"RUZYL, you came back," ang lalaking kulay silver ang buhok ang unang nagsalita. Mula kay Ruzyl ay lumipat ang tingin nito sa kanya. "And you're... with a girl. Is she the fiancee that everyone talking about?" Mabagal nitong tanong habang titig na titig sa kanya.
Tumaas ang isang kilay niya. Agad na naintindihan ang tinutukoy nito ng maalala ang bulungan na narinig kanina. Mula sa pamilyar na lalaki na nakilala niya sa kakahuyan ay bumaling siya kay Ruzyl na nakatingin na rin ngayon sa limang lalaki sa harap na halos lahat ay nasa kanya ang kuryosong tingin. Napatingin ito sa kanya, hindi alam kung ano ang sasabihin sa tanong ng lalaking kulay silver ang buhok na ikinakunot ng noo niya.
Huminga siya ng malalim at muling napatingin sa harap. Isa-isa niyang tiningnan ang limang lalaki. Mula sa lalaking kulay silver ang buhok na masyadong mapaglaro ang dating, sa kasunod nitong lalaki na may subo-subong lollipop at parang batang naliligaw na nakatingin sa kanya, sa katabi nitong mukhang basagulero at tambay na lantaran siyang sinusuyod ng tingin habang may malisyosong ngiti sa mga labi. Sa lalaking may mahabang buhok na halos takpan na ang mga mata na siyang tanging nakikita dahil may suot itong kulay itim na mask na nagtatago sa kabuuan ng mukha nito at ang lalaking nakilala niya sa kakahuyan na hindi siya nilulubayan ng tingin kanina pa.
Tumagal ang tingin niya sa huling lalaki. Seryoso ang tingin nito na mas nagpapadagdag lang sa malakas na dating nito na masyadong magaspang at malakas. Salubong ang kilay nito, there's unsaid questions written all over his face while curiously looking at her alternately to Ruzyl.
Naaalala kaya siya nito? Ang kuryosidad ba nito ay dahil sa naalala siya nito o dahil sa isa ito sa mga ilang tao sa academy na nakikibalita sa pagbalik ni Ruzyl rito? Mukhang magkakilala pa nga ito at ang butler niya. Are they friends?
Wala namang nagbago sa ayos nito kaya mabilis niya itong naalala, his hair still on brush up style with few strands falling on his forehead. His eyes is still expressive and intense with its dark color. Nakaka-intimidate ang dating dahil seryoso ang tingin nito kung ikumpara nong naligaw ito ng nakaraan at nakausap niya. Walang nagbago, ang misteryoso pa rin ng dating, mas lalo na ngayon.
"Where did you go?" Ang lalaking may subong lollipop na naman ang nagtanong kay Ruzyl. Tinanggal nito ang lollipop sa bibig nito at bumaling sa butler niya. "Bigla ka na lang nawala rito. Akala namin panandalian lang pero ilang buwan kang hindi nagpakita."
Huminga siya ng malalim at napatingin na rin sa butler niya na tila hindi alam kung ano ang sasabihin.
"Sabihin mo na lang kung nasaan ang room ko. I'll go there alone mukhang ang dami mo pang dapat ayusin rito. I want to be out on this, Ruzyl. So, answer their questions," she sternly said.
Muling nalipat ang tingin ng lahat sa kanya. Kuryoso kung ano ang kaugnayan niya sa butler niya kaya inaabangan kung may sasabihin pa siyang maaring makapagbigay ng ideya sa mga ito ng relasyon niya rito. She sighed heavily when she started to feel annoyed on the stares that almost didn't leave her. Halos magdugtong na tuloy ang kilay niya ng tiningnan ang limang lalaki na bahagyang ikinagulat ng mga ito maliban sa dalawa.
"I'll take you there, I'm sorry," sagot ni Ruzyl at bumaling sa limang lalaki. "We'll talk later," sabi niya sa mga ito at giniya na siya paalis.
"We'll wait you bud," ang lalaking mukhang tambay ang sumagot na agad na binalik sa kanya ang tingin nitong malisyoso. Malamig niya itong tiningnan. Ngumisi ito sa kanya pero nanatili ang ekspresyon niya.
Tumango si Ruzyl at bumaling sa kanya. "Let's go, miss Mavis."
Sandaling tiningnan niya ang limang lalaki bago nagpatianod sa pagyaya ni Ruzyl sa kanya. Tumabi ang mga ito para makadaan sila. Ramdam niya ang pagsunod ng tingin ng mga ito sa kanila ng malagpasan nila ito. Muli siyang napalingon sa mga ito lalo na sa lalaking iyon na dahil hindi siya nilulubayan ng tingin ay nagsalubong ang mga tingin nila.
Ang mga mata nitong kasing dilim ng gabi ang kulay ay masyadong malalim kaya mahirap basahin. Titig na titig ito sa kanya na hindi niya alam kung dahil lang ba sa kuryoso ito o naalala siya. She withdraw her cold stare from him and turned it in front.
"Miss Mavis—."
"Didn't I told you to call me Mavis in front of other people," pigil niya kay Ruzyl.
Napakamot ito sa kilay nito na tila nahihirapan. "I'm sorry, I can't do it. It'll be disrespectful if I call you by your name."
Napabaling siya rito. He smiled awkwardly, feeling intimidated with her cold stare, iniisip siguro na magagalit siya dahil hindi nito masunod ang utos niya. Huminga siya ng malalim at binawi na lang ang tingin rito. Hinayaan ito sa gusto nito. Ito ang unang beses na hindi siya nito sinunod and she don't mind. Hindi naman masisira ang plano niya dahil lang sa magalang nitong pagtawag sa kanya.
Nakarating sila sa kabilang building using the bridge that connected it to the main building. Ang building yatang ito ang dormitory ng mga estudyante sa academy.
"T-tungkol kanina...," nag-aalangan nitong sabi maya-maya. Balak atang ibalik ang pinag-uusapan kani-kanina lang.
Napabaling siya rito. Napahinto ito sa paglalakad pero nanatiling nakaiwas ang tingin sa kanya. Nagsalubong ang kilay niya.
"About my father, how did you know about it?" Baling nito sa kanya. "Alam kong may alam ka dahil sa mga salitang binitawan mo kanina at sa tono ng iyong pananalita ng sinagot mo si papa."
"I am Mavis Salvatore," simpleng sabi niya, na sa pamamagitan ng pagsabi ng pangalan niya ay masasagot niya ito. Mukhang nakuha naman nito dahil dahan-dahan itong tumango. Nakatitig ito sa kanya ng may pag-aalangan tila sinusukat ang ekspresyon niyang hindi naman nagbabago. "I know a lot about your clan, kahit ang dahilan ng pagsilbi mo sa akin," sabi niya.
"I am still an Alejandro," naisatinig nito na para bang iniisip niyang hindi.
"I know," sagot niya rito. "The headmaster was the one who isn't."
Gulat itong napatingin sa kanya. She just look at him coldly. "I told you I know a lot about you. You're my butler anyway," she said dismissively at pinagpatuloy ang paglalakad. Mabilis itong humabol sa kanya.
"Miss Mavis," tawag nito sa kanya.
Muli siyang napahinto at bumaling rito. Nagsalubong ang kilay niya ng makita ang uri ng tingin nito sa kanya. Huminga siya ng malalim.
"Sinabi ko na madami akong alam tungkol sa iyo but I never said that I know everything. Stop looking at me like that," salubong ang kilay niyang sabi. "Kung sekreto iyon ay hindi ko iyon ipagkakalat."
Talagang hindi niya ipagkakalat dahil malaki ang epekto non sa plano niya.
Napakamot ito sa kilay nito at napanguso na mas lalong ikinasalubong ng kilay niya.
"I know... but... you know half of my life—."
"I did but still I don't trust you," pigil niya sa ibang sasabihin pa nito. Walang pinagbago ang eskpresyon, wala pa ring emosyon. Hindi niya alam kung ano ang nais nitong ipabatid sa kanya but she want him to know it. She will never trust anyone including him even she knew almost of his story. Kahit na alam niya pa ang dahilan ng paglapit nito sa kanya.
She investigated his background para makita kung dapat niya ba itong tanggapin bilang butler niya. Nalaman niya halos kalahati ng pinagdaanan nito at kabilang na ang tungkol sa ama nito. But those are just a phase at kahit na alam niya pa ang lahat she still wont trust him. She will never trust anyone. Hindi ibig sabihin na hinayaan niya itong makita ang halos lahat ng ginagawa at pinagkakaabalahan niya ay alam na nito kung paano tumakbo ang isip niya at may tiwala na siya rito.
Natigilan ito at awang ang labing napatingin sa kanya. Hindi inaasahan ang biglang sinabi niya. Ilang sandaling nakatitig lang ito sa kanya, hindi pa rin nakabawi sa kaniyang sinabi at hindi alam kung paano tumugon. Tinikom nito ang bibig nito. He licked his lower lip and opened it again to say something pero walang salitang lumabas. She sighed and turned her back at him.
"Lead me to my room. I need to take rest," utos niya at nauna nang nagpatuloy sa paglalakad. Hindi niya alam pero bahagya siyang nakaramdam ng guilt dahil sa nakitang reaksyon nito sa sinabi niya.
Ilang segundo pa itong nanatiling nakatayo don bago ito humabol sa kanya. Hindi na muli ito nagbukas ng kahit anong usapan kaya binalot sila ng katahimikan. Sobrang tahimik nito at kapansin-pansin ang malalim nitong pag-iisip. Hinayaan niya ito. Dalawang hagdan pa ang inakyat nila bago sila nakarating sa tamang palapag. Huminto sila sa harap ng isang pinto.
"T-this will be your room. I'll let you rest for now. Just call me if you need anything," sabi nito.
She stared at him and nodded. Hindi naman ito makatingin sa kanya ng deretso at halos nakayuko lang. Nanatili ang tingin niya rito hanggang sa nag-angat ito ng tingin sa kanya. Nagkasalubong ang mga mata nila. Nanatili ang ekspresyon niya habang napalunok naman ito.
"You should take a rest too," naisatinig niya.
Umawang ang labi nito pero bago pa ito makapagsalita ay tumalikod na siya at binuksan ang pinto gamit ang student card na binigay sa kanya kanina ni mr. Alejandro. She closed the door immediately. Habang nanatili naman si Ruzyl hanggang sa tuluyang sumara ang pinto.
Agad na ginala niya ang tingin sa silid. May shoe rack sa gilid ng pintuan. Malaki ang bintana sa di kalayuan na natatakpan ng makapal na puting kurtina. May maliit na book shelves at sa gilid non ay may study table. There's a door for the bathroom at closet para sa mga damit. Nasa gitna ng silid ang queen side bed. Hindi malaki ang silid pero hindi din naman maliit. Tama lang para sa isang tao.
Naglakad siya palapit sa kama. Nasa paanan na non ang mga maleta niyang naglalaman ng mga dala niyang gamit. She removed her shoes and put herself on the bed. Huminga siya ng malalim. She want to take rest first. Hindi naman siya nabigo dahil makalipas ang ilang minuto na nanatili siya nakatihaya sa kama ay dinalaw din siya ng antok at tuluyang nakatulog.
Muli siyang nagising sa isang masamang panaginip. Napabalikwas siya ng bangon at habol niya ang kaniyang paghinga. Napatulala siya habang sapo ang dibdib at mabilis na humihinga. Napapikit siya ng mariin habang kinakalma niya ang sarili.
Hindi talaga siya kahit kailan nagkaroon ng magandang tulog. Sa bawat pagpikit niya ng mga mata niya ay gigising siya sa parehong paraan at iyon ay ang masamang panaginip niya na hindi siya nilulubayan.
Dumilat siya at bumaba ng kama niya. Naging maayos na ang paghinga at nakabawi na sa biglaang pagbangon. Naglakad siya palapit sa bintana at hinawi ang makapal na puting kurtinang nakatabing rito. Sumilip siya sa labas. Agad na sumalubong sa kanya ang malawak na kakahuyan sa labas ng academy at ang asul na asul na kalangitan. Nang ibaba niya ang tingin ay ang iilang estudyante naman ang nakita niya.
Huminga siya ng malalim at binalik sa pagkatabing ang kurtina at lumayo na sa bintana. Ginala niya ang tingin para maghanap ng maaaring matingnan ng oras. Hindi naman siya nabigo dahil may alarm clock sa bedside table na mabilis niyang nilapitan para tingnan ang oras. It's late four in the afternoon. Matagal din pala ang itinulog niya.
Nilapag niya muli sa bedside table ang alarm clock. Nilapitan niya ang maleta niya. Pinahiga niya iyon sa sahig at binuksan. Kinuha niya ang mga damit niya at nilagay iyon sa closet. Ang ibang mga gamit niya ay hinanapan niya ng malagyan at ang mga hygiene kit naman niya ay dinala niya sa bathroom. Ang medyo maliit na maletang dala ay nilagay niya rin sa closet. Hindi na pinagkaabalahang buksan dahil hindi niya pa naman magagamit ang laman non. Nang matapos ayusin ang gamit ay muli siyang umupo sa kama at kinuha ang cellphone niya. May natanggap siyang email mula kay mang Isko at iba pang reports na sandali niya munang binasa.
Nang makaramdam ng gutom ay muli siyang tumayo. Kumuha siya ng jacket sa closet at pinatong iyon sa puting bestidang suot. Binulsa niya ang cellphone niya at ang student card bago lumabas. Hindi na nag-abalang tawagan si Ruzyl at piniling hanapin ang cafeteria ng academy ng mag-isa.
Mag-isa siyang naglalakad palabas ng dormitory building. Ang mga estudyanteng nadadaanan ay hindi pa din nakabawi at nakasunod pa rin ang tingin sa kanya. Hindi niya tuloy naiwasang magsalubong ang kilay niya sa irita. Hindi nagustuhan ang tinging hindi siya nilulubayan.
"New student?"
"Yeah, kasama siya ni Ruzyl dumating kanina. Ang sabi fiancee niya raw."
"Huh? Di'ba girlfriend niya si Lexi?"
"But they broke up—."
Nahinto siya sa paglalakad at hindi na nakatiis. Nilingon niya ang dalawang babae na ikinatigil ng mga ito. Wala naman siyang ibang ginawa at normal lang na tiningnan ang mga ito pero dahil sa guilty dahil sa ginawa siyang pulutan sa usapan ay nagmamadali ang mga itong umalis.
Hindi niya man lang nabalitaan na mas grabe pala pagdating sa tsismisan ang mga tao rito sa academy kung ikukumpara sa labas.
Huminga siya ng malalim at bahagyang ginala ang tingin bago lumiko sa direksyon na walang masyadong tao na pumupunta. Gusto niyang maglakad ng walang naririnig na kahit anong bulungan o usapan tungkol sa kanya. Bagot na ata ang mga tao rito at nauumay na sa paulit-ulit na mukha kaya ng may dumating na bago ay halos hindi lubayan ng tingin at usapan.
She peacefully walking, malalaki ang mga puno sa bahaging ito pero malayo naman ang agwat sa bawat isa. Sinundan niya lang ang daan habang tahimik na inuusal na sana ay patungo ito sa cafeteria.
Ang marahang paglalakad niya ay unti-unting bumagal ng makarinig siya ng mahihinang kilos at kaluskus. Nahinto siya sa paglalakad pero nanatili sa harap ang tingin niya at pinakinggan ang bawat kilos ng kung sino mang tao na palapit sa kanya. Nagsalubong ang kilay niya. Gumalaw ang mga mata niya ng makita mula sa peripheral vision niya ang anino ng isang tao. Minamatyagan niya ang kilos nito. Nakita niya ang pag-angat ng kamay nito palapit sa kanya ngunit bago pa iyon lumapat sa kanya ay lumingon na siya rito.
Nabitin sa ere ang kamay nito. Bahagyang napaatras sa biglaan niyang paglingon pero mukhang hindi naman nabigla. Napatitig siya sa lalaki. It's the guy in the woods again. Anong kailangan nito sa kanya? Nangunot ang noo niya at napatingin sa nakabitin nitong kamay sa ere. Mukhang napansin nito ang tingin niya dahil binaba nito ang kamay at binulsa.
"Anong ginagawa mo?" Salubong ang kilay na tanong niya rito.
He casually looking at her. Tiningnan siya ng mabuti na para bang namamalikmata ito. Mas lalong nagsalubong ang kilay niya.
"It's really you," sambit nito. "The princess in the woods," mahinang dugtong nito.
So, he do remember her. Sinundan ba siya nito para kumpirmahan nga siya nga iyon ang sa kakahuyan?
"Inaasahan ko na makikita ka ulit pero hindi ko inasahan na ganito kaaga," sabi nito habang nanatili ang tingin sa kanya at nasa bulsa ng pantalon ang kamay.
"Anong kailangan mo?" Tanong niya rito.
Tumaas ang kilay nito, maya-maya ay umiling. "Kinumpirma ko lang kung ikaw nga ang babaeng iyon. I didn't expect to see you here at the academy so I doubted when I saw you earlier with Ruzyl. Why are you with him, anyway?"
"Why would I answer you?"
"Still grumpy, I see," tumatangong sabi nito habang gumuguhit ang naaaliw na ngiti sa labi nito. "Ang sungit mo sa kakahuyan pa lang, you looked like a cold princess akala ko dahil lang sa nahuli mo ako sa pribadong lugar ninyo kaya malamig kang makitungo sa akin. Talaga nga pa lang masungit ka sa kahit sino. Alam mo bang pwede naman tayong maging magkaibigan?"
"Hindi," malamig niyang tugon at tinalikuran na ito. "Kung wala ka nang sasabihin, aalis na ako."
Ang paghakbang niya ay nahinto ng bigla na lang itong humarang sa kanya. Muntik pa siyang mabunggo sa dibdib nito kung hindi lang siya napahinto agad at umatras.
Salubong na naman ang kilay niya ng mag-angat siya ng tingin rito. Bahagya pa siyang natigilan ng makasalubong niya ang madilim nitong mga mata. His set of eye really full of mystery, ang lalim na kapag tinitigan mo ay pakiramdam mo ay nalulunod ka at nawawala. Medyo may kakaiba kapag tumatagal ang tingin niya rito pero hindi niya iyon matukoy. Ito talaga ang isa sa mga dahilan kung bakit niya ito pinagdududahan sa una pa lang na nakatagpo niya ang mga mata nito. Dahil bukod sa nakakaduda ang pagkaligaw nito sa kakahuyan malapit sa kanilang mansion ay alam niyang may kakaiba rito, napakamisteryoso nito sa kabila ng mga casual nitong emosyon at ekspresyon na ipinapakita. Ang hirap nitong tukuyin.
"What do you want?" Nauubos na naman ang pasensya niyang tanong rito.
He smiled. Ngiti na ang misteryoso pa rin ng dating sa kanya.
"Are you Ruzyl's fiancee?" Tanong nito.
Bakit ba siya napagkakamalang fiancee ng butler niya? Kanina niya pa ito naririnig sa mga estudyante rito at kanina pa din siya naiirita sa mga usapang haka-haka lang at walang pagbabasehan. Aminado siyang alam niya ang background ng butler niya pero limitado ang alam niya at kabilang na ang lovelife nito sa limitasyon na iyon kaya wala talaga siyang ideya sa mga usapan ng mga tao rito kanina pa mula ng dumating sila rito.
"I'm not," tinatamad niyang sabi. Nag-angat siya ng tingin rito, naiirita na at isang ihip na lang yata ng hangin ay magkakabuhol na ang kilay niya. Nadagdagan pa ang irita niya ng makita ang sinusupil nitong ngiti.
"Na sa inyo ba siya sa ilang buwan na nawala siya rito sa academy?"
Huminga siya ng malalim. At masamang tiningnan ito. "Hindi ko obligasyon na punan ang kuryosidad mo. Why don't you ask Ruzyl hindi ba't mag-uusap kayo?" Sagot niya ng maalala ang sinabi kanina ni Ruzyl sa mga ito bago sila umalis para pumunta sa silid niya sa dormitory.
"You said his name like you know him for too long," kunot ang noo nitong puna. "Talaga bang hindi ka niya fiancee?" muling tanong nito na ikinaubos ng maikling pasensya niya.
"Idiot," iritang sabi niya rito. Pairap niyang iniwas ang tingin rito at nilagpasan ito.
She heard his low chuckle that halted her steps. Nilingon niya ito at nakita niya ang bahagyang pagyuko nito habang tumatawa. Nang mag-angat ito ng tingin ay bahagyang tinamaan ang mukha nito ng sikat ng araw na sumisilip sa sanga ng kahoy. Mas lalo tuloy nadepina ang pagkaaliw sa mga mata nito. Pinaglalaruan ba siya nito?
Bumaling ito sa kanya. Nasa mga bulsa nito ang kamay habang nakangiti ng naaaliw. She stared at him blankly.
"You're so sexy and pretty with your emotionless eyes... but...," tumigil ito at tinitigan siya. "you're... gorgeous and addictive in your eyes with flickered emotions, Mavis," sabi nito habang nakatitig sa kanya.
Napasinghap siya. Bahagyang natinag sa sinabi nito at sa pagbanggit nito ng pangalan niya. She feels how her heart starting to lit up by beating it faster than it's normal pace. Nangunot ang noo niya sa naging reaksyon niya. Bumaling siya rito ngunit bago niya pa ito natanong kung paano nito nalaman ang pangalan niya ay muli itong nagsalita.
"I heard Ruzyl called you miss Mavis, earlier," he answered her unsaid question. "He's calling you miss... so respectful... but princess is much more better than it because it's suited to you well. Don't you think?"
Napatitig siya rito. She pursed her lips, her forehead knotted.
This stranger is really unpredictable. Is he flirting with her?
"I didn't ask. Kung wala kang matinong sasabihin aalis na ako," sabi niya at muli itong tinalikuran para lang muling mapahinto ng muli itong magsalita.
"Hindi mo ba itatanong kung ano ang pangalan ko katulad no'ng nakaraan sa kakahuyan?"
Nahinto siya sa paglalakad at nilingon ito muli. Ngumiti ito sa kanya habang nanatili naman ang iritang ekspresyon niya dahil bukod sa kanina niya pang gustong umalis ay nagugutom na siya.
"Cyrus... I am Cyrus. In case you're still interested to know," usal nito.
Umawang ang labi niya pero wala namang salitang lumabas. Ilang sandali siya nakatitig rito before she closed her lips and moistened it. Huminga siya ng malalim, mahina siyang napatikhim at muli itong tinalikuran, hindi na nag-abala pang magsalita. Pinagpatuloy niya ang pag-alis at hindi na muli itong nilingon kahit na ramdam niya ang pagsunod ng tingin nito sa kanya.
BAHAGYANG napahinto ang paghakbang ni Mavis ng itulak niya pabukas ang pintuan ng cafeteria na halos ikinalingon ng lahat ng nasa loob sa kanya. All curious eyes is directly to her. She can feel that she can't have a peaceful meal dahil nasa pintuan pa lang siya ay naririnig na niya ang bulungan tungkol sa kanya. Huminga siya ng malalim at pinagpatuloy ang pagpasok. Dumeretso siya sa counter para umorder ng pagkain niya. Halos tumabi ang lahat sa paglapit niya, kahit ang nakapila ay napapaatras na para bang may hawak siyang kutsilyo na isasaksak sa mga ito kung sakaling lumapit ang mga ito sa kanya.Kumunot ang noo niya. Nasa harapan na siya ng counter ng balingan niya ang isang babaeng nakayuko sa gilid. Mukhang ito ang nauna kanina sa pila. "You can go first," naisatinig niya.Napasinghap ang ilan na malapit sa kanila. Nakabantay ang mga mata at tenga ng mga ito, nakaabang sa gagawin at sasabihin niya. Nang mag-angat ng tingin ang babae ay namimilog ang mga mata nito pero agad na n
Salubong ang kilay ni Mavis habang nakatingin sa kay Cyrus na may tinatagong ngiti habang nakatingin sa kanya. Muli siyang huminga ng malalim at sa halip na dumeretso ay lumihis siya sa isang bakanteng mesa at don pumuwesto. Nilapag niya ang tray sa mesa at inayos ang pagkain niya. Sa pag-angat niya ng tingin ay bumaling siya kay Ruzyl na palapit sa kanya. She looked at him coldly and meaningfully, bumagal ang paghakbang nito. Naintindihan ang kahulugan ng tingin niya kahit walang salita. Napakamot ito sa kilay nito at lumihis pabalik sa tatlong lalaki sa iniwan niyang mesa. Nahagip niya pa ang mapang-usisang tingin ng mga ito ng sandali siyang bumaling sa mga ito. She dropped her eyes to her food and started to eat peacefully. Pero hindi din nagtagal ang mapayapa niyang pagkain dahil sa paglapag ng isang tray ng pagkain sa mesa niya at pag-upo don ni Cyrus. Napahinto ang kamay niya sa pagkuha ng pagkain at nag-angat ng tingin rito. Nagtagpo ang mata nilang dalawa. He was smiling but
Wala nang nagawa si Mavis at tahimik na lang na nakinig sa kay Jana na hindi na siya binitawan. Dinala siya nito sa iba't ibang room ng building ng kinaroroonan nila habang pinapaliwanag nito kung ano iyon at kung saan ginagamit. Ang daldal nito at sobrang arte pero naaaliw naman siya sa mga pinagsasabi nito habang nililibot siya nito sa academy kaya hinayaan na lang niya. Hindi naman siya makaalis dahil nakakapit ito sa kanya at hindi talaga siya binibitawan. "And of course, we also have a theater and arts and music class. Do you know how to play any musical instruments?" Baling nito sa kanya matapos ipakita sa kanya ang music room na naglalaman ng iba't ibang instrumento. Tumango siya. Umaliwalas ang mukha nito at mas dumikit pa sa kanya. Hinawi na naman nito ang buhok nito. May color pink na hair clip ito sa buhok nito na maliit na sombrero ang desinyo na pumipigil sa buhok nito pero dahil sa mahaba ang buhok nito ay napupunta sa harap na madalas nitong hawiin palikod. "Really, w
"Mavis!"Nahinto si Mavis sa pagsara ng pinto ng kuwarto niya at napabaling sa tumawag sa kanya.Malalaki ang hakbang ni Jana papalapit sa kanya, malaki ang ngiti nito at tuwang-tuwa. Isinara niya ang pinto ng kwarto niya at binulsa sa coat na suot ang card. Humarap siya rito."You're in this floor too?" Tanong nito ng makalapit. Tumango siya."We're neighbors. That's my room," turo nito sa silid na dalawang pinto ang pagitan mula sa silid niya. "Kapag may kailangan ka just knock at my door. Pumunta ka rin kung wala ka ng klase at di ka busy at mag-bonding tayo sa kwarto ko," she excitedly said.Napatango na lang siya rito. Wala din naman siyang sasabihin pang iba. At sa tono ng pagkasabi nito ay para rin namang hindi ito tatanggap ng pagtanggi."What's your class today?""Etiquette and Personal Development."Namilog ang mga mata nito at tuwang-tuwa na inangkla sa braso niya ang kamay nito. Napahinga na lang siya ng malalim. Jana giggled excitedly."We have the same class. Sabay na
Halos mapaatras si Mavis sa deretsong pagkapit ni Jana sa kanya pagkalapit nito sa kanya. Lihim siyang napangiwi ng masagi nito ang gasgas sa siko niya. Napahinga siya ng malalim. Napatingin siya rito. Tuluyan ng nabura sa isip nito ang pagkatalo at nabaling na sa kanya ang atensyon."Kanina pa kita hinahanap. Na late ka ng gising?" Tanong nito.Tumango siya. "Oo."Malawak itong ngumiti sa kanya. Ngunit ng mapalingon sa kinaroroonan ni Allison kalaunan ay dahan-dahan itong napasimangot."Natalo na naman ako ng ingrata," sabi nito sa tonong nagsusumbong. "Mahirap talagang tanggapin kapag ang ingrata ang nakakatalo sa akin."Muling nasira ang mukha nito dahil naalala ang pagkatalo nito sa mortal nitong kaaway. Sumimangot ito, bagsak ang balikat at huminga ng malalim.Tipid siyang ngumiti rito. "Magaling ka naman. Isang puntos lang ang lamang niya, that'sgood enough. Bumawi ka na lang sa susunod." sabi niya rito.Hindi pa rin nagbago ang ekspresyon nito. Hindi matanggap ang pagkatalo."
Ramdam naman ni Mavis ang pagiging misteryoso ni Cyrus sa una pa lang. Ramdam niya ang malakas nitong dating sa unang pagtagpo pa lang ng mga mata nila. Pero ngayong, seryosong-seryoso ito at halos magdikit na ang kilay habang nakatingin sa sugat niya ay parang mas lalong lumala iyon.Ang suplado nitong tingnan. Nakakabang kausapin dahil baka sisinghalan ka lang sa inis nito. Hindi niya tuloy mapigilan na hindi ito tingnan, inaalala niya kung nakita na ba niya itong ganito kaseryoso. Naninibago siya sa itsura nitong walang bahid ng laro at kalokohan. Lagi siya nitong iniinis, yon ang madalas niyang mapansin rito kapag nagkakausap sila. He likes watching her eyes with flickered emotions at hindi malamig at blanko.Naalala niyang sinabi nitong sinasadya nitong kunin ang atensyon niya. No'ng una ay wala lang naman iyon sa kanya but now she can feel how her face heated up. And she hate it."What did you do? Bakit ganito kalaki ang gasgas mo?" Salubong ang kilay nitong tanong.Nang mag-an
Hindi alam ni Mavis kung ano ang pumasok sa isip niya pero natagpuan na lang niya ang sariling nakasakay sa kotse kasama si Ruzyl patungo sa party nina Jana. Nang magtanong ito kanina ay nagtatalo ang isip niya hanggang sa dahan-dahan na lang siyang tumango rito."I'll just change," sabi niya.Tumango ito sa kanya at mababang yumuko at tumalikod na. Nang maisara niya ang pinto ay mariin niyang kinagat ang ibabang labi.'What I was thinking?'Gusto niyang tawagin ulit si Ruzyl para sabihing nagbago na ang isip niya at hindi na siya pupunta pero bago niya pa gawin iyon ay muli na namang nagbago ang isip niya. Iginala niya ang tingin sa kwarto niya.Wala naman siyang gagawin rito. Hindi naman masama kung pupunta siya. And Jana is also anticipating her to come in that party... okay lang naman kung pupunta siya, minsan lang naman.Huminga siya ng malalim at tumungo na sa closet niya para maghanap ng susuotin. She chose to wear a white dress with a see-through sleeves, pinaresan niya iyon n
Kusang tumaas ang kilay niya sa tinuran nito. Hindi pa ba tapos ang ganitong issue? And how the hell did he knew that she leave the academy together with Ruzyl earlier?"Hindi ba nasagot ko na yan?"Halos magdugtong na ang kilay nito habang nakatitig sa kanya."You told me that you're not—""Then I'm not," kalmado niyang putol rito. Binalik niya ang tingin sa fountain. Naghahanap ng ibang mapagkakaabalahan ang mga mata niya dahil pakiramdam niya kung magtagal ang tingin niya rito ay malulunod siya. She can't take her eyes away from him na kailangan niya pa ng bolta-boltaheng pagpigil sa sarili para hindi tingnan ang iritadong gwapong mukha nito."Then why are you always together? Madalas din ang paglapit sa iyo at kung mag-usap kayo ay para kayong may sariling mundo."Napabaling siya rito. Salubong na ang kilay niya. Bakit pakiramdam niya may malaking kasalanan siya rito? Na kailangan niyang magpaliwanag at humingi ng sorry para mapanatag ito.Ang boses, ang tono ng pananalita nito a
"Busy?" Mula sa pagkadukdok sa mga papeles sa harap niya ay napaangat ng tingin si Cyrus kay Ruzyl na kakapasok lang sa opisina niya. Bumuntong-hininga siya, umayas ng upo at sumandal sa swivel chair niya kasabay ng paghilot sa nanakit niya ng batok. Isang araw lang siya hindi nakapasok sa trabaho ay natambakan na agad siya, idagdag pa ang ilang meetings ngayong araw na hindi niya pwede maipagliban o reschedule na naman.'At wala ka pang balak na pumasok ngayong araw kung hindi ka hinikayat ng asawa mo?' agad na kastigo ng isang bahagi ng isip niya.Natigilan siya sa huling salita. Asawa. Napangisi siya nang maalala ang magandang mukha ni Mavis, his wife. Yeah! Finally! After a long years of loving her quietly from afar, he got her. And he's very happy. Parang bigla tuloy siyang ginanahan sa trabaho dahil sa pagkaisip sa babaeng mahal niya. But he's glowing of hearts mood immediately vanished nang mabalingan ang nakataas na kilay na anyo ni Ruzyl sa harap niya. Kung makatingin ito sa
"You'll meet Rumsay and Jana today?"Mula sa pagtingin sa sariling repleksyon sa salamin ay napabaling si Mavis sa kama kung nasaan si Cyrus. Nakabalot ang ibabang bahagi ng katawan nito ng puting kumot while he's upper part is on full show. Napanguso siya ng wala sa sariling sinuyod ang katawan nito ng tingin. The memory of what happened last night suddenly flash on her mind forming a red tint on her cheeks. Napatikhim siya at nag-iwas ng tingin rito. Ibinalik niya ang atensyon sa repleksyon at pag-aayos sa sarili. She sighed nang makita ang pamumula ng pisngi niya sa repleksyon."Pretty?" agaw ni Cyrus sa atensyon niya nang hindi niya ito nasagot. Wala itong kaide-ideya sa tumatakbo sa isip niya.Muli siyang napatikhim at kinuha ang lipstick niya. "Yes," sagot niya sa tanong nito. "You know we have these girl's date every month. Dahil sa naging busy kami these past few months ay hindi natuloy-tuloy iyon kaya kailangan ko silang sulputin ngayon since I'll be busy again starting tomo
"Dashiel, you're going home?" Nahinto siya sa akmang paglabas ng classroom at napalingon sa nagsalita. Kunot ang noo ni Lairo habang nakatingin sa kanya, katabi nito si Jerson na nagtatanong rin ang tingin sa kanya. Tumango siya. Mas lalong nangunot ang noo nito. "Madalas ka yatang umuwi ngayon ng maaga. Hindi ka na sumasama sa amin. Nagyaya si Ruzyl kanina sa hall after class, sasama raw si Allison. Hindi ka na naman sasama?" Umiling siya. "Kailangan kong umuwi," tipid niya lang sagot at nagpatuloy na sa pag-alis. Narinig niya pa ang pagtawag ng mga ito sa kanya pero hindi na siya lumingon pa at nagpatuloy na sa pag-alis. Agad na napaayos ng tayo ang driver na naghihintay sa kanya. "Aalis na tayo, sir?" Tumango siya at sumakay na sa backseat. Agad naman na pumihit sa driver seat ang driver niya. Sumilip pa ito sa may rearview mirror habang binubuhay nito ang makina. "Wala kayong lakad nina sir Lairo ngayon,sir." "Let's head home now kuya," tanging sagot niya at tumanaw na sa
He first met her as sweet and gentle little girl. Maaliwalas lagi ang mukha at matamis ang ngiti na ginagawad sa lahat. Lagi niya itong natatanaw na bumabati sa kahit na sinong tao kilala man nito o hindi. Laging nakabraid ang buhok nito, madalas na kulay puti ang dress na suot at may maliit na shoulder bag lagi na iba't iba ang desinyo, kung hindi iba't ibang hayop ay iba't ibang klase ng bulaklak naman. She was adorable. He once heard a beautiful woman calling her Ariestiel. Tinandaan niya ang pangalang iyon mula nang marinig niya. She was friendly and cheerful. Madalas siyang isama ng papa niya kapag may meeting ito sa SGC na dinadaluhan o may dinadalaw. At sa halos lahat ng pagkakataon na iyon ay lagi niya itong nakikita. Lagi niya itong sinisilayan kahit na hindi naman siya nito napapansin o ginagawaran ng tingin kahit sandali lang. Kaya nang unang lapit nito sa kanya ay hindi niya talaga napigilang mamangha at mabigla. Humihiling siya sa wishing fountain nang araw na iyo
"Ano po ba ang gusto niyong tanghalian, señorita."Tipid na ngumiti si Mavis sa kay manang Josefa. Ang caretaker ng isla nila. Dumating ito kanina kasama ang asawa at ang dalawang anak nito na katulong nito sa pagbabantay at pag-aalaga ng villa at nang isla. Her family is her parents trusted caretakers of the island. Umiling siya rito. "Ako na po ang magluluto, aling Josefa."Wala na naman siyang ginagawa ngayon dahil tinapos na niya iyon kagabi. Kaya imbes na tutunganga lang siya she wants to learn how to cook. May alam siya but it's just basic, mga simpleng lulutuin lang. At isa pa she wants to learn how to cook some Filipino dish."Aba't sigurado ho kayo señorita?"Magalang siyang tumango at ngumiti rito. "Opo.""Eh, hindi mo ba kailangan ng tulong?""I'm not confident in my cooking skills so I'll appreciate a little help."Tumawa ang ginang na ikinalawak ng ngiti niya. "Oh! siya segi. Ano ba ang lulutuin mo."Natigil siya sandali para mag-isip. And then she remembered the partic
Two days had passed. Dalawang araw na tanging silang dalawa lang sa isla. Napag-alaman niyang umuwi ang caretaker sa pamilya nito at babalik lang sa sabado para maglinis ng villa. Naiwan tuloy na tanging silang dalawa lang sa isla.It's friday. Nagkukulong siya sa silid niya at nakaharap sa laptop niya para i-check ang reports at files na sinend ng secretary niya. Malakas ang ulan mula pa kaninang umaga kaya hindi sila nakalabas ni Cyrus ng bahay. Sa nakalipas na dalawang araw ay ginugol nila ang oras nila sa paglilibot ng isla at pagligo sa dagat. Sinamahan din siya nito na puntahan ang cliff na madalas niyang akyatin dati. Nagpicnic pa nga sila don. Sa tuwing hapon at papalubog na ang araw ay tumatambay sila sa dalampasigan para panoorin iyon. Nanatili sila don hanggang sa tuluyan ng kumalat ang dilim.Plano sana nilang mangisda ngayon sa may wooden port pero hindi na nila nagawa dahil nga sa bumuhos ang ulan. All their plan today ay hindi natuloy dahil sa hindi inaasahang pagbuhos
They ate their late lunch together. Walang kumikibo sa kanilang dalawa pero panay ang tingin nito sa kanya. Tahimik rin siya nitong inaasikaso na walang salita niya lang hinahayaan. Paminsan-minsan ay lumilingon-lingon siya sa pintuan sa pag-iisip na baka nang-grocery lang sa bayan ang caretaker at babalik kahit na anong oras.Matapos nilang kumain ay nagprisinta siyang siya ang maghuhugas ng pinagkainan nila tutal ay ito naman ang nagluto. Pumayag naman ito pero hindi nakaligtas sa tingin niya ang bahagyang pagtaas ng kilay nito at pagpigil ng ngiti. Iniisip ba nitong hindi siya marunong maghugas ng plato? Tumaas ang kilay niya sa naisip.Nakumpirma niya ang hinala niya nang matapos nilang ligpitin ang pinagkainan nila at nagsimula na siyang maghugas. Nanatili ito sa kusina. Nakasandal sa may counter at nakamasid sa ginagawa niya na para bang ito ang amo sa pamamahay na ito at siya ang katulong na bawal magkamali. Nagsasabon na siya ng plato nang iritang binalingan niya ito dahil s
Salubong ang kilay ni Mavis habang nakasunod ang tingin kay Cyrus na kumportableng kumikilos sa kusina ng villa at nagluluto.He's still topless for godsake! Wala na bang damit ito?Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakabawi sa pagkabigla nang makita ito rito sa isla. Gulat na gulat siya pero ngumiti lang ito sa kanya kanina at lumapit, walang bakas ng gulat at pagtataka. Tinanong pa siya kung kamusta ang byahe niya like he knew that she will arrive here today. Ito pa mismo ang nagyaya sa kanyang pumasok sa villa na pagmamay-ari ng pamilya niya like what the hell? Mas lalong nagsalubong ang kilay niya. Kanina pa siya nangangating magtanong pero hindi siya makahanap ng pagkakataon dahil okupado ito sa pagluluto. Pero hindi na niya kayang magtiis. She need to know why he's here?Tumikhim siya para agawin ang atensyon nito pero nanatili itong nakatalikod at naghuhugas ng mga sangkap na gagamitin nito. Muli siyang tumikhim. At halos mapairap siya nang hindi pa rin ito lumilingon sa k
Nanatili silang nakatitig sa isa't isa. Walang sinuman ang nagsalita. Napapalunok siya para tanggalin ang bumabara sa lalamunan niya. Hindi na muli pang kumalma ang puso niya. Ni hindi niya magawang kumurap habang nakatitig rito."Cyrus..." she whispered.May dala itong tray ng pagkain. Naka-puting v-neck shirt ito at pajama. Magulo ang buhok nito na tila kakabangon lang sa kama. Mukhang pagkagising nito ay agad na tumungo ito sa kusina para magluto. Kung ito nga ang nagluto ng pagkaing dala nito.Tipid itong ngumiti sa kanya. Naglakad ito palapit sa kanya habang hindi niya naman magawang iiwas ang tingin rito. Nagwawala ang puso niya. Hindi niya alam kung ano ba dapat ang irereact niya at iaakto niya sa harap nito. Hindi niya inasahan. Hindi niya ito napaghandaan."How's your feeling? Hangover?" marahang tanong nito. Nilapag nito sa may bedside table ang tray at umupo sa kama sa tabi niya at tumingin sa kanyang di magawang ibaling sa iba ang tingin. Hindi siya nagsalita para sagutin