"Then, what did you do when you saw him? The guy who ghosted and devirginized you..." pagtatanong ko rito. Hindi kasi natuloy ang chika namin kagabi kasi pareho kaming pagod at kaagad na bagsak ang katawan sa higaan.
Kaya naisipan namin na ngayon na lang. Actually, kanina pa kami nagsisimula kaya malapit na rin maubos ang tissue ko sa kakaiyak niya. Bruhang ito, akala ko nakalimutan at hindi na mahal ang ex pero ngayon, mapapansin mo talaga na hindi nawala ang pagmamahal nito sa lalaking 'yon.
"Sinapak ko siya," sagot nito at kumuha ulit ng tissue at saka tapon ulit nito sa sahig. Ginawa pang trashcan 'tong maliit na apartment ko.
"Ha?" 'di makapaniwala na tanong ko.
Marunong ba ito sumapak? Kahit nga lamok ayaw nito patayin o saktan e', tao pa kaya?
Suminghot naman 'to ulit bago sumagot, "syempre biro lang, ayon gusto niya raw akong kausapin tungkol sa nangyari sa 'min no'n pero 'di ako pumayag. Tumakbo ako palayo sa kanya at 'yon ang time na nakita kitang nakatayo."
Hindi ako saksi sa pag-iibigan nilang dalawa pero ramdam ko kung gaano kasakit para sa kanya ang nangyari sa kanila ng ex-lover niya base na rin sa kwento nito sa 'kin.
Umisip naman ako nang paraan upang maiwasan ang sakit na nararamdaman nito, at makalimutan man lang saglit ang pagkikita nila ng ex-lover niya.
"Gumala na lang kaya tayo ngayon para naman maibsan ang sakit na nararamdaman mo?" suggest ko rito pero umiling lang ito habang sumisinghot. Siyempre hindi pwede 'yon, ako naman dapat ang masunod ngayon kaya ang ginawa ko binato ko siya ng unan sa mukha, revenge sa paghagis niya ng damit sa mukha ko kahapon. Sinamaan naman ako nito ng tingin, as if na matatakot ako, duh.
"Bakit ka ba nangbabato?!" inis nitong tanong. I rolled my eyes, para sa kanya rin naman ito.
"Linisin mo na 'yang kalat mo, gagala tayo, goraa!"
Wala itong nagawa at sinunod ang sinabi ko, nilinis nito ang kalat na tissue sa paligid. Pero habang ginagawa 'yon, narinig ko pa rin ang konting hikbi nito.
"Basta libre mo ah," sabi nito.
Inikutan ko naman 'to ng mata bago sumagot, "ikaw ang may pera sa 'ting dalawa kaya libre mo."
Napangiwi naman 'to sa sinabi ko.
"Tignan mo, siya ang nag aaya pero 'di naman manglilibre."
Nag-peace sign lang ako rito. Paano ko ba kasi siya ililibre e' maliit lang ang pera na meron ako, sahod niya sa 'kin sa pagtatrabaho sa restaurant.
Tumulong na ako sa pagligpit ng kalat niya upang mabilis matapos. Pagkatapos namin ligpitin ang mga kalat ay lumabas na kami kaagad sa apartment at sumakay na sa kotse nito.
Dumaan muna kami sa paborito naming street foods at kumain. Paborito naming dalawa 'yon e'. Habang nasa biyahe na ulit kami ay nabigla naman ako sa tinanong nito.
"Ikaw, anong nangyari sa 'yo sa bar kagabi ba't parang galit o inis na inis ka? Salubong kasi ang kilay mo," pagtatanong nito.
Naalala ko na naman tuloy ang nangyari sa 'kin kagabi. Nagsimula na akong magkwento sa kanya tungkol sa nangyari kagabi habang namumuo na naman ang galit sa kaloob-looban dahil naaalala ko ang pagtawag sa 'kin no'ng lalaki na brat.
Pagkatapos kong magkuwento, tinawanan lang ako nito.
"Kung alam mo lang 'yong pagtitimpi ko…," gigil na saad ko rito.
"Gwapo ba 'yan, Celine?" tanong nito at pilit ko naman inalala ang mukha ng lalaki
"May mukha pa rin naman," plain na sagot ko. Hindi ko kasi masyadong pinagtuunan nang pansin ang kabuuan ng mukha ng lalaki dahil sa mata lang ako nito naka-focus. Mata nito'y napakamisteryoso para sa 'kin. Hindi ko alam pero parang gusto ko ulit 'yon makita na ayaw kasi pag naaalala ko 'yong utang ko sa pagbasag ng cell phone nito, natatakot ako sa maaaring isingil nito.
I hope hindi ko ulit makikita ang lalaking 'yon sapagkat wala akong perang pambayad dito.
Narating na namin ang paroroonan kaya kaagad kami naghanap ng space kung saan ito ipaparada. Isang minuto rin ang lumipas bago kami makahanap ng bakante. Lumabas na kami sa sasakyan at pumasok na sa loob ng mall.
"Anong bibilhin mo, Celine?" tanong nito. Nagkibit-balikat lang ako bago sumagot, "mag wi-window shopping, wala akong pera pambili e'."
Char, meron talaga akong pera, medyo kuripot lang ako.
"Hay nako. Libre ko nga kasi alam ko namang 'yang pera mo ngayon ay gagamitin mo pa sa kakailanganin mo sa apartment." Kuminang naman kaagad ang mata ko nang marinig ko ang salitang 'libre'. Ang lakas ng impact dahilan upang lumiwanag ang mundo ko.
Libre, come to mama Celine now.
Nagdaan ang ilang oras, tumigil na kami sa pagkuha ng mga kung anu-ano at tumungo na kami ngayon sa counter upang bayaran ang kinuha namin. Nag-representa naman si Naomi na 'to na lang daw ang magbabayad kaya nag-paiwan na lang ako sa isang gilid habang hinihintay siyang matapos.
Habang hinihintay si Naomi ay bigla akong nakaramdam ng isang bagay na pumatong sa 'king balikat, kung hindi ako nagkakamali ay kamay 'yon ng isang tao. Mabilis ko 'yong hinawakan at hinila. Inipit ko ang braso nito gamit ang kili-kili at saka inikot dahilan upang sumigaw 'to sa sakit.
"Ouch! Hey stop it!"
Napatingin tuloy 'yong ibang tao sa 'min ngayon.
Mabilis ko namang binitawan ang kamay ng taong 'yon. Hinarap ko ito at nakita ko kung kaninong kamay 'yon. Base sa nakikita ko, medyo nasaktan ang lalaki.
Tinignan ko ang tatlong nilalang sa harapan ko ngayon, wait, ba't parang pamilyar ang mukha ng mga 'to maliban sa isa.
"Who are you?" tanging tanong na lumabas sa 'king bibig. Tinignan ko 'yong isa, minamasahe nito ang kanyang braso. Napuruhan ko 'ata talaga.
"Pinapapunta ka ni Venz do'n." May tinuro naman 'to at napansin ko ang lalaking nakatayo sa 'di kalayuan ngunit hindi ko ito nakilala dahil sa suot nitong hoodie. Kunot ang noo ko dahil sa aking pagkakaalam, wala akong kilalang tao na may pangalang Venz at higit sa lahat 'di ko kilala ang tatlong tao na nasa harapan ko ngayon.
"Scam ba 'to? Kung scam 'to h'wag niyo akong biktimahin baka kidnapper kayo, sige, sisigaw ako rito at magwawala," pananakot ko sa mga 'to. Paano pag ito pala 'yong pinadala ng mga tauhan ng amang hari para hanapin ako? Jusko, h'wag naman sana.
"Sa gwapo naming 'to? Pinaghihinalaan mo kaming mga scammer at kidnapper?" Tinaasan ko naman ng kilay 'tong nagsalita. Medyo humangin saglit dahil sa sinabi niya.
"How can I trust someone I don't even know?"
Napakamot naman sa batok ang isa sa kanila at pagkatapos ay nagbulungan ang tatlo.
"Edi magpapakilala kami. Ako si Felix," pakilala nitong naka-black t-shirt. Mukha
'tong seryosong tao, wala man lang akong emosyon na nakita sa mata.
"Gabriel nga pala," pakilala naman ng isa na may bonet. Ngumiti naman ito sa 'kin kaya tinaasan ko ito nang kilay. Mukhang babaero.
"Khel at ngayon kilala mo na kami, pwede bang sumama kana? Nababagot na si Venz ngayon panigurado." Wow naman, demanding naman pala e'.
Mukha namang maaasahan ang tatlong ito kaya pumayag na rin ako sa gusto nila kalaunan. Pag talaga modus ito, 'di talaga sila masisikatan nang araw bukas. Pinuntahan na namin ang nagngangalang Venz, kung sino man ang alien na 'yan.
Nang nasa tapat na kami...
"Ito na siya, 'di mo naman sinabi na sadista, nasaktan tuloy braso ko." Tinignan ko nang masama itong Gabriel dahil sa sinabi niya. Umiwas naman kaagad ito ng tingin habang minamasahe ang nasaktang braso.
Nakatalikod sa 'min 'yong Venz. Pagkaharap nito, parang nag-slow motion lahat. Doon ko natukoy ang Venz na sinasabi ng tatlong tukmol na 'to. Bumagsak ang panga ko sa nalaman. Napakurap-kurap pa ako.
"Iwan niyo muna kami," utos nito sa mga kaibigan niya. Kaagad namang sumunod ang tatlo pero bago nakalayo ang naka-bonet, may binulong muna 'to sa 'kin, "mag-ingat ka sa lalaking 'yan, nangangain pa naman 'yan, rawr."
Napalunok tuloy ako sa sarili kong laway dahil sa binulong ni Gabriel. Tumingin ako kay Venz at nakita kong tinapunan nito ng masamang tingin ang naka-bonet bago tumuon ang mata nito sa 'kin.
Titig na titig ito sa 'kin. Alam ko naman na maganda ako pero nakaka-conscious naman 'yang ginagawa niya.
"Ehem, baka matunaw ako," mahinang pahayag ko.
"Tsk." Aba, suplado.
"Anong kailangan mo? Kung tungkol 'yan sa cell phone mo, sinasabi ko sa 'yo wala akong sapat na pera para bayaran 'yon." Inunahan ko na kaagad ang lalaking ito. Alam ko naman na tungkol doon ang sadya nito sa 'kin.
Kinakabahan tuloy ako ngayon pero hindi ko pinapahalata. Ba't kasi nagkita pa kami ulit ay este ba't niya ako nakita? Sinusundan ba ako nito?
Kung alam ko lang sana na ganito ang mangyayari edi sana nag-stay na lang kami buong araw ni Naomi sa bahay. Kaso nga lang wala naman akong kapangyarihan upang makita ang hinaharap.
"I know, now, I want you to do something for me." Napayakap tuloy ako bigla sa sarili ko dahil sa sinabi nito.
Kumunot naman kaagad ang noo ni Venz dahil sa ginawa ko. "What are you doing?"
"Kung sex 'yan, h'wag ako." Ayokong mawala ang virginity ko, magkakapatayan muna kami bago niya 'yon makuha.
Advance ka girl.
Aba, dapat lang maging advance tayo sa pangyayari.
"Bolang, hindi ako papatol sa pangit, may taste ako sa babae." Tangina ito, tinawag akong pangit. No'ng una brat ngayon naman pangit, nakakadalawa na ito sa 'kin ah. Baka 'di ako makapagpigil at masikmura ko ito.
Pag talaga siya ang nakaharap at nakausap ko, mapapamura ka na lang talaga.
"Ano ba kasing kailangan mo?" curious kong tanong. Jusko. Baka hinahanap na ako ni Naomi ngayon, ba't kasi nakalimutan kong magpaalam dito.
"Be my fake girlfriend."
"What?!" Gulat naman ako sa sinabi ng lalaking 'to. Napatakip kaagad ako sa bibig nang bigla kaming tingnan ng mga tao sa paligid.
Tignan mo ito, pagkatapos akong tawaging pangit ngayon naman ay gusto niya ako maging fake girlfriend. Masyado naman 'ata itong sinuswerte.
"Can you shut up? I have my reasons kung bakit ko 'to sinabi. Gusto ng mga magulang ko na may maipakilala akong girlfriend sa kanila at temporary lang 'to, 5 months contract," paliwanag niya habang inaayos ang buhok.
"Akala ko ba pangit ako at may taste ka? Ba't ako ang pinili mo, marami pa namang iba riyan?" Sus. Pakipot pa 'tong lalaking 'to, may crush lang ito sa 'kin e' at dinadaan lang sa fake girlfriend at contract.
"I have no choice, pwede ka na, hindi ka naman masyadong pangit, 'di nga lang din maganda." Nakaka-insulto na 'to ha.
"Sumosobra ka na!" inis na sigaw ko. Hindi ko mapigilan na sumabog sa sobrang inis. Maganda kaya ako. Who you talaga 'to sa 'kin pag ni-reveal ko ang totoong ako.
"Ba't ka galit? Totoo naman at saka pag pumayag ka, 24 thousand sahod mo sa 'kin kada linggo at 'di na kita sisingilin sa pagbasag sa cell phone ko."
Wews, saglit naman akong napaisip sa sinabi niya.
24 thousand kada linggo? Wow! Yayamanin talaga ang isang 'to, aayaw pa ba ako? Anlaki nang pera na in-offer sa 'kin. Sayang naman at saka madali lang naman siguro maging fake girlfriend nito diba?
"Oo na, oo na, pasalamat ka mabait ako."
"Ang sabihin mo, nagandahan ka sa offer ko."
"Nyenye."
"Give me your phone." Tumaas naman ang kilay ko. Aba, alam naman siguro nito ang salitang privacy?
"Privacy, okay?"
"Tanga, is-save ko lang number ko. Paano kita maco-contact kung wala akong numero mo diba?" Ay tanga. Medyo napahiya naman ako ro'n. Pero nakakatatlo na sa 'kin ang lalaking ito. Iba na naman ang tinawag sa 'kin. Seriously, hindi ba siya nauubusan no'n?
Pasalamat talaga siya na nagandahan ako sa offer niya kaya medyo good mood ako. Kinuha ko na ang cell phone sa loob ng sling bag at binigay 'yon sa kanya.
Nilabas naman nito ang sariling cellphone. Wow, new phone ang kumag. Edi siya na mayaman. Pagkatapos niyang i-save ang numero ko sa cellphone nito at numero niya sa cellphone ko ay sinauli na nito sa 'kin 'yon. At walang sabing umalis pagkatapos.
Wala man lang 'goodbye' or kahit anong paalam man lang? He took a French leave.
Wala talagang modo ang lalaking 'yon. Bigla namang nag-vibrate ang phone sa 'king kamay kaya tinignan ko 'yon kaagad.
Nagulat ako sa name na nilagay niya sa contact list ko. Boyfriend pogi kasi ang nilagay like damn, namumula tuloy ako. Hindi ko alam na may pagka-jejemon din pala ang isang 'yon.
'See you tomorrow'
'Yan ang nakalagay sa message niya. Aish, ibig sabihin makikita ko na naman siya bukas.
Bumalik na ako sa counter kung saan ko iniwan si Naomi at nakita ko itong nasa tapat ng guard. Mukhang tapos na 'ata 'to. Nilapitan ko ito kaagad. Napansin naman ako nito kaya kaagad akong binatukan.
"Saan ka ba nanggaling? Biglang nawawala e' tagal pa bumalik," naasar nitong sabi.
Sobrang sama ng timpla ng kanyang mukha. Galit na galit, gustong manakit ay binatukan na pala ako nito.
"Kwento ko pagdating sa apartment," tanging sabi ko na lang at tinulungan siya pagbitbit sa mga binili namin.
***
"Pumayag ka ba sa offer niya?" tanong ni Naomi sa 'kin. Pinag-uusapan na namin ang nangyari kanina sa mall. Tumango naman ako rito bago sumagot, "ang ganda ng offer kaya sino ang makakatanggi?"
Sumang-ayon naman kaagad ito sa sinabi ko.
"Pero 5 months 'yon, baka mahulog ka sa kanya which is posibleng mangyari. Marami na akong nababasang gan'yan sa w*****d e'."
I rolled my eyes. Pag talaga adik ka sa w*****d, lahat ng bagay ay maiko-kompara mo talaga ro'n.
"Hindi 'yan," paninigurado ko. Napaka-imposibleng magugustuhan ko 'yon, walang modo e'. Iniwan ba naman ako kanina nang wala man lang paalam.
At saka kakayanin ko naman siguro ang 5 months na hindi mahuhulog sa kanya. Madali lang tapusin ang buwan na 'yon. Kaya mo 'yan, Celine. Kinaya mo nga na 'di bumalik sa palasyo na lagpas sa 5 months, 'yan pa kaya.
Nagpatuloy ang kuwentuhan namin ni Naomi hanggang naisipan nitong umuwi sa bahay dahil may aasikasuhin pa 'to sa negosyo niya.
Ibig sabihin, mag-isa na naman ako sa munti kong apartment. Humiga na ako sa kama, wala naman akong masyadong ginagawa kaya matutulog nalang ako. Pagod din kasi ako sa ginawa naming ikot sa loob ng mall.
Ganito ka boring ang buhay na meron ako, ganito pag hindi ka masyadong fan ng galaan. Nasa bahay lang, tamang nood ng TV, kain at saka tulog.
***
Kinabukasan, maaga akong nagising dahil sa tunog nang cell phone. Aga-aga may tumatawag. Marunong ba 'yong umintindi na natutulog pa ang mga tao pag 5 A.M? Langya.
Heto ako ngayon nagbibihis, tumawag kasi si Venz kaninang five upang sabihin na susunduin niya ako ngayon. May pupuntahan daw kami ngunit hindi ko alam kung saan. Wala naman itong nabanggit.
Hindi ko rin alam kung bakit niya nalaman kung saan ako nakatira. Ah, baka stalker ko 'yon. Omaygad! Lord, ba't walang modo naman ang binigay mong stalker sa 'kin? Ayoko na talaga sa Earth.
Mabilis kong kinuha ang cell phone nang tumunog ito.
Boyfriend pogi calling...
Kumunot naman ang noo ko at sinagot na ang tawag.
"Ano? Aga mo naman," sabi ko rito pagsagot.
(Bilisan mo nga, nandito na ako sa labas.)
Sumilip naman ako sa labas ng bintana at nakita ko ang kotse nito na nakaparada.
"Edewaw," tanging sabi ko at mabilis na pinatay ang tawag. Binilisan ko na ang pagkilos. Ni-message ko na rin si Naomi na hindi ako makakapasok ngayon sa restaurant.
Lumabas na ako at bumaba ng apartment. Napansin ko siya sa labas ng kotse na bad mood 'ata.
"Oh, bakit ganyan ang mukha mo?" tanong ko.
"Ba't mo 'ko pinatayan?" inis nitong tanong pabalik.
"Oh, ikamamatay mo ba pag pinatayan ka? Iniwan mo nga ako kahapon na walang pasabi e'. Patas na tayo," sumbat ko. Ano ka ngayon? Nag 'tsk' lang ito bago pumasok na sa loob ng sasakyan.
"Hindi mo man lang ba ako pagbubuksan?" iritado kong tanong. Ganito ba siya sa ex niya dati? 'di man lang ako pinagbuksan upang makapasok.
"May kamay ka naman kaya gamitin mo." Ano pa nga bang aasahan ko sa isang ito? Pinanganak na 'ata 'tong walang modo plus ungentleman pa ang kumag. Inis kong binuksan ang pintuan nitong sasakyan at pumasok na. Nag-seatbelt na rin ako and later on, tahimik na pinaandar nito ang sasakyan.
Sa kalagitnaan ng biyahe ay tinanong ko ito. Aba malay ko ba kung saan kami pupunta baka dalhin niya ako sa lumang building o bahay para gahasain, omaygad!
"Saan ba tayo pupunta?" pagtatanong ko.
"Sa Bulacan—sa bahay ng mga magulang ko."
"What?!" Napalakas naman ang sigaw ko dahilan upang tapakan nito bigla ang break.
"Aray! Mag ingat ka nga!"
"Don't shout, nakakabingi ka!"
"Aba sinisigawan mo rin naman ako ah!"
"Because you shouted first!"
"K. fine. whatever."
Saglit kaming natahimik. Pinaandar naman ulit nito ang sasakyan. At dahil hindi sanay ang ate niyo na tahimik, nagsimula na naman akong magtanong dito.
"Ba't 'di mo sinabi kanina na sa kanila tayo pupunta? Sana man lang in-inform mo 'ko para makapag-ayos ako nang maayos 'no," pahayag ko rito.
"Kahit naman anong ayos mo, wala namang magbabago. Pangit ka pa rin."
"Wow, nagsalita ang isang pangit din." Pero ang totoo hindi naman ito pangit, gwapo nga ang lalaking ito e' kaya lang ayokong lumaki ang ulo kaya pangit siya, pangit!
Hindi na ito nakipag-argue at bumalik na kami sa pagiging tahimik. Awkward na naman.
Mabilis kong kinuha ang cell phone at headset sa dala kong sling bag at nagpatugtog. Habang nakikinig ako ng kanta ay hindi ko mapigilan ang sarili na dapuan ng antok hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
"Gising." Napahawak naman ako sa pisngi dahil ramdam kong may dumapo ro'n at 'di nga ako nagkamali kasi nasundan na naman ito ng panibago. Isang sampal lang naman. 'Di naman masyadong masakit pero masakit konti. Minulat ko na ang mata at sakto namang sasampalin niya ulit ako nang mahuli ko ang kanyang kamay na handa na sanang dumapo sa mahiwaga kong mukha.
Tinapunan ko 'to ng masamang tingin.
"What are you doing?" galit na tanong ko.
"Waking you up, 'di ba obvious?"
"And by slapping my face?!" Iwinaksi ko ang kamay nito at tinignan sa salamin ang pisngi kong namumula na ngayon.
"Kanina pa kita ginigising pero ayaw mo naman magising, effective ng sampal 'no? Tsk, get out, nandito na tayo." Pinagmasdan ko naman kaagad ang paligid nang sabihin nito na nandito na kami.
Lumabas na ako at sinundan si Venz na papasok sa malaking bahay. Pero bago 'yon, sinalubong siya kaagad ng isang babae. Yumakap 'yon sa kanya at nakipag beso-beso.
Kumunot tuloy ang noo ko. Sino ba 'to? Girlfriend niya? Luh, sana ol may girlfriend.
"Why are you here?" malamig na tanong nito sa babae na ngayon ay nakadapo na ang kamay sa balikat ni Venz. Aba, maharot.
"May nasabi kasi si tita na uuwi ka raw ngayon kaya naisipan kong pumunta rito upang salubungin ka," sagot ng babae at dumapo naman ang tingin nito sa 'kin. "At sino naman itong babaeng kasama mo? Is she your maid?"
T-Tangina? Maid? Ako?
Napaturo tuloy ako sa sarili. "I'm not his maid."
"Oh, I thought you're his maid because you look like one. Sino ka ba sa buhay ni Venz?" Natigilan naman ako sa sinabi nito. Sino nga ba ako sa buhay ni Venz? Anong isasagot ko? Sasabihin ko ba na fake girlfriend ako nitong lalaking 'to? Ay tanga. Pag sinabi ko 'yon edi buking. Magsasalita na sana ako ngunit naunahan ako ng katabi ko.
"Meet my girlfriend, Celine and please excuse us." Nabigla naman ako dahil sa sinabi nito. Hinapit nito ang bewang ko at nagpatuloy na kami sa paglalakad ngunit hindi nakatakas sa 'kin ang nakakamatay na tingin galing sa babae.
"Sino 'yon? ex mo? Bagay kayong dalawa," sabi ko pero sinamaan lang ako nito nang tingin.
"Shut up, kapatid lang ang turing ko sa kanya," sagot nito. Oh, pero halata namang may gusto ang babaeng 'yon sa lalaking ito, manhid ba 'to? At saka mas mabuti siguro kung 'yon nalang ang ipakilala niya sa kanyang pamilya bilang girlfriend dahil panigurado naman na marami itong alam tungkol sa buhay ng lalaki.
Tumuloy na kami hanggang pumasok na kami sa isang silid. Namangha naman ako sa sobrang linis at ganda nang loob. Silid niya siguro ito, panlalaki rin naman kasi ang disenyo.
"Hindi pa dumadating ang parents ko kaya magpahinga ka kung gusto mo," saad nito. Sumampa naman kaagad sa ako sa kama niya at humiga. Sarap.
"Anong oras tayo uuwi mamaya?" tanong ko habang nakapikit ang mata.
"Five days tayo rito."
Napamulat naman kaagad ako ng mata at nag-squat sa higaan. "Omaygad! Ba't 'di mo sinabi kaagad para man lang makapagdala ako ng mga susuotin ko."
"Ako na bahala ro'n."
"Teka, h'wag mo sabihin dito rin ako matutulog sa kwarto sa 5 days na 'yon?!" Naisip ko lang. Hindi pwede 'yon baka 'di siya makapagpigil at kuhanin niya virginity ko.
"Malamang dito talaga pero h'wag ka mag-alala, sa sahig ka matutulog habang ako sa kama," sagot nito at lumabas na bago pa man ako makapag reklamo.
Aish, mamaya ko na lang iisipin kung saan ako matutulog basta ayoko sa sahig, 'di ako sanay. Sa ngayon, matutulog muna ako sa malambot niyang higaan, napagod ako sa biyahe e' kahit na wala naman akong ginagawa kundi matulog lang din.
"She's beautiful, right hon?" tanong ng ginang sa kanyang asawa. Venz dad nodded his head, a sign of being agreed of what his wife just said.Namula naman konti ang mukha ko dahil sa sinabi nang ina nito. Mabuti pa ang mag asawa, marunong pa pumuri hindi katulad ng isa riyan...At first, I thought they're strict and won't like me because of my appearance. I'm a nerd, nothing special but I was mistaken. They accepted me.I smile at them. They respond a smile too, then I felt his hand touching mine. Napatingin naman ako sa kanya at bumaba 'yon sa kamay namin. Tahimik lang 'to habang nakikipag-usap sa magulang. Napansin kong may sinuot 'tong singsing sa daliri ko. An engagement ring?"Actually mom and dad, I'm done pro
Lumakas naman ang kabog nang dibdib ko dahil sa sinabi niya. Gulat na gulat pero bago ako makapagsalita at i-depensa ang sarili na hindi ako 'yon. Naunahan na ako nito."Kidding," he starts laughing and continues making a castle. "Seriously, you look like one without glasses, can I remove it?"Mabilis akong umiling. Of course no."I don't want to. Hindi ako makakakita pag wala akong glasses na suot at madali rin akong mahilo at mahimatay." Sige, Celine ipagpatuloy mo 'yang drama mo."You have the accent in speaking tagalog at kung english naman medyo slang ka, half ka?" Ba't ba marami itong tanong? Mass communication ba ang kinuha nitong kurso sa college? Kulang na lang maging reporter ito sa balita e'.
"Gusto mong lumabas? Gumawa sila ng bonfire sa dalampasigan," napatingin naman ako sa pintuan nang biglang sumilip do'n si Venz. Umiling lang ako sa kanya at nagtalukbong ng kumot. Hindi nagtagal, narinig ko ang pagsirado ng pinto at kasabay no'n ang pag-vibrate ng cellphone sa tabi ko. Kinuha ko naman kaagad 'yon at tinignan kong sino ang caller.Naomi calling...Mabilis ko na itong sinagot, buti na lang tumawag ang bruha na ito, namiss ko ito e'."Hello."(Kumusta naman mga araw mo riyan sa Bulacan?)"Boring, kunin mo na nga ako, nagsasawa na ako sa pagmumukha ng Venz na 'yon," bagot na saad ko. Narinig ko naman ang pagtawa nito sa kabil
"Shut up! H'wag kang mag-topic tungkol sa kuya ko kung ayaw mong mawalan ng dila," seryosong saad nito at saka pumasok na kami sa opisina niya. Katakot naman 'to mapikon. Tumahimik naman ako kaagad at kunyaring ni-lock ang labi sabay tapon ng susi sa malayo. Kaagad naman niyang napansin ang ginawa ko."Ginagawa mo?" Magkasalubong ang kilay niyang nakatingin sa 'kin. Hindi ko 'to sinagot. Paano nga ba ako makakasagot e' naka-locked nga 'yong labi ko. Tinatamad akong hanapin ang susi sa loob ng opisina niya.Mas lalo namang sumama ang mukha nito. "Ano? Hindi ka magsasalita? May saltik ka 'atang babae ka." Gusto ko sana siyang bulyawan dahil sa sinabi niyang may saltik ako. Ang dami niyang alam, mas mabuti pang itulog na lang niya 'yan. Bwisit.May saltik din naman siya sa utak
I was busy washing the dishes when I saw Naomi heading in my direction. Nang malapit na ito, she whispered something in my ear. "Nandito jowabels mo with a girl," she said. Sinundan ko ang tinuro nito at nakita ko si Venz na may kasamang babae, masayang nag-uusap ang dalawa. Hindi ko kilala ang kasama niyang babae, teka nga lang, bakit ba andaming babae nakapaligid kay Venz? Babaero siguro ito. Char, judgmental ka self? "Three chicken soup and one giant pineapple pizza at Celine gusto po raw noong nag-order na ikaw ang magdala sa in-order nila sa table," sabi ng kasamahan ko. Nagsimula namang kumunot ang noo ko. "Sino ba 'yong nag order?" curious na tanong ko habang sinasabunan ang mga plato.
Tumingala ako at tinignan kung sino ang nagsalita at napag-alaman kong si Venz 'yon. Anong ginagawa niya rito? Mas lalo nitong hinigpitan ang pagyakap kaya mas lalo rin akong napasubsob sa dibdib nito at amoy na amoy ko ang mabango nitong perfume. "Ako ang nauna," sagot ni Adrian. Hindi ko makita kung ano ang itsura ng dalawa sapagkat 'yong mukha ko nakadikit sa dibdib ni Venz. "I know but I'm the fiance," Venz respond. Ayaw talaga nitong magpatalo at sa tingin ko, ngumingiti ito ngayon sa kuya niya habang sinasabi ang katagang 'yon. "Fine. See you next time, Celine..." Narinig ko naman ang pagharurot nang sasakyan kaya nasabi kong umalis na 'to.
Nandito pa rin si Venz sa apartment, at pareho kaming nakasilip ngayon sa labas ng bintana habang minamasdan ang malakas na pagbuhos ng ulan.Nagsimula na ring bumaha sa kalsada.Nakalimutan ko, may binalita pala kahapon tungkol sa bagyo na tatama sa kalapit naming lugar. Kaya naapektuhan pa rin kami dahil sa habagat na dala nito.Naisipan ko naman na magtimpla ng gatas, maganda kasing i-pares 'yon sa malamig na panahon. Pagkatapos ko magtimpla ay bumalik kaagad ako sa pwesto ko kanina."Mukhang hindi na 'ata titila ang ulan ngayon," rinig kong saad ni Venz na nasa tabi ko. Tahimik na sumang-ayon naman ako sa 'king isipan."Pwede ba na dito na muna ak
Mabilis akong umikot at sinikmura ko ang babae gamit ang tuhod dahilan upang mapahawak siya sa parte na 'yon hanggang sa mapasalampak sa sahig.Akala ko susugod 'yong dalawang kaibigan niya bagkus tinulungan lang ng mga ito na makatayo ang kaibigan nilang napuruhan."Bitch, may araw ka rin sa 'kin," huling sambit bago tumalikod at umalis na silang tatlo sa restaurant.Sa wakas natapos rin."Tapos na po ang show, bumalik na ulit kayo sa ginagawa niyo," sigaw ni Aiza.Tinignan ko ang natapon na pagkain sa sahig, walanghiyang babaeng 'yon dapat pala hindi ko muna 'yon pinaalis hangga't hindi nito nalilinis ang kalat na nagawa niya.
Naging maganda ang gising ko kinabukasan. What happened last night is still fresh inside my memory. Those sugar coated words feels like I am going to inject insulin in my body to make sure that my sugar level would be balance at baka mamaya magka-diabetic ako dahil sa pinagsasabi ni Pikachu kagabi. Lumabas na ako sa silid at bumaba. I was shocked when I saw a figure of Kena, turning her back on me while preparing for breakfast. Tumakbo na ako palapit sa kanya at niyakap siya mula sa likod. "I miss you." Halata naman na nagulat ito sa ginawa ko at muntik na niya mabitawan ang hawak na plato. Nilagay ni Kena ang plato sa lamesa at saka ako hinarap. "Muntik na 'yon." Sumimangot naman ako sa kanya. I was just ex
"Goodluck sa date ninyo ng Pikachu mo." Napailing ako, mapapansin mo talaga ang pang-aasar sa boses ni Naomi. Blood rises up to my face. "Shh… nakakahiya baka may makarinig sa 'yo." Nilibot ko ang tingin sa paligid, mabuti na lang at malayo ang mga tao sa 'min. Si Naomi talaga, putak nang putak. Tinapik niya ang balikat ko habang tumatawa. "Sige na, gora." I bid my goodbye to her and stepped out of the restaurant. Naghihintay ako ng sasakyan sa gilid ng kalsada. May nakita naman akong taxi na walang pasahero sa loob kaya kaagad ko 'yon na pinara. Kaso, shuta hindi tumigil sa harapan ko. Ayaw ba ng driver ng magandang pasahero? An
Kanina pa ako nakatingin sa repleksyon ko sa salamin. Because of what Pikachu said last night, I cannot sleep peacefully. Laging sumasagi sa isipan ko ang sinabi nito. Kaya ngayon, mukha akong zombie dahil sa laki nang eyebags na nakuha ko. Is he serious about the text he sent me last night? I couldn't help myself, but was thrilled by him. I stand. I need to be fresh, kaya maliligo na ako. I walk towards my closet and pick a towel then slung it over my shoulder before going to the bathroom. I take off my clothes and turn on the water and set the water temperature to warm, which makes me comfortable when having a shower. I step carefully into the shower and I feel the water flow all over my body. Ninana
"How was it?" Napatingin ako sa kanya habang hawak-hawak ang stick ng isaw. Binigyan ko ito ng thumbs-up at nagpatuloy sa pagkain.Naalala ko tuloy ang reaksyon ko kanina nang makita ko ang mga hinanda ng waiter.(Flasback)"Love what you saw? It's your favorite." Natulala ako sa iba't ibang klase ng street foods sa harapan."Hindi mo ba gusto? I remembered when we had our first date, gusto mo sa street foods kasi nga paborito mo kaya 'yan na lang ang naisipan kong ihanda ngayon." I looked at him, napakamot ito sa ulo at pilit na ngumiti.Siguro napansin niya ang reaksyon ko. Akala siguro nito na hindi ko nagustuhan ang nakahanda ngayon.
This day creeps me out. Adrian keeps on texting me while Venz treats me better and for me it was unusual.Napatingin ako sa cellphone nang bigla itong nag-vibrate.Why aren't you answering my text nor calls?Mabilis kong pinatay at nilagay ang cellphone sa hita. Gamit ang kamay, tinaas ko ito at ginawang pamaypay sa sarili. I tried to slap my face, both left and right and i could feel the pain.Ibig sabihin, hindi ito panaginip. I was about to slap my face again, but this time I will make it harder. Eyes closed, left hand ready then suddenly I heard a voice come from the pikachu boy."What are you doing? Are you nuts for hurting yoursel
Venz's Pov:I'm baffled. Hindi ko alam. Bakit nga ba gano'n na lang ang reaction ko kanina?"Fuck, what Felix said wasn't true, I'm not falling with that innocent girl."'You are, you just keep on denying it.'"Shut up!" I shout at my inner mind.Napahampas naman ako sa manibela habang nagmamaneho. Hindi ko namalayan na sa aking pagpapatakbo, dinala ako nito sa boneyard kung saan inilibing ang katawan ni Rina.I really missed the smile and laughter she used to give me. I'm sorry Rina for being selfish. It's my fault.
Mabilis kong kinuha ang cellphone nang bigla itong nag-vibrate sa bulsa. Bumungad sa 'kin ang text galing kay Adrian. I read what was being written in the message. Can I talk to you for a minutes? Nasa labas ako ngayon sa pinagtatrabahuhan mo. Ano naman kaya ang sadya nito? Tinanggal ko ang apron na suot at nagpaalam sa mga kasamahan ko sa trabaho. "Nandyan ba bebe mo, Celine? Pakilala mo naman kami," sabi ng isang kasamahan ko at tumawa ito kasama ang iba pa. "Hindi, isang kaibigan lang, may importante 'atang sasabihin." Halata namang hindi sila naniniwala sa sinabi ko. Hinayaan ko na lang ang mga ito kung ano ang isipi
Venz's Pov: I admit, I was a fucker before, insensitive one, and a playboy indeed. But, that was before, after what happened to Rina, realization hit me. I'm so busy that I forgot, I had a girlfriend at that time. I don't like her nor hate her. Niligawan ko lang ito dahil alam kong gustong-gusto ni Adrian ang babae. I thought courting her would be challenging but it turns out na may gusto pala ito sa 'kin kaya hindi naging mahirap na ligawan ang babae. After weeks of courting, sinagot na ako nito kaagad. A month of being in a relationship was okay, not until I got bored and started finding girls that would satisfy me in bed. Rina is innocent, I can't ask her virginity. That day, my mind is filled
Mabilis akong lumabas sa kompanya. Sana pala hindi na lang ako pumunta sa lugar na ito kung gano'n lang din naman pala ang maabutan ko.Nakakainis."Wait Celine!"Natigil ako sa paglalakad at pumikit nang mariin nang marinig ko ang boses ni Venz. I breathe deeply trying to compose myself.Namulat na ako at ngumiting humarap sa kanya. Nakita ko ang magulo nitong buhok at ang pulang mantsa sa kayang polo."Yes?" I put my hands on my back, hiding my trembling hands.Inayos nito ang kanyang polo at seryosong tumingin sa 'kin. "What you saw–"