Mavis is engrossedly staring the painting in a corner of a conference room they dined in after their dinner. Sandaling lumabas si Cyrus dahil may kakausapin raw kaya naiwan siyang mag-isa sa loob at hinintay ito katulad ng sinabi nito kanina bago umalis.Habang hinihintay ito ay inabala niya ang sarili sa pagmamasid sa ilang painting na nakasabit sa wall ng silid. Actually, hindi lang ang mga painting ang nagpakuha ng atensyon niya at umaliw sa kanya but also the place. The ambiance looks elegant and expensive. With the dim lights from an expensive chandelier to the furnitures, paintings and the overall interior of the room hindi maikukubli kung gaano kamahal ang lugar. Kahit nga ang lobby pa lang pagpasok nila kanina sa building kung saan nagkalat ang mga eleganteng tao at ilang mayayaman at kilalang personalidad ay makikita mo na na pinag-isipan talaga ang desinsyo ng bawat bahagi ng casino hotel. Everything is expensive na matatakot kang humawak sa mga bagay dahil baka mabasag at
"Hindi ka na babalik sa academy, señorita?" Gulat na tanong ni Mang Isko sa kanya.Nahinto siya sa pagbabasa ng files na hiningi niya rito tungkol sa status ng SGC. Bumaling siya rito at umiling.Natigilan ito at ilang sandaling hindi nakapagsalita."Pero paano si chairman Resalde?""Nawawala si Russell Alejandro kaya wala akong maaring mapagkukunan ng impormasyon tungkol sa kinaroroonan ng chairman. Sa halos apat na buwan kong pagpasok sa academy ay wala man lang akong narinig ni isa tungkol sa chairman o nabalitaan man lang. Nasayang ang apat na buwan ko roon at ayokong ubusin ang anim na buwan ko doon na paniguradong masasayang lang. Magbabago ako ng plano," sabi niya at binalingan muli ang mga dokumento at papeles sa harap niya. Hindi na siya babalik sa academy at susubukan niyang pasukin ang kompanya ni Chairman Resalde. Nakakapagtaka talagang hindi mahanap-hanap ang lokasyon nito. Masyado iyong mahirap paniwalaan lalo't na paniguradong hindi naman ito nagtatago. Nagdududa siya,
Hindi alam ni Mavis kung gaano siya katagal na nanatili sa loob ng kotse niya sa labas ng Resalde Construction firm pero inabot siya ron nang paglubog ng araw. Nakasandal siya sa backrest ng seat na naka-recklined. Nakatulala siya sa bubong ng kotse niya.Blanko ang utak niya. Namamanhid ang puso niya. The pain she feel is excruciating. Sobrang tindi na namamanhid na ang puso niya dahil don, halos wala na siyang maramdaman. How did this happened? Why did she allowed herself to be fooled? Akala niya malakas ang pakiramdam niya sa motibo ng mga taong lumalapit sa kanya.... Malakas nga kasi nagduda siya, pinagdudahan niya si Cyrus no'ng una pero pinili niyang ignorahin iyon hanggang sa tuluyan na niyang nakalimutan.She wanted to feel the regret for letting Cyrus entered her life but she can't and that's anger her the most. Galit siya pero hindi para rito kundi para sa sarili niya. She didn't change at all. She thought she changed... she thought the old Mavis was dead but she was wro
Mavis is staring blankly at the ceiling of her room. Mataas na ang sikat ng araw pero nanatili pa rin siya nakahiga sa kama niya. Nakasabog ang mahabang buhok niya sa unan at nakababa ang kamay niya sa magkabilang gilid niya. Ang kumot niya ay magulong nakatakip sa katawan niya.She felt cold, figuratively. Nababalot ng lamig ang puso niya. Narinig niya ang marahang pagkatok sa pintuan ng silid niya pero nanatili siyang walang kibo. Nanatiling nakatulala pa rin."Señorita Mavis?" She heard aling Mara's voice on behind the door. Muli itong kumatok. "Papasok ako," paalam nito, makalipas ang ilang sandali nang hindi pa rin siya sumasagot. Bumukas ang pinto ng silid pero hindi pa rin siya lumingon don. Wala pa ring kibo at nakatanaw pa rin sa kisame."Señorita...." nag-alalang tawag nito sa kanya. Narinig niya ang paglakad nito palapit sa kanya. "Tanghali na, wala ka bang gagawin ngayon?" marahang sabi nito.Hindi siya sumagot. Bumuntong-huminga ito at lumagpas sa kama niya. Tumungo ito
Pumiglas siya sa hawak nito sa kanya nang hindi pa rin ito kumilos para bumaba sa kabayo niya. Mahina itong napamura nang muntikan na siyang mahulog nang lumuwag ang hawak nito."Mavis, stop moving baka mahulog ka.""I said get down!""I'll take you home—"Hindi nito natapos ang sasabihin ng itulak niya ito. Muling lumuwag ang hawak nito sa kanya. Bumaba siya ng kabayo niya nang makawala sa hawak nito. Bumaba ang tingin nito sa kanya. She glared him."Sa'yo na ang kabayo na yan tutal ayaw mo namang bumaba diyan," sabi niya at tinalikuran na ito."Mavis!" tawag nito sa kanya. Narinig niya ang pagtalon nito mula sa kabayo niya at mabilis na paghabol sa kanya.Hinablot nito ang braso niya para pigilan siya. Marahas na binalingan niya ito at walang pasubaling sinapak ito sa mukha na ikinabitaw nito sa kanya. Sapo ang pangang napatingin ito sa kanya. Kanina niya pa gustong gawin iyon. Hindi, mali... una pa lang ay gusto na niyang gawin iyon rito matapos niyang malaman ang katotohanan. Hi
"Sigurado ka ba rito señorita? Talagang makikipagkita ka sa kay chairman Resalde?" Bakas ang pag-alala sa boses ni aling Mara habang nakatingin sa kanya. She keep brushing her hair as she nodded at her. Bumuntong-hininga ito at mas lalong lumala ang pag-alala. Nakatayo ito sa likuran niya at nakatingin sa repleksyon niya sa salamin."But atleast bring a bodyguards," kumbinsi nito.Binaba niya ang hairbrush at tuluyan nang humarap rito. "I don't need it. I can handle this," seryosong sagot niya.Muli itong bumuntong-hininga. Tipid siyang ngumiti rito pero hindi matanggal-tanggal ang pagkakunot ng noo nito. "Don't worry, aling Mara. Sa El Dorado naman kami magkikita. The place is safe.""Ligtas ang lugar pero hindi ang taong kikitain mo señorita."Mahina siyang tumawa. Mas lalo tuloy dumami ang wrinkles nito dahil sa pagkunot ng noo. Maya-maya'y unti-unting nabura ang tawa at ngiti niya. Sumeryoso siya habang ang ginang ay hindi pa rin matanggal ang pag-alala. "Hindi din naman siya
Nagising si Mavis sa init ng sikat nang papalubog na araw na tumatagos sa glass wall na nakapagitan sa silid at balkonaheng karugtong ng silid niya. Gumalaw siya at naramdaman niya ang pagkalaglag ng kumot na nakapatong sa kaniyang katawan. Nang imulat niya ang mga mata niya ay agad na bumungad sa kanya ang pamilyar na kisame ng silid niya. And then she remembered what happened at mabilis siyang bumalikwas ng bangon. Malakas ang tambol ng dibdib niya nang igala niya ang tingin sa kabuuan ng silid. Mag-isa lang siya sa silid. Ang puting kurtina sa bintana ay marahang iniihip ng hangin. Mula sa labas ay naririnig niya ang mga abalang yabag at boses. Habol niya ang kaniyang paghinga habang bumabalik sa isip niya ang mga nangyari bago siya nawalan ng malay.Her parents! Ang mama't papa niya... nakita niya ang mga ito. They were there!Napalunok siya. Mabilis na hinawi niya ang kumot sa katawan niya at bumaba ng kama. Suot niya pa rin ang bestida na sinuot niya sa pakikipagkita sa kay c
The next day, Mavis woke up brightly than before. Ramdam niya ang pagkawala ng mabigat na bagay na nakadagan sa puso niya. Hindi pa tapos ang problema, Russell Alejandro is still free. Pero ang kaisipan na kasama niya ang mama at papa niya ngayon, na buhay ang mga ito ang nagtanggal ng malaking bigat sa puso niya. Yon ang nagpahirap sa kanya sa mga nakaraang taon. And now that they're here, it feels everything fine kahit ang dami niya pang iniisip at may problema pa. She's happy... Time fly so fast. Ang pagpaplanong pakikipag-usap kay chairman Resalde at Cyrus ay hindi natuloy dahil sa biglaang problemang dumating. Rumsay was abducted by Russell Alejandro. Nagkagulo ang lahat. Nabuksan ang lahat ng mga nangyari five years ago sa media. She met Cyrus dahil katulad nga ng sinabi ng ama niya ay kakampi sila. He look better and fully healed when he show himself in their mansion with her father. Ramdam niya ang pagkabuhay ng puso niya nang agad na tumungo sa kanya ang mga mata nito at
"Busy?" Mula sa pagkadukdok sa mga papeles sa harap niya ay napaangat ng tingin si Cyrus kay Ruzyl na kakapasok lang sa opisina niya. Bumuntong-hininga siya, umayas ng upo at sumandal sa swivel chair niya kasabay ng paghilot sa nanakit niya ng batok. Isang araw lang siya hindi nakapasok sa trabaho ay natambakan na agad siya, idagdag pa ang ilang meetings ngayong araw na hindi niya pwede maipagliban o reschedule na naman.'At wala ka pang balak na pumasok ngayong araw kung hindi ka hinikayat ng asawa mo?' agad na kastigo ng isang bahagi ng isip niya.Natigilan siya sa huling salita. Asawa. Napangisi siya nang maalala ang magandang mukha ni Mavis, his wife. Yeah! Finally! After a long years of loving her quietly from afar, he got her. And he's very happy. Parang bigla tuloy siyang ginanahan sa trabaho dahil sa pagkaisip sa babaeng mahal niya. But he's glowing of hearts mood immediately vanished nang mabalingan ang nakataas na kilay na anyo ni Ruzyl sa harap niya. Kung makatingin ito sa
"You'll meet Rumsay and Jana today?"Mula sa pagtingin sa sariling repleksyon sa salamin ay napabaling si Mavis sa kama kung nasaan si Cyrus. Nakabalot ang ibabang bahagi ng katawan nito ng puting kumot while he's upper part is on full show. Napanguso siya ng wala sa sariling sinuyod ang katawan nito ng tingin. The memory of what happened last night suddenly flash on her mind forming a red tint on her cheeks. Napatikhim siya at nag-iwas ng tingin rito. Ibinalik niya ang atensyon sa repleksyon at pag-aayos sa sarili. She sighed nang makita ang pamumula ng pisngi niya sa repleksyon."Pretty?" agaw ni Cyrus sa atensyon niya nang hindi niya ito nasagot. Wala itong kaide-ideya sa tumatakbo sa isip niya.Muli siyang napatikhim at kinuha ang lipstick niya. "Yes," sagot niya sa tanong nito. "You know we have these girl's date every month. Dahil sa naging busy kami these past few months ay hindi natuloy-tuloy iyon kaya kailangan ko silang sulputin ngayon since I'll be busy again starting tomo
"Dashiel, you're going home?" Nahinto siya sa akmang paglabas ng classroom at napalingon sa nagsalita. Kunot ang noo ni Lairo habang nakatingin sa kanya, katabi nito si Jerson na nagtatanong rin ang tingin sa kanya. Tumango siya. Mas lalong nangunot ang noo nito. "Madalas ka yatang umuwi ngayon ng maaga. Hindi ka na sumasama sa amin. Nagyaya si Ruzyl kanina sa hall after class, sasama raw si Allison. Hindi ka na naman sasama?" Umiling siya. "Kailangan kong umuwi," tipid niya lang sagot at nagpatuloy na sa pag-alis. Narinig niya pa ang pagtawag ng mga ito sa kanya pero hindi na siya lumingon pa at nagpatuloy na sa pag-alis. Agad na napaayos ng tayo ang driver na naghihintay sa kanya. "Aalis na tayo, sir?" Tumango siya at sumakay na sa backseat. Agad naman na pumihit sa driver seat ang driver niya. Sumilip pa ito sa may rearview mirror habang binubuhay nito ang makina. "Wala kayong lakad nina sir Lairo ngayon,sir." "Let's head home now kuya," tanging sagot niya at tumanaw na sa
He first met her as sweet and gentle little girl. Maaliwalas lagi ang mukha at matamis ang ngiti na ginagawad sa lahat. Lagi niya itong natatanaw na bumabati sa kahit na sinong tao kilala man nito o hindi. Laging nakabraid ang buhok nito, madalas na kulay puti ang dress na suot at may maliit na shoulder bag lagi na iba't iba ang desinyo, kung hindi iba't ibang hayop ay iba't ibang klase ng bulaklak naman. She was adorable. He once heard a beautiful woman calling her Ariestiel. Tinandaan niya ang pangalang iyon mula nang marinig niya. She was friendly and cheerful. Madalas siyang isama ng papa niya kapag may meeting ito sa SGC na dinadaluhan o may dinadalaw. At sa halos lahat ng pagkakataon na iyon ay lagi niya itong nakikita. Lagi niya itong sinisilayan kahit na hindi naman siya nito napapansin o ginagawaran ng tingin kahit sandali lang. Kaya nang unang lapit nito sa kanya ay hindi niya talaga napigilang mamangha at mabigla. Humihiling siya sa wishing fountain nang araw na iyo
"Ano po ba ang gusto niyong tanghalian, señorita."Tipid na ngumiti si Mavis sa kay manang Josefa. Ang caretaker ng isla nila. Dumating ito kanina kasama ang asawa at ang dalawang anak nito na katulong nito sa pagbabantay at pag-aalaga ng villa at nang isla. Her family is her parents trusted caretakers of the island. Umiling siya rito. "Ako na po ang magluluto, aling Josefa."Wala na naman siyang ginagawa ngayon dahil tinapos na niya iyon kagabi. Kaya imbes na tutunganga lang siya she wants to learn how to cook. May alam siya but it's just basic, mga simpleng lulutuin lang. At isa pa she wants to learn how to cook some Filipino dish."Aba't sigurado ho kayo señorita?"Magalang siyang tumango at ngumiti rito. "Opo.""Eh, hindi mo ba kailangan ng tulong?""I'm not confident in my cooking skills so I'll appreciate a little help."Tumawa ang ginang na ikinalawak ng ngiti niya. "Oh! siya segi. Ano ba ang lulutuin mo."Natigil siya sandali para mag-isip. And then she remembered the partic
Two days had passed. Dalawang araw na tanging silang dalawa lang sa isla. Napag-alaman niyang umuwi ang caretaker sa pamilya nito at babalik lang sa sabado para maglinis ng villa. Naiwan tuloy na tanging silang dalawa lang sa isla.It's friday. Nagkukulong siya sa silid niya at nakaharap sa laptop niya para i-check ang reports at files na sinend ng secretary niya. Malakas ang ulan mula pa kaninang umaga kaya hindi sila nakalabas ni Cyrus ng bahay. Sa nakalipas na dalawang araw ay ginugol nila ang oras nila sa paglilibot ng isla at pagligo sa dagat. Sinamahan din siya nito na puntahan ang cliff na madalas niyang akyatin dati. Nagpicnic pa nga sila don. Sa tuwing hapon at papalubog na ang araw ay tumatambay sila sa dalampasigan para panoorin iyon. Nanatili sila don hanggang sa tuluyan ng kumalat ang dilim.Plano sana nilang mangisda ngayon sa may wooden port pero hindi na nila nagawa dahil nga sa bumuhos ang ulan. All their plan today ay hindi natuloy dahil sa hindi inaasahang pagbuhos
They ate their late lunch together. Walang kumikibo sa kanilang dalawa pero panay ang tingin nito sa kanya. Tahimik rin siya nitong inaasikaso na walang salita niya lang hinahayaan. Paminsan-minsan ay lumilingon-lingon siya sa pintuan sa pag-iisip na baka nang-grocery lang sa bayan ang caretaker at babalik kahit na anong oras.Matapos nilang kumain ay nagprisinta siyang siya ang maghuhugas ng pinagkainan nila tutal ay ito naman ang nagluto. Pumayag naman ito pero hindi nakaligtas sa tingin niya ang bahagyang pagtaas ng kilay nito at pagpigil ng ngiti. Iniisip ba nitong hindi siya marunong maghugas ng plato? Tumaas ang kilay niya sa naisip.Nakumpirma niya ang hinala niya nang matapos nilang ligpitin ang pinagkainan nila at nagsimula na siyang maghugas. Nanatili ito sa kusina. Nakasandal sa may counter at nakamasid sa ginagawa niya na para bang ito ang amo sa pamamahay na ito at siya ang katulong na bawal magkamali. Nagsasabon na siya ng plato nang iritang binalingan niya ito dahil s
Salubong ang kilay ni Mavis habang nakasunod ang tingin kay Cyrus na kumportableng kumikilos sa kusina ng villa at nagluluto.He's still topless for godsake! Wala na bang damit ito?Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakabawi sa pagkabigla nang makita ito rito sa isla. Gulat na gulat siya pero ngumiti lang ito sa kanya kanina at lumapit, walang bakas ng gulat at pagtataka. Tinanong pa siya kung kamusta ang byahe niya like he knew that she will arrive here today. Ito pa mismo ang nagyaya sa kanyang pumasok sa villa na pagmamay-ari ng pamilya niya like what the hell? Mas lalong nagsalubong ang kilay niya. Kanina pa siya nangangating magtanong pero hindi siya makahanap ng pagkakataon dahil okupado ito sa pagluluto. Pero hindi na niya kayang magtiis. She need to know why he's here?Tumikhim siya para agawin ang atensyon nito pero nanatili itong nakatalikod at naghuhugas ng mga sangkap na gagamitin nito. Muli siyang tumikhim. At halos mapairap siya nang hindi pa rin ito lumilingon sa k
Nanatili silang nakatitig sa isa't isa. Walang sinuman ang nagsalita. Napapalunok siya para tanggalin ang bumabara sa lalamunan niya. Hindi na muli pang kumalma ang puso niya. Ni hindi niya magawang kumurap habang nakatitig rito."Cyrus..." she whispered.May dala itong tray ng pagkain. Naka-puting v-neck shirt ito at pajama. Magulo ang buhok nito na tila kakabangon lang sa kama. Mukhang pagkagising nito ay agad na tumungo ito sa kusina para magluto. Kung ito nga ang nagluto ng pagkaing dala nito.Tipid itong ngumiti sa kanya. Naglakad ito palapit sa kanya habang hindi niya naman magawang iiwas ang tingin rito. Nagwawala ang puso niya. Hindi niya alam kung ano ba dapat ang irereact niya at iaakto niya sa harap nito. Hindi niya inasahan. Hindi niya ito napaghandaan."How's your feeling? Hangover?" marahang tanong nito. Nilapag nito sa may bedside table ang tray at umupo sa kama sa tabi niya at tumingin sa kanyang di magawang ibaling sa iba ang tingin. Hindi siya nagsalita para sagutin