Bumuntong-hininga ako, "no. P'wede bang magpataba ka tapos magpapangit?" tanong ko na kinakunot ng noo niya. "Para naman walang nagkakagusto sa ‘yo. Tapos maging masungit ka pa lalo. Gusto kong takpan lahat ng mata ng kaklase ko kanina. Halos maglaway na sila kakatingin sa ‘yo, e,” inis na sabi ko kaya natawa siya nang bahagya. Nagitla rin ako sa sinabi ko. Nagiging cheap na yata ako? Bakit ba ako nagseselos? Walang dapat ikaselos.
"Let them be. The difference are...” humakbang siya palapit sa ‘kin. "They can't do this,” dagdag niya at hinalikan ako sa noo. "And this,” aniya at hinalikan pa ako sa lips. Kaya hindi ko maiwasang ngumiti. "Let's go home? For sure Architect will just talk to your class for the whole hour."
Natawa ako nang bahagya at umiling. "Scholar tapos magcacutting?" tanong ko.
"Ah yeah I thought so. Okay, I better get going. Study well, Love,” sabi niya pa. Hinalikan niya pa ang noo ko bago siya u
"You should sleep, Luna,” sabi ni Sol at nandito pa rin kami sa couch, nagkik'wentuhan. 'Di na yata kami mauubusan ng topic."Tapusin ko muna 'yung plate ko." Kaunti na lang naman kasi 'yun. Para bukas, free day ko na."You can do that tomorrow, can't you?""I can't. I want to spend my Sunday with you,” sabi ko at binigyan siya ng matamis na ngiti kaya natawa siya nang bahagya at ginulo ang buhok ko.Hindi yata bagay sa ‘kin. Gusto ko lang naman mafeel niya na sweet ako, e. Sweet naman talaga akong tao. Nagbago lang dahil sa mga nangyayari sa ‘kin."We can spend that doing your plate. So for now, you have to take a study break,”"Study break?" kunot-noong tanong ko."Yeah sleep,” aniya at hinalikan na ako sa noo. Tatayo na sana siya pero hinila ko siya paupo ulit. Aalis na ba siya? Ang aga pa!"I want this kind of study break,” sabi ko at agad ko siyang hinalikan na kinabigla niya pa pe
Umiling ako at pareho kaming nalulungkot ngayon. "Kailangan kong magtago sa ngayon, Ate Jaida. Baka maunahan na naman ako ni Marcus o ni Atty. Ibasco.”"You think, hindi ka pa nila nakikilala? They're just watching your moves, Almira. Come to think of it. Bakit bibilhin bigla ni Lance Villaflor ang resthouse mo? Bakit nakita mo si Lance na nagpunta sa bahay ng victim noong ikalawang balik mo? Bakit nilalapitan ni Lance si Sol sa firm nila? Imposibleng nagkataon lang lahat. May pinaplano sila.”"I know. Hinuhuli nila ako kaya hindi ako kumakagat sa mga patibong nila. Unti-unti naman na nating nahuhuli si Marcus, e,” paliwanag ko naman pero hindi ko pa rin siya makumbinsi. Si Ate Jaida lang talaga ang nakaka-brainstorm ko sa mga ganitong bagay pero ayoko nang masangkot pa siya riyo. Busy siya sa pag-aaral niya. Ayokong mapabayaan niya iyon."You know that that's not enough. So what's your next plan? Report him? Kapag nalaman niyang alam na ng lah
Nagk'wentuhan pa kami ni Alanis ng kung anu-ano tungkol sa mga nangyari sa buhay namin at tinanong niya rin kung anong nangyari sa ‘kin. Dahil wala na akong balak magsekreto pa, sinabi ko na sa kanya lahat-lahat pero nakiusap ako na huwag niya munang sasabihin sa iba dahil may pinaplano kami ni Ate Jaida at Sol. Hindi nga siya makapaniwala sa mga pinagdadaanan ko, e.Kahit naman ako, hindi makapaniwala.Baka nga ako lang talaga ang nagpapakomplikado ng buhay ko. Baka nga wala naman talagang pumatay sa magulang ko. Baka aksidente lang talaga lahat. Masyado ko lang dinibdib kaya umabot ako sa puntong papunta na sa pagkapariwara ang buhay ko at nasaksihan ko ang krimen ni Marcus.Baka nga ako lang ang nagpapahirap sa sarili ko. Kailangan ko lang sigurong matanggap ang mga nangyayari sa ‘kin. Kasi sabi ni Ate Kiss, hindi tayo p'wedeng magpatali sa nakaraan. Hindi matutuwa sina Mama at Papa kung ganito kagulo ang buhay ko.Life is a choice. You cho
"Luna?" gulat na tanong niya nang makita ako pero agad ding nabaling ang tingin niya kay Leo. Agad niya itong nilapitan. "What happened?" Bigla niya akong hinarap at naluluha siya. "Akala ko patay ka na,” sabi niya pa. Hindi ako kumibo. Hanggang ngayon kasi, hindi ko alam kung sasabihin ko nang ako si Luna tutal alam naman na ni Marcus na buhay ako. Nadamay pa si Leo. "Anong nangyari sa kanya? Palagi mo na lang siyang pinapahamak!" galit na sabi niya at bigla niya na lang akong sinampal. Doon na ako napaluha. Kasi ang sakit ng sinabi niya.Totoo kasi, e.Totoong palagi kong pinapahamak ang mga taong nakapaligid sa ‘kin."Arielle?" sambit ni Leo kaya nabaling sa kanya ang tingin namin.Kakagising niya lang. Namumula rin ang mga mata niya at may nagbabadyang luha sa mga ito. Nang mapatingin siya sa ‘kin, napangiti na lang siya at tuluyan nang umiyak. 'Yung iyak na parang sobrang sakit ng nasa loob niya pero wala siyang magawa. Hindi ko mai
"Well, Why don't you ask him instead?" natatawang sabi niya sabay turo mula sa likod ko and then I saw Atty. Ivan there."Hi, Adira, Tori!" nakangiting bati niya sa 'min."Your friend was asking me why you talked about her a lot,” nakangiting sabi pa ni Lance Villaflor habang nakangisi sa ‘kin at mukhang alam niya na kung bakit bigla kaming nagkita noon sa firm. "Excuse me,” ani Lance at pinasunod niya sa kanya si Sol. Sinenyasan pa ako ni Sol na huwag sumunod sa kanila.Ano kayang mangyayari ngayon? Ang alam ko, ngayon mahuhuli si Lance. Anong pinaplano ni Sol?"Oh I'm sorry, Adira. Sinabi ko kasi kay Mr. Villaflor na may gusto ka sa kanya tutal aalis naman na siya,” sabi ni Atty. Ivan."Okay lang. Umuwi na kayo. May kailangan lang akong gawin,” sabi ko pa at tiningnan ko nang taimtim si Tori. Sana maintindihan niya ako. "Umuwi na kayo. Please! Alam niya na,” mahinang sabi ko sahilan para kabahan siya at hinawak
Ipinagpatuloy nila ang pagkik'wento. "Binalikan namin si Marcus. Ang plano, gagawin lang namin siyang high at bubugbugin pagkatapos ng car racing nila. Pero bigla na lang siyang nawala. Iyon pala, pinuntahan niya ang girlfriend niya na balak na talagang makipaghiwalay sa kanya. And that was the time that you saw him commiting his crime. Hinanap ni Sol kung nasaan si Marcus kasi alam niyang may gagawin 'tong masama sa girlfriend niya. Sol tried to save her from Marcus but he saw you there, shouting for help. Kaya ikaw ang niligtas niya."Lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Nagsinungaling sa ‘kin noon si Sol. Sabi niya, napadaan lang siya nang marinig niya akong sumisigaw. Hindi pala..."I thought, you didn't do anything against the law. Pinainom niyo siya ng drugs,” sabi ko na inilingan nila."We didn't. Iba ang naglagay nun,” matapang na sabi ni Ron."Paano ako maniniwala? Baka nagsisinungaling na naman kayo,” sabi ko.
Nang makarating kami sa unit ko, agad kaming nagtungo sa kusina para kumain."Namimiss ko na ang bayan namin. Doon kasi, kapag birthday, parang pyestahan. Imbitado mga kapitbahay,” k'wento ni Tori kaya natuwa naman si Atty. Ivan."Punta naman tayo dun,” ani Atty. Ivan kaya napatingin sa ‘kin si Tori."Oo, Luna. Dalawin naman natin sila. Miss na miss ka na ni Ella, e,” natatawang sabi niya pero hindi ako natawa. Ang hirap tumawa ngayon. Kahit pagkain namin ngayon, mukhang masarap pero hindi ko malasahan. Kahit tubig, mapait. Pakiramdam ko, namamanhid na ako. "Sorry,” mahinang sabi ni Tori nang hindi ako kumibo."Luna, umiyak ka na ba? Kahit isang beses man lang?" nag-aalalang tanong ni Atty. Ivan na inilingan ko lang. Napabuntong-hininga sila pareho. "Nood tayong movie? 'Yung drama?""Oy totoo. Maganda raw 'yung scarlet heart,” sabi naman ni Tori."Movie, hindi series. Anong oras tayo matatapos niyan? Baka
Ang huling naaalala ko, umiiyak ako nun at halos hindi na ako makahinga dahil noon ko lang nailabas lahat ng sakit na nararamdaman ko. Noon lang ako umiyak hanggang sa mapagod na ang katawa ko at mawalan na lang ako ng malay tao.Nagising ako na nasa ibang k'warto pero nasa ospital pa rin. Sa takot ko na baka tinuloy nila ang binabalak nila kay Sol, mabilis akong tumakbo papunta sa k'warto niya. Bawat hakbang ko, nauubusan ako ng hangin sa katawan. Natatakot ako na baka wala na siya.Baka hindi ko na siya makita ulit.Pero laking pasasalamat ko nang makita ko siyang nakahiga pa sa kama niya. Napangiti ako at humakbang palapit sa kanya. Niyakap ko siya habang tumutulo ang luha ko. Sa wakas, nakakaiyak na ako."Huwag kang mag-alala, ilalaban kita. Magiging matatag ako para sa ‘yo,” sabi ko. Natigil lang ako sa pag-iyak nang magsalita si Atty. Cha na bigla na lang pumasok sa pinto."Do you want to visit a doctor? 'Di ba, matagal mo nang pl