“Ano kaba! Magkakapatid na ang turingan natin hindi ba?!” sabi ni Lyn na ikinatango nilang apat lima habang nakangiti. Maging si Mica ay kapatid narin ang turing sa mga ito kung kaya’t hindi niya maitatanggi iyon.
“Wait!” biglang sabi ni Sophia na ikinahinto ng mga ito at napatingin sa kaniya.
“Sino ‘yung babae na kasama ni sir Aiden sa party ng main company nila?!”
“Ako ‘yun.”
Nanlaki ang mga mata nila at nagpapalo sa isa’t-sa dahil sa sobrang kilig habang si Mica ay napangiwi dahil nadamay siya sa paluan ng mga ito. Si Sabrina namana ay napangiti dahil sa reaction nila.
“Teka! Alam mo bang may bali-balita na nabaril daw ‘yung kasama ni sir Aiden which is ikaw totoo ba ‘yun?”
Natigilan si Sabrina dahil sa tanong ni Lyn at nawala ang ngiti nito sa labi at maging si Mica ay nagulat dahil doon.
“Ano ba namang klasen
Thank you sa walang sawang pagbabasa at pag cocomment Kimmie's! Lalo na sa nag bibigay ng gems at nabili chapters! Kapit lang sa rollercoaster na love story ni Aiden at Sabrina! Malayo pa tayo sa pinakang main twist, tingin niyo ano ang main twist?
SABRINA “NAG enjoy ka sa pakikipag-usap sa mga kaibigan mo huh,” Napahinto ako sa paghakbang papunta sa aking kwarto ng may magsalita at pagtingin ko sa pinanggalingan niyon ay nakita ko si Aiden na nakatayo sa tabi ng pintuan ng aking kwarto. “Aiden, anong ginagawa mo jan?” imbes na sagutin ang tanong niya ay tanong din ang ipinasa ko sa kaniya. “Muka nga, rinig na rinig ko kung paano nila akong laitin sa sariling bahay ko eh.” Nagulat ako dahil sa sinabi nito at hindi makapaniwalang nakatingin dito. Walang emosyon ang muka niya matapos niya kaya hindi ko malaman kung galit ba ito o hindi pero sabagay sino ba ang hindi magagalit kapag ganoon ang nalaman niya. “A-Ah w-wala yun,” utal kong sabi sa kaniya at hindi na makatingin pa dito. “Forget it. Nandito ako para sabihin na ikaw ang partner ko sa event na gaganapin sa Tagaytay.” Agad akong napatingin sa kaniya dahil sa gulat. Seryoso parin ang muka nito kaya malamang na totoo ang sinasabi niya. Nabuhayan at sumaya ako dahil doo
Naglakad na siya paalis doon kaya agad akong lumingon dito. “Anong ipaparamdam? Wala akong ginawa sayo Angeline! Umalis ako, umalis ako para hayaan kayo pero bakit ako ang sinisisi mo samantalang wala akong alam sa nakaraan niyo!” Napahinto ito sa paglalakad. Ilang sandal itong hindi nakasagot hanggang sa sumagot ito saakin. “Dahil sayo nasira ang relasyon namin ni Aiden. Dahil sayo muntik na akong mamatay,” Natigilan akong muli dahil sa sinabi niya at hindi makapaniwalang nakatingin lamang sa likuran nito hanggang sa mawala na siya sa aking paningin. Ano ang kasalanan ko kay Angeline? Bakit ang laki ng galit niya saakin? At ano ang ibig sabihin niya na muntik na siyang mamatay dahil saakin? Dahil bai to doon sa nakidnap siya? Pero bakit pakiramdam ko ay hindi doon dahil may iba pang rason. Ano ba ang nangyari matapos ang gabing umalis ako sa puder ng mga Devaux? Si D-daddy kamusta na kaya? Hayst. Lumabas na lamang ako sa banyo dahil wala na n
MATAPOS ang mapang-asar nilang tanong saakin ay pinatahimik din ako ng mga ito at nakaupo ako sa aking kinauupuan. Sinubukan kong magtrabaho ngunit hindi ko magawa dahil sa kakaisip sa nangyari, iba kasi ang naaalala ko. Hindi ang halik ni Damon kung di ang halik ni Aiden. Unang halik ko iyon ng mga panahon na iyon at hindi ko inakala na dadaplis lamang ang labi niya sa gilid ng labi ko, bale wala lang saakin iyon ngunit bakit ngayon apektadong apektado ako? “Huy!” napakurap ako ng yugyugin ako ni Mica kaya napatingin ako sa kaniya. “Lutang ka jan! Anjan na sa labas si sir may announcement daw,” naiiling na sabi niya saakin kaya agad akong tumango at tumayo. “Ikaw huh! Kilig na kilig ka sa halik ni Damon!” Nanlaki ang mata ko dahil sa ibinulong saakin ni Mica at hindi makapaniwalang nakatingin dito. “Hindi ‘no! Iba ang iniisip ko!” “We? Kung iba edi ano?” Hindi ako nakasagot sa tanong niya kaya tinawanan lang ako ni Mica. Hindi
“HIJA magsabi ka nga ng totoo ano bang nangyayari sa inyo ng asawa mo?”Napahinto ako sa pag-aayos ng aking mga damit at napatingin kay manang dahil sa tanong niya. Napatingin ako dito na nakatayo sa aking harapan at nasa likuran nito ang tatlo pang kasambahay na kasama namin.“Pag pasensyahan mo na ako sa aking tanong pero nag-aalala lamang ako sa inyo lalo na sayo.”Napangiti ako dahil sa sinabi niya at umiling dito.“Ayos lamang po iyon mamang. May Karapatan kayong malaman ang lahat lalo na at matagal narin naming kayong kasama, halikayo maupo ka po muna. Kayo jaan na kayo sa tapat maupo,” nakangiti kong sabi sa kanila na ikinatango nila at agad na nagsiupuan ang mga ito.Nang makita ko silang nakaupo na agad ay natawa pa ako sandali dahil tutok na tutok ang mga mata at tenga nila saakin at handang-handang makinig.“Ikinasal kami ni Aiden apat na taon na ang nakakalipas sa araw ng aking kaar
Napatingin ako sa kanila at nagulat ako ng makita si Hoven na seryosong pumasok sa kwarto naming at agad na lumapit saakin.“H-Hoven, anong ginagawa mo dito?”Imbes na sagutin niya ako ay hinawakan niya ang aking noo at hinipo iyon.“Ang sabi may sakit ka daw pero hindi ka naman mainit. Bakit nangangangayat ka? Noong nakaraang araw lang nagkita tayo bakit ang laki ng pinagbago mo? Bumagsak ang katawan mo Sabrina!”Nanlaki ang mata ko dahil sa mga sinabi saakin ni Hoven lalo na at sa itinawag nito saakin. Sigurado ako na narinig nila iyon kaya agad akong naupo at hinarap sila manang.“M-Manang iwan niyo na ho kami, si Hoven po ito pinsan ko. Akala kopo kasi mga kaibigan ko kaya ayaw ko silang harapin, pwede po bang iwan niyo muna kami saglit?”Nagtataka at gulat sa sinabi ko na pinsan ko si Hoven ay agad naman silang lumabas at isinara ang pinto kaya nakahinga ako ng maluwag dahil doon.“Pinsan
Si Damon at Hoven ang tinutukoy ni ma’am Janice. Napag-usapan kasi na magkaniya-kaniya na akming bihis at ayos para aalis nalang. Wala na akong magagawa kung di ang sumama sa kanila. Hinila na nila ako palabas dahil ayoko talagang umalis doon. “Wow ma’am ang gaganda niyo po!” puri saamin nila manang na unang sumalubong saamin paglabas ng kwarto dahil nasa kusina sila. Sakto 7PM na kaya alam kong makakahabol pa kami. “Sigurado akong mabibigla sila sir sa gaganda niyo!” pang-uuto pa saamin ni Thea kaya nagtawanan kami at dumeretsyo na sa sala. Biglang napatayo ang dalawa ng mapansin kami ngunit nagtaka ako dahil mukang seryoso ang usapan nila. Sabagay mga lalaki nga naman. Napatingin ako kay Hoven at nakita ko na nakatingin ito saakin na may pagkabigla kaya hindi ko maiwasan na matawa at mapangiti dahil doon. “Gulat na gulat Hoven?” natatawa kong sabi ng makalapit ako sa kaniya. “A-ang ganda mo my princess,” wala sa sarili niyang sabi kaya mas n
“H-HOVEN,” Agad na napalingon sa kinahihigaan ko si Hoven at nagulat siya ng makita akong gising na kaya lumapit ito saakin. “Wag ka munang tumayo my princess,” pinigilan niya ako ngunit umiling ako sa kaniya. “No, I’m okay. Ayos na ako, anong oras na? Hahabol pa tayo sa event.” “Anong event ang sinasabi mo? Andito tayo sa ospital at kailangan mong magpalakas, gusto mo bang mapahamak ang anak mo?” Natigilan ako sa sinabi niya hanggang sa unti-unti siyang ngumiti sa aking paningin. Ngunit ang ngiti niya ay hindi ko nakikitang umabot sa kaniyang mga mata. Sumilay ang dalawang biloy niya sa magkabilang pisnge ngunit ang mata niya ay malungkot at alam ko kung bakit. “Congratulation my princess, you will be a m-mother now.” “H-Hoven I-I’m sorry,” umiling siya saakin pagkasabi ko niyon. “No don’t be sorry, tanggap ko na. Pero dahil sa nakikita kong ginagawa sayo ni Aiden ay handa akong akuin ang lahat Sabrina. Handa akong tanggapin ang anak mo at ituring na anak ko,” Hindi ko ko ina
"BUNTIS ka princess?"Napatingin ako kay daddy pagkatapos niya akong tulungan na mahiga muli sa aking higaan at tumango sa kaniya. Natigil na ako sa pag-iyak at ganoon din ang aking ama. Hindi parin ako makapaniwala na nasa harapan ko si daddy, ang tagal naming nagkahiwalay at ngayon nga ay magkasama na kami."Opo daddy, sa pagkaka alam ko ay isang buwan na,""S-Sino ang ama anak ko?" natigilan ako sandal dahil sa tanong niya.Bigla kong naalala na lumayo nga pala ako at tumakas at ang alam niya ay hindi na ako bumalik pa sa mga Devaux."Daddy, si Aiden po ang ama." Nakangiti kong sabi na ikinatigil nito.Kitang-kita ko ang pagkagulat sa kaniyang muka at ang pagtataka."P-Paano? H-Hindi ba at umalis ka?"Tumango ako dahil sa sinabi nito baka kasi kung ano ang isipin niya."Oo daddy umalis ako pero nahanap ako ni Aiden mag dadalawang buwan na ang nakakaraan.""Hindi nga nagkamali si Mr.Devaux, mamahalin niyo ang is