Hindi naman niya inasahang dumalo talaga si Sebastian sa birthday party ng kanyang lola nang kusa. Hindi siya nagpapaapekto sa mga lumalabas sa bibig nito. For all she know, malamang ay utos lamang ito ng kaniyang Lola Thallia, dahil walang lakas ng loob ang matanda na harapin ang kaniyang Lola ngayon, pinilit na lang niya ang apo. Kaya pagkatapos niyang magulat, tumalikod siya at hindi na ito pinansin. Nang malaman niyang uupo ito sa kanilang mesa, hindi na rin siya gumalaw.Ayaw din ni Casper kay Sebastian kaya wala rin siyang balak na umalis sa pwesto niya.Ang pwesto nila ngayon ay sa pagitan nina Professor Somai at Trixie ang silya ni Sebastian.Samantala, si Xyza naman ay kumain na kanina pa dahil hindi na nito matiis ang gutom. Kaya naman ngayon ay naglalaro na ito ng video games sa kwarto sa itaas at hindi na sumama sa hapunan.Sa lamesa, may anim na tao mula sa pamilya Salvador, dagdag pa sina Professor Soma, Casper, at Racey, kabuuang siyam na tao sa pangunahing mesa na iy
Nang marinig ni Wendy na pumunta si Sebastian sa bahay ng pamilya Salvador, hindi siya nag-alala kahit kaunti. Alam niyang malapit si Thallia Valderama sa matandang ginang ng pamilya Salvador. Dahil hindi personal na makakadalo ang matandang Valderama sa 70th birthday na iyon, natural lamang na inutusan niya si Sebastian na pumunta roon bilang kanyang kinatawan. Matagal na niyang alam ito. Ngunit kahit alam niyang dahil lang sa utos ng matanda kaya pumunta si Sebastian sa bahay ng pamilya Salvador, hindi pa rin siya lubos na natuwa. Nang mapansin niyang iniisip ng mga tao sa paligid na nagbago na ang relasyon nila ni Sebastian dahil hindi ito dumating sa kanilang handaan at sa halip ay nagpunta sa pamilya Salvador, malakas at malamig siyang nagsalita. "Magkakaibigan sina Lola Thallia at Angelina Salvador. Pumunta lang si Sebastian sa bahay ng mga Salvador dahil sa utos ng matatanda." May mga usap-usapan noon na magkaibigan nga ang pamilya Salvador at pamilya Valderama. Ngunit dah
"Okay," sagot ni Professor Soma. Tumango si Sebastian, saka lumingon kay Trixie. "Are you bringing Xyza home tonight?" tanong niya. Nasa isip pa rin ni Trixie ang pinag-usapan nina Sebastian at Professor Soma kanina, kaya't medyo natigilan siya bago nakasagot. "Hindi," sagot niya sa wakas. Tumango si Sebastian at sinabing, "Okay." Tumayo siya at idinugtong, "I'll pick her up later." Ang mga salita ni Sebastin ay may pinalidad kaya agad naisip ni Trixie na aalis na ito. She won't get shock if ever this man leaves any minute now. Malamig na sumagot si Trixie, "Okay, noted." Wala nang ibang sinabi pa si Sebastian sa kanya at lumapit na ito kay Mrs. Salvador. "Ma'am, if you'll excuse me, I have some matter to do right now. Would you mind if I left early?" tanong ni Sebastian nang magalang. Tama nga si Trixie. Hindi man lang tumayo si Lola Angelina at malamig ang tono ng kanyang tugon, "Hindi naman. Sige, hindi na kita ihahatid." Hindi naman nagalit si Sebastian sa m
Binuksan ni Trixie ang pinto ng sasakyan at napansin niyang nakatayo pa rin doon si Helios, nakatingin sa kanya. Mukhang may nais itong sabihin, kaya't may halong lamig at paglayo sa boses niya nang tanungin niya ito, "May kailangan ka ba?" Saglit na natigilan si Helios. Sa huli, hindi na niya binanggit ang tungkol sa nangyari kanina. Ang sabi na lang niya, "May regalo si Yanyan para sa'yo. Pwede ba tayong maghapunan sa loob ng dalawang araw para maibigay niya iyon?" "She badly wants to see you," dagdag pa ni Helios, na parang inunahan na siya sa anumang pagtanggi. Naalala ni Trixie na nagkaroon nga pala ng isang aksidente si Yanyan noon, na nagdulot sa kanya ng malaking impact, pati na rin physical at emosyonal na trauma. Sinabi rin noon ni Yanyan sa kanya na kahawig daw siya ng kanyang ina. Ngunit matagal nang pumanaw ang ina ni Yanyan. Kaya naman, naunawaan ni Trixie kung bakit ganoon na lang ang pagkaka-attach ni Yanyan sa kanya. Sa totoo lang, gusto rin naman n
Pagbalik ni Trixie sa bahay ng pamilya Salvador, gising pa sina Lola Angelina, Shaun, at ang kanyang asawa. Samantalang sina Luna at Venus ay umakyat na para magpahinga. Nang makita siyang dumating, napatingin agad sa kanya ang mga ito, halatang hinihintay talaga siya. "Nagbalik ka na pala," sabi ng matandang ginang. "Opo." Nang iniabot ng matanda ang kanyang kamay, ibinaba ni Trixie ang kanyang bag, lumapit, at umupo sa tabi nito. Hawak ni Lola Angelina ang kanyang kamay at mahinahong nagtanong sa apo, "Trixie, apo. Alam mo namang mahal na mahal kita, ano? Pero, ‘wag mo sanang mamasamain itong katanungan ko… pakakawalan mo na ba si Sebastian?" Sa buong durasyon ng kaniyang kaarawan kanina, ito lang ang tanging pumupuno sa isip ng matanda. Alalang-alala siya sa apo dahil hindi man makita ng iba ang mga pagbabago dito, hindi pa nagsasalita si Trixie, alam na niya. Ganoon niya kakilala ang batang siya na ang nagpalaki. Napansin niya ang pagbabago sa pagtrato ni Trixie k
Dahil sa dami ng pinag-usapan nina Professor Soma at Casper sa daan pauwi, pagpasok ni Trixie sa kanyang silid ay nakatanggap siya ng mga gawain sa proyekto na ipinadala ni Casper. Ang isang dokumento pa nga ay may kalakip na mensahe. "Nagustuhan ni Professor Soma ang concept nito. The due date given by him is 6am sharp tomorrow morning." Ibinaba ni Trixie ang kanyang bag, uminom ng tubig, at kinondisyon ang sarili. There's no time wallowing herself on pity. Ang mga pinagdadaanan niya ngayon ay walang puwang kung gusto na niyang makaahon at makapagsimulang muli. Hindi na si Trixie nag-alis ng makeup o naligo. Binuksan na lang niya ang kanyang laptop at agad na nagtrabaho. Alas-kuwatro na ng madaling-araw nang matapos siya. Matapos i-finalize ang iba pang detalye, ipinadala na niya ang inayos niyang dokumento. Maging si Casper ay aligaga rin, pero halos tapos na rin ito sa naka-assign na gawain. "He's asking for us before 9 am in the morning. Kaya mo pa ba?” wika ni Casper s
Pagkarinig sa sinabi ni Professor Soma, halos sabay na napatingin sina Trixie at Casper sa isa't isa. "Dinner meeting kay Sebastian?" Pumintig nang mariin ang sintido ni Trixie. Para bang gusto niyang magtanong pa, ngunit pinili na lang niyang manahimik. Samantalang si Casper, na tila walang naramdamang tensyon, ay nagtanong pa, "Professor, are you close with the Valderamas?" "Of course not," maikli ngunit may bigat na sagot ni Professor Soma habang patuloy na inaayos ang mga papel sa kanyang harapan. "Business lang 'to." Muling nagkatinginan sina Trixie at Casper. Napansin ni Professor Soma ang ekspresyon ni Trixie kaya’t idinagdag niya, "Huwag kang mag-alala. Hindi naman personal ang usapan namin." Ngunit hindi iyon nagbigay ng gaanong ginhawa kay Trixie. Kinuha naman ng propesor ang susi ng kotse at nagpaalam, "Huwag niyong kalimutang isara ang pinto kapag umalis kayo." Pagkatapos ay sumingit pa siya, "Pero siguro, hindi rin ako magtatagal." Sabay na sumagot ang d
Pagkaupong muli ni Professor Soma, umupo rin si Wendy sa tabi niya at sinimulang kausapin ito kahit medyo napahiya nong una. "I am your very fan, Mr. Soma. Matagal ko na pong gustong magkaroon ng pagkakataon na makipag-usap sa inyo nang personal tungkol sa AI." "Ah," iyan lang ang naging sagot ng propesor. Sa mga sandaling iyon, biglang nag-ring ang cellphone ni Sebastian. Tumayo siya at nagpaalam saglit kina Professor Soma at Wendy. "I'll just answer this, just continue what you are doing this will be quick." Tumango si Wendy bilang sagot. Pagkaalis ni Sebastian, kinuha ni Wendy ang menu sa gilid at iniabot kay Professor Soma. "Mr. Soma, mag-order na po muna tayo ng pagkain, tapos mag-usap habang kumakain?" alok ni Wendy. Tinulak ni Professor Soma ang menu palayo at sinabing, "Hindi na muna." Saglit na natigilan si Wendy, at bago pa siya makapag-react, diniretso na siya ni Professor Soma, "Gusto mo bang maging estudyante ko?" Hindi inaasahan ni Wendy na magiging deretsahan
Dumating na ang araw ng graduation nilang tatlo.Mainit ang araw pero mas mainit ang pakiramdam ni Elijah habang pinagmamasdan si Trixie sa entablado. Ang ganda nito sa suot nitong toga, ang liwanag ng ngiti habang katabi si Sebastian.Sa camera ng phone niya, naka-zoom si Trixie. Kahit si Sebastian ay pinutol niya sa framing. Sa kanya lang dapat nakatuon ang araw na ito. Si Trixie lang.Pagkatapos ng graduation, may simpleng salu-salo sa isang restaurant. Nasa iisang mesa sila, mga close friends ng dalawa, kabilang na si Racey ang babaeng kaibigan ni Trixie. Katabi ni Trixie sa kabilang gilid niya si Sebastian. Si Elijah naman, kahit sa kabilang side niya nakaupo, hindi maalis ang paningin sa kanya.“Uy Elijah,” tawag ni Sarah. “May maganda raw na dumating na bisita, kakilala ni Dean. Baka gusto mong i-meet.”“Girl ba?” tanong niya.“Oo, sobrang classy! Mukhang sosyalin pero approachable.”Nacurious tuloy si Elijah, tumayo at sumunod kay Sarah papunta sa lounge. Pagdating doon, ma
"Trixie! Sebastian! We're soon to graduate! What are your plans, buddies?" sigaw ni Elijah habang lumalapit sa dalawa, may bitbit pang isang baso ng iced coffee sa kamay, halatang galing pa sa canteen.Mula sa kinauupuan nila sa gilid ng campus garden, nagkatinginan ang magkasintahang Trixie at Sebastian. Pareho ang ngiting may tinatago sa dalawa, may lihim na kasi silang plano na hanggang ngayon ay sila lang ang nakakaalam.Malapit na nga silang maka-graduate ng college.And… they are already planning their marriage. Matagal na si Trixie na inalok ng lalaki at matagal na rin siyang naka-oo dito. Mahal nila ang isa’t-isa pareho kaya sa tingin nila ay handa na silang bumuo ng pamilya. Even if they weren't old enough, marriage isn't scary if each other was the one they are marrying. Napansin iyon ni Elijah at mas lalo siyang nag-usisa sa mga kaibigan. “Anong pinagtitinginan niyo diyan, ha? May plano na kayo, 'no? Include niyo naman ako! Ayoko ng nauuna kayo tapos ako, clueless!” bir
Pagbalik ng mga bata, agad tumakbo si Xyza sa ina.“Mommy! Mommy! I made a drawing po! It’s you and me and Tito and Yanyan!”Pinakita nito ang simpleng guhit, may araw sa itaas, at may puso sa gitna ng papel.“Beautiful,” ani Trixie habang hinahaplos ang buhok ng anak.Tiningnan ni Helios ang papel at ngumiti.“You’re quite the artist.”“I drew Daddy din po!” sabay turo sa malayong figure sa likod, na malabo at nakatalikod.Hindi na nagsalita si Trixie. Bagkus, tumingin siya sa anak at hinaplos ang pisngi nito.“You’re enough,” bulong niya.Hindi iyon para kay Helios, hindi para kay Sebastian. Para iyon sa anak niya. Para sa sarili niya. At kahit sino pa ang pumasok o lumabas sa mundong ito, alam niyang buo siya, buo silang dalawa.“Wow. Daddy, you're here too. Are you joining us na po? Mommy, can daddy sit beside me?” tanong ni Xyza, walang muwang sa nagaganap na tensyon.“I think he should sit with Wendy,” tugon ni Trixie, malamig ngunit mahinahon.Nagngitngit si Sebastian sa sago
Pinagmamasdan niya ang bawat kilos nito, lalo na kapag tumatawa ito sa mga biro ni Helios.Hindi alam ni Sebastian kung gaano siya katagal nakatitig mula sa kabilang mesa habang inaantay ang order nila. Bagama’t nasa piling ni Wendy ang lalaki, ito ay parang wala roon. Nasa kabilang mesa ang isip nito, at ang puso.Mula sa kanyang kinauupuan, malinaw niyang nakikita ang bawat galaw ni Helios. Kung paano nito marahang nilalagay ang baso malapit kay Trixie. Kung paano nito binibigyan ng tissue ni Xyza para hindi mabasa ang palda ng bata. Kung paano nito hinahayaang mag-lean si Yanyan sa balikat niya habang nagkukuwento kay Xyza.Pinapanood niya kung paanong walang kahit katiting na effort si Helios, pero natural itong tanggap sa piling nina Trixie. Sa dami ng taon na sila ni Trixie ang magkasama, hindi niya kailanman naramdaman na ganoon siya kahinahon o ka-“present” para sa pamilya nila.“Ang sweet naman nilang pamilya,” bulong ng isang waiter sa likod nila, na hindi alam na naririn
Tumayo si Helios mula sa pagkaka-upo sa tabi ni Trixie nang mapansin ang mga bagong dating. May bahagyang seryosong ekspresyon sa mukha nito habang pinagmamasdan ang lalaking kararating pa lang.“Sebastian,” tawag niya, kalmado ang tinig ngunit may tinatagong tensyon.Napalingon si Sebastian na tila ayaw gumalaw. Napakunot ang noo niya habang nakatingin sa kaibigan. Ngunit bago pa siya makatanggi, sumingit na si Wendy.“Let’s greet them for a while. It’s your dear friend after all,” wika nito habang hinahawakan ang braso niya, pormal ang ngiti ngunit may bahid ng intensyon sa likod ng mga mata.Ayaw sana ni Sebastian, pero wala rin siyang nagawa. Ang panunulsol ni Wendy ay may bahid na maitim balak. Siguro, gusto lang niyang patunayan na wala nang koneksyon si Sebastian sa dating asawa. O baka gusto lang niyang makita kung ano talaga ang dynamics ngayon.“Alright. But let’s be quick,” sagot ni Sebastian, pinipigilan ang sarili na idagdag ang I don’t want to see either of them tonig
Sa gitna ng pagtawa ni Trixie dahil sa isang production number na comedy skit, naramdaman niyang nag-vibrate ang kaniyang cellphone sa bulsa. Nang kunin niya ito at tingnan ay si Racey pala ang natawag. “Hello? " bungad ni Trixie sa kaibigan. Hindi pa niya nakakausap ang babae mula noong gabi na nalasing siya kaya interesado siya sa sasabihin nito. "Are you free today, girly girl? Let's go shopping, or do you prefer bar hopping? You choose. Libre ko.” Masiglang boses ni Racey ang bumungad sa kaniya. "Anong meron? May okasyon ba?” "Wala naman. Gusto ko lang mag-celeb, kakababa ko lang kasi ng bundok matapos akong isama ni Lola para manalangin dun sa mga katutubo niyang friends. I miss the city, that's why.” Paliwanag nito. "You've been doing that yearly, hindi ka pa ba sanay?" Natatawang puna ni Trixie dito. "True ka naman diyan. But wait? Why do I hear strange noises from your background? Nasa labas ka ba?” "Ah, yes. Nasa isang family day to be exact." “Xyza's? E
Kinabukasan, Sabado. Sa simpleng bahay ng pamilya Salvador, puno ng tawanan ang umagang iyon. Nang matapos ang kainan, sumama si Xyza sa kwarto ni Trixie. Humiga sila sa kama habang naglalaro ng mga stuffed toys. "Mommy," bulong ni Xyza habang nilalambing ang braso niya. "You're my favorite person." Naglakbay ang kamay ni Trixie sa buhok ng anak. Mahina niyang hinaplos ito habang pinipilit na huwag maluha. "You’re my most precious, Xyza," mahina niyang sagot. Suot ng mag-ina ang magkaparehong pajama, pink na may maliliit na bear prints. Masayang hinahaplos ni Trixie ang buhok ng anak habang binabasahan niya ito ng isang fairy tale book. "Mommy! Next page, please!" sigaw ni Xyza, habang pumapalakpak. Tumaas ang kilay ni Trixie, kunwaring nagdaramot. “Hmm... should I not?" biro niya. "Pleaaase!" bulalas ng bata, yumakap ng mahigpit sa leeg niya. Tumingin si Trixie sa anak at napuno ang puso niya ng hindi maipaliwanag na saya. Pinili niyang mag-off sa trabaho ngay
Tumayo si Sebastian, mata'y singkipot ng karayom. "Helios, one last question. Do you even remember that we're friends?" malamig niyang tanong. Ngumiti si Helios, isang ngising hindi mo malaman kung pikon o arogante. "And do you even remember that you have a wife waiting for you at home when you are going on dates with Wendy?" Biglang nanahimik sa loob ng opisina. Maliban sa mahinang ugong ng aircon, tanging tensyon na lang ang pumupuno sa paligid. Sinabi na ni Helios noong una pa lang na hindi siya sasagot ng tungkol sa kanilang personal na buhay, but Sebastian insisted. And this is it. Sebastian tasting his own medicine. Nawala ang ngisi sa mukha ni Helios at ibinalik ito sa pagiging seryoso. “Bro–” “Don't call me that when you are doing all these.” Putol nang tila napipikon nang si Sebastian. Hindi kumurap si Helios. Hindi siya nagpadala sa init ng ulo ng lalaki. Ngumisi lang siya, waring lalong nang-aasar. "Sebastian," aniya, kalmado pero mabigat, "it's a personal mat
Nang marinig niya ang sinabi ng anak, aalala niyang nalaman niya nga pala ang lahat kay Helios. Siguro ay noong tumambay ito doon. "Is that so?" tanong ni Trixie, pinipilit manatiling kalmado kahit ramdam niyang lumalambot ang puso niya sa tuwa habang pinapakinggan si Xyza. Pagkatapos magsalita ni Xyza, bigla nitong napagtanto na baka hindi pa kilala ng mommy niya si Yanyan, kaya agad niyang ipinaliwanag, "Niece po siya ni Tito Helios. I don't know if you know her po eh." "Oo," sagot ni Trixie, pilit na pinapawi ang bigat sa dibdib niya. Nakita niya ang saya sa mukha ng anak kaya agad siyang nagtanong, "Then? Ano namang ginawa n'yo?" "Naglaro po kami ng maze, then doll house!" "Woah, ano pa?" Tahimik na nakinig si Trixie habang kinukuwento ng anak ang mga kaganapan, ngunit sa bawat tawa at kwento ni Xyza, may halo itong kirot sa kanyang puso. Sa isang banda, masaya siyang masaya ang anak. Sa kabilang banda, hindi niya mapigilang sisihin ang sarili sa mga panahong hindi