“Congratulations, Alianna!” Nang makapasok sa loob ng room 204 si Harrison, agad niyang ipinatong sa lamesa ang dala niyang prutas para sa bunsong kapatid.Natuwa naman si Alvin dahil kahit hindi magkasundo ang pangalawa’t bunso niyang anak ay hindi pa rin nito nakalimutang gawin ang kanyang responsibilidad bilang kapatid dito.“Nag-message sa akin si Steven at sinabi niya na buntis ka nga daw kaya binilhan kita ng prutas, Alianna. Kumain ka. Makabubuti ‘yon para sa baby mo.”“Thank you, Kuya Harrison.” Nakangiting turan ni Alianna. “I know we’re not on good terms but I really appreciate this.”Tumikhim si Harrison. Ipinaling niya ang tingin sa ama at kitang-kita niya ang malaking ngiti sa gilid ng labi nito. “Don’t be so happy, dad! You had a problem.” Tumitig si Alvin kay Harrison. Maging ang lahat ng nasa loob ng private room ay napatingin din sa kanya.“Problema?” Nagsalubong ang magkabilang kilay ni Alvin. Tumikhim siya bago muling magsalita. “Anong problema?”“Alam ko na hindi
“Nandito pa ako sa mansyon ng mga Sebastiano. Hinihintay ko pa silang dumating dahil pina-checkup nila sa ospital ang épal na Alianna na ‘yon!”[“Alianna? Your ex-boyfriend’s wife?”] “Actually, ex-wife.” Lilia corrected. She was talking to someone on the phone. “She filed an annulment at na-grant ‘yon sa korte kaagad.”[“So, ibig sabihin ay available na ulit ang lalaking pántasya mo. Wala ka nang kaagad dahil wala na siyang asawa.”]“That’s right!” Ngumiti ng pagkalaki-laki si Lilia. Para siyang kinikilig sa sarili niyang salita. “P-pero wala pa sa plano kong bumalik sa kanya.”[“Bakit naman, girl? ‘Di ba you’ve always wanted to be with him? Ngayong free na siya, why don’t you take this as an opportunity? Alam ko naman na mahal niyo ang isa’t isa.”“Hindi ko pwedeng palampasin ang pagkakataon na ‘to. Nandito na ako sa teritoryo ng kaaway ko. Gusto ko munang gantihan ang babaeng ‘yon bago ako bumalik kay Dwaine. Pahihirapan ko muna si Alianna at sasaktan ko siya ng sobra. Gagamitin ko
“Dad, I would like you to meet Lilia Madrigal—my fiancé.”Halos maibuga ni Alvin ang laman ng bibig niya matapos marinig ang sinabi ng panganay na anak. Kasalukuyan pa naman silang kumakain ng hapunan.“Totoo ba ‘yan, anak?” hindi makapaniwalang tanong ni Alvin. “Hindi mo ba kami pina-prank lang?”Tumango naman si Blake at kinumpirmang hindi siya nagbibiro. Habang bakas na bakas ang gulat sa mukha ng mga nakaupo sa hapag kainan dahil sa pagpapakilala ni Blake sa fiancé niya, tahimik na kumakain si Alianna na para bang wala itong pakialam sa ginawang anunsyo ng kapatid. “Ito ‘yong dahilan kaya nag-request ako na kung pwede ay i-reschedule niyo muna ang mga meetings niyo dahil gusto kong personal na ipakita sa inyo si Lilia. Si Alianna nga, balak ko sanang sorpresahin kaya lang ay ako ang nasorpresa sa pag-uwi niya.” “Sinabi ko kay daddy na uuwi na muna ako dito dahil wala akong magawa sa villa. Hindi ko naman alam na hindi pala niya binanggit sa ‘yo.” Malamig na turan ni Alianna. Da
“What are you doing here? It’s getting late!”Agad na napalingon si Alianna sa kanyang likuran matapos marinig ang nagsalita. Napalunok siya matapos makita ang kanyang Kuya Harrison na nakatayo sa kanyang likuran habang nakalagay ang isang kamay sa bulsa at ang isang kamay naman ay may hawak na tasa.“Kuya Harrison—” mahinang sambit niya.“Pwede akong makiupo?” tanong nito.Nakangiting tumango naman si Alianna. “Oo naman, kuya! Dito ka na maupo sa harap ko.”Kasalukuyang nagpapahangin si Alianna sa garden nang dumating ang Kuya Harrison niya. May dala pa nga siyang baso na may laman na gatas upang magsilbing pampatulog.“Akala ko matutulog ka na? Ang aga mo pang nagpaalam sa dinner kanina.” Ani Harrison matapos maupo sa harap ng bunsong kapatid. “Inaantok na talaga ako kanina pero ewan ko ba! Pagkahiga ko, bigla na lang nawala ‘yong antok ko. Nagpaikot-ikot na nga ako sa higaan pero wala pa rin. Siguro ay naninibago pa ako sa kama dahil ilang taon din akong nawala dito tapos ilang bu
“Napakasarap ng cookies na dala mo. For sure magugustuhan nila ‘yan.” “Syempre naman, Steven! Ako kaya ang nag-bake nito. Ginawa ko ‘to ng may kasamang pagmamahal kaya sigurado ako na magugustuhan nila ‘to.” Ngumiti ng abot tainga si Alianna habang tinititigan ang hawak niyang transparent na lalagyan na naglalaman ng maraming chocolate chip cookies na siya mismo ang gumawa.“Hindi ko alam na mahilig ka palang mag-bake. Akala ko kasi dati ay pagkain lang ang hilig mo.” Nagsuot ng abot taingang ngiti si Steven habang ang tingin niya ay nakatutok sa daan. “Hindi naman talaga ako marunong magluto ‘di ba. Alam mo ‘yan. Wala akong interes sa pagbe-bake o sa kung ano pa mang pagpe-prepare ng pagkain dahil hindi ko naman love language ang pagluluto pero simula ng tumira ako sa villa, pinili ko talagang matuto ng kung ano-ano, at isa na ‘yang pagbe-bake. Hindi nga lang cookies ang kaya kong i-bake. May iba pa!” “Talaga?” “Oo,” tumatango na turan ni Alianna habang nakangiti. “Hayaan mo… kap
“Anong ginagawa mo dito?”“Naghatid lang ako ng cookies. Ibibigay ko ‘to kay daddy tsaka kay Kuya Harrison.” Malamig na turan ni Alianna. Nakatayo siya sa pinaka sulok ng kwadradong elevator habang yakap-yakap ang bitbit niya.“Para sa kanila lang? P-paano naman ako? Kuya mo rin naman ako ah? Hindi ba ako pwedeng kumain n’yang dala mo?” Sunod-sunod na tanong ni Blake. Naka-cross ang magkabilang braso niya habang nakaharap sa kapatid na layong-layo naman sa kanya. “P-pwede naman. Kumuha ka kung gusto mo.”Malalim na bumuntong hininga si Blake. Tinitigan niya ng ilang sandali si Alianna bago siya lumapit at yakapin ito kahit naka-patagilid.“I don’t know why you’re doing this to me. Hindi ko alam kung bakit feeling ko, tino-torture mo ako sa ginagawa mong pag-iwas sa akin.” Unti-unti, kumalas si Blake mula sa pagkakayakap niya kay Alianna at muling bumalik sa pwesto niya kanina. “Alianna, miss na miss na kita. Miss na miss ko na ‘yong mga bonding natin. Sana maibalik na ‘yong puwang ko
Nasa kalagitnaan ng pagpupulong si Dwaine kasama ang matandang Palacios sa loob ng conference room. Kasalukuyan kasi silang nagreresolba ng isa sa mga problemang kinakaharap ng kompanya. “Aware naman siguro ang lahat sa new services na in-offer natin last month. And to my surprise, hindi naging maganda ang resulta. Bumagsak ang sales dahil na rin sa bagong tayo na establishment na hindi naman kalayuan sa atin. Unang buwan pa lang ito. Natatakot ako sa mga susunod na mangyayari sa mga susunod pang buwan.” Mahinahon pa ang boses ni Don Gregorio habang sinasabi niya iyon ngunit ang bawat salita niya’y may diin na para bang ang bawat salitang binibitawan niya ay itinatatak sa isip ng bawat taong nakikinig sa kaniya.Si Venice, ang Chief Marketing officer na matagal nang may lihim na pagtingin sa kanilang boss ay umayos ng upo at sumandal sa upuan. Naghanda na rin siya upang magsalita. “Sa tingin ko… may kulang pa sa ginawa natin kaya imbis na mas marami ang mag-avail ng service na ni-lau
Dahil nairaos ni Dwaine ang idea na ginawa niya sa harap ng mga taong may mataas na katungkulan sa kompanya, nagpasiya siyang kumain sa labas upang i-treat ang sarili. Dahil wala naman siyang ibang maisama, napilitan siyang isama ang personal bodyguard niya na si Julius. “Tagal ko nang ‘di nakakaranas na makakain sa labas. Ang huling gala ko ay noong kasama mo pa kami ni Manang Lucy! Buti na lang talaga, isinama mo ako ngayon, Sir.” Ani Julius habang ine-enjoy ang smoothie na in-order ni Dwaine para sa kanya. “Kung hindi, hindi ko natikman ang masarap na inuming ito.”“Hindi naman dapat kita isasama. Nagpumilit ka lang.”“Ay—” kumamot si Julius sa ulo niya habang tinatawanan ang kanyang sarili. “Iyong kapál ng mukha ko, nag-iimprove siya over the years of stay sa tabi mo, Sir Dwaine. Mas kumakapal siya kapag nadadagdagan ng taon eh. Kapag nadadagdagan ang taon, nadadagdagan din ang kapal ng mukha ko.”Tumawa si Dwaine, pero hindi ito kasing lakas ng tawa ng kanyang bodyguard. “Pero
Sunod-sunod na katok ang bumasag sa tahimik na sesyon ni Don Gregorio. Kasalukuyan kasi niyang ine-enjoy ang mainit niyang tsaa habang nakatitig sa screen ng monitor sa computer na nasa kanyang opisina.“I’m so proud of my people. Napanatili nilang mataas ang sales ng third quarter ngayong taon.”Pagkahigop ni Don Gregorio sa kanyang tsaa, muli niyang narinig ang katok. “Ano bang kailangan ninyo?!” sigaw ni Don Gregorio. Binaba niya ang tasa na hawak niya, at tsaka binaling ang tingin sa pinto. Nang bumukas iyon, niluwa nito ang kanyang sekretarya. “What do you need, Sandy?! Haven’t I told you to let me enjoy my session?! Can’t you see I’m drinking my favorite tea? You know it’s my daily routine.”“I know, Don Gregorio, but your personal bodyguard is here. He wants to talk to you. He said it’s an important matter.”“Fine! Let him in—”Tumango si Sandy, saka niya tinawag mula sa labas si Joven. Pagpasok nito, sinampolan kaagad siya ng kasungitan ng matanda. “Ano’ng ginagawa mo dit
“In fairness dito sa bunso ni Alianna ha! Ang gwapo. Ang sarap halik-halikan.”Iritableng inikot ni Lilia ang mga mata niya. “Pwede ba, Riyanna… tigilan mo na nga ang pagpuri-puri mo sa batang ‘yan. Matalino ang batang ‘yan. Kapag na-adopt niya ‘yang mga sinasabi mo… masisira ang mga plano ko. Tigil-tigilan mo na ‘yan ha! Baka mabugbóg ko pa ‘yan.”“Kumalma ka nga! Pati ba naman bata ay papatulan mo pa. Ang bait-bait kaya nitong si Caspian oh. Ang behave pa.”“Hay nako. Wala akong pakialam kahit ano pang ugali ng batang ‘yan. Idi-dispose ko lang din naman ‘yan kapag nakuha ko na ang gusto ko.” Nilapitan ng kaunti ni Riyanna si Caspian qReid. Tinakpan niya ang magkabilang tainga nito bago magsalita. “Ikaw, grabe ka magsalita dito sa bata. Inosente ‘to at walang kinalaman sa history niyo ng mga magulang niya, kaya huwag mo siyang idamay. Ginamit mo na nga siya sa plano mo, tapos ayaw mo pa siyang itrato ng maayos.”“Pwede ba, Riyanna… huwag mo na nga akong pangaralan. Kahit ano pang sa
“What happened to my parents?”Diretso ang tingin ni Lilia sa kaibigang biglang binanggit ang mga magulang niya.“Nakausap mo na ba sila?!” Muli pang tanong ni Riyanna. Umiling si Lilia. “I haven’t seen them for years. Mula nang makipag-live in ako kay Blake, hindi na ako umuwi sa amin. Palagi lang kaming magka-videocall ni mommy. I didn’t even mention my pregnancy to her. Magugulat na lang siya kapag nabalitaan niya na meron akong anak.”“Too late, Lilia! She already knew the truth. They knew the truth rather.”Nanlaki ang mga mata ni Lilia dahil sa isiniwalat ng kaibigan. “ANO?! Paano nangyari ‘yon? Sinabi mo ba sa kanila?” Umiling si Riyanna. “No! Blake did it for you.” “Bwísét na Blake talaga ‘yan. Inunahan pa ako sa sarili kong mga magulang. Alam mo, nagsisisi talaga ako na pinatulan ko ‘yang kapatid ni Alianna eh. Pareho silang panira sa buhay ko.” “Hindi mo naman masisisi si Blake. Mabaliw-baliw ‘yon kakahanap sa ‘yo. Halos suyodin na niya ang buong pilipinas mahanap ka lan
“Open this fúcking door—”Nabulabog ang masarap at payapang tulog ni Riyanna nang makarinig siya sa ng sunod-sunod na malakas na katok mula sa pintuan ng condo niya. Ang ganda pa naman ng pagkakahiga niya sa bago niyang sofa ngunit bubulabugin lamang siya ng kung sino.“Sino ba ‘yan?! Agang-aga naman!” Tumayo na si Riyanna. Kahit gulo-gulo pa ang buhok niya’y dumiretso na siya sa pintuan para buksan iyon.Mariing hinawakan ni Riyanna ang doorknob. Pagpihit niya, agad niya itong binuksan. Pagbukas niya, ilang sandaling nanigas ang katawan niya dahil sa gulat.“Oh, ano’ng nangyari sa ‘yo? Bakit parang bigla kang nakakita ng multo?”“What are you doing here, Lilia? After more than two years of ghosting everyone… you still have the audacity to show your face here?” Riyanna said while raising one of her eyebrows. “You know what… I still can’t forget how you hurt me even though I’m just telling the truth.”“Blah… blah… blah…” ani Lilia sabay ikot ng magkabila niyang mata. “It’s been two yea
“Lilia?!”Nanlaki ang mga mata ni Dwaine matapos makita ang ex-girlfriend na matagal nang hindi nagpapakita sa kanya.“Did you miss me?!” nakasuot ng mala-demonyonyong ngiti si Lilia habang nakatingin kay Dwaine nang mata sa mata.Tiningnan ni Dwaine ang dating nobya mula ulo hanggang sa paa. Ibang-iba na ang itsura nito ngayon sa itsura nito noong mga panahon na mahal na mahal niya ito.“What happened to you?” tanong ni Dwaine habang sinisipat ang pisikal na anyo ng dating nobya. Habang tinitingnan niya ito, hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman. Malayong-malayo na kasi ito sa itsura ng babaeng minahal niya noon. Ang buhok nitong dating palaging palaging bagong rebond ay naka-pusod na lamang at mukhang hindi pa nasusuklay. Ang damit nito’y gusot at mukha pang luma. Ang dating Lilia na mahilig sa mataas na takong ay naka strap na tsinelas na lang. Ang itsura niya’y ibang-iba na sa itsura niya noon.“I can’t believe what I’m seeing right now. Ano’ng nangyari sa ‘yo? Bak
MAKALIPAS ANG DALAWANG TAON…“Excuse me, Miss! Can I talk to Ruston Dwaine Palacios?” “May I have your appointment slip, Ma’am?” The girl sitting on the front desk politely asked. She look at the girl that was holding a two-year-old toddler in front of her.“Appointment slip?! W-wala ako no’n, Miss. Pero kailangan ko kasing makausap si Dwaine. Importante lang, kaya parang awa niyo na… payagan niyo na akong makapasok. Hindi ako manggugulo.”“I’m sorry, Ma’am, but we will not allow you to enter and talk to Mr. Dwaine Palacios if you don’t have an appointment slip. It’s our policy and you have no choice but to follow it.” “Miss, ano ba?! Papasukin niyo na ako. Hayaan niyo na akong makausap si Dwaine. Sandali lang naman ako eh!”“I’m sorry, Ma’am! Hindi ko po kayo maaaring pagbigyan na basta na lang pumasok. Kung gusto po ninyo, magpa-appointment po muna kayo sa secretary ni Mr. Dwaine Palacios at hintayin niyo po na bigyan kayo ng specific date bago po kayo bumalik sa akin.” May kinuha
Matapos ang bugbugang trabaho sa opisina, napagpasyahan ni Alvin na doon mag hapunan sa Villa kasama ang dalawang anak na si Blake at Harrison. Masyado silang maraming ginagawa kaya naisip nito’y magsabay-sabay sa pagkain para kahit papaano ay mabawasan ang pagod na nararamdaman ng bawat isa. Ang villa ay maaliwalas, puno ng ilaw at init mula sa mabangong pagkain na inihahanda ng chef na tagapag luto sa villa. Sa hapag kainan, nakalatag na ang mga plato at kubyertos, ngunit wala pang nakaupo. Habang hinihintay ang hapunan, nasa salas sina Blake at Harrison, abala sila sa pakikipaglaro sa dalawang buwang gulang na mga anak ni Alianna. Gising kasi noong sandaling iyon si William at si Wyatt kaya inalagaan muna nila ito.Kinakanta-kantahan ni Blake ang dalawang bata habang makailang ulit nitong inaalog ang kanyang ulo.“Ayusin mo, Kuya Blake. Hindi pa tumatawa oh!” Ani Harrison habang tinuturo ang dalawang bata.Nakahiga ang dalawang sanggol sa malambot na sapin sa malambot na sofa at
Dahil pasado alas kwatro pa lamang ng madaling araw nang magising ang dalawang bata, gumising na rin si Alianna para mag-breastfeed sa mga ito.Hindi biro ang mag-alaga ng dalawa ng sabay pero kinakaya ito ni Alianna. Ine-enjoy pa nga niya ang bawat sandali habang inaalagaan ang mga anak.Pinalipas pa ni Alianna ang oras at nagpasya siyang ilabas na ang mga bata ng pumatak ang oras ng alas sais ng umaga. Paglabas niya, binati siya ni Cita na kakatapos lamang magtimpla ng tsaa. “Magandang umaga, senyorita! Inom po tayo ng tsaa.” Nakangiting alok nito. Itinaas pa nito ang maliit na tasang may nakalawit pang tali na may kakabit na brand ng tsaa na tinimpla niya.“Maraming salamat po. Mamaya na lang po ako. Igagala ko muna po itong mga anak ko dito sa villa. Maganda po kasi ang view dito kapag umaga.” Tulak-tulak ni Alianna ang isang malaking stroller na dalawang bata ang laman. Binili niya talaga ang ganoong size dahil ayaw niyang mahirapan kung bibilhan niya pa ito ng tig-isa na hindi
“Where’s Alianna? I want to see her—”Agad na tinanong ni Steven si Yaya Cita nang makita niya ito matapos niyang pumasok sa entrance ng villa. “Bakit gan’tong oras naman ang oras ng dalaw mo kay senyorita, Sir—” tumingin sandali si Cita sa wall clock na nakalagay sa entrance bago muling ibinalik ang tingin kay Steven. “Alas otso na ng gabi. Nagpapahinga na siya kasama ang mga anak niya sa kwarto.”“Galing ako sa meeting kaya ngayon lang ako nakarating. Tsaka sobrang busy ko kaya hindi ako nakaka-bisita.” Paliwanag ni Steven sa matanda.“Nagpapahinga na ‘yon si senyorita. Balik ka na lang bukas, Sir.” Giit ng matanda pero hindi pumayag si Steven. Hindi kasi niya sigurado kung may libreng oras pa siya bukas, o sa mga susunod pang araw.“Baka naman gising pa ‘yon, Yaya Cita. Pagbigyan mo na ako. Sandali lang naman kaming mag-uusap eh. Hindi rin naman kami magtatagal.”“Pasensya na, Sir Steven. Kapapanganak lang halos ni Senyorita Alianna. Ngayon pa lang siya nakakabawi ng pahinga dahil