“Oh? Pumunta na rito si Mr. Goldmann dati?” Hindi maitago ni Madam Vanderbilt ang kaniyang saya.Si Mr. Goldmann ng Bassburgh, lahat ng nasa Coralia ay kilala siya.Isa ng kasabihan na makakamit ng sinuman ang karangyaan at kayamanan na hinihiling nila sa buhay na ito kung mapapalapit sila sa mga Goldmann.Pinilit na ngumiti ni Leila at nagpaliwanag, “Mom, matagal nang nangyari iyon. Busy na masiyado si Mr. Goldmann sa trabaho ngayon, kaya imposibleng pumunta siya rito.”“Paano niyo malalaman kung hindi siya makakapunta kung hindi mo siya tatawagan?” Ngumisi si Maisie.Puno ng galit ang tingin ni Leila sa kaniya. “Zee, huwag kang gumawa ng gulo.”‘Hindi ko dapat hayaang sirain ng bruhang ito ang plano ko!’Nang makitang sobrang kinakabahan sina Leila at Willow, sigurado si Maisie na natatakot ang mga ito na baka tawagan nga talaga niya si Nolan at masira niya ang pagpapanggap nila na sisira sa imahe nila sa harapan ni Madam Vanderbilt.Nakatanggap ng text message si Mais
“Mommy!”Sinunggaban ni Daisie ang ina at tumingala, nakangiti pati ang kaniyang mga mata. “Mommy, Mommy, kay Daddy na tayo titira sa susunod, hindi ba?”Sinulyapan ni Maisie ang lalaking nasa tabi niya at walang sinabi. ‘Hindi ko iyon kusang gagawin!’Lumapit si Nolan at kinarga si Daisie. “Oo, kasama niyo na si Daddy sa susunod.”Nang makitang humihiyaw sa tuwa ang tatlong bata, si Maisie na nakatayo sa gilid ay kumunot ang noo, humalukipkip at umiwas ng tingin.Gayunpaman, hindi pa niya nakitang ganito kasaya ang mga anak niya.Si Mr. Cheshire na nasa tabi ni Quincy ay hindi inaasahan ang pangyayari.‘Hindi lang nagkaroon ng tatlong anak ang young master pero inuwi niya rin ang nanay ng mga bata rito. Akala ko ay si Ms. Vanderbilt ang magiging future mistress ng mga Goldmann.‘Kamangha-mangha ito!’Lumingon siya kay Quincy at sinabing, “Siya ba talaga ang magiging young lady natin?”Tiningnan siya ni Quincy. “Nagsilang pa si Ms. Vanderbilt ng mga bata para sa pamilya, si
Nang maramdaman na lumulubog ang kutson sa likuran niya, alerto niyang binuksan ang mga mata.Pero wala ng ibang gumalaw pa matapos humiga ang lalaki sa likuran niya, kaya sandali muna siyang lumingon.Nakatulog na ang lalaki habang nakatalikod sa kaniya.Mayroon pang sapat na espasyo para sa isa pang tao sa gitna ng malaking king-sized bed.Doon lang medyo nag-relax si Maisie, pero hindi siya nagpakamante na lang. Walang nakakaalam kung hanggang kailan tatagal ang kapayapaan na ito, pero sobra na talaga siyang inaantok at hindi niya na namalayan na nakatulog na pala siya.Nagising si Nolan dahil sa isang sampal. Bahagyang kumunot ang noo niya, at pinagmasdan ang babaeng naka-starfish position sa tabi niya. Wala na rin itong kumot.Napakamot siya sa kaniyang noo.‘Malikot pala matulog ang babaeng ‘to?’Mayroon biglang naisip si Nolan noong nilalayo niya ang kamay ni Maisie at napatitig siya rito…Pagkasinag ng araw sa loob ng kwarto, awtomatikong bumukas nang dahan-dahan
Huminto ang kotse sa harap ng Taylor Jewelry. Sabay na bumaba sina Kennedy at Maisie at naglakad papunta sa main entrance.Ang Taylor Jewelry ang pinaka malaking jewelry company sa Zlokova, ang mga subsidiaries nito ay nasa top 10 ng bansa. Sinuman na gustong mapunta sa tuktok ng industriya ay kailangan na magkaroon ng partnership sa kanila.Karamihan sa mga materyales na ginagamit ng Taylor ay minomonopolyo. Ang rough diamonds at opals na ginagamit nila ay hindi mahahanap sa iba, pero hindi lahat ay pwedeng maging best supplier ng rough stones dahil sa requirements sa presyo at kalidad nito.Lumapit si Kennedy sa front desk para sabihan ang staff sa kanilang pagdating. Nang makumpirma ang kanilang identity, dinala sila sa VIP lounge.Mayroon dalawang tao sa VIP lounge na mukhang galing sa ibang kumpanya.“Maupo muna kayo. Babalikan namin kayo mamaya.”Naglakad sina Kennedy at Maisiie papunta sa kabilang couch at naupo nang umalis na ang staff.Ang babaeng nakaupo sa tapa
Mas palakaibigan si Mr. Santiago kumpara sa kaniyang anak.Napangiti na lang si Kennedy. “Mukhang pareho tayo ng intensyon ng La Perla. Pinadala nila si Ms. Santiago para makipag-negosasyon para sa isang partnership.”“Balak nilang makuha ang source ng Taylor?” Tumaas ang mga kilay ni Maisie.Nag-aalala si Kennedy. “Ano kaya ang kondisyon na ilalapag ng La Perla? Baka hindi sapat ang $12,000,000.”Kahit ang access lang sa tanzanite ay nagkakahalaga na ng $12,000,000. Dahil Taylor lang ang nag-iisang kumpanya na mayroong karapatang makatrabaho ang Beaumont, siguradong malaking halaga ng pera ang nagastos ng Taylor para mamonopolyo ang import channels.Halos isang oras silang naghintay doon bago muling dumating ang staff. “I’m sorry, sabi ni Madam Nera ay bagong established pa lang ang studio niyo at hindi pa listed, hindi niya alam kung anong ability niyo. Gusto niyang bumalik kayo kapag mas naging established na kayo.”Tumayo si Kennedy. “Sinabi talaga iyan ni Madam Nera?”
Hindi sila gumawa ng eksena. Kung palalayasin nila ang mga ito dahil lang sa bago silang kumpanya, sasabihin ng mga tao na minamaliit ng Taylor ang mga bagong kumpanya.“Hayaan mo silang maghintay kung iyon ang gusto nila.”Pagkatapos ng isa pang oras, bumalik ang staff para mag-report, pero hindi iyon pinansin ni Madam Nera. Pagsapit ng hapon, bumalik ang staff para muling mag-report, “Hindi pa rin sila umaalis. Nag-order sila ng pagkain. Mukhang balak nilang magpalipas ng gabi rito.”Hindi na pwedeng maupo na lang si Madam Nera katulad ng una niyang plano. Inikot niya ang kaniyang wheelchair. “Dalhin mo ako sa kanila.”Minaliit niya ang tiyaga ng mga empleyado ng maliit na kumpanya. Iyon siguro ang dahilan kung bakit siya nagtataka. Gusto niyang makita kung gaano kalakas ang loob ng maliit na kumpanyang ito.‘Hindi sila nahihiya. Ayaw nilang umalis kahit na ayaw silang makita ni Madam Nera.”“Mahihiya akong mag-stay kung ako iyan.”“Nag-order pa sila ng pagkain. Akala b
Pagkatapos ng sabihin iyon, lumapit siya kay Madam Nera, ngumiti at direktang tumingin sa mga mata. “Ginagamit ng Taylor ang tanzanite bilang isang exquisite gem. Ibig sabihin ay pareho nating nakikita ang malaking potensyal ng tanzanite.“Napaka-kaunti lang nga designs na gumagamit ng tanzanite sa Zlokova. Karamihan sa mga bata ay hindi pa nasasaksihan ang ganda ng tanzanite. Kung nakatago ito, wala ng rason pa para manatili ito sa market.Tinitigan ni Madam Nera ang sincere na dalaga sa harapan niya, iniisip niya ang mga taong kinausap siya tungkol sa pakikipag-partner para sa channels ng tanzanite. Hindi nila iyon pinili dahil sa ganito nito bagkus ay nagustuhan lamang nila ito dahil kakaunti lamang ito.Limitado lang ang dami ng pwedeng maminang tanzanite. Wala ng matitira pa sa mga susunod na dekada, at kapag nangyari iyon, malalagpasan nito ang halaga ng sapphires.Dahil mas malaki ang halaga ng mga bibihirang bagay, ayaw niyang sayangin ang ganoong kahalagang bato sa isa
Parang ilusyon ang mukhang iyon sa sobrang ganda!Tiningnan siya ni Nolan. “Nakabalik ka na?”Umiwas siya ng tingin at naglakad habang hawak ang agreement. “Marami kang libreng oras, Mr. Goldmann.”“Narinig kong nagsayang ka ng kalahating araw sa Taylor Jewelry bago mo makausap si Madam Nera?”“Mayroon ka bang camera?” Chineck niya ang kaniyang mga damit. Siguradong mayroon itong hidden camera!Tinikom ni Nolan ang maninipis na labi. Dahan-dahan siyang tumayo at lumapit kay Maisie. “Bakit hindi mo sinabi sa kaniya na parte ka ng Blackgold Group?”Ang isang bagong kumpanya na gusto ng partnership sa Taylor ay posibleng maliitin dahil hindi alam ng Taylor ang kakayahan nito. Pero kung isa itong kumpanya na nasa ilalim ng Blackgold Group, pwede itong pag-isipan ni Taylor dahil mayroon itong financial backing.Baka hindi pa pansinin ni Nolan ang mahirap na mga kondisyon na ibibigay ng Taylor.Nilapag ni Maisie ang agreement sa desk at sumandal dito. “Bakit ko naman dapat sa