NAKAUPO si Sabrina at Hoven sa isang private restaurant kung saan sila lamang dalawa upang magkaroon sila ng tahimik at maayos na usapan ‘yung walang gugulo sa kanila.
“I-I’ve ben trying to save you from the very start my princess. Ako ang gumawa ng lagusan palabas para maitakas ka nila Hannah. Ako ang gumawa ng paraan para mabilis na gumaling ang sugat mo, palihim ako lagging pumupunta sayo para gamutin ka at nagiiwan ng gamut na para sa mga sugat. Ako ‘rin ang dahilan kung bakit nakatakas ka sa Pilipinas, lahat ng iyon ay ginawa ko para sayo. Para sa babaeng mahal na mahal ko.”
Seryosong sabi ni Hoven na siyang ikinagulo ng isip ni Sabrina. Marami ang pagkain sa harapan niya at masasarap iyon ngunit hindi niya magawang makapag-isip dahil sa mga sinasabi ni Hoven.
“Hindi ako katulad ng Hoven na nakikita mong nagdadala ng babae. Trust me walang nangyayari
Napatakip si Sabrina sa kaniyang bibig upang pigilan ang kaniyang paghikbi. Oo at noong una ay napipilitan lamang siya sa kasal ngunit ngayon ay mahal na niya ang lalaki. Mahal niya na ayaw na niyang bitawan pa dahil takot siyang mawala ito.“My princess, sabihin mo. A-Ako parin hindi ba? Ako parin ang mahal mo?”Napatitig siya sa mata nito na punong-puno ng pag-asa ngunit umiling siya na ikinawala niyon.“H-Hoven, I-I’m so so—”“No!” napahinto siya ng magsalita ito agad.“Hindi ko pa naiisaayos ang lahat. Bibigyan pa kita ng panahon hanggang sa maayos ko ang kalagayan natin kay papa at pwede na tayong mamuhay ng payapa,” nakangiti nitong sabi na lalong ikinailing ni Sabrina at magsasalita n asana ngunit napahinto siya ng tumunog ang tawag sa kaniyang messenger.Agad niyang kinuha ang bagong iPhone kung saan ay inilog-in niya agad ang
“NAKAHANDA na ang lahat,” seryosong sabi ni Aiden sa kaniyang ama na si Keiron na ikinatango naman nito. “Addison?” baling na tanong nito sa anak na ikinatango lamang ng babae. “Nasa pwesto na sila Allistair, Keon at Allard. Kayo nalang ang hinihintay kaya pumunta na kayo.” Naiwan si Keiron sa control room habang ang kaniyang mga anak naman ay pupunta at makikipaglaban sa mga mafia na kumuha kay Angeline. Hindi hahayaan ng mga ito na mayroong ibanag inosenteng buhay ang madamay dahil sa mga kalaban nila sa mafia world kung kaya’t kahit na ayaw na ayaw ni Addison sa babae ay wala siyang magagawa. Mabilis na pinaandar ni Aiden ang kaniyang sasakyan sa lugar kung nasaan si Angeline at sa loob lamang ng kalahating minute ay agad siyang nakarating kung nasaan ito. Pagkababa palang niya ng sinasakyan niya ay hindi na siya nagulat ng mayroong nagtutok sa kaniya ng dalawang baril sa magkabila niya. Itinaas niya ang kaniyang kamay na tila sumusuko at naglakad kaunti papalabas. “Lakad!” si
“Nasaan si Angeline?” malamig na sabi ni Aiden.“Oh yung mahal mong babae? Paano kung diko sabihin?”Napakuyom ng kamao si aiden dahil doon at nakita ni Jeremy ang inis ng lalaki sa muka nito kaya napangisi siya ngunit hindi niya inaasahan ang mabilis na pagkawala ng inis na muka nito at napalitan ng nakangising muka.“Ayaw mo? Wag mong sabihin, wala akong pakealam.”Nagulat ang lalaki dahil sa sinabi ni Aiden at hindi makapaniwalang napaturo dito ngunit agad ding naibaba ang kaniyang kamay at tumawa.Habang tumatawa si Jeremy ay si Aiden naman ang napaseryoso at inaabangan ang sasabihin nito.“Hahaha alam mo nakakatawa ka! Hindi mo ako madadaan ang pagpapanggap na wala kang pakealam sa babaeng ‘yun! Kilala ko kayong mga Devaux! Mahalaga ang taong minamahal niyo sa inyo!”Napangiti si Aiden dahil sa sinabi nito na ikinatigil muli ni Jeremy.“Bakit ka nakangiti?&r
Inihagis ni Addison ang isang tear gas na siyang ikinatakip ng mga ito sa kanilang mga mata dahil sa hapdi niyon at mabilis na tumakbo si Aiden palabas ganoon ‘din si Addison. Hindi lamang kais tear gas ang hinagis niya doon dahil maging ang dalawang bomba ay inihagis niya ‘rin at ano ‘mang oras ay sasabog na ito.“Bilis Addison!” sigaw ni Aiden sa kaniya at ng makasakay ang kambal sa sasakyan ay pinaandar niya ito ng mabilis na siyang saktong pagsabog ng bahay na kinalalagyan ng mga ito.Napayuko pa ang dalawa dahil sa lakas ng pag sabog at sa pagyanig ng lupa hanggang sa mawala ito ay tuwang tuwa pa si Addison.“Wow! That was fun!”Nakalingon sa likuran na sabi ni Addison at kitang-kita niya nag nagliliyab na lumang bahay. Si Aiden naman ay hinayaan nalang ang kambal at seryosong nagmaneho. Padilim na ang paligid kaya nagmamadali na siya upang makauwi sa kanilang bahay.“Nasaan na sila? Nakuha ba ni
“Bakit ganoon si sir mamang? Para siyang concern na concern kay ma’am ngayon.”Nagkibit balikat nalamang ang matanda at sinuway na ang mga ito na bumalik sa trabaho.Nang sinagot ni Sabrina ang kaniyang tawag at hindi maiwasan ni Aiden na maginhawaan at bumalik ang kaniyang lakas lalo na at nakita niya ang babae. Nang sinabi nitong uuwi na siya ay agad siyang umakyat sa itaas at hindi na pinansin ang mga kaibigan ni Sabrina.“Kayo kasi, sensitive ang topic na ‘yun!” sabi ni Mica na ikinabuntong hininga ng mga ito.“Si Sophia kasi!”“Bakit kasalanan ko bang madaldal ako?”“Tumigil na nga kayo Lyn at Sophia. Walang mangyayari sa pagsisisihan niyo. Intayin nalang natin si Sabby at siya lang ang makakasagot ng tanong natin,”Naghintay ang mga ito ng halos kalahating oras pa bago tuluyang dumating si Sabrina sa kanilang bahay.“Bakit kayo nanadito?! I mean
“Ano kaba! Magkakapatid na ang turingan natin hindi ba?!” sabi ni Lyn na ikinatango nilang apat lima habang nakangiti. Maging si Mica ay kapatid narin ang turing sa mga ito kung kaya’t hindi niya maitatanggi iyon.“Wait!” biglang sabi ni Sophia na ikinahinto ng mga ito at napatingin sa kaniya.“Sino ‘yung babae na kasama ni sir Aiden sa party ng main company nila?!”“Ako ‘yun.”Nanlaki ang mga mata nila at nagpapalo sa isa’t-sa dahil sa sobrang kilig habang si Mica ay napangiwi dahil nadamay siya sa paluan ng mga ito. Si Sabrina namana ay napangiti dahil sa reaction nila.“Teka! Alam mo bang may bali-balita na nabaril daw ‘yung kasama ni sir Aiden which is ikaw totoo ba ‘yun?”Natigilan si Sabrina dahil sa tanong ni Lyn at nawala ang ngiti nito sa labi at maging si Mica ay nagulat dahil doon.“Ano ba namang klasen
SABRINA “NAG enjoy ka sa pakikipag-usap sa mga kaibigan mo huh,” Napahinto ako sa paghakbang papunta sa aking kwarto ng may magsalita at pagtingin ko sa pinanggalingan niyon ay nakita ko si Aiden na nakatayo sa tabi ng pintuan ng aking kwarto. “Aiden, anong ginagawa mo jan?” imbes na sagutin ang tanong niya ay tanong din ang ipinasa ko sa kaniya. “Muka nga, rinig na rinig ko kung paano nila akong laitin sa sariling bahay ko eh.” Nagulat ako dahil sa sinabi nito at hindi makapaniwalang nakatingin dito. Walang emosyon ang muka niya matapos niya kaya hindi ko malaman kung galit ba ito o hindi pero sabagay sino ba ang hindi magagalit kapag ganoon ang nalaman niya. “A-Ah w-wala yun,” utal kong sabi sa kaniya at hindi na makatingin pa dito. “Forget it. Nandito ako para sabihin na ikaw ang partner ko sa event na gaganapin sa Tagaytay.” Agad akong napatingin sa kaniya dahil sa gulat. Seryoso parin ang muka nito kaya malamang na totoo ang sinasabi niya. Nabuhayan at sumaya ako dahil doo
Naglakad na siya paalis doon kaya agad akong lumingon dito. “Anong ipaparamdam? Wala akong ginawa sayo Angeline! Umalis ako, umalis ako para hayaan kayo pero bakit ako ang sinisisi mo samantalang wala akong alam sa nakaraan niyo!” Napahinto ito sa paglalakad. Ilang sandal itong hindi nakasagot hanggang sa sumagot ito saakin. “Dahil sayo nasira ang relasyon namin ni Aiden. Dahil sayo muntik na akong mamatay,” Natigilan akong muli dahil sa sinabi niya at hindi makapaniwalang nakatingin lamang sa likuran nito hanggang sa mawala na siya sa aking paningin. Ano ang kasalanan ko kay Angeline? Bakit ang laki ng galit niya saakin? At ano ang ibig sabihin niya na muntik na siyang mamatay dahil saakin? Dahil bai to doon sa nakidnap siya? Pero bakit pakiramdam ko ay hindi doon dahil may iba pang rason. Ano ba ang nangyari matapos ang gabing umalis ako sa puder ng mga Devaux? Si D-daddy kamusta na kaya? Hayst. Lumabas na lamang ako sa banyo dahil wala na n