Share

Chapter 2

πƒπˆπ€πππ€'𝐒 ππŽπˆππ“ πŽπ… π•πˆπ„π–

"Ma'am bakit nin'yo po ako pinatawag?" tanong ko kay ma'am Margaret. Sabi kasi ni Mina pinatawag daw ako. Pumunta naman ako agad kahit hindi ko alam dahil ko bakit n'ya ako pinatawag.

"Ah! Padala nalang 'to Dianna sa VIP room." sagot nito na ikina na kunot ng noo ko dahil sa pagtataka. Pinatawag lang n'ya ko para daling 'to isang bote ng mamahaling alak?.

Kahit nagtataka ay kinuha ko yung tray na may lamang mamahaling alak. Maglalakad nasana ako ng bigla magsalita si ma'am Margaret na ikina na tigil ko.

"Iha magiingat ka!" makahulugang turan nito bago umalis na ikina na tigil. Ano bang meron? Hindi naman ako lalabas ng bar, pupunta lang naman ako ng VIP room at bakit may 'Iha magiinagat ka!'? weird..

Napailing nalang ako at benaliwala yung mga kakaiba kinilos ni ma'am Margaret at pumunta na ng VIP room, baka kasi magalit pa yung nag-order nito eh!

Nandito na'ko sa hall way naglalakad at tanaw ko na yung VIP room pero napakunot ang noo ko ng makita maraming kalalakihan na naka suit na black sa labas ng VIP room. Mga nasa anim sila tapos mga seryoso yung muka tapos parang nakakatakot.

Para tuloy ayaw kung tumuloy. Pero baka matangal ako sa trabaho kung hindi ako tutuloy. Hayy! Bala na nga si batman. So? Ayon naglakad na'ko papuntang VIP room.

Pinagbuksan ako ng isa sa mga lalaki naka black suit ng pintoan. Nagpasalamt muna ako bago tuloyang pumasok ng VIP room.

Pagpasok bigla nagsitayoan yung mga balahibo ko tapos bigla bumilis yung tibok ng puso ko sa hindi ko malamang dahilan. Hindi naman ito yung unang beses na nakapasok ako ng mga VIP rooms dito sa bar pero ngayon ay parang kinakabahan ako at para natatakot.

Hinanap ko agad kung nasaan yung nag-order nito. Napunta naman ang tingin ko sa isang lalaki na nakaupo sa isa sa mga sofa dito sa loob ng VIP room na ito.

Hindi ko mas'yado maaninag yung muka n'ya dahil madilim at red yung ilaw pero tanaw-natanaw ko ang makisig nitong katawan. Mukang s'ya yata ang nag-order nito alak.

Dali-dali naman ako lumapit at nilapag yung tray na may lamang mamahaling alak sa mini table sa harapan n'ya.

"Sir ito na po yung order nin'yo." magalang aniya ko habang may ngiti sa mga labi ko. Wala ako nakuha sagot o kahit pagpapasalamat lamang.

"Sir kung wala na po kayong kayalangan aalis na po ako." pagpapaalam ko ng akmang tatalikod na'ko para lumabas ng VIP room pero bigla s'ya nagsalita na ikina na tigil ko.

"You are Dianna Jane Castro right?" tanong nito sa malamig na tuno. Bigla ako pinagpawisan sa sinabi n'ya. Pano n'ya nalaman yung pangalan ko?

"P-Papaano nin'yo po nalaman yung pangalan ko?" kinakabahang tanong ko at makailing beses na napalunok sa sarili laway.

"Kaylangan mo ng malaking pera para mapagamot ang kapatid mo! Hindi ba?" seryosong tanong nito na ikina na kurap kurap ko. Pano nalaman yun? Sino ba s'ya?

"S-Sir pano...."

"Bibigyan kita ng trabaho." pagputol nito sa dapat na sasabihin ko. Yung pamamaraan ng pananalita n'ya malamig at napaka seryoso.

"Trabaho? Ano namang po klase trabaho?" hindi ko maiwasang hindi magtanong sa kan'ya. Kaylangan na kaylangan ko talaga ng pera kaya yata na tanong ko yun.

"BEING MY BABY MAKER." sagot nito sa malamig na tuno. Hindi ko alam kung ano magiging reaksyon ko sa sagot n'ya magagalit ba'ko maiinis o ano! Pero nakakaingsulto ano ako p****k! Bayaring babae para pumayag sa gusto n'ya! Neknek n'ya!.

"Sorry sir pero hindi po ako tulad ng iniisip nin'yo! aalis na po ako." pagpapaalam ko at mabilis na tumalikod.

"Magkano kaylangan mo para pumayag ka?" seryoso pero may halong inis na tanong nito na mabilis ko ikina lingon. Nakakainis na talaga hindi ko na kaya.

"Sir iba nalang po ang alokin nin'yo! dahil hindi po ako bayarang babae para pumayag na maging baby maker nin'yo." galit aniya ko at walang paalam na umalis.

Kainis ano bang tingin n'ya sa akin? hyss!! Bala na kung magalit s'ya at matanggal ako sa trabaho.

Kasalukuyan ako naglalakad pauwi. Napayakap ako sa sarili ko dahil sa lamig ng ihip ng hangin. Manipis kasi yung soot kung t shirt at wala pa kung daling jacket.

"Hoy! Miss." mabilis ako na palingon. Nakita ko yung tatlo lalaki na mga mukang adik!

"Anong po kaylangan nin'yo sa akin?" kinakabahan na may kaunting takot na tanong ko. Muka kasi silang mga lasing.

Ibis na sagutin nila ako ay nilapitan nila ako tatlo pero ng akmang hahawakan nila ako ng bigla may magsalita.

"TOUCH HER YOU'RE DEAD!" pagbabanta ng kung sino man. Mabilis kung hinanap kung saan nggaling yung malamig at nakakatakot na boses.

Ng laki ang mata ko ng makita ang isang lalaki na galit at madilim yung aura at parang gustong pumatay. May kasama s'ya mga kalalakihan na naka black suit.

T-teka! Sila yung mga lalaki naka black suit sa labas ng VIP room! Pero sino yung kasama nila?

𝗧𝗒 π—•π—˜ π—–π—’π—‘π—§π—œπ—‘π—¨π—˜π——...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status