MAGKAKASAMA Deimos, Theon and Neo habang naglalakad papunta kung saan huling nakita ni Neo ang kamuka ng kanilang ama. Kahit na walang kasiguraduhan na makita nila ang ama ay tumuloy pa ‘rin sila.
Kasabay niyon ay ang pag-aalala ‘din nila sa kanilang dalawang nakababatang kambal. Pawang mga babae pa naman ang mga ito. Baka kung may mangyaring hindi maganda sa mga ito siguradong pagagalitan sila ng magulang. Lalo na at tumakas lang sila sa school.
Kapag napansin ng mga ito na nawawala silang lima ay siguradong sasabihin agad ito ng kanilang teacher sa ina. Ayaw pa naman nilang nag-aalala ito sa kanila.
“Kailangan nating bilisan para mahanap natin si Amber at Stella. I am worried that something might happen to them, siguradong lagot tayo nito.”
Maya maya’y sabi ni Theon habang nag lalakad sila. Tahimik lang naman sila habang naglalakad, iisa ang nasa isip nila at iyon ay ang dalawa nilang kambal na babae.
Alagang alaga kasi sa kanila ang dalawa at iyon lang ang kauna-unahang pagkakataon na napahiwalay ang mga ito sa kanila. Kung hindi lang sila na blackmail ng mga ito ay hindi nila hahayaan na mag-isa ang mga ito. Kaso ayaw ‘din naman nila malaman ng ina ang tungkol sa balak nila at sa kanilang ama kaya napapayag sila.
Pero ang pinakang tutol sa desisyon na iyon ay si Deimos. Kung hindi namilit si Neo sa kagustuhan na pumayag sa dalawang kapatid nila hindi papayag ang kanilang panganay. Ngunit katulad ng kaniyang mga kambal ay gusto niya ‘rin makita ang ama.
Pinakang reason doon ay ang narinig na sinabi ni Neo na mayroong banta sa buhay ng kanilang ina. Syempre ayaw niya na mapahamak ito lalo pa’t ang ina nila ang kasa-kasama simula ng sila ay magkaisip.
Kita nila ang paghihirap ng kanilang ina, kung paano sila nito itaguyod ay pangalagaan. Hindi niya hahayaan kahit pa na ang ama nila ang gagawa ng paraan para kunin sila. Mananatiling sa puder ng kanilang ina lamang sila.
“Simula palang tutol na ako dito.”
Biglang nagsalita si Deimos dahilan pata tumayo ang balahibo ni Neo at Theon. Sa gitna ng kanilang katahimikan ay ngayon nalang ito nagsalita simula ng dumating sila sa school. Hindi pa naman magandang magalit ang kanilang panganay na kapatid.
Agad na napatingin si Theon kay Neo at pinanlakihan ito ng mata. Kinausap na niya ito kagabi na siguradong ayaw ni Deimos sa naging desisyon niya. Ayaw niyang madamay sa galit ng kanilang panganay na kambal.
“A-ah ano ka ba naman twin! Makikita natin si daddy okay?! Bilisan nalang natin para mahanap na natin ‘yung dalawa.”
Nauutal pa si Neo habang sinasabi iyon. Nilapitan niya si Deimos at inakbayan ito tapos tinulak na palakad. Nilingon niya sandali si Theon at pinasunod sa kanila, hanggat kaya pa niyang mauto ang panganay nila ay dapat nilang mahanap ang ama.
Alam niya na maaari siyang saktan ng kapatid sa oras na hindi maging maganda ang plano niya. Ngunit ng makarating sila sa lugar kung saan niya nakita ang ama ay wala ito doon. Tanging mga kotse lang ang naroroon na nakaparada.
“Where is daddy?” tanong ni Deimos kay Neo na patingin tingin sa paligid.
“Dito ko siya nakita e, baka nasa loob pa. Hintayin natin siyang lumabas,”
Pag papagaan na loob na sabi ni Neo sa mga kapatid.
“Pero grocery ang nasa loob. Paano ka nakakasigurado na nasa loob ang daddy natin?”
Agad na naputol ang determinasyon na iyon ni Neo ng magsalita ang kambal na si Theon. Agad niya itong nilapitan at kinurot pagkatapos ay binulungan ito.
“Akala ko ba kakampi kita?! Bakit mo naman ako nilalaglag?!”
“Hoy! Hindi mo ako kakampi! Baka marinig tayo ni Deimos isipin niya kakampi mo talaga ako!”
“Traydor ka! Pumayag ka sa kagustuhan ko kagabi!”
Patuloy na nagbubulungan ang dalawa sa isang tabi habang si Deimos naman ay seryoso lang na nakatingin sa kanila. Hindi ‘man niya naririnig ang mga sinasabi nang mga ito ay may idea na siya kung ano iyon.
“Paano kinulit mo ako!” sagot ni Theon sa kambal at doon na napalingon si Neo kay Deimos para i-check kung nakatingin ba sa kanila ito.
Pero nagulat siya ng makita niyang nakatingin nga ito sa kanila. Ngumiti siya ng alanganin sa dito at kinurot muli si Theon at bumulong dito sa huling pagkakataon.
“Sige na Theon! Saglit lang ‘to!”
Pagkatapos niya itong sabihin ay lumapit na siya kay Deimos para aliwin ito habang nag-iintay sila doon. Habang si Theon naman ay napailing nalang sa ginawa ni Neo at walang nagawa kundi ang lumapit sa mga ito.
Ang plano ni Theon na maghintay sa labas ng parking sa grocery store ay nagtagal ng halos kalahating oras. Nakaupo lamang sila doon sa isang tabi at patingin tingin sa mga lumalabas ng store ngunit wala pa ‘rin ito.
“Where is he? We’re almost here for half hour.”
Tumayo si Neo dahil nagsalita na si Deimos. Hinarap niya ang dalawa para mas kumbisihin ang mga ito na maniwala sa kaniya. Kahit na kanina pa niya iyon ginagawa.
Napa-face palm nalang si Theon dahil sa ginagawa ng kaniyang kambal. Kilala nila si Deimos, alam niyang alam ni Neo na hindi na maniniwala si Deimos sa sinasabi nito pero pinagpipilitan pa ‘rin niya.
HABANG nagsasalita si Neo sa harapan ng dalawa niyang kambal ay siya namang labas ng dalawang may katandaan nang lalaki at babae mula sa grocery store. Napansin kaagad nila ang tatlong batang lalaki na nasa isangtabi.
“Hon, look at those three boys. Are they lost?” tanong ng babae sa kaniyang asawa na ikinalingon naman ng matandang lalaki doon.
Wala ngang kasamang mga magulang ang tatlo ngunit hindi naman sila sigurado kung nawawala nga ba ang mga ito.
“Maybe they are waiting from the outside,” kibit balikat na sabi ng lalaki sa kaniya.
“Let’s ask them. Paano kung nawawala talaga sila? Hindi ako matatahimik, hon.”
“Okay hon. Let’s ask them, ipapasok ko lang ito sa loob.”
Napangiti ang matandang babae sa sinabi ng asawa at tumango dito. Iyon ang araw ng grocery nilang dalawa kaya marami-rami ‘din ang kanilang naipamili at inabot ng ilang sandali ang kanilang pag hahakot ng pinamili.
Kahit naman may katandaan na ang dalawa ay kayang kaya pa ‘rin nila ang mga mabibigat na gawain katulad niyon. Nang matapos sila ay agad nilang nalapitan ang tatlo upang tanungin ang mga ito.
Naabutan nilang tila nagtatalo talo ang mga ito. Nagkatinginan pa sila sandaling mag-asawa dahil doon ngunit nagpatuloy pa ‘rin sa plano na tanungin ang mga ito.
“Excuse me,”
Nakarinig ng boses babae ang magkakapatid dahilan para sabay sabay na mapalingon ang mga ito sa pinanggalingan ng boses na iyon.
Nakita nila ang dalawang tao, isang babae at lalaki na may katandaan na. Ngunit ang pinagtataka nila ay biglang rumihistro sa mga muka nang mga ito ang pagkakagulat.
Agad na tumayo si Deimos at nanguna sa kanilang tatlo. Sa mga ganoong pagkakataon ay si Deimos lagi ang siyang nangunguna sa kanila.
“What do you need po?” magalang na tanong niya sa mga ito.
Usually kapag ganoong sitwasyon noong nasa ibang bansa sila ay hindi ito gumagalang. Kilala nang karamihan na walang modo silang magkakapatid, dahil na ‘rin siguro madalas kung mapasabak sila sa gulo.
Hindi naman nila inaasahan iyon, sa tuwing lalabas kasi silang magkakapatid ay maraming lumalapit sa kanila lalo na lima silang kambal. They know na nakakamangha ang kalagayan nila pero kaakibat niyon ang masasamang tao.
Muntikan na nga silang mapahamak dahil nag entertain sila ng masamang tao. Doon sila nadala at sa tuwing mayroong stranger na lumalapit sa kanila ay alerto agad ang mga ito lalo na kapag kasama nila ang dalawa nilang kapatid na babae.
Pero dahil nga bago sila umuwi sa pilipinas ay pinaalalahanan sila ng kanilang tita Diana na hindi sila pwedeng mambastos nang nakakatanda sa kanila dahil sa mga tradisyon na mayroon sa Pilipinas.
Kahit naman na sa ibang bansa sila ipinanganak at lumaki ay kaya pa ‘rin nilang mag tagalos dahil tinuturuan sila nang kanilang tita Diana. Si Diana ang siyang kumupkop at tumulong kay Freya nang mamngyari ang bagay na nagpawala sa ala-ala niya.
Hindi sumasagot ang dalawang matanda na nasa harapan nila kaya mas lalong na-alerto ang mga ito.
“Kuya, baka may gawin silang masama satin.” bulong ni Theon kay Deimos.
Habang ang dalawang mag asawa naman ay hindi makapaniwala sa kanilang nakikita.
“Are you seeing what I am seeing hon?” tanong ng babae sa kaniyang asawa.
“Y-yes... they look exactly like Eamon when he was young.” hindi makapaniwalang sabi ng matandang lalaki.
Narinig naman iyon ni Deimos kung kaya napakunot ang noo nito. Tumatakbo sa isip nito kung sino ang Eamon na tinutukoy nito.
“Excuse me po, pero who are you two? What do you need from us?” muling tanong ni Deimos pero dahill hindi pa ‘rin makapaniwala ang dalawang matanda ay hindi pa ‘rin sila nakasagot dito.
“If you will keep on staring at us, we will leave.” sabi nito at nilingon ang dalawang kambal. “Let’s go,”
Tutol pa naman sana si Neo ngunit alam ‘din niya na maaari silang mapahamak kung kaya wala siyang magagawa.
“Wait!” agad na pigil ng matandang babae nang makita nila na paalis na ang mga ito.
“Don’t leave please! W-were just shock because you all look like our son when he was young. Actually, parang batang version niya kayo ngayon.”
Napantig ang tenga nang mga ito dahil sa sasabi at agad na lumingon pabalik sa kanila. “Do you have proof?” agad na tanong ni Deimos sa mga ito. Tumango naman nang sunod sunod ang dalawa at agad na kinuha ng matandang babae ang cellphone at hinanap ang larawan nang kanilang anak. Sakto naman na mayroon silang bagong picture na kagabi lang kinunan dahil nag dinner sila ng magkakasama. “Here!” at inabot nito ang cellphone kay Deimos. Agad na lumapit ang dalawa niyang kambal para makita ang picture. “Sorry to ask this but where are your parents? Kasama niyo ba sila ngayon? I’m too shock that you all look exactly like our son.” Hindi na nila napansin ang sinasabi ng matandang babae nang magsalita si Neo. “It was him! He was our father!” nanlalaking matang bulong nito. “Are you sure?” tanong ni Deimos sa kapatid na ikinatango nang sunod sunod nito. “Of course! Hindi ba halata kamukang kamuka natin siya!” muling bulong nito sa kambal. “So this is what our father look lik
“He said that he will punish mommy when he finds out that he and her had a child which is us! Kamukang kamuka namin si daddy, tita Diana!” Muling natahimik ang kabilang linya dahil sa sinabing iyon ni Neo. Now naiintindihan na ni Diana kung ano ang tunay na nangyayari. At nang dahil sa nalaman ay agad na bumalik sa kaniyang ala-ala ang nangyari ng panahon na iligtas niya si Freya. Duguan ang buong katawan nito lalo na ang ulo nito dahilan para magkaroon siya ng amnesia. Ayaw na ayaw niyang makikita muli sa ganoong sitwasyon ang kaniyang kaibigan. Kaya nga hindi niya nireport sa pulis ang nangyaring iyon dahil baka balikan siya ng gumawa niyon sa kaniya. Ngayon sa narinig niya kay Neo, naisip niya na malaki ang pusibilidad na ang asawa pala mismo ni Freya ang may kagagawan niyon sa kaniya. At syempre hindi niya hahayaan na mapahamak nanaman ang kaniyang kaibigan. “Okay payag ako sa gusto niyong mangyari. Mag book ako agad ng flight, wag na wag niyong sasabihin sa mommy niyo ang
“Nasaan naman kaya silang dalawa?” tanong ni Theon habang hinahanap ang kambal nila. “Kapag may nangyaring masama sa kanilang dalawa, it was all your fault Neo.” biglang sabi ni Deimos habang naglalakad sila na ikinalaki ng mata ni Neo. Natawa naman si Theon dahil doon, hindi naman na maka-angal pa si Neo dahil alam ‘din naman niya na may kasalanan siya. Habang naglalakad sila, papalapit na sila ng papalapit sa school. Maya maya pa ay nakita na ‘rin nila ang isa sa kambal nila. “Hush! Ako gugulat sa kaniya!” agad na sabi ni Neo na tatawa tawa ng mahina at tahimik na tumakbo papunta sa likuran nito. Nakita kasi nila ito na nagtatago sa isang puno. Malamang na mayroong kalaro ang mga ito lalo na at nasa park sila. Hinayaan naman nila si Neo at nanood nalamang. Habang papalapit si Neo ay mas lalo siyang natatawa lalo na’t alam niya na magugulat ito at maiinis. Gustong gusto pa naman niya na iniinis ang mga ito. Silang dalawa ni Theon ang pasimuno inisin ang dalawa. “Hoy!”
SIMULA nang marinig ni Minerva ang sinabi ni Freya ay nawala na siya sa kaniyang sarili. Walang ibang pumapasok sa isip niya kundi ang nangyari sa kaniyang kaibigan. Mayroon siyang idea kung ano at bakit nangyari iyon ngunit hindi pa siya nakakasigurado at gusto niyang makasigurado. “Ayos ka lang ba Minerva?” Natauhan siya ng tanungin siya ni Freya. Pagtingin niya sa paligid ay kitang kita niya ang mga nagtatakang tingin ng mga kasama niya. Pero ang mas nangibabaw sa kaniya ay ang limang maliliit na bata na nakatingin sa kaniya. ‘Kamukang kamuka ni Eamon...’ hindi niya maiwasang isipIN ngunit agad ‘rin siyang napailing. “A-ayos lang ako.” pagkasabi niya niyon ay tinignan niya ang kaniyang relo at nagpanggap na nagulat. “Oh no! Anong oras na pala, siguradong hinahanap na kami sa bahay.” Tumayo si Minerva at inayos ang kaniyang mga gamit. “Freya, I’m so happy meeting you again pero kailangan na naming umuwi ni Frey.” “What? Not yet mommy please! Naglalaro pa po kami nila
“You said she has an amnesia? How?” maya maya’y tanong pa niya sa asawa. “I don’t know! Basta ang sabi niya sakin, niligtas ‘daw siya ng kaibigan niya na si Diana at nakita ‘daw siya nito na duguan lalo na sa ulo niya. ‘Yun ang reason kung bakit siya nagka-amnesia.” Muling natahimik si Nikiro dahil sa narinig na siyang ikina-frustrate ni Minerva. “Love, alam natin pareho kung anong nangyari! Nadamay ang kaibigan ko sa pinsan mo!” Napapikit si Nikiro sa kabilang linya at napahilot sa kaniyang nose bridge dahil doon. Alam niya ang tinutukoy ng kaniyang asawa at hindi niya ito masisisi kung magagalit siya sa kaniyang pinsan. “Love, let’s talk about it at home. Tapusin ko lang ‘to at uuwi na ako.” Kahit papaano ay kumalma ang kalooban ni Minerva dahil sa kaniyang narinig. Huminga muna siya ng malalim at kinalma ang sarili pagkatapos ay humingi ng tawad sa asawa. “I’m sorry kung napasigaw ako love. Please ‘wag mo munang sasabihin sa pinsan mo. Alam kong close kayong dalawa pe
“WELCOME back to me to the Philippines!”Ang masayang aura ni Freya ay nawala ng makabalik siya sa bahay nilang mag-asawa.“Hindi ka pa ba tapos jan Freya?!”Nagulat si Freya sa sigaw na iyon ng kaniyang mother-in-law kaya kaagad niyang binilisan ang kaniyang kilos.“T-tapos na po!”Nang matapos ay agad siyang lumapit dito at iniabot ang pinaluluto sa kaniya na pagkain.“Ang kupad mo naman! Sa pagkaka-alam ko mabilis ang mga nagtrabaho sa ibang bansa? Nag trabaho ka ba talaga o lumandi ka lang sa mga taga ibang bansa doon?”Natigilan siya sa sinabi nito at kaagad na nakaramdam ng sakit sa kaniyang puso.Alam niya na hindi na siya gusto ng ina ng asawang si Zoren noon pa ‘man. Hula nga niya ito ang nag push sa kaniya na mag trabaho sa ibang bansa, though kahit na sabi nito ay para sa kaniyang asawa kaya siya dapat mag trabaho sa ibang bansa pero kung pagsalitaan siya nito ay grabe.“Mama, nagpunta po ako doon para mag trabaho. Para sa pag-aaral ni Zoren hindi po ba? Pagod lang po ako..
“MA’AM do you have reservation po?”Agad na tanong ng babae sa kaniya sa front desk na agad niyang ikinailing.“I am the wife of Zoren, hindi ko kailangan ng reservation. I need to see him right away, it’s an urgent matter.”Pagkasabi ni Freya niyon sa abbae ay tinignan siya nito mula ulo hanggang paa. Tila nailang nalang siya doon lalo pa’t tumango lang ito sabay sabi ng,“Wait a sec ma’am,”Mayroon itong kinausap sa telepono at maya maya ay binaba na nito iyon at ngumiti sa kaniya ng alanganin.“Top floor po ma’am,”Ngumiti siya dito ng malaki at iniwan na ito. Gusto niya sanang sabihan na ‘wag manghusga agad pero hindi nalang niya ginawa.Nang makarating siya doon ay nakita niya agad ang secretary/best friend ng asawa.“Freya! Nakauwi ka na pala sa pilipinas!” tuwang sabi nito sa kaniya na ikinangiti pabalik ni Freya dito.Mabait na tao si Matthew at noon pa man ay suportado na ito sa pagmamahalan nilang mag-asawa.“Tagal ko ‘rin kasing nawala, pwede ko bang makausap si Zoren. May
NAKILALA niya si Yanna at mabait ito at palangiti. Hindi tulad ng boss nito na siyang asawa niya ngayon na hindi manlang ngumingiti. AYon kay Yanna ay ganon ‘daw talaga si Eamon Evander.Tama nga siya, kilala niya ang lalaki at pamilya nito. Sino bang hindi isa lang naman sila sa mayamang pamilya sa mundo.Ayon ‘din kay Yanna ay party ang pupuntahan nila, anniversary ng Delancey Empire. Nagulat pa nga siya dahil malaking party iyon pero wala naman siyang magagawa.Inabot na ‘rin sila ng gabi dahil pinaayos pa ang buhok niya at as in full make over ang ginawa sa kaniya.Suot ang black silk dress ay pumasok siya sa loob ng venue. Hindi pa niya alam kung nasaan ang asawa, ayon kay Yanna ay intayin niya ito sa isang tabi, madali lang naman itong makita.Kapag hindi niya nakita ay tatawagan siya nito, kailangan niya kasing asikasuhin ang asawa niya dahil hindi lang party ang pinunta nila doon kundi negosyo na ‘rin.Workaholic ang kaniyang bagong asawa.Hanggat maaari ay ayaw niyang makataw