Share

Chapter Forty-Four(PART TWO OF PART FOUR)

Mabilis na lumipas ang panahon at ang kaniyang itinuturing na isang tunay na anak na si Samantha ay apat na taong gulang na at mag li-lima ngayong taon. Kasama nila ito sa pag-uwi sa pilipinas habang ang kaniyang daddy at si Hoven ay susunod sa mga susunod na linggo dahil marami pa silang inaasikaso sa ibang bansa.

Pagkarating nila sa bahay ay hindi na muna kinausap ni Sabrina ang kaniyang mga ka grupo. Mahalaga na sa ngayon na nakapasok sila sa race dahil bukod sa hilig nila itong lahat ay mayroon silang mission na dapat gawin. Umakyat siya sa taas at pagbukas niya ng pinto ay sumalubong sa kaniya ang dim light sa kwarto.

Nakita niya ang anak na mahimbing na natutulog sa kama kaya napangiti siya at dahang-dahang sinara ang pintuan at naglakad papunta sa kinahihigaan nito. Maingat siyang dumukhaw upang halikan ang noo nito pagkatapos ay tumuloy siya sa kwarto upang maglinis ng katawan.

Si Samantha ay mayroong mapuputing kutis na tila siya ay si snow white habang ang kaniyang pisnge
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status