“Nandito pa ako sa mansyon ng mga Sebastiano. Hinihintay ko pa silang dumating dahil pina-checkup nila sa ospital ang épal na Alianna na ‘yon!”[“Alianna? Your ex-boyfriend’s wife?”] “Actually, ex-wife.” Lilia corrected. She was talking to someone on the phone. “She filed an annulment at na-grant ‘yon sa korte kaagad.”[“So, ibig sabihin ay available na ulit ang lalaking pántasya mo. Wala ka nang kaagad dahil wala na siyang asawa.”]“That’s right!” Ngumiti ng pagkalaki-laki si Lilia. Para siyang kinikilig sa sarili niyang salita. “P-pero wala pa sa plano kong bumalik sa kanya.”[“Bakit naman, girl? ‘Di ba you’ve always wanted to be with him? Ngayong free na siya, why don’t you take this as an opportunity? Alam ko naman na mahal niyo ang isa’t isa.”“Hindi ko pwedeng palampasin ang pagkakataon na ‘to. Nandito na ako sa teritoryo ng kaaway ko. Gusto ko munang gantihan ang babaeng ‘yon bago ako bumalik kay Dwaine. Pahihirapan ko muna si Alianna at sasaktan ko siya ng sobra. Gagamitin ko
“Dad, I would like you to meet Lilia Madrigal—my fiancé.”Halos maibuga ni Alvin ang laman ng bibig niya matapos marinig ang sinabi ng panganay na anak. Kasalukuyan pa naman silang kumakain ng hapunan.“Totoo ba ‘yan, anak?” hindi makapaniwalang tanong ni Alvin. “Hindi mo ba kami pina-prank lang?”Tumango naman si Blake at kinumpirmang hindi siya nagbibiro. Habang bakas na bakas ang gulat sa mukha ng mga nakaupo sa hapag kainan dahil sa pagpapakilala ni Blake sa fiancé niya, tahimik na kumakain si Alianna na para bang wala itong pakialam sa ginawang anunsyo ng kapatid. “Ito ‘yong dahilan kaya nag-request ako na kung pwede ay i-reschedule niyo muna ang mga meetings niyo dahil gusto kong personal na ipakita sa inyo si Lilia. Si Alianna nga, balak ko sanang sorpresahin kaya lang ay ako ang nasorpresa sa pag-uwi niya.” “Sinabi ko kay daddy na uuwi na muna ako dito dahil wala akong magawa sa villa. Hindi ko naman alam na hindi pala niya binanggit sa ‘yo.” Malamig na turan ni Alianna. Da
“What are you doing here? It’s getting late!”Agad na napalingon si Alianna sa kanyang likuran matapos marinig ang nagsalita. Napalunok siya matapos makita ang kanyang Kuya Harrison na nakatayo sa kanyang likuran habang nakalagay ang isang kamay sa bulsa at ang isang kamay naman ay may hawak na tasa.“Kuya Harrison—” mahinang sambit niya.“Pwede akong makiupo?” tanong nito.Nakangiting tumango naman si Alianna. “Oo naman, kuya! Dito ka na maupo sa harap ko.”Kasalukuyang nagpapahangin si Alianna sa garden nang dumating ang Kuya Harrison niya. May dala pa nga siyang baso na may laman na gatas upang magsilbing pampatulog.“Akala ko matutulog ka na? Ang aga mo pang nagpaalam sa dinner kanina.” Ani Harrison matapos maupo sa harap ng bunsong kapatid. “Inaantok na talaga ako kanina pero ewan ko ba! Pagkahiga ko, bigla na lang nawala ‘yong antok ko. Nagpaikot-ikot na nga ako sa higaan pero wala pa rin. Siguro ay naninibago pa ako sa kama dahil ilang taon din akong nawala dito tapos ilang bu
“Napakasarap ng cookies na dala mo. For sure magugustuhan nila ‘yan.” “Syempre naman, Steven! Ako kaya ang nag-bake nito. Ginawa ko ‘to ng may kasamang pagmamahal kaya sigurado ako na magugustuhan nila ‘to.” Ngumiti ng abot tainga si Alianna habang tinititigan ang hawak niyang transparent na lalagyan na naglalaman ng maraming chocolate chip cookies na siya mismo ang gumawa.“Hindi ko alam na mahilig ka palang mag-bake. Akala ko kasi dati ay pagkain lang ang hilig mo.” Nagsuot ng abot taingang ngiti si Steven habang ang tingin niya ay nakatutok sa daan. “Hindi naman talaga ako marunong magluto ‘di ba. Alam mo ‘yan. Wala akong interes sa pagbe-bake o sa kung ano pa mang pagpe-prepare ng pagkain dahil hindi ko naman love language ang pagluluto pero simula ng tumira ako sa villa, pinili ko talagang matuto ng kung ano-ano, at isa na ‘yang pagbe-bake. Hindi nga lang cookies ang kaya kong i-bake. May iba pa!” “Talaga?” “Oo,” tumatango na turan ni Alianna habang nakangiti. “Hayaan mo… kap
“Anong ginagawa mo dito?”“Naghatid lang ako ng cookies. Ibibigay ko ‘to kay daddy tsaka kay Kuya Harrison.” Malamig na turan ni Alianna. Nakatayo siya sa pinaka sulok ng kwadradong elevator habang yakap-yakap ang bitbit niya.“Para sa kanila lang? P-paano naman ako? Kuya mo rin naman ako ah? Hindi ba ako pwedeng kumain n’yang dala mo?” Sunod-sunod na tanong ni Blake. Naka-cross ang magkabilang braso niya habang nakaharap sa kapatid na layong-layo naman sa kanya. “P-pwede naman. Kumuha ka kung gusto mo.”Malalim na bumuntong hininga si Blake. Tinitigan niya ng ilang sandali si Alianna bago siya lumapit at yakapin ito kahit naka-patagilid.“I don’t know why you’re doing this to me. Hindi ko alam kung bakit feeling ko, tino-torture mo ako sa ginagawa mong pag-iwas sa akin.” Unti-unti, kumalas si Blake mula sa pagkakayakap niya kay Alianna at muling bumalik sa pwesto niya kanina. “Alianna, miss na miss na kita. Miss na miss ko na ‘yong mga bonding natin. Sana maibalik na ‘yong puwang ko
Nasa kalagitnaan ng pagpupulong si Dwaine kasama ang matandang Palacios sa loob ng conference room. Kasalukuyan kasi silang nagreresolba ng isa sa mga problemang kinakaharap ng kompanya. “Aware naman siguro ang lahat sa new services na in-offer natin last month. And to my surprise, hindi naging maganda ang resulta. Bumagsak ang sales dahil na rin sa bagong tayo na establishment na hindi naman kalayuan sa atin. Unang buwan pa lang ito. Natatakot ako sa mga susunod na mangyayari sa mga susunod pang buwan.” Mahinahon pa ang boses ni Don Gregorio habang sinasabi niya iyon ngunit ang bawat salita niya’y may diin na para bang ang bawat salitang binibitawan niya ay itinatatak sa isip ng bawat taong nakikinig sa kaniya.Si Venice, ang Chief Marketing officer na matagal nang may lihim na pagtingin sa kanilang boss ay umayos ng upo at sumandal sa upuan. Naghanda na rin siya upang magsalita. “Sa tingin ko… may kulang pa sa ginawa natin kaya imbis na mas marami ang mag-avail ng service na ni-lau
“Sigurado ka ba dito, Dwaine?! Nasa mansyon tayo ng lolo mo! Baka mahuli niya tayo. Tsaka isa pa, ikakasal ka na bukas. Paniguradong masasaktan ang bride mo kapag nalaman niya na nakipag-séx ang groom niya sa ibang babae isang araw bago ang kasal niya.” “I don’t care, Lilia! Ikaw naman talaga ang mahal ko, ‘di ba?” Umibabaw si Dwaine kay Lilia at sinimulang halikan ang bandang ilalim ng tainga nito.“Dwaine, stop… mali ‘to!” hinawakan ni Lilia ang magkabilang braso ni Dwaine at sinubukan niya itong itulak palayo sa kanya. “Just give your fúcking manhood to your wife tomorrow.”“Ayaw mo ba? Ayaw mo ba sa akin?” Mataas na ang boses na turan ni Dwaine. Nasa ibabaw pa rin siya ni Lilia pero noong sandaling iyon, ang magkabila niyang kamay ay nakatuon sa kama at naka-pushup position habang nasa ilalim niya ito.Hindi kaagad nakasagot si Lilia. Gusto niya si Dwaine. Gustong-gusto niya ito pero alam niyang hindi niya pwedeng gustuhin ang lalaking nasa ibabaw niya ngayon dahil nakatakda na
“Dad, sino ba talaga ‘yong groom ko? Bakit ayaw mo pang sabihin kung sino ang lalaking maghaharap sa akin sa altar.”“Alianna Jade, anak… calm down! Don’t stress yourself. Hindi mo naman siguro gugustuhin na maglakad sa aisle na hulas ang makeup ‘di ba? Ikaw din. Hindi mo gugustuhin na pangit ang maging feedback sa iyo ng press kapag na-headline ka.” Nagtaka si Alianna. Anong press ang pinagsasabi ng kanyang ama? Napaisip tuloy siya kung malaking tao ba ang kanyang pakakasalan o kung anong klaseng tao ito kaya kahit anong pilit niyang alamin kung sino ang kanyang ay hindi talaga siya magtagumpay.“Just sit back and relax, Alianna. Everything will be fine.” Turan ni Alvin—ang ama ni Alianna Jade. Kasalukuyan siyang nakatayo sa tabi ng bridal car na lulan ang kanyang nag-iisang anak na babae. Sumandal si Alianna. Bumuntong hininga siya ng malalim bago ituon ang tingin sa labas kung saan kasalukuyang nakatayo ang kanyang ama. “Anong oras na ba, dad?! Bakit hindi pa nagsisimula?”“Iyon