Mayroong inilabas na bakal si Leo mula sa kaniyang likuran at walang habas na hinampas iyon kay Aiden na lalo nitong ikinabuga ng dugo.
“Aiden!”
“Bitawan niyo ako! Bitawan niyo ako ang asawa ko!” umiiyak na sabi ni Sabrina ng hindi matiis ang nakikita. Napatigil siya ng iangat muli ni Leo ang kaniyang bakal at ihahampas sa ulo ni Aiden.
“Aiden!”
“Edward?”
Natigilan sila kasabay ng pagsigaw ni Sabrina at pagtama ng bakal sa ulo ni Aiden ay ang pagsasalita ng isang babae. Napalingon sila doon at nakita ang isang babae na may hindi gaanong katandaan at kasing edad lamang ni Edward ang nakatayo at umiiyak. Ito’y walang iba kung di si Honeylyn ang asawa niya at in ani Hoven.
“Honeylyn?!” sabay na sabi ni Edward at Leo
“Mama!”
Hindi na napigilan ni Hoven ang tumakbo sa kaniyang ina. Bata pa siya ng mawala sa kanilang piling ang ina kaya hindi niya inaasahan
SABRINA “HANGGANG dito nalamang po kayo,” “H-Hindi teka papasok ako sa loob!” pag kontra ko pa sa babaeng nurse ng harangin kami nito sa harapan ng kanilang pinasukang pinto ngunit pati sila Addison ay pinipigilan ako. “Ate Sabby hindi tayo pwede sa loob!” umiiyak na sabi ni Addison. “No! Gusto kong makitang ligtas ang asawa ko! Gusto ko silang makitang ligtas!” “Ma’am sumunod nalamang po kayo para magamot na agad ang asawa niyo, excuse me.” Nanlulumo akong napaupo sa sahig dahil sa sinabi ng nurse at umiyak. Paano kung hind imaging successful ang operasyon niya? Paano kung mawala siya saakin?! Anong gagawin ko?! “Ate Sabby hindi ka nag-iisa. Andito lang kami,” Naramdaman ko ang pagkayap saakin ni Allistair at Keon pati narin si Addison. Napahawak ako sa kanilang mga braso at kumuha ng lakas, gustuhin ko ‘man na kumalma at maging matatag ngunit hindi ko magawa. Ginawa ko ang lahat para malibang si Edward, para dumating sa oras ang asawa niya ngunit bakit kung kalian aalis na ka
“May paraan pa po ba para bumalik ang ala-ala ng kuya?”Narinig ko ang boses ni Addison ngunit hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari o kanilang pinag-usapan dahil basta-basta nalamang akong pumasok sa loob habang kusang tumutulo ang luha sa aking mga mata. Feeling ko namamanhid ang katawan ko, feeling ko hindi ko na kakayanin ang nararamdaman ko. Feeling ko malaki ang pagkakamaling ginawa ko kaya ako pinaparusahan ng ganito.Pagpasok ko sa loob ay nakita ko na si Aiden na nakahiga at tanging ang makina nito sa gilid ang maririnig sa loob ng silid. Walang ibang tao sa loob kung di ako lamang at ang asawa ko. Nang akong makalapit nakita ko ang kaniyang muka n a tila bugbog sarado at may mga pasa pa dahil sa kaniyang natamong pagkakabugbog. Ang kaniyang ulo ay nababalutan ng benda tanda ng pagkakaroon niya ng kumplikasyon sa ulo.Napatingin ako sa kaniyang kamay na may naka turok na dextrose, iniangat ko ang aking kamay na nanginginig upang hawak
“Marahil ay nagtataka ka kung paano ako nakapasok dito, paano nga ba? Hmm… Sabihin na nating masyadong mababa ang seguridad sa ospital na ito, hahahha.” Gusto ko siyang labanan, gusto kong patigilin ang binabalak niya. Gusto ko siyang tapusin ngunit hindi sapat ang aking kaalalam at isa pa nagsisimula ng manginig ang aking tuhod dahil sa takot. Nakakainis! Bakit ba hindi ako marunong lumaban?! “Natahimik kana Sbarina?” “Ano bang gustong sabihin ko? Na natutuwa ako dahil andito ka?” Dahil sa sinabi ko ay natawa siya ngunit mas naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakatutuk niya sa noo ko ng kutsilyo. Nag-isip ako ng paraan upang kahit papaano ay malabanan ko siya at makahanap ako ng paraan upang matalo siya. Inilibot ko ang aking paningin at naghanap ng maaaring magamit laban sa kaniya ngunit mas lalo lang akong kinabahan dahil wala akong makita at mas lalong hindi ako makaka-alis sa kinatatayuan ko. “Mas lalo ka talagang tumatapang kada araw na l
***“NASAAN si Sabrina?!”Napatigil sa pag-uusap sila Mica at ang magkakapatid ng biglang pumasok si Hoven at hingal na hingal habang nababalot ng pag-aalala ang kaniyang muka.“Hindi ba nasa kwarto ni Kuya?” taking tanong ni Addison.“Wala! Iniwan ko siya doon pero wala na siya! Ang sabi ng nurse umalis siya para tignan ang mga kaibigan niya, at kayo ‘yun! Bakit wala siya dito?!”Nagsikunutan ang mga noo nila dahil sa ikinikilos ni Hoven.“Kumalma ka nga Hoven, baka may binili lang ‘yun.” Sabi ni Mica na napapairap na.“Hindi niyo kasi naiintindihan! Nanggaling si Leo sa kwarto ni Aiden at si Sabrina ang nakaharap niya!”“Ano?!”Sabay-sabay na sagot ng mga ito at kapwa natigilan sa sinabi ng lalaki. Agad na lumapit ang mga lalaki dito at nagtanong.“Anong nangyari?! Bakit nakapasok si Leo?!” seryosong sabi ni Keon at h
Nagkatinginan ang mga ito dahil doon at tila nabuhayan. “Opo kuya! Nakita niyo po ba siya?!” sagot ni Allard dito. “Opo, dumaan siya dito at sinabing sabihin ko ‘daw po sa inyo na wag kayong mag-alala dahil pupunta siya sa ligtas na lugar at magpapakalayo-layo.” “Magpapaka layo?” taking tanong ni Addison. “Wala ho ba siyang sinabing babalik siya?” tanong ni Hoven na ikinailing nito. “Wala po eh,” Bumagsak ang balikat nila dahil sa sinabi ng guard at tila nawalan ng pag-asa. Alam na nilang umalis ito ngunit ang tanong ay saan nagpunta? Ayaw nitong hanapin siya base sa pinapasabi ng dalaga. “Addison, twins, Keon!” napatingin sila sa tumawag sa kanila at nakita nila ang kanilang ama na kabababa lamang ng sasakyan at sa likod nitong sasakyan ay bumaba din ang nag-aalalang ama ni Sabrina. “Daddy!” agad na tumakbo si Addison dito at napayakap sa ama. “Nakita niyo na si Sabby?” “Hind pa daddy,” malungkot na sag
DINUKOT ni Sabrina ang natitirang barya sa kaniyang bulsa at nakitawag sa isang tindahan na nadaanan niya. Mabuti nalang at kabisado niya nag number ng taonga lam niyang makakatulong ngayon sa kaniya. “Hello, sino sila?” tanong mula s akabilang linya. “Manang, ako po ito si Sabrina.” Sagot ng dalaga. “Hija ikaw ba ‘yan?! Kamusta kana?! Ngayon nalang ulit kita nakausap! Kamusta ka?! Balita ko na-ospital ka daw at nawawala?!” Hindi maiwasan ni Sabrina ang mapangiti dahil sa naririnig niyang pag-aalala sa boses ng matanda. “Manang ayos lang po ako, pero kailangan ko po ng tulong niyo ayos lang po ba?” “Oo naman hija! Sabihin mo lang at gagawin ko.” “SIGURADO ka bang ayos na sayo itong bahay na ito?” tanong ni manang Myra sa kaniya. Ang mayordoma sa bahay nila ni Aiden na naging close niya ng mga panahon na nakatira siya doon. “Bakit ang layo naman nito sa ibang tao? Paano kung may mangyari sayo dito wala kang kasama!” Napahinto si Sabrina sa paglilibot sa kaniyang nabiling bahay
SA isang silid na puro puti ang kulay at tanging ang bulaklak na nasa lamesa at mga prutas na nakapatong ang siyang makulay ay nasa loob niyon ang pamilya Devaux na nag-uusap kung paano mahahanap si Sabrina. Ngunit ang kanilang pag-uusap ay naputol ng mayroong bumangon mula s akaniyang pagkakahiga. “Kuya!” Napasigaw si Allistair ng makitang bumangon si Aiden at inalis ang bend ang bend ana nasa kaniyang ulo. Agad silang nagsitayuan at tumakbo papunta sa kinalalagyan nito. “Kuya!” agad na niyakap ni Addison ang lalaki na mayroong pagtataka sa mga mata. “Kuya Aiden sa wakas gising kana!” Naiiyak na sabi ni Keon habang si Addison at ang kambal ay umiiyak na. Lumapit si Keiron sa kaniyang anak at gunulo ang buhok nito. “Pinag ala-ala mo kaming lahat son,” nakangiting sabi nito at maging siya ay nagtataka. Si Aiden na nagtataka magmula ng magising ay mas lalong nagtaka ng makita ang isang lalaki na kamukang kamuka niya. Tumanda lama
Hindi na nila pinansin ang dalaga at pagkapasok ng dalawa sa loob ay nakangiti si Aiden habang kausap ang lolo nila.“Mabuti at hindi na muling sumakit ang ulo ni Aiden,” sabi ni Mica habang nakatingin sa pinsan.“Mabuti nga ate Mica eh, sinusunod namin ang bilin ng doctor kaya okay na siya. Ang sabi ay sa isang araw pwede na siyang umuwi sa bahay.” Sagot ni Addison na nakatingin din sa kapatid.“Mabuti naman kung ganon,”Napatingin si Addison kay Mica.“Kamusta ang paghahanap niyo kay ate Sabby?”Napabuntoong hininga si Mica dahil doon.“Until now ay kahit lead kung nasaan siya ay wala kami,” malungkot na sabi ni Mica.“Sana makita na natin si ate Sabby, sigurado akong siya lang ang paraan upang bumalik ang ala-ala ni kuya,” malungkot ‘din na sabi ni Addison.“Mica apo halika dito!” tinawag na si Mica ng kaniyang lolo kaya nakangit