"Miss Karina, I suggest we go back to the hotel. Gumagabi na po at kanina pa ninyo pinauwi ang lahat."Nagpatuloy lang ako sa pagtitig sa kawalan sa kabila nang sinabi ni Celeste. Ilang oras na rin kaming nakaupo lang sa labas ng mansiyon ni Cholo at nakasandal sa nakasaradong dambuhalang pinto ng mansiyon.Nagulat na lang ako nang pagkatapos kong magbanyo ay hindi ko na makita ang mga bagahe. Iyon pala ay ipinalabas uli iyon ni Cholo. Hindi pa siya nakontento at pati ako ay ipinakaladkad niya palabas kasama ang iba pang natitirang mga gamit ko.I'm not surprised by his actions at all. In fact, even before coming home, I know that I'll be having my biggest problem in dealing with him. And I also know that once I got my hands wrapped around him, everything will be smooth sailing from then on."Celeste, do you think it will rain?"Nilinga nito ang langit na tinititigan ko."Mukha nga po. May namumuo pong madilim na ulap."Inayos ko ang pagkakasandig sa likod nang nakasarang pinto ng man
FlashbackMahigit isang oras na ang nakalilipas simula nang umalis si Cholo pero hindi pa rin ako tumitinag sa pagkakatitig sa iilang kumpol ng pera na nasa side table. Mga nasa dalawampung libo rin ang iniwan nito.Nagtatalo ang kalooban ko kung kukunin ba ito o hindi pero sa huli ay nanaig ang tawag ng pangangailangan. Tumayo ako at nagbihis. Inayos ko ang nagulong buhok at naghilamos. Masakit ang katawan ko lalo na sa parteng ibaba pero wala akong karapatang makaramdam ng sakit ngayon. Mas malala ang kasalukuyang kalagayan ng ama at kapatid ko. Inatake na naman sa ikalawang pagkakataon si tatay kaya kailangan ko siyang isugod sa ospital. Ang kapatid ko namang si Diego ay nakaipit ngayon sa bilangguan dahil desididong maghain ng kaso ang may-ari ng kainang ninakawan umano nito.Hindi ako naniniwala sa bintang nila sa kapatid ko. Siya na siguro ang pinakamabait na taong kilala ko kaya malabong totoo ang mga charges laban sa kaniya pero iba ang sinasabi ng mga witness kaya kailangan
Tunog ng alarm clock ang nakapagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Nilingon ko ang side table kung saan nagmumula ang maingay na aparato. Tumayo ako at pinatay ito bago bumalik sa silyang kinauupuan sa tabi nang nakabukas na bintana.It's past two in the morning but I'm still awake. Gaya ng bawat gabing nagdaan sa buhay ko, malabo ang antok sa akin. Hindi ako makatulog dahil sa mga bangungot ng kahapon na hanggang ngayon ay nakasunod pa rin sa akin. Isa pang dahilan ay ang paghihintay ko kay Cholo na hindi na bumalik matapos iwan ako kanina. So here I was beside the window gazing at the bright moon above me while patiently waiting for my erring husband. A gawking doting wife who is dead worried for her other half.Uminom ako sa hawak na kopita at sinamyo ang dapyo nang napakalamig na hangin. Inilipad nito ang nakalugay na buhok ko kasabay ang pagkalampagan ng mga bato sa suot ko na hikaw. Hindi ko ininda ang panginginig ng katawan. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay nasanay na akong huw
Flashback"Karina!"Nilingon ko ang matinis na tinig na tumawag sa akin at nagulat nang makita si Missy na pakendeng-kendeng na naglalakad papunta sa aking pwesto ng palamigan sa tabi ng kalsada."Missy." Alanganin ang ngiti na ibinigay ko sa kaniya nang makalapit na ito sa akin."Kamusta ka na?" Tanong nito sa sinserong paraan habang sinusuyod ako ng tingin.Bumuntung-hininga ako at mapait na ngumiti. "Eto. Naghihirap pa rin. Hindi ako nakapasok sa pagiging saleslady, eh. Puno na ang posisyon kaya balik ako sa dating gawi. Kamusta na pala ang Cerro Roca?"Makahulugan ang tingin na ibinigay niya sa akin bago bahagyang inilapit ang mukha nito."Teh, hinahanap ka ni Cholo."Natigilan ako sandali bago kabadong hinalo ang inumin na nasa jar."Missy, ano pa ba ang kailangan niya? Nagawa ko naman. Ginawa naman namin.""Gaga, wag kang nerbiyosa diyan. Gusto ka lang daw niyang makita. Kinukulit nga ako kung alam ko ba raw kung saan ka makikita. Wala naman akong maisagot dahil bigla ka namang
Pagpatak ng alas-siyete ng umaga ay nakahain na ako. Tapos na rin akong maligo at mag-ayos kaya ngayon ay naka-crossed legs na nakaupo na lang ako sa single-seater na sofa habang nagbabasa ng magazine. Hinihintay ko ang paggising ng asawa na namamaluktot sa ilalim ng black blanket na ikinumot ko sa kaniya kanina. He looks like a child in his fetal position. Ang sarap kunan ng picture bilang memorabilia.Nang magsawa na sa kakatingin ng mga bagong muwebles para sa bahay sa magazine ay inabot ko ang newspaper sa tabi at binuklat. Nasa front page agad ang yakapan naming dalawa ni Cholo noong isang araw. Sinuri ko ang pangalan ng local news outlet. Kilala ko ang may-ari nito. "Oh dear, bakit hindi man lang nila i-n-e-dit ang lighting ng picture. Nagmukha tuloy hindi pantay ang make-up ko rito."Kinuha ko ang dalang compact mirror at sinipat ang sarili para siguraduhing perfect ang pagkakalagay ko ng eye shadow at eyeliner. Nang makontento ay ibinalik ko sa bulsa ng suot na ankle-length
Flashback"Akala ko ikaw ang nagpapunta sa akin rito. Ang sabi kasi sa akin ni Mis-"Napahinto ako sa tangka pang pagsasalita nang batuhin ako ni Cholo nang isang tingin na nagsasabing tumahimik na ako. Tumayo ito sa kinauupuang kama at marahas na sinuklay ang buhok. Nagpakawala ito ng isang frustrated na hininga bago bumalik din sa kama at kinuha ang cellphone sa bulsa ng suot na pantalon. Nakabihis na ito kaninang hablutin niya ako papasok sa silid.Agad na nagyuko ako ng ulo nang dumako na naman sa akin ang tingin niya. Noong una ay hindi ko pa alam kung ano ang kinasasadlakan kong problema hanggang sa higitin niya ako pabalik sa loob ng kwarto paalis sa harap ng hugpong ng mga tao na walang habas ang pagkuha ng mga larawan at pagtatanong ng mga bagay na wala akong kaide-ideya at ipinaliwanag ang maaring kahinatnan ko. Ngayon ko lang nalaman na kumakandidato pala sa pagka-mayor ng lugar ang ina nito kung kaya't mainit ang mga mata ng kabilang partido sa buong pamilyang Gastrell. At
"Oh hi again nameless girl. We met again!"Malawak na ngiti ang ibinigay ko sa secretary ni Cholo na namumutla ang mukha habang nakatingin sa akin mula sa upuan nito. Inayos ko muna ang pagkakalugay ng buhok bago nilapitan ang babae na ngayon ay nagkukumahog na sa pagtayo."G-good day, Mrs. Gastrell. What can I do for you, ma'am?"Lumigid ito sa mesa at aabutin sana ang dala kong mga paper bags nang pigilan ko siya. "Oh no, no. No need to do that. I can handle this perfectly. Go back to your work and just don't mind my presence. Remember, we don't have a dark past together."Kinindatan ko siya saka tinumbok ang pinto."M-ma'am," pigil nito sa tangkang pagtulak ko sa pinto. Nilingon ko ang babae na namumutla pa rin ang mukha."What?""Ms. Elizabeth Asturia is inside po."Tumaas ang dalawang kilay ko sa sinabi nito. A vicious smile appeared in the corner of my lips."The mistress is here?"Umawang ang bibig ng secretary bago ito nagyuko ng ulo na para bang hindi nito alam ang magiging
FlashbackNapakabilis ng mga pangyayari. Para lang akong dahon na nagpapadala sa marahas na daloy ng tubig. Hindi ko alam kung paano ako nakauwi sa sariling bahay, naghakot ng mga gamit, nagbilin sa kapatid, at nagbiyahe pabalik sa Cerro Roca.Bitbit ni Cholo ang isang maliit na overnight size na bag ko na laman ang iilan kong piraso ng mga damit. Tumutol pa nga ito kanina dahil pagkauwing-pagkauwi raw namin ay ibibili niya ako ng mga damit. Hindi na niya ako binigyan ng pagkakataong tumutol pa sa plano nito. Nasilaw ako sa laki ng halaga na ibibigay niya sa akin pagkatapos ng aming pagpapanggap. Hindi na rin ako nagprotesta pa. Masasabi kong desperada na rin ako sa puntong ito dahil lumalala na ang kalagayan ni tatay. Kailangan ko ng pera para sa maintenance nito at check-ups.Huminto ang sinasakyan namin sa mataas na bakod ng isang bahay. Naguguluhan ako kung bakit dito kami dumiretso. Akala ko ay sa mansiyon kami titira."It's better if we stay here until after the election. Hindi
Para kay Cholo Gastrell,Walang kasiguraduhan kung mapapasakamay o mababasa mo pa ito Cholo pero nagbabakasakali lang ako tutal ito na ang huling bagay na makukuha mo mula sa akin.Pasensiya ka na dahil hindi ako nakapagpaalam sa iyo. Please 'wag mong isipin na iniwan kita. Oo, aaminin ko na pinag-isipan ko noong una pero binawi ko agad kasi hindi ko pala kayang iwan ka. Naipit lang ako. Wala akong magawa. Isang hamak na babae lang ako. Kayang-kaya nila akong tirisin, hamakin, at pahirapan.Siguro may ideya ka na na may damdamin na ako para sa iyo. Alam ko naman kasing hindi ako magaling magtago ng nararamdaman ko. Minahal kita, Cholo. Sana maniwala ka at tanggapin ang pag-ibig ko kahit isang segundo lang. Wala man akong ibang pwedeng pagkomparahan ng damdamin ko pero alam ko sa sarili ko na mahal kita. Mahal na mahal kahit tuluyan mo na akong inabandona, kahit hindi mo ako pinagkaabalahan pang bigyan ng isang sulyap na para bang ang isang tulad ko ay hindi karapat-dapat na makausap ka
The sound of my six-inch Chanel stiletto echoed through the busting halls of the topmost floor of the biggest and most renowned ship building company in the whole of Asia. My black crossover halter bodycon dress clung to my body like it's my second skin as I sauntered across the long hallway. Pinaraan ko sa maikling buhok ang mga daliri at impressed na tinitigan ang bagong renovated na lugar. Tumigil ako sa harapan ng isang portrait at hindi napigil ang paghanga."Wow. I never thought I could look this good in a painting," I exclaimed when I took a closer look at it.Before me is a magnificently made painting of myself dressed in a black gown. My hair is in a loose and I had that wicked mysterious look in my eyes while looking at the apperture. The painter perfectly captured my lost self some years ago.Dahan-dahan akong pumihit para tingnan ang isa pang portrait na nasa kabilang bahagi ng hallway.Kumurap ako nang makailang beses at parang natunaw ang puso ko sa nakita. Matamis ang
I took a lot of air before I entered the mausoleum inside the private cemetery of the Alcantaras. My hand is full of flowers, of all sorts of chocolates, and toys for my son.My son. My dead son.The word brings so much pain in my heart.Pagpasok ko ay agad na bumati sa akin ang mga nakangiting mukha ni Errol na nasa mga dambuhalang frames na nakakabit sa bawat sulok. It felt like I'm looking at my childhood photos. It's his picture during his baptismal, his first birthday, and when he was I think a few days old. He's so small there... so fragile and so tiny.I stood there in the middle too overwhelmed by the feeling of love, sadness, and regret. Nanginig ang mga kamay ko at nabitawan ang mga hawak. Para ring nawalan ng lakas ang mga tuhod ko. Huminga ako nang malalim at isa-isang pinulot ang mga nasa sahig at inialay sa paanan ng altar kung saan naghihintay ang nakangiting mukha ni Errol. Umapaw na sa dami kaya inilapag ko na lang sa baba ang mga natitirang laruan at pagkain.With
It was raining hard outside. The droplets of the pouring rain created a nice soundless effect on my closed window. Tumayo ako at binuksan ang bintana at hinayaang pumasok ang lamig sa silid. Kanina pa dapat kami nakaalis pero kinailangan naming kanselahin ng ilang oras ang byahe dahil sumama ang panahon. Bumalik ako sa pamamaluktot sa kama at tumitig sa unos sa labas. Kahapon pa ako nakauwi dito sa mansiyon ng kapatid sa Monte Vega. Kahapon ko pa tuluyang tinapos ang paghihiganti na ilang taon ko ring pinaghandaan.Yesterday Zen asked me if I was contended with what I achieved. Is it enough that I left without actually doing what I planned all along?I didn't answer him because I don't know how to express what I have inside my head. I also kept asking myself if abandoning the original plan of killing Ymir and Elizabeth is what I really wanted. Only this morning did I finally have my final answer while staring at my older brother who is painfully gazing at the portrait of his once-
It has been hours since Karina's scent left me but I'm still on the floor, stuck at the same moment when she told me everything. Apparently, the Asturias killed her family, we had a son, and Elizabeth killed our little Errol and then my mother let her go. That was pure evil perpetuated by the people in my circle. They are my friends and my family, the people I've cared about. It was unacceptable to think that the people who caused this to Karina is the people I dine and I do business with.Killing innocent people is just plain evil. The killing of my son and my wife's family by my own friends is just wicked. It's immoral. It's horrible. It's making all my insides churn in disgust and abhorrence.And it happened to my wife while she's all by herself. Alone, scared, and with no one she can rely on. I can't imagine how that must have felt. While I was spending my years hating her, she endured her life living through the traumatic experience and nurturing our child and then having to go
Ilang segundo muna kaming nagtitigan bago ko siya nakitaan ng reaksiyon. Ang dating mga mata na puno ng simpatiya ay napalitan ng pagkabigla at pagkamangha na kalaunan ay naging larawan ng isang taong animo ay pinagsakluban ng langit at lupa. His face turned pale, his palms formed into fists, and his eyes burned in tears."What did you say?" he whispered while piercing me with his red eyes."Nagkaanak tayo."Kumurap ito ng ilang beses na parang pinoproseso pa rin ang narinig. Yumuko ito at sinapo ang ulo. Nang mag-angat ito ng mukha sa akin ay muntikan na akong mapaatras dahil sa kakaibang lamig na nagmumula rito. Yanig pa rin ang mukha na mabilis itong tumayo at naglakad papunta sa akin. He gently held my face in his cold hands and asked again in a trembling voice."We have a child, Karina?"Dahan-dahan akong tumango. "Had is a better term. We had a son, Cholo.""W-What?"I blinked the tears away. "E-Errol. Our little boy's name is Errol. He's almost two years old. He's very bubb
Mabibilis ang galaw ng kamay ko sa ibabaw ng teklado ng piano. Sumasabay ang bawat pagbitiw ng nota sa sakunang ilang taon nang namamahay sa loob ko.Pumapailanlang sa ere ang mabigat at mabilis na musika. Pumikit ako at itinaas ang mukha habang ang mga daliri ay patuloy sa paghahabulan.I'm sorry.Umaalingawngaw sa isip ko ang mga sinabi ng donya kanina.Bakit ba ang hilig nilang magsabi ng sorry na para bang mabubura ng salitang iyon ang lahat ng pait at sakit na pinagdaanan ko sa kanila. Sorry? Her sorry doesn't even make me feel a bit alright. It just made me feel worse because their apologies only prove how I let them trampled all over me. It reminded me of my losses, of how I just yielded onto them without a fight. I just resigned to my fucking fate wholeheartedly and didn't even put up a fight. Tinanggap ko lang ang lahat ng iyon ng walang reklamo.Ni hindi ako lumaban kahit kaunti. If only I'm stronger enough then they wouldn't have done that to me which is why I will never
"Don't talk, Vishen. Kahit ano pa man ang sasabihin mo sa akin, it will not bear any weight about my decision."Iniiwas ng lalaki ang tingin sa akin at nagbuntunghininga. Itinuloy nito ang pagbubuhos ng alak sa kopita at ibinigay sa akin."I'm sorry for making you feel uncomfortable, Ms. Karina.""Thank you." Inabot ko ang baso at diretsong tinungga. Nakatulong ang init na hatid ng alak para pigilin ang pag-iinit ng mga mata ko. Inagaw ko na ang buong bote at doon uminom. Isa, dalawang buong lagok hanggang sa mapangalahati ko na ito.I released a sigh when I calmed down a bit."So we're finally in the last stage of this circus, huh." Nagbuga ako ng hangin at nginitian si Vishen habang yakap ang bote sa kandungan. "Ngayong araw ko na tatapusin ang lahat. Hindi ko na kaya, eh. Kapagod na. Pagod na akong kimkimin lang ang lahat sa loob ko. The years of suffering... I need them to end it all here, Vish. Pagod na akong maging matapang sa labas habang unti-unti akong nalulusaw sa loob. P
Pagpatak ng alas-tres y medya ng umaga ay bumangon na ako at naligo. I hummed while putting my make-up on and dressing up for the day. Matapos mag-ayos ng sarili ay bumaba na ako sa kusina at pakanta-kanta pa rin na nagsimulang magluto. Habang naghihintay sa pinapakuluang karne ay nagbasa muna ako ng balita online.As expected, parang apoy na kumalat sa buong bansa ang eskandalo. Number top trending agad sa mga sites ang mga nangyari. Wala na ring nagawa ang mga Asturias para pigilan pa ang paglabas ng mga balita kaya ngayon ay pinagpipiyestahan na ng mga mamamayan ang videos nito. Some are even digging up the unseen man in the video but I made sure that I buried the original video. Ilang milyon din ang ibinayad ko sa editor. I might hated the sight of my husband enjoying Elizabeth's mouth but I won't let the nation know that.Akin na lang iyon.The family threatened to sue the people behind it pero good luck na lang sa kanila. Mas dapat nilang pagtuunan ng pansin ngayon ang napakala