, I pray that all may go well with you and that you may be in good health, as it goes well with your soul.
3rd Person's POV Buong umaga sa main office ng kumpanya si Conrad, dino-double check ang mga dokumentong nangangailangan ng approval at pirma niya. Anak man sa labas, siya ang namamahala sa mga negosyo ng ama dahil na rin sa unang-una, siya ang tagapagmana ng multi-million businesses nito as stated in his grandfather's last will and testament. At pangalawa, ay dahil na rin sa taglay niyang karisma, sharpness, at angking kahusayan sa pagnenegosyo. Mula nang malaman ng ama niyang competent siya sa larangan ng pag-aaral lalong-lalo na sa kursong kinuha niya na Bachelor of Science in Business Administration (BSBA) major in Business Economics, kahit wala siyang suportang nakukuha rito at nag-working student pa para lamang makapagtapos ng pag-aaral, idagdag pa ang gilas na ipinamalas niya noong nag-OJT sa kumpanya ng sarili niyang ama, na noon ay wala siyang kamalay-malay na ito mismo ang may-ari, ay ganoon na lamang ang pagnanais nitong ibigay sa kanya ang nararapat na posisyon sa negosy
3rd Person's POV Tuwang-tuwa na pinagmamasdan ni Amorah ang mga bata na masayang naglalaro sa isang bakanteng lote. Nakaupo siya 'di kalayuan sa mga ito kung kaya't kitang-kita at damang-dama niya ang kasiyahan ng mga bata sa paglalaro. 17 years old na siya pero hindi pa niya kailanman naranasang maglaro nang ganoon kalaya at kasaya. Strikto kasi ang parents niya at bahay-school lamang ang routine mula pagkabata. Kahit noong nag-high school n siya ay ganoon pa rin ang kanyang routine. Nakakalabas lamang ng bahay pag pinagpaalam at sinusundo ng mga kaibigan. Tuwing summer vacation, o sa tuwing sa tiyahin sa Cebu siya inihahabilin ng mga magulang, dahil sa business trips ng mga ito, lamang siya nakakaranas na umalis ng malayo sa bahay. Nakaramdam siya ng inggit sa mga tawa at halakhak ng mga naglalaro. Napapaisip kung ano ang pakiramdam makapaglaro kasama ang maraming tao. "Gusto mo rin ba'ng... maglaro ng agawan base?" tanong ng binatang katabi niya. Nakaupo silang dalawa sa mal
3rd Person's POV "Yes, Mr. Martinez. Please go on," ma-awtoridad na utos ni Conrad sa Marketing Manager ng kompanya via virtual conference. Nakaupo siya sa kama. Sa maliit na mesa ng kwarto niya ipinatong ang laptop. As usual, seryoso ang kanyang mukha at pormal na pormal magsalita, dahil na rin sa posisyon sa kumpanya. Ganoon din ang pagkakakilala sa kanya ng mga katrabaho kung kaya't nai-intimidate ang mga ito sa kanyang presensya lalo na kapag kaharap siya ng mga ito. Kahit pa nababaitan sa kanya at satisfied sa kanyang management. "Ang bait-bait talaga ni sir, kahit napakaseryoso at masungit tingnan!" "Sinabi mo pa!" "Ang hot at ang gwapo rin!" Nagtilian pa ang mga ito. Iyon ang mga salitang hindi niya sadyang marinig mula sa iilang empleyado noong nagpatawag siya ng meeting sa conference room para sa gaganaping team building ng kumpanya. Akmang papasok na siya sa loob nang marinig ang mga katagang iyon. Napangiti siya bago tinulak ang pintuan papasok. Iyon ang unang taon
3rd Person's POV "Goodbye and thank you, sir Conrad," halos sabay-sabay na paalam ng mga estudyante. "Bye, ingat kayo." "Ay, mas lalo ka na, sir. Maraming nagmamahal sa'yo, e!" Napangiti si Conrad sa turan ng babaeng estudyante at bahagyang napailing habang nasa mga nililigpit na gamit ang mga mata. Halos ikabingi ni Amorah ang tili ng mga naroon sa reaksyon ng propesor. Napatakip pa siya ng tenga sa ingay. Napansin niyang ganoon din ang ginawa ng mga kalalakihan na nairita. May iba pa nga'ng nakabusangot. Nakaramdam man ng inis, hindi niya masisi ang mga kaklase. Conrad was said to be the Campus' ultimate crush- gwapo, matangkad, hot, mayaman, matalino at successful. Kaya naman, sa tuwing pinapansin nito kahit jokes ng mga estudyante at ngumingiti pa ay para ba'ng may artistang pinagkakaguluhan sa ingay. Kulang na lang yata ay magpa-fan sign ang mga ito. Napalingon si Amorah sa grupo ng mga babae niyang kaklase sa gawing kanan. Nakaupo ang mga ito 'di kalayuan sa kanyang silya
3rd Person's POV "Are we late?" Sabay-sabay silang napalingon sa nagsalita. Si Andrei, kasama ang isang guwapo at matipuno ring lalaki na naka-business suit ay papalapit sa kanila. "Ang guwapo!" manghang saad ni Lia sa bagong dating. Nakatitig ito sa kanya habang nakangisi. "Alliyah!" babala ni Zeke sa kapatid. "Kuya! Humahanga lang. 'Tsaka, totoo naman, ah. Ang guwapo niya!" patiling wika nito. Zeke rolled his eyes. "Sarap sa eyes!" manghang saad ni Yve. Kumunot ang noo ni Andrei nang makita ang reaksyon ni Yve. Umismid naman si Yve nang makita ang reaksyon nito. Zeke noticed Jia pressing her lips into a thin line, habang nakatingin sa bagong dating. Wala sa sariling napalingon si Jia kay Zeke kung kaya't nagsalubong ang mga mata nila. Nagulat ito at agad na pinamulahan. Agad na nagbaba ng tingin sa hiya dahil nahuli siya nitong nagnanakaw ng tingin. "What are you doing here?" Conrad's cold remark to the new comer. "Magkakilala kayo?" pagtataka ni Zeke na ngayo'y nakatingin k
3rd Person's POV Samantalang sa mansyon ng mga Primacio... Patapos na ang programa para sa welcome party ni Zeke kaya umakyat na silang magkakaibigan sa terrace ng ikatlong palapag ng mansyon. Kitang-kita mula roon ang kabuuan ng engrandeng ayos ng venue sa malawak na hardin. Aliw nilang pinagmasdan ang dami ng bisita, kasama ang mga magulang. "Welcome back ulit, Zeke! Yung totoo, for good na ba ang pag-stay mo rito sa Pinas?" tanong ni Yve, hawak ang baso nito ng lemon juice na paubos na. Pinagbawalan kasi ni Andrei na uminom ng alcoholic drinks kaya nag-juice na lamang, like the rest of the girls. Nakasandal ito sa balustrade ng terrace, gaya niya at nina Lia at Jia. Masayang nakatingin kay Zeke. "I really liked to. Depende pa rin sa takbo ng panahon... pero sana nga," nakangiting sagot nito. Katabi nito sa magara at malapad na rattan chair si Andrei na nakikinig lang sa kanila. "Balita ko, sa ospital ng pamilya ni Jia ka na raw mag-i-intern. Konting tiis na lang, Zeke, at mat
3rd Person's POV With all satisfaction, Wendy looked at her exquisite and elegant reflection in her vanity mirror. Lahat ng bagay sa buhay ay nakuha na niya: pera, kayamanan, kapangyarihan, koneksyon at lahat na. Maliban sa tuluyang pagkasira ng buhay ng mga taong sumira sa reputasyon niya tatlumpu't isang taon na ang nakalipas. Tiim-bagang niyang inaalala ang tila bangungot na nagmumulto sa kanya; ang mga nangyari 31 years ago... Nagkagulo ang media nang pumutok ang balitang kinidnap at nilapastangan umano ang isang Binibining Pilipinas candidate na nagngangalang Rosanna Monte de Ramos. At ang itinuturong salarin ay walang iba kundi ang nobyo niya at ikakasal na sa kanyang si Alejandro Versalez. "Totoo ba ang balitang kumakalat, Miss Wendy? Hindi ba't nobya kayo ni Mr. Versalez? Ano sa tingin ninyo ang rason at nagawa iyon ng nobyo ninyo?" tanong ng isa sa mga reporter na tila inabangan talaga ang paglabas niya sa school campus. Gulat na gulat at nagugulumihanan siyang napatitig
Conrad's POV Earlier that night... "Did she tell you what happened to her for the past 3 years? I bet not. Why would she, kung hindi ka niya naaalala? Why? Because you ruined her life! She almost died in that accident kaya tinago siya ng pamilya niya sa'yo! She's back, yes. But not her memories. And if I were her, and if I were to know you caused my family such fortune just to bring me back to life, babalik pa ba ako sa'yo?" she laughed mockingly at that. "Kung ayaw mong maniwala, be my guest. But... what do you think is the reason why she just appeared now? Well, you can talk to her parents if you have the guts. That is if... kung handa ka na sa galit nila sa'yo..." naalala kong sabi ni tita Wendy. The news shook me to the bones. At hanggang ngayon, naninikip pa rin sa sakit ang dibdib ko. Hindi ako makahinga ng maayos, at para bang gusto ko na lang maglaho na parang bula! Hindi ko alam ano'ng gagawin... maliban sa pag-inom at pag-iyak upang ibuhos ang nararamdaman kong sakit...
"It was sent from England..." imporma ni Zeke sa akin.I nodded once, nakapikit na hinihilot ang sentido."You should rest, dude. Our people are already looking for her there. I asked the others, by the way. Nakatanggap din sila ng sulat... l-lahat," si Andrei.My days were darker these days. Parang isang maliit na pagkakamali lang mananakit na ako o magwawala. Akala ko masosolb na lahat ng problema dahil sa mga ginawa ko... hindi pa pala. I'm getting impatient and frustrated. Hindi ko na alam ano pa ba ang gagawin para umuwi si Amorah sa akin.It's been a year...Hindi ba niya ako nami-miss? Dahil ako... kung hindi lang siya nagpaparamdam sa mga kaibigan sa pamamagitan ng liham, baka nabaliw na ako.She's been sending letters to her friends: Lia and Zeke, Yvonne and Andrei, Jia, and her parents. I understand that. They're precious to her. To us. Pero bakit... Walang akin? I mean, kahit kumustahin o banggitin man lang ako sa mga liham niya, hindi niya magawa?Is she angry with me? Did
I oversped my car just to get to the venue in time. It's almost 5PM, and Amorah's party is almost starting. Hindi na ako mapalagay at nanlalamig na sa pinaghalong takot at kaba sa kung ano'ng pwedeng mangyari. Habol-habol ko ang hininga kahit nasa sasakyan ako at 'di naman tumatakbo. Gusto na lang liparin ang daan patungo sa kanila dahil sa paminsan-minsang traffic.I still have an hour or more to explain to Amorah, her parents and friends about that fake news, before it spreads. It would be hard in their parts, especially, if the party's still on going and their visitors would know about it. They are close to us, so baka dahil sa kaugnayan namin ay masira ang imahe nila sa publiko. Pero kahit sila lang ang masabihan ko ng katotohanan, okay lang. I don't need to explain to everyone.Kahit si Amorah nga lang, ayos na sa'kin... Ang opinyon at sasabihin niya lang naman ang mahalaga para sa'kin.Hindi naman iyon totoo, at aayusin ko ito pagkatapos kong masabi sa kanila ang lahat nang 'di m
3 years has passed. 3 years lifeless and aimless... Nakilala ko si Andrei nang minsan akong niligtas nito sa sarili kong mga kamay. He frequents the club with some friends of his pero hindi niya kasama sa iisang sulok o kwarto kaya niyayaya ako. Hindi ko rin kailanman nakita ang mga kasama niya.Then, in one of my darkest nights, where the strong pull of desperation to end this life had resurfaced on my system again, I saw her. My Amorah Andrea Mateo.We made love. Though, I know she's drugged at that time, her responses to my touch were so genuine, I felt it. The sweetest and the most satisfying night I've ever had in my entire life. Hindi ko siya tinigilan hanggang sa wala na akong lakas para bumayo pa, at hanggang hindi rin siya napapagod sa ilalim o sa ibabaw ko. I missed her. So much than I could ever utter. I was too happy to finally reunite with her. Anuman ang dahilan at ngayon lang siya nagpakita ay palalampasin ko. She is all that matters to me, her, lying beside me, right
"But... you abhor the idea before..." "I still do. But... if I won't do this, hindi ko na alam kung papano mahahanap si Amorah. It's been two days, Andrei. Two f*cking days! What if she's out there waiting for my help? What if... D*mn it! I can't just stand here, waiting for the kidnapper to contact us and give their conditions! I need to rescue her! I need to do something!" I almost shouted. The sides of my eyes heated, hindi ko lang alam kung dahil ba iyon sa galit o sa takot na baka ano na ang nangyayari kay Amorah sa mga oras na ito. Panay ang taas-baba ng dibdib ko kaya pinakalma ko muna ang sarili bago pabagsak na umupong muli. Nagtiim-bagang ako habang sinasabunutan ang sarili, mariing nakapikit. I could feel my nerves and veins popping out in frustration. Halos magwala na naman ako, but I know it won't help at all. Dalawang araw na mula nang ma-kidnap si Amorah pero ni katiting na balita, wala akong nakakalap. Wala ring tumatawag para sa ransom o kung ano. Every second she'
Humagulgol si Yve pagkabigkas niyon ni Conrad. Takip-takip ang mukha ng kanyang mga palad. Hinagod ni Jia ang likod niya at may sinasabi na kung ano si Lia na sila lamang ang nakakarinig, bilang pang-aalo. Suminghap si Zeke saka nagtiim-bagang nang tapunan ng tingin si Yve, seryoso ang kanyang mukha, bakas sa mga mata ang awa para sa kaibigan. Nagugulumihanan at nag-aalala, tumayo ako upang sana ay daluhan si Yve ngunit napahinto ako sa balak nang hawakan ako sa pala-pulsuhan ni Conrad. Uminit ang magkabilang gilid ng aking mata nang lingunin siya at napansin na ganoon pa rin ang kanyang ekspresyon. Malungkot at tila pinagsakluban ng langit at lupa. Guilt washed over his face. Tinitigan ko siya nang mapansin na tila may gusto siyang sabihin. Hinintay ko iyon. Gusto kong maliwanagan sa mga nangyayari. Binasa niya ang mga labi bago huminga ng malalim. Tila natangay ng binuga niyang hangin ang natitirang pasensya ng puso ko. Kumalabog ito at parang lalayasan na ang dibdib habang pinapa
Nagulat ang lahat nang makita akong hawak-hawak ni Conrad sa kamay nang tuluyan akong nakababa sa shotgun seat ng BMW at dinala ni Conrad sa harap ng mga naroon. Lalo na sina mom at dad. Agad kaming nagyakapan at nag-iyakan. Hindi makapaniwalang magkasama na ulit kami."My baby... miss na m-miss ka n-namin... Sobra. W-Walang araw o g-gabi akong h-hindi nananalangin na s-sana ay ligtas ka palagi..." iyak ni mommy sa gitna ng aming yakapan.Paulit-ulit akong humingi ng tawad sa kanila dahil sa paglayo ko at sa lahat ng nagawa ko. Paulit-ulit din nila akong sinasabihang ayos lang ang lahat at ang mahalaga ay magkasama na kaming muli at wala nang mas importante pa doon. I am indeed blessed with such loving and understanding parents, kaya sobrang guilty ko sa nagawa.I know, it was so selfish of me to think of my own escape when my parents was also suffering from everything I have been through.Nang magmulat mula sa ilang araw na pagkakatulog at nagising sa ibang bansa nang kidnap-in ako n
We decided to go to my parents' mansion the next day. Gabi na pala kasi nang magising ako dahil sa pagod.I was right when I thought he's already awake and bathed because of his aftershave smell. He even had himself a new haircut which surprised me. He looked so fresh and hot with his undercut.We made love over and over again, literally na ihi at kain lang ang break, kaya kahit ngayon ay pagod pa rin ako, pero kaya pa naman.Kararating pa lang ng sinakyan naming kotse ni Conrad sa mansiyon ay agad nang nagsilabasan ang mga katulong at bodyguards upang salubungin ang pagdating namin, na para bang kilala na nila kung kaninong sasakyan ang dumating. I was surprised to see them with all smiles.Huling lumabas ang aking yaya at parents ngunit nakangiti na ang mga ito, at lalo lamang lumapad ang mga ngiti nang makita ang sasakyan namin na nakapasok na ng gate.Dwight was among them. Though, I don't know how he got here, I was relieved to see him here kaysa sa kung saan-saang hotel na maaar
Binaling ko ang tingin sa puting blinds ng kwarto. Kinurap-kurap ang mata upang matigil na sa kakaluha. Ewan at hindi matapos-tapos ang mga luha ko tuwing naaalala ang kahapon. Nakakainis isiping pagod ang katawan ko, maliban sa mga mata kong ito. Maging ako ay nagulat sa mga nasabi. Hindi ko na napigilan pa ang sarili na isumbat sa kanya ang mga iyon. That was 6 years ago, ngunit sariwa pa sa aking isipan na parang kahapon lamang. But that wasn't supposed to be what I should ask or say right now, d*mn it! At paano ko pa siya tatanungin tungkol sa pakay ko, kung ngayon pa lang, nagpatong-patong na lahat ng mga hinanakit ko sa kanya? Sa sarili ko... at sa lahat? Not that wala akong nagawang pagkakamali sa kanya. Ewan kung bakit ganito ang nararamdaman ko. He asked for forgiveness when we met again 3 years ago. He asked for it over and over again, at ewan kung bakit ito lumalabas sa akin ngayon? Dahil ba kailan ko lang naalala ang lahat? Dahil ba hindi ko matanggap na baka kaya ga
We made love. Yes, we made love, not had s*x.The bond we shared a while ago was out of love, and not just carnal desires.We made love for the longest time we have ever done it.INAANTOK kong iminulat ang aking mga mata. Pagod ang katawan ko ngunit naroon ang saya at kapayapaan sa buo kong sistema. I smiled then sighed happily.Una kong naaninag ang elegante at puting blinds ng sliding window ng kwarto. Sirado na iyon mula noong magising ako pagkatapos ng anxiety attack ko, dahilan kung bakit hindi ko matukoy-tukoy kung ano'ng oras na sa bawat mulat ko.Tanging ilaw na nagmumula sa mga sulok ng nakausling kisame ng kwarto ang nagbibigay liwanag sa buong silid.Hapon na kaya? O gabi na? Kumalam ang sikmura ko pero kaya ko pa naman.Tahimik ang buong lugar dahil sound proof ang condo. Maririnig lamang ang mumunting ingay sa labas tuwing pupunta sa balcony, tanaw ang matatayog na gusali sa paligid nito. Makukulay na ilaw ng buhay na buhay na syudad naman sa gabi. The condo is on the 1