Natigilan siya dahil sa sinabi ng anak at hindi makapaniwalang nakatingin dito. Nakangiti lamang ito at maging ang mga kaibigan niya ay nakangiting nakatingin sa kaniya lalo na at nakita nila ang naiiyak nitong itsura. Marahil simula ng manganak siya at mawala ang anak ay naging iyakin na talaga ito kaya sa simpleng nakakatuwang bagay ay naiiyak na ito. “Sabrina wag kang umiyak! Magmumuka kang mahina, lalo na sa speech mo mamaya!” irap na sabi ni Hannah. Kapag kasi ganiyan siya ay ang nakikita nila ang Sabrina na natagpuan nila sa batanes at nawalan ng anak. Dahil sa sinabi ni Hannah ay tumingala si Sabrina at pinigilan ang kaniyang luha, hinayaan nila ang dalaga at nang maayos na nag kaniyang emosyon ay hinarap niya ang anak at hinalikan sa pisnge. “Anong mangyayari saakin kung wala ka Samantha?” emotional na bulong ng dalaga sa anak. Hindi lingid sa kaalalaman ng bata na mayroon siyang kapatid na nawawala at alam nito na mayroong ibang pamilya nag kaniyang ama. Tanggap naman
“READY na ba kayo?” Katok na sabi ni Hannah sa kwarto ni Sabrina at pag bukas niya ay sumalubong sa kaniya si Samantha sa soot nito na color white na dress at mayroong mga design ng paro-paro sa pinakang dibdib nito dahil isa iyong tube dress. “Wow! Ang ganda naman ng Samantha namin!” masayang sabi ni Hannah at lumapit dito. “Thank you po, tita.” Nakangiting sabi ng bat ana nakatingin sa reflection nila sa salamin. “Don’t mentioned it. Maganda ka parang ang mommy mo. Wait speaking of, nasaan siya?” “Nasa banyo po nagbibihis, baka lumabas na din po ‘yun kanina pa siya sa loob eh.” Sakto pagkasabi niyon ni Samantha ay bumukas ang pinto ng banyo at doon ay lumabas si Sabrina soot ang isang gown na color white ngunit mayroong touch of red butterflies sa buong gown na tila pinasadya dahil pareho sila ng anak. Nakaipit ang buhok nito pa bun at mayroon siya flower na ipit sa buhok. Ang kaniyang kwintas ang nangigibabaw sa lahat, isa iyong butterfly na gold. Totoong ginto. “Wow! Ang gan
Sumakay sila sa isang mamahaling sasakyan na kulay puti. Malaki ang loob nito dahil pina-costomise din iyon ni Sabrina pang pamilyang sasakyan na may tatak na Porsche. May driver na magmamaneho para sa kanila total sila ay nakasoot ng mga gown kaya hindi nila kakayaning magmaneho. “Samantha anak, mamaya kapag dating natin mayroong isang babae ang lalapit satin at sa kanila ka sumama okay? Sila ng bahala muna sayo hanggat hindi pa nagsisimula nag event.” Nakangiting tumango si Samantha sa kaniyang ina total aware na siya s amga gagawin niya dahil ilang beses na iyong sinasabi ng kaniyang ina. Sandyang kinakabahan lang din ito kaya ganoon at hinahayaan niya lang ito para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya. Natahimik ang lahat sa gitna ng byahe, tila nag cha-charge sila para sa magaganap na pasabog mamaya sa event. Si Sabrina naman ay mayroong kaba paring nararamdaman dahil after four years tyaka niya palang makikita ang pamilya Devaux. At isa pa hindi siya handa na makita an
Napangiti si Sabrina dahil doon. Natagpuan niya kasi ang babae na hinimatay sa gitna ng paghahanap ng trabaho sakto na naghahanap sila ng lugar na pagtatayuan ng kumpanya. Nag-offer na siya ng trabaho sa dalaga at ito na ang nagiging mata niya at tenga sa buong processo ng paggawa sa loob ng tatlong taon dahil kinakailangan pa nilang manatili sa Canada. “Samantha,” tumingin siya sa anak. “Si ate Olivia na muna ang bahala sayo okay? Behave my daughter, wag kang sasagot ng ibang tanong tungkol sayo. Tanging ang ate Olivia mo lang dapat ang makaalam na anak kita.” Sunod-sunod na tumango si Samantha dahil sa sinabi ng ina kaya napangiti si Sabrina at hinalikan na sa noo ang anak. “We’ll see you later,” ibinigay na ni Sabrina ang anak sa kanang kamay nito. “Ang ganda mo naman Ms.Samantha! Manang mana ka talaga sa mommy mo,” “Ate Olivia lagi mo po akong inuuto,” natawa si Olivia dahil sa sinabi ng bata. Matagal na silang magkakilala dahil siya narin ang tagapagbantay sa bata noon kapag
“Ako, gagawa ng gulo? Edi nasira ang plano natin ano kaba!” irap na sabi ni Sabrina dito. “Naninigurado lang ako,” “Oo na! Sige na, go!” Nagkatinginan pa ang tatlo bago tuluyang umalis at naiwang mag-isa si Sabrina. Sumandaling tumigil ang mundo ni Sabrina dahil sa kaniyang kinalalagyan. Hindi niya inaasahan na ang event na iyon ay para sa kaniya. Dati lamang siyang secretary samantalang ngayon ay may-ari na ng isang kumpanya. Napatingin siya sa paligid at sa mga tao. It was breathtaking for her, hindi niya lubos na akalain na siya ang gumawa ng lahat ng iyon. Ang lahat ng iyon ay bunga ng kaniyang paghihirap at pagdurusa, pagdurusa na nag resulta ng lahat ng nakikita niya ngayon. Ang mga mayayamang tao na nasa event niya ngayon ay hindi niya mapaniwalaan, isa itong sweetest revenge sa kaniya. Kung sino ‘man ang nasa likod ng pagkuha sa anak niya o kung si Leo ‘man iyon ay hindi na siya matatakot dahil haharapin niya ito at kayang yayain na makipaglaban ng harapan. Ipinilig na n
HINDI makapaniwala si Angeline ng makita si Sabrina sa kaniyang harapan. Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa, nakasoot ito ng isang mamahaling gown na siyang lalong ikinagulat niya. “Sabrina? You know her?” Baling na sabi ni Aiden habang nakakunot ang noon a siyang ikinatauhan ni Sabrina. Naalala niya ang kaniyang balak, ang kaniyang dahilan kung bakit siya andito sa event. Naalala niya ang lahat ng paghihirap na naranasan niya kung kaya’t tumayo siya ng maayos at taas noong tinignan ang asawa kasama ang kabit nito. “Yes, I know her Mr.Devaux,” Lalong nanlaki ang mat ani Angeline dahil sa sinabi ni Sabrina at si Aiden naman ay napatingin sa dalaga. “N-No! N-No! Stay away from us!” Biglang sumigaw si Angeline na siyang ikinagulat ni Sabrina at ganoon din si Aiden at ang mga tao sa paligid kung kaya’t napatingin sila sa gawi nila. Napairap sa isip niya si Sabrina dahil nakita niyang nakatingin na sa kanila ang lahat. “What are you saying Angeline?” gulong sabi ni Aiden at muli
Tinignan siya ni Sabrina at mayroong isang table ang tignan kaya napatingind din sila doon. “Nagsisimula na Hannah,” seryoso nitong sabi. Nagulat sila ng makita ang dalawang tao na nakatingin kay Sabrina. Si Aiden at Angeline. Si Angeline ay galit na galit ang mga mata samantalang si Aiden naman ay nagtataka at nangingilala. Nakaupo ang mga ito sa kanilang table kasama ang buong Devaux ngunit hindi iyon pinagtutuunan ng pansin ng dalaga. “May I have you’re attention please,” Sakto na biglang nagsalita ang MC kung kaya’t naputol ang titigan ng mga ito at napapailing nalang na bumalik sa maayos na pagkakaupo ang tatlo. “Sigurado akong mababaliw ang dalawang ‘yun sayo. Ang isa ay sa galit habang ang isa naman ay sa pagmamahal. Buti nalang single ako,” iling na sabi ni Aichan na ikinasipa sa kaniya ni Hannah sa ilalim ng table ngunit nagkibit balikat lamang ito. Habang si Sabrina ay hindi nalang pinansin ang sinabi ng kaibigan at itinuon ang mata sa MC dahil ano mang oras ay aakyat
Napangisi si Sabrina dahil doon, hindi niya akalain na kahit hindi siya kilala ng mga ito ay ganoon parin ang dating niya sa mga lalaki. Noon pa ‘man ay alam na niyang habulin siya ng mga lalaki ngunit wala naman siyang pakialam doon. “She was lost but find her way back home with the help of her father and friends. She was lost but God gave her the most precious gift that she ever had.” Wala sa sariling napangiti si Sabrina dahil doon, alam niyang madadamay niya ang anak sa gulong sisimulan niya ngunit wala siyang ibang nais kung di ang mahanap ang anak at maipaghiganti ito. Wala na siyang pakialam kung mabubuo pa sila ni Aiden basta ang gusto niya ay masakama ang dalawang anak, si Samantha at ang baby na nawawala na walang iba kung di si Jared. “And tonight, she will face all of you with courage so let’s all welcome, the owner of D.G company!” Natahimik ang lahat dahil sa sinabi ng MC ngunit maya-maya ay naging maingay din ng wala paring lumalabas na may-ari na sinasabi nito. “N