Sorry now lang guys! Busy din kasi ako and baka by part ulit update ko. Kapit lang Kimmie's! Sana samahan niyo ako hanggang dulo!
***“PAPA, anong gagawin niyo kay Xenna?”Kinakabahan ako sa maaaring gawin nila papa kay Xenna, alam kong mahalaga si Xenna kay Sabrina at ayaw na ayaw niyang napapahamak ito. Ibinuhis niya ang sarili niyang buhay para dito kaya hindi Malabo na gawin nito ang lahat para lang mailigtas ito na hindi ko lalong hahayaan dahil alam ko na dalawa na sila ngayon hindi na siya nag-iisa dahil sa sanggol na nasa sinapupunan niya.“Ano pa nga ba? Gagawing pa-in,” nakangising sabi ni Papa at napatingin nalang ako sa pinto ng pumasok doon si Leo.Hila-hila niya si Xenna na takot na takot ang itsura at gulo-gulo ang buhok. Mukang hindi pa ito naliligo, kawawang bata.“Boss, eto na!”Nabigla ako ng hilahin niya ang bata at itulak papunta sa harapan naming ni Papa na siyang ikinabagsak nito sa sahig.“Aw! W-Wag niyo po akong sasaktan!”Talagang naninibago ako kay Xenna, naalala ko noon na tinutur
***“Wow mama bagay sayo ang bago mong hari pin!”“Maganda ba anak? Sa papa mo ito galing, anniversary gift niya saakin ang ganda noh?”***Hindi ko maaaring makalimutan! Kay mama ang hair pin na iyon!Kusang tumulo ang luha sa aking mga mata at hindi makapaniwala na napatingin sa hair pin na nahulog muli sa drawer. Kay mama ang hair pin na iyon ngunit paano ito napunta kay Leo?! Napatingin ako sa pinto ng may humawak sa doorknob at nakarinig ako ng ingay sa labas ng kwarto. Agad kong inayos ang hair pin gamit ang nanginginig kong kamay at isinara ang drawer.Umikot ang aking paningin sa paligid at naghanap kung saan ako maaaring magtago. Nang makita ko ang kaniyang malaking kama ay hindi ako nagdalawang isip na pumailalim doon at sumoot upang magtago.“Sige sa
“T-TRAYDOR?” Napatingin ako kay papa dahil sa sinabi nito at umiling sa kaniya. “Hindi totoo ang sinasabi niya papa! Siya! S-Siya! Ni-Rape niya ang mama!” Sunod-sunod na tumulo ang aking luha dahil sa sinabi kong iyon habang si papa naman ay tuluyan ng natigilan dahil sa aking sinabi. “Wag kang magsinungaling dito Hoven!” Napatingin ako kay Leo dahil at sinamaan siya ng tingin. “Wag ka ng magsinungaling pa! Nakita mismo ng dalawang mata ko ang ginawa mo!” Sigaw ko sa kaniya na ikinangisi nito kaya nagtataka akong napatingin sa kaniya. “Sige may ebidensya ka?” Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Naalala ko na pinag-sisira ko yung CD dahil sa sobrang galit. Napatingin ako sa kaniya habang siya ay nakangisi pa rin. “See? Wala kang ebidensya,” “Y-yung hair pin! Paanong nasayo ang hair pin ng mama! Bubuuin ko ulit ang CD! Ikaw ang traydor dito!” “Tama na!” Napatigil ako at napatingin k
SABRINA “AIDEN!”Agad akong napabangon habang ako ay hinihingal ng mapanaginipan ko ang aking asawa.“Sabrina, anak anong nangyari?”Napatingin ako kay daddy nang tumabi siya saakin at hinagod ang aking likod. Kita ko ang pag-aalala sa kaniyang muka na mukang naggaling siya sa kusina dahil sa soot niyang apron at dala-dalang sandok.“D-Daddy napanaginipan ko po ang asawa ko,” naiiyak kong sab isa kaniya na ikinayakap nito saakin.“Shhh wag kang umiyak. Walang mangyayaring masama sa kaniya.”“P-Pero daddy kitang-kita ko kung paano siya humingi ng tulong sa harapan ko, k-kitang kita ko kung paano siya mawalan ng buhay sa harapan ko!”Hindi ko na napigilan ang aking mga luha at kusa na itong tumulo sa aking mga mata habang si daddy
“HINTAYIN mo ako dito sa Jhonny,”Tumango kay Jonathan ang kaniyang driver matapos niya iyong sabihin at seryoso siyang lumabas ng kotse at lumapit sa nagbabantay na guard sa harapan ng bahay ng mga Devaux.“Sino po ang kailangan nila?” magalang na sabi ng tagabantay sa kaniya.“Hinahanap ko si Mr.Devaux, sabihin mo na ako si Mr.De Guzman kilala na niya ako,”“Sige po sir, sandal lang po.”Agad na nakipag communicate ang nagbabantay sa kaniyang amo na si Keiron upang ipaalam ang hindi inaasahang bisita. Nang marinig ni Keiron ang pangalan ng sinabi ng guard ay napatayo ito at agad na pinapasok ang lalaki.“Sir pasok na daw po kayo,” tumango siya sa sinabi ng guard at bumalik papasok sa kotse at binuksan na nito ang gate kaya pumasok na ang sinasakyan niya s aloob.Malaki at malawak ang lupain ng m
“KINUHA si Aiden ng Inferno Organization!” Napatigil sa pag tatalo ang mga ito ng biglang may dumating at sumigaw. Walang iba kung di si Raymond na siyang pinakawalan ng tauhan ni Edward matapos nilang makuha si Aiden. Mayroon kasing binabalak ang mga ito kaya pinakawalan nila si Raymond at masabi na nakuha nila ang lalaki. “Ano?! Paano?! Bakit?!” galit na sabi ni Keiron at lumapit sa lalaki’t kinuwelyuhan ito. “S-Sandali ho Mr.Devaux, hinarang po kasi kami habang nasa daan. Wala akong nagawa dahil madami sila,” Agad na umapit si Addison sa kaniyang ama at inilayo ito kay Raymond dahil nakikita niya nag takot sa mga mata nito. “Daddy tama na! Walang magagawa ang galit mo, ang mahalaga ngayon ay mahanap natin si kuya kung nasaan.” Natauhan si Keiron dahil sa sinabi ng kaniyang anak at humingi ng tawad sa lalaki. “Sandali, kung nawawala ang anak ko ibig sabihin ba sabay silang kinuha?” Napatingin sila kay Jonathan dahil sa sinabi nito habnang si Raymond ay nagulat sa nalaman. “N
***“Kamusta Sabrina?Natakot kaba sa babala namin? Hinanap moba si Xenna? Sabi niya saakin ang tagal mo ‘daw. Hinihintay kana niya Sabrina sa isang lugar, ang kaso ganoon din ang asawa mo. Hinihintay kana sa isang lugar at kada isa sa kanila ay nalalabi ang buhay dahil mayroon ka nalamang dalawang oras para mamili kung sino ang ililigtas dahil kung hindi sasabog sila ng buhay. Mahirap ba? Sinong pipiliin mo? Si Xenna o ang asawa mo? Choose wisely Sabrina,Love,You’re enemy”***“Sino si Xenna?!”“Ate Sabby, pang ilang beses ka ng pinadadalhan nila ng sulat?”“Sabby bakit hindi ka nagsasabi na may iba palang ginagamit sila laban sayo!?”Sunod-sunod na tanong nila ngunit si Sabrina ay hindi alam kung ano ang iisipin,
“Hindi ba sinabi ko sayo na choose wisely?”Napatigil sa pag-iyak si Sabrina dahil sa kaniyang narinig at napatingin ng masama kay Edward.“Mica! Mica ayos lang ba kayo jan?!” nag-aalalang tanong ni Addison sa earpiece ngunit hindi sila nakakuha ng sagot mula dito.“P-Pinatay mo si Xenna,” mahinang sabi ni Sabrina na ikinarinig ng lalaki at tinawanan siya.Si Aiden ay nagwawala na sa kaniyang kinalalagyan at siguradong kung wala lang siyang tali at takip sa bibig ay nagwala na ito.“Wag mo akong patawanin Sabrina, hindi ba ikaw ang namili hindi ako?”Dahang-dahang tumayo si Sabrina na ikinatingin sa kaniya ng mga ito. Si Hoven ay gusto ng pigilan ang dalaga sa nakikita niyang binabalak nito, Kilala niya si Sabrina at alam niyang napakahalaga sa kaniya ni Xenna, nang makitang pinindot ng ama ang button ay agad siyang napatigil kasabay ng pagtulo ng luha niya, wala siyang magawa.“Ed
Paano kapag nagkakilala kayo sa maling lugar, maling oras at maling panahon? Malalaman niyo nalang na mag-kaiba ang mundo na inyong ginagalawan. Maraming sikreto ngunit iisang kwento, kwento patungo sa happy ending. ‘Yun ay kung may happy ending nga ba di tulad ng kaniyang librong isinisulat na pawang walang magandang katapusan dahil sa huli ay namamatay ang babae at naiiwan na mag-isa ang lalaki. Paano kung dumating ang babaeng para sa kaniya at dinadalangin na hindi matulad sa kaniyang sinusulat na libro ang katapusan ng kanilang kwento. Ang iwan siya at mawala ito, iyan ang kinatatakutan niya ni Keon Devaux. *** “Sabrina! Sabrina, Aiden!” Nabulabog ang gabi nila Sabrina at Aiden maging ng kaniyang mga anak na mahibing na natutulog sa kuna ay nagising dahil sa malakas na pagsigaw ng taong nasa labas dis-oras ng gabi. “Sino ‘yun?” kunot noong sabi ni Sabrina at binuhat ang anak na si Atasha dahil nagising ito. “Wife, amina muna si Atasha, puntahan na natin ang tumatawag sa l
“HELLO hija,”Napatingin sa salamin si Sabrina dahil sa nagsalita at nakita niya ang pumasok na apat na matatandang babae ngunit halata mo parin ang kagandahan sa mga ito kahit na ganoon. Napangiti siya sa mga ito at tumayo ngunit agad siyang pinigilan ng isang babae. “Wag ka ng tumayo Sabrina, sandali lamang kami.” Nakangiting sabi nito kaya wala siyang nagawa kung di ang bumalik mula sa pag-kakaupo.“Tama si Ally, gusto ka lang namin makita sandali bago ka ikasal sa inaanak naming si Aiden,” nakangiting sabi ng isa. Doon niya naalala ang mga ito, sila ang binabanggit ni Aiden nan as aibang bansa kaya hindi nakarating sa pilipinas ay dahil sa sobrang busy. “Kilala mo ba kami hija?” nakangiting tanong ng isang babae na ikinangiti niya ng pilit at umiling.“Nabanggit po kayo saakin ng asawa ko pero hindi ko pa ho kayo nakikita,” napangiti sila dahil doon. “It’s okay, palagi mo na kaming makikita dahil dito na ulit kami titira, ako ng apala si tita Salem mo. Ako ang in ani France, palagi
Natigilan si Raymond dahil sa sinabi ni Sabrina ngunit agad na nagsalita si Angeline na ikinainis ni Sabrina. “H’wag kang maniwala sa kaniya doc! Inuuto ka lang niya para hindi matuloy ang plano natin!” tinignan ng masama ni Sabrina si Angeline. “Pag nakatakas lang talaga ako dito kakalbuhin kita!” sigaw niya na sabi dito. “Tama na! Simulan na natin ang operasyon!” Agad na kinabahan si Sabrina dahil sa sinigaw ni Raymond lalo na ng mamatay ang ilaw sa paligid at tanging ilaw pang operasyon nalamang ang buhay. “Anong gagawin mo sa puso ko kapag nakuha mo?!” tanong ni Sabrina dito. “Itatapon para wala ng makinabang pa.” parang baliw na sabi ni Raymond na ikinadasal talaga ni Sabrina. ‘Aiden nasaan kana?!’ Sakto na pagsigaw ni Sabrina ay may naramdaman siyang mga presesnya sa paligid. ‘Andito na sila!’ agad siyang dumilat at tinignan si Angeline. “Tingin mob a mamahalin ka ng asawa ko?! Never!” sigaw na sabi niya sa babae at dinadalangin na kumagat ito upang mabigyan ng konting or
Kasabay ng pagkakatuklas ni Sabrina kay Raymond na mastermind ay nalaman din ito ni Aiden ng makita si Angeline na kumuha sa anak niya. Matapos niyang makausap si Raymond ay sakto na nagtext si Sabrina na nagsasabi na si Raymond ang may pakana ng lahat kaya nabuo agad ang plano sa isip ni Aiden. Sinakyan niya lahat ng gustong mangyari ni Raymond at sumabay sa agos at inintay si Sabrina na makarating sa secret room. Nag desisyon silang dalawa na gamitin ang babae bilang pain papunta sa lugar na kinalalagyan ni Raymond at hindi naman sila nagkamali ng desisyon dahil kinuha nga siya ni Raymond. “Paano niyo nagawa saamin ito?!” umiiyak na sabi ni Addison na ikinangisi ni Aiden sa kambal. “Anong inaasahan niyo sa dalawang pinuno ng organization mauuto? Never, kaya humanda na kayo para sa gyera.” *** NAGISING si Sabrina ng marinig niya ang tunog ng isang makita sa kaniyang tabi, makina ng isang heartbeat. Pagdilat niya ay putting kisame ang sumalubong sa kaniya at pagtingin niya sa kani
Nanggaling si Sabrina sa Tagaytay at sina Hannah, Aichan at ang daddy niya ang nagsabi na nasa maynila ang mg auto dahil sa pag-launch ng bagong libro ni Keon kaya dumeretsyo siya sa bahay nila Aiden at ng wala siyang maabutan sa baba ngunit ang sabi ng mga maid ay andoon naman sila alam na niya kung nasaan ang mga ito, nasa secret room. “A-Ate Sabby!” Imbes na matuw sila sa pagbabalik ni Sabrina ay mas natakot pa sila dahil siguradong magwawala ang dalaga sa oras na malaman na nawawala si Jared. Si Aiden ay hindi alam ang gagawin ngunit ang ending ay agad siyang tumakbo sa babae at mahigpit itong niyakap. “W-Wife! I miss you so much!” hindi na napigilan ni Aiden ang kaniyang luha dahil doon bukod sa masaya siya at dumating na si Sabrina ay mas naiyak siya dahil napabayaan niya ang anak nila. Ngayon hindi niya alam kung paano sasabihin sa dalaga ang katotohanan. “I miss you too, Aiden. Sorry kung natagalan ako, wag kang mag-alala dahil inalagaan ko ng mabuti ang anak natin.” Humiwa
“KAILANGAN mong maniwala Karina dahil ito ang katotohanan!” sigaw na sabi ni Sabrina kay Karina na hindi makatingin sa kaniya dahil kakaiyak at umiiling na umaatras sa kinatatayuan nila. “H-Hindi totoo ‘yan Sabrina, nagsisinungaling ka lang!” naguguluhan na sabi ni Karina dahil hindi niya matanggap ang katotohanan. Agad na lumapit si Sabrina kay Karina at hinawakan ito sa magkabila niyang balikat. “Makinig ka saakin Karina, gusto ko na bumalik sa ayos ang buhay mo. Tanggapin mo ang katotohanan at babalik sa ayos ang lahat maging ang organization! S-Si Papang! Si Papang siya ang magpapatunay!” mas lalong umiyak si Karina dahil sa sinabing iyon ni Sabrina at sabay silang napatingin sa pinto ng mayroong tumawag kay Karina. “A-Apo,” napabitaw si Sabrina sa pagkakahawak niya kay Karina lalo na ng maglakad ito papunta sa papang nilang si Nestor. “T-Totoo ba ang sinabi ni Sabrina papang?” hindi nakasagot si Nestor dahil sa tanong ni Karina at napayuko. “Totoo ba iyon papang?!” muling sigaw
NGAYON na ang araw na pinakanghihintay ni Sabrina. Ang araw kung kalian niya iiwan ang pamilya niya para isa-alang-alang ang kanilang organization. Nag-request siya kay Aiden na pumunta sila sa palawan upang magbakasyon ngunit ang totoo ay nag book siya ng ibang flight papunta sa Japan. Nasabihan na niya sila Karina kagabi na mauuna na siyang pumunta sa Japan at ang mga ito ay isasakay niya sa isang private plain na nakahanda para sa mga ito. Habang papalapit sila ng papalapit sa airport ay nanlalamig na ang kamay niya. Hindi nila sinama si Jared dahil nag request din siya dito na sila lang sanang dalawa pero ang totoo ay ayaw niya lang makita ng anak ang pagkawala niya sa airport. Naisip niya na pabilhin ito ng pagkain at isasakto niya s abording ng kaniyang flight at iiwan ito ng mag-isa doon. Lahat na ng lakas ng loob na mayroon siya ay inilabas na niya upang magawa ang plano na iyon. Alam niya na mag-aalala ang lahat sa pag-alis niya kaya nag-iwan na siya ng sulat sa mga ito at
NAKAUPO si Sabrina sa ginta ng mahabang mesa sa isang pavilion sa hotel na nasa resort nila Aiden habang katabi niya rin ang lalaki na masayang nakikipag-usap sa mga kasama nila sa mesa. Nakapalibot sa kanila ang mga kakilala, friends at pamilya nila. Pawang masasaya sa muling pagka-engaged nila ni Aiden ngunit si Sabrina ay lutang at wala sa hapagkainan ang kaniyang isip.Noong makita niyang lumuhod si Aiden sa harapan niya at alukin ito ng kasal ay nagdadalawang isip siya. Napatingin siya sa sing-sing na nasa kaniyang palasingsingan, isa itong diamond na alam niyang mamahalin dahil sa kinang nito. Gusto niyang tumanggi sa lalaki ngunit pinapanalangin niya ang sandalling iyon, ang mag-propose ulit sa kaniya si Aiden sa unang pagkakataon na mahal na nila ang isa’t-isa ngunit hindi naman niya akalain na sasabay ito kung kalian kailangan niyang umalis at pangalagaan ang organization nila.Nakita niya na mayroong humawak sa kamay niya at pagkatingin niya sa taong iyon ay si Aiden pala it
“Hoy! Anong pinag-uusapan niyo?!” nakangiting sabi ni Addison at lumapit sa kambal niya at niyakap ito. “I miss you kuya,” sabi nito kay Aiden na ikinahalik ng lalaki sa noo ng kambal. “I miss you too, Addi. Kamusta ang pagbubuntis?” humiwalay ito sa pagkakayakap at sumimangot sa kaniya. “Ang tagal kamo ng asawa ko hanapin ang gusto ko.” sabi ni Addison. “Kaya nga pati kami inistorbo ng asawa mo ate Addi!” reklamong sabi ni Allard na ikinatawa ni Aiden. “Mukang kailangan ko narin maghanda diba?” napangiti sila dahil doon. “Kailangan talaga kuya! Malayo kami sayo hahahha!” sagot ni Allistair na ikinangiwi ng Aiden ngunit napatingin sa asawa kaya bigla iyong nawala. “Basta makita ko lang siyang masaya ayos na ako.” Nakangiting sabi ni Aiden. “Kailan ka mag po-propose kuya?” tanong ni Keon na ikinatingin dito ng lalaki. “This Sunday,” ngiting malaki ni Aiden dito. “Kaya wag muna kayong aalis dito, sa resort muna kayong lahat.” Dugtong pa niyang sabi. *** “Excuse me lang po muna,”