Nagbigay galang pa sa kaniya ang lalaki bago tuluyang umalis habang naiwan siyang nagtataka. Hindi nagsabi sa kaniya si Hoven na may mission sila, palagi kasi itong nagsasabi sa kaniya tuwing may mission o di kaya kapag malalayo lang ito sa kaniya. Ayon sa lalaki ay alam niyang hahanapin siya ng dalaga kaya ayaw nitong pinag-iisip siya ng kung ano-ano.
Napailing si Sabrina dahil sa kaniyang mga naiisip. May tiwala siya sa lalaki kaya hindi siya mag-iisip ng kung ano-anong makakasama sa kanilang relasyon. Bumalik na lamang siya sa kanilang kwarto ngunit nadaanan niya ang kulungan kung saan siya unang dinala ng mga ito kaya pumasok siya doon upang bisitahin sila Aichan at Hannah.
“Good evening, lady Sabrina.” Nakayukong sabi ng nagbabantay na ikinangiti niya nalamang at tumango dito habang nagpatuloy siya sa paglalakad papunta doon.
“Ate Hannah, ate Aichan! Kamu
HINDI nga nagkamali si Hannah sa kaniyang mga sinabi. Tatlong araw magmula ng mission ni Hoven ay bumalik ito na ‘tila hindi na kilala si Sabrina at wala kang makikitang kaemo-emosyon sa muka nito. Ang mas Malala pa ay nakita ni Sabrina na may kasama siyang babae papasok sa kwarto nito.“Hoven mag-usap nga tayo!”Sigaw na sabi ni Sabrina nang hindi na niya makaya ang sakit na nararamdaman ng isang gabi at nakita niyang may dala nanaman itong isang babae.“Babe who is she?” taas kilay na sabi ng babae na mayroong maiksing dress na hapit na hapit sa katawan na siyang ikinalabas ng kurba nito at pumuputok na dibdib.“Go inside, I’ll talk to her first,” seryosong sabi ni Hoven na ikinatango ng babae at hinalikan ito sa harapan mismo ni Sabrina na ikinalaki ng mata niya at parang may tumutusok sa kaniyang
Sapat na kay Sabrina ang kaniyang nakita at narinig, agad siyang tumakbo paalis sa kwarto na iyon at pumasok sa kwarto nila at doon na umiyak ng umiyak dahil hindi na niya kaya. Nagtitiwala parin siya sa lalaki kahit pa na iba ang sinabi nito sa kaniya at kahit may mga babae itong dinadala doon ngunit dahil doon ay kung ano-ano na ang pumapasok sa isip niya katulad nalang na lahat ng babae na isinasama nito ay ganoon ang ginagawa nila.“Ahhh!”Napasigaw siya sa unan dahil sa sobrang sakit na nararamdaman habang si Hoven naman ay nakayuko na nakaupo sa ibaba. Hindi pinapansin ang maingay na boses ng babaeng kasama niya, unti-unting tumulo ang luha mula sa kaniyang mga mata.“I-I’m sorry my princess, I’m so sorry my princess.”Parehong naiipit sa sitwasyon, parehong walang alam sa katotohanan. Habang ang isang lala
Natigilan si Hoven dahil sa sinabi ng ama. Mag iisang buwan na magmula ng magpanggap siya na wala ng pagmamahal sa babae at kinakailangan niyang imaintain iyon para sa tiwala ng ama.“No! Ang gusto ko lang sabihin ay hindi ba siya ang kailangan natin para sa mga Devaux pero bakit ganiyan?!”Napaisip ang matanda dahil sa sinabi ng anak at napatitig dito at nakita niya ang pagkaseryoso ng anak. Kilailangan ni Hoven na itago ang kaniyang totoong nararamdaman upang hindi siya nito mahuli.“Tama ka son,”Naupo ito sa upuan nito habang nakahiga ng maluwag si Hoven dahil doon.“Kailangan na nating kumilos upang makuha natin ang attensyon ng mga Deavux. Hinahanap nila ngayon ang babaeng iyan.”DALAWANG buwan ang lumipas na nasa kulungan parin sila. Hindi natuloy ang pinaplano ng mga ito
PARANG walang buhay si Sabrina matapos nilang mahuli ni Xenna. Hindi niya inaasahan na basta-bastang may papasok sa kanilang tinitirahan at tututukan siya ng mga baril. Nakaupo siya ngayon sa loob ng isang van habang nasa tabi niya si Xenna na umiiyak at yakap-yakap niya. Alam niyang kahit na akong paki-usap niya sa mga ito ay hindi sila papakawalan. Nagawi ang paningin niya kay Hoven, noong makita niya ito kanina ay ang akala niya hinanap siya nito upang balikan ngunit hindi. Hinanap siya nito upang hulihin, hindi parin siya makapaniwala na tinutukan siya nito ng kutsilyo sa leeg. Napaiwas siya ng tingin ng mapatingin sa kaniya ang lalaki. Nasasaktan parin siya sa katotohanang hindi siya nito minahal. Napabuntong hininga naman si Hoven dahil sa biglang pag-iwas ng tingin ni Sabrina sa kaniya. Napahigpit ang kapit niya sa kaniyang kamay na nangiginig, nangiginig dahil sa ginawa niyang pagtutok ng patalim sa babaeng mahal na mahal niya. Pinilit niya na magmukang normal sa harapan nila
Napadilat siya dahil sa nagsalita at kilalang-kilala niya ang boses na ito. Nakaupo siya sa sahig habang naka angel seat at naka cross arms. Siya lamang ang nag-iisa sa silid na may maliit na kulungan dahil ang sabi nila ay espesyal siya. Napangisi siya dahil sa taong nasa tapat ng kulungan niya at walang buhay na tinignan ito.“Anong ginagawa mo dito Hoven?” diing sabi niya.Sa tuwing maririnig niya ang pangalang Hoven ay kinasusuklaman niya ito. Hindi tulad noon na gandang-ganda siya doon. Ngayon ay puro galit at sama ng loob ang mahihimiigan mo sa dalaga sa oras na banggitin niya ito.“Mabuhay ka, pupunta tayo sa Pilipinas bukas s autos ni papa. Mabuhay ka Sabrina.”Napatawa si Sabrina dahil sa sinabi ng lalaki habang seryoso ‘ring nakatingin sa kaniya.“Wag mo akong patawanin Hov
NAKAUPO si Sabrina at Hoven sa isang private restaurant kung saan sila lamang dalawa upang magkaroon sila ng tahimik at maayos na usapan ‘yung walang gugulo sa kanila.“I-I’ve ben trying to save you from the very start my princess. Ako ang gumawa ng lagusan palabas para maitakas ka nila Hannah. Ako ang gumawa ng paraan para mabilis na gumaling ang sugat mo, palihim ako lagging pumupunta sayo para gamutin ka at nagiiwan ng gamut na para sa mga sugat. Ako ‘rin ang dahilan kung bakit nakatakas ka sa Pilipinas, lahat ng iyon ay ginawa ko para sayo. Para sa babaeng mahal na mahal ko.”Seryosong sabi ni Hoven na siyang ikinagulo ng isip ni Sabrina. Marami ang pagkain sa harapan niya at masasarap iyon ngunit hindi niya magawang makapag-isip dahil sa mga sinasabi ni Hoven.“Hindi ako katulad ng Hoven na nakikita mong nagdadala ng babae. Trust me walang nangyayari
Napatakip si Sabrina sa kaniyang bibig upang pigilan ang kaniyang paghikbi. Oo at noong una ay napipilitan lamang siya sa kasal ngunit ngayon ay mahal na niya ang lalaki. Mahal niya na ayaw na niyang bitawan pa dahil takot siyang mawala ito.“My princess, sabihin mo. A-Ako parin hindi ba? Ako parin ang mahal mo?”Napatitig siya sa mata nito na punong-puno ng pag-asa ngunit umiling siya na ikinawala niyon.“H-Hoven, I-I’m so so—”“No!” napahinto siya ng magsalita ito agad.“Hindi ko pa naiisaayos ang lahat. Bibigyan pa kita ng panahon hanggang sa maayos ko ang kalagayan natin kay papa at pwede na tayong mamuhay ng payapa,” nakangiti nitong sabi na lalong ikinailing ni Sabrina at magsasalita n asana ngunit napahinto siya ng tumunog ang tawag sa kaniyang messenger.Agad niyang kinuha ang bagong iPhone kung saan ay inilog-in niya agad ang
“NAKAHANDA na ang lahat,” seryosong sabi ni Aiden sa kaniyang ama na si Keiron na ikinatango naman nito. “Addison?” baling na tanong nito sa anak na ikinatango lamang ng babae. “Nasa pwesto na sila Allistair, Keon at Allard. Kayo nalang ang hinihintay kaya pumunta na kayo.” Naiwan si Keiron sa control room habang ang kaniyang mga anak naman ay pupunta at makikipaglaban sa mga mafia na kumuha kay Angeline. Hindi hahayaan ng mga ito na mayroong ibanag inosenteng buhay ang madamay dahil sa mga kalaban nila sa mafia world kung kaya’t kahit na ayaw na ayaw ni Addison sa babae ay wala siyang magagawa. Mabilis na pinaandar ni Aiden ang kaniyang sasakyan sa lugar kung nasaan si Angeline at sa loob lamang ng kalahating minute ay agad siyang nakarating kung nasaan ito. Pagkababa palang niya ng sinasakyan niya ay hindi na siya nagulat ng mayroong nagtutok sa kaniya ng dalawang baril sa magkabila niya. Itinaas niya ang kaniyang kamay na tila sumusuko at naglakad kaunti papalabas. “Lakad!” si