Matapos ibaba ang tawag kay Trixie, agad namang tinawagan ni Helios si Ysabel.The moment she picked up, he didn’t waste time.“You told me Sebastian is taking full custody of Xyza. Trixie didn’t fight back? Is she planning to file a case?”Ysabel had been waiting to tell him this.“No! She agreed!” halos hysterical na sagot nito. “She signed the papers without a single complaint. Not even about the divorce, not even about Xyza. She was so calm, it was like I was looking at a ghost!”Helios was stunned.Hindi iyon ang inaasahan niyang magiging tugon ni Trixie. Katulad ni Ysabel, naniniwala rin siya na hindi basta-basta papayag si Trixie na mawala sa kanya ang kustodiya ni Xyza.Something about this didn’t feel right.“I know, right?” pagpapatuloy ni Ysabel. “What do you think?”Helios was still processing everything nang magsalita ulit ang kausap.“Maybe she’s doing this to get on Sebastian’s good side. Para makuha ang loob ng kaibigan natin? Trying to make him feel guilty or somethi
Malapit nang magtanghalian noon. Matapos kumain kasama si Atty. Juan Miguel, nagtungo sina Trixie at Casper sa bahay ni Trixie upang ipagpatuloy ang kanilang pagsusulat ng thesis. Samantala, sa Valderama Group, nagsisimula pa lang si Sebastian sa pag-review ng mga dokumento nang tumunog ang kanyang cellphone. Walang pag-aalinlangan niyang sinagot ito. "Hello, Sebastian Valderama speaking. Who's this?" "Good morning, Mr. Valderama. I'm Attorney Juan Miguel Castillo, Ms. Trixie Salvador's legal counsel. My client has already signed the divorce papers and has entrusted me with the next steps. Do you have time to meet today, Mr. Valderama?" Saglit na natahimik si Sebastian. Itinuon niya ang tingin sa mga dokumentong nasa kanyang harapan, pero hindi niya magawang ipagpatuloy ang pagbasa. May kung ano sa kanyang dibdib sa narinig. "I still have two conference meeting left for today, I can't go out," aniya, malamig ang boses. "But you can come here at Valderama Group tomorrow, maybe 10
Nanatili si Trixie sa bahay ng pamilya Salvador nang gabing iyon. Kinabukasan, nagising si Trixie nang maaga, mas maaga pa kaysa sa nakasanayan niya. Habang nakadungaw sa bintana ng kaniyang sariling kwarto, tinanaw niya ang mga malulusog na halaman sa hardin. Napabuntong-hininga siya at nag-inat, pakiramdam niya'y maganda ang kanyang gising.Pagbaba niya sa kusina, nadatnan niyang gising na rin ang kanyang tiyahin, abala sa paghahanda ng almusal para sa kanila at sa dalawang bata.Mabango ang amoy ng nilulutong sopas, at ang tunog ng kutsarang humahalo sa kumukulong sabaw ay nakapagdulot ng kakaibang katahimikan sa isipan ni Trixie.Nang makita siya ng tiyahin niya, ngumiti ito. "Trixie, parang ang saya mo ngayon ah?"Lumapit siya upang tumulong sa pagmasa ng dough para sa pandesal. "Oo nga po eh. Maganda po ata ang naging tulog ko kagabi," sagot niya bago tinulungan ang tiyahin sa kusina.Makalipas ang ilang minuto, naupo siya sa hapag at nagsimulang kumain ng isang mangkok ng ma
Tahimik na tinitigan ni Sebastian ang dokumento sa kanyang harapan. Nakaukit doon ang pangalan ni Trixie, pormal na nakapirma sa kasunduang magtatapos sa kanilang kasal. Pero kahit pa ito ang huling hakbang bago sila tuluyang maghiwalay, walang kahit anong emosyong sumilay sa kanyang mukha. Sa halip, binalik niya ang atensyon kay Atty. Juan Miguel at sinimulang talakayin ang legal na aspeto ng kasunduan. "Medyo marami ang mga ari-arian, shares, at iba pang detalye sa kasunduan," ani Sebastian habang hinahagod ng tingin ang mga dokumento. "Kailangan ko ng kaunting oras para ayusin ang mga pagbabago. Kapag tapos na ang lahat ng proseso, I'll call for you again." Tumango ang abogado. "I understand, Mr. Valderama. Asahan ko na lang ang update mo." Bago tuluyang umalis, sinulyapan ni Atty. Juan Miguel si Yuan, na agad namang tumayo upang ihatid siya palabas. Sa oras na makalabas ito, nanatiling tahimik si Sebastian. Hindi niya alam kung anong dapat maramdaman sa puntong ito… dap
Nang matahimik ang dalawa, may biglang naisip si Casper. "Sa tingin mo... gusto rin kayang makipag-cooperate sa atin ni Sebastian?"Kung tutuusin, parehong uri ng kumpanya ang kanila at ang Techspire.May kumpetisyon sa pagitan nila.Pero posible ring makipag-cooperate sa gitna ng kompetisyon.Di ba't interesado si Sebastian sa programming system nila noon at siya pa mismo ang lumapit para makipag-cooperate?Kung susuriin, marami rin namang proyekto kung saan pwedeng makipag-cooperate ang Techspire sa kanilang dalawang proyekto...Kalmado lang na sumagot si Trixie, "Hindi ko alam. Pero lahat naman nagsisimula sa mismong proyekto. Sa ngayon, isantabi na muna natin ang mga personal na issue.""Alam ko."Medyo mainitin man siya sa ulo, pero pagdating sa negosyo, hindi naman siya basta-basta nagpapadala sa emosyon.Sa totoo lang, umaasa talaga si Casper na tatawag si Sebastian.Pero nabigo siya.Sunod-sunod na mga tawag ang natanggap niya.Lahat ay may kinalaman sa mga bagong proyekto.P
Samantala, sina Trixie at Casper ay walang kaalam-alam sa mga pinag-uusapan ng mga pamilya Bolivar at Tolentino. Habang pababa ng elevator sina Trixie at Casper, wala silang ideya na sa kabilang bahagi ng lungsod, may mga pangalan silang nababanggit. Mga pangalan na ngayon ay nagkakaroon ng mas malaking halaga sa mundo ng negosyo at impluwensya. Sanay na sila rito. Alam nilang sa sandaling pumasok sila sa isang mas malaking laro, mas marami ang magmamatyag, magmamanman, at magtatangkang gamitin sila sa kani-kaniyang pakinabang. Pagkalabas nila ng elevator, diretso sana sila sa VIP room na nirentahan nila para sa gabing ito. Ngunit bago pa sila makapasok, tatlong pigura ang lumapit sa kanila. Napatingin si Casper at bahagyang napabuntong-hininga. "Damn. I should’ve checked my calendar before stepping out of the house. Bad luck just keeps following me today. Sinusundan ba talaga ako ng malas ngayon?" Nilingon ni Trixie ang mga paparating. Sina Michael Camero, Felix Tan… at
Bandang alas-singko ng hapon, abala pa rin si Trixie sa kanyang trabaho nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.Isang pangalan ang lumitaw sa screen, [Xyza calling…]Napatingin siya rito nang ilang segundo bago binalik ang atensyon sa laptop. Hinayaan lang niyang patuloy na tumunog ang telepono hanggang sa tuluyang tumigil.Dalawang araw ang lumipas.Biyernes ng umaga, maaga pa lang ay muling tumawag si Xyza.Tumingin lang si Trixie sa kanyang cellphone, saka ito inilapag sa mesa. Hindi niya ito pinansin at dumiretso na lang sa kusina upang maghanda ng almusal.Sa kabilang banda, sa bahay nina Xyza, halos maitapon na ng bata ang kanyang cellphone sa sama ng loob. Pinipigilan niya ang sarili, pero kitang-kita kay Sebastian ang lungkot sa mukha ng anak. Namumula na ang mga mata nito, tila nagpipigil ng luha habang nakayuko sa kanyang plato."It's been four days..." mahina niyang bulong habang inikot ang kutsara sa kanyang cereal. "Since Saturday, apat na araw ko nang tinatawagan si
Bandang alas-singko ng hapon, natapos na ni Sebastian ang kanyang trabaho at agad na tinawagan si Helios. "Where are you guys?" Ibinigay ni Helios ang kanilang lokasyon, at hindi na nagdalawang-isip si Sebastian na puntahan sila. Pagdating niya sa lugar, kaagad siyang nakita ni Xyza. Nagliwanag ang mukha ng bata at halos mapatalon sa tuwa. "Daddy!" sigaw niya, sabay takbo papunta kay Sebastian. Bagamat mabait sa kanya si Helios at nag-enjoy siya kasama ito at si Yanyan, iba pa rin ang saya na makita ang kanyang ama. Nakasuot pa rin ng business suit si Sebastian, pero iniwan na niya ang kanyang makapal na coat sa sasakyan. Yumuko siya at agad na binuhat si Xyza, pinisil nang bahagya ang kanyang maliit na pisngi. "Did you have fun with Tito Helios and Yanyan?" Mas magaan na ang pakiramdam ni Xyza ngayon. Masayang tumango ito. "Opo! Super saya!" Napahalakhak si Yanyan. "Super duper saya namin, Tito Seb! We ate ice cream po, and then we went to the arcade, and then we rode the ro
Dumating na ang araw ng graduation nilang tatlo.Mainit ang araw pero mas mainit ang pakiramdam ni Elijah habang pinagmamasdan si Trixie sa entablado. Ang ganda nito sa suot nitong toga, ang liwanag ng ngiti habang katabi si Sebastian.Sa camera ng phone niya, naka-zoom si Trixie. Kahit si Sebastian ay pinutol niya sa framing. Sa kanya lang dapat nakatuon ang araw na ito. Si Trixie lang.Pagkatapos ng graduation, may simpleng salu-salo sa isang restaurant. Nasa iisang mesa sila, mga close friends ng dalawa, kabilang na si Racey ang babaeng kaibigan ni Trixie. Katabi ni Trixie sa kabilang gilid niya si Sebastian. Si Elijah naman, kahit sa kabilang side niya nakaupo, hindi maalis ang paningin sa kanya.“Uy Elijah,” tawag ni Sarah. “May maganda raw na dumating na bisita, kakilala ni Dean. Baka gusto mong i-meet.”“Girl ba?” tanong niya.“Oo, sobrang classy! Mukhang sosyalin pero approachable.”Nacurious tuloy si Elijah, tumayo at sumunod kay Sarah papunta sa lounge. Pagdating doon, ma
"Trixie! Sebastian! We're soon to graduate! What are your plans, buddies?" sigaw ni Elijah habang lumalapit sa dalawa, may bitbit pang isang baso ng iced coffee sa kamay, halatang galing pa sa canteen.Mula sa kinauupuan nila sa gilid ng campus garden, nagkatinginan ang magkasintahang Trixie at Sebastian. Pareho ang ngiting may tinatago sa dalawa, may lihim na kasi silang plano na hanggang ngayon ay sila lang ang nakakaalam.Malapit na nga silang maka-graduate ng college.And… they are already planning their marriage. Matagal na si Trixie na inalok ng lalaki at matagal na rin siyang naka-oo dito. Mahal nila ang isa’t-isa pareho kaya sa tingin nila ay handa na silang bumuo ng pamilya. Even if they weren't old enough, marriage isn't scary if each other was the one they are marrying. Napansin iyon ni Elijah at mas lalo siyang nag-usisa sa mga kaibigan. “Anong pinagtitinginan niyo diyan, ha? May plano na kayo, 'no? Include niyo naman ako! Ayoko ng nauuna kayo tapos ako, clueless!” bir
Pagbalik ng mga bata, agad tumakbo si Xyza sa ina.“Mommy! Mommy! I made a drawing po! It’s you and me and Tito and Yanyan!”Pinakita nito ang simpleng guhit, may araw sa itaas, at may puso sa gitna ng papel.“Beautiful,” ani Trixie habang hinahaplos ang buhok ng anak.Tiningnan ni Helios ang papel at ngumiti.“You’re quite the artist.”“I drew Daddy din po!” sabay turo sa malayong figure sa likod, na malabo at nakatalikod.Hindi na nagsalita si Trixie. Bagkus, tumingin siya sa anak at hinaplos ang pisngi nito.“You’re enough,” bulong niya.Hindi iyon para kay Helios, hindi para kay Sebastian. Para iyon sa anak niya. Para sa sarili niya. At kahit sino pa ang pumasok o lumabas sa mundong ito, alam niyang buo siya, buo silang dalawa.“Wow. Daddy, you're here too. Are you joining us na po? Mommy, can daddy sit beside me?” tanong ni Xyza, walang muwang sa nagaganap na tensyon.“I think he should sit with Wendy,” tugon ni Trixie, malamig ngunit mahinahon.Nagngitngit si Sebastian sa sago
Pinagmamasdan niya ang bawat kilos nito, lalo na kapag tumatawa ito sa mga biro ni Helios.Hindi alam ni Sebastian kung gaano siya katagal nakatitig mula sa kabilang mesa habang inaantay ang order nila. Bagama’t nasa piling ni Wendy ang lalaki, ito ay parang wala roon. Nasa kabilang mesa ang isip nito, at ang puso.Mula sa kanyang kinauupuan, malinaw niyang nakikita ang bawat galaw ni Helios. Kung paano nito marahang nilalagay ang baso malapit kay Trixie. Kung paano nito binibigyan ng tissue ni Xyza para hindi mabasa ang palda ng bata. Kung paano nito hinahayaang mag-lean si Yanyan sa balikat niya habang nagkukuwento kay Xyza.Pinapanood niya kung paanong walang kahit katiting na effort si Helios, pero natural itong tanggap sa piling nina Trixie. Sa dami ng taon na sila ni Trixie ang magkasama, hindi niya kailanman naramdaman na ganoon siya kahinahon o ka-“present” para sa pamilya nila.“Ang sweet naman nilang pamilya,” bulong ng isang waiter sa likod nila, na hindi alam na naririn
Tumayo si Helios mula sa pagkaka-upo sa tabi ni Trixie nang mapansin ang mga bagong dating. May bahagyang seryosong ekspresyon sa mukha nito habang pinagmamasdan ang lalaking kararating pa lang.“Sebastian,” tawag niya, kalmado ang tinig ngunit may tinatagong tensyon.Napalingon si Sebastian na tila ayaw gumalaw. Napakunot ang noo niya habang nakatingin sa kaibigan. Ngunit bago pa siya makatanggi, sumingit na si Wendy.“Let’s greet them for a while. It’s your dear friend after all,” wika nito habang hinahawakan ang braso niya, pormal ang ngiti ngunit may bahid ng intensyon sa likod ng mga mata.Ayaw sana ni Sebastian, pero wala rin siyang nagawa. Ang panunulsol ni Wendy ay may bahid na maitim balak. Siguro, gusto lang niyang patunayan na wala nang koneksyon si Sebastian sa dating asawa. O baka gusto lang niyang makita kung ano talaga ang dynamics ngayon.“Alright. But let’s be quick,” sagot ni Sebastian, pinipigilan ang sarili na idagdag ang I don’t want to see either of them tonig
Sa gitna ng pagtawa ni Trixie dahil sa isang production number na comedy skit, naramdaman niyang nag-vibrate ang kaniyang cellphone sa bulsa. Nang kunin niya ito at tingnan ay si Racey pala ang natawag. “Hello? " bungad ni Trixie sa kaibigan. Hindi pa niya nakakausap ang babae mula noong gabi na nalasing siya kaya interesado siya sa sasabihin nito. "Are you free today, girly girl? Let's go shopping, or do you prefer bar hopping? You choose. Libre ko.” Masiglang boses ni Racey ang bumungad sa kaniya. "Anong meron? May okasyon ba?” "Wala naman. Gusto ko lang mag-celeb, kakababa ko lang kasi ng bundok matapos akong isama ni Lola para manalangin dun sa mga katutubo niyang friends. I miss the city, that's why.” Paliwanag nito. "You've been doing that yearly, hindi ka pa ba sanay?" Natatawang puna ni Trixie dito. "True ka naman diyan. But wait? Why do I hear strange noises from your background? Nasa labas ka ba?” "Ah, yes. Nasa isang family day to be exact." “Xyza's? E
Kinabukasan, Sabado. Sa simpleng bahay ng pamilya Salvador, puno ng tawanan ang umagang iyon. Nang matapos ang kainan, sumama si Xyza sa kwarto ni Trixie. Humiga sila sa kama habang naglalaro ng mga stuffed toys. "Mommy," bulong ni Xyza habang nilalambing ang braso niya. "You're my favorite person." Naglakbay ang kamay ni Trixie sa buhok ng anak. Mahina niyang hinaplos ito habang pinipilit na huwag maluha. "You’re my most precious, Xyza," mahina niyang sagot. Suot ng mag-ina ang magkaparehong pajama, pink na may maliliit na bear prints. Masayang hinahaplos ni Trixie ang buhok ng anak habang binabasahan niya ito ng isang fairy tale book. "Mommy! Next page, please!" sigaw ni Xyza, habang pumapalakpak. Tumaas ang kilay ni Trixie, kunwaring nagdaramot. “Hmm... should I not?" biro niya. "Pleaaase!" bulalas ng bata, yumakap ng mahigpit sa leeg niya. Tumingin si Trixie sa anak at napuno ang puso niya ng hindi maipaliwanag na saya. Pinili niyang mag-off sa trabaho ngay
Tumayo si Sebastian, mata'y singkipot ng karayom. "Helios, one last question. Do you even remember that we're friends?" malamig niyang tanong. Ngumiti si Helios, isang ngising hindi mo malaman kung pikon o arogante. "And do you even remember that you have a wife waiting for you at home when you are going on dates with Wendy?" Biglang nanahimik sa loob ng opisina. Maliban sa mahinang ugong ng aircon, tanging tensyon na lang ang pumupuno sa paligid. Sinabi na ni Helios noong una pa lang na hindi siya sasagot ng tungkol sa kanilang personal na buhay, but Sebastian insisted. And this is it. Sebastian tasting his own medicine. Nawala ang ngisi sa mukha ni Helios at ibinalik ito sa pagiging seryoso. “Bro–” “Don't call me that when you are doing all these.” Putol nang tila napipikon nang si Sebastian. Hindi kumurap si Helios. Hindi siya nagpadala sa init ng ulo ng lalaki. Ngumisi lang siya, waring lalong nang-aasar. "Sebastian," aniya, kalmado pero mabigat, "it's a personal mat
Nang marinig niya ang sinabi ng anak, aalala niyang nalaman niya nga pala ang lahat kay Helios. Siguro ay noong tumambay ito doon. "Is that so?" tanong ni Trixie, pinipilit manatiling kalmado kahit ramdam niyang lumalambot ang puso niya sa tuwa habang pinapakinggan si Xyza. Pagkatapos magsalita ni Xyza, bigla nitong napagtanto na baka hindi pa kilala ng mommy niya si Yanyan, kaya agad niyang ipinaliwanag, "Niece po siya ni Tito Helios. I don't know if you know her po eh." "Oo," sagot ni Trixie, pilit na pinapawi ang bigat sa dibdib niya. Nakita niya ang saya sa mukha ng anak kaya agad siyang nagtanong, "Then? Ano namang ginawa n'yo?" "Naglaro po kami ng maze, then doll house!" "Woah, ano pa?" Tahimik na nakinig si Trixie habang kinukuwento ng anak ang mga kaganapan, ngunit sa bawat tawa at kwento ni Xyza, may halo itong kirot sa kanyang puso. Sa isang banda, masaya siyang masaya ang anak. Sa kabilang banda, hindi niya mapigilang sisihin ang sarili sa mga panahong hindi