Habang andito tayo sa gitna ng story feeling ko mahuhulog ako sa itaas eh ang daming pagsubok kaya kapit lang! Sana maalala ako ni Aiden Char hahaha! Thank you sa mga nagbabasa! Mga comments niyo ang nagkekeep saakin para magsulat!
“May paraan pa po ba para bumalik ang ala-ala ng kuya?”Narinig ko ang boses ni Addison ngunit hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari o kanilang pinag-usapan dahil basta-basta nalamang akong pumasok sa loob habang kusang tumutulo ang luha sa aking mga mata. Feeling ko namamanhid ang katawan ko, feeling ko hindi ko na kakayanin ang nararamdaman ko. Feeling ko malaki ang pagkakamaling ginawa ko kaya ako pinaparusahan ng ganito.Pagpasok ko sa loob ay nakita ko na si Aiden na nakahiga at tanging ang makina nito sa gilid ang maririnig sa loob ng silid. Walang ibang tao sa loob kung di ako lamang at ang asawa ko. Nang akong makalapit nakita ko ang kaniyang muka n a tila bugbog sarado at may mga pasa pa dahil sa kaniyang natamong pagkakabugbog. Ang kaniyang ulo ay nababalutan ng benda tanda ng pagkakaroon niya ng kumplikasyon sa ulo.Napatingin ako sa kaniyang kamay na may naka turok na dextrose, iniangat ko ang aking kamay na nanginginig upang hawak
“Marahil ay nagtataka ka kung paano ako nakapasok dito, paano nga ba? Hmm… Sabihin na nating masyadong mababa ang seguridad sa ospital na ito, hahahha.” Gusto ko siyang labanan, gusto kong patigilin ang binabalak niya. Gusto ko siyang tapusin ngunit hindi sapat ang aking kaalalam at isa pa nagsisimula ng manginig ang aking tuhod dahil sa takot. Nakakainis! Bakit ba hindi ako marunong lumaban?! “Natahimik kana Sbarina?” “Ano bang gustong sabihin ko? Na natutuwa ako dahil andito ka?” Dahil sa sinabi ko ay natawa siya ngunit mas naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakatutuk niya sa noo ko ng kutsilyo. Nag-isip ako ng paraan upang kahit papaano ay malabanan ko siya at makahanap ako ng paraan upang matalo siya. Inilibot ko ang aking paningin at naghanap ng maaaring magamit laban sa kaniya ngunit mas lalo lang akong kinabahan dahil wala akong makita at mas lalong hindi ako makaka-alis sa kinatatayuan ko. “Mas lalo ka talagang tumatapang kada araw na l
***“NASAAN si Sabrina?!”Napatigil sa pag-uusap sila Mica at ang magkakapatid ng biglang pumasok si Hoven at hingal na hingal habang nababalot ng pag-aalala ang kaniyang muka.“Hindi ba nasa kwarto ni Kuya?” taking tanong ni Addison.“Wala! Iniwan ko siya doon pero wala na siya! Ang sabi ng nurse umalis siya para tignan ang mga kaibigan niya, at kayo ‘yun! Bakit wala siya dito?!”Nagsikunutan ang mga noo nila dahil sa ikinikilos ni Hoven.“Kumalma ka nga Hoven, baka may binili lang ‘yun.” Sabi ni Mica na napapairap na.“Hindi niyo kasi naiintindihan! Nanggaling si Leo sa kwarto ni Aiden at si Sabrina ang nakaharap niya!”“Ano?!”Sabay-sabay na sagot ng mga ito at kapwa natigilan sa sinabi ng lalaki. Agad na lumapit ang mga lalaki dito at nagtanong.“Anong nangyari?! Bakit nakapasok si Leo?!” seryosong sabi ni Keon at h
Nagkatinginan ang mga ito dahil doon at tila nabuhayan. “Opo kuya! Nakita niyo po ba siya?!” sagot ni Allard dito. “Opo, dumaan siya dito at sinabing sabihin ko ‘daw po sa inyo na wag kayong mag-alala dahil pupunta siya sa ligtas na lugar at magpapakalayo-layo.” “Magpapaka layo?” taking tanong ni Addison. “Wala ho ba siyang sinabing babalik siya?” tanong ni Hoven na ikinailing nito. “Wala po eh,” Bumagsak ang balikat nila dahil sa sinabi ng guard at tila nawalan ng pag-asa. Alam na nilang umalis ito ngunit ang tanong ay saan nagpunta? Ayaw nitong hanapin siya base sa pinapasabi ng dalaga. “Addison, twins, Keon!” napatingin sila sa tumawag sa kanila at nakita nila ang kanilang ama na kabababa lamang ng sasakyan at sa likod nitong sasakyan ay bumaba din ang nag-aalalang ama ni Sabrina. “Daddy!” agad na tumakbo si Addison dito at napayakap sa ama. “Nakita niyo na si Sabby?” “Hind pa daddy,” malungkot na sag
DINUKOT ni Sabrina ang natitirang barya sa kaniyang bulsa at nakitawag sa isang tindahan na nadaanan niya. Mabuti nalang at kabisado niya nag number ng taonga lam niyang makakatulong ngayon sa kaniya. “Hello, sino sila?” tanong mula s akabilang linya. “Manang, ako po ito si Sabrina.” Sagot ng dalaga. “Hija ikaw ba ‘yan?! Kamusta kana?! Ngayon nalang ulit kita nakausap! Kamusta ka?! Balita ko na-ospital ka daw at nawawala?!” Hindi maiwasan ni Sabrina ang mapangiti dahil sa naririnig niyang pag-aalala sa boses ng matanda. “Manang ayos lang po ako, pero kailangan ko po ng tulong niyo ayos lang po ba?” “Oo naman hija! Sabihin mo lang at gagawin ko.” “SIGURADO ka bang ayos na sayo itong bahay na ito?” tanong ni manang Myra sa kaniya. Ang mayordoma sa bahay nila ni Aiden na naging close niya ng mga panahon na nakatira siya doon. “Bakit ang layo naman nito sa ibang tao? Paano kung may mangyari sayo dito wala kang kasama!” Napahinto si Sabrina sa paglilibot sa kaniyang nabiling bahay
SA isang silid na puro puti ang kulay at tanging ang bulaklak na nasa lamesa at mga prutas na nakapatong ang siyang makulay ay nasa loob niyon ang pamilya Devaux na nag-uusap kung paano mahahanap si Sabrina. Ngunit ang kanilang pag-uusap ay naputol ng mayroong bumangon mula s akaniyang pagkakahiga. “Kuya!” Napasigaw si Allistair ng makitang bumangon si Aiden at inalis ang bend ang bend ana nasa kaniyang ulo. Agad silang nagsitayuan at tumakbo papunta sa kinalalagyan nito. “Kuya!” agad na niyakap ni Addison ang lalaki na mayroong pagtataka sa mga mata. “Kuya Aiden sa wakas gising kana!” Naiiyak na sabi ni Keon habang si Addison at ang kambal ay umiiyak na. Lumapit si Keiron sa kaniyang anak at gunulo ang buhok nito. “Pinag ala-ala mo kaming lahat son,” nakangiting sabi nito at maging siya ay nagtataka. Si Aiden na nagtataka magmula ng magising ay mas lalong nagtaka ng makita ang isang lalaki na kamukang kamuka niya. Tumanda lama
Hindi na nila pinansin ang dalaga at pagkapasok ng dalawa sa loob ay nakangiti si Aiden habang kausap ang lolo nila.“Mabuti at hindi na muling sumakit ang ulo ni Aiden,” sabi ni Mica habang nakatingin sa pinsan.“Mabuti nga ate Mica eh, sinusunod namin ang bilin ng doctor kaya okay na siya. Ang sabi ay sa isang araw pwede na siyang umuwi sa bahay.” Sagot ni Addison na nakatingin din sa kapatid.“Mabuti naman kung ganon,”Napatingin si Addison kay Mica.“Kamusta ang paghahanap niyo kay ate Sabby?”Napabuntoong hininga si Mica dahil doon.“Until now ay kahit lead kung nasaan siya ay wala kami,” malungkot na sabi ni Mica.“Sana makita na natin si ate Sabby, sigurado akong siya lang ang paraan upang bumalik ang ala-ala ni kuya,” malungkot ‘din na sabi ni Addison.“Mica apo halika dito!” tinawag na si Mica ng kaniyang lolo kaya nakangit
***EIGHT MONTHS AFTER“TITO,”Napalingon si Keiron sa nagsalita at nakita niya si France na seryosong pumasok sa kaniyang office room.“Kamusta France? Any progress?” seryoso ding sagot ni Keiron.Napabuntong hininga si France at nanghihina na napaupo sa upuan na nasaharapan ng table ni Keiron.“Wala parin tito, kahit anino niya wala.”Inalis ni Keiron ang kaniyang soot na salamin at napasandal sa kaniyang swivel chair. Katulad ni Frabce ay napabuntong hininga siya bago nagsalita.“Malapit ng mag-isang taon ngunit hindi parin natin siya nakikita. Mag-iisang taon na din at dipa bumabalik ang ala-ala ng anak ko,” malungkot niyang sabi na ikinatingin ni France sa kaniya.“Paano kung ayaw na talagang bumalik ni Sabby? Paano kung ayaw na niya sa asawa niya?”
Paano kapag nagkakilala kayo sa maling lugar, maling oras at maling panahon? Malalaman niyo nalang na mag-kaiba ang mundo na inyong ginagalawan. Maraming sikreto ngunit iisang kwento, kwento patungo sa happy ending. ‘Yun ay kung may happy ending nga ba di tulad ng kaniyang librong isinisulat na pawang walang magandang katapusan dahil sa huli ay namamatay ang babae at naiiwan na mag-isa ang lalaki. Paano kung dumating ang babaeng para sa kaniya at dinadalangin na hindi matulad sa kaniyang sinusulat na libro ang katapusan ng kanilang kwento. Ang iwan siya at mawala ito, iyan ang kinatatakutan niya ni Keon Devaux. *** “Sabrina! Sabrina, Aiden!” Nabulabog ang gabi nila Sabrina at Aiden maging ng kaniyang mga anak na mahibing na natutulog sa kuna ay nagising dahil sa malakas na pagsigaw ng taong nasa labas dis-oras ng gabi. “Sino ‘yun?” kunot noong sabi ni Sabrina at binuhat ang anak na si Atasha dahil nagising ito. “Wife, amina muna si Atasha, puntahan na natin ang tumatawag sa l
“HELLO hija,”Napatingin sa salamin si Sabrina dahil sa nagsalita at nakita niya ang pumasok na apat na matatandang babae ngunit halata mo parin ang kagandahan sa mga ito kahit na ganoon. Napangiti siya sa mga ito at tumayo ngunit agad siyang pinigilan ng isang babae. “Wag ka ng tumayo Sabrina, sandali lamang kami.” Nakangiting sabi nito kaya wala siyang nagawa kung di ang bumalik mula sa pag-kakaupo.“Tama si Ally, gusto ka lang namin makita sandali bago ka ikasal sa inaanak naming si Aiden,” nakangiting sabi ng isa. Doon niya naalala ang mga ito, sila ang binabanggit ni Aiden nan as aibang bansa kaya hindi nakarating sa pilipinas ay dahil sa sobrang busy. “Kilala mo ba kami hija?” nakangiting tanong ng isang babae na ikinangiti niya ng pilit at umiling.“Nabanggit po kayo saakin ng asawa ko pero hindi ko pa ho kayo nakikita,” napangiti sila dahil doon. “It’s okay, palagi mo na kaming makikita dahil dito na ulit kami titira, ako ng apala si tita Salem mo. Ako ang in ani France, palagi
Natigilan si Raymond dahil sa sinabi ni Sabrina ngunit agad na nagsalita si Angeline na ikinainis ni Sabrina. “H’wag kang maniwala sa kaniya doc! Inuuto ka lang niya para hindi matuloy ang plano natin!” tinignan ng masama ni Sabrina si Angeline. “Pag nakatakas lang talaga ako dito kakalbuhin kita!” sigaw niya na sabi dito. “Tama na! Simulan na natin ang operasyon!” Agad na kinabahan si Sabrina dahil sa sinigaw ni Raymond lalo na ng mamatay ang ilaw sa paligid at tanging ilaw pang operasyon nalamang ang buhay. “Anong gagawin mo sa puso ko kapag nakuha mo?!” tanong ni Sabrina dito. “Itatapon para wala ng makinabang pa.” parang baliw na sabi ni Raymond na ikinadasal talaga ni Sabrina. ‘Aiden nasaan kana?!’ Sakto na pagsigaw ni Sabrina ay may naramdaman siyang mga presesnya sa paligid. ‘Andito na sila!’ agad siyang dumilat at tinignan si Angeline. “Tingin mob a mamahalin ka ng asawa ko?! Never!” sigaw na sabi niya sa babae at dinadalangin na kumagat ito upang mabigyan ng konting or
Kasabay ng pagkakatuklas ni Sabrina kay Raymond na mastermind ay nalaman din ito ni Aiden ng makita si Angeline na kumuha sa anak niya. Matapos niyang makausap si Raymond ay sakto na nagtext si Sabrina na nagsasabi na si Raymond ang may pakana ng lahat kaya nabuo agad ang plano sa isip ni Aiden. Sinakyan niya lahat ng gustong mangyari ni Raymond at sumabay sa agos at inintay si Sabrina na makarating sa secret room. Nag desisyon silang dalawa na gamitin ang babae bilang pain papunta sa lugar na kinalalagyan ni Raymond at hindi naman sila nagkamali ng desisyon dahil kinuha nga siya ni Raymond. “Paano niyo nagawa saamin ito?!” umiiyak na sabi ni Addison na ikinangisi ni Aiden sa kambal. “Anong inaasahan niyo sa dalawang pinuno ng organization mauuto? Never, kaya humanda na kayo para sa gyera.” *** NAGISING si Sabrina ng marinig niya ang tunog ng isang makita sa kaniyang tabi, makina ng isang heartbeat. Pagdilat niya ay putting kisame ang sumalubong sa kaniya at pagtingin niya sa kani
Nanggaling si Sabrina sa Tagaytay at sina Hannah, Aichan at ang daddy niya ang nagsabi na nasa maynila ang mg auto dahil sa pag-launch ng bagong libro ni Keon kaya dumeretsyo siya sa bahay nila Aiden at ng wala siyang maabutan sa baba ngunit ang sabi ng mga maid ay andoon naman sila alam na niya kung nasaan ang mga ito, nasa secret room. “A-Ate Sabby!” Imbes na matuw sila sa pagbabalik ni Sabrina ay mas natakot pa sila dahil siguradong magwawala ang dalaga sa oras na malaman na nawawala si Jared. Si Aiden ay hindi alam ang gagawin ngunit ang ending ay agad siyang tumakbo sa babae at mahigpit itong niyakap. “W-Wife! I miss you so much!” hindi na napigilan ni Aiden ang kaniyang luha dahil doon bukod sa masaya siya at dumating na si Sabrina ay mas naiyak siya dahil napabayaan niya ang anak nila. Ngayon hindi niya alam kung paano sasabihin sa dalaga ang katotohanan. “I miss you too, Aiden. Sorry kung natagalan ako, wag kang mag-alala dahil inalagaan ko ng mabuti ang anak natin.” Humiwa
“KAILANGAN mong maniwala Karina dahil ito ang katotohanan!” sigaw na sabi ni Sabrina kay Karina na hindi makatingin sa kaniya dahil kakaiyak at umiiling na umaatras sa kinatatayuan nila. “H-Hindi totoo ‘yan Sabrina, nagsisinungaling ka lang!” naguguluhan na sabi ni Karina dahil hindi niya matanggap ang katotohanan. Agad na lumapit si Sabrina kay Karina at hinawakan ito sa magkabila niyang balikat. “Makinig ka saakin Karina, gusto ko na bumalik sa ayos ang buhay mo. Tanggapin mo ang katotohanan at babalik sa ayos ang lahat maging ang organization! S-Si Papang! Si Papang siya ang magpapatunay!” mas lalong umiyak si Karina dahil sa sinabing iyon ni Sabrina at sabay silang napatingin sa pinto ng mayroong tumawag kay Karina. “A-Apo,” napabitaw si Sabrina sa pagkakahawak niya kay Karina lalo na ng maglakad ito papunta sa papang nilang si Nestor. “T-Totoo ba ang sinabi ni Sabrina papang?” hindi nakasagot si Nestor dahil sa tanong ni Karina at napayuko. “Totoo ba iyon papang?!” muling sigaw
NGAYON na ang araw na pinakanghihintay ni Sabrina. Ang araw kung kalian niya iiwan ang pamilya niya para isa-alang-alang ang kanilang organization. Nag-request siya kay Aiden na pumunta sila sa palawan upang magbakasyon ngunit ang totoo ay nag book siya ng ibang flight papunta sa Japan. Nasabihan na niya sila Karina kagabi na mauuna na siyang pumunta sa Japan at ang mga ito ay isasakay niya sa isang private plain na nakahanda para sa mga ito. Habang papalapit sila ng papalapit sa airport ay nanlalamig na ang kamay niya. Hindi nila sinama si Jared dahil nag request din siya dito na sila lang sanang dalawa pero ang totoo ay ayaw niya lang makita ng anak ang pagkawala niya sa airport. Naisip niya na pabilhin ito ng pagkain at isasakto niya s abording ng kaniyang flight at iiwan ito ng mag-isa doon. Lahat na ng lakas ng loob na mayroon siya ay inilabas na niya upang magawa ang plano na iyon. Alam niya na mag-aalala ang lahat sa pag-alis niya kaya nag-iwan na siya ng sulat sa mga ito at
NAKAUPO si Sabrina sa ginta ng mahabang mesa sa isang pavilion sa hotel na nasa resort nila Aiden habang katabi niya rin ang lalaki na masayang nakikipag-usap sa mga kasama nila sa mesa. Nakapalibot sa kanila ang mga kakilala, friends at pamilya nila. Pawang masasaya sa muling pagka-engaged nila ni Aiden ngunit si Sabrina ay lutang at wala sa hapagkainan ang kaniyang isip.Noong makita niyang lumuhod si Aiden sa harapan niya at alukin ito ng kasal ay nagdadalawang isip siya. Napatingin siya sa sing-sing na nasa kaniyang palasingsingan, isa itong diamond na alam niyang mamahalin dahil sa kinang nito. Gusto niyang tumanggi sa lalaki ngunit pinapanalangin niya ang sandalling iyon, ang mag-propose ulit sa kaniya si Aiden sa unang pagkakataon na mahal na nila ang isa’t-isa ngunit hindi naman niya akalain na sasabay ito kung kalian kailangan niyang umalis at pangalagaan ang organization nila.Nakita niya na mayroong humawak sa kamay niya at pagkatingin niya sa taong iyon ay si Aiden pala it
“Hoy! Anong pinag-uusapan niyo?!” nakangiting sabi ni Addison at lumapit sa kambal niya at niyakap ito. “I miss you kuya,” sabi nito kay Aiden na ikinahalik ng lalaki sa noo ng kambal. “I miss you too, Addi. Kamusta ang pagbubuntis?” humiwalay ito sa pagkakayakap at sumimangot sa kaniya. “Ang tagal kamo ng asawa ko hanapin ang gusto ko.” sabi ni Addison. “Kaya nga pati kami inistorbo ng asawa mo ate Addi!” reklamong sabi ni Allard na ikinatawa ni Aiden. “Mukang kailangan ko narin maghanda diba?” napangiti sila dahil doon. “Kailangan talaga kuya! Malayo kami sayo hahahha!” sagot ni Allistair na ikinangiwi ng Aiden ngunit napatingin sa asawa kaya bigla iyong nawala. “Basta makita ko lang siyang masaya ayos na ako.” Nakangiting sabi ni Aiden. “Kailan ka mag po-propose kuya?” tanong ni Keon na ikinatingin dito ng lalaki. “This Sunday,” ngiting malaki ni Aiden dito. “Kaya wag muna kayong aalis dito, sa resort muna kayong lahat.” Dugtong pa niyang sabi. *** “Excuse me lang po muna,”