Share

Chapter Fifty-One(PART TWO OF PART FIVE)

KINABUKASAN ay maagang umalis ng bahay si Aiden upang pumunta sa opisina ni Sabrina. Narealize niya na hindi dapat siya sumuko sa asawa, kung totoo na niloloko niya ito noon ay kailangan niyang humingi ng tawad dito. Hindi para sa kanilang kumpanya kung di para sa kaniyang sarili, magmula ngf makita niya si Sabrina ay hindi na ito mawala sa kaniyang isip lalo na ang anak nila. Gustong-gusto na niyang mayakap ang anak na babae kaya kagabi ng umalis ang kaniyang ama ay nagpa-booked na siya ng appointment sa dalaga upang hindi siya mapaalis.

Hindi niya pinapansin si Angeline na buong magdamag atang nagpapapansin sa kaniya lalo na at inaakit siya nito ngunit wala siyang pakialam lalo na at nakita niya ang CCTV footage kung paano nito pahirapan ang asawa. Sobrang laki nga ng kasalanan niya kaya ganoon nalamang ito makatingin sa kaniya. Pagkarating niya sa D.G. Company ay napatingin sa kaniya lahat ng madadaanan niya na siyang balewala sa kaniya. Nang makarating sa pinakang office ng babae
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status