Two days had passed at nandito pa rin ako sa loob ng kwarto ko. Dalawang araw pa lang ang nakakalipas pero tingin ko kanina lang ako na-grounded. Literal na hindi ako nakakalabas ng kwarto ko, ang pagkain ko ay hinahatid lang dito ni Mommy at kahit ang phone ko kinuha ni Daddy. Hindi ko naman magamit ang laptop ko kasi tinanggalan ni Dad ng connection 'yon.
Sa loob ng dalawang araw na 'yon, wala akong ginawa kundi ang makipagtitigan sa ceiling ko, magbasa ng libro o di kaya ay matulog lang.This is not the life I wanted. Nasasayang ang oras ko na dapat ay hindi ko sinasayang. Well, it's my fault, I talked back and raised voice at him but I can't just avoid Nathan like what they wanted.They're removing the only person in my life who make me feel I'm alive. Back when I was in US, my life there is so boring to the point that I want to do things that are bad for my health but I didn't do it. That's where and that's how I learned to value time. On the contrarNaalimpungatan ako nang maramdaman kong may nakatingin sa akin. Dahan dahan kong iminulat ang mata ko at inikot ang paningin sa kwarto kung nasaan ako."Dahlia, anak... " Inilipat ko ang tingin ko kay Mommy na nasa tabi ko at nag-aalalang nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kaniya para ipakitang maayos ako."Mom... " Pagbanggit ko. Inikot ko pa ang paningin ko at nakitang nandito si Daddy, Kuya at si Baste."Where am I?" Tanong ko at sinubukang tumayo. Agad namang kumilos si Mom para alalayan ako. Ngumiti lang ako sa kaniya pagkatapos na ginawa niya pabalik."You're in the hospital. The doctor said... " Hinihintay ko ang susunod niyang sasabihin pero hindi na niya natuloy 'yon. Matamis siyang ngumiti sa akin bago nagsalita. "... you need rest. Mananatali ka muna dito ng ilang araw para ma-monitor ka ng doctor." Dagdag niya.Matagal ko siyang tinitigan pero umiwas lang siya ng tingin sa akin. She doesn't want to tell me what the doctor said
MULA sa pagbabasa ng libro, nalipat ang tingin ko sa kapapasok lang na si Baste habang nasa kaliwang kamay niya ang basket ng mga prutas. Isinarado ko ang librong hawak ko at saka itinabi ito."Napapadalas na yata ang pagtambay mo dito, Mr. Umali." Sabi ko habang naka-krus ang braso sa aking dibdib. Naglakad siya palapit sa akin at ibinaba muna ang hawak sa lamesa na nasa tabi ko bago umupo sa upuan na nasa tabi ko. "Bakit? Are you tired of seeing my face? Eyy, that's impossible! Ang nag-iisang Sebastian Umali ay binibisita ka, maraming naghahangad no'n tapos ikaw, ayaw mo." Sabi niya at umaktong parang nasasaktan. "Grabe ka na talaga, Dahlia! Masyado kang mapanakit." Dagdag niya pa. "Geez! Ang dami mong say." Ani ko at kumuha ng isang prutas sa dala niya kanina at kinain 'yon. "Ang sa akin lang naman, malapit na ang exam. You should studying at your home," Sabi ko pa. Ipinatong niya ang braso sa kama ko at saka seryoso akong tinignan."A person like me shouldn
"DAHLIA, bilisan mo na diyan! Ang tagal mo kumilos!" Naiinip na sabi ni Baste habang naghihintay sa labas ng kwarto ko. Ito na kasi ang last day ng pag-stay ko dito sa hospital at heto ako ngayon nag-aayos palang habang pinaghihintay muna siya sa labas. Duh! Wala naman kasi akong sinabing sunduin niya ako, edi naghintay tuloy siya. Not my fault tho!"Teka lang! Maghintay ka nga!" Sagot ko sa kaniya. Inabot ko na lang ang phone at bag ko bago lumabas ng kwarto.Naabutan ko siya sa labas habang nagp-phone. Iniangat niya ang tingin sa akin at inabot ang hawak kong maliit na bag."Ako na. Maliit lang naman 'to." Sabi ko at nilayo sa kaniya ang hawak ko. Tumango na lang siya at sinabayan akong maglakad."Ngayon magaganap ang events para sa Kuya mo diba?" Tanong niya."Yeah!" Simpleng sagot ko.Ayun nga ang araw na ito. Hindi natuloy 'yong sinasabi ni Dad na 'kinabukasan' dahil nagkaroon ng problema sa kumpanya kaya na-move i
"HELLO po Tita and Tito. I'm glad I see you again." Nakangiting bati ko kina Tita and Tito. Agad namang napayakap sa akin si Tita habang gulat na gulat na nakatingin sa akin si Tito."Is that you Dahlia? Hindi kita nakilala. Ang laki na ng pinagbago mo." Sabi ni Tito na ikinangiti ko lang. Lumapit siya sa akin at niyakap din ako. Yumakap ako pabalik at pagkatapos ay humiwalay na rin ako.Yeah. I'm at Nathan's house. I just want to visit Tita and Tito because I didn't see them for how many years and I miss them so much. Walang pasok ngayon at inanunsyo 'yon sa school kanina kaya heto ako ngayon nasa bahay nila."You're right, Hon. Ang gandang bata pa! Naku, nagkita na ba kayo ni Nathan? Siguradong magagandahan 'yon sayo." Tuwang tuwang sabi sa akin ni Tita. Tanging ngiti
I REALLY love mondays.Monday is like the beginning of everything, to start something new and better. It's just, monday are better than the other days of the week."It’s a brand new morning! The day is a blank canvas yet to be painted with the colors of life. Seize the day! Good morning! Tito and Tita." Nakangiting bati ko sa harapan nila."Naku naman iha! Bakit ka nandito? Sabi ko sa'yo papapuntahin ko na lang doon ang anak ko para masundo ka at magsabay kayong pumuntang school. Nagpagod ka pa!" Sabi sa akin ni Tita nang makalapit siya sa harapan ko. Nginitian ko lang siya saka bumeso bago sumagot."It's fine, Tita! Ako na ang sumundo because you know, I'm a litle bit excited of our first day as a couple." Nahihiyang sagot ko. Ngumisi lang siya sa akin at umalis na sa harapan ko. Nilingon ko naman si Tito na nagkakape habang nagbabasa ng dyaryo."A hot coffee is a good drink for morning. A bright morning for you, my tito." Sabi ko at u
"BABE!"Nilingon ko si Macy na patakbong lumalapit sa akin. And as usual, isang halik at yakap na naman ang sumalubong sa akin. Kahit na ilang beses niya na sa akin ginagawa 'to dati, hindi pa rin ako sanay especially kapag nasa public places kami."Hoy! Alam kong umiikot 'yang mata mo kapag ginagawa ko 'to sa'yo. Duh! Hindi naman kita niroromansa no. Platonic love lang 'to! Buti nga mahal kita e." Sabi niya pagkatapos akong yakapin. I just rolled my eyes at her at tiningnan ang suot niyang uniporme na katulad ng suot ko."Wait, don't tell me... ""Wala naman akong balak sabihin sa'yo at saka obvious mo na rin namang makikita. By the way, classmate din tayo!" Nakangiting sabi niya sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin at naglakad na paalis. Papuntang room ko."Hoy teka lang naman, hintayin mo ako!" Sabi niya at saka hinabol ako para sabayan sa paglalakad.Ang tahimik lang ng buhay ko noong tatlong araw kaming hindi nagkita pero nang bumalik siya, parang nagulo na naman. Si Macy kas
"I'M her boyfriend."Hindi ko alam kung ano ang irereact ko sa sinagot ni Nathan sa tanong sa kaniya ni Macy. Hindi ko din alam kung totoo ba 'to. Hindi lang ako makapaniwala.Totoo ba ang sinabi niya na boyfriend ko siya at may relasyon kami? Kung totoo man ang sinabi niya, ibig sabihin lang non ay totoo na ang relasyon namin? Tama ako diba?Palihim akong napangiti at hindi maitago ang sayang nararamdaman. Wala akong in-expect na sasabihin niya ang tungkol sa aming dalawa sa harap ng mga kaibigan niya dahil alam ko kung gaano kalaki ang galit niya sa akin at ako lang naman ang naghahabol sa kaniya pero nang marinig ko mula sa mga labi niya ang mga salitang 'yon... sobrang tumalon ang puso ko sa sayang nararamdaman."Ikaw babe ah, wala kang nai-kwento sa akin na may boyfriend ka na pala. At wow! Friends din pala si Dustine ko? Goal achieve na yata natin 'to!" Nakangiting sabi sa akin ni Macy at saka umupo na. Inalalayan siya ni Dustine na umupo pagkatapos ay tumabi siya sa kasintahan.
"WHAT have you done?" Galit na tanong sa akin ni Nathan. Tumakbo paalis sa harapan namin si Helena at nang lingunin ako ni Nathan ay galit na galit na ang mga mata nito na nakatingin sa akin."Nothing." Sagot ko at nagkibit-balikat. Inalis niya ang kamay ko na nakahawak sa kaniya at tinitigan ako ng masama."Nothing? Really? I swear, kapag hindi na ako muling kinausap pa ni Helena, mananagot ka sa akin. Dahil ako na mismo ang papatay sa'yo!" Sabi niya. Itinago ko ang pagkagulat at sakit na nararamdaman dahil sa kaniyang sinabi. Siya na ang papatay sa akin? Should I be honored or not? "Ginagawa ko lang ang nararapat! Ginagamit ka lang niya para makuha ang pera mo pero habol ng habol ka pa rin sa kaniya. Nililigtas lang kita sa mga bagay na kayang niyang gawin." Sagot ko habang nakatingin din sa kaniya. Imbes na mapanatag, mas lalo lamang siyang nagalit sa sinabi ko."Mahal ako ni Helena at mahal namin ang isa't-isa! Tama na nga ang paggawa mo ng kwento kasi hindi ako maniniwala sa'y
Nandito na ako ngayon sa loob ng Sundae Barista at hinihintay si Mr. Bautista. He said we have a meeting and I don't know what is that meeting all about. Usually kasi kapag may meeting kaming dalawa ay agad niya nang sinasabi sa akin kung tungkol saan iyon at ie-explain na lang niya ang details in person pero ngayon, nagwa-wonder ako kung tungkol saan ang meeting namin ngayon.Kinuha ko ang phone sa bag ko nang mag-ring ito."Hello?" "Dahlia, your child wants to talk to you," sambit ni Ferrer. "Okay, give them the phone," sabi ko. Narinig ko na lang ang pagka-usap niya sa bata bago ko namalayan na hawak na ito ni Daryl."Hi Mom," he said. "Hi Mom," Dionne on the other side."Yes babies?" I asked."Will you please bring us pasalubong? Hmm?" I heard Dionne said cutely."What do you want?" Tanong ko pa. Naaninag ko na sa labas ng Barista ang kotse ni Mr. Bautista kaya napangiti ako sa nakita. I think he's going to tell me something big and surprising."Just a pizza from the store last
"Are you okay now? May iba ka pa bang nararamdaman na masakit sa katawan mo?" Nilingon ko si Mr. Ferrer nang tanungin niya ako.I just woke up na kaharap ko na siya. I didn't even know kung paano siya nakapunta dito or bakit siya ang kasama ko. Hindi ko naman siya tinawagan, hindi ko nga sinagot ang tawag niya eh."I'm fine." Sagot ko at inalis ang kumot sa katawan at bumaba sa hospital bed. "Why are you here? I don't remember calling you." Dagdag ko pa nang tuluyan na akong makababa sa kama. Umikot naman siya papunta sa direksyon ko at inalalayan ako."You didn't answered my call. I decided to visit you here. I went to your house but you're not there." Gulat akong napalingon sa kaniya."How did you know my house?" Tanong ko. Nahihiya naman siyang tumawa bago sumagot."I stalked you. But don't get me wrong, I don't have any bad intentions to you and to your child." Mabilis niyang paliwanag nang samaan ko siya ng tingin."Then stop courting. Bad intention 'yon para sa akin since hindi
Naging tahimik ang apat na sulok ng kwarto nang pumasok dalawa at nang makita nila ako. Hindi sila makapagsalita at para bang iwas na iwas sila na makasalubong ang mata ko.I couldn't blamed them. Ngayon na lang ulit namin nakita ang isa't isa matapos ko silang pagbawalan na bisitahin si Kuya. Oo, kahit kaibigan sila ni Kuya ay hindi ko sila pinapayagan na pumunta dito, I have my reason. Tanging si Baste at Macy lang ang pinahintulutan ko.For all those years, nakita at nalaman ko na ilang beses nilang sinubukan na puntahan si Kuya pero hindi nila magawa dahil sa higpit ng mga bantay. At sa limang taon na 'yon, wala na rin akong naging balita sa kanila. "It's fine. Wala na akong magagawa dahil nandito na rin kayo." Sambit ko sa kanila at tumango saka nilingon ang natutulog kong kapatid.Five years yet nothing's change."Uhm, Hi Dahlia. It's been five years and it's nice to meet you again." Bati sa akin ni Jacob na ikinatango ko lang. They changed. They look more manly now. Malalaki
"I'm so excited to see tito-daddy! I'm sure he miss me too." Masiglang sabi ni Dionne habang tinatalian ko ang buhok niya. "How sure are you? He's still sleeping." Sagot naman ni Daryl. Tiningnan naman ni Dionne ang kakambal mula sa salamin at inikutan ito ng mata."You're so epal palagi, alam mo 'yon? Shut up your mouth na lang kung wala ka rin namang magandang sasabihin. Duh! Palibhasa kulang palagi sa pansin." Sabi nito sa kakambal at umirap.Huminga ako nang malalim. Kahapon pa sila ganito. I mean, araw-araw na silang nagbabangayan, hindi na ata maawat. Ewan ko ba kung anong tinuro nina Macy at Baste sa anak ko kaya nagkakaganito."What? I am just telling the truth. You always talked a lot and you always put me in a bad situation like it's all my fault!" Sambit ni Daryl. Halata mong naiinis siya pero mas pinipili niya ang kumalma dahil ayaw niyang masigawan ang kapatid.Palagi na lang silang ganito. Sumasakit ang ulo ko sa kanilang dalawa. Mga pasaway na bata. Pero kahit na gano'
"Meeting adjourned."Nauna na akong tumayo sa upuan at naglakad na palabas. Pipihitin ko na sana ang pintuan nang may tumawag ng pangalan ko."Dahlia." I looked at the person who called me. He's walking towards me while the people we're with are exiting the room."Call me at my surname, Mr. Ferrer." Ani ko sa pormal na tono pero nakita ko lang na tumaas ang sulok ng labi niya.Hinintay niyang makalabas ang lahat ng kasama namin hanggang sa kaming dalawa na lang ang natira dito."I prefer calling you at your name." Aniya habang titig na titig sa akin. Umiwas ako ng tingin at tumingin sa may bintana niya kung saan kitang-kita ang view ng resort niya.Kumbaga ay parang isang malaking pader iyon na gawa sa glass kaya makikita talaga ang view sa labas. It's very calming and refreshing."I prefer everyone to call me by my surname. Just like how you prefer everyone to call you at your surname, right Mr. Ferrer?" Sambit ko habang ganoon pa rin ang expression ng mukha. I remained it as blank a
Hindi ko mapigilang malungkot sa aking nakikita. Malaki na ang tiyan ko at sa susunod na buwan na ang due date ko. Masiyadong mabilis ang takbo ng panahon at hindi ko napansin na malapit na pala akong manganak. Parang kailan lang ay naeenjoy ko pa ang buhay ko pero ngayon ay kailangan ko nang mag-ingat lalo na't may responsibilidad na ako.Halata rin ang paglobo ng katawan ko. Ang daming nagbago sa panlabas na kaanyuan ko. I'm having a stretchmarks over my body and I gained a lot of weights since I found out that I'm not only having a one child, but rather a two child.Yes, you've heard it right. It's a twin. Mas lalo lamang umuusbong ang galit ko dahil dito. Bakit dalawa pa ang ibinigay sa akin na bata? Isa pa nga lang hindi ko na matanggap, dalawa pa kaya? Kung alam ko lang na ganito pala ang kinalabasan ng pagpili ko na mabuhay ang bata, sana tinuloy ko na lang ang paga-abort noon.Just because I keep them inside my womb, it doesn't mean I will love them. It's still a rapist child
Tatlong buwan na ang nakalipas nang maaksidente si Kuya at matapos maiburol sila mommy and daddy. Mas pinili kong ilagay ang abo nila dito sa bahay kaysa sa libingan. At least dito ay palagi ko silang nakikita at mararamdaman na kasama ko sila.Tumayo ako at humarap sa salamin na nasa kwarto ko. May umbok na ang tiyan ko, medyo halata na siya kung magsusuot ako ng fit na damit pero kapag oversized t-shirt ay hindi naman.I decided to keep the baby not because I want it. Wala lang akong choice dahil pinipilit ako ni Macy at Baste na dalhin ang batang 'to. Ano pang magagawa ko?"Dahlia." Napalingon ako sa pintuan nang bumukas ito at pumasok si Macy. Nang maisarado niya ang pintuan ay binalik ko rin ang tingin sa salamin para pagmasdan ang sarili.I looked fat. Hindi naman 'yong masyadong mataba, ibang-iba kasi ang katawan ko noon kaysa sa katawan ko ngayon. The reason must because of my pregnancy."Will you really stop going to school?" She asked. Tiningnan ko siya mula sa salamin. Sh
Para akong nabingi sa narinig ko. Nakikita kong gumagalaw pa ang labi niya pero hindi ko na maintindihan ang gusto niyang sabihin sa akin. Isang salita lang ang tinanggap ng utak ko."You're pregnant."I am what? Pregnant? Is this another kind of prank? Kasi kung oo, mababatukan ko 'tong si Baste. Pero kung hindi... No! It's not really true! Hindi naman talaga totoo ang lahat ng sinabi niya. Bakit ako maniniwala sa kaniya na puro biro lang naman ang mga sinasabi niya."Dahlia!" Humakbang siya palapit sa akin nang mapa-upo ako sa sahig. I looked at him. "Stop me with your jokes, Baste! I'm just sixteen and I'm not fvckin' pregnant! Who the fvck are you to tell me that gibberish, huh? You really like putting a jokes on me. I'm starting to hate you because of that!" Sambit ko at tinabig ang kamay niya na nakahawak sa akin.Is he enjoying making fun of me? Masaya bang makita na naiinis ako? Bakit pa palagi nila akong pinaglalaruan? Pagod na ako. Pagod na pagod na ako. Gusto ko nang manah
"BASTE! BASTE! SANDALI NGA!"Sinubukan ko siyang habulin pero hindi ko magawa. Ang laki ng mga hakbang niya na para bang nagmamadali siya.Ano ba kasing meron? Bakit pupuntahan ni Kuya si Nathan sa airport? May kailangan ba siya sa kaniya? At si Baste, bakit nagmamadali siyang sundan si Kuya sa airport? Anong gagawin nilang dalawa doon?"Baste, wait lang. Hintayin mo ako!"Huminto siya sa paglalakad at nilingon ako."Just stay here and wait for us. Sandali lang naman kami doon. We're just going to talk to him." Sagot niya pero kumunot lang ang noo ko."Bakit kasi kailangan niyo pa siyang kausapin? Leave him alone! Diba nga aalis na siya? Edi magandang balita 'yon. Hayaan niyo na lang siya ngayon, pwede? It's already ended, tama na!" Sambit ko at hinawakan ang braso niya. "Please call Kuya and tell him to come back here? Kinakabahan kasi ako at pakiramdam ko..."Tinitigan niya ako sa mata nang putulin ko ang sinasabi ko. Ayaw ko ring sabihin ang nararamdaman ko sa kaniya dahil natatako