“HIJA magsabi ka nga ng totoo ano bang nangyayari sa inyo ng asawa mo?”
Napahinto ako sa pag-aayos ng aking mga damit at napatingin kay manang dahil sa tanong niya. Napatingin ako dito na nakatayo sa aking harapan at nasa likuran nito ang tatlo pang kasambahay na kasama namin.
“Pag pasensyahan mo na ako sa aking tanong pero nag-aalala lamang ako sa inyo lalo na sayo.”
Napangiti ako dahil sa sinabi niya at umiling dito.
“Ayos lamang po iyon mamang. May Karapatan kayong malaman ang lahat lalo na at matagal narin naming kayong kasama, halikayo maupo ka po muna. Kayo jaan na kayo sa tapat maupo,” nakangiti kong sabi sa kanila na ikinatango nila at agad na nagsiupuan ang mga ito.
Nang makita ko silang nakaupo na agad ay natawa pa ako sandali dahil tutok na tutok ang mga mata at tenga nila saakin at handang-handang makinig.
“Ikinasal kami ni Aiden apat na taon na ang nakakalipas sa araw ng aking kaar
Napatingin ako sa kanila at nagulat ako ng makita si Hoven na seryosong pumasok sa kwarto naming at agad na lumapit saakin.“H-Hoven, anong ginagawa mo dito?”Imbes na sagutin niya ako ay hinawakan niya ang aking noo at hinipo iyon.“Ang sabi may sakit ka daw pero hindi ka naman mainit. Bakit nangangangayat ka? Noong nakaraang araw lang nagkita tayo bakit ang laki ng pinagbago mo? Bumagsak ang katawan mo Sabrina!”Nanlaki ang mata ko dahil sa mga sinabi saakin ni Hoven lalo na at sa itinawag nito saakin. Sigurado ako na narinig nila iyon kaya agad akong naupo at hinarap sila manang.“M-Manang iwan niyo na ho kami, si Hoven po ito pinsan ko. Akala kopo kasi mga kaibigan ko kaya ayaw ko silang harapin, pwede po bang iwan niyo muna kami saglit?”Nagtataka at gulat sa sinabi ko na pinsan ko si Hoven ay agad naman silang lumabas at isinara ang pinto kaya nakahinga ako ng maluwag dahil doon.“Pinsan
Si Damon at Hoven ang tinutukoy ni ma’am Janice. Napag-usapan kasi na magkaniya-kaniya na akming bihis at ayos para aalis nalang. Wala na akong magagawa kung di ang sumama sa kanila. Hinila na nila ako palabas dahil ayoko talagang umalis doon. “Wow ma’am ang gaganda niyo po!” puri saamin nila manang na unang sumalubong saamin paglabas ng kwarto dahil nasa kusina sila. Sakto 7PM na kaya alam kong makakahabol pa kami. “Sigurado akong mabibigla sila sir sa gaganda niyo!” pang-uuto pa saamin ni Thea kaya nagtawanan kami at dumeretsyo na sa sala. Biglang napatayo ang dalawa ng mapansin kami ngunit nagtaka ako dahil mukang seryoso ang usapan nila. Sabagay mga lalaki nga naman. Napatingin ako kay Hoven at nakita ko na nakatingin ito saakin na may pagkabigla kaya hindi ko maiwasan na matawa at mapangiti dahil doon. “Gulat na gulat Hoven?” natatawa kong sabi ng makalapit ako sa kaniya. “A-ang ganda mo my princess,” wala sa sarili niyang sabi kaya mas n
“H-HOVEN,” Agad na napalingon sa kinahihigaan ko si Hoven at nagulat siya ng makita akong gising na kaya lumapit ito saakin. “Wag ka munang tumayo my princess,” pinigilan niya ako ngunit umiling ako sa kaniya. “No, I’m okay. Ayos na ako, anong oras na? Hahabol pa tayo sa event.” “Anong event ang sinasabi mo? Andito tayo sa ospital at kailangan mong magpalakas, gusto mo bang mapahamak ang anak mo?” Natigilan ako sa sinabi niya hanggang sa unti-unti siyang ngumiti sa aking paningin. Ngunit ang ngiti niya ay hindi ko nakikitang umabot sa kaniyang mga mata. Sumilay ang dalawang biloy niya sa magkabilang pisnge ngunit ang mata niya ay malungkot at alam ko kung bakit. “Congratulation my princess, you will be a m-mother now.” “H-Hoven I-I’m sorry,” umiling siya saakin pagkasabi ko niyon. “No don’t be sorry, tanggap ko na. Pero dahil sa nakikita kong ginagawa sayo ni Aiden ay handa akong akuin ang lahat Sabrina. Handa akong tanggapin ang anak mo at ituring na anak ko,” Hindi ko ko ina
"BUNTIS ka princess?"Napatingin ako kay daddy pagkatapos niya akong tulungan na mahiga muli sa aking higaan at tumango sa kaniya. Natigil na ako sa pag-iyak at ganoon din ang aking ama. Hindi parin ako makapaniwala na nasa harapan ko si daddy, ang tagal naming nagkahiwalay at ngayon nga ay magkasama na kami."Opo daddy, sa pagkaka alam ko ay isang buwan na,""S-Sino ang ama anak ko?" natigilan ako sandal dahil sa tanong niya.Bigla kong naalala na lumayo nga pala ako at tumakas at ang alam niya ay hindi na ako bumalik pa sa mga Devaux."Daddy, si Aiden po ang ama." Nakangiti kong sabi na ikinatigil nito.Kitang-kita ko ang pagkagulat sa kaniyang muka at ang pagtataka."P-Paano? H-Hindi ba at umalis ka?"Tumango ako dahil sa sinabi nito baka kasi kung ano ang isipin niya."Oo daddy umalis ako pero nahanap ako ni Aiden mag dadalawang buwan na ang nakakaraan.""Hindi nga nagkamali si Mr.Devaux, mamahalin niyo ang is
"Hindi na mahalaga iyon kailangan na kitang itakas dito, siguradong papunta na sila dito!" Nagtaka ako dahil doon, ngunit hindi ko na nagawang magsalita ng lumapit saakin si Hoven at agad akong tinulungan na makatayo. Napatingin ako kay daddy, kung aalis ako ay isasama ko siya. Hindi ko na hahayaan na magkalayo kami. "S-Sandali Hoven kung aalis tayo isama natin si daddy!" Napatingin siya saakin dahil sa sinabi ko at napatingin sa sinasabi ko. "Siya ang daddy mo?" gulat na tanong nito na ikinatango ko. "Pasensya napo, Mr.De Guzman pero nagmamadali tayo. Halina kayo," Tuluyan na akong nakatayo at kinuha niya sa pagkakasabit ang dextrose at hinawakan iyon ngunit mayroong umagaw doon kaya napatingin kami pareho sa taong iyon na walang iba kung di si Aiden. "Saakin sasama ang asawa ko!" Binigyan ng matalim na titig ni Aiden si Hoven kaya napakunot ang noo ko. Anong ginagawa niya? Bakit hindi si Angeline ang isama niya?
AIDEN“KUYA!”Napatingin ako at natauhan dahil sa yumugyog saakin at nakita ko ang nag-aalalang muka ni Keon sa aking harapan.“Kuya ano bang nangyayari sayo?! Nasa gitna tayo ng labanan! Nasaan si ate Ssabby?!”Dahil nabanggit ni Keon ang pangalan ng asawa ko ay kusang tumulo ang luha ko, totoo ba nag sinabi niya? T-Totoo ba na nasa kaniya ang puso ni m-mommy?“Kuya! Tinatakot mo ako! Bakit ka umiiyak?! Baka dumating na ang kalaban nasaan si ate Sabby?!”Napatingin ako kay Keon dahil doon.“W-Wala na siya,”“Ano?! Anong wala na kuya?!”Nakarinig kami ng putok ng baril sa labas kaya napamura si Keon dahil doon habang ako ay feeling ko lutang ako at walang lakas.“Sh*t! Kuya umayos k
Nakalimutan kong alamin kung sino sila kaya ng mayroon akong madaanan na isang patay na kalaban ay nasipa ko ito dahil sa inis nawala sa isip ko. “Umuwi na tayo,” “Kuya sandal! Paano si ate Sabby?! Nasaan ba talaga siya?!” Natigilan ako sandal dahil doon ngunit nagpatuloy lang ako sa paglalakad. “Nasa ligtas siyang lugar,” *** “Nasaan si daddy?” malamig kong salubong ng makita kong nakaupo ang mga kapatid namin kasama si ate Mica sa sofa at tulala. Si Addison ay iyak ng iyak. “Kuya!” Agad na lumapit saakin si Addison at si Allistair at Allard upang yumakap saakin. “Anong nangyayari?” nagtatakang tanong ni Keon habang si ate Mica ay lumapit sa kaniya at yumakap ng kusa. Niyakap ko pabalik ang tatlo, alam kong masakit sa kanila ang nalaman nila ngayon. Hindi namin alam kung matutuwa ba kami sa nalaman na nasa asawa ko ang puso ni mommy o hindi dahil hindi naging maganda ang pagsasama namin.
SABRINA “HOW did this happen? Kailan pa nagsimula na ganoon ang maging trato sayo ng asawa mo? Alam ba ito ni Mr.Devaux?!” Naupo ako sa isang kama sa kwarto na aming kinalalagyan matapos kaming ihatid ni Hoven sa private property niya raw. Ang sabi niya saakin ay hindi kami maaaring lumabas dahil mapanganib lalo na at ako ang habol ng kaniyang ama. “Daddy, hayaan napo natin ang asawa ko.” Kalmado kong sabi sa kaniya na ikinasama ng tingin nito saakin. “Anong hayaan?! Sabrina ipinagkatiwala kita sa pamilya Devaux tapos malalaman ko na ginagawa ka niyang alipin at nagdadala siya ng third party?! Hindi ako papayag sa ganoon!” Napabuntong hininga ako dahil sa sinabi ni daddy. Nahiga ako sa higaan dahil nakaramdam ako ng pagod sa mga nangyari, pumikit ak upang iwasan ang nakakalokong tanong ni daddy. Narinig ko na naglakad siya papunta sa aking higaan. “Bakt ayaw mong pag-usapan? Gaano mo na ba kamahal ang iyong asawa?” Napadilat ako at sakto na muka ni daddy ang sumalubong saakin. N