Share

Princess

Author: misschamzz
last update Last Updated: 2024-01-18 19:15:18

BAHAGYANG napahinto ang paghakbang ni Mavis ng itulak niya pabukas ang pintuan ng cafeteria na halos ikinalingon ng lahat ng nasa loob sa kanya. All curious eyes is directly to her. She can feel that she can't have a peaceful meal dahil nasa pintuan pa lang siya ay naririnig na niya ang bulungan tungkol sa kanya. Huminga siya ng malalim at pinagpatuloy ang pagpasok. Dumeretso siya sa counter para umorder ng pagkain niya. Halos tumabi ang lahat sa paglapit niya, kahit ang nakapila ay napapaatras na para bang may hawak siyang kutsilyo na isasaksak sa mga ito kung sakaling lumapit ang mga ito sa kanya.

Kumunot ang noo niya. Nasa harapan na siya ng counter ng balingan niya ang isang babaeng nakayuko sa gilid. Mukhang ito ang nauna kanina sa pila. 

"You can go first," naisatinig niya.

Napasinghap ang ilan na malapit sa kanila. Nakabantay ang mga mata at tenga ng mga ito, nakaabang sa gagawin at sasabihin niya. Nang mag-angat ng tingin ang babae ay namimilog ang mga mata nito pero agad na nag-iwas ng tingin ng makasalubong ang mga mata niya. Umiling ito.

"I-ikaw na po...," hindi makatingin sa kanya ng deretso nitong sagot. "Hindi naman po ako nagmamadali."

Lalong nangunot ang noo niya. Napatitig siya rito, ang iba ay nakamasid at nanonood sa kanila na para bang malaking scope ang nangyayari. Huminga siya ng malalim at humarap na sa counter at di na namilit. Nagugutom na siya para gawin pa iyon. Nanatiling nakayuko ang babae habang umoorder siya ng pagkain at hindi pa rin makatingin sa kanya ng deretso. Panaka-naka ang pagbaling niya rito. 

Nang makuha ang tray niya ay muli niya itong hinarap.

"You can order, now. Thank you for letting me first," sabi niya na kahit sinsero naman ay nanatili ang malamig na tono. Nagmumukha tuloy na hindi totoo sa tingin ng iba.

Napatikhim ang babae at dahan-dahang tumango hindi pa rin makatingin sa kanya.

What's wrong with her?

Napatingin siya sa mga tao sa loob ng cafeteria na nanonood. Bahagyang tumaas ang isang kilay niya. Bakit pakiramdam niya ay parang may mali? Masyadong kakaiba ang tingin ng mga tao sa kanila at ang iba ay kaawa-awa ang tingin sa kaharap niyang babae na para bang inaapi niya.

Napabuntong-hininga na lang siya at nilagpasan na ang babae. Bitbit ang tray ay naghanap siya ng mapupwestuhan. Nagsibalik sa ginagawa ang iilan pero ang iba ay nakasunod pa rin ang tingin sa kanya na kung minsan ay nililipat sa babae na kinausap niya kani-kanina lang.

"Nakita mo yon? Ruzyl's fiancee is talking to Lexi, sa tingin ko alam niya ang nakaraan ni Lexi at Ruzyl, eh."

Natigilan siya sa narinig at napalingon sa nagbubulungan. Awtomatikong natahimik ang mga ito. At nagkanya-kanyang ayos ng upo kasabay ng pagpapanggap na para bang hindi ang mga ito nagbulungan.

Napalingon siya sa counter, hinahanap ang babaeng nakausap kanina ngunit naabutan na niya itong palabas na ng cafeteria. Kaya pala ganun na lang ang tingin ng lahat sa kanila kanina at ganun din ang reaksyon nito. Everyone is thinking that she's her butler's fiancee and that girl is the girlfriend. Malaking scope nga.

Lihim na lang siyang nailing at ipinagpatuloy ang paglapit sa isang bakanteng mesa.

"Siya ang tagapagmana ng Salvatore Clan di'ba? She's Mavis Salvatore, she became an orphan at an early age kaya napaaga ang pagpasok niya sa field. Siya na nga namamahala sa Hotel empire—."

"Of course not! She's not yet twenty-one kaya hindi pa tuluyang naibigay sa kanya ang empire she's still on training... and... maybe that's the reason why she's here," singit ng isa. Lumingon pa ito sa kanya at muling humarap sa kausap nitong sumusunod din ang mata sa kanya.

"Si Ruzyl yata ang half reason ng pagpasok niya rito. You know para bakuran since the ex-girlfriend is here."

Binaba niya sa mesa ang dalang tray na naglalaman ng mga pagkain niya. Umupo siya at nagsimula ng kumain. Sinubukang magbingi-bingihan sa lantarang tsismisan tungkol sa kanya. Bakit ba siya napagkamalang ikakasal sa butler niya?

These people! They are all came from wealthy clans pero kapag tsismisan ay daig pa ang mga tagakanto lang sa mga squatter areas.

Ipinagpatuloy niya ang pagkain. Hindi na pinagtuunan ng pansin ang mga naririnig na tsismisan. Malapit na siyang matapos sa pagkain niya ng bumukas ang pinto ng cafeteria at pumasok ang grupo ng maiingay na babae. Nahinto siya ng bahagya at napalingon don, maging ang iba ay ganun din ang ginawa dahil masyadong nakakadisturbo ang malakas at maarteng boses na bumalot sa buong cafeteria.

"My Gosh! Akala niya uurungan ko siya. How dare she is to talk shit behind my back!" Ang matinis na boses ng matangkad at magandang babae. Maya't maya ang hawi nito sa buhok nito. Kita ang sobrang pagkairita sa namumula na nitong mukha at halos irapan ang lahat. 

Binaba niya ang hawak na kutsara. Uminom siya ng tubig sa water bottle habang pinapanood ang reklamo ng babae. 

"Hayaan mo na, Jana," ang isang babae na mukhang nerd sa ayos nito.

Inirapan ito ng babaeng nagrereklamo na Jana ang pangalan ayon sa pagkadinig niya. Nasa harap na ang mga ito ng counter at umoorder na ang isang kasama ng mga ito ng pagkain habang nagrereklamo pa rin ang Jana na pilit na pinapakalma ng mukhang nerd na kasama nito.

"Wag mo na lang pansinin," ang mukhang nerd ulit.

"I won't do that!" Nanlalaki ang matang tutol ng babae, na mukhang diring-diri pa sa ideyang sinabi ng kasama nito. "Pinapakialaman nila ako kahit wala akong ginagawa tapos hahayaan ko lang?! Duh! Hindi ko ugali ang magpaapi like you. I am a Giordano wala sa angkan namin iyon."

"Nagkasalubong na naman yata si Jana at Allison," komento ng isang estudyante habang nakatingin rin sa nagrereklamong babae. Nailing ito at hinarap ulit ang pagkain.

Mahinang natawa ang mga kasama nito. "Hindi talaga magkakasundo ang dalawang yan."

"As if they were not friends."

Binaba niya ang water bottle na iniinom. Niligpit niya ang pinagkainan niya at tumayo na. Napabaling ang ilan na malapit sa kanya at katulad kanina ay agad na nagsitahimik ang mga ito na para bang pinagbawalan mag-usap. Napatikhim pa ang isa sa mga ito habang ang iba ay nagsibalik sa pagkain. 

Nilagpasan niya ang mesa ng mga ito. Bitbit ang tray niya ay nilagpasan niya ang bawat mesa. Malapit na siya sa may counter at sakto namang tapos na sa pag-order ang mga kapapasok lang at makasalubong niya pa ata. Irita pa rin ang mukha nang Jana, tinatamad naman ang mukha ng nerd at ang isang kasama ng mga ito ay tahimik lang at parang walang pake. May kanya-kanyang tray na dala ang mga ito at nasa gitna ng mga ito ang naiiritang si Jana na saktong nasa harap niya ay nag-angat ng tingin. Nagkasalubong ang tingin nilang dalawa. Nangunot ang noo nito habang nakatingin sa kanyang nanatili ang malamig na ekspresyon, maya-maya ay tinaasan siya nito ng isang kilay, walang interes niya lang itong tiningnan at balewalang nilampasan ang mga ito.

"Jana, come on," tawag ng nerd rito ng mapahinto ito sa paglalakad at sinundan siya ng tingin.

Tuloy-tuloy lang siya sa paglapit sa counter at binalik ang tray niya don. Bumili lang siya ulit ng isang bottle water at lumabas na ng cafeteria at hindi na muling lumingon. She smirked inwardly when she closed the door of the cafeteria. Inayos niya ang jacket na nakapatong sa puting bestidang suot niya ng makaramdam ng lamig sa ihip ng hangin. Unti-unti ng lumulubog ang araw kaya napagdesisyonan niyang bumalik na lang ulit sa dorm niya para magpahinga ulit. Bukas pa naman magsisimula ang klase niya ayon sa schedule na nabasa.

Paakyat siya sa hagdan patungo sa palapag kung nasaan ang silid niya ng marinig niya ang pamilyar na boses ng butler niya. Nangunot ang noo niya at pinapatuloy ang pag-akyat hanggang sa makarating sa tamang palapag at naabutan niya itong kausap ang Lexi na malapit na atang umiyak.

"Ang simple ng tanong ko Ruzyl, bakit hindi mo ako mabigyan ng maayos na sagot?!" Naluluhang sabi ni Lexi habang deretsong nakatingin sa kay Ruzyl na tahimik lang na nakamasid rito. Dinig ang pagod at sakit sa boses nito."Paulit-ulit lang, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit mo ako iniwan sa ere! Tinalikuran mo ako! Pagkatapos ngayon ay yan lang ang sasabihin mo sa akin. Ginagago mo ba ako?!"

Pumatak ang luha ni Lexi habang nanatiling nakatingin kay Ruzyl na tahimik lang at wala yatang balak na magsalita. Mabilis nito iyong pinunasan at bago pa pumatak ulit ang panibagong luha nito ay mabilis na itong tumalikod para umalis. Natigilan pa ito ng makita siya pero nagpatuloy din kalaunan at nilagpasan siya.

Napatitig siya sa butler niya na nanatiling hindi gumagalaw at nakayuko lang. Bumaba ang tingin niya sa sahig ng makitang pumatak ang isang butil ng luha ron. Nag-angat siya muli ng tingin rito. Bahagya itong nakatalikod sa kanya kaya hindi niya makita ang mukha nito.

"Hindi ko inasahan na ganito ka pala kalambot. You easily cry," komento niya.

Kita niya ang pagkatigil nito at mabilis na lumingon sa kanya. Namilog ang mga mata nito ng makita siya. Mabilis nitong pinunasan ang luha nito at humarap sa kanya ng maayos na ang hitsura kahit halata pa rin sa mga mata nito ang ilang sandaling pagluha.

"Miss Mavis!" Naibulalas nito.

Naglakad siya palapit rito. Halos hindi naman ito makatingin ng deretso sa kanya. Nahihiya dahil nahuli niyang umiyak kahit hindi naman dapat. 'He should be proud, dahil sa kabila ng mundong kinalakihan niya ay kahit papano ay tao pa rin siya.'

"A-ano...," sabi nito, sinusubukang magpaliwanag pero hindi makahanap ng tamang salita.

"Why are you here?" Tanong niya.

Nag-angat ito ng tingin sa kanya. Gulat na hindi siya nang-usisa sa naabutan. Napansin niya pa ang bahagyang paghinga nito ng malalim na para bang nakahinga ito ng maluwag.

"I-ihahatid ko sana ang... dinner mo kaya lang ng kinatok kita sa silid mo ay walang sumasagot," mahinang sabi nito sabay ng pag-iwas ng tingin sa kanya.

Bumaba ang tingin niya sa hawak nitong paper bag na ngayon niya lang napansin. Tumaas ang isang kilay niya.

"Kumain na ako sa cafeteria. Ibigay mo na lang sa girlfriend mo yan dahil umalis siyang hindi kumain kanina sa cafeteria," sabi niya.

Muli niyang nakita ang pagdaan ng gulat sa mukha nito. Huminga siya ng malalim at muling tiningnan ang hawak nitong paper bag.

"I know that that's for her. Hindi ako tumatanggap ng mga bagay na hindi naman para sa akin sa una pa lang. You should remember it as my personal butler," simpleng sabi niya at muling nag-angat ng tingin rito.

Napayuko ito. "You can go now. Wala pa naman akong iuutos at kailangan sa ngayon," utos niya at nilagpasan na ito.

"Miss Mavis, if... if I will defy my father, would you trust me?" Mabagal at mahina nitong sabi na halos hindi na niya marinig.

Napahinto siya at nilingon ito. He looked at her seriously and determined. He looks so weak but so determined to have his freedom. Kalayaan mula sa ama nito, kalayaan sa pamilya at responsibilidad na inatang rito bilang nag-iisang tagapagmana ng mga Alejandro.

"Please, trust me," he almost beg. "I will be good and trusted butler, miss Mavis. I promised my loyalty to you—."

"I don't trust you," she coldly halted him. "I accepted you as my personal butler but I don't trust you."

"Ayokong maging butler mo lang sa maikling panahon miss Mavis. I want to serve you all my life at hindi mangyayari yon kung wala kang tiwala sa akin."

"You can't be my butler all your life. You're an heir Ruzyl, like me. May responsibilidad ka sa angkan mo ganun din ako. I don't like your clan, I don't trust the Alejandros and you're an Alejandro."

Tiningnan siya nito ng puno ng determinasyon at sinseridad.

"I can earn your trust, miss Mavis."

Tiningnan niya ito ng deretso sa mga mata. Sinalubong naman nito ang tingin niya. He seems sincere and real but who would know? Even he surrendered himself to her, vow his loyalty, walang nakakaalam sa katotohanan ng mga iyon. Ayaw niyang maloko at matraidor ulit, ayaw niyang masira ang plano niya na matagal niyang pinaghandaan dahil nagkamali na naman siya ng pinagkatiwalaan. 

"Let's see then," naisatinig niya at tinalikuran na ito. Ayaw nang magbigay ng salita pa rito.

 Napabuntong-hininga siya ng maalala ang sinabi ni Mang Isko sa kanya no'ng nakaraan tungkol sa ugnayan ng angkan niya sa mga Alejandro.

The Alejandro is the clan that supported and served the Servillon from then. Mula sa mga ancestors at dating henerasyon ay may ganito ng ugnayan ang dalawang angkan. At sa kanilang henerasyon ay si Ruzyl ang inatasan na magsilbi sa kanya bilang isang Servillon. Dumating ito ng trinaidor siya ni Antonio para pumalit rito. Sinanay ito para rito, kaya nito nasabi na pagmamay-ari na niya ito matagal na dahil dati pa lang ay nakatakda na itong pagsilbihan ang tagapagmana ng mga Servillon.

 But she didn't trust anyone especially the Alejandros, not with Russell Alejandro who are now leading the clan. Ayaw niya sa hilatsa ng mga ito na may potential na trumaidor kahit kanino, sa kaibigan man o kakilala. Kaya sa kabila ng ugnayan ng angkan niya sa mga ito ay hindi niya magawang mapagkatiwalaan, kailangan niyang mag-ingat sa mga taong pinagkakatiwalaan niya lalo na at siya lang ang maaaring bumawi ng nawalang angkan ng Servillon.

Bukod sa mag-asawang Isko at Mara ay alam ng mga Alejandro ang totoong pagkatao niya. Kaya hindi siya dapat nagpapakampante. Ang mga Alejandro, ang hirap nilang pagkatiwalaan dahil malaki ang posibilidad na bumaliktad ang mga ito lalo na na si Russell Alejandro ang namumuno sa angkan na hindi naman tunay na Alejandro at laging nagpapahayag ng kasakiman. Kaya hindi niya magawang pagkatiwalaan si Ruzyl... he's weak at sunod-sunuran sa ama nito. Paano niya masisiguro ang loyalty nito kung halos lahat ng kilos at desisyon nito ay utos ng ama nito. Hindi niya mahahawakan ang mga salita ng isang taong sunod-sunuran lang.

Kinabukasan ay maagang nagising si Mavis. Alas-siete pa lang ng umaga ay nakahanda na siya paalis sa silid niya. Pinatungan niya ng coat na halos abot ang likod ng tuhod niya ang haba ang suot na damit. Matapos masigurong wala siyang nakalimutan ay lumabas na siya ng silid niya. Natigilan pa siya ng mabungaran si Ruzyl sa pintuan na mukhang kanina pa naghihintay. Mababa itong yumuko sa kanya.

"Good morning, miss Mavis," bati nito.

Bahagya niya lang itong tinanguan at isinara na ang pinto ng kaniyang silid. Sumabay ito sa paglalakad niya. Walang salitang lumabas sa bibig nito tungkol sa huling pag-uusap nila.

"Dederetso ka ba sa klase mo, miss Mavis?"

"Magbebreakfast ako sa cafeteria."

Tumango ito sa naging sagot niya at iginiya siya patungong cafeteria. Tahimik lang siya hanggang sa nakarating sila sa lugar. Maaga pa kaya wala pang masyadong tao. Dumeretso siya sa table na pinuwestuhan niya kahapon habang sa counter naman dumeretso si Ruzyl para sa pagkain niya.

Ayaw niyang malaman ng kahit sino na personal butler niya si Ruzyl. Maaari makapagbibigay iyon ng ideya sa kahit na sino tungkol sa tunay niyang pagkatao. Hindi niya tuloy alam kung hayaan ang haka-haka tungkol sa pagkakamali sa kaniyang fiancee ni Ruzyl para lang itago ang totoong relasyon niya rito. Pero masyado iyong kontrobersyal at ayaw niyang laging pinag-uusapan dahil may unfinished business pa ata ito sa girlfriend na sinasabi ng mga tao rito.

 The relationship of Alejandros with Servillons is too sensitive na alam ng halos lahat. Kahit na sabihin na ibang pagkatao ang ginagamit niya ay marami pa ring posibilidad ang maaring mangyari.

Ang malalim na pag-iisip niya ay nadisturbo sa paghila ng dalawa sa bakanteng upuan sa mesa niya. Sabay na umupo don ang dalawang pamilyar na lalaki. Nag-angat siya ng tingin at agad na sinalubong siya ng mga nakangiting mukha ng dalawang lalaki.

"Hi," the guy with a color silver hair greeted her.

Malamig niya lang itong tiningnan at hindi nag-abalang bumati pabalik. Napanguso ito at bahagyang napakamot sa batok.

"Good morning." Lumipat ang tingin niya sa kasama nitong maaga pa ay may subo ng lollipop. "Pasensya na sa disturbo pero nakita mo ba si Ruzyl, you're his fiancee right?"

"He's in the counter," sagot niya rito.

Hinawakan nito ang stick ng lollipop nito at inikot sa bibig ang kendi bago iyon tinanggal sa bibig para muling magsalita.

"By the way, I'm Jerson. Pasensya ka na sa kay Ruzyl nakaligtaan ka yatang ipakilala sa amin. Mga kaibigan niya kami at ito naman si Wallace, pagpasensyahan mo na ang buhok niya inborn raw eh."

Nangunot ang noo niya. Napatingin siya sa lalaking Wallace raw ang pangalan. Dumeretso ang tingin niya sa buhok nitong kulay silver. Lihim na naitaas niya ang isang kilay nang hinawi nito iyon na parang commercial ng shampoo ng makita nito ang pagtitig niya ron.

"Come on, Jerson. Sekreto yan wag mong ipagkalat," sabi pa nito na umakto pang medyo nahihiya.

"Sinusumpong ka naman Wallace..." Napalingon siya sa kararating lang. Ang lalaking mukhang tambay iyon. Umupo ito sa isang silya at agad na tumingin sa kanya at malawak na ngumiti. "Hi, pretty. I'm Lairo the academy's pleasure provider," sabi nito sa senswal na tono.

Nagsalubong ang kilay niya. "Pasensya ka na, fuckboy talaga yan," si Jerson na nakakadisturbo ang tunog ng pagsipsip sa kendi ng lollipop.

"What the three of you doing here?!" Si Ruzyl na agad na nilapag sa harap niya ang tray ng pagkain niya. Hindi niya man lang napansin na nakalapit na ito dahil sa mga bagong dating.

Hinarap nito ang tatlong lalaki na may iba't ibang ekspresyon habang nakatingin din rito.

"Kinikilala lang namin ang fiancee mo, Ruzyl. Parang wala kang balak na ipakilala sa amin eh," sabi ni Lairo na kumindat pa sa kanya.

"Miss Mavis don't—."

"Ruzyl," putol niya sa sasabihin nito.

Napalingon naman ito sa kanya ganun din ang tatlong lalaki.

"I want to eat peacefully."

"Yes, miss Mavis I'm sorry," hinging paumanhin nito at mababang yumuko pa sa kanya. 

"Hala! Ruzyl under ka sa fiancee mo!" bulalas ni Wallace na akala mo'y malaking eskandalo iyon.

Huminga siya ng malalim at tumayo. Muling napalingon ang apat na lalaki sa kanya. Kinuha niya ang tray ng pagkain na nilapag ni Ruzyl sa harap niya kanina. Bumaling siya rito.

"Talk to your friends. Lilipat ako ng table," sabi niya at tinalikuran ang mga ito bago pa makasagot ang butler niya.

"Bakit ganun ang fiancee mo Ruzyl? Ang lamig daig pa niya si Zaimon eh," dinig niyang komento ni Jerson na s********p pa rin ng maingay sa lollipop nito.

"Mamaya na tayo mag-usap," si Ruzyl na dinig niya ang agad na pagsunod sa kanya

"Hoy! Ang under mo naman!"

Pumili siya ng table ng may kalayuan sa mga ito. Nahagip ng mga mata niya ang nasa sulok na mesa na bahagyang tago sa mga tao. Naglakad siya palapit ron, malapit na siya ng may bigla na lang umupo ron na ikinahinto niya. Nilapag nito ang dalang tray sa mesa at bumaling sa kanya. Nanatili ang malamig niyang ekspresyon ng magtagpo ang mata nila ni Cyrus.

Umangat ang gilid ng mga labi nito habang nakatingin sa kanya. 

"Good morning, princess," bati nito. Mahina lang ngunit sapat na para marinig niya.

She sighed heavily. Napakaaga pa para mainis at maubos ang pasensya niya.

Related chapters

  • The Vengeance of the Heiress   Friends

    Salubong ang kilay ni Mavis habang nakatingin sa kay Cyrus na may tinatagong ngiti habang nakatingin sa kanya. Muli siyang huminga ng malalim at sa halip na dumeretso ay lumihis siya sa isang bakanteng mesa at don pumuwesto. Nilapag niya ang tray sa mesa at inayos ang pagkain niya. Sa pag-angat niya ng tingin ay bumaling siya kay Ruzyl na palapit sa kanya. She looked at him coldly and meaningfully, bumagal ang paghakbang nito. Naintindihan ang kahulugan ng tingin niya kahit walang salita. Napakamot ito sa kilay nito at lumihis pabalik sa tatlong lalaki sa iniwan niyang mesa. Nahagip niya pa ang mapang-usisang tingin ng mga ito ng sandali siyang bumaling sa mga ito. She dropped her eyes to her food and started to eat peacefully. Pero hindi din nagtagal ang mapayapa niyang pagkain dahil sa paglapag ng isang tray ng pagkain sa mesa niya at pag-upo don ni Cyrus. Napahinto ang kamay niya sa pagkuha ng pagkain at nag-angat ng tingin rito. Nagtagpo ang mata nilang dalawa. He was smiling but

    Last Updated : 2024-01-20
  • The Vengeance of the Heiress   My Queen

    Wala nang nagawa si Mavis at tahimik na lang na nakinig sa kay Jana na hindi na siya binitawan. Dinala siya nito sa iba't ibang room ng building ng kinaroroonan nila habang pinapaliwanag nito kung ano iyon at kung saan ginagamit. Ang daldal nito at sobrang arte pero naaaliw naman siya sa mga pinagsasabi nito habang nililibot siya nito sa academy kaya hinayaan na lang niya. Hindi naman siya makaalis dahil nakakapit ito sa kanya at hindi talaga siya binibitawan. "And of course, we also have a theater and arts and music class. Do you know how to play any musical instruments?" Baling nito sa kanya matapos ipakita sa kanya ang music room na naglalaman ng iba't ibang instrumento. Tumango siya. Umaliwalas ang mukha nito at mas dumikit pa sa kanya. Hinawi na naman nito ang buhok nito. May color pink na hair clip ito sa buhok nito na maliit na sombrero ang desinyo na pumipigil sa buhok nito pero dahil sa mahaba ang buhok nito ay napupunta sa harap na madalas nitong hawiin palikod. "Really, w

    Last Updated : 2024-01-22
  • The Vengeance of the Heiress   Archery

    "Mavis!"Nahinto si Mavis sa pagsara ng pinto ng kuwarto niya at napabaling sa tumawag sa kanya.Malalaki ang hakbang ni Jana papalapit sa kanya, malaki ang ngiti nito at tuwang-tuwa. Isinara niya ang pinto ng kwarto niya at binulsa sa coat na suot ang card. Humarap siya rito."You're in this floor too?" Tanong nito ng makalapit. Tumango siya."We're neighbors. That's my room," turo nito sa silid na dalawang pinto ang pagitan mula sa silid niya. "Kapag may kailangan ka just knock at my door. Pumunta ka rin kung wala ka ng klase at di ka busy at mag-bonding tayo sa kwarto ko," she excitedly said.Napatango na lang siya rito. Wala din naman siyang sasabihin pang iba. At sa tono ng pagkasabi nito ay para rin namang hindi ito tatanggap ng pagtanggi."What's your class today?""Etiquette and Personal Development."Namilog ang mga mata nito at tuwang-tuwa na inangkla sa braso niya ang kamay nito. Napahinga na lang siya ng malalim. Jana giggled excitedly."We have the same class. Sabay na

    Last Updated : 2024-01-22
  • The Vengeance of the Heiress   Try

    Halos mapaatras si Mavis sa deretsong pagkapit ni Jana sa kanya pagkalapit nito sa kanya. Lihim siyang napangiwi ng masagi nito ang gasgas sa siko niya. Napahinga siya ng malalim. Napatingin siya rito. Tuluyan ng nabura sa isip nito ang pagkatalo at nabaling na sa kanya ang atensyon."Kanina pa kita hinahanap. Na late ka ng gising?" Tanong nito.Tumango siya. "Oo."Malawak itong ngumiti sa kanya. Ngunit ng mapalingon sa kinaroroonan ni Allison kalaunan ay dahan-dahan itong napasimangot."Natalo na naman ako ng ingrata," sabi nito sa tonong nagsusumbong. "Mahirap talagang tanggapin kapag ang ingrata ang nakakatalo sa akin."Muling nasira ang mukha nito dahil naalala ang pagkatalo nito sa mortal nitong kaaway. Sumimangot ito, bagsak ang balikat at huminga ng malalim.Tipid siyang ngumiti rito. "Magaling ka naman. Isang puntos lang ang lamang niya, that'sgood enough. Bumawi ka na lang sa susunod." sabi niya rito.Hindi pa rin nagbago ang ekspresyon nito. Hindi matanggap ang pagkatalo."

    Last Updated : 2024-01-25
  • The Vengeance of the Heiress   Party

    Ramdam naman ni Mavis ang pagiging misteryoso ni Cyrus sa una pa lang. Ramdam niya ang malakas nitong dating sa unang pagtagpo pa lang ng mga mata nila. Pero ngayong, seryosong-seryoso ito at halos magdikit na ang kilay habang nakatingin sa sugat niya ay parang mas lalong lumala iyon.Ang suplado nitong tingnan. Nakakabang kausapin dahil baka sisinghalan ka lang sa inis nito. Hindi niya tuloy mapigilan na hindi ito tingnan, inaalala niya kung nakita na ba niya itong ganito kaseryoso. Naninibago siya sa itsura nitong walang bahid ng laro at kalokohan. Lagi siya nitong iniinis, yon ang madalas niyang mapansin rito kapag nagkakausap sila. He likes watching her eyes with flickered emotions at hindi malamig at blanko.Naalala niyang sinabi nitong sinasadya nitong kunin ang atensyon niya. No'ng una ay wala lang naman iyon sa kanya but now she can feel how her face heated up. And she hate it."What did you do? Bakit ganito kalaki ang gasgas mo?" Salubong ang kilay nitong tanong.Nang mag-an

    Last Updated : 2024-01-26
  • The Vengeance of the Heiress   Fiance

    Hindi alam ni Mavis kung ano ang pumasok sa isip niya pero natagpuan na lang niya ang sariling nakasakay sa kotse kasama si Ruzyl patungo sa party nina Jana. Nang magtanong ito kanina ay nagtatalo ang isip niya hanggang sa dahan-dahan na lang siyang tumango rito."I'll just change," sabi niya.Tumango ito sa kanya at mababang yumuko at tumalikod na. Nang maisara niya ang pinto ay mariin niyang kinagat ang ibabang labi.'What I was thinking?'Gusto niyang tawagin ulit si Ruzyl para sabihing nagbago na ang isip niya at hindi na siya pupunta pero bago niya pa gawin iyon ay muli na namang nagbago ang isip niya. Iginala niya ang tingin sa kwarto niya.Wala naman siyang gagawin rito. Hindi naman masama kung pupunta siya. And Jana is also anticipating her to come in that party... okay lang naman kung pupunta siya, minsan lang naman.Huminga siya ng malalim at tumungo na sa closet niya para maghanap ng susuotin. She chose to wear a white dress with a see-through sleeves, pinaresan niya iyon n

    Last Updated : 2024-01-28
  • The Vengeance of the Heiress   Wish

    Kusang tumaas ang kilay niya sa tinuran nito. Hindi pa ba tapos ang ganitong issue? And how the hell did he knew that she leave the academy together with Ruzyl earlier?"Hindi ba nasagot ko na yan?"Halos magdugtong na ang kilay nito habang nakatitig sa kanya."You told me that you're not—""Then I'm not," kalmado niyang putol rito. Binalik niya ang tingin sa fountain. Naghahanap ng ibang mapagkakaabalahan ang mga mata niya dahil pakiramdam niya kung magtagal ang tingin niya rito ay malulunod siya. She can't take her eyes away from him na kailangan niya pa ng bolta-boltaheng pagpigil sa sarili para hindi tingnan ang iritadong gwapong mukha nito."Then why are you always together? Madalas din ang paglapit sa iyo at kung mag-usap kayo ay para kayong may sariling mundo."Napabaling siya rito. Salubong na ang kilay niya. Bakit pakiramdam niya may malaking kasalanan siya rito? Na kailangan niyang magpaliwanag at humingi ng sorry para mapanatag ito.Ang boses, ang tono ng pananalita nito a

    Last Updated : 2024-01-30
  • The Vengeance of the Heiress   Reckless

    Bumukas ang pinto. Naibaba niya ang tingin niya at agad na tumungo iyon kay Jana na lumabas roon. Namilog pa ang bibig nito ng mamataan si Cyrus na nakaupo sa upuang iniwan nito kanina, nakatingin pa rin sa kanya at di man lang nilingon ang bagong dating. Napatikhim siya at naglakad pabalik, palapit sa mga ito.Jana looked at her like she did something wrong. Naningkit ang mata nito sa kanya na malamig niya lang na binalikan ng tingin.Bakit ngayon lang ito nakabalik? Kukuha lang ito ng drinks pero halos ilang oras sa loob? Bumaba ang tingin niya sa bakanteng kamay nito. Wala naman itong dalang drinks katulad ng sinabi nito kanina. Sa halip ay hawak nito ang car key ng sasakyan niya. "Cyrus, dumating ka pala? Akala ko hindi ka pwede kasi you have a lot of things to do in your family's firm," sabi nito pero sa kanya naman nakatingin at hindi kay Cyrus.Tumaas ang isang kilay niya rito. Lumingon naman si Cyrus rito pero hindi ito sinagot. Seryoso lang itong tiningnan. Napatikhim ito a

    Last Updated : 2024-02-01

Latest chapter

  • The Vengeance of the Heiress   Special Chapter 2- Drunk

    "Busy?" Mula sa pagkadukdok sa mga papeles sa harap niya ay napaangat ng tingin si Cyrus kay Ruzyl na kakapasok lang sa opisina niya. Bumuntong-hininga siya, umayas ng upo at sumandal sa swivel chair niya kasabay ng paghilot sa nanakit niya ng batok. Isang araw lang siya hindi nakapasok sa trabaho ay natambakan na agad siya, idagdag pa ang ilang meetings ngayong araw na hindi niya pwede maipagliban o reschedule na naman.'At wala ka pang balak na pumasok ngayong araw kung hindi ka hinikayat ng asawa mo?' agad na kastigo ng isang bahagi ng isip niya.Natigilan siya sa huling salita. Asawa. Napangisi siya nang maalala ang magandang mukha ni Mavis, his wife. Yeah! Finally! After a long years of loving her quietly from afar, he got her. And he's very happy. Parang bigla tuloy siyang ginanahan sa trabaho dahil sa pagkaisip sa babaeng mahal niya. But he's glowing of hearts mood immediately vanished nang mabalingan ang nakataas na kilay na anyo ni Ruzyl sa harap niya. Kung makatingin ito sa

  • The Vengeance of the Heiress   Special Chapter 1- Mid-day Party

    "You'll meet Rumsay and Jana today?"Mula sa pagtingin sa sariling repleksyon sa salamin ay napabaling si Mavis sa kama kung nasaan si Cyrus. Nakabalot ang ibabang bahagi ng katawan nito ng puting kumot while he's upper part is on full show. Napanguso siya ng wala sa sariling sinuyod ang katawan nito ng tingin. The memory of what happened last night suddenly flash on her mind forming a red tint on her cheeks. Napatikhim siya at nag-iwas ng tingin rito. Ibinalik niya ang atensyon sa repleksyon at pag-aayos sa sarili. She sighed nang makita ang pamumula ng pisngi niya sa repleksyon."Pretty?" agaw ni Cyrus sa atensyon niya nang hindi niya ito nasagot. Wala itong kaide-ideya sa tumatakbo sa isip niya.Muli siyang napatikhim at kinuha ang lipstick niya. "Yes," sagot niya sa tanong nito. "You know we have these girl's date every month. Dahil sa naging busy kami these past few months ay hindi natuloy-tuloy iyon kaya kailangan ko silang sulputin ngayon since I'll be busy again starting tomo

  • The Vengeance of the Heiress   Cyrus Dashiel Resalde 1.0

    "Dashiel, you're going home?" Nahinto siya sa akmang paglabas ng classroom at napalingon sa nagsalita. Kunot ang noo ni Lairo habang nakatingin sa kanya, katabi nito si Jerson na nagtatanong rin ang tingin sa kanya. Tumango siya. Mas lalong nangunot ang noo nito. "Madalas ka yatang umuwi ngayon ng maaga. Hindi ka na sumasama sa amin. Nagyaya si Ruzyl kanina sa hall after class, sasama raw si Allison. Hindi ka na naman sasama?" Umiling siya. "Kailangan kong umuwi," tipid niya lang sagot at nagpatuloy na sa pag-alis. Narinig niya pa ang pagtawag ng mga ito sa kanya pero hindi na siya lumingon pa at nagpatuloy na sa pag-alis. Agad na napaayos ng tayo ang driver na naghihintay sa kanya. "Aalis na tayo, sir?" Tumango siya at sumakay na sa backseat. Agad naman na pumihit sa driver seat ang driver niya. Sumilip pa ito sa may rearview mirror habang binubuhay nito ang makina. "Wala kayong lakad nina sir Lairo ngayon,sir." "Let's head home now kuya," tanging sagot niya at tumanaw na sa

  • The Vengeance of the Heiress   Cyrus Dashiel Resalde 0.5

    He first met her as sweet and gentle little girl. Maaliwalas lagi ang mukha at matamis ang ngiti na ginagawad sa lahat. Lagi niya itong natatanaw na bumabati sa kahit na sinong tao kilala man nito o hindi. Laging nakabraid ang buhok nito, madalas na kulay puti ang dress na suot at may maliit na shoulder bag lagi na iba't iba ang desinyo, kung hindi iba't ibang hayop ay iba't ibang klase ng bulaklak naman. She was adorable. He once heard a beautiful woman calling her Ariestiel. Tinandaan niya ang pangalang iyon mula nang marinig niya. She was friendly and cheerful. Madalas siyang isama ng papa niya kapag may meeting ito sa SGC na dinadaluhan o may dinadalaw. At sa halos lahat ng pagkakataon na iyon ay lagi niya itong nakikita. Lagi niya itong sinisilayan kahit na hindi naman siya nito napapansin o ginagawaran ng tingin kahit sandali lang. Kaya nang unang lapit nito sa kanya ay hindi niya talaga napigilang mamangha at mabigla. Humihiling siya sa wishing fountain nang araw na iyo

  • The Vengeance of the Heiress   Vengeance

    "Ano po ba ang gusto niyong tanghalian, señorita."Tipid na ngumiti si Mavis sa kay manang Josefa. Ang caretaker ng isla nila. Dumating ito kanina kasama ang asawa at ang dalawang anak nito na katulong nito sa pagbabantay at pag-aalaga ng villa at nang isla. Her family is her parents trusted caretakers of the island. Umiling siya rito. "Ako na po ang magluluto, aling Josefa."Wala na naman siyang ginagawa ngayon dahil tinapos na niya iyon kagabi. Kaya imbes na tutunganga lang siya she wants to learn how to cook. May alam siya but it's just basic, mga simpleng lulutuin lang. At isa pa she wants to learn how to cook some Filipino dish."Aba't sigurado ho kayo señorita?"Magalang siyang tumango at ngumiti rito. "Opo.""Eh, hindi mo ba kailangan ng tulong?""I'm not confident in my cooking skills so I'll appreciate a little help."Tumawa ang ginang na ikinalawak ng ngiti niya. "Oh! siya segi. Ano ba ang lulutuin mo."Natigil siya sandali para mag-isip. And then she remembered the partic

  • The Vengeance of the Heiress   Jealous

    Two days had passed. Dalawang araw na tanging silang dalawa lang sa isla. Napag-alaman niyang umuwi ang caretaker sa pamilya nito at babalik lang sa sabado para maglinis ng villa. Naiwan tuloy na tanging silang dalawa lang sa isla.It's friday. Nagkukulong siya sa silid niya at nakaharap sa laptop niya para i-check ang reports at files na sinend ng secretary niya. Malakas ang ulan mula pa kaninang umaga kaya hindi sila nakalabas ni Cyrus ng bahay. Sa nakalipas na dalawang araw ay ginugol nila ang oras nila sa paglilibot ng isla at pagligo sa dagat. Sinamahan din siya nito na puntahan ang cliff na madalas niyang akyatin dati. Nagpicnic pa nga sila don. Sa tuwing hapon at papalubog na ang araw ay tumatambay sila sa dalampasigan para panoorin iyon. Nanatili sila don hanggang sa tuluyan ng kumalat ang dilim.Plano sana nilang mangisda ngayon sa may wooden port pero hindi na nila nagawa dahil nga sa bumuhos ang ulan. All their plan today ay hindi natuloy dahil sa hindi inaasahang pagbuhos

  • The Vengeance of the Heiress   Moon in Sunset

    They ate their late lunch together. Walang kumikibo sa kanilang dalawa pero panay ang tingin nito sa kanya. Tahimik rin siya nitong inaasikaso na walang salita niya lang hinahayaan. Paminsan-minsan ay lumilingon-lingon siya sa pintuan sa pag-iisip na baka nang-grocery lang sa bayan ang caretaker at babalik kahit na anong oras.Matapos nilang kumain ay nagprisinta siyang siya ang maghuhugas ng pinagkainan nila tutal ay ito naman ang nagluto. Pumayag naman ito pero hindi nakaligtas sa tingin niya ang bahagyang pagtaas ng kilay nito at pagpigil ng ngiti. Iniisip ba nitong hindi siya marunong maghugas ng plato? Tumaas ang kilay niya sa naisip.Nakumpirma niya ang hinala niya nang matapos nilang ligpitin ang pinagkainan nila at nagsimula na siyang maghugas. Nanatili ito sa kusina. Nakasandal sa may counter at nakamasid sa ginagawa niya na para bang ito ang amo sa pamamahay na ito at siya ang katulong na bawal magkamali. Nagsasabon na siya ng plato nang iritang binalingan niya ito dahil s

  • The Vengeance of the Heiress   Marriage

    Salubong ang kilay ni Mavis habang nakasunod ang tingin kay Cyrus na kumportableng kumikilos sa kusina ng villa at nagluluto.He's still topless for godsake! Wala na bang damit ito?Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakabawi sa pagkabigla nang makita ito rito sa isla. Gulat na gulat siya pero ngumiti lang ito sa kanya kanina at lumapit, walang bakas ng gulat at pagtataka. Tinanong pa siya kung kamusta ang byahe niya like he knew that she will arrive here today. Ito pa mismo ang nagyaya sa kanyang pumasok sa villa na pagmamay-ari ng pamilya niya like what the hell? Mas lalong nagsalubong ang kilay niya. Kanina pa siya nangangating magtanong pero hindi siya makahanap ng pagkakataon dahil okupado ito sa pagluluto. Pero hindi na niya kayang magtiis. She need to know why he's here?Tumikhim siya para agawin ang atensyon nito pero nanatili itong nakatalikod at naghuhugas ng mga sangkap na gagamitin nito. Muli siyang tumikhim. At halos mapairap siya nang hindi pa rin ito lumilingon sa k

  • The Vengeance of the Heiress   Vacation

    Nanatili silang nakatitig sa isa't isa. Walang sinuman ang nagsalita. Napapalunok siya para tanggalin ang bumabara sa lalamunan niya. Hindi na muli pang kumalma ang puso niya. Ni hindi niya magawang kumurap habang nakatitig rito."Cyrus..." she whispered.May dala itong tray ng pagkain. Naka-puting v-neck shirt ito at pajama. Magulo ang buhok nito na tila kakabangon lang sa kama. Mukhang pagkagising nito ay agad na tumungo ito sa kusina para magluto. Kung ito nga ang nagluto ng pagkaing dala nito.Tipid itong ngumiti sa kanya. Naglakad ito palapit sa kanya habang hindi niya naman magawang iiwas ang tingin rito. Nagwawala ang puso niya. Hindi niya alam kung ano ba dapat ang irereact niya at iaakto niya sa harap nito. Hindi niya inasahan. Hindi niya ito napaghandaan."How's your feeling? Hangover?" marahang tanong nito. Nilapag nito sa may bedside table ang tray at umupo sa kama sa tabi niya at tumingin sa kanyang di magawang ibaling sa iba ang tingin. Hindi siya nagsalita para sagutin

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status