Masaya naman po ako sa buhay, trip ko lang talaga manakit. hehe joke. Anyways, gusto n'yo bang e-mention sa story? Pls comment your names. thank you po! :) ~Exodus 15:26 NIV~ If you listen carefully to the LORD your God and do what is right in his eyes, if you pay attention to his commands and keep all his decrees, I will not bring on you any of the diseases I brought on the Egyptians, for I am the LORD, who heals you.
Amorah's POV Biyernes. It's been a week since nung sinundo si Conrad ni Arthur, pero ni anino niya 'di ko na makita sa school. Walang humalili sa kanya na ibang propesor. Pero wala ring balita galing sa office sa status niya. Okay lang kaya siya? Noong napansin ng mga classmates kong hindi na siya pumapasok ng ilang araw, kumalat ang chismis na may relasyon kami kaya marahil daw ay nasuspende siya sa school. Chismis lang naman 'yun kaya chill-chill pa rin ako. Nakakainis lang minsan 'yung mga may crush sa kanyang mga estudyante kasi pinupuntahan talaga ako sa classroom para lang taray-tarayan o paringgan. Ang hindi lang nila alam, mas m*****a pa 'ko sa kanila kaya ayun, umuusok ang mga ilong pati tenga sa inis sa'kin. Wino-walk out-an ko lang naman or hino-who you nang magising. Akala siguro nila masisindak nila ako. Sa ganda kong 'to? Tsaka, hello! Ako ang gusto no'n, 'no! Hindi kayo! Proudly flips my long flowy straight hair. O, ha? Sinasadya rin ako ng mga kaibigan tuwing v
Namungay ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Parang kinurot ang puso ko nang makita siyang ganoon. May nasabi ba akong mali? Napapikit ako nang mabini niyang hinaplos ang aking pisngi. Ang sarap damhin ng init na nagmumula sa malaki niyang kamay. Magaspang ang kamay niya pero hindi nakakasakit sa balat. It screamed gentleness, and brought unfamiliar sensations to my system. Ang malakas na kalabog ng dibdib ko at ingay na gawa ng mga dahong hinihipan ng hangin ang tangi kong naririnig sa pagitan namin. Napasinghap ako nang idikit niya ang kanyang noo at ilong sa akin. Nanlambot ang katawan ko at rumahas ang sipa ng puso ko. Kung may sariling mga paa lang siguro ang puso ko ay baka kanina pa ako nilayasan nito sa kaba! Pigil hininga kong hinintay ang mga susunod niyang gagawin. "Amorah..." sambit niya, tila hinehele ng boses niya ang puso ko. "Alam kong hindi ka magtatagal dito. Next week, uuwi ka na... at iiwan mo na 'ko." Parang may kung ano'ng sumaksak sa puso ko sa lungkot n
Conrad's POVWhen you try your best, but you don't succeedWhen you get what you want, but not what you needWhen you feel so tired, but you can't sleepStuck in reverse(Fix You by Cold play)Heto na naman ako, yakap-yakap ang aking lumang gitara. Kinakanta ang laman ng puso ko. Hinihiling na sana kahit konti ay maibsan ang lungkot na nadarama nito. And the tears come streaming down your faceWhen you lose something you can't replaceWhen you love someone, but it goes to wasteCould it be worse?Lights will guide you homeAnd ignite your bonesAnd I will try to fix youAnd high up above, or down belowSilong ako ng aming gazebo sa hardin, pero ang puso't isip ko ay na kay Amorah. Ang tanging babaeng minahal ko at ang tanging nais kong makasama... pero nagawa ko pa ring saktan... At iwan.When you're too in love to let it goBut if you never try, you'll never knowJust what you're worthLights will guide you homeAnd ignite your bonesAnd I will try to fix youMalayo ang tingin. Pagod
Amorah's POVI was walking along a seemed to be familiar lobby of a building. Concrete and neat, mixtures of cream and brown colored paints with a firmly closed turquoise doors. Tags hanging above the door frames which seemed to be names of... flowers? Aster, Bluebell, Chamomile, Daffodil and... Everlasting? Klaro mula sa kinatatayuan ko ang tag sa ikalimang kwarto kahit nasa harap pa lamang ako ng pangatlong room, at patuloy na naglalakad hanggang dulo... Doon sa Everlasting. Everything's really familiar here. I think I'm in a school or the like?I continued my steps. I halted when I saw the last room open and empty. The bags, books and chairs I saw confirmed my hunch that I am, indeed in a school.I looked around. Tahimik naman pero may mga bags sa loob?Then, I heard footsteps coming from the stairs. Nilingon ko ang dulo ng pasilyo and saw five cute kids wearing white t-shirt with matching an inch above the knee red shorts and white rubber shoes. It seemed their P.E uniforms. They
Amorah's POV"Okay ka na talaga, ha? Sure ka?""May kailangan ka ba? Sabihin mo lang. Pagkain, inumin... Gosh, muntik nang humiwalay kaluluwa ko dahil sa'yo, girl!""Stressed ka ba sa school kanina? Sinabi mo sanang pagod ka, bukas na lang sana tayo nag-karaoke!" Naiiyak na tanong ng mga kaibigan habang nag-aalalang nakatitig sa akin, kahit sinabi na ng doktor na ayos na ang lagay ko. Naupo na ako ngayon sa aking hospital bed."Okay na nga ako. Pa-discharge na nga, 'di ba?" sabi ko sabay tawa para kumbinsihin ang mga itong ayos na nga talaga ako.Halos sabay-sabay silang nagbuntong-hininga pero bakas pa rin sa mukha na hindi kumbinsido. Na parang walang makakapawi sa pag-aalala nila sa mga oras na iyon.Umiling si Jia, lalong nanubig ang mga mata. "Pinag-alala mo talaga kami kanina..."Nakangusong tumango sina Yve at Lia sa sinabi nito. I sighed and smiled at them. Ngumiti sila pabalik sa gitna ng lungkot sa mga mata. Akmang yayakapin na ako ng tatlo nang pigilan kami ni Conrad. "Wai
Tumayo siya at hinarap ako, blocking my view of my friends. Loud gasps were heard when he suddenly kneel down in front of me, like he's begging for something. Nagulat ako at kinabahan sa ginawa n'ya. Ni hindi ko namalayan na nagpipigil na pala ako ng hininga habang hinihintay ang mga susunod niyang gagawin o sasabihin. Kay lakas ng kalabog ng dibdib ko habang sinasalubong ang mapupungay niyang mga mata. "Conrad..." I held his hand to stop him but he still did. I wanted him to stand up pero sa tigas ng braso niya ay 'di man lang siya gumalaw nang subukan kong hilahin pataas.Wala siyang kasalanan sa akin kaya bakit siya luluhod? Kung bakit iyon ang una kong naisip ay dahil sa paghingi niya ng tawad kanina. He also has said he's gonna take care of us, but I don't think it is the reason why he's doing this. He clearly wants us to take it slow. Probably because of my situation. At sa nakikita ko sa mga mata niya; the sadness, longingness and love... told me he's indeed doing this because
Kung gaano siya kasarap magmahal, ganoon din s'ya kasarap magluto. Conrad prepared every single meal we shared since day one. Nang malaman niya kasi na puro food delivery lang from different food shops ang in-o-order ko for my meals and snacks before, he freaked out lalo na't hindi makakabuti sa magiging babies namin, at sa akin, ang mga kinakain ko, lalong-lalo na ang mga cravings ko. Paano ba naman kasi, fries, milk tea, pizza, burgers, pastas, fried chicken, and the likes lamang ang pumapasa sa sikmura ko, the rest, sinusuka ko kahit sa amoy pa lang.Kaya nga laking gulat ko sa sariling gustong-gusto ko lahat ng mga niluluto n'ya para sa'kin, sa amin. From the inviting smell, to kanin to ulam, pati sa mga healthy snacks at desserts, talagang lahat na lang ng hinahanda niya sa hapag-kainan namin gustong-gusto ko which is so unusual!Pakiramdam ko nga, pag hindi s'ya ang nagluto, hindi masyadong masarap. At hindi rin ganoon ka-ganado ang kain ko. Hinahanap-hanap nga ng tiyan ko ang
"Isa pa..." dagdag niya na tila nagpabalik sa akin sa katinuan. He thoroughly dried my tears using his fingers na ikinatitig ko sa kanya. Hindi yata ako magsasawang pagmasdan ang gwapo niyang mukha. Nasa kanya ulit ang buo kong atensyon, "Bakit naman ako maghahanap ng wala sa'yo, eh, alam ko na noon pa man na wala ka talagang talento lalo na sa pagluluto-and I see nothing wrong with that. Wala naman kasi sa kasarian ang pagluluto... same goes to paglalaba at pag-aalaga ng mga anak," natatawa niyang turan na parang natural lang talaga ang lahat ng iyon at kailanma'y hindi naging big deal sa kanya. Nginitian ko lamang s'ya saka nagbuntong-hininga. Somehow, I felt relieved with his words but at the same time ay nadismaya ako sa sarili ko- I realized kung gaano ako kababaw base sa mga tinuran ko kanina, at na-guilty dahil pinagdudahan ko pa talaga s'ya.Paano ba naman kasi, sa hirap ng panahon ngayon, ang hirap na talagang magtiwala. Iyong mga pangit nga, eh, nagloloko, itong ganitong h
"It was sent from England..." imporma ni Zeke sa akin.I nodded once, nakapikit na hinihilot ang sentido."You should rest, dude. Our people are already looking for her there. I asked the others, by the way. Nakatanggap din sila ng sulat... l-lahat," si Andrei.My days were darker these days. Parang isang maliit na pagkakamali lang mananakit na ako o magwawala. Akala ko masosolb na lahat ng problema dahil sa mga ginawa ko... hindi pa pala. I'm getting impatient and frustrated. Hindi ko na alam ano pa ba ang gagawin para umuwi si Amorah sa akin.It's been a year...Hindi ba niya ako nami-miss? Dahil ako... kung hindi lang siya nagpaparamdam sa mga kaibigan sa pamamagitan ng liham, baka nabaliw na ako.She's been sending letters to her friends: Lia and Zeke, Yvonne and Andrei, Jia, and her parents. I understand that. They're precious to her. To us. Pero bakit... Walang akin? I mean, kahit kumustahin o banggitin man lang ako sa mga liham niya, hindi niya magawa?Is she angry with me? Did
I oversped my car just to get to the venue in time. It's almost 5PM, and Amorah's party is almost starting. Hindi na ako mapalagay at nanlalamig na sa pinaghalong takot at kaba sa kung ano'ng pwedeng mangyari. Habol-habol ko ang hininga kahit nasa sasakyan ako at 'di naman tumatakbo. Gusto na lang liparin ang daan patungo sa kanila dahil sa paminsan-minsang traffic.I still have an hour or more to explain to Amorah, her parents and friends about that fake news, before it spreads. It would be hard in their parts, especially, if the party's still on going and their visitors would know about it. They are close to us, so baka dahil sa kaugnayan namin ay masira ang imahe nila sa publiko. Pero kahit sila lang ang masabihan ko ng katotohanan, okay lang. I don't need to explain to everyone.Kahit si Amorah nga lang, ayos na sa'kin... Ang opinyon at sasabihin niya lang naman ang mahalaga para sa'kin.Hindi naman iyon totoo, at aayusin ko ito pagkatapos kong masabi sa kanila ang lahat nang 'di m
3 years has passed. 3 years lifeless and aimless... Nakilala ko si Andrei nang minsan akong niligtas nito sa sarili kong mga kamay. He frequents the club with some friends of his pero hindi niya kasama sa iisang sulok o kwarto kaya niyayaya ako. Hindi ko rin kailanman nakita ang mga kasama niya.Then, in one of my darkest nights, where the strong pull of desperation to end this life had resurfaced on my system again, I saw her. My Amorah Andrea Mateo.We made love. Though, I know she's drugged at that time, her responses to my touch were so genuine, I felt it. The sweetest and the most satisfying night I've ever had in my entire life. Hindi ko siya tinigilan hanggang sa wala na akong lakas para bumayo pa, at hanggang hindi rin siya napapagod sa ilalim o sa ibabaw ko. I missed her. So much than I could ever utter. I was too happy to finally reunite with her. Anuman ang dahilan at ngayon lang siya nagpakita ay palalampasin ko. She is all that matters to me, her, lying beside me, right
"But... you abhor the idea before..." "I still do. But... if I won't do this, hindi ko na alam kung papano mahahanap si Amorah. It's been two days, Andrei. Two f*cking days! What if she's out there waiting for my help? What if... D*mn it! I can't just stand here, waiting for the kidnapper to contact us and give their conditions! I need to rescue her! I need to do something!" I almost shouted. The sides of my eyes heated, hindi ko lang alam kung dahil ba iyon sa galit o sa takot na baka ano na ang nangyayari kay Amorah sa mga oras na ito. Panay ang taas-baba ng dibdib ko kaya pinakalma ko muna ang sarili bago pabagsak na umupong muli. Nagtiim-bagang ako habang sinasabunutan ang sarili, mariing nakapikit. I could feel my nerves and veins popping out in frustration. Halos magwala na naman ako, but I know it won't help at all. Dalawang araw na mula nang ma-kidnap si Amorah pero ni katiting na balita, wala akong nakakalap. Wala ring tumatawag para sa ransom o kung ano. Every second she'
Humagulgol si Yve pagkabigkas niyon ni Conrad. Takip-takip ang mukha ng kanyang mga palad. Hinagod ni Jia ang likod niya at may sinasabi na kung ano si Lia na sila lamang ang nakakarinig, bilang pang-aalo. Suminghap si Zeke saka nagtiim-bagang nang tapunan ng tingin si Yve, seryoso ang kanyang mukha, bakas sa mga mata ang awa para sa kaibigan. Nagugulumihanan at nag-aalala, tumayo ako upang sana ay daluhan si Yve ngunit napahinto ako sa balak nang hawakan ako sa pala-pulsuhan ni Conrad. Uminit ang magkabilang gilid ng aking mata nang lingunin siya at napansin na ganoon pa rin ang kanyang ekspresyon. Malungkot at tila pinagsakluban ng langit at lupa. Guilt washed over his face. Tinitigan ko siya nang mapansin na tila may gusto siyang sabihin. Hinintay ko iyon. Gusto kong maliwanagan sa mga nangyayari. Binasa niya ang mga labi bago huminga ng malalim. Tila natangay ng binuga niyang hangin ang natitirang pasensya ng puso ko. Kumalabog ito at parang lalayasan na ang dibdib habang pinapa
Nagulat ang lahat nang makita akong hawak-hawak ni Conrad sa kamay nang tuluyan akong nakababa sa shotgun seat ng BMW at dinala ni Conrad sa harap ng mga naroon. Lalo na sina mom at dad. Agad kaming nagyakapan at nag-iyakan. Hindi makapaniwalang magkasama na ulit kami."My baby... miss na m-miss ka n-namin... Sobra. W-Walang araw o g-gabi akong h-hindi nananalangin na s-sana ay ligtas ka palagi..." iyak ni mommy sa gitna ng aming yakapan.Paulit-ulit akong humingi ng tawad sa kanila dahil sa paglayo ko at sa lahat ng nagawa ko. Paulit-ulit din nila akong sinasabihang ayos lang ang lahat at ang mahalaga ay magkasama na kaming muli at wala nang mas importante pa doon. I am indeed blessed with such loving and understanding parents, kaya sobrang guilty ko sa nagawa.I know, it was so selfish of me to think of my own escape when my parents was also suffering from everything I have been through.Nang magmulat mula sa ilang araw na pagkakatulog at nagising sa ibang bansa nang kidnap-in ako n
We decided to go to my parents' mansion the next day. Gabi na pala kasi nang magising ako dahil sa pagod.I was right when I thought he's already awake and bathed because of his aftershave smell. He even had himself a new haircut which surprised me. He looked so fresh and hot with his undercut.We made love over and over again, literally na ihi at kain lang ang break, kaya kahit ngayon ay pagod pa rin ako, pero kaya pa naman.Kararating pa lang ng sinakyan naming kotse ni Conrad sa mansiyon ay agad nang nagsilabasan ang mga katulong at bodyguards upang salubungin ang pagdating namin, na para bang kilala na nila kung kaninong sasakyan ang dumating. I was surprised to see them with all smiles.Huling lumabas ang aking yaya at parents ngunit nakangiti na ang mga ito, at lalo lamang lumapad ang mga ngiti nang makita ang sasakyan namin na nakapasok na ng gate.Dwight was among them. Though, I don't know how he got here, I was relieved to see him here kaysa sa kung saan-saang hotel na maaar
Binaling ko ang tingin sa puting blinds ng kwarto. Kinurap-kurap ang mata upang matigil na sa kakaluha. Ewan at hindi matapos-tapos ang mga luha ko tuwing naaalala ang kahapon. Nakakainis isiping pagod ang katawan ko, maliban sa mga mata kong ito. Maging ako ay nagulat sa mga nasabi. Hindi ko na napigilan pa ang sarili na isumbat sa kanya ang mga iyon. That was 6 years ago, ngunit sariwa pa sa aking isipan na parang kahapon lamang. But that wasn't supposed to be what I should ask or say right now, d*mn it! At paano ko pa siya tatanungin tungkol sa pakay ko, kung ngayon pa lang, nagpatong-patong na lahat ng mga hinanakit ko sa kanya? Sa sarili ko... at sa lahat? Not that wala akong nagawang pagkakamali sa kanya. Ewan kung bakit ganito ang nararamdaman ko. He asked for forgiveness when we met again 3 years ago. He asked for it over and over again, at ewan kung bakit ito lumalabas sa akin ngayon? Dahil ba kailan ko lang naalala ang lahat? Dahil ba hindi ko matanggap na baka kaya ga
We made love. Yes, we made love, not had s*x.The bond we shared a while ago was out of love, and not just carnal desires.We made love for the longest time we have ever done it.INAANTOK kong iminulat ang aking mga mata. Pagod ang katawan ko ngunit naroon ang saya at kapayapaan sa buo kong sistema. I smiled then sighed happily.Una kong naaninag ang elegante at puting blinds ng sliding window ng kwarto. Sirado na iyon mula noong magising ako pagkatapos ng anxiety attack ko, dahilan kung bakit hindi ko matukoy-tukoy kung ano'ng oras na sa bawat mulat ko.Tanging ilaw na nagmumula sa mga sulok ng nakausling kisame ng kwarto ang nagbibigay liwanag sa buong silid.Hapon na kaya? O gabi na? Kumalam ang sikmura ko pero kaya ko pa naman.Tahimik ang buong lugar dahil sound proof ang condo. Maririnig lamang ang mumunting ingay sa labas tuwing pupunta sa balcony, tanaw ang matatayog na gusali sa paligid nito. Makukulay na ilaw ng buhay na buhay na syudad naman sa gabi. The condo is on the 1