Share

The honeymoon

*Allessandro*

"Mauro, do I have to be with her for a week?" Naiirita kong tanong habang pinagmamasdan siyang ini impake ang mga damit ko.

I hate being with any girl.

Wala sa agenda ng buhay ko ang pumunta ng ibang bansa para lang mag spend ng time sa isang babae. It's a waste of time. Mas gugustuhin ko pa ang magkulong sa loob ng kuwarto ko at magtrabaho maghapon.

Hindi ko maintindihan kong bakit kailangan ko pang gawin ito. I have already married her. Sa totoo lang wala lang talaga akong choice. Ni'y hindi sinabi sa akin ni Mauro na ako pala ang ikakasal 'nung araw na pumunta kami ng simbahan. It's a surprise na sobrang ikinagulat ko as in. Paano pa ako aatras kung naroroon lahat ng pamilya ko pati na rin ang napakaraming mga usyoserong reporters.

"She's your wife, Allessandro." Maikling tugon niya.

Napa ismid ako.

"Wife. I didn't know anything about her. How come she became my wife?" I said, still iritated.

Napatingin siya sa akin.

"I made sure that she's capable of being your wife. Be a man, Allessandro." Seryoso siyang nagsasalita saka mabilis na inihagis sa akin ang may kalakihang maleta.

Rude!

Mauro is working as an assistant to my father. Maliit pa lang ako ay nagtatrabaho na siya sa dad ko at simula noong maulila ako ay siya na ang nagsilbi kong guardian. 

"Don't hurt her or else I'll punch you until your nose dislocates." Pagbabanta niya.

Napangisi ako sa narinig.

Maybe he's kidding.

"I didn't hurt the woman, you know that, and one more thing, I'm a gentleman." Natatawa kong sabi.

"Better speak less, Allessandro!" Pasigaw niyang sabi saka tuluyan ng umalis ng kuwarto ko.

Naiwan akong tila natitigilan.

I can't believe what is happening now. 

Am I really a married man?

Napailing ako at napakamot sa ulo.

Hindi ko alam kung anong klaseng babae si Alana. I never dated her. Well, I haven't dated any woman in almost 8 years.

I'm not gay.

Paano ko ba ipapaliwanag?

No need to explain everything. Basta ayaw ko ng may babaeng kasama sa kuwarto o kahit sa pagkain ko or everywhere. Allergic na yata ako pagdating sa mga babae.

Ano ba itong nangyayari sa buhay ko?

Mauro is exaggerating everything. Kung sinu-sinong babae ang nirereto niya sa akin para lang magkaroon ako ng love life ngunit being in a relationship is not my thing. At ngayon heto ako bitbit ang maleta ko at lilipad patungong Europe kasama ang isang hindi ko kilalang babae na naging asawa ko na just in a blink of my eyes.

I have a bad temper. I'm trying so hard to calm down.

Mauro wanted me to suffer. I hate this man. If I could get rid of him in my life, but it's impossible. He's taking care of everything.

Where's my phone?

I have to call Alana and remind her that we're flying in 10 minutes. 

Where the hell did I put my phone?

Nagiging makalimutin ako minsan or maybe I'm just distracted. This is why I hate being out of my comfort zone.

"Alle! Alle!" 

Here comes my little sister, Giorgia.

"Yes. What is it?" Nakakunot noo kong salubong sa kaniya sa pinto ng kuwarto ko.

Kunting-kunti na lang sasabog na 'yong eardrums' ko sa tinis ng boses niya.

"I just can't wait to see my nephew or niece." Nakangiti siya at niyakap pa ako ng mahigpit.

Why is everybody happy?

"You better leave me alone, Giorgia. I'm not in the mood for your nonsense." Masungit kong wika.

Tinaasan niya ako ng kilay.

Oo na, isa na akong may asawang tao ngayon peru hindi ko alam kung kaya ko itong panindigan. It seems that the whole world leaves me with no choice.

Halos dinaanan na ng bagyo ang ibabaw ng kama ko sa kahahanap ko ng cellphone. 

Where the hell did I put it?

Mabuti na lamang at umalis na si Giorgia. Ang ingay ingay niya minsan nakakarindi.

Biglang may tumunog and it's from my pants pocket.

The hell!

Nasa bulsa ko na pala ang cellphone ko.

"Yes. What is it?" Bungad ko.

"I just want to remind you, Mr. Castellucio, that we were flying in a few minutes." Boses iyon ng private pilot ko.Huminga ako ng malalim.

"Of course, I still remember." Maikling sagot ko saka mabilis na pinindot and end call button.

Where is Alana?

She was supposed to be outside the house.

Pagkalabas ko ng kuwarto ay nakita ko ulit si Giorgia sa may main door na para bang inaabangan ang paglabas ko.

She winked her eyes.

"What do you want?" Pasuplado kong tanong.

I know she wanted something, or maybe she wanted to hear something.

"You look so handsome. I'm sure Alana will be flattered when she sees you. See her husband rather." Hindi mawala wala sa mukha niya ang ngiti.

Weird.

"Don't expect too much, little sister. I'm just doing this because I have to." Deritsong wika ko.

Napa ismid siya.

"She's gorgeous and beautiful. I liked her." Muli niyang sabi.

Napa isip ako bigla. 

She was because she's Alana Castellucio now.

Napatigil ako sa iniisip ko.

I don't need any women in my life. Pagkatapos ng ilang buwan magpa file ako ng annulment. Yes, that's my plan.

I don't want anyone to control me or tell me what to do. I don't want commitment because I'm scared about it. I just don't want to love again.

I'm not a moth anymore.

I don't want to burn my wings in a flame, even if it's the only thing I know.

I learned my lesson.

"You liked her? Then why the hell did you push me to marry her instead of yourself?" Pang aasar ko. Mabilis niya akong sinipa sa binti.

"You better leave this house, Allessandro!" she shouted.

Iiling-iling akong lumabas ng bahay ngunit hindi ko mahagilap si Alana.

Where is she?

Ilang minuto na lang ay lilipad na kami patungong Europe. Of all places, sa Europe pa talaga kami pupunta. Puwede namang sa Paris o kaya sa Hawaii. Si Mauro lahat ang gumawa ng arrangements.

I hate him so badly.

Kinuha ko ang cellphone at nagsimulang magtipa ng numero.

Nakakailang dial na ako ay wala pa ring Alana na sumasagot ng tawag ko. Gusto yata niyang ubusin ang pasensiya ko.

I'm Allessandro Castellucio, a very important person, tapos papaghintayin lang ako ng ganito ng isang Alana?

I don't know her last name because she's already using mine.

I hate women.

Muli na namang tumawag 'yong piloto.

Shit! 

Sinipa ko ang gulong ng kotse.

This woman is driving me nuts.

Mabilis akong pumasok sa loob ng sasakyan at binuhay ang makina niyon. Wala na naman akong choice kundi ang puntahan siya sa condo. I didn't allow her to stay in my house. Even though she's my wife now, she was still a stranger. I never trust anyone.

Ilang minuto pa ay narating ko na ang condo ni Alana. I had access to her room because I owned this place. Deritso na akong pumasok sa loob.

"Alana! Alana!" Sigaw ko. 

It seems that she's not here.

Where the hell is she?

Naisip kong tingnan ang kuwarto niya baka sakaling natutulog pa siya. Oh, what a lazy creature.

At tama nga ang hinala ko. She's still in her bed and sleeping like an anaconda.

Hindi ba niya alam na may lakad kaming dalawa? Or she just pretending.

But look, she's like an angel. Her lips are very inviting, but I'm not a rat, I know there's a trap.

Tinitigan ko na lamang siya. 

Should I wake her up?

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. I look like an idiot.

I'm a man with everything, but here I am. Para akong temang. Better to wake her up.

Dahan-dahan akong naupo sa tabi niya. Hinawakan ko ang balikat niya at bahagya iyong tinapik.

"Oh my god, hell!" Napabalikwas siya nang pagmulat ng mga mata niya ay mukha ko ang nakita niya.

Nawala yata lahat ng kulay sa buong mukha niya. Do I look like a ghost?

Well, a hot ghost, I guess.

"Pack your things, we are leaving in a minute." Utos ko.

Nakatulala lamang siya. Ni'y hindi niya ako tiningnan.

Maybe she realized how wrong she was for marrying a man like me. Napangiti ako saka lumabas na ng silid.

"Where the hell were they going?" Narinig kong sigaw niya.

"Europe, on our honeymoon." Sagot ko at muling humakbang pabalik ng kuwarto.

She's as red as tomatoes.

Is she nervous?

Maybe I'm bothering her. I have to stop making her uncomfortable, but I'm enjoying it.

"Wait. You said...honey-moon...?" Paputol-putol pa siyang nagsasalita.

"Yes. Pack your things now before my pilot lose his mind waiting for us." Seryosong wika ko.

"I don't want to go. You can go alone if you want." Mahina niyang sambit 

Napabuga ako ng hangin.

Ito na nga 'yong sinasabi ko. I'm wasting my time on this honeymoon thing.

"You have to go with me. I'm your husband now, and you should follow my orders." Umiiral na naman ang pagiging bossy ko. 

She's very stubborn.

"And what if I don't?" Tila nanghahamon pa siya.

Seriously?

"Sorry, I didn't accept excuses. You have to come with me whether you like it or not, indeed." Maawtoridad kong sabi.

Saka niya lang ako tiningnan.

"Sorry din peru hindi ako sasama sa'yo. You can pick any girl you want to be with. I have a lot of work to do." Padabog niyang sabi saka pasalampak na nahiga muli sa kama.

Tumunog ulit ang cellphone ko. I'm trying so hard to be calm for God's sake.

"Let me remind you of one thing, a very important thing rather. You are my wife now. Resign from your job because I can provide anything you need." Walang ideya itong si Alana kung gaano ako nagtitimpi ngayon. 

Kunting-kunti na lang ay magwawala na ako sa galit. Dagdag pa ang walang tigil na pagtunog ng cellphone ko dahil sa pangungulit ng piloto ko.

I just clenched my jaw.

Bakit ba ako nasa ganitong sitwasyon ngayon?

This is all the fault of Mauro. If only I could punch him.

"You have no right to tell me what to do, Mr. Castellucio. You may leave now." Matapang na wika niya.

Napasuntok na lang ako sa hangin.

Walang anu-ano'y ay mabilis ko siyang binuhat mula sa pagkakahiga niya sa kama. Nagpupumiglas siya. Wala ring tigil sa kasisigaw peru pasensiya na lang dahil wala akong pakialam. Nagpatuloy ako sa paghakbang hanggang sa makalabas kami ng kuwarto. I carried her as a bag of potatoes. 

"I swear I will kill you!...Put me down..!" Patuloy siya sa kasisigaw.

Nakakabingi ang tinis ng boses niya.

Hell! Why do I have to deal with this woman?

Napapailing na lang ako sa inis.

Pinagtitinginan kami ng mga taong nakakasalubong namin. Salamat sa buhay ng sunglasses ko dahil kahit papaano ay 'di ako nakikilala.

I suddenly spanked her, para matigil na siya sa kasisigaw. She's like a kid having her tantrums.

Napasinghap siya sa ginawa ko at napatigil sa pagpupumiglas.

Well, I'm relieved now.

Pagkatapos ko siyang maipasok sa loob ng sasakyan ay nagsindi muna ako ng isang stick lang. Pampakalma, pangpabawas ng tensyon sa sistema ko.

Ilang minuto lang ay narating na namin ang private airport.

Kaagad na akong bumaba ng sasakyan para umakyat na ng eroplano nakasunod naman sa akin si Alana na mukha pa ring matutulog dahil nakapajama pa rin siya. Gusto kong matawa sa porma niya peru pinigilan ko ang sarili ko.

Pagkatapos ng halos 12 hours ay narating na rin namin ang Greece. Pagkababa namin ng eroplano ay nagulat na lamang ako dahil may iilang media ang nakaabang. Napailing ako at napakamot sa batok ko.

Mauro is a very clever man.

Mabilis kong hinawakan ang kamay ni Alana.

Bahagya siyang nagulat at tiningnan ako ng matalim.

"We have to pretend that we love each other in front of those fucking cameras." Bulong ko.

Napabuntong hininga siya.

"Can you just cooperate for a while?" Muli ay bulong ko.

Mabuti na lamang at nakumbinsi ko siya. Magkahawak kamay kaming naglalakad hanggang sa marating namin ang isang Lotus Evija na nakaparada sa labas ng airport. Mauro bought this car for this honeymoon. 

Nakasunod pa rin ang mga camera sa amin hanggang sa makapasok na kami sa loob ng eleganteng sasakyan. I loved driving this thing.

Dumeritso kami sa isang department store. 

Alana is carrying my name. I don't want to be embarrassed by the whole world because my wife is wearing a pair of pink pajamas. 

She bought everything she needed. Halos dalawang oras kami sa loob ng department store. I hate waiting, but now I have no choice.

Dumeritso kami sa isang villa. Of course, I'm the owner.

"What do you want to do?" Tanong ko kay Alana nang matapos na kaming magdinner.

Sa garden lang kami kumain kasi ayaw na niya ang lumabas pa.

"I want to rest, and I have to call someone about my job." Malamig ang boses niya.

"I already settled everything, Alana." Seryosong sabi ko, informing her.

Binalingan niya ako ng tingin.

"Really, so you're a control freak too?" Walang emosyon ang mukha niya.

Is she upset?

Hindi na niya ako hinintay na makapagsalita pa. Mabilis na siyang humakbang palayo sa garden. She's very tough. Hindi ko alam kung papaano siya tantiyahin. She's stubborn, just like myself.

Is this my sufferings?

Nagising ako sa ringtone ng cellphone ko.

"What?" Napabalikwas ako ng bangon mula sa pagkakahiga ko.

"Yes, Alle, my dear. I'm on my way." Tila excited na excited ang boses ng auntie ko sa kabilang linya.

"I can't wait to see how beautiful Alana was." Muli niyang sabi saka tuluyan ng tinapos ang aming pag uusap.

Parang binuhusan yata ako ng gayelong tubig. 

Kailangan kong i-inform si Alana. 

Nagmamadali akong tinungo ang kuwarto niya. Wala ng katok deritso na akong pumasok sa loob.

Wala siya sa higaan. Siguro ay nasa kitchen na siya. Naupo ako sa kama niya.

Biglang bumukas ang pinto ng banyo kasabay ng paglabas dito ni Alana. Napamulagat siya nang makita ako.

Muntik pa siyang mawalan ng balance.

"What the hell are you doing here?" Nanlalaki pa rin ang mga mata niya.

It's weird. She's my wife peru ganito kami ka-awkward sa isa't-isa.

Tatakpan ko ba ang mga mata ko?

Am I forbidden to take a peek at her sexy and hot body? She's my wife in the first place. 

"My Aunt is on her way in here. We have to pretend that we are really in love with each other." Kalmadong sabi ko.

"Seriously?" Nakapameywang niyang turan.

She's confident, and I liked that.

"Get dressed, she's here in a minute." Utos ko.

"How can I? You're staring at me." Untag niya.

Saka ko lang naintindihan ang ibig niyang sabihin.

Ano ba Allessandro. Are you daydreaming?

Napakamot ako sa batok ko saka umalis na ng kuwarto niya.

Ilang minuto nga ay dumating na ang Auntie ko. She's sophisticated and elegant.

Kaagad niya akong niyakap pati na rin si Alana.

"Oh dear, you're so beautiful. I'm so glad that I met you." Magiliw niyang wika.

"Alle, you should take your wife to places here in Greece. I have a perfect place in my mind. You should visit it." Walang tigil siya sa pagsasalita.

Puro tango lang ang ginawa ko habang nakaakbay kay Alana. I almost heard her heartbeat and I felt that she was nervous.

"Maybe I should stay here for breakfast." Suhestiyon ni Auntie.

Napangiwi ako.

"We're here for our honeymoon, Auntie, maybe you should leave us alone so we can have our own time and we have a lot of things to do. If you don't mind were planning to make your nephew here in Greece." Tinodo ko na ang acting ko.

Mas lumawak ang pagkakangiti ni Auntie.

Siniko naman ako ni Alana sa tagiliran.

I liked messing with her.

"I should leave now. I have to visit my friend too." Tila aligaga siya.

Lumapit pa siya kay Alana at may ibinulong saka tuluyan ng umalis.

Nakahinga naman ako ng maluwag.

"Let's go," wika ko saka hinawakan si Alana sa kamay niya.

Napatingin siya sa akin.

"Where?" Suplada niyang tanong.

"Where you want to go?" Pabalik kong tanong.

"I want to stay here." Walang kabuhay-buhay na tugon niya.

She's cold as an ice berg just like myself.

It felt like I'm just talking to myself. Alana and I have the same personality.

"Okay, then we can stay here and cuddle for the whole day. I like your idea." Pang aasar ko.

Pinandilatan niya ako ng mga mata.

"I changed my mind. We can go now." Dali-dali siyang nag ayos ng sarili.

She's cute in her attitude.

Napatigil ako nang makita ang reflection ko sa isang salamin.

Am I smiling like an idiot?

Pull yourself, Allessandro. This is only a game that Mauro was started. In the first place you shouldn't let yourself to be a part of this game but look at what you did?

Santorini, Acropolis Athens and many more places, a lot of beaches. Those places are Mauro arranged for us.

Sitting in front of a beach and watching sunset is not my thing. I hate all of these but I can't disappoint him now. He's trying so hard to get me a wife and I don't want to bother Mauro anymore.

Our first destination is Santorini.

I'm glad that Alana loved the place. She's a beach lover unlike me.

Mauro already rented a villa for us. He's a boy scout.

Nasa harap ng isang beach ang villa namin ni Alana. 

Kailangan naming manatili sa lugar na ito ng magdamag. Iyon ang nakabooked sa villa.

Maya-maya ay nakita ko si Alana wearing her red two piece. She's walking on the seashore. Nasa terrace ako ngayon ng kuwarto namin. This villa is very unfair, it's a huge but it only have one room.

Pinagmasdan ko siya mula sa 'di kalayuan. She's crazy for beach and she's totally a beach babe.

It's fascinating gazing at her.

She's innocent yet a bold one.

I like the way she smiled.

Napahawak ako sa baba ko.

What am I thinking now?

Did I lose my mind?

Napabuga ako ng hangin. I should stop myself from being like this. This is not me.

Mabilis akong umalis sa terrace at tinungo ang kitchen. I grabbed myself a cold beer. I think I need this saka nagpasyang lumabas ng villa at gaglakad-lakad sa buhanginan.

I removed my shirt just to enjoy the breeze.

"I'm glad you're enjoying." Bungad ko kay Alana na ngayon ay kasalukuyang nakatanaw sa asul na karagatan.

Nilingon niya ako.

Magkano kaya ang presyo ng ngiti niya?

I want to buy it.

"What do you want me to say?" Matamlay niyang tanong.

Naupo ako sa tabi niya.

"You look fantastic." Puri ko.

Napansin ko ang pamumula ng pisngi niya.

Saka mabilis niyang kinuha mula sa kamay ko ang hawak kong beer at walang tigil niya iyong nilagok hanggang sa masaid ang laman niyon.

I was shocked.

Is she a drinker?

Nang akma na siyang tatayo ay bigla na lamang siyang nawalan ng balance dahilan para muli siyang mapa upo subalit this time hindi na sa buhangin kundi sa mga hita ko.

"Am I drunk already?" Sapo niya ang ulo.

Well, she's not a drinker.

I'm sure about it.

"I guess so." Bulong ko.

Mabilis siyang umalis mula sa lap ko. 

"I have to go back inside," aniya na tila iniiwasan ang paninging mapako sa akin.

"Let me carry you." Offer ko saka walang anu-ano'y bigla siyang binuhat.

Nagulat din ako sa ginawa ko.

I was like an automatic machine.

Napatitig siya sa akin.

She's blushing again.

I think it's not bad to fall in love with my wife.

Wait. Fall in love? 

Napabuga ako ng hangin.

That love is a shambles. I swear I will never love again. I made a wall for myself. I don't want anyone to destroy this wall that I built for a very long time. I will never allow myself to be caught by a trap again. Never.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status