Share

The Volunteer Bride
The Volunteer Bride
Author: Antonia_Luisa

You may now kiss the bride

*Alana*

"What!" Halos sumabog ang eardrums ko nang marinig ko ang sinabi ni Alena.

Hindi ko sukat akalaing maririnig ko iyon sa kapatid ko siguro ay nagbibiro lamang siya or maybe she wanted to annoyed me. 

"I'm getting married next week." Muli niyang sinabi.

Napa angat ang isang kilay ko. 

Hindi yata ito magandang biro. 

Bakit bigla-bigla yata ang naging desisyon ni Alena?

Sa pagkaka alam ko ay wala siyang boyfriend kaya imposible ang sinasabi niya.

"Teka lang, may sakit ka ba?" Lumapit pa ako sa kaniya at hinawakan ang noo niya pati na rin ang leeg niya.

"I'm totally fine." Maikling wika niya na para yatang naiirita sa ginagawa ko.

Concerned lang naman ako sa kaniya. Mahalaga sa akin ang pamilya ko, wala akong ibang hiling kundi ang makita silang masaya. Mababaw lang ang kaligayahan ko, okay na ako sa tuwing nasisilayan ang mga ngiti nila lalo na 'yong ngiti ng papa ko.

Ayaw ko sanang lumuha ngunit sa tuwing nakikita ko ang kalagayan ng papa ko 'di ko mapigilang mapahagulgol. Halos dalawang linggo na simula noong binugbog siya nang mga hindi pa nakikilang mga kalalakihan. Wala man lang consideration ang boss niya, hindi man lang ito nag offer ng kahit kaunting tulong at pilit pa siyang pinapapasok sa trabaho sa kabila ng kondisyon niya. Isang private driver si papa, hindi ko pa nakikilala ang boss niya peru ayon sa mga naririnig ko, masyado daw iyong mayaman.

"Alena, baka naman gusto mong ipakilala sa akin ang lalaking pakakasalan mo?" Pagpaparinig ko.

Nakita ko ang pag ismid niya.

"Kailangan pa ba 'yon? Jusko naman Alana, makikilala mo rin siya sa araw ng kasal namin." Pilosopong wika niya.

Gusto kong kurutin sa singit 'yong kapatid ko dahil sa pagiging sarkastiko niya. 

Hindi pa rin ako mapakali sa kaiisip kung sino ang malas na lalaking mapapangasawa ni Alena. Malamang pagkatapos ng kasal ay magsisisi ito kung bakit si Alena pa ang pinili nitong pakasalan. Walang alam ibang alam gawin sa buhay 'yong kakambal ko kundi ang magpasarap sa buhay. Party dito, party doon. Gala dito, gala doon. Kung minsan nauubos ang pasensiya ko sa kaniya sa pgiging pasaway niya. Bakit ba kasi nagkaroon pa ako ng kakambal na wala namang kuwenta?

Oo, nagrereklamo ako msy karapatan naman akong gawin 'yon 'di ba?

Peru kahit ganoon si Alena, mahal ko pa rin siya, pamilya ko pa rin siya. May mga araw naman na matino siya. Magkaiba lang talaga siguro kami ng interes sa buhay. Para sa akin kasi work is life. Trabaho dito, trabaho doon. Trabaho sa umaga, trabaho sa gabi. Iyon ang mundo ko, masyadong boring. Kaya siguro hanggang ngayon hindi pa rin ako nagkaka boyfriend.

"Baka mamaya, psychopath 'yang mapapangasawa mo." Pang aasar ko.

Nawalan ng kulay ang mukha niya.

"Whatever!" Inis niyang sabi saka umalis na sa sala at tinungo ang kwarto.

Napakibit balikat na lamang ako.

Pupunta ako ng ospital maya-maya. Babantayan ko si papa hanggang sa matapos ang maghapon, pagdating ng gabi ay ang kapatid na naman nito ang papalit sa akin sa pagbabantay.

Nilapitan ko na lahat ng mga kakilala ko nagbabakasakaling baka may mautangan ako pandagdag sa operasyon ni papa peru kahit yata ibenta ko pa ang buong bahay namin ay hindi niyon kakayanin ang gastusin. Milyon yata ang kailangan para maoperahan na si papa. Gulong-gulo ang isipan ko habang naglalakad patungo sa sakayan ng jeep. 

Mabuti na lamang at sabado ngayon, wala akong trabaho kaya mababantayan ko ng maayos si papa. Habang nasa loob ng jeep ay kinuha ko ang cellphone at nagbukas ng messenger. Tiningnan ko kung online ba 'yong mga iba ko pang kakilala. Ang dami ko na yatang nachat ngunit pare-pareho lang sila ng sagot. 

Kung sana mayaman lang kami katulad ng mga napapanuod ko sa mga teleserye. 

Napabuntong hininga na lamang ako.

Pagkababa ng jeep ay dumeritso na ako sa loob ng ospital at tinungo ang kwarto ni papa. Nadatnan ko doon ang isa pang kapatid niya. Pagkatapos ng ilang minuto ay nagpaalam na rin itong umalis.

Pinagmasdan ko si papa. Unconscious pa din siya.

Gustong-gusto ko siyang yakapin.

Heto na naman ako, nagiging emosyonal masyado. Dapat chill lang, malalampasan din namin ito.

Natapos ang maghapon, ayaw ko pa sanang umalis sa tabi ni papa ngunit kailangan, may trabaho ako kahit sa gabi. I'm working as a part time waitress sa isang Korean restaurant na pag aari ng kakilala ko. Hindi ako sanay magreklamo pagdating sa trabaho, hangga't kaya ng katawan ko go lang ako. Masuwerte na nga lang ako dahil ipinanganak akong healthy. Bihira lang akong nagkakasakit o baka dahil alam ng katawan ko na workaholic akong tao.

Naligo lang ako st nagbihis pagkatapos ay umalis na kaagad ng bahay. Hindi ko ugaling pumasok ng late sa trabaho. Hindi ako perfectionist, ugali ko lang talaga ang ayaw ng late.

"Molly?" Nakakunot noo kong tanong nang makita siyang naka-upo sa isang sulok sa kitchen ng pinapasukan naming restaurant.

Naririnig ko ang paghikbi niya.

Is she heart broken again?

Oh no! Pang ilan na iyon kung nagkataon.

"He cheated on me," she said almost whispering.

Pagkatapos ay muli na naman siyang humikbi.

Hawak-hawak niya ang isang roll ng tissue.

"Again?" Bulalas ko.

Napalakas yata ang boses ko kaya nagtinginan sa amin ang iba pa naming katrabaho.

"Lower your voice, Alana." Bulong niya.

I cleared my throat, trying to pretend of having a cough.

"Ano na naman bang nangyari?" Usisa ko.

"I don't know. Akala ko masaya kaming pareho but I saw him yesterday with other woman and confirmed they were dating." Pagtatapat nito ay tuloy-tuloy na namang umagos ang mga luha niya.

'Nung umulan yata ng kamalasan sinalo ng lahat ni Molly. Nakakailang boyfriend na siya peru lahat nauuwi sa unhappy ending.

Hindi ko rin alam kung bakit sa kabila ng mga pinagdadaanan niya sa love life niya ay may lakas ng loob pa siyang makipagrelasyon ulit.

Ang daming marurupok sa mundo, mabuti na nga lang at hindi ako kasama sa listahan.

Biglang sumulpot ang manager namin sa loob ng kitchen kaya dali-dali akong tumayo at nagkunwaring naghuhugas ng plato kahit na hindi ko naman iyon trabaho. Wala lang, nakakatakot kayang masermunan.

Isa pa, mahal ko ang trabaho ko. Kailangan kong makapag ipon ng malaking halaga para sa papa ko. Kulang na nga lang pati kidney ko ibenta ko na.

Gusto ko pa sanang ichika si Molly ngunit wrong timing saka na lang siguro kapag may time na ulit or puwede namang imbitahin ko siya sa bahay.

Labas pasok ang mga customer sa restaurant. Nangangawit na ang mga paa ko kapapabalik balik sa mga tables dala ang mabigat na tray. Gusto kong pabilisin ang takbo ng oras ngunit wala naman akong kakayahan para gawin iyon.

"Alana, can you please move faster. Maraming tables ang naghihintay ng orders nila!" Halos pasigaw na sabi ng manager namin.

Tumango-tango na lang ako.

Ginusto ko ito, 'di ba?

Ilang oras pa ang lumipas ay natapos na rin and duty ko.

Hanggang ten ng gabi lang nago-operste ang restaurant.

Mabilis kong kinuha ang bag ko saka na mabilis na ring lumabas ng restaurant. Mag aabang pa ako ng jeep na masasakyan pauwi. Ang hirap maging mahirap. 

Ilang oras na akong nakatayo ay wala pa ring jeep na dumaraan. 

Ano ba naman! Aabutin pa yata ako ng pasko kakatayo dito!

Kesa sa maghintay sa wala minabuti ko na lamang na maglakad-lakad baka sakaling may makita akong jeep sa 'di kalayuan. Halos sampung minuto na akong naglalakad ay wala pa ring jeep na dumaan.

"Kapag minamalas ka nga naman oh!" Sigaw ko.

Wala naman sigurong ibang makakarinig.

Nagpatuloy pa ako sa paglalakad hanggang sa nakarating ako sa isang tila bakanteng building. Madalas ko itong nadadaanan sa tuwing sakay ako ng jeep. Bahagyang nananakit na ang paa ko sa kakalakad kaya naisip kong magpahinga sandali.

Natigil ako sa paghakbang nang makarinig ng boses.

"Don't kill me. I can do everything you want, just please don't kill me. I have a family, I have a daughter." Anang boses ng isang lalaki.

Dahan-dahan akong humakbang patungo sa kinaroroonan ng boses. Kinikilabutan ako sa naririnig ko ngunit naglakas loob pa rin akong makita kung ano ang nangyayari. 

"How dare you to tell me what to do?" Sigaw ng isa pang lalaki. 

Tila galit na galit ang boses niya.

Alana, ano ba itong ginagawa mo?

"Curiosity kills the cat." Iyon ang laging paalala sa akin ni papa ngunit hindi ko yata iyon masusunod sa ngayon.

"Please...I'm begging you. Spare my life.." Anang boses ng isang lalaki, garalgal iyon at tila puno ng takot.

Kailangang may gawin ako.

Tatawag ba ako ng pulis?

Napatunganga ako.

"Self, ano na!" Untag ko sa sarili ko.

Natataranta yata ako. 

Ano ba itong building na pinasok ko?

"I'm sorry but I'm not an angel and you killed one of my men. You have to pay for what you did!" Sigaw ng isang lalaki.

Sa ngayon ay kitang-kita ko na ang buong eksena. 

"I'm begging you Mr. Castellucio." Patuloy sa pagmamaka awa ang isang lalaking duguan at nakaluhod sa harap ni Mr. Castellucio, iyon marahil ang pangalan ng lalaking may hawak na baril.

Hindi ko alam kong magsasalita ba ako.

Panick is real. Parang naging istatwa yata ang buong katawan ko.

"I have no mercy!" Nakatiim bagang si Mr. Castellucio at tuluyan niyang kinalabit ang gatilyo ng hawak niyang baril. 

Sunod-sunod ang pag alingawngaw ng putok ng baril kasabay ng pagbagsak ng katawan ng lalaking nakagapos ang mga kamay.

"Clean the mess!" Utos ni Mr. Castellucio.

Jusko! Baka makita nila ako rito?

Todo ang pagkalabog ng dibdib ko. Nakakatakot, ayaw kong matulad sa lalaking walang awang pinatay ni Mr. Castellucio.

Humalukipkip ako sa isang sulok. Parang kahit paghinga ayaw kong gawin sa takot na baka pati heart beat ko marinig ng mga lalaking armado.

Tuluyan ng umalis ang mga ito sa building. Nang marinig ko ang sunod-sunod na pag alis ng tatlong sasakyan ay saka lamang ako tumayo at umalis sa pinagtataguan ko.

Nagmamadali akong umalis sa lugar na iyon. Mabuti na lamang at may jeep na dumaan. Hindi pa rin ako iniiwan ng guardian angel ko.

Pagkarating ng bahay ay nagmamadali kong ini-lock ang gate. Pakiramdam ko may nakasunod kasi sa akin. Ang creepy ng iniisip ko para akong nasa horror movies.

Kamuntik ko pang mabangga si Alena.

"Ang bastos naman oh!" Singhal niya.

Inismiran ko lamang siya.

"Bakit hindi ka pa natutulog?" Pagtataka ko.

Kadalasan kasi kapag mga ganitong oras ay nasa loob na siya ng kuwarto niya kapag walang ganap sa buhay niya.

"Nag aalala kasi ako kay Papa. Binisita ko siya kanina." Naging marahan ang pagsasalita niya.

Kahit naman pala papaano ay may malasakit pa rin sa kanila si Alena. 

"Magiging maayos rin ang lahat. Kaya nga tinotodo ko na itong pagtatrabaho para makaipon ng pang opera ni papa." Tuloy-tuloy na sabi ko saka tuluyang naupo sa sopa.

Nakasunod naman sa akin si Alena. Bitbit nito ang isang baso ng gatas.

"Alana, milyon ang kailangan natin para maoperahan si papa kahit na magtrabaho ka ng 24/7 ay hindi ka makaipon ng milyon sa loob ng isang buwan." Seryoso niyang turan.

Napatingin ako sa kapatid ko.

May point naman siya.

"Kaya nga siguro tama 'yong desisyon kong magpakasal kay Mr. Castellucio." Marahan pa rin siya sa pagsasalita ngunit tila isang bombang sumabog iyon sa tainga ko.

Napakunot noo ako.

"Hindi ako bingi 'di ba?" Tanong ko sa kaniya na ngayon ay nakatingin sa kawalan.

Tumingin siya sa akin at umiling ng ilang beses.

"Mr. Castellucio. He's assistant offered a help kapalit ng pagpapakasal ko kay Mr. Castellucio." Pagtatapat niya.

Natutop ko ang bibig ko.

*Wedding day*

"Are you lost your way going back to heaven, little angel?" Malamig ang tinig ni Allessandro habang tila bumubulong sa akin.

Naglalakad kaming dalawa sa aisle na napapalamutihan ng red roses.

"Why would I?" Nagtataka kong sagot.

Holy cat! Kahit nakita ko kung gaano kademonyo si Mr. Castellucio hindi ko pa rin maiwasang humanga sa kagwapuhan niya.

Is he a goodess?

"Because you're steeping on hell." Patuloy niyang bulong sa akin.

"Hell? I don't see devil." Pabulong ko ring sagot.

I heard him smirked. 

Kahit ang pag smirk niya ang sexy pakinggan.

"The devil is in front of you." Muli niyang sabi.

Bakit ba kasi ang sobrang haba ng aisle? Hindi ko na yata kaya ang pakiramdam na ito.

Gusto kong magsisi sa ginawa ko. Peru hindi ko kakayanin kapag si Alena ang nasa sitwasyon ko ngayon.

Kaya ko to! 

Matatag ako, matapang, wala akong inaatrasan, kaya lalaban ako para kay Papa.

"My life is hell, you will regret since the day you enter in my world." Muli siyang nagsalita.

Is he giving me a warning? 

Kailangan ko ng lakas. Hindi ako dapat magpapatalo sa takot.

Jusko! Nasa impeyerno na nga ba talaga ako?

"Then, I'm willing to surrender my wings as an exchanged of horn." Sa wakas ay nakaisip din ako ng puwedeng sabihin sa magiging husband ko.

Am I really going to marry this man?

"What a bold answer! Let see." Tila nanghahamon niyang sabi.

Sigurado akong wala ng kulay ang labi ko peru salamat sa buhay ng makapal kong red lipstick. Sinimulan ko ito kaya kailangan ko itong tapusin. Saka na lamang ako magpapaliwanag kay Alena sa ginawa ko. Yes, I drugged her. Suot-suot niya pa nga ang wedding gown niya. Ayaw kong malagay siya sa delikadong sitwasyon. Hindi pangkaraniwang tao si Allessandro, he's a badass. 

"You may now kiss the bride!" The priest announced.

Oh my god! Hahalikan niya ba talaga ako?

Hindi ko yata kakayanin iyon.

Oo na, gwapo na itong si Mr. Castellucio peru teka lang, wala pa akong first kiss.

Narinig kong todo ang hiyawan ng mga taong nasa loob ng simbahan parang lahat yata sila excited at kinikilig.

Dapat ba akong kiligin?

Oh please swallow me now earth!

Dahan-dahan niyang ini-angat ang veil ko.

Hahalikan niya ba talaga ako?

Si padre naman eh. Kailangan ba talagang sabihin niya 'yong "you may now kiss the bride"?

Napatingin ako sa mga mata ni Mr. Castellucio. Nakakalunod iyon. Hindi pa naman ako marunong lumangoy. Teka, pahiram ng salbabida!

"I have to kiss you as the priest said it's a part of ceremony." Marahan niyang wika na tila hinihingi ang permiso ko.

Napapikit na lamang ako.

Nagulat ako nang maramdaman ang labi niya sa pisngi ko.

Hopia! 

Akala ko sa labi niya ako ikikiss. 

Nakakahiya self!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status