Share

This Time We'll Never End
This Time We'll Never End
Author: MarieCar_Gerebise

Chapter 1

last update Last Updated: 2022-06-04 23:24:56

Amorah's POV

"That can't be, Dad! No, Ayo'ko!" bulyaw ko.

Napatayo pa ako mula sa kinauupuan sa gulat at pagkadismaya sa narinig. I know I sound rude to them right now, but I just can't help it! I can't let this happen!

"You will, Amorah Andrea Mateo, and that is final!" maawtoridad na utos ni Dad. Umalingawngaw pa ang malakulog niyang boses sa mansyon.

And it was like a death sentence to me!

Tila ako pinagkaitan ng hangin at nanginig ang katawan sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay pinagsakluban ako ng langit at lupa.

I have always been a good daughter to them, as far as I could remember. An obedient girl, at sunud-sunuran sa anumang pinag-uutos nila. Kaya bakit gano'n?

How can they just marry me off to someone na hindi ko kilala at lalong-lalo na, hindi ko mahal?

Nagmamakaawa kong nilapitan si Mommy na ngayo'y maluha-luha at bigong nanonood sa akin. I held her hands to beg, almost on my knees.

"Mom... please, ayo'ko. I'm only almost 21. And I still have dreams!" I said with tears on my eyes.

I know she understands me better than anyone, she's my mom after all.

Malungkot niyang pinupunasan ang aking mga luhang nag-uunahan sa pagbagsak. I'm crying like I'm gonna die any moment from now.

Tiningala niya si Daddy na ngayon ay paakyat na ng kwarto nila sa second floor ng mansyon. Meaning, no further negotiations are allowed and what he said was final. But, I still somehow hoped Mom could persuade him.

She sighed sadly, then looked at me with those eyes that made me even hopeless. "Hush, baby. I know it's hard at first pero matatanggap mo rin ang mapapangasawa mo... just like us ng Daddy mo. Hindi naman ganoon kasama ang arranged marriages, anak. Matututunan mo rin siyang mahalin pagdating ng panahon," banayad niyang tugon.

Tuluyang gumuho ang mundo ko sa narinig. I let out a loud sob and shook my head in disagreement. "No, mommy!" I said in frustration. "Hinding-hindi ko ito matatanggap. Hinding-hindi ako magpapakasal sa taong iyon! Never!" I stormed out after that.

"My baby... Amorah!" pigil ni mommy ngunit 'di ko na nilingon pa.

I was too hurt. Too confused... and too disappointed to hear another excuses.

Why would they do this? Hindi ba nila ako mahal?

I cried so hard inside my room, sino ba ang hindi? Matapos ka ba naman sabihan na 2 years from now, ipapakasal ka na sa taong hindi mo man lang kilala, ni hindi mo kailanman nakita?

Bahala na. Gagawin ko lahat para hindi makasal sa lalaking iyon!

I decided to take a good shower, hoping my heart would feel lighter. Masasayang lang ang luha ko sa kakaiyak. There's no point in arguing. Kung pinal na ang desisyon nila, pinal din ang akin!

"Girl, sino ba'ng namatay at mugto ang mga mata mo?" usisa ni Lia, isa sa tatlong malalapit kong mga kaibigan na babae.

Tumatambay kami ngayon sa school cafe bago pumasok sa kanya-kanya naming mga klase.

"Baka lalaki, 'ka mo!" sabat ni Yve habang nginunguya ang kinakaing chichirya.

Nagtaasan ang kilay ng mga loko kong kaibigan, hindi makapaniwala sa komento ni Yve. Ako man ay nagtaka sa sinabi niya.

Tinampal siya ni Jia sa malaya niyang kamay bilang sita. "Hoy, ikaw lang naman ang umiiyak sa ating apat pagdating sa lalaki!"

Kumunot ang noo ni Yve ang ngumuso sa komento nito. "Uy, si Lia din kaya!"

"O, ba't nasali ako?" At nagtalo pa nga ang dalawa.

Nasa 1st year, second semester pa lang ako sa kursong Bachelor of Science in Business Administration (BSBA) major in Financial Management kahit malapit na akong mag-21.

Naaksidente kasi ako 3 years ago. I fell into a coma for almost 2 years and lost my memory since then.

I have an Amnesia.

A year ago nga lang kami umuwi ng Pilipinas. Pinilit ko lang sina mom at dad na umuwi ng bansa dahil gusto kong makilala ang mga naging friends ko rito. Siguro para makilala rin ang mga taong naging parte ng nakaraan ko o kung sino ako noong kasama ko sila.

I kept dreaming about strange things. The happy and the worst ones, pero sumasakit lang ang ulo ko sa tuwing inaalala ang mga iyon kaya hindi na ako nag-abala masyadong alalahanin ang nakaraan ko. Maybe it will come eventually, iyon din ang sabi ng doktor ko sa akin. Though, I really want to remember everything, natatakot din ako sa maaaring malaman.

Sabi nina mom at dad, at yaya Hilda, lalaki raw ang dahilan kaya ako naaksidente- which made me cringe!

Kaya kahit marami ang nanliligaw sa akin ay hindi ko binibigyan ng pagkakataon. I turn them down immediately without batting an eye.

I don't even know myself, so why would I drag someone into my mess? Not that I want a relationship after learning the cause of my accident.

Though, a lot of times, I felt empty and missing something... or someone?

These close friends of mine are my high school friends and classmates. They are now in their 4th year in college. Iba-iba ang courses namin at class schedules kaya dito kami sa canteen tumatambay tuwing pareho ang vacant namin, just like now.

Sinadya ko talagang agahan ang pagpasok sa school ngayon para hindi makasalamuha sina daddy at mommy. Gusto ko muna silang iwasan sa ngayon. For sure kasi, pag nagkita ulit kami ay ipipilit na naman nila 'yung arranged marriage namin nu'ng lalaking hindi ko kilala.

"Club tayo mamaya," kaswal kong saad habang nakatingin sa kawalan.

Maybe clubbing could help? Hindi naman ako maglalasing, lalo na't kabibigay lang ng go signal ng doktor na pwede na akong uminom ng kahit ano. I'm healthy now like nothing happened. Sasayaw lang naman kami at unwinding na rin sa mga nangyari.

Natahimik ang mga loko kong kaibigan. Ramdam ko ang nagtataka nilang tingin sa akin kahit 'di ko lingunin.

"May lagnat ka, girl? Ano'ng nakain mo at nagyaya ka bigla?" si Yve, sabay tingin kung mainit ba ang noo ko gamit ang likod ng kanyang palad.

Dumarami na ang mga estudyante sa paligid. Malapit na kasing magsimula ang unang klase ng araw.

"Seryoso yata iyang problema mo. Hindi ka nga namin dinadala roon given your health e. Well, may go signal na naman sa doktor mo. Pero sure ka ba?" si Jia sa nag-aalala niyang tono.

"Oo nga! Pero kung gusto mo talaga ay sasamahan ka talaga namin!" nakangising saad ni Lia na parang excited pa yata.

Tinapunan siya ng isang piraso ng chips ni Yve at tinuksong ginagawa lang na excuse ang desisyon ko para makapag-party na naman.

Pumunta na kami sa kanya-kanya naming klase matapos magpaalam ni Jia dahil sa natanggap na tawag sa smartphone.

"Pwe! Ano ba 'yan?" saway ko sa tinagay naming espresso martini raw kung tawagin.

Umiinom ba talaga ako ng mga ganito noon? Parang ayaw tanggapin ng dila ko halos lahat, e.

"Masasanay ka rin!" natatawang sabi ni Yve saka tinungga ang kanyang inumin na parang tubig lang iyon.

Ako ang napangiwi sa ginawa niya. Mapapagalitan yata ako ni Andrei nito?

"Tagay pa, girls. Walang uwian nang hindi nalalasing!" tatawa-tawang usal ni Lia na siyang gunner namin.

Kinabahan ako roon pero nang tumawa sina Jia at umirap ay napawi iyon.

Ilang klase ng drinks na ang nainom namin, pero ako ang nag-request. It's on me, of course. Ladies drinks lang kadalasan kasi nga, magsasayaw pa kami. Kailangan ko lang nito para makalimot... kahit alam kong panandalian lang.

Dinig ang musika sa VIP room namin pero tama lang ang lakas. Parang alingawngaw lang ng musika sa kung saan.

"Paano ka nga pala nakalusot sa mga bantay mo, Amorah? 'Tsaka, share naman d'yan. Bakit ka biglang nagyaya?" simula ni Jia.

At nakatingin na silang tatlo sa akin, seryoso at all ears. Binaba pa ng mga ito ang mga baso nila na parang ang sasabihin ko ang highlight ng gabi at kailangan ng buong atensyon.

Umandar ang kaba ko. Hindi ko talaga matanggihan itong mga ganitong titigan nila. Well, I'm really planning to tell them now... 'di ko lang talaga alam kung paano sisimulan.

They respected my parents so much kaya kahit sa hinanakit ko'y nag-aalala rin ako sa magiging reaksyon nila sa sitwasyon ko.

Lia tilted her head like she's waiting for a very serious story to start. Si Jia naman ay pinipisil na ang isang kamay, parang kinakabahan, habang seryosong nakatitig sa akin. Si Yve naman ay wala pa nga, kunot na ang noo.

Nagbuga ako ng hangin para maibsan ang bigat sa paghinga. Inalala ang sagutan namin ni dad kahapon. Kinurap-kurap ko ang mga mata upang pigilan ang pag-agos ng nagbabadyang luha. Suminghap ako at naisip na mapagkakatiwalaan ko naman sila at matatalik ko ring kaibigan. Siguro nga ay mas gagaan ang pakiramdam ko kung sasabihin ko sa kanila ang lahat.

"Sarap magpakalayo-layo..." emosyonal kong simula ngunit hindi ko na nadugtungan pa nang may biglang pumasok sa VIP room namin na apat na kalalakihan.

Halos mapatalon ako sa gulat at halos sabay kaming nagtinginan na magkaibigan sa pagtataka. Nasa private room kami kaya wala dapat na pumasok na ibang tao dito kundi kami lang.

Umiling sina Lia at Yve, ibig sabihin ay hindi sila ang nag-imbita. Sumunod si Jia na alam naming likas na mahiyain lalo na sa mga lalaki kaya imposibleng siya rin ang nag-imbita sa mga pumasok. Imposible rin na ako dahil nga na-trauma na sa nangyari noon.

Kinabahan ako, pero naisip na baka aalis din sila kasi nagkamali lang ng pinasukan. Ngunit napalitan din iyon ng inis nang mapansin ang mahahanging porma at kilos ng mga dumating. So, it's intentional? At sino naman ang nagsabing pwede silang pumasok?!

"Good evening, beautiful ladies," bungad ng naka-white button down shirt at mukhang may lahing Amerikano.

Napatingin kami sa kanya nang magsalita. Agad ko ring binawi ang akin at umirap. Ayaw ko sana ng lalaking kausap sa gabing ito e, kaya nga wala rito ang isa ko pang kaibigan.

"Wow, look what we got here. Nandito lang pala ang pinakamagagandang mga babae sa gabing ito," sabi ng mukhang intsik sa magkakaibigan.

Really? And then?

Napansin ko ang ngisi ni Lia sa kanila at ang pagtaas ng kilay ni Yve sa mga ito pero nangingiti. Si Jia naman ay parang hindi komportable sa kung ano habang nakatingin sa mga lalaking papalapit sa amin.

Gusto ko silang paalisin na. Kaya lang, masyado ba akong bastos kung ipagtatabuyan ko sila? Wait, wala namang nag-invite sa kanila rito kaya bakit ako magdadalawang-isip?

Nilagok ko ang isang shot ng alak na binigay ni Lia bago dumating ang mga mokong. They were all shocked and amused of what I did. Natigilan sila.

Yep, coz I kept my poise kahit halos mapamura ako sa pait ng tinungga ko. Binaba ko ang tingin at sinuri, gamit ang mata, ang basong ginamit.

Beer kaya 'yon? Ang anghang at gaspang sa lalamunan! Pweh!

"Hey, beautiful."

Napatda ako nang may biglang humawak sa baba ko at inangat ang tingin ko. Hindi ko naramdaman ang paglapit nito kaya bahagya akong kinabahan. He made me stare into his dark deep set of eyes. Mukhang Pinoy ito. Maganda sana ang mga mata at may hitsura kaso, ang hangin. Iyong tipong alam mong marami kayo sa koleksyon niya?

Ewan kung bakit pero masama ang kutob ko sa mga ngiti niya. I brushed his hands off of me. Hindi kami close para hawakan niya nang gano'n!

"Thanks, boys, pero girls' night out kasi namin ngayon so... pasensya na, huh? Next time na lang kung gusto n'yo ng ka-jam," magalang na tanggi ni Jia na ikinahinga ko nang maluwag.

"Oh, no problem! By the way, we're sorry for being rude and for not introducing ourselves. I'm Axel. These are my friends Henry, Carlos and Shawn..." pakilala nu'ng isa habang tinuturo ang mga kasamahan niya.

Pumunta silang apat sa mga espasyo na naghihiwalay sa aming apat habang pormal na nagpapakilala. Apat na silya at sa harap ay round table ang gamit namin kahit malaki naman ang kwarto. May sofa at tv set pero hindi namin ginalaw.

Nakipag-shake hands ang mga ito sa amin. Napilitan lang akong tanggapin nang hindi sila tinitingnan para matapos na. But, ughh! They kept talking things we're not even interested. And I'm getting more and more impatient!

Kailan ba sila aalis? Sinabi na nga'ng ayaw namin silang kausap, 'di ba?

Nagbuhos ulit ako ng alak sa shot glass ko at napansin iyon ng lahat, maging ng mga kaibigan. Natahimik tuloy sila. Parang nakita ko 'yong mukhang Irish sa kanila, na wala akong pake kung ano'ng pangalan, na nagtaas ng kilay. Parang nainis sa ginawa ko?

Bahala ka d'yan, alis na kasi!

"Yeah, so, sa susunod na lang tayo mag-jam guys, huh? Medyo busy kasi kami ngayon. Alam n'yo na," basag ng katahimikan ni Yve.

"Oh! Of course, no worries! We'll see you around for sure, right? I believe we're gonna see each other more. Sa kabilang room lang kami girls, okay?" exaggerated na sigla ng mukhang intsik sa apat.

Awkward!

"Sige, sa susunod na lang, huh?" parang nanghihinayang na sabi ni Lia habang nakatingin sa lalaking nasa gilid niya.

Bago naglaho ay napansin kong siniko nung mukhang kano iyong mukhang Pinoy sa kanila. Nag-high five pa ang dalawa saka tumingin sa gawi ko. Nag-wink iyong mukhang intsik sa'kin, tapos, sa mga kaibigan ko naman. Habang 'yong mukhang Irish ay 'di maalis-alis ang mga ngiti with matching pakagat-kagat pa ng ibabang labi bago tuluyang nagpaalam.

Awkward na, creepy pa!

Nakahinga lang kami ng maluwag nang tuluyan na silang lumabas.

"Friends before boys," pag-singsong ni Yve.

"Hay, salamat!" si Jia sabay buga ng hangin, mukhang hindi talaga komportable kanina.

"So, ano nga ulit iyon?" balik tanong ni Lia sa akin.

Nilagok ko ang alak sa shot glass ko na hindi nagalaw kanina dahil sa biglaang pag-exaggerate ng sigla ng boses nu'ng isa sa mga lalaki.

Sinabi ko sa kanila ang lahat, and as expected, nagulat din sila at 'di makapaniwalang may arranged marriage pa pala sa panahon namin. Well, my friends has their history pero 'di tulad sa akin na pinilit talaga. Natanong din nila kung sino o kung ano ang katayuan ng lalaking ipapakasal sa akin pero maging ako ay hindi alam ang identity o status ng lalaking 'yon. Kahit ano'ng clue nga ay wala akong alam. Hindi rin kasi sinabi ni Daddy. At ayaw ko ring malaman!

Para ano pa? Hahanap at hahanap din naman ako ng paraan para hindi matuloy ang arranged marriage namin!

Then, ayun na nga, para malibang daw kami at 'di na mag-isip ng anumang problema ay pumunta kami sa dance floor at ibinuhos ang lahat ng frustrations at stress namin sa pagsasayaw. Nahiya pa ako nu'ng una pero nahawa rin kalaunan sa kakulitan ng mga kaibigan habang sumasayaw.

We didn't entertain guys who were trying to hit on us. Duh, girls night out nga 'to, boys, 'di ba?

I was sweating, laughing and enjoying with my friends with every beat the DJ has played nang bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. Ewan ko ba kung lasing lang ako o dahil ito sa kakasayaw ko, basta bigla na lang nag-init ang buong katawan ko?

I felt uncomfortable everywhere at hindi ko matukoy kung bakit. Dumoble rin yata ang sipa ng puso ko, para akong nag-jog! Then, nang para nang umiikot ang paningin ko ay sumenyas na ako ng 'time out' sa mga kaibigan. Nang makita ang pag-thumbs up nila ay dahan-dahan akong nagtungo sa restroom, pilit na tinutuwid ang lakad at ang umaalong paningin upang hindi matumba.

Walang tao sa labas at sa loob kaya dumiretso na ako sa unang cubicle. I tried peeing pero walang lumalabas... I even felt weirder. Para akong may gustong gawin na hindi ko maipaliwanag. Mas nararamdaman ko na rin ang abnormal na bilis ng tibok ng puso ko, kahit hindi naman ako kinakabahan o natatakot.

I looked at myself in the mirror. Nagulat ako sa nakita! Mamula-mula na pala ang mukha ko! Then, I felt na para na akong nilalagnat sa init at nanghina bigla ang buo kong katawan. Bumigat ang talukap ng mga mata ko pero pilit ko iyong nilabanan. I used the back of my hand to check my temp. Napanguso ako.

I don't even have a fever, so what's happening to me? Why am I feeling so hot?

Ganito ba pag lasing? Nalasing ba ako? Iyong two shots na beer lang yata ang hard na nainom ko? Maliit na baso pa ang gamit and the rest of the drinks ay tikim-tikim lang kami. My friends said na hindi ako mabilis malasing noon kaya ano'ng nangyayari kung hindi ako lasing ngayon? Is it because of the mixed drinks?

Nagsimula na akong humakbang palayo sa salamin. Nagtaka ako nang hindi ko na mailakad nang maayos ang mga paa ko... parang pabigat na ng pabigat bawat hakbang kaya hinay-hinay lang akong naglakad habang naghahanap ng suporta sa sementadong pader ng banyo upang makalabas, almost dragging my feet. Pagkalabas ko ay agad kong sinirado ang pinto at napasandal doon. Buti na lang walang tao sa loob sakaling kailangan buksan ang pinto.

Oh my, ang layo pa naman ng dance floor.

I thought of telling my friends, or maybe, have them help me. But then, I remembered na pare-pareho lang kami ng nainom. I got worried thinking maybe they're experiencing this, too? Or maybe, this is just how low my alcohol tolerance is now for not drinking for years?

Yeah, that maybe it! Hindi ko naman nakitaan ng pagkahilo o anuman ang mga kaibigan kanina?

I suddenly thought of my phone to reach them but then, I remembered na iniwan nga pala namin ang mga gamit sa room namin kanina.

I cheered myself up, kahit pati utak at paningin koy lumalabo na, that I can still walk properly. Well, like what I did sa restroom, with the help of the walls, probably, mahahanap ko rin ang mga kaibigan.

Pinasigla ko ang nahahapo at inaantok na mga mata at tinuwid ang mabigat na katawan. I was about to lift my heavy feet when I heard someone...

"There you are!" napalingon ako sa nagsalita. At kahit malabo na ang paningin ay nakilala ko iyon. One of the boys from earlier. Axel, was it?

"I'm 101 percent sure bro, she's a virgin. In everything, I think!"

Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa narinig! Halos dinig ko na ang tibok ng puso ko sa kaba. Sinubukan kong maglakad palayo at umiwas sa kanila pero isang hakbang pa lang ay halos mapatili na ako sa kawalan ng lakas. Buti na lang at nakakapit ako sa siradura ng pinto kaya 'di ako tuluyang napaluhod sa sahig. Lalo pa akong natakot nang magtawanan sila habang pinapanood lang akong hirap na hirap at nawawalan na ng lakas kahit sa pagtayo.

I felt my knees shake in weakness ngunit bago pa ako matumba ay sinalo na ako ng isa sa kanila. I hate that my eyes wanted to close when I'm clearly in danger!

"Galing natin!" tawa nung isa.

Nagulat ako sa tinuran nu'ng isa. Mas kinilabutan pa ako nang mapagtantong... s-sila ang may gawa nito? P-Pero... paano?

"W-what d-did y-you do... to m-me?"

Oh no!

Someone! Please help!

"Don't worry, baby. You'll enjoy everything tonight. Tutulungan ka namin sa sitwasyon mo ngayon," sabi nung nagbuhat sa akin na parang sako lang ako ng bigas.

Mangiyak-ngiyak akong nanlaban pero wala na talaga akong sapat na lakas, ni tinig na sumigaw.

MarieCar_Gerebise

Good day readers! Kumusta kayo? Welcome to my novel. Paki-add po sa library and follow me na rin. Hope you enjoy reading. Take care and God bless!

| Like

Related chapters

  • This Time We'll Never End   Chapter 2

    Conrad's POV "Dude, I think you should really move on. She's gone. Dead. Tanggapin mo na ang nangyari 3 years ago, and stop blaming yourself!" sermon na naman ng kaibigan ko. Kung hindi ko lang talaga ito matalik na kaibigan, at kung hindi lang malaki ang utang na loob ko sa pulis na'to, baka nasapak ko na. Ang kulit, e! Nasa VIP room kami nitong sikat na club. Hindi ako mahilig pumunta sa mga ganito, itong kaibigan ko lang talaga ang nagyayaya sa akin tuwing weekends. Nagka-clubbing din daw kasi ang binabantayan niyang anak ng boss niyang si Yvonne Ivory Salazar. Bodyguard siya nito. Most of the time, after work, nasa penthouse lang ako. Yakap-yakap ang mga lumang damit ng pinakamamahal ko, habang naglalasing at sinasariwa ang mga ala-ala naming dalawa. "You will never understand, dude. Easy to say, hard to do. I tried..." Tuluyan bumalong ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang kumawala. Hindi na ako nakapagsalita sa sikip ng dibdib. Tila may kung ano'ng bumara sa lalamunan k

    Last Updated : 2022-06-04
  • This Time We'll Never End   Chapter 3

    Amorah's POV NAGISING akong parang mabibiyak na sa sakit ang ulo ko. Hindi lang iyon, pati buong katawan ko ay sobrang sakit din! Para akong pagod na pagod at ang bigat ng buo kong katawan na hindi ko maintindihan, especially between my thighs. Sapo-sapo ko pa ang aking ulo dahil hindi ko halos maigalaw ito. Unti-unti kong iminulat ang mabibigat kong mga mata saka nilibot nang tingin ang aking paligid. This room... wait, where am I? At ganoon na lamang ang pagbilog ng aking mga mata nang mapagtantong hindi ko kwarto itong hinihigaan ko ngayon. And what's worse? Ramdam kong hindi ako nag-iisa dahil sa mga brasong mahigpit na nakapulupot sa aking katawan. I even think na braso rin nitong katabi ko ang unan-unan kong matigas na bagay! "What happened?!" halos gusto ko nang isatinig sa taranta, takot at kaba. Halos dinig ko na ang pagtambol ng puso ko. Natatakot ako... Na naiiyak... pero ayaw kong gumawa ng ingay dahil baka magising pa kung sinuman itong katabi ko at baka kung ano pa

    Last Updated : 2022-06-04
  • This Time We'll Never End   Chapter 4

    Napalagok ako ng sariling laway. Nakaawang ang mga labi nina Lia at Yve habang natingin sa akin. Si Jia naman ay naniningkit na ang mga mata habang tila inuusisa ako ng mga titig. Hot seat! "Ano ba kaseng nangyari sa iyo, Amorah?" nag-aalalang tanong ni Lia nang makabawi sa pagkagulat. "Sabi mo, sasabihin mo sa amin lahat pag nagkita ulit tayo. Spill it, girl! Sino ang kasama mo noong gabing iyon? May tinatago ka ba sa amin ha, Amorah?" sunod-sunod na tanong ni Jia. Mukhang hindi talaga ako tatantanan ng mga ito hangga't hindi ako umaamin! "W-Well, uhm... G-Ganito kasi 'yan..." nauutal kong simula. I looked away and bit my trembling lips. Aatakihin yata ako sa puso sa kaba! Gosh, pa'no ko ba sasabihin sa kanila ang lahat? Tsaka, nasa classroom pa kami ngayon, baka may makarinig pa sa amin at mapahiya ako! Tapos na kasi ang klase ng mga ito. They decided na hintayin na lang ako since dalawang oras na lang at uwian na rin namin. Nag-alala din kasi sila sa akin nang husto noong Fr

    Last Updated : 2022-06-11
  • This Time We'll Never End   Chapter 5

    3rd Person's POV Buong umaga sa main office ng kumpanya si Conrad, dino-double check ang mga dokumentong nangangailangan ng approval at pirma niya. Anak man sa labas, siya ang namamahala sa mga negosyo ng ama dahil na rin sa unang-una, siya ang tagapagmana ng multi-million businesses nito as stated in his grandfather's last will and testament. At pangalawa, ay dahil na rin sa taglay niyang karisma, sharpness, at angking kahusayan sa pagnenegosyo. Mula nang malaman ng ama niyang competent siya sa larangan ng pag-aaral lalong-lalo na sa kursong kinuha niya na Bachelor of Science in Business Administration (BSBA) major in Business Economics, kahit wala siyang suportang nakukuha rito at nag-working student pa para lamang makapagtapos ng pag-aaral, idagdag pa ang gilas na ipinamalas niya noong nag-OJT sa kumpanya ng sarili niyang ama, na noon ay wala siyang kamalay-malay na ito mismo ang may-ari, ay ganoon na lamang ang pagnanais nitong ibigay sa kanya ang nararapat na posisyon sa negosy

    Last Updated : 2022-06-14
  • This Time We'll Never End   Chapter 6

    3rd Person's POV Tuwang-tuwa na pinagmamasdan ni Amorah ang mga bata na masayang naglalaro sa isang bakanteng lote. Nakaupo siya 'di kalayuan sa mga ito kung kaya't kitang-kita at damang-dama niya ang kasiyahan ng mga bata sa paglalaro. 17 years old na siya pero hindi pa niya kailanman naranasang maglaro nang ganoon kalaya at kasaya. Strikto kasi ang parents niya at bahay-school lamang ang routine mula pagkabata. Kahit noong nag-high school n siya ay ganoon pa rin ang kanyang routine. Nakakalabas lamang ng bahay pag pinagpaalam at sinusundo ng mga kaibigan. Tuwing summer vacation, o sa tuwing sa tiyahin sa Cebu siya inihahabilin ng mga magulang, dahil sa business trips ng mga ito, lamang siya nakakaranas na umalis ng malayo sa bahay. Nakaramdam siya ng inggit sa mga tawa at halakhak ng mga naglalaro. Napapaisip kung ano ang pakiramdam makapaglaro kasama ang maraming tao. "Gusto mo rin ba'ng... maglaro ng agawan base?" tanong ng binatang katabi niya. Nakaupo silang dalawa sa mal

    Last Updated : 2022-06-21
  • This Time We'll Never End   Chapter 7

    3rd Person's POV "Yes, Mr. Martinez. Please go on," ma-awtoridad na utos ni Conrad sa Marketing Manager ng kompanya via virtual conference. Nakaupo siya sa kama. Sa maliit na mesa ng kwarto niya ipinatong ang laptop. As usual, seryoso ang kanyang mukha at pormal na pormal magsalita, dahil na rin sa posisyon sa kumpanya. Ganoon din ang pagkakakilala sa kanya ng mga katrabaho kung kaya't nai-intimidate ang mga ito sa kanyang presensya lalo na kapag kaharap siya ng mga ito. Kahit pa nababaitan sa kanya at satisfied sa kanyang management. "Ang bait-bait talaga ni sir, kahit napakaseryoso at masungit tingnan!" "Sinabi mo pa!" "Ang hot at ang gwapo rin!" Nagtilian pa ang mga ito. Iyon ang mga salitang hindi niya sadyang marinig mula sa iilang empleyado noong nagpatawag siya ng meeting sa conference room para sa gaganaping team building ng kumpanya. Akmang papasok na siya sa loob nang marinig ang mga katagang iyon. Napangiti siya bago tinulak ang pintuan papasok. Iyon ang unang taon

    Last Updated : 2022-07-04
  • This Time We'll Never End   Chapter 8

    3rd Person's POV "Goodbye and thank you, sir Conrad," halos sabay-sabay na paalam ng mga estudyante. "Bye, ingat kayo." "Ay, mas lalo ka na, sir. Maraming nagmamahal sa'yo, e!" Napangiti si Conrad sa turan ng babaeng estudyante at bahagyang napailing habang nasa mga nililigpit na gamit ang mga mata. Halos ikabingi ni Amorah ang tili ng mga naroon sa reaksyon ng propesor. Napatakip pa siya ng tenga sa ingay. Napansin niyang ganoon din ang ginawa ng mga kalalakihan na nairita. May iba pa nga'ng nakabusangot. Nakaramdam man ng inis, hindi niya masisi ang mga kaklase. Conrad was said to be the Campus' ultimate crush- gwapo, matangkad, hot, mayaman, matalino at successful. Kaya naman, sa tuwing pinapansin nito kahit jokes ng mga estudyante at ngumingiti pa ay para ba'ng may artistang pinagkakaguluhan sa ingay. Kulang na lang yata ay magpa-fan sign ang mga ito. Napalingon si Amorah sa grupo ng mga babae niyang kaklase sa gawing kanan. Nakaupo ang mga ito 'di kalayuan sa kanyang silya

    Last Updated : 2022-07-11
  • This Time We'll Never End   Chapter 9

    3rd Person's POV "Are we late?" Sabay-sabay silang napalingon sa nagsalita. Si Andrei, kasama ang isang guwapo at matipuno ring lalaki na naka-business suit ay papalapit sa kanila. "Ang guwapo!" manghang saad ni Lia sa bagong dating. Nakatitig ito sa kanya habang nakangisi. "Alliyah!" babala ni Zeke sa kapatid. "Kuya! Humahanga lang. 'Tsaka, totoo naman, ah. Ang guwapo niya!" patiling wika nito. Zeke rolled his eyes. "Sarap sa eyes!" manghang saad ni Yve. Kumunot ang noo ni Andrei nang makita ang reaksyon ni Yve. Umismid naman si Yve nang makita ang reaksyon nito. Zeke noticed Jia pressing her lips into a thin line, habang nakatingin sa bagong dating. Wala sa sariling napalingon si Jia kay Zeke kung kaya't nagsalubong ang mga mata nila. Nagulat ito at agad na pinamulahan. Agad na nagbaba ng tingin sa hiya dahil nahuli siya nitong nagnanakaw ng tingin. "What are you doing here?" Conrad's cold remark to the new comer. "Magkakilala kayo?" pagtataka ni Zeke na ngayo'y nakatingin k

    Last Updated : 2022-07-14

Latest chapter

  • This Time We'll Never End   Conrad's POV Part 4

    "It was sent from England..." imporma ni Zeke sa akin.I nodded once, nakapikit na hinihilot ang sentido."You should rest, dude. Our people are already looking for her there. I asked the others, by the way. Nakatanggap din sila ng sulat... l-lahat," si Andrei.My days were darker these days. Parang isang maliit na pagkakamali lang mananakit na ako o magwawala. Akala ko masosolb na lahat ng problema dahil sa mga ginawa ko... hindi pa pala. I'm getting impatient and frustrated. Hindi ko na alam ano pa ba ang gagawin para umuwi si Amorah sa akin.It's been a year...Hindi ba niya ako nami-miss? Dahil ako... kung hindi lang siya nagpaparamdam sa mga kaibigan sa pamamagitan ng liham, baka nabaliw na ako.She's been sending letters to her friends: Lia and Zeke, Yvonne and Andrei, Jia, and her parents. I understand that. They're precious to her. To us. Pero bakit... Walang akin? I mean, kahit kumustahin o banggitin man lang ako sa mga liham niya, hindi niya magawa?Is she angry with me? Did

  • This Time We'll Never End   Conrad's POV Part 3

    I oversped my car just to get to the venue in time. It's almost 5PM, and Amorah's party is almost starting. Hindi na ako mapalagay at nanlalamig na sa pinaghalong takot at kaba sa kung ano'ng pwedeng mangyari. Habol-habol ko ang hininga kahit nasa sasakyan ako at 'di naman tumatakbo. Gusto na lang liparin ang daan patungo sa kanila dahil sa paminsan-minsang traffic.I still have an hour or more to explain to Amorah, her parents and friends about that fake news, before it spreads. It would be hard in their parts, especially, if the party's still on going and their visitors would know about it. They are close to us, so baka dahil sa kaugnayan namin ay masira ang imahe nila sa publiko. Pero kahit sila lang ang masabihan ko ng katotohanan, okay lang. I don't need to explain to everyone.Kahit si Amorah nga lang, ayos na sa'kin... Ang opinyon at sasabihin niya lang naman ang mahalaga para sa'kin.Hindi naman iyon totoo, at aayusin ko ito pagkatapos kong masabi sa kanila ang lahat nang 'di m

  • This Time We'll Never End   Conrad's POV Part 2

    3 years has passed. 3 years lifeless and aimless... Nakilala ko si Andrei nang minsan akong niligtas nito sa sarili kong mga kamay. He frequents the club with some friends of his pero hindi niya kasama sa iisang sulok o kwarto kaya niyayaya ako. Hindi ko rin kailanman nakita ang mga kasama niya.Then, in one of my darkest nights, where the strong pull of desperation to end this life had resurfaced on my system again, I saw her. My Amorah Andrea Mateo.We made love. Though, I know she's drugged at that time, her responses to my touch were so genuine, I felt it. The sweetest and the most satisfying night I've ever had in my entire life. Hindi ko siya tinigilan hanggang sa wala na akong lakas para bumayo pa, at hanggang hindi rin siya napapagod sa ilalim o sa ibabaw ko. I missed her. So much than I could ever utter. I was too happy to finally reunite with her. Anuman ang dahilan at ngayon lang siya nagpakita ay palalampasin ko. She is all that matters to me, her, lying beside me, right

  • This Time We'll Never End   Conrad's POV Part 1

    "But... you abhor the idea before..." "I still do. But... if I won't do this, hindi ko na alam kung papano mahahanap si Amorah. It's been two days, Andrei. Two f*cking days! What if she's out there waiting for my help? What if... D*mn it! I can't just stand here, waiting for the kidnapper to contact us and give their conditions! I need to rescue her! I need to do something!" I almost shouted. The sides of my eyes heated, hindi ko lang alam kung dahil ba iyon sa galit o sa takot na baka ano na ang nangyayari kay Amorah sa mga oras na ito. Panay ang taas-baba ng dibdib ko kaya pinakalma ko muna ang sarili bago pabagsak na umupong muli. Nagtiim-bagang ako habang sinasabunutan ang sarili, mariing nakapikit. I could feel my nerves and veins popping out in frustration. Halos magwala na naman ako, but I know it won't help at all. Dalawang araw na mula nang ma-kidnap si Amorah pero ni katiting na balita, wala akong nakakalap. Wala ring tumatawag para sa ransom o kung ano. Every second she'

  • This Time We'll Never End   Chapter 34

    Humagulgol si Yve pagkabigkas niyon ni Conrad. Takip-takip ang mukha ng kanyang mga palad. Hinagod ni Jia ang likod niya at may sinasabi na kung ano si Lia na sila lamang ang nakakarinig, bilang pang-aalo. Suminghap si Zeke saka nagtiim-bagang nang tapunan ng tingin si Yve, seryoso ang kanyang mukha, bakas sa mga mata ang awa para sa kaibigan. Nagugulumihanan at nag-aalala, tumayo ako upang sana ay daluhan si Yve ngunit napahinto ako sa balak nang hawakan ako sa pala-pulsuhan ni Conrad. Uminit ang magkabilang gilid ng aking mata nang lingunin siya at napansin na ganoon pa rin ang kanyang ekspresyon. Malungkot at tila pinagsakluban ng langit at lupa. Guilt washed over his face. Tinitigan ko siya nang mapansin na tila may gusto siyang sabihin. Hinintay ko iyon. Gusto kong maliwanagan sa mga nangyayari. Binasa niya ang mga labi bago huminga ng malalim. Tila natangay ng binuga niyang hangin ang natitirang pasensya ng puso ko. Kumalabog ito at parang lalayasan na ang dibdib habang pinapa

  • This Time We'll Never End   Chapter 33

    Nagulat ang lahat nang makita akong hawak-hawak ni Conrad sa kamay nang tuluyan akong nakababa sa shotgun seat ng BMW at dinala ni Conrad sa harap ng mga naroon. Lalo na sina mom at dad. Agad kaming nagyakapan at nag-iyakan. Hindi makapaniwalang magkasama na ulit kami."My baby... miss na m-miss ka n-namin... Sobra. W-Walang araw o g-gabi akong h-hindi nananalangin na s-sana ay ligtas ka palagi..." iyak ni mommy sa gitna ng aming yakapan.Paulit-ulit akong humingi ng tawad sa kanila dahil sa paglayo ko at sa lahat ng nagawa ko. Paulit-ulit din nila akong sinasabihang ayos lang ang lahat at ang mahalaga ay magkasama na kaming muli at wala nang mas importante pa doon. I am indeed blessed with such loving and understanding parents, kaya sobrang guilty ko sa nagawa.I know, it was so selfish of me to think of my own escape when my parents was also suffering from everything I have been through.Nang magmulat mula sa ilang araw na pagkakatulog at nagising sa ibang bansa nang kidnap-in ako n

  • This Time We'll Never End   Chapter 32

    We decided to go to my parents' mansion the next day. Gabi na pala kasi nang magising ako dahil sa pagod.I was right when I thought he's already awake and bathed because of his aftershave smell. He even had himself a new haircut which surprised me. He looked so fresh and hot with his undercut.We made love over and over again, literally na ihi at kain lang ang break, kaya kahit ngayon ay pagod pa rin ako, pero kaya pa naman.Kararating pa lang ng sinakyan naming kotse ni Conrad sa mansiyon ay agad nang nagsilabasan ang mga katulong at bodyguards upang salubungin ang pagdating namin, na para bang kilala na nila kung kaninong sasakyan ang dumating. I was surprised to see them with all smiles.Huling lumabas ang aking yaya at parents ngunit nakangiti na ang mga ito, at lalo lamang lumapad ang mga ngiti nang makita ang sasakyan namin na nakapasok na ng gate.Dwight was among them. Though, I don't know how he got here, I was relieved to see him here kaysa sa kung saan-saang hotel na maaar

  • This Time We'll Never End   Chapter 31

    Binaling ko ang tingin sa puting blinds ng kwarto. Kinurap-kurap ang mata upang matigil na sa kakaluha. Ewan at hindi matapos-tapos ang mga luha ko tuwing naaalala ang kahapon. Nakakainis isiping pagod ang katawan ko, maliban sa mga mata kong ito. Maging ako ay nagulat sa mga nasabi. Hindi ko na napigilan pa ang sarili na isumbat sa kanya ang mga iyon. That was 6 years ago, ngunit sariwa pa sa aking isipan na parang kahapon lamang. But that wasn't supposed to be what I should ask or say right now, d*mn it! At paano ko pa siya tatanungin tungkol sa pakay ko, kung ngayon pa lang, nagpatong-patong na lahat ng mga hinanakit ko sa kanya? Sa sarili ko... at sa lahat? Not that wala akong nagawang pagkakamali sa kanya. Ewan kung bakit ganito ang nararamdaman ko. He asked for forgiveness when we met again 3 years ago. He asked for it over and over again, at ewan kung bakit ito lumalabas sa akin ngayon? Dahil ba kailan ko lang naalala ang lahat? Dahil ba hindi ko matanggap na baka kaya ga

  • This Time We'll Never End   Chapter 30

    We made love. Yes, we made love, not had s*x.The bond we shared a while ago was out of love, and not just carnal desires.We made love for the longest time we have ever done it.INAANTOK kong iminulat ang aking mga mata. Pagod ang katawan ko ngunit naroon ang saya at kapayapaan sa buo kong sistema. I smiled then sighed happily.Una kong naaninag ang elegante at puting blinds ng sliding window ng kwarto. Sirado na iyon mula noong magising ako pagkatapos ng anxiety attack ko, dahilan kung bakit hindi ko matukoy-tukoy kung ano'ng oras na sa bawat mulat ko.Tanging ilaw na nagmumula sa mga sulok ng nakausling kisame ng kwarto ang nagbibigay liwanag sa buong silid.Hapon na kaya? O gabi na? Kumalam ang sikmura ko pero kaya ko pa naman.Tahimik ang buong lugar dahil sound proof ang condo. Maririnig lamang ang mumunting ingay sa labas tuwing pupunta sa balcony, tanaw ang matatayog na gusali sa paligid nito. Makukulay na ilaw ng buhay na buhay na syudad naman sa gabi. The condo is on the 1

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status