Share

The billionaires Quintuplets
The billionaires Quintuplets
Author: B.NICOLAY/Ms.Ash

Chapter 1

“WELCOME back to me to the Philippines!”

Ang masayang aura ni Freya ay nawala ng makabalik siya sa bahay nilang mag-asawa.

“Hindi ka pa ba tapos jan Freya?!”

Nagulat si Freya sa sigaw na iyon ng kaniyang mother-in-law kaya kaagad niyang binilisan ang kaniyang kilos.

“T-tapos na po!”

Nang matapos ay agad siyang lumapit dito at iniabot ang pinaluluto sa kaniya na pagkain.

“Ang kupad mo naman! Sa pagkaka-alam ko mabilis ang mga nagtrabaho sa ibang bansa? Nag trabaho ka ba talaga o lumandi ka lang sa mga taga ibang bansa doon?”

Natigilan siya sa sinabi nito at kaagad na nakaramdam ng sakit sa kaniyang puso.

Alam niya na hindi na siya gusto ng ina ng asawang si Zoren noon pa ‘man. Hula nga niya ito ang nag push sa kaniya na mag trabaho sa ibang bansa, though kahit na sabi nito ay para sa kaniyang asawa kaya siya dapat mag trabaho sa ibang bansa pero kung pagsalitaan siya nito ay grabe.

“Mama, nagpunta po ako doon para mag trabaho. Para sa pag-aaral ni Zoren hindi po ba? Pagod lang po ako...”

Hindi natuloy ni Freya ang sasabihin niya ng putulin nito ang sinasabi niya.

“I don’t care! Sige na umalis ka na sa harap ko at baka masira nanaman ang araw ko!”

Mabigat ang loob ni Freya na umalis sa sala at dala ang kaniyang gamit umakyat siya sa taas kung saan andoon ang kanilang kwarto ng asawa. Kahit papaano ay napangiti siya ng makita ang kwarto nilang mag-asawa.

Kahit na ganon ang turing sa kaniya ng mother-in-law ay alam niyang mahal naman siya ng anak nito. Lagi nga siya nitong pinagtatanggol sa ina, siguradong ganoon ulit ang gagawin nito sa kaniya ngayon na nakabalik na siya.

Inantay niya na makauwi ang asawa at ng dumating ito ay kaagad siyang lumabas ng kanilang silid. Pero nasa dulo palang siya ng hagdan sa taas ay napahinto siya ng makita ang asawa na mayroong kasamang babae.

Mahaba ang kulot na buhok nito, makakapal ang pilik mata at kay ganda ng pagkaka-make up sa sarili. Nakasuot ‘din ito ng fitted red dress kung saan kitang kita ang hubog ng katawan nito, at ang heels nito ay sigurado siya na five inches.

In short magandang babae.

“Gustuhin ko ‘man hija pero masama ang pakiramdam ko. Maybe next time?”

Nakangiting sabi ng mother-in-law niya dito na minsan ay hindi manlang magawa nito sa kaniya kahit siya pa ang asawa ng anak niya.

‘Kaya naman pala nitong ngumiti pero bakit hindi niya magawa sakin?’

Tanong ni Freya sa sarili. At isang malaking katanungan sa kaniya kung sino ang babae.

“It’s okay, tita. Maybe next time,” malumanay na sabi ng babae na pati ang boses nito ay kay ganda ‘din.

Nabalutan ng insecure si Freya sa kaniyang sarili at namalayan nalang niya na umalis ang dalawa. Ihahatid ‘daw ng asawa ang babae sa kanila.

Nagtagpo ang mata nila ng mother-in-law niya kaya kaagad siyang napatakbo pabalik sa kanilang silid.

Nararamdaman na ni Freya ang luha niya na kaagad niyang pinigilan.

“Malamang kaibigan niya lang ‘yun Freya!” pagpapaniwala niya sa kaniyang sarili.

“Pero may kaibigan ba na nakalingkis sa isa’t-isa?” malungkot na sabi niya kaya wala siyang ibang nagawa kundi ang tumalon sa kanilang higaan at magpagulong gulong doon.

Inantay niya ang asawa para magtanong dito, ayaw niya na mag-isip ng kung ano-ano. Nang dumating ang asawa ay kaagad siyang tumayo at nakangiting binati ito.

“Hi!”

Ang dami niyang naisip na sabihin dito sa unang pagkikita nila o yakapin manlang ito dahil miss na miss niya ito pero hindi niya iyon nagawa dahil sa dami niyang iniisip. Isa pa, kinabahan siya agad.

“So, mom is right. Your back?”

Sabi ng lalaki na walang ngiti sa labi hindi tulad kanina ng kasama niya ang babae na maputi. Nilagpasan nga lang siya nito at nagsimulang mag tanggal ng suot.

Nakaramdam ng kirot sa puso si Freya ngunit hindi niya iyon pinansin.

“A-ah oo naman, tapos na ang kontrata ko. Isa pa miss na miss kita!”

Lakas loob niyang sabi at lumapit dito sabay yakap sa likuran ng asawa. Ngunit hindi tulad noon ng bagong kasal sila ay hindi siya nito niyakap pabalik bagkus inalis nito ang kamay niya at hinarap siya.

“Pagod ako Freya, bukas nalang tayo mag-usap. Isa pa sabi sakin ni mom na pagod ka ‘rin daw kaya magpahinga na tayo pareho.”

Umalis na ito sa kaniyang harap at dumeretsyo sa banyo. Naiwan siya doon na gulat at walang masabi. Ni hindi nga manlang siya makagalaw sa kinalalagyan niya.

Hindi ganoon ang reaction na inaasahan niya sa asawa. Pero pinagsiksikan niya sa kaniyang utak na pagod lang ito kaya ganon. Hinayaan nalang muna niya ang asawa at nahiga na.

Balak niya na kausapin ito bago matulog pero dahil nga pagod siya sa byahe ay nakatulog siya agad.

PAGGISING niya kinabukasan ay wala na sa tabi niya ang asawa. Naisip niya na baka pumasok na ito sa trabaho kung kaya hinayaan nalang niya at dumeretsyo siya sa banyo. Pero ng matapos siya at nag-aayos na ng sarili ay may napansin siya sa ibabaw ng vanity table.

Nilapitan niya iyon at tinignan ang laman, baka sa asawa at nakalimutan. Pero natigilan siya ng mabasa ang nasa loob na dapat pala ay hindi nalang niya binuksan.

“D-divorced papers...” nanginginig niyang sabi.

Nakita pa niya ang pangalan ng asawa na mayroong pirma nito.

“N-no... hindi pwede to!”

Dali dali na bumaba si Freya at nakita ang hinahanap niyang tao sa may garden na nagkakape.

“Ma!” malakas na tawag niya dito.

“My god Freya ang aga aga sumisigaw ka!” iritado na sabi ng mother-in-law niya.

“Ma, ano po ang ibig sabihin nito?!” lapit na sabi niya dito at napatingin ang babae sa hawak niya pagakatapos ay muling sumimsim ng kape nito.

“Nabasa mo naman diba? Ayaw na sayo ng anak ko okay? Kaya pirmahan mo nalang ‘yan.”

Napailing si Freya sa sinabi ng mother-in-law. Hindi siya naniniwala dahil alam niyang mahal na mahal siya ng lalaki.

“Mahal ako ni Zoren, ma! Alam kong alam mo ‘yan!”

Napatingin sa kaniya ang babae na hindi makapaniwala.

“Freya halos limang taon kang wala sa Pilipinas! Anong inaasahan mo ganon pa ‘rin si Zoren pagbalik mo? Patawa ka!”

Napaatras si Freya sa sinabi nito sa kaniya at umiling. Kahit na parang sinampal siya ng katotohanan sa sinabi nito ay ayaw niyang maniwala. Naniniwala pa ‘rin siya sa Zoren na mahal na mahal siya noon.

‘Hihintayin ko ang pagbabalik mo, asawa ko’

Iyon ang huling sinabi sa kaniya ng asawa at kahit nasa edad bente lang sila pareho noon ay alam nilang mahal na mahal nila ang isa’t-isa at puro iyon.

Tumalikod na siya sa mother-in-law niya ay pupuntahan niya ito.

“Hoy saan ka pupunta?!”

Ngunit hindi niya na pinansin ang pagtawag sa kaniya ng mother-in-law, siya mismo ang kakausap sa asawa at aalam ng totoo. Baka mamaya ang mother-in-law niya lang ang may gawa ng divorced papers.

Hindi na siya papayag na sirain nito ang pagmamahalan nila.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status