Lumakas naman ang kabog nang dibdib ko dahil sa sinabi niya. Gulat na gulat pero bago ako makapagsalita at i-depensa ang sarili na hindi ako 'yon. Naunahan na ako nito.
"Kidding," he starts laughing and continues making a castle. "Seriously, you look like one without glasses, can I remove it?"
Mabilis akong umiling. Of course no.
"I don't want to. Hindi ako makakakita pag wala akong glasses na suot at madali rin akong mahilo at mahimatay." Sige, Celine ipagpatuloy mo 'yang drama mo.
"You have the accent in speaking tagalog at kung english naman medyo slang ka, half ka?" Ba't ba marami itong tanong? Mass communication ba ang kinuha nitong kurso sa college? Kulang na lang maging reporter ito sa balita e'.
"Hindi ko alam. I live alone. Namulat ako na walang pamilya," patuloy na pagsisinungaling ko. Sorry mom and dad, I love you both.
"Sorry for that. Siguro half ka kaya may accent. Anyways, you look like someone I know before but she's a princess. Wala na akong balita sa kanya pero I like her. She's so beautiful and smart. I met her when I was 4 years old in Greece. Medyo hawig kasi kayo pero medyo malabo 'ata na lumabas 'yon sa palasyo nila," kwento nito.
4 years old? Nagkita na ba kami rati? Ba't 'di ko man lang maalala? Gano'n ba talaga pag gurang ka na, naging makakalimutin?
"Gano'n ba," tanging komento ko at tumango naman 'to.
"Celine..."
Sabay kaming napatingin ni Adrian sa nagsalita. It's him, Venz, tiim-bagang ako nitong tinignan at itong katabi ko.
"Venz, nice to meet you here..."
Tumingin ako kay Adrian, magkakilala sila?
Galit naman na tinignan ni Venz itong si Adrian.
"Stay away from my fiance, Ian," may awtoridad na sabi nito at mabilis akong tinayo sabay higit sa 'king bewang.
"Oh, chill lang bunso 'di ko alam na fiance mo pala itong kausap ko," sabi nito at ngitian kami pareho, "nice to meet you again, Celine. See you next time." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay nilagpasan na kami nito at umalis na.
Magkapatid pala ang dalawang 'yon? Ba't may namumuong tensyon 'ata sa pagitan nila? Sabagay, medyo hawig naman ang mukha nila kaya hindi maipagkakaila na magkapatid ang dalawa.
"H'wag kang lalapit sa kanya, maliwanag?" biglang sabi nito na ikalito ko. Ba't naman ako nito pagbabawalan na mapalapit sa kapatid niya? Mukha namang mabait si Adrian.
"Why? Mabait naman siya, and why the heck you didn't tell me na may kapatid ka pala?" I asks, crossing my arms. May balak pa 'ata itong hindi sabihin sa 'kin.
"None of your business," sagot nito at iniwan ulit ako. Ano ba 'yan, palagi niya nalang akong iniiwan, parang tinatanong lang e' mahirap ba sagutin 'yon? Duh.
"None of your business," paggagaya ko sa sinabi nito. Edewaw Venz, bahala ka sa buhay mo.
***
It is my 3rd day of staying here in beach resort at naging boring 'yon para sa 'kin. Hindi rin naman ako pinapansin ni Venz. Ewan ko sa kanya, palagi nalang dinadalaw ng katopakan. Masaya na sana akong nagtatrabaho ngayon sa restaurant kung hindi dahil sa kanya.
Inis na kinain ko 'yong mangga habang nakatingin kay Venz at sa babaeng yumakap sa kanya na ngayon ay naghaharutan. Walanghiya, harap-harapan pa talaga ha?
"Alone?" Tinaas ko naman ang aking tingin at tinignan kung sino ang nagsalita, si Adrian lang pala.
"Wala ka naman sigurong nakikita na may kasama ako 'no? Ba't mo pa tinatanong kung alone ako?" masungit na tanong ko habang ningunguya 'yong mangga.
"Masungit. I like that," komento nito.
Tumabi naman 'to sa 'kin kaya lumayo ako kaunti kasi ayoko sa masyadong malapit.
"Pero hindi ka like," pagbabara ko sa sinabi niya.
"Ouch, sakit naman no'n," sabi nito at tumawa. Hindi ko na lang ito pinansin at pinagtutuunan ko na lang ng pansin ang mangga na kinakain ko.
"Ba't mo hinahayaan na lapitan ng ibang babae ang boyfriend mo? Hindi ka ba nagseselos?" he asks, glancing to his brother.
Nagseselos? Yuck. Ba't naman ako magseselos? Kahit maglampungan pa ang mga 'yan sa harap ko wala akong pakialam.
"May tiwala naman ako sa kanya na wala siyang gagawin na ikakaselos ko kaya okay lang," mahinahong sagot ko. Laki naman ng word na ginamit ko, tiwala talaga Celine?
Natatawa tuloy ako sa isipan. Kung alam lang nitong Adrian na fake lang lahat baka magulantang 'to. Sinasawsaw ko na ang mangga sa bagoong at kinain habang minamasdan ang mapayapang dagat.
"Gusto mo ipasyal kita rito sa resort?" pag-ayaya nito sa 'kin. Tumango naman ako. Ba't naman hindi? Wala naman akong ginagawa. Hindi rin naman ako ini-entertain ng boyfriend ko 'kuno' at busy pa makipag landian sa iba.
Habang namamasyal kami sa resort nila, hindi ko mapigilan na mapahanga. Ang laki pala talaga ng resort na ito. Hindi rin nawawala ang kwentuhan namin sa kalagitnaan ng paglalakad.
May itatanong sana ako kay Adrian pero natatakot ako kasi masyadong personal.
Pero gusto ko talaga itanong kaya magtatanong talaga ako. Kaya nilakasan ko muna ang loob sabay umipon ng kakapalan sa mukha. Gusto ko lang maliwanagan kung bakit ako pinipigilan na malapit sa kanya.
"Uhm, may itatanong sana ako pero masyado itong personal. Pwede naman h'wag mo na lang sagutin," nahihiyang saad ko. Mata ko'y nakatutok sa paahan habang naglalakad.
"Sige, ano ba 'yon?" Wews. Ito na Celine, magtanong ka na. Tumingin muna ako sa lalaki na ngayo'y nakatingin din sa 'kin. Iniwas ko naman ang tingin nang nakaramdam ng init sa mukha. Na sigurado akong nagbabadya na itong mamula ngayon.
Pero bago ko simulan ang pagtatanong. Naghanap muna kami ng mauupuan at kaagad naman kami nakahanap malapit sa puno. Lumakad na kami pumunta ro'n at umupo. Nag-squat posisyon kaming dalawa habang ninanamnam ang sariwang hangin galing sa karagatan.
"Bakit pala galit si Venz sa 'yo? Personal ba masyado ng tanong ko? Pasensya, h'wag mo na lang sagutin kung ayaw mo." Tumawa naman ito sabay gulo ng buhok ko dahilan upang tampalin ko ang kanyang kamay. Baka kasi masira ang suot kong wig.
"Aray!" daing nito. Ay, napalakas ko ba?
"Peace, napalakas ko 'ata. Ayoko lang kasi na hinahawakan ng ibang tao ang buhok ko," saad ko rito. Pag kasi nalaman nito at makita ang tunay kong buhok baka panindigan talaga niya ang sinabi no'ng isang araw na isa akong prinsesa.
"Joke lang, 'di naman masakit." Tumawa ulit ito at inayos na ang pagkakaupo. "Do'n pala sa tanong mo sasagutin ko na, ganito kasi 'yon..."
Habang nagkukuwento siya ay unti-unti kong nalalaman kung saan humuhugot si Venz ng galit sa kuya niya. May girlfriend pala si Venz dati at mahal din ito ni Adrian. Sa kasamaang palad, namatay ang babae at nagsisihan ang dalawa. Ganda sana nang love story kaso tragic nga lang ang ending.
Natapos na ito sa pagku-kuwento at medyo napansin namin pareho ang pagkulimlim ng kalangitan. Nag-plano kaagad kami na bumalik sa bahay at magpahinga. Nagpaalam na ako kay Adrian bago umakyat papunta sa silid ni Venz. Unti-unti ko namang pinihit ang door knob.
"Saan ka galing?" Napatalon naman ako konti at napahawak sa dibdib dahil sa gulat. Bigla na lang kasing sumusulpot. Ano siya, multo? Nabitawan ko tuloy 'yong door knob. Umikot na ako at hinarap 'to.
Tinapunan naman niya ako ng masamang tingin na para bang may malaki akong nilabag o kasalanan.
"Ah, do'n lang, namamasyal," walang gana kong sagot, pagod na kasi ang katawan ko kakalad namin kanina kaya ganito na ako magsalita, wala sa sarili. Talo ko pa ang lasing sa kanto.
"With whom?" seryoso nitong tanong. Pakialam ba nito kung saan at sino ang kasama ko. At kahit wala akong pakialam sa kanya, sinagot ko pa rin ito nang maayos.
"I'm with him, Adrian."
"I told you to stay away from him right? Why can't you just obey it?" Imbis na sagutin ang tanong nito ay pinihit ko ang door knob at pumasok na't mabilis na sumampa sa kama.
Waaaah. Sarap ng higaan, sobrang lambot.
Napagod talaga ako sa pamamasyal na ginawa namin ni Adrian kanina. Ang dami niyang baong kwento e' kaya 'di ka talaga maboboring pag siya ang kasama mo. Hindi katulad ng iba riyan. Ayoko na lang mag-tell.
"Hindi mo ba ako naiintindihan? Layuan mo si Adrian, simple as that bakit hindi mo magawa?" Ano ba ang pinuputok ng butsi nito at putak ito nang putak?
"Hindi mo talaga ako kakausapin? Sige, in count of three pag 'di mo 'ko kinausap, hahalikan kita." Medyo isip bata siya sa ginagawa niya. Ngayon ko lang napagtanto, unti-unti nang lumalabas ang ka-jejehan niya sa katawan. Ganito ba talaga ito?
"One."
"Two."
Mabilis akong umupo sa kama at tinignan 'to nang masama bago magsalita, "ano ba kasing problema mo? Magkasama lang naman kami, walang masamang ginagawa okay? Chill ka lang diyan fake boyfriend."
"Shut up, baka may makarinig sa 'yo," galit na galit, gusto manakit. Kanina gusto niya ako pagsalitain ta's ngayon shut up daw ako? Ewan ko na talaga sa lalaking ito. Nakaka-stress.
"Ewan ko sa 'yo, pinapa-stress mo bangs ko." Humiga na ulit ako sa higaan habang nakatingin sa kanya. Walang emosyon ang lumalabas sa mata nito, hindi ko alam kung bakit gustong-gusto ko 'yon titigan. Nahihiwagaan lang talaga kasi ako sa mata niya. Kuhanin ko na lang kaya 'yon upang malaman ko kung ano ang nakatago ro'n na pilit niya tinatakpan sa pamamagitan ng pagpapakita ng walang emosyon. Galing ko talaga mag-isip.
"Isang lapit mo pa kay Adrian, may gagawin talaga akong hindi mo magugustuhan," pananakot nito.
"Kunware natakot ako," pang aasar ko.
Sinamaan naman ako nito nang tingin.
"Magseryoso ka nga," inis na inis na 'to kaya 'di ko mapigilan ang sarili na tumawa.
"Edi magseseryoso na, ano ba kasi ang pinaglalaban mo?" Seryoso naman ako nitong tinignan.
"Ba't ka sumama kay Adrian?" he asks. Ito na ba ang pinaglalaban niya? Jusko. Parang ama ko naman 'to kung makatanong e'.
"Kasi boring, 'di naman ako ine-entertain nang isa riyan kasi may nilalanding iba, alangan naman magmukmok ako diba?" pabalang na sagot ko. Obvious na no'n, kailangan pa itanong?
"Bakit? Nagseselos ka ba?" Bored ko naman itong tinignan at tinuro ang sarili ko.
"Ako? Nagseselos? Nagpapatawa ka ba? Hindi nga kita gusto e' kaya ba't ako magseselos hindi ba?" natatawang tanong ko. Bigla na lang nag-iba ang awra nito at naging cold na pagkatapos ko sabihin ang katagang 'yon.
"Oo nga naman, 'di rin naman ako magkakagusto sa katulad mong pangit," huling sambit nito bago lumabas ng silid.
"Oh? Anyare na naman sa isang 'yon?" Aba, wala naman siguro akong nasabing masama para mag-walkout 'yon? Aish, minsan ang sarap niyang gawin na palaka, wala talaga akong naiintindihan sa mga kinikilos nito.
"Gusto mong lumabas? Gumawa sila ng bonfire sa dalampasigan," napatingin naman ako sa pintuan nang biglang sumilip do'n si Venz. Umiling lang ako sa kanya at nagtalukbong ng kumot. Hindi nagtagal, narinig ko ang pagsirado ng pinto at kasabay no'n ang pag-vibrate ng cellphone sa tabi ko. Kinuha ko naman kaagad 'yon at tinignan kong sino ang caller.Naomi calling...Mabilis ko na itong sinagot, buti na lang tumawag ang bruha na ito, namiss ko ito e'."Hello."(Kumusta naman mga araw mo riyan sa Bulacan?)"Boring, kunin mo na nga ako, nagsasawa na ako sa pagmumukha ng Venz na 'yon," bagot na saad ko. Narinig ko naman ang pagtawa nito sa kabil
"Shut up! H'wag kang mag-topic tungkol sa kuya ko kung ayaw mong mawalan ng dila," seryosong saad nito at saka pumasok na kami sa opisina niya. Katakot naman 'to mapikon. Tumahimik naman ako kaagad at kunyaring ni-lock ang labi sabay tapon ng susi sa malayo. Kaagad naman niyang napansin ang ginawa ko."Ginagawa mo?" Magkasalubong ang kilay niyang nakatingin sa 'kin. Hindi ko 'to sinagot. Paano nga ba ako makakasagot e' naka-locked nga 'yong labi ko. Tinatamad akong hanapin ang susi sa loob ng opisina niya.Mas lalo namang sumama ang mukha nito. "Ano? Hindi ka magsasalita? May saltik ka 'atang babae ka." Gusto ko sana siyang bulyawan dahil sa sinabi niyang may saltik ako. Ang dami niyang alam, mas mabuti pang itulog na lang niya 'yan. Bwisit.May saltik din naman siya sa utak
I was busy washing the dishes when I saw Naomi heading in my direction. Nang malapit na ito, she whispered something in my ear. "Nandito jowabels mo with a girl," she said. Sinundan ko ang tinuro nito at nakita ko si Venz na may kasamang babae, masayang nag-uusap ang dalawa. Hindi ko kilala ang kasama niyang babae, teka nga lang, bakit ba andaming babae nakapaligid kay Venz? Babaero siguro ito. Char, judgmental ka self? "Three chicken soup and one giant pineapple pizza at Celine gusto po raw noong nag-order na ikaw ang magdala sa in-order nila sa table," sabi ng kasamahan ko. Nagsimula namang kumunot ang noo ko. "Sino ba 'yong nag order?" curious na tanong ko habang sinasabunan ang mga plato.
Tumingala ako at tinignan kung sino ang nagsalita at napag-alaman kong si Venz 'yon. Anong ginagawa niya rito? Mas lalo nitong hinigpitan ang pagyakap kaya mas lalo rin akong napasubsob sa dibdib nito at amoy na amoy ko ang mabango nitong perfume. "Ako ang nauna," sagot ni Adrian. Hindi ko makita kung ano ang itsura ng dalawa sapagkat 'yong mukha ko nakadikit sa dibdib ni Venz. "I know but I'm the fiance," Venz respond. Ayaw talaga nitong magpatalo at sa tingin ko, ngumingiti ito ngayon sa kuya niya habang sinasabi ang katagang 'yon. "Fine. See you next time, Celine..." Narinig ko naman ang pagharurot nang sasakyan kaya nasabi kong umalis na 'to.
Nandito pa rin si Venz sa apartment, at pareho kaming nakasilip ngayon sa labas ng bintana habang minamasdan ang malakas na pagbuhos ng ulan.Nagsimula na ring bumaha sa kalsada.Nakalimutan ko, may binalita pala kahapon tungkol sa bagyo na tatama sa kalapit naming lugar. Kaya naapektuhan pa rin kami dahil sa habagat na dala nito.Naisipan ko naman na magtimpla ng gatas, maganda kasing i-pares 'yon sa malamig na panahon. Pagkatapos ko magtimpla ay bumalik kaagad ako sa pwesto ko kanina."Mukhang hindi na 'ata titila ang ulan ngayon," rinig kong saad ni Venz na nasa tabi ko. Tahimik na sumang-ayon naman ako sa 'king isipan."Pwede ba na dito na muna ak
Mabilis akong umikot at sinikmura ko ang babae gamit ang tuhod dahilan upang mapahawak siya sa parte na 'yon hanggang sa mapasalampak sa sahig.Akala ko susugod 'yong dalawang kaibigan niya bagkus tinulungan lang ng mga ito na makatayo ang kaibigan nilang napuruhan."Bitch, may araw ka rin sa 'kin," huling sambit bago tumalikod at umalis na silang tatlo sa restaurant.Sa wakas natapos rin."Tapos na po ang show, bumalik na ulit kayo sa ginagawa niyo," sigaw ni Aiza.Tinignan ko ang natapon na pagkain sa sahig, walanghiyang babaeng 'yon dapat pala hindi ko muna 'yon pinaalis hangga't hindi nito nalilinis ang kalat na nagawa niya.
It's an immense miracle that Venz didn't show up. Maybe, he had been eating something poisonous that results from refraining himself in the past few days.I remember the last time he sent me to my apartment. His face was enigmatic, and I couldn't understand what he was thinking.Somehow, his absence of presence was a good thing for me because I could work properly and concentrate.Coldness wrapped my body, and I was freezing because of it, which I didn't know where it came from.I'm feeling sick, for sure that's the main reason.Nagtalukbong naman ako ng kumot.I told Naomi about this and she let m
I hissed. Kung ayaw niya maniwala, edi huwag."I'm not forcing you to believe in it," inis kong pahayag.I don't want to answer his queries. Bahala na siya mag-isip ng kung ano-anu."Ano pa ang hindi mo sinasabi sa 'kin? May iba ka pa bang tinatago?" Hindi ba siya nauubusan ng katanungan? Sumulyap naman ako sandali sa lalaki, at nakita kong lumakad na siya papalapit sa 'kin."Sekreto nga diba? Pag sinabi ko sa 'yo edi hindi na sekret ang tawag doon."I heard him uttered 'tsk' at tumahimik na.Nakaka-limang subo na ako bago tumigil sa pagkain. Nakakawalang gana kumain.
Naging maganda ang gising ko kinabukasan. What happened last night is still fresh inside my memory. Those sugar coated words feels like I am going to inject insulin in my body to make sure that my sugar level would be balance at baka mamaya magka-diabetic ako dahil sa pinagsasabi ni Pikachu kagabi. Lumabas na ako sa silid at bumaba. I was shocked when I saw a figure of Kena, turning her back on me while preparing for breakfast. Tumakbo na ako palapit sa kanya at niyakap siya mula sa likod. "I miss you." Halata naman na nagulat ito sa ginawa ko at muntik na niya mabitawan ang hawak na plato. Nilagay ni Kena ang plato sa lamesa at saka ako hinarap. "Muntik na 'yon." Sumimangot naman ako sa kanya. I was just ex
"Goodluck sa date ninyo ng Pikachu mo." Napailing ako, mapapansin mo talaga ang pang-aasar sa boses ni Naomi. Blood rises up to my face. "Shh… nakakahiya baka may makarinig sa 'yo." Nilibot ko ang tingin sa paligid, mabuti na lang at malayo ang mga tao sa 'min. Si Naomi talaga, putak nang putak. Tinapik niya ang balikat ko habang tumatawa. "Sige na, gora." I bid my goodbye to her and stepped out of the restaurant. Naghihintay ako ng sasakyan sa gilid ng kalsada. May nakita naman akong taxi na walang pasahero sa loob kaya kaagad ko 'yon na pinara. Kaso, shuta hindi tumigil sa harapan ko. Ayaw ba ng driver ng magandang pasahero? An
Kanina pa ako nakatingin sa repleksyon ko sa salamin. Because of what Pikachu said last night, I cannot sleep peacefully. Laging sumasagi sa isipan ko ang sinabi nito. Kaya ngayon, mukha akong zombie dahil sa laki nang eyebags na nakuha ko. Is he serious about the text he sent me last night? I couldn't help myself, but was thrilled by him. I stand. I need to be fresh, kaya maliligo na ako. I walk towards my closet and pick a towel then slung it over my shoulder before going to the bathroom. I take off my clothes and turn on the water and set the water temperature to warm, which makes me comfortable when having a shower. I step carefully into the shower and I feel the water flow all over my body. Ninana
"How was it?" Napatingin ako sa kanya habang hawak-hawak ang stick ng isaw. Binigyan ko ito ng thumbs-up at nagpatuloy sa pagkain.Naalala ko tuloy ang reaksyon ko kanina nang makita ko ang mga hinanda ng waiter.(Flasback)"Love what you saw? It's your favorite." Natulala ako sa iba't ibang klase ng street foods sa harapan."Hindi mo ba gusto? I remembered when we had our first date, gusto mo sa street foods kasi nga paborito mo kaya 'yan na lang ang naisipan kong ihanda ngayon." I looked at him, napakamot ito sa ulo at pilit na ngumiti.Siguro napansin niya ang reaksyon ko. Akala siguro nito na hindi ko nagustuhan ang nakahanda ngayon.
This day creeps me out. Adrian keeps on texting me while Venz treats me better and for me it was unusual.Napatingin ako sa cellphone nang bigla itong nag-vibrate.Why aren't you answering my text nor calls?Mabilis kong pinatay at nilagay ang cellphone sa hita. Gamit ang kamay, tinaas ko ito at ginawang pamaypay sa sarili. I tried to slap my face, both left and right and i could feel the pain.Ibig sabihin, hindi ito panaginip. I was about to slap my face again, but this time I will make it harder. Eyes closed, left hand ready then suddenly I heard a voice come from the pikachu boy."What are you doing? Are you nuts for hurting yoursel
Venz's Pov:I'm baffled. Hindi ko alam. Bakit nga ba gano'n na lang ang reaction ko kanina?"Fuck, what Felix said wasn't true, I'm not falling with that innocent girl."'You are, you just keep on denying it.'"Shut up!" I shout at my inner mind.Napahampas naman ako sa manibela habang nagmamaneho. Hindi ko namalayan na sa aking pagpapatakbo, dinala ako nito sa boneyard kung saan inilibing ang katawan ni Rina.I really missed the smile and laughter she used to give me. I'm sorry Rina for being selfish. It's my fault.
Mabilis kong kinuha ang cellphone nang bigla itong nag-vibrate sa bulsa. Bumungad sa 'kin ang text galing kay Adrian. I read what was being written in the message. Can I talk to you for a minutes? Nasa labas ako ngayon sa pinagtatrabahuhan mo. Ano naman kaya ang sadya nito? Tinanggal ko ang apron na suot at nagpaalam sa mga kasamahan ko sa trabaho. "Nandyan ba bebe mo, Celine? Pakilala mo naman kami," sabi ng isang kasamahan ko at tumawa ito kasama ang iba pa. "Hindi, isang kaibigan lang, may importante 'atang sasabihin." Halata namang hindi sila naniniwala sa sinabi ko. Hinayaan ko na lang ang mga ito kung ano ang isipi
Venz's Pov: I admit, I was a fucker before, insensitive one, and a playboy indeed. But, that was before, after what happened to Rina, realization hit me. I'm so busy that I forgot, I had a girlfriend at that time. I don't like her nor hate her. Niligawan ko lang ito dahil alam kong gustong-gusto ni Adrian ang babae. I thought courting her would be challenging but it turns out na may gusto pala ito sa 'kin kaya hindi naging mahirap na ligawan ang babae. After weeks of courting, sinagot na ako nito kaagad. A month of being in a relationship was okay, not until I got bored and started finding girls that would satisfy me in bed. Rina is innocent, I can't ask her virginity. That day, my mind is filled
Mabilis akong lumabas sa kompanya. Sana pala hindi na lang ako pumunta sa lugar na ito kung gano'n lang din naman pala ang maabutan ko.Nakakainis."Wait Celine!"Natigil ako sa paglalakad at pumikit nang mariin nang marinig ko ang boses ni Venz. I breathe deeply trying to compose myself.Namulat na ako at ngumiting humarap sa kanya. Nakita ko ang magulo nitong buhok at ang pulang mantsa sa kayang polo."Yes?" I put my hands on my back, hiding my trembling hands.Inayos nito ang kanyang polo at seryosong tumingin sa 'kin. "What you saw–"