Hi Kimmie's! Finally na upload ko na ang new story ko but wala pa siyang contract kaya makikita niyo lang siya sa website mismo hindi sa app. Baka by next week pa maging available sa App if mag kaka kontrata agad. Drama yun guys but still in a romanced way! Btw malapit nang matapos ang story! Since hanggang chapter 60 lang itong book ni Aiden Kimmie's so kapot lang! Thank you sa walang sawang sumuporta!
“NASAAN si Angeline?!” Pumalibot ang malakas na boses ni Addison ng makarating sila sa bahay ni Aiden. Kaaalis lamang ng kanilang kapatid at nasabi na sa kanila na umuwi nga doon si Angeline at dala ang anak niya. Aalis na din sana ang lalaki upang hanapin si Angeline ngunit hindi ito naputol ng makita niya ito sa pinto. “Ma’am Addison, nasa taas po si madame.” Magalang na sabi ng ni Thea na nagulat habang siya ay nagpupunas ng mga vase sa biglang pagsigaw ng kapatid ng kaniyang amo. Tinanguan lamang siya ni Addison at agad na umakyat sa itaas kasama ang mga kapatid niya na kanina pa nag-aalala kay Jared. “Anong kailangan niyo saakin?” takang tanong ni Angeline ng sakto na isasauli niya sa ibaba ang tasa na pinagtimplahan niya ng kape. Kita niya ang paghangos sa itsura ng mga ito habang may mga galit na expression kaya napangisi siya sa kaniyang isip. “Anong ginawa mo sa pamangkin namin?!” sigaw ni Addisson. “Alam mong wala akong ginawa sa ANAK ko Addisson,” nakangisi nitong sabi n
KINABUKASAN ay maagang umalis ng bahay si Aiden upang pumunta sa opisina ni Sabrina. Narealize niya na hindi dapat siya sumuko sa asawa, kung totoo na niloloko niya ito noon ay kailangan niyang humingi ng tawad dito. Hindi para sa kanilang kumpanya kung di para sa kaniyang sarili, magmula ngf makita niya si Sabrina ay hindi na ito mawala sa kaniyang isip lalo na ang anak nila. Gustong-gusto na niyang mayakap ang anak na babae kaya kagabi ng umalis ang kaniyang ama ay nagpa-booked na siya ng appointment sa dalaga upang hindi siya mapaalis. Hindi niya pinapansin si Angeline na buong magdamag atang nagpapapansin sa kaniya lalo na at inaakit siya nito ngunit wala siyang pakialam lalo na at nakita niya ang CCTV footage kung paano nito pahirapan ang asawa. Sobrang laki nga ng kasalanan niya kaya ganoon nalamang ito makatingin sa kaniya. Pagkarating niya sa D.G. Company ay napatingin sa kaniya lahat ng madadaanan niya na siyang balewala sa kaniya. Nang makarating sa pinakang office ng babae
NATIGILAN si Sabrina dahil sa sinabi ng kaniyang asawa at napatitig dito. Alam niyang hindi matigil ang kaniyang mga luha ngunit hindi na iyon mahalaga sa kaniya, ngayon niya lang nailabas sa lalaki ang sakit na nararamdaman niya sa paglipas ng panahon. Ayaw niyang maulit ang nangyari sa nakaraan na masyado siyang nagpaka tanga kung kaya’t ayaw niyang mabihag nanaman sa patibong nito ngunit bakit hindi niya maintindihan ang kaniyang puso na nagsasabing bigyan ito ng pangalawang pagkakataon at tulungan na bumalik ang kaniyang ala-ala. “H-Hindi madali ang hinihiling mo Aiden,” iyan ang tanging lumabas sa kaniyang bibig na siyang ikinatango naman ni Aiden sa kaniya. “I know, pwede bang kahit sa Negosyo nalang muna? Pareho tayong makikinabang dito Sabrina. Isipin mo nalang ang mga taong nagtatrabaho sayo. Paano sila magkakaroon ng sahod kung sa tingin mo ay lahat ng magiging katrabaho mo ay aatras?” napaisip siya dahil sa sinabi ng lalaki at may punto ito. Mga ilang minuto siya nag-isip
“Hello po tita Sabby! A-Ako po si Franchesca pero chesca nalang po para hindi mahaba.” Napangiti lalo si Sabrina dahil sa kadaldalan nito kahit pa na hindi ito ganoon kalinaw magsalita, ngunit naiintindihan naman, pinisil niya pisnge nito. “Ang cute mo naman Chesca! Sigurado akong matutuwa si Samantha kapag nakilala ka niya!” napangiti din sa kaniya ang bata ngunit nagsalita si France. “Speaking of, madami ka dapat ikwento saakin.” Napatingin siya sa kaibigan at napangiti dito. Nag-kwentuhan lang sila sandali at napunta na sa usapang Negosyo. Napagkaalaman niya na may Negosyo pala ang asawa niya na farm sa Baguio at ngayon nga ay nakapagtayo na sila ng kumpanya sa manila dahil sa mga fresh foods na nakukuha nila maging sa mga gatas ng baka. Walang nakikitang mali si Sabrina para tanggihan niya ang alok ng mga ito since ang purpose naman niya sa Negosyo ay makatulong kaya kahit walang kinalaman ang Negosyo nila France at Cedrick ay pumayag siya. Nagkaroon na din sila agad ng contract
“Totoo ba iyon hija? Ibig sabihin siya ang sinasabi mo na may issue kayo?” napangiti ng alanganin si Sabrina dahil doon at napatingin sandali kay Aiden na nakakunot ang noo. Nahiya siya dahil baka iniisip nito na pinagkakalat niya ang problema nilang dalawa. “A-Ah eh opo, akala ko ho kasi napanood niyo sa TV.” Sabi niya na ikinatango naman ng dalawa sa kaniya. “Nako hija, hindi kami nanonood ng telivisyon dahil masyado kaming busy sa isa’t-isa.” Biglang pinalo ni Mrs.Franklin ang asawa dahil sa sinabi nito na ikinangiti ni Sabrina. Para sa kaniya ang dalawa ang living proof na totoo ang true love. “Maupo kayo halika!” binigyan sila Mr.Franklin at Aiden ng upuan at kapwa tumabi sa kanilang mg asawa. “Anong ginagawa mo dito?” nakangiti ngunit pabulong na sabi ni Sabrina. “Ikaw, anong ginagawa mo dito.” Gustong mapairap ni Sabrina dahil sa sinagot ng lalaki sa kaniya. “So, anong issue ba ang sinasabi mo hija?” natigilan sila pareho dahil sa tanong ni Mrs.Franklin na nahalata ng mag-asaw
“GOOD morning, my daughter.” Nakangiting bati ni Sabrina sa kaniyang anak at kita niyang ang unti-unting pagdilat ng mga mata nito. Nakahanda na siya sa pagpasok sa upisina ngunit kinailangan niya munang gisingin ang anak upang sabihin dito ang magandang balita. Hindi niya kasi naabutan na gising ito kagabi kung kaya’t ngayon nalang niya sasabihin. “G-Good morning too mommy,” bagong gising na bati ng kaniyang anak at inalalayan niya ito na maupo. “Aalis kana po?” tanong nito habang kinukusot ang mga mata. “Yes, anak. Pero bago ‘yun ay maysasabihin ako sayo.” Napatingin si Samantha sa kaniya na nagtataka dahil doon kaya ngumiti lang siya ng mas malaki pa sa anak. “This coming Sunday, we will go to the mall together with your daddy and brother.” Biglang nanlaki ang mata ni Samantha dahil doon at nabuhay ang kagigising palang niyang katawan. “Talaga po?!” masaya nitong sabi kay nakangiti siyang tumango sa anak na ikinayakap nito sa kaniya. “Wow! Thank you, mommy! Sobrang saya ko po!” n
“Okay, okay! Talo na ako, kumalma kayo sasabihin ko na.” sabi niya sa mga ito na parang sumusuko na. Nakita niya ang nag-aabang na mga muka ng tatlo habang si Mica at naka cross arms sa kaniya. Bumuntong hininga muna siya bago tuluyang nagsalita. “Umalis ako five years ago, para sa ikabubuti nila Aiden, okay? May gulo noon sa pamilya naming na hindi niyo pwedeng malaman kung ano.” Napabusangot ang tatlo dahil doon. “Ang daya!” natawa siya sa naging reaction ng mga ito ngunit alam niya na hindi na sila magtatanong pa, kilala niya ang mga ito. Masaya ang naging usapan nila at tinanong niya kung ano na ang ganap sa kanilang mga buhay at doon ay nalaman niya na lilipat pala ang mga ito sa kaniyang kumpanya kaya sila nandodoon. Masaya niya naming tinaggap ang apat at sa isang linggo na magsisimula nag mga ito sa kanilang trabaho. “Ewan ko ba jan kay Mica, nagtatyaga magtrabaho ng ganito samantalang mayaman naman pala!” nagtatakang sabi ni Sophia ng biglang mapunta ang topic sa pagiging m
“May kailangan tayong puntahan. At kung magpapatuloy ka kakadada jan hindi tayo aabot sa oras.” Hindi siya makapaniwalang nakatingin sa likod nito at nang makasakay sa kotse ay mabilis na pinaharurot ang sasakyan. “Saan ba tayo pupunta at nagmamadali ka?” tanong niya dito dahil sa bilis nitong magpatakbo ng sasakyan. Hindi naman siya natatakot ngunit nagtataka lamang. “You will see,” napa-cross arms siya dahil doon. Kanina pa sobrang iksing sumagot ng lalaki kung kaya’t nagpasiya siyang tumingin nalamang sa bintana upang libangin ang sarili doon. “Wife! Wife wake up.” Naalimpungatan siya sa pagtawag sa kaniya ni Aiden at nakatulog pala siya kakatingin sa bintana. “A-Andito na ba tayo?” tanong niya sa lalaki na ikinangiti nito at tumango. Hindi niya maintindihan ang lalaki, kanina lang ay parang may regla ngayon naman ay nakangiti na. Lumabas ito ng kotse at pinagbuksan siya ng pinto na siyang ikinakita niya sa isang madaming sahig. Inabot niya ang kamay sa lalaki upang makababa siya