HANGGANG saan ba ang kaya mong gawin para sa mga taong mahal mo? Hanggang saan ba ang kaya mong ipaglaban para ipagpatuloy ang buhay mo? Hanggang saan ka ba dadalhin ng galit at paghihiganti? Hanggang saan aabot ang luha mong walang tigil sa pagpatak dahil sa labis na galit at sakit? Hanggang saan ba?
Kung yan ang tanong na ibabato mo sa isang labing-apat na taong gulang na babae na napupuno ng galit ay isang salita lang ang sagot nito. WALA. Walang hangganan ang lahat para sa kanya. Kaya niyang gawin ang lahat para sa mga taong mahalaga at mahal niya. Kaya niyang manlinlang, magsinungaling at... pumatay para sa kanila. At lahat nang yon ay walang hangganan... hangga't makuha niya ang pinakaasam niya.
Nanginginig ang mga kamay niya. Sa bawat paghakbang niya ay ramdam niya ang panghihina ng mga tuhod niya. Hindi ito ang gusto niyang maabutan. She's expecting her mother lovely smile and a happy laughter of her father. Not this....
Ang mansiong napupuno ng ngiti at tawa noon ay nababalot ngayon ng nakakakilabot na katahimikan. Sa kabila ng mga mamahaling gamit na bumabalot at pumupuno sa mansion ay ramdam na ramdam pa rin ang pagdadalamhati at paninibugho. Parang biglang nawalan ng buhay ang malawak na lugar.
Ramdam niya ang lamig ng sahig sa bawat paglapat ng walang sapin niyang mga paa. Ang kulay puting bestidang lagpas sa tuhod ang haba ay halos kakulay na ng lupa dahil sa mga putik. Ang buhok niya na maayos na nakatirintas ay magulo na at natatakpan na ng ilang hibla ng buhok niya ang kanyang mukhang hilam na sa luha. Nanginginig siya dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman niya. Hindi ito... hindi ito ang gusto niyang mabungaran. Na saan na ang mga tao rito? Ang mga katulong nila? Si aling Mara at si mang Isko? Si nanay Concia? Ang mga guards? Nasaan na sila?
"Mama! Papa!" Tawag niya sa malakas na boses sa kabila ng kaniyang nanginginig na boses.
Inilinga niya sa buong lugar ang kaniyang mga mata. Sa kabila ng masamang pakiramdam sa katahimikan ng lugar ay pilit niyang iniisip na baka nagtatago lang ang lahat at may hinahanda ang mga itong surpresa para sa kanya katulad ng dati. Na kaya siya pinadala ng mga magulang sa islang iyon dahil may hinahanda silang surpresa para sa kaarawan niya ngayon. Nagbubulag-bulagan siya sa nakikita at nagpapanggap na manhid sa nararamdaman niya.
Ipinagpatuloy niya ang paglalakad. Sinuyod niya ang buong first floor ng bahay. Hanggang sa nakarating siya sa ikalawang palapag. Binubuksan ang bawat silid at sinisilip habang tinatawag ang mga taong naiwan niya rito sa mansion. Bawat hakbang, bawat paghinga at bawat pagsuyod ng mga tingin niya ay ramdam niya ang mabilis na pagtibok ng puso niya.
"Mama!" Muling pagtawag niya habang umaakyat patungo sa ikatlong palapag. "Papa! Narito na po ako—"
"Señorita...."
Napahinto siya sa paglalakad at napalingon sa pinanggalingan ng mahinang boses na tumatawag sa pangalan niya. She surveyed the wide corridor that only the dim glint from the lamp hanging beside the wall served as the light.
"Señorita! Señorita!" Muling tawag sa kanya na may kalakasan ng boses sa pabulong na paraan.
Napabaling siya sa isang silid na bahagyang nakaawang ang pinto. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang bahagyang pagsilip ron ng isang pamilyar na mukhang pinagkakatiwalaan niya. Tila may pinagtataguan ito sa uri ng mapanuri at takot nitong mga mata sa paligid.
"Nanay Con—." Bago niya pa matapos ang bulalas niya ay may kamay ng tumakip sa bibig niya na siyang ikinaestatwa niya.
Mabilis siya nitong hinila papasok sa silid na kinaroroonan ng matanda. Nang magsara ang pinto ay don lang siya nito binitawan. Marahas na nilingon niya ang nanghila sa kanya at napasinghap siya nang makilala ito. Ito ang kanilang driver na si mang Isko. Nang sinuyod niya ang silid ay nakita niya pa ang isa nilang katiwala na si aling Mara. Pareho ang ekspresyon ng mga ito. Tensyonado at nag-aalala.
"A-ano pong nangyari? Bakit ang tahimik at n-nasaan po si mama't papa?" Naluluha niyang tanong.
Mabilis na lumapit ang matandang katiwala sa kanya. Marahan siya nitong hinawakan sa balikat at deretsong tiningnan sa mga mata. Nang makita niya ang nag-aalala at takot nitong mga mata ay sumabog na ang luha niya.
"Si mama't papa po nay?" Nanginginig niyang tanong.
"Makinig ka señorita.... Kailangan mong umalis rito. Bumalik ka sa isla. Huwag kang aalis don hangga't maaari..."
"A-ano pong nangyayari? Si mama at papa po?"
"Iha, makinig ka sakin. Tatawag kami sayo... tatawag ang mama't papa pagkarating mo sa isla. Umalis ka na ngayon din. Sumama ka sa kay Isko at Mara. Ilalabas ka nila rito sa mansion. Makinig ka sa bawat sasabihin nila. Wag kang magtanong. Makinig at sumunod ka na lang, okay?" Tensyonado at takot ang boses nito na pilit nitong pinapakalma.
Tiningnan nito ang mag-asawa at nakakaintinding tumango ang mga ito habang hindi naman siya makagalaw at naguguluhan at kinakabahan pa rin sa nangyayaring hindi niya alam.
"Segi na, umalis na kayo bago pa tayo mahuli," utos ng matanda sa mag-asawa.
"Nanay!" Protesta niya pero inakay na siya ng dalawa patungo sa maliit na pinto kung saan ay may tunnel palabas ng mansion. Unang bumaba don si aling Mara. Lumilingon siya sa matandang kinalakihan na niya at tinuturing niya nang lola niya. Malungkot na nakatingin ito sa kanila pero ng makita ang paglingon niya ay ngumiti ito sa kanya. A smile that full of assurance na hindi niya alam kung para saan.
"Nanay Concia...." Tawag niya.
"Pumasok ka na señorita. Kailangang makalabas tayo ng mabilis rito sa mansion," mahinang sabi ni mang Isko at marahan siya tinulak papasok sa pinto.
Hindi niya maalis ang tingin sa matanda habang patuloy sa pagpatak ang luha niya. Tumango ang matanda sa kanya. Sinasabihan siyang umalis na. Ngunit bago pa siya makapasok sa maliit na pinto ay narinig nila ang pagpihit ng seradura na sabay nilang ikinalingon sa pinto ng silid. Nanlaki ang mga mata ng matanda at lumingon sa kanila. Natataranta ito at kinakabahan.
"Isko, itakas mo na ang señorita!" Malakas na sigaw ng matanda.
"Nanay Concia!" Sigaw niya ng buhatin na siya ni mang Isko at sabay silang pumasok sa maliit na pinto at bumaba sa may tunnel.
TULUYAN nang bumakas ang pinto at agad na bumungad sa matanda ang nguso ng baril. Sa kabila ng takot na nararamdaman niya hindi para sa buhay niya kundi para sa pamilyang pinagsisilbihan niya ay pilit niyang pinatatag ang kalooban. Sa kabila ng panghihina ng mga tuhod niya dahil sa kaba para sa tagapagmana ng Servillon ay pilit niyang pinapakita ang tapang sa malaking lalaki sa harap niya habang nasa kanya nakaumang ang nguso ng baril na hawak nito.
Malamig ang mga mata ng lalaki habang nakatingin sa kanya. Walang buhay ang mga mata na sumasalamin lang sa kasakiman at kasamaan nito.
"Nasaan ang batang Servillon?!" Malamig nitong tanong.
Hindi siya sumagot bagkus ay blanko ang ekspresyon na sinalubong niya ang tingin nito.
"Hindi kayo magtatagumpay! Kahit anong gawin niyong pagpapatumba sa angkang ito ay hinding-hindi niyo sila maiilibing. Siguro nga ay malulumpo niyo pero dadating ang araw na babangon ito ulit at babalikan kayo at uubusin." Sa halip ay mariing sabi niya.
Hindi man lang natinag ang lalaki. Nanatili ang malamig na tingin nito na tila hindi narinig ang sinabi niya. Sa halip ay nagsalita ito habang hindi binabawi ang malamig na tingin sa matanda.
"Hanapin niyo ang tagapagmana. Hindi pa ang mga yon nakakalayo. Hangga't maaari ay wag niyong galusan o saktan. May pakinabang pa yon sa atin." Utos nito sa tauhan na mabilis na nagsialisan para sundin ang utos.
"Mga demonyo kayo! Bakit hindi niyo na lang kunin ang kailangan niyo at hayaan niyo na ang bata—."
"Kung ganun ang tagapagmana ang kailangan namin kaya hindi kami pwedeng tumigil lang rito." Walang pake nitong sabi at sinenyasan ang mga natirang tauhan na kunin ang matandang babae.
Pilit na man siyang nagpupumiglas sa kabila ng kaalaman na hindi sapat ang lakas niya para takasan ang mga malalaking lalaki na hawak siya. Nanlilisik ang tingin niya sa lalaki. Ngunit ngumiti lang ito ng walang emosyon na nakakakilabot sa tingin na kahit na sino.
"Dalhin niyo siya sa boss." Utos nito.
"Bitawan niyo ako mga hayop! Mga demonyo kayo! Hindi niyo mapapatumba ang mga Servillon! Hindi!"
Pilit siyang nagpupumiglas sa dalawang lalaking may hawak sa kanya na hindi man lang lumuwag ang hawak sa kanya habang kinakaladkad siya sa gitna ng corridor. Nakasunod lang ang lalaki sa kanila na hindi man lang nagbago ang lamig at blankong ekspresyon nito.
Nang makarating sa likurang bahagi ng mansion ay nanlaki ang mga mata niya ng makita ang sitwasyon ng mag-asawang Servillon na pinagsisilbihan niya.
"Nanay Concia!" Bulalas ng ginang ng makita ang matandang babae na nagsilbi sa pamilyang Servillon bago pa siya maging bahagi nito at mapanganak ang asawa niya.
Akmang tatayo ito para lumapit ng pigilan ito ng mga lalaki sa pamamagitan ng pagdiin ng hawak na katana sa leeg nito. Walang nagawa ang ginang kundi ang bumalik sa pagkaluhod at hinayaan ang luhang lumandas sa pisngi niya. Napatingin siya sa asawa ng humigpit ang pagkahawak nito sa kamay niya. Nanlambot ang ekspresyon nito ng magtama ang mga mata nila sa kabila ng galit na nararamdaman nito sa mga taong bumibihag sa kanila. He gave her an assuring smile that make her cry more.
"Hush... Everything will be alright. Stop crying...." Mahinang pag-aalu nito sa kanya.
Tumango siya. Hindi na makapagsalita sa pagpipigil ng hikbi.
"Our daughter Maverick. Natatakot ako para sa kanya." Mahinang hikbi niya.
Umiling ito at yumuko para halikan ang noo niya. Hindi man lang nito alintana ang mga katanang nakaumang sa leeg nito. "We raised a brave and tough daughter, Ariena. I trust her.... Stop crying. Maayos din lahat."
Napahinto ito sa pag-aalo sa asawa ng makarinig sila ng malakas pero mabagal na palakpak na sinundan ng demonyong tawa. Napalingon silang lahat sa nagmamay-ari nito. Sa may dulo ng hardin sa may pintuan ay nakatayo ang isang lalaki na nasa mga apatnapu ang edad. Malawak ang ngisi nito habang tila naaaliw sa nakikita.
Tumigas at lumamig ang ekspresyon ng lalaking Servillon habang nanlaki naman ang mga mata ng asawa nito.
"What a scene! Parang sa soap opera lang!" Ngising-demonyo na sabi nito at tumawa pa na tilang isang uhaw na demonyo. Uhaw sa kapangyarihan at kayamanan. "Konting-konti na lang ay madadala na ako sa drama niyo Servillon." Dugtong pa nito.
Naglakad ito palapit sa kanila. Malawak ang ngisi nito. Tuwang-tuwa sa nakikitang sitwasyon ng mga bihag.
"But sad to say na mukhang nagkamali ka sa pagsasabi mong pinalaki mong malakas at matapang ang anak mo."
Huminto ito sa harap nila at bago pa siya makasagot sa tinuran nito ay may sinenyasan ito. Maya-maya ay may lumabas na mga lalaking may akay-akay na tatlong tao at isa na ron ang anak nila na agad na umiyak ng makita sila.
"Papa! Mama!" Sigaw nito at nagpupumiglas para makalapit sa kanila ngunit hindi ito makawala.
"Anak!—"
"Señorita!"
Sigaw nilang mag-asawa at nang katiwalang si Concia. Nagpupumiglas sila ngunit hindi sila makawala. Lumakas na ang iyak ng asawa niya habang nagpupumiglas.
"Anak!" Sigaw nito.
"Mama!"
Nanlilisik ang mga matang tiningnan niya ang demonyong kaharap niya na nakangisi lang. Tuwang-tuwa sa nangyayari.
"Walang hiya ka! Lubayan mo ang anak ko!" Galit na sigaw niya na ikinalakas na tawa ng demonyo.
"Shit! Ang sarap sa pakiramdam na nakikita kitang nakaluhod ngayon sa harapan ko, Servillon. Matagal ko ng hinintay ang pagkakataong makita kang niluluhuran ako at mas mababa sakin."
Umigting ang mga bagang niya sa narinig. Sa galit niya ay walang pakundangang hinila niya ang isang katana na nakatutok sa kanila at sinuntok sa sikmura ang may hawak nito. Sinipa niya pa ang iba at ginilitan sa leeg ang iba pang sumubok na pumigil sa kanya ngunit napahinto siya sa pag-alingawngaw ng malakas na putok ng baril.
"Nanay Concia!" Rinig niyang na sigaw ng asawa at anak na ikinalingon niya sa kinaroroonan ng matanda na ngayon ay nakahandusay na sa lupa ang walang buhay na katawan habang may tama ng baril sa noo.
Humigpit ang hawak niya sa hawak na katana. Pinipigilan ang galit.
"Manlaban ka pa Maverick at ang bungo naman ng asawa mo ang pasasabugin ko." Banta nito.
"Hayop ka Harold!" Gigil sa galit niyang sigaw pero ngumisi lang ang huli.
"Wala ka ng magagawa Servillon kaya wag mo nang subukan pang manlaban. Hindi din naman kayo makakatakas sa akin ngayon. Mauubos lang kayo—."
Hindi na nito natapos ang sasabihin ng walang salita niyang ibinato ang hawak na katana rito at bumaon ito sa dibdib nito na ikinasuka nito ng dugo. Malamig ang tingin niya rito, may plano din naman itong uubusin sila kaya walang silbi ang pananahimik niya.
Naestatwa ang lahat sa ginawa niya. Napatulala ang mga ito sa kay Harold na sapo ang katanang nakabaon sa dibdib habang nabubuwal na sa pagkatayo.
"Walang sino man ang makakapagpapabagsak sa isang Servillon! Mapapaluhod niyo man kami, sa pagganti namin ay hahalik kayo sa lupa." Malamig niyang sabi habang nakatingin sa katawan nitong nag-aagaw buhay na.
Sa kabila ng pagkaestatwa ng lahat sa gulat ay isang putok ng baril ang umalingawngaw na ikinalaki ng mga mata niya kasabay ng pagbagsak ng katawan ng asawa.
"Ariena!"
"MAMA!" Malakas na pag-iyak ng dalagita habang nagpupumiglas sa may hawak sa kanya.
Pilit niyang kinakalmot ang may hawak sa kanya. Halos napuno na niya ng sugat ang braso nito pero mahigpit pa rin itong nakahawak sa kanya. Si aling Mara at mang Isko ay tahimik na na umiiyak habang nakatingin sa lalaking Servillon na yakap-yakap na ang asawa.
"Mama!" Pagpupulahaw niya sa iyak habang nakatingin sa inang hawak ng ama niya. "Mama...."
"Papa!" Sigaw niya ng sunod-sunod na putok ang umalingawngaw sa bakuran ng kanilang mansion kasabay ng pagbaon ng mga bala sa katawan ng ama niyang nakayakap sa ina niya. "Papa! Mama!" Sigaw niya at mas lalong nagpupumiglas.
Nanlalabo na ang mga mata niya dahil sa luha. Mas lalong naging agresibo ang mga galaw niya para lang makawala at makalapit sa mga minamahal niyang mga magulang. Nang lumuwag ang hawak sa kanya ng lalaking nakabantay sa kanya ay kinagat niya ang braso nito.
"P*tangina!" Mura nito at nabitawan siya.
Tumakbo siya patungo sa mga magulang niyang kapwa ng walang buhay habang hilam sa luha ang mga mata. Humihikbi siya at di inalintana ang kulog at kidlat na siyang kinatatakutan niya at ang pamumuo ng makapal na ulap. Ngunit sa paghakbang niya sa natirang distansya patungo sa mga magulang ay isang putok ang umalingawngaw kasabay ng bahagyang pagliyad ng katawan niya dahil sa pagtama ng bala sa kaniyang likura
"Señorita!" Malakas na sigaw ng mag-asawang katiwala.
Nahinto siya sa pagtakbo... Dumuduyan ang katawang halos wala ng lakas. Ramdam niya ang kirot at init ng pagbaon ng bala sa likuran niya. Gamit ang natitirang lakas ay dahan-dahan niyang nilingon ang taong umubos sa pamilya niya.
Ang mga kulay berdeng mga mata nito, at ang bawat sulok at parte ng mukha nito ay itinatak niya sa utak niya. Sa pagkaubos ng kaniyang lakas at sa pagbagsak niya sa may paanan ng mga magulang niya ay isang pangako ang binitawan niyang hindi niya kailan man tatalikuran.
'Babalik ako. Babalikan ko kayo....'
HABOL ang paghinga na bumalikwas ng bangon si Mavis. Basang-basa ang mukha niya dahil sa naghalong luha at pawis dahil sa muling pagdalaw ng masamang panaginip. Ramdam niya ang malakas na tambol ng puso niya. Pumikit siya ng mariin at nasapo ang naninikip niyang dibdib. Pinapakalma ang sarili.Today is the death anniversary of her parents. At katulad ng madalas na nangyayari ay dinalaw na naman siya ng masamang alaala na para bang pinapaalala sa kanya ang galit at sakit. Pinapaalala ang pinaghuhugutan niya ng lakas para patuloy na mabuhay at tuparin ang binitawang pangako ng araw na iyon.Nang imulat niya ang mga mata niya ay ginala niya ang tingin sa kabuuan ng kaniyang silid. Madilim ang buong silid at tanging ang ilaw mula sa bukas na lampshade na nasa magkabilang gilid ng kama niya ang tanging tumatanglaw para makita niya ang kabuuan nito.Huminga siya ng malalim. Hinawi niya ang kumot na nakatakip sa ibabang bahagi ng katawan niya hanggang bewang. Umusod siya sa gilid ng kaniyang
TAHIMIK na pinagmamasdan ni Mavis ang marahang pagsayaw ng mga halaman at bulaklak sa hardin ng mansion. Kalmado at maaliwalas ang panahon. Nakakasilaw ang sikat ng araw na nakasilip sa bawat sanga ng puno na nakapalibot sa hardin. Napakatahimik ng buong lugar na walang ingay siyang naririnig bukod sa marahang galaw ng dahon ng mga puno at halaman sa bawat ihip ng hangin at huni ng mga ibon. Ang mga tauhang nakabantay sa bawat sulok ng mansion ay tahimik lang na naglilibot at pinagpapatuloy ang ginagawa, takot na makagawa ng kung ano na makakadisturbo sa kanya at sirain ang pagpapalipas niya ng oras sa hardin ng mansion.Narinig niya ang papalapit na yabag sa kanya ngunit nanatili siyang nakatanaw sa mga halaman."Señorita, you're new butler is here."Napalingon siya kay aling Mara. Tumawid ang tingin niya patungo sa pintuan papasok sa mansion. Tumango siya."Pahintayin mo po siya sa study susunod ako."Tumango si aling Mara at bumalik na sa loob ng mansion. Huminga siya ng malalim a
MULA nang magising siya at inangkin ang bagong pangalan na kaniyang dinadala ay walang ibang pumapasok sa isip niya kundi ang paghihiganti. Tinapos niya ang pag-aaral ayon sa kagustuhan ng mga taong natirang tapat sa angkan ng Servillon at nag-alaga at gumabay sa kanya pero sa bawat librong nababasa niya ay may planong nabubuo sa utak niya. Sa bawat panibagong ideya at bagay na natutunan niya ay may binabalikan siyang mga traidor at kalaban para iwala sa landas niya. Pero sa kabila ng lahat ng mga nagawa niya sa nagdaang taon ay hindi pa siya nagsisimula, hindi pa iyon ang simula... dahil ang pagtapak niya sa Académie des héritiers ay ang siya pang hudyat ng tunay na simula ng kaniyang plano para tuparin ang pangakong binitawan niya ng araw na iyon."Natapos nang ma-empake ang mga dadalhin mong gamit at damit, señorita. Naihatid na rin ho sa ibaba at nailagay na sa sasakyan."Isang katulong ang bumasag sa malalim na pag-iisip ni Mavis. Tumango siya habang hindi ito nililingon at nanat
"RUZYL, you came back," ang lalaking kulay silver ang buhok ang unang nagsalita. Mula kay Ruzyl ay lumipat ang tingin nito sa kanya. "And you're... with a girl. Is she the fiancee that everyone talking about?" Mabagal nitong tanong habang titig na titig sa kanya. Tumaas ang isang kilay niya. Agad na naintindihan ang tinutukoy nito ng maalala ang bulungan na narinig kanina. Mula sa pamilyar na lalaki na nakilala niya sa kakahuyan ay bumaling siya kay Ruzyl na nakatingin na rin ngayon sa limang lalaki sa harap na halos lahat ay nasa kanya ang kuryosong tingin. Napatingin ito sa kanya, hindi alam kung ano ang sasabihin sa tanong ng lalaking kulay silver ang buhok na ikinakunot ng noo niya. Huminga siya ng malalim at muling napatingin sa harap. Isa-isa niyang tiningnan ang limang lalaki. Mula sa lalaking kulay silver ang buhok na masyadong mapaglaro ang dating, sa kasunod nitong lalaki na may subo-subong lollipop at parang batang naliligaw na nakatingin sa kanya, sa katabi nitong mukhan
BAHAGYANG napahinto ang paghakbang ni Mavis ng itulak niya pabukas ang pintuan ng cafeteria na halos ikinalingon ng lahat ng nasa loob sa kanya. All curious eyes is directly to her. She can feel that she can't have a peaceful meal dahil nasa pintuan pa lang siya ay naririnig na niya ang bulungan tungkol sa kanya. Huminga siya ng malalim at pinagpatuloy ang pagpasok. Dumeretso siya sa counter para umorder ng pagkain niya. Halos tumabi ang lahat sa paglapit niya, kahit ang nakapila ay napapaatras na para bang may hawak siyang kutsilyo na isasaksak sa mga ito kung sakaling lumapit ang mga ito sa kanya.Kumunot ang noo niya. Nasa harapan na siya ng counter ng balingan niya ang isang babaeng nakayuko sa gilid. Mukhang ito ang nauna kanina sa pila. "You can go first," naisatinig niya.Napasinghap ang ilan na malapit sa kanila. Nakabantay ang mga mata at tenga ng mga ito, nakaabang sa gagawin at sasabihin niya. Nang mag-angat ng tingin ang babae ay namimilog ang mga mata nito pero agad na n
Salubong ang kilay ni Mavis habang nakatingin sa kay Cyrus na may tinatagong ngiti habang nakatingin sa kanya. Muli siyang huminga ng malalim at sa halip na dumeretso ay lumihis siya sa isang bakanteng mesa at don pumuwesto. Nilapag niya ang tray sa mesa at inayos ang pagkain niya. Sa pag-angat niya ng tingin ay bumaling siya kay Ruzyl na palapit sa kanya. She looked at him coldly and meaningfully, bumagal ang paghakbang nito. Naintindihan ang kahulugan ng tingin niya kahit walang salita. Napakamot ito sa kilay nito at lumihis pabalik sa tatlong lalaki sa iniwan niyang mesa. Nahagip niya pa ang mapang-usisang tingin ng mga ito ng sandali siyang bumaling sa mga ito. She dropped her eyes to her food and started to eat peacefully. Pero hindi din nagtagal ang mapayapa niyang pagkain dahil sa paglapag ng isang tray ng pagkain sa mesa niya at pag-upo don ni Cyrus. Napahinto ang kamay niya sa pagkuha ng pagkain at nag-angat ng tingin rito. Nagtagpo ang mata nilang dalawa. He was smiling but
Wala nang nagawa si Mavis at tahimik na lang na nakinig sa kay Jana na hindi na siya binitawan. Dinala siya nito sa iba't ibang room ng building ng kinaroroonan nila habang pinapaliwanag nito kung ano iyon at kung saan ginagamit. Ang daldal nito at sobrang arte pero naaaliw naman siya sa mga pinagsasabi nito habang nililibot siya nito sa academy kaya hinayaan na lang niya. Hindi naman siya makaalis dahil nakakapit ito sa kanya at hindi talaga siya binibitawan. "And of course, we also have a theater and arts and music class. Do you know how to play any musical instruments?" Baling nito sa kanya matapos ipakita sa kanya ang music room na naglalaman ng iba't ibang instrumento. Tumango siya. Umaliwalas ang mukha nito at mas dumikit pa sa kanya. Hinawi na naman nito ang buhok nito. May color pink na hair clip ito sa buhok nito na maliit na sombrero ang desinyo na pumipigil sa buhok nito pero dahil sa mahaba ang buhok nito ay napupunta sa harap na madalas nitong hawiin palikod. "Really, w
"Mavis!"Nahinto si Mavis sa pagsara ng pinto ng kuwarto niya at napabaling sa tumawag sa kanya.Malalaki ang hakbang ni Jana papalapit sa kanya, malaki ang ngiti nito at tuwang-tuwa. Isinara niya ang pinto ng kwarto niya at binulsa sa coat na suot ang card. Humarap siya rito."You're in this floor too?" Tanong nito ng makalapit. Tumango siya."We're neighbors. That's my room," turo nito sa silid na dalawang pinto ang pagitan mula sa silid niya. "Kapag may kailangan ka just knock at my door. Pumunta ka rin kung wala ka ng klase at di ka busy at mag-bonding tayo sa kwarto ko," she excitedly said.Napatango na lang siya rito. Wala din naman siyang sasabihin pang iba. At sa tono ng pagkasabi nito ay para rin namang hindi ito tatanggap ng pagtanggi."What's your class today?""Etiquette and Personal Development."Namilog ang mga mata nito at tuwang-tuwa na inangkla sa braso niya ang kamay nito. Napahinga na lang siya ng malalim. Jana giggled excitedly."We have the same class. Sabay na
"Busy?" Mula sa pagkadukdok sa mga papeles sa harap niya ay napaangat ng tingin si Cyrus kay Ruzyl na kakapasok lang sa opisina niya. Bumuntong-hininga siya, umayas ng upo at sumandal sa swivel chair niya kasabay ng paghilot sa nanakit niya ng batok. Isang araw lang siya hindi nakapasok sa trabaho ay natambakan na agad siya, idagdag pa ang ilang meetings ngayong araw na hindi niya pwede maipagliban o reschedule na naman.'At wala ka pang balak na pumasok ngayong araw kung hindi ka hinikayat ng asawa mo?' agad na kastigo ng isang bahagi ng isip niya.Natigilan siya sa huling salita. Asawa. Napangisi siya nang maalala ang magandang mukha ni Mavis, his wife. Yeah! Finally! After a long years of loving her quietly from afar, he got her. And he's very happy. Parang bigla tuloy siyang ginanahan sa trabaho dahil sa pagkaisip sa babaeng mahal niya. But he's glowing of hearts mood immediately vanished nang mabalingan ang nakataas na kilay na anyo ni Ruzyl sa harap niya. Kung makatingin ito sa
"You'll meet Rumsay and Jana today?"Mula sa pagtingin sa sariling repleksyon sa salamin ay napabaling si Mavis sa kama kung nasaan si Cyrus. Nakabalot ang ibabang bahagi ng katawan nito ng puting kumot while he's upper part is on full show. Napanguso siya ng wala sa sariling sinuyod ang katawan nito ng tingin. The memory of what happened last night suddenly flash on her mind forming a red tint on her cheeks. Napatikhim siya at nag-iwas ng tingin rito. Ibinalik niya ang atensyon sa repleksyon at pag-aayos sa sarili. She sighed nang makita ang pamumula ng pisngi niya sa repleksyon."Pretty?" agaw ni Cyrus sa atensyon niya nang hindi niya ito nasagot. Wala itong kaide-ideya sa tumatakbo sa isip niya.Muli siyang napatikhim at kinuha ang lipstick niya. "Yes," sagot niya sa tanong nito. "You know we have these girl's date every month. Dahil sa naging busy kami these past few months ay hindi natuloy-tuloy iyon kaya kailangan ko silang sulputin ngayon since I'll be busy again starting tomo
"Dashiel, you're going home?" Nahinto siya sa akmang paglabas ng classroom at napalingon sa nagsalita. Kunot ang noo ni Lairo habang nakatingin sa kanya, katabi nito si Jerson na nagtatanong rin ang tingin sa kanya. Tumango siya. Mas lalong nangunot ang noo nito. "Madalas ka yatang umuwi ngayon ng maaga. Hindi ka na sumasama sa amin. Nagyaya si Ruzyl kanina sa hall after class, sasama raw si Allison. Hindi ka na naman sasama?" Umiling siya. "Kailangan kong umuwi," tipid niya lang sagot at nagpatuloy na sa pag-alis. Narinig niya pa ang pagtawag ng mga ito sa kanya pero hindi na siya lumingon pa at nagpatuloy na sa pag-alis. Agad na napaayos ng tayo ang driver na naghihintay sa kanya. "Aalis na tayo, sir?" Tumango siya at sumakay na sa backseat. Agad naman na pumihit sa driver seat ang driver niya. Sumilip pa ito sa may rearview mirror habang binubuhay nito ang makina. "Wala kayong lakad nina sir Lairo ngayon,sir." "Let's head home now kuya," tanging sagot niya at tumanaw na sa
He first met her as sweet and gentle little girl. Maaliwalas lagi ang mukha at matamis ang ngiti na ginagawad sa lahat. Lagi niya itong natatanaw na bumabati sa kahit na sinong tao kilala man nito o hindi. Laging nakabraid ang buhok nito, madalas na kulay puti ang dress na suot at may maliit na shoulder bag lagi na iba't iba ang desinyo, kung hindi iba't ibang hayop ay iba't ibang klase ng bulaklak naman. She was adorable. He once heard a beautiful woman calling her Ariestiel. Tinandaan niya ang pangalang iyon mula nang marinig niya. She was friendly and cheerful. Madalas siyang isama ng papa niya kapag may meeting ito sa SGC na dinadaluhan o may dinadalaw. At sa halos lahat ng pagkakataon na iyon ay lagi niya itong nakikita. Lagi niya itong sinisilayan kahit na hindi naman siya nito napapansin o ginagawaran ng tingin kahit sandali lang. Kaya nang unang lapit nito sa kanya ay hindi niya talaga napigilang mamangha at mabigla. Humihiling siya sa wishing fountain nang araw na iyo
"Ano po ba ang gusto niyong tanghalian, señorita."Tipid na ngumiti si Mavis sa kay manang Josefa. Ang caretaker ng isla nila. Dumating ito kanina kasama ang asawa at ang dalawang anak nito na katulong nito sa pagbabantay at pag-aalaga ng villa at nang isla. Her family is her parents trusted caretakers of the island. Umiling siya rito. "Ako na po ang magluluto, aling Josefa."Wala na naman siyang ginagawa ngayon dahil tinapos na niya iyon kagabi. Kaya imbes na tutunganga lang siya she wants to learn how to cook. May alam siya but it's just basic, mga simpleng lulutuin lang. At isa pa she wants to learn how to cook some Filipino dish."Aba't sigurado ho kayo señorita?"Magalang siyang tumango at ngumiti rito. "Opo.""Eh, hindi mo ba kailangan ng tulong?""I'm not confident in my cooking skills so I'll appreciate a little help."Tumawa ang ginang na ikinalawak ng ngiti niya. "Oh! siya segi. Ano ba ang lulutuin mo."Natigil siya sandali para mag-isip. And then she remembered the partic
Two days had passed. Dalawang araw na tanging silang dalawa lang sa isla. Napag-alaman niyang umuwi ang caretaker sa pamilya nito at babalik lang sa sabado para maglinis ng villa. Naiwan tuloy na tanging silang dalawa lang sa isla.It's friday. Nagkukulong siya sa silid niya at nakaharap sa laptop niya para i-check ang reports at files na sinend ng secretary niya. Malakas ang ulan mula pa kaninang umaga kaya hindi sila nakalabas ni Cyrus ng bahay. Sa nakalipas na dalawang araw ay ginugol nila ang oras nila sa paglilibot ng isla at pagligo sa dagat. Sinamahan din siya nito na puntahan ang cliff na madalas niyang akyatin dati. Nagpicnic pa nga sila don. Sa tuwing hapon at papalubog na ang araw ay tumatambay sila sa dalampasigan para panoorin iyon. Nanatili sila don hanggang sa tuluyan ng kumalat ang dilim.Plano sana nilang mangisda ngayon sa may wooden port pero hindi na nila nagawa dahil nga sa bumuhos ang ulan. All their plan today ay hindi natuloy dahil sa hindi inaasahang pagbuhos
They ate their late lunch together. Walang kumikibo sa kanilang dalawa pero panay ang tingin nito sa kanya. Tahimik rin siya nitong inaasikaso na walang salita niya lang hinahayaan. Paminsan-minsan ay lumilingon-lingon siya sa pintuan sa pag-iisip na baka nang-grocery lang sa bayan ang caretaker at babalik kahit na anong oras.Matapos nilang kumain ay nagprisinta siyang siya ang maghuhugas ng pinagkainan nila tutal ay ito naman ang nagluto. Pumayag naman ito pero hindi nakaligtas sa tingin niya ang bahagyang pagtaas ng kilay nito at pagpigil ng ngiti. Iniisip ba nitong hindi siya marunong maghugas ng plato? Tumaas ang kilay niya sa naisip.Nakumpirma niya ang hinala niya nang matapos nilang ligpitin ang pinagkainan nila at nagsimula na siyang maghugas. Nanatili ito sa kusina. Nakasandal sa may counter at nakamasid sa ginagawa niya na para bang ito ang amo sa pamamahay na ito at siya ang katulong na bawal magkamali. Nagsasabon na siya ng plato nang iritang binalingan niya ito dahil s
Salubong ang kilay ni Mavis habang nakasunod ang tingin kay Cyrus na kumportableng kumikilos sa kusina ng villa at nagluluto.He's still topless for godsake! Wala na bang damit ito?Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakabawi sa pagkabigla nang makita ito rito sa isla. Gulat na gulat siya pero ngumiti lang ito sa kanya kanina at lumapit, walang bakas ng gulat at pagtataka. Tinanong pa siya kung kamusta ang byahe niya like he knew that she will arrive here today. Ito pa mismo ang nagyaya sa kanyang pumasok sa villa na pagmamay-ari ng pamilya niya like what the hell? Mas lalong nagsalubong ang kilay niya. Kanina pa siya nangangating magtanong pero hindi siya makahanap ng pagkakataon dahil okupado ito sa pagluluto. Pero hindi na niya kayang magtiis. She need to know why he's here?Tumikhim siya para agawin ang atensyon nito pero nanatili itong nakatalikod at naghuhugas ng mga sangkap na gagamitin nito. Muli siyang tumikhim. At halos mapairap siya nang hindi pa rin ito lumilingon sa k
Nanatili silang nakatitig sa isa't isa. Walang sinuman ang nagsalita. Napapalunok siya para tanggalin ang bumabara sa lalamunan niya. Hindi na muli pang kumalma ang puso niya. Ni hindi niya magawang kumurap habang nakatitig rito."Cyrus..." she whispered.May dala itong tray ng pagkain. Naka-puting v-neck shirt ito at pajama. Magulo ang buhok nito na tila kakabangon lang sa kama. Mukhang pagkagising nito ay agad na tumungo ito sa kusina para magluto. Kung ito nga ang nagluto ng pagkaing dala nito.Tipid itong ngumiti sa kanya. Naglakad ito palapit sa kanya habang hindi niya naman magawang iiwas ang tingin rito. Nagwawala ang puso niya. Hindi niya alam kung ano ba dapat ang irereact niya at iaakto niya sa harap nito. Hindi niya inasahan. Hindi niya ito napaghandaan."How's your feeling? Hangover?" marahang tanong nito. Nilapag nito sa may bedside table ang tray at umupo sa kama sa tabi niya at tumingin sa kanyang di magawang ibaling sa iba ang tingin. Hindi siya nagsalita para sagutin