Share

Chapter 5

POV: Dianna

Masaya ako ngayon dahil sa wakas maooperahan narin ang kapatid ko pero may kunti paring kaba at takot ako ng naramdaman dahil hindi pasigurado kung magiging successful yung operasyon, pero alam kung makakaya yan ni Yana.

Nasa labas ako ngayon ng operating room kung saan kasalukuyan ngayong inooperahan ang kapatid ko. Hindi parin ako mapakali dahil hindi ko alam kung ano ng nangyayari sa kapatid ko sa loob ng operating room.

Sana maging maayos lang ang lahat, Sana makaya n'ya lahat ng 'to at sana pagtapos nito maging maayos na ang buhay namin kahit walang kasiguradohan kung magiging maayos ba ang buhay naman ng kapatid ko sa piniling kung desisyon na tanggapin ang pagiging baby maker ng isang lalaki hindi ko pa naman lubusang kilala.

Ilang oras ako nandito sa labas ng operating room hanggang sa lubas ang doktor na nagopera sa kapatid ko. Agarang ko naman itong tinanong kung ano na ang kalagayan ng kapatid ko.

"Doc, kamusta na po yung kapatid ko?"punong-puno ng pagaalala tanong ko dito. Hindi muna ito sumagot kaya binalot ng kaba at takot ang puso ko dahil ba'ka hindi naging success ang operasyon ni yana pero na pawi lahat ng yun ng magsalita s'ya.

"Wala na kayong dapat ipagalala Ms. Castro ligtas ang kapatid mo, successful ang operasyon ng kapatid mo"para akong na bunutan ng libong-libo tinik sa dibdib ko ng marinig ko ang sagot ng doktor.

Sa wakas tapos na! Magaling na ang kapatid ko! Hindi ko maiwasang hindi umiiyak dahil sa saya na nawala na yung malaking problema sa buhay ko at ng kapatid ko.

Isang buwan narin ang nakalipas simulang ng sumiilalim ang kapatid ko sa operasyon, at ngayon ibang-iba na s'ya! Magsigla at palagi na nakangiti at nakikipaglaro sa ibang bata.

"Yana magpakabait ka sa school ha!"bilin ko sa kapatid ko na abo't tenga ngiti dahil na kabalik na s'ya sa pagaaral.

"Opo ate!"magsigla at nakangiti sambit nito sa akin. Lumuhod naman ako upang pantayan s'ya at niyakap ng maghigpit. Bago ako magpaalam at tuloyang umalis ay hinalikan ko na muna ito sa noo.

Na sa gilid ako ng kalsada at naghihintay ng paparahang jeep papuntang university ng makita ko ang isang malaking billboard. Na wala ang saya sa puso ko at napalitang ng takot ang pangaba.

Isang buwan narin kasi ang nakalipas simula ng hindi ito nagparamdam at isang buwan narin ang nakalipas ng malaman ko ang totoo pagkatao nito na nagpakaba at ikinabahala ko sa buhay namin ng kapatid ko.

Natatakot ako hindi para sa sarili ko kundi para sa kapatid ko, hindi ko alam kung ano ang kaya n'ya gawin. Sana ngalang at nakalimutan na nito ang kasunduan namin dahil ipagpapasalamat ko yun kung mangyari man.

ππ€π‘π‘π€π“πŽπ‘' ππŽπˆππ“ πŽπ… π•πˆπ„π–

"What are you doing here?"maypakainis na tanong ni khalix sa pinsan n'ya na ngayon ay parang nanalo sa loto dahil sa abo't tenga ngiti nito habang pinagmamasdan ang kabouhan ng opisina ng underboss.

"Binibisita ko lang ang magiging opisina ko"simple sagot nito sa kan'ya pinsan. Napayukom naman ng kamao si khalix sa sinabi ng pinsan n'ya. Lahat talaga ay gagawin nito para maagaw lang pagiging underboss n'ya.

"Do you think na hahayaan kung maagaw mo ang truno ko"malamig na aniya ni khalix ngunit tinawanan lang s'ya ng pinsan.

"Khalix wag na tayong maglukohan alam ko naman hindi mo magagawa ang pinapagawa sayo ng mga counselor hindi ba?"aniya nito sa mapangasar nito tuno.

Umalis na lamang s'ya sa lugar na yun dahil ba'ka kung ano pang magawa n'ya sa pinsan n'ya kahit alam n'ya pumunta lang naman ito upang asarin s'ya.

Nasa bar s'ya nga'yon sa loob ng sarili n'ya mansyon. Maraming mga uri ng mga mamahaling alak sa bar nito. Makailing beses lumagok ng alak upang makalimot sa problema.

Nakailang bote narin s'ya ng alak at wala na s'ya sa wisyo sa dahil sa ispiritu ng alak na kumakain sa kan'ya sistema.

Ng akmang iinom muli s'ya ng magbukas ang pinto ng bar at niluwal nito ang ama n'ya nanggagalaiti sa galit. Mabilis s'ya nitong kwenilyohan at ginawarang suntok sa muka na ikina na salpak n'ya sa sahig.

"GUSTO MO! BA TALAGANG MAPAHIYA AKO SA MARAMING TAO NG DAHIL SAYO KHALIX?"galit na galit na tanong ng ama n'ya sa kan'ya. Hindi narin n'ya magawang malaban o magsalita dahil lasing na s'ya.

"Gawin mo ang lahat para hindi ka matanggal sa pwesto mo dahil kung hindi lahat ng meron ka nga'yon mawawala"aniya ng kan'ya ama bago tuloyang umalis.

Ng tuloyang makaalis ang kan'yang ama ay agad n'ya kinuha ang phone n'ya upang tawagan ang kanang kamay n'ya para utosan.

"Ano po kaylangan nin'yo boss?"tanong nito sa kan'yang amo. Muling lumagok ng alak si khalix bago sagutin ang tanong ng kan'ya tauhan.

"Gusto kung makausap si Dianna"sagot nito bago walang paalam na pinatay ang tawag.

𝗧𝗒 π—•π—˜ π—–π—’π—‘π—§π—œπ—‘π—¨π—˜..

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status