Share

Plan

"Hindi ka na babalik sa academy, señorita?" Gulat na tanong ni Mang Isko sa kanya.

Nahinto siya sa pagbabasa ng files na hiningi niya rito tungkol sa status ng SGC. Bumaling siya rito at umiling.

Natigilan ito at ilang sandaling hindi nakapagsalita.

"Pero paano si chairman Resalde?"

"Nawawala si Russell Alejandro kaya wala akong maaring mapagkukunan ng impormasyon tungkol sa kinaroroonan ng chairman. Sa halos apat na buwan kong pagpasok sa academy ay wala man lang akong narinig ni isa tungkol sa chairman o nabalitaan man lang. Nasayang ang apat na buwan ko roon at ayokong ubusin ang anim na buwan ko doon na paniguradong masasayang lang. Magbabago ako ng plano," sabi niya at binalingan muli ang mga dokumento at papeles sa harap niya.

Hindi na siya babalik sa academy at susubukan niyang pasukin ang kompanya ni Chairman Resalde. Nakakapagtaka talagang hindi mahanap-hanap ang lokasyon nito. Masyado iyong mahirap paniwalaan lalo't na paniguradong hindi naman ito nagtatago. Nagdududa siya,
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Mayfe de Ocampo
ang ganda na ng kwento, more update author..thanks
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status