Napangiti si Sabrina dahil doon. Natagpuan niya kasi ang babae na hinimatay sa gitna ng paghahanap ng trabaho sakto na naghahanap sila ng lugar na pagtatayuan ng kumpanya. Nag-offer na siya ng trabaho sa dalaga at ito na ang nagiging mata niya at tenga sa buong processo ng paggawa sa loob ng tatlong taon dahil kinakailangan pa nilang manatili sa Canada. “Samantha,” tumingin siya sa anak. “Si ate Olivia na muna ang bahala sayo okay? Behave my daughter, wag kang sasagot ng ibang tanong tungkol sayo. Tanging ang ate Olivia mo lang dapat ang makaalam na anak kita.” Sunod-sunod na tumango si Samantha dahil sa sinabi ng ina kaya napangiti si Sabrina at hinalikan na sa noo ang anak. “We’ll see you later,” ibinigay na ni Sabrina ang anak sa kanang kamay nito. “Ang ganda mo naman Ms.Samantha! Manang mana ka talaga sa mommy mo,” “Ate Olivia lagi mo po akong inuuto,” natawa si Olivia dahil sa sinabi ng bata. Matagal na silang magkakilala dahil siya narin ang tagapagbantay sa bata noon kapag
“Ako, gagawa ng gulo? Edi nasira ang plano natin ano kaba!” irap na sabi ni Sabrina dito. “Naninigurado lang ako,” “Oo na! Sige na, go!” Nagkatinginan pa ang tatlo bago tuluyang umalis at naiwang mag-isa si Sabrina. Sumandaling tumigil ang mundo ni Sabrina dahil sa kaniyang kinalalagyan. Hindi niya inaasahan na ang event na iyon ay para sa kaniya. Dati lamang siyang secretary samantalang ngayon ay may-ari na ng isang kumpanya. Napatingin siya sa paligid at sa mga tao. It was breathtaking for her, hindi niya lubos na akalain na siya ang gumawa ng lahat ng iyon. Ang lahat ng iyon ay bunga ng kaniyang paghihirap at pagdurusa, pagdurusa na nag resulta ng lahat ng nakikita niya ngayon. Ang mga mayayamang tao na nasa event niya ngayon ay hindi niya mapaniwalaan, isa itong sweetest revenge sa kaniya. Kung sino ‘man ang nasa likod ng pagkuha sa anak niya o kung si Leo ‘man iyon ay hindi na siya matatakot dahil haharapin niya ito at kayang yayain na makipaglaban ng harapan. Ipinilig na n
HINDI makapaniwala si Angeline ng makita si Sabrina sa kaniyang harapan. Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa, nakasoot ito ng isang mamahaling gown na siyang lalong ikinagulat niya. “Sabrina? You know her?” Baling na sabi ni Aiden habang nakakunot ang noon a siyang ikinatauhan ni Sabrina. Naalala niya ang kaniyang balak, ang kaniyang dahilan kung bakit siya andito sa event. Naalala niya ang lahat ng paghihirap na naranasan niya kung kaya’t tumayo siya ng maayos at taas noong tinignan ang asawa kasama ang kabit nito. “Yes, I know her Mr.Devaux,” Lalong nanlaki ang mat ani Angeline dahil sa sinabi ni Sabrina at si Aiden naman ay napatingin sa dalaga. “N-No! N-No! Stay away from us!” Biglang sumigaw si Angeline na siyang ikinagulat ni Sabrina at ganoon din si Aiden at ang mga tao sa paligid kung kaya’t napatingin sila sa gawi nila. Napairap sa isip niya si Sabrina dahil nakita niyang nakatingin na sa kanila ang lahat. “What are you saying Angeline?” gulong sabi ni Aiden at muli
Tinignan siya ni Sabrina at mayroong isang table ang tignan kaya napatingind din sila doon. “Nagsisimula na Hannah,” seryoso nitong sabi. Nagulat sila ng makita ang dalawang tao na nakatingin kay Sabrina. Si Aiden at Angeline. Si Angeline ay galit na galit ang mga mata samantalang si Aiden naman ay nagtataka at nangingilala. Nakaupo ang mga ito sa kanilang table kasama ang buong Devaux ngunit hindi iyon pinagtutuunan ng pansin ng dalaga. “May I have you’re attention please,” Sakto na biglang nagsalita ang MC kung kaya’t naputol ang titigan ng mga ito at napapailing nalang na bumalik sa maayos na pagkakaupo ang tatlo. “Sigurado akong mababaliw ang dalawang ‘yun sayo. Ang isa ay sa galit habang ang isa naman ay sa pagmamahal. Buti nalang single ako,” iling na sabi ni Aichan na ikinasipa sa kaniya ni Hannah sa ilalim ng table ngunit nagkibit balikat lamang ito. Habang si Sabrina ay hindi nalang pinansin ang sinabi ng kaibigan at itinuon ang mata sa MC dahil ano mang oras ay aakyat
Napangisi si Sabrina dahil doon, hindi niya akalain na kahit hindi siya kilala ng mga ito ay ganoon parin ang dating niya sa mga lalaki. Noon pa ‘man ay alam na niyang habulin siya ng mga lalaki ngunit wala naman siyang pakialam doon. “She was lost but find her way back home with the help of her father and friends. She was lost but God gave her the most precious gift that she ever had.” Wala sa sariling napangiti si Sabrina dahil doon, alam niyang madadamay niya ang anak sa gulong sisimulan niya ngunit wala siyang ibang nais kung di ang mahanap ang anak at maipaghiganti ito. Wala na siyang pakialam kung mabubuo pa sila ni Aiden basta ang gusto niya ay masakama ang dalawang anak, si Samantha at ang baby na nawawala na walang iba kung di si Jared. “And tonight, she will face all of you with courage so let’s all welcome, the owner of D.G company!” Natahimik ang lahat dahil sa sinabi ng MC ngunit maya-maya ay naging maingay din ng wala paring lumalabas na may-ari na sinasabi nito. “N
Si Addison naman ay biglang natigilan ng makita ang naging rection ng dalaga ng makita sila. Iniiwas na ni Sabrina ang tingin sa mga ito a muling ngumiti sa madla. “Good evening ladies and gentleman. Also, to all press who are here to witness my homecoming slash ribbon cutting. So first of all, I wanna talk about my slef. I’m Sabrina De Guzman. My Father, is Jonathan De Guzman if you might know him since he’s also a know business man in Canada. To those who are asking why Am I have Devaux as my surname? Because I’m actually a Deavux.” Biglang umigay ang paligid dahil doon habang si Aiden naman ay napakunot ang noo at napatingin sa babae. Nang makita niya ito ay hindi siya makapaniwalang ito ang may-ari ng event na kanilang pinuntahan ngayon. Ang sabi kasi ng kaniyang ama ay dapat na makipag negotiate sila sa D.G company dahil naresearch siya about dito at nakita niyang maraming charity na pinag-dodonatan ang mga ito. Ang kaniyang ama naman na si Keiron at nanghihina dahil sa kani
“WHAT are you doing Angeline?!” mahina ngunit may diing sabi ni Addison na nasa tabi ng kuya nitong si Aiden. “I’m telling the truth! Kami ang may anak ni Aiden at hindi kayo dahil noon pa ‘man ay alam ng mga tao sa kumpanya na wala kayong relasyon at isa kang maid!” Mas umugong ang ingay sa paligid dahil sa sinabi ni Angeline habang si Aiden naman ay natauhan sa sinabi ng babae. Ngayon ay naiintindihan na niya, naalala na niya ang pangalang Sabrina at Sabby na narinig niya sa mga kapatid niya kanina lang. Ang babaeng nakatayo sa harapan at may hawak na batang babae ang asawa niya. “She is my wife?” Biglang sabi ni Aiden na siyang ikinatingin ni Angeline dito at maging ang mga tao na nasa tabi nila. “K-Kuya siya nga,” kinakabahang sabi ni Keon at napatingin kay Sabrina na nakatingin lamang sa kanila at wala ng expression ang muka. Napatayo si Aiden at mas lalong nakuha ng mga ito ang attention ng lahat ng bisita na naroroon lalo na ang press. Nakita ni Sabrina ang matang na
SABRINA“MARAMING salamat po sa pagpunta niyong lahat.” Nakangiti kong sabi para sa simula ng aking closing message.Mabilis na lumipas ang apat na oras at ngayon nga ay tapos na ang event.“Thank you everyone for coming, especially to those who came from other countries. It’s such an honor that you all to be here.” Tumingin ako sa paligid at nakikita ko ang mga ngiti nila sa labi.Akala ko ay masisira ang event dahil sa gulong nangyari kanina, hindi ganoon ang inaasahan ko ngunit maganda na rin iyon dahil talagang pasabog ang pagbabalik ko. I just want Angeline to suffer how much I suffer four years ago.“This might be the not so perfect night for me to stand in front of you or to start my business in the Philippines but still I will not regret it.”Napatingin ako sa mga kaibigan ko at kita ko si Xenna na halong ang anak kong tulog na kaya lalo akong napangiti. Sa kanilang tatlo kasi si Xenna ang pinakang mahilig sa bata.“Thank you for welcoming and appreciating me especially to my