Share

Chapter 7

POV: Dianna

Naglalakad ako nga'yon papuntang school ni yana ako kasi ang maghahatid kay yana dahil half day lang naman namin at tinawagan ko narin si aling Melisa na ako na ang magsusundo kay yana.

Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ng bigla pumasok sa isip ko na kung pano takasan ko s'ya, pero imposimble naman yun dahil maimplewensya s'yang tao at wala kaming laban ng kapatid ko.

Ang ipagdadasal ko nalang ngayon ay sana maging maayos ang buhay namin ni yana sa poder n'ya. Napabugtong hininga naman ako at pinagpatuloy ang paglalakad.

Mga ilang minuto rin ang nilaan ko sa paglalakad hanggang sa matiwasay ako nakapunta sa school ni yana. Dumeretso narin ako sa loob dahil sakto labasan narin nila yana.

Napangiti naman ako ng makita ko ang kapatid ko na masayang-masaya habang kasama ang mga classmates n'ya. Ng makita ako nito ay nagpaalam na ito at lumapit sa akin. Ng makalapit ito ay lumuhod ako para mapantayan ito.

"Kamusta ang school hmm..?"tanong ko sa malabing na tuno at bahagya ginula buhok nito. Ngumiti naman ito ng matamis bago sumagot.

"Ayos lang po ate, ang babait nga po nila sa akin"ngiti sagot nito na ikina na ngiti ko nalang rin. Matapos n'yang sabihin yun ay inaya ko narin s'ya umuwi.

Kasalukuyan kami naglalalakad at tanaw ko na yung maliit naming bahay pero napatigil ako sa paglalakad ng makita ko yung mga lalaki naka itim na pumasok sa bahay namin. Mabilis along kumaripas ng takbo habang hila-hila si yana.

"T-teka ano gagawin nin'yo sa mga gamit namin?"tanong ko habang nakaawang ang mga labi ko. Tumigil naman yung isa at humarap sa amin.

"Mga tauhan po kami ni boss khalix, at kami po ang napagutosan na sunduin kayo"sagot nito at bumalik sa gawain nito kaganina. Nakita ko ang mga bulungan ng mga kapitbahay namin at yung iba naman masama ang tingin.

"Miss Dianna hali na po kayo"aya sa akin ng isa. Nung una hindi ako sumagot o kahit ano manlang pero wala rin naman ako choice kundi ang sumama.

Nasa lulan kami ng sasakyan at katabi ko ang kapatid ko, ramdam ko ang takot nito at pagtataka sa mga nangyayari.

"Ate san po tayo pupunta atsaka sino po sila?"inosenteng tanong ng kapatid ko. Hindi ko alam kung pano ipapaliwanag sa kan'ya lahat ng mga nangyayari, bata pa s'ya at hindi n'ya maiinitindihan lahat ng nangyayari.

"Wag kang magaalala magiging maayos ang lahat"yun na lamang ang aking nasabi at ningitian ko ito at marahang hinaplos ang buhok n'ya para kahit papaano maibsan ko ang takot at pagtataka n'ya.

Makalipas ang ilang minuto ay naramdam kung tumigil ang sasakyan kung nasaan kami. Mabilis ako ng palingon ng magbukas yung pintoan ng sasakyan.

"Miss Dianna baba na po kayo"aya nito ng tumango ako. Kasabay ko sa pagbaba ang kapatid ko habang hawak-hawak ko ang pulsulan nito.

Literal na napanganga ako dahil sa pagkamangha ng makita ko ang malaking bahay ay hindi mansyon sa harapan ko. May malaking garden na may sariling fountain sa gitna.

"Ate dito na po ba tayo titira?"bigla tanong ng kapatid na ikina na lingon ko naman dito kitang kita ko ang pagkamang nito sa mansyon na nasa harapan namin. Dati sa TV kulang 'to nakikita pero ngayon nasa harapan ko na.

"Miss Dianna"tawag sa pangalan ko kaya hindi ko nasagot ang tanong ng kapatid ko. Agad naman ako hinanap kung saan ng gagaling ang boses na yun.

"Miss Dianna hali na po kayo pumasok na po tayo"aya sa akin ng isang babae nasa tingin ko ay mga nasa 50 plus na ito, tumango naman ako at sumunod sa kan'ya.

Maslalo ako na pamanghang ng makita ko ang loob ng bahay, may malaking chandelier sa itaas at halo's lahat ng mga gamit dito ay sa tingin ko ay mamahalin at nakakatakot hawakan dahil baka masira ko.

Natigilan ako sa pagtingin ng kabuohan ng loob ng mansyon ng may marinig ako sumigaw na muntik ko ng ikina na talon dahil sa gulat.

Mabilis kung hinahanap kung saan ng galing ang pagsigaw na yun ngunit ganun nalang ang panlalaki ng mata ko ng makita s'ya na halo's sasabog na sa galit habang hawak hawak ang baril na nakatutok sa lalaki nasa harapan na nagmamakaawa.

"B-boss Khalix patawarin nin'yo ko! Pangako hindi na maulit yung ngyari"pagmamakaawa ng lalaki sa amo nagtatagis baga sa galit.

"I don't want to see you're fvcking face anymore!"nagtatagis bagang wika nito bago tinalikuran yung lalaki.

Napaghigpit ako sa pagkakahawak sa pulsulan ng kapatid ko at napalunok ng makailang beses ng makita ko kung pano kaladkarin ng mga lalaki naka black suit yung lalaki nagmamakaawa hanggang nga'yon.

___

"Iha ako ngapala si Belinda ang mayordoma dito"pagpapakilala nito. Hinatid kami ni manang Belinda sa isang kwarto, hindi ko nga alam kung ito ba talaga yung kwarto namin o nagkamali lang, kasi pano ba naman ang laki-laki ng kwarto masmalaki panga 'to sa bahay namin.

Magtatanong sana ako tungkol sa nakita ko kaganina kahit magmumuka ako chismosa pero bigla nalang nagbukas yung pintoan at niluwal nito ang isang maid.

"Miss Dianna pinapatawag po kayo ni Sir Khalix"sambit habang nakayuko. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko dahil pinapatawag nanaman n'ya ko ng hindi ko alam ang dahilan.

Nasa tapat ako ngayon ng isang malaking pinto. Dito daw yung kwarto ni Sir khalix sabi ng maid na naghatid sa akin dito. Kumatok ako ng ilang beses pero wala sumasagot

Nagdadalawa isip naman kung papasok bako ng wala permisyon n'ya o......ah bala. Humingin ako ng malalim bago dahan-dahang binuksan yung pinto at walang ingay na pumasok.

Pagkapasok ko agad na sumulubong sa akin ang panglalaki pabango. Malaki rin yung kwarto at tanging black,white at gray lang ang kulay dito wala ng iba. Nilibot ko ang paningin ko pero hindi ko nakitang ang hinahapan ko.

Sinubukan ko s'ya hanapin at sambitin ang 'Sir Khalix' pero wala man lang sumagot. Ng dapat lalabas nalang ako dahil wala naman s'ya dito ng bigla may yumakap sa akin patalikod na ikina na gulat ko.

Ganun nalang ang panlalaki ng mata ko ng makita ko sa reflection ng salamin kung sino ang nakayakap sa akin. Tanging tiwalya puti lang ang naka tabon sa pangibaba nito at halatang bago ligo ito dahil basa pa ang buhok nito.

"S-sir K-khalix..."nauutal na aniya ko habang pilit na kumakawala sa pagkakayakap nito ngunit masyado s'ya malakas kaya wala akong laban

"Questo Γ¨ il posto che amo"sambit nito sa malabing na tuno at maslalong hinigpitan pa nito ang pagkakayap nito sa akin. Hindi ko mawari kung ano yung sinabi n'ya at kung anong lenggwahe iyon pero.....

𝗧𝗒 π—•π—˜ π—–π—’π—‘π—§π—œπ—‘π—¨π—˜..

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status