Kusang tumaas ang kilay niya sa tinuran nito. Hindi pa ba tapos ang ganitong issue? And how the hell did he knew that she leave the academy together with Ruzyl earlier?"Hindi ba nasagot ko na yan?"Halos magdugtong na ang kilay nito habang nakatitig sa kanya."You told me that you're not—""Then I'm not," kalmado niyang putol rito. Binalik niya ang tingin sa fountain. Naghahanap ng ibang mapagkakaabalahan ang mga mata niya dahil pakiramdam niya kung magtagal ang tingin niya rito ay malulunod siya. She can't take her eyes away from him na kailangan niya pa ng bolta-boltaheng pagpigil sa sarili para hindi tingnan ang iritadong gwapong mukha nito."Then why are you always together? Madalas din ang paglapit sa iyo at kung mag-usap kayo ay para kayong may sariling mundo."Napabaling siya rito. Salubong na ang kilay niya. Bakit pakiramdam niya may malaking kasalanan siya rito? Na kailangan niyang magpaliwanag at humingi ng sorry para mapanatag ito.Ang boses, ang tono ng pananalita nito a
Bumukas ang pinto. Naibaba niya ang tingin niya at agad na tumungo iyon kay Jana na lumabas roon. Namilog pa ang bibig nito ng mamataan si Cyrus na nakaupo sa upuang iniwan nito kanina, nakatingin pa rin sa kanya at di man lang nilingon ang bagong dating. Napatikhim siya at naglakad pabalik, palapit sa mga ito.Jana looked at her like she did something wrong. Naningkit ang mata nito sa kanya na malamig niya lang na binalikan ng tingin.Bakit ngayon lang ito nakabalik? Kukuha lang ito ng drinks pero halos ilang oras sa loob? Bumaba ang tingin niya sa bakanteng kamay nito. Wala naman itong dalang drinks katulad ng sinabi nito kanina. Sa halip ay hawak nito ang car key ng sasakyan niya. "Cyrus, dumating ka pala? Akala ko hindi ka pwede kasi you have a lot of things to do in your family's firm," sabi nito pero sa kanya naman nakatingin at hindi kay Cyrus.Tumaas ang isang kilay niya rito. Lumingon naman si Cyrus rito pero hindi ito sinagot. Seryoso lang itong tiningnan. Napatikhim ito a
Walang nagawa si Mavis ng itulak siya papasok ni Rumsay sa tunnel. Halos mapasinghap siya ng mabilis siya dumulas don pababa, ramdam niya ang pagsunod ni Rumsay sa kanya. Bumagsak siya sa basurahan na punong-puno ng mga nagunting papel. Mabilis siyang tumayo don at tinanggal ang mga dumikit sa kanya. Hindi nagtagal ay sumunod sa kanya si Rumsay don. Tumayo ito at tinanggal ang suot na cap, tinanggal din nito ang mga nagdikit na papel rito.Binaba niya ang hood niya pero pinanatili niya ang cap na suot niya. Napatingin siya sa kaharap niya. Seryosong-seryoso ito sa pagtatanggal ng maliliit na papel sa buhok nito. Dahil sa nakalaya ang buhok nito ay madali iyong nilipad ng ihip ng panggabing hangin."Paano mo nalaman na nandon ako?" Seryosong tanong niya habang nakamasid rito.Nahinto ito. Nang mag-angat ito ng tingin sa kanya ay masama siya nitong tiningnan. Halata ang pagkapikon at hindi pagkatuwa sa kanya. "Talagang tinanong mo pa yan. I saw you at the monitor of course!" Singhal ni
Nang imulat ni Mavis ang mga mata niya kinabukasan ay napatulala na lang siya sa kisame ng silid niya. Tila pelikulang bumalik sa alaala niya ang mga nangyari kagabi. Ang pagpasok niya sa headmaster's office, ang pag-uusap nila ni Rumsay at lalo na sa lahat ang pagkahuli sa kanya ni Cyrus kagabi at ang mga oras na magkasama nilang pinatay ang oras para magpaantok.Dapat hindi ito ang iniisip niya ngayon. She should think about her plan, like how she can make chairman Resalde come out from wherever he is now. Lalo na ilang buwan na lang matatapos na ang anim na buwan niya rito sa academy. But how can she focus if the image of cyrus keep crossing her mind?!Napasinghap na lang siya nang maalala ang lantarang pagpuri niya rito. Tila umakyat sa pisngi niya ang dugo niya dahil sa pag-init at pamumula non. Halos pukpukin niya ang sarili dahil sa tuluyang nabalikan ang nangyari kagabi kasama ito.Hindi niya alam ang gagawin ng sunod-sunod na inubo ito habang tinatapik ang dibdib. Umawang ang
Mavis started to think that she's not on her normal self anymore. Hindi na niya nakokontrol ang isip at kilos niya. Lalo na kapag si Cyrus ang pinag-uusapan. She hate him but she can't avoid him. Napipikon at naaasar siya rito pero sa huli ay nahuhuli na lang niya ang sariling namumula ang pisngi o di kaya ay nagpipigil ng ngiti. Hindi man niya naririnig ang bulungan ng mga nakakakita sa kanila na madalas na magkasama ay alam niyang kung ano anong issue o konklusyon ang nasa isip ng mga ito tungkol sa kanilang dalawa. Mula nang nangyari sa cafeteria ay halos hindi na dumidikit si Jana sa kanya pero pumalit naman si Cyrus rito. Na hindi niya mabilang kung ilang beses na niyang nasapak kapag napipikon siya sa mga pang-aasar nito sa kanya.The brute even calling her pretty since that day. Kinukumbinsi pa siyang tawagin itong handsome dahil naguguwapuhan naman daw siya rito so they will be fair. Napipikon siya but she can't ignore those tingling sensation that she felt everytime she's w
Hindi mapirmi ang mga mata ni Mavis. Napapalingon siya kay Cyrus sa tabi niya. Tahimik ito at malalim ang pag-iisip. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin alam kung bakit galit ito kanina at sobrang naiirita. Hindi rin mawala sa isip niya ang sinabi nito na hindi niya maintindihan kung sino ang tinutukoy nito.Isa pa ang lalaking ito. Matagal na mula nang makilala niya ito but he's still mysterious to her. Wala siyang alam rito, at kung may meron man bilang lang iyon sa mga daliri niya. And a person who mysterious as him is the one she should avoiding. They are dangerous because they're hard to read and defined. They have a lot of secrets. Pero hindi niya maitulak ang sarili palayo rito. Paulit-ulit na niyang sinabi na delikado ang mga taong tulad nito. Paulit-ulit na halos tumatatak na sa isip niya pero kapag nandyan na ay hindi naman siya umiiwas. Nakikita niyang hindi ito dapat pagkatiwalaan, na dapat itong iwasan, na mapanganib ito pero hindi niya iyon maramdaman kapag kasama niya
Mavis can't stop thinking about the coming weekend. Hindi siya mapakali sa kakaisip that she and Cyrus will having a date. Wala pa pero kinakabahan na siya. Kung ano-anong senaryo ang pumapasok sa isip niya. Halos hindi siya tuloy makapag-focus sa nalabing araw dahil sa kakaisip don.Ramdam niya ang pinaghalong excitement at kaba sa dibdib niya lalo na nang dumating ang sabado.Sinundo siya ni mang Isko sa academy. Matapos ang huling pag-uusap nila ni Ruzyl ay hindi na niya ito nakita. Wala din naman siyang pakealam dahil sa una pa lang naman ay kasinungalingan ang lahat ng paglapit nito sa kanya. Wala itong responsibilidad na ginagampanan dahil pinutol na ng ama niya ang ugnayan ng mga Servillon sa mga Alejandro matagal na. Siguro ay hinanap nito ang nawawalang ama o baka hinahanap ang pinsan niya, si Rumsay na ngayon ay hindi na rin niya nakita rito sa academy. Ang huling pag-uusap nila sa music room ay ang huli na rin nilang pag-uusap. Sinubukan niya itong padalhan ng mensahe at
Nanatili lang itong nakatingin sa kanya. Nanatiling nakabukas ang labi nito habang sinusuyod ng tingin ang mukha niya. Hindi niya mabasa ang sumasayaw na emosyon sa madilim na kulay na mga mata nito. Nanatili ang maaliwalas na ngiti niya habang pinagmamasdan ito. Titig na titig ito sa kanya. Pinagmamasdan siya na para bang may kakaiba sa kanya. Sinusuyod siya nito ng tingin at palipat-lipat sa buhok, mata at nakangiting labi niya ang tingin nito."You tied up your hair...," puna nito.Nakagat niya ang ibabang labi niya, hindi alam kung ano ang sasabihin sa pinuna nito. Ano naman ang sasabihin niya na naalala niya ito kanina kaya tinali niya ang buhok niya dahil sa sinabi nito? Hoping that he will like it.Mas napatitig ito sa kanya. Ilang sandali lang itong namamanghang nakatingin sa kanya na tila ba namamalikmata bago dahan-dahang umangat ang gilid ng labi nito para sa isang matamis na ngiti.Napahawak siya sa strap ng sling bag niya sa harapan."You look more pretty," puri nito hab
"Busy?" Mula sa pagkadukdok sa mga papeles sa harap niya ay napaangat ng tingin si Cyrus kay Ruzyl na kakapasok lang sa opisina niya. Bumuntong-hininga siya, umayas ng upo at sumandal sa swivel chair niya kasabay ng paghilot sa nanakit niya ng batok. Isang araw lang siya hindi nakapasok sa trabaho ay natambakan na agad siya, idagdag pa ang ilang meetings ngayong araw na hindi niya pwede maipagliban o reschedule na naman.'At wala ka pang balak na pumasok ngayong araw kung hindi ka hinikayat ng asawa mo?' agad na kastigo ng isang bahagi ng isip niya.Natigilan siya sa huling salita. Asawa. Napangisi siya nang maalala ang magandang mukha ni Mavis, his wife. Yeah! Finally! After a long years of loving her quietly from afar, he got her. And he's very happy. Parang bigla tuloy siyang ginanahan sa trabaho dahil sa pagkaisip sa babaeng mahal niya. But he's glowing of hearts mood immediately vanished nang mabalingan ang nakataas na kilay na anyo ni Ruzyl sa harap niya. Kung makatingin ito sa
"You'll meet Rumsay and Jana today?"Mula sa pagtingin sa sariling repleksyon sa salamin ay napabaling si Mavis sa kama kung nasaan si Cyrus. Nakabalot ang ibabang bahagi ng katawan nito ng puting kumot while he's upper part is on full show. Napanguso siya ng wala sa sariling sinuyod ang katawan nito ng tingin. The memory of what happened last night suddenly flash on her mind forming a red tint on her cheeks. Napatikhim siya at nag-iwas ng tingin rito. Ibinalik niya ang atensyon sa repleksyon at pag-aayos sa sarili. She sighed nang makita ang pamumula ng pisngi niya sa repleksyon."Pretty?" agaw ni Cyrus sa atensyon niya nang hindi niya ito nasagot. Wala itong kaide-ideya sa tumatakbo sa isip niya.Muli siyang napatikhim at kinuha ang lipstick niya. "Yes," sagot niya sa tanong nito. "You know we have these girl's date every month. Dahil sa naging busy kami these past few months ay hindi natuloy-tuloy iyon kaya kailangan ko silang sulputin ngayon since I'll be busy again starting tomo
"Dashiel, you're going home?" Nahinto siya sa akmang paglabas ng classroom at napalingon sa nagsalita. Kunot ang noo ni Lairo habang nakatingin sa kanya, katabi nito si Jerson na nagtatanong rin ang tingin sa kanya. Tumango siya. Mas lalong nangunot ang noo nito. "Madalas ka yatang umuwi ngayon ng maaga. Hindi ka na sumasama sa amin. Nagyaya si Ruzyl kanina sa hall after class, sasama raw si Allison. Hindi ka na naman sasama?" Umiling siya. "Kailangan kong umuwi," tipid niya lang sagot at nagpatuloy na sa pag-alis. Narinig niya pa ang pagtawag ng mga ito sa kanya pero hindi na siya lumingon pa at nagpatuloy na sa pag-alis. Agad na napaayos ng tayo ang driver na naghihintay sa kanya. "Aalis na tayo, sir?" Tumango siya at sumakay na sa backseat. Agad naman na pumihit sa driver seat ang driver niya. Sumilip pa ito sa may rearview mirror habang binubuhay nito ang makina. "Wala kayong lakad nina sir Lairo ngayon,sir." "Let's head home now kuya," tanging sagot niya at tumanaw na sa
He first met her as sweet and gentle little girl. Maaliwalas lagi ang mukha at matamis ang ngiti na ginagawad sa lahat. Lagi niya itong natatanaw na bumabati sa kahit na sinong tao kilala man nito o hindi. Laging nakabraid ang buhok nito, madalas na kulay puti ang dress na suot at may maliit na shoulder bag lagi na iba't iba ang desinyo, kung hindi iba't ibang hayop ay iba't ibang klase ng bulaklak naman. She was adorable. He once heard a beautiful woman calling her Ariestiel. Tinandaan niya ang pangalang iyon mula nang marinig niya. She was friendly and cheerful. Madalas siyang isama ng papa niya kapag may meeting ito sa SGC na dinadaluhan o may dinadalaw. At sa halos lahat ng pagkakataon na iyon ay lagi niya itong nakikita. Lagi niya itong sinisilayan kahit na hindi naman siya nito napapansin o ginagawaran ng tingin kahit sandali lang. Kaya nang unang lapit nito sa kanya ay hindi niya talaga napigilang mamangha at mabigla. Humihiling siya sa wishing fountain nang araw na iyo
"Ano po ba ang gusto niyong tanghalian, señorita."Tipid na ngumiti si Mavis sa kay manang Josefa. Ang caretaker ng isla nila. Dumating ito kanina kasama ang asawa at ang dalawang anak nito na katulong nito sa pagbabantay at pag-aalaga ng villa at nang isla. Her family is her parents trusted caretakers of the island. Umiling siya rito. "Ako na po ang magluluto, aling Josefa."Wala na naman siyang ginagawa ngayon dahil tinapos na niya iyon kagabi. Kaya imbes na tutunganga lang siya she wants to learn how to cook. May alam siya but it's just basic, mga simpleng lulutuin lang. At isa pa she wants to learn how to cook some Filipino dish."Aba't sigurado ho kayo señorita?"Magalang siyang tumango at ngumiti rito. "Opo.""Eh, hindi mo ba kailangan ng tulong?""I'm not confident in my cooking skills so I'll appreciate a little help."Tumawa ang ginang na ikinalawak ng ngiti niya. "Oh! siya segi. Ano ba ang lulutuin mo."Natigil siya sandali para mag-isip. And then she remembered the partic
Two days had passed. Dalawang araw na tanging silang dalawa lang sa isla. Napag-alaman niyang umuwi ang caretaker sa pamilya nito at babalik lang sa sabado para maglinis ng villa. Naiwan tuloy na tanging silang dalawa lang sa isla.It's friday. Nagkukulong siya sa silid niya at nakaharap sa laptop niya para i-check ang reports at files na sinend ng secretary niya. Malakas ang ulan mula pa kaninang umaga kaya hindi sila nakalabas ni Cyrus ng bahay. Sa nakalipas na dalawang araw ay ginugol nila ang oras nila sa paglilibot ng isla at pagligo sa dagat. Sinamahan din siya nito na puntahan ang cliff na madalas niyang akyatin dati. Nagpicnic pa nga sila don. Sa tuwing hapon at papalubog na ang araw ay tumatambay sila sa dalampasigan para panoorin iyon. Nanatili sila don hanggang sa tuluyan ng kumalat ang dilim.Plano sana nilang mangisda ngayon sa may wooden port pero hindi na nila nagawa dahil nga sa bumuhos ang ulan. All their plan today ay hindi natuloy dahil sa hindi inaasahang pagbuhos
They ate their late lunch together. Walang kumikibo sa kanilang dalawa pero panay ang tingin nito sa kanya. Tahimik rin siya nitong inaasikaso na walang salita niya lang hinahayaan. Paminsan-minsan ay lumilingon-lingon siya sa pintuan sa pag-iisip na baka nang-grocery lang sa bayan ang caretaker at babalik kahit na anong oras.Matapos nilang kumain ay nagprisinta siyang siya ang maghuhugas ng pinagkainan nila tutal ay ito naman ang nagluto. Pumayag naman ito pero hindi nakaligtas sa tingin niya ang bahagyang pagtaas ng kilay nito at pagpigil ng ngiti. Iniisip ba nitong hindi siya marunong maghugas ng plato? Tumaas ang kilay niya sa naisip.Nakumpirma niya ang hinala niya nang matapos nilang ligpitin ang pinagkainan nila at nagsimula na siyang maghugas. Nanatili ito sa kusina. Nakasandal sa may counter at nakamasid sa ginagawa niya na para bang ito ang amo sa pamamahay na ito at siya ang katulong na bawal magkamali. Nagsasabon na siya ng plato nang iritang binalingan niya ito dahil s
Salubong ang kilay ni Mavis habang nakasunod ang tingin kay Cyrus na kumportableng kumikilos sa kusina ng villa at nagluluto.He's still topless for godsake! Wala na bang damit ito?Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakabawi sa pagkabigla nang makita ito rito sa isla. Gulat na gulat siya pero ngumiti lang ito sa kanya kanina at lumapit, walang bakas ng gulat at pagtataka. Tinanong pa siya kung kamusta ang byahe niya like he knew that she will arrive here today. Ito pa mismo ang nagyaya sa kanyang pumasok sa villa na pagmamay-ari ng pamilya niya like what the hell? Mas lalong nagsalubong ang kilay niya. Kanina pa siya nangangating magtanong pero hindi siya makahanap ng pagkakataon dahil okupado ito sa pagluluto. Pero hindi na niya kayang magtiis. She need to know why he's here?Tumikhim siya para agawin ang atensyon nito pero nanatili itong nakatalikod at naghuhugas ng mga sangkap na gagamitin nito. Muli siyang tumikhim. At halos mapairap siya nang hindi pa rin ito lumilingon sa k
Nanatili silang nakatitig sa isa't isa. Walang sinuman ang nagsalita. Napapalunok siya para tanggalin ang bumabara sa lalamunan niya. Hindi na muli pang kumalma ang puso niya. Ni hindi niya magawang kumurap habang nakatitig rito."Cyrus..." she whispered.May dala itong tray ng pagkain. Naka-puting v-neck shirt ito at pajama. Magulo ang buhok nito na tila kakabangon lang sa kama. Mukhang pagkagising nito ay agad na tumungo ito sa kusina para magluto. Kung ito nga ang nagluto ng pagkaing dala nito.Tipid itong ngumiti sa kanya. Naglakad ito palapit sa kanya habang hindi niya naman magawang iiwas ang tingin rito. Nagwawala ang puso niya. Hindi niya alam kung ano ba dapat ang irereact niya at iaakto niya sa harap nito. Hindi niya inasahan. Hindi niya ito napaghandaan."How's your feeling? Hangover?" marahang tanong nito. Nilapag nito sa may bedside table ang tray at umupo sa kama sa tabi niya at tumingin sa kanyang di magawang ibaling sa iba ang tingin. Hindi siya nagsalita para sagutin